Home / Romance / The Billionaire's Ex-Wife / Chapter 1: A Tragic Day

Share

The Billionaire's Ex-Wife
The Billionaire's Ex-Wife
Author: silvermist

Chapter 1: A Tragic Day

"Gusto mo ba ng pork adobo ngayong lunch, hon?" tanong ko kay Alex habang abala siya sa pag-aasikaso ng kanilang negosyo.

"Sure, hon. Love you! Tinatapos ko lang 'tong work ko," ani niya naman kaya napangiti ako.

Ang swerte kong magkaroon ng asawa na kagaya ni Alex. Kahit na hindi ako kasing yaman at kasing ganda ng ibang mga babae ay naging matapat pa rin siya sa akin hanggang sa ikinasal na kami. Dati akong nagtatrabaho sa kompanya nila bilang isang human resource officer. 

Napangiti naman ako. "Sige, hon. Take your time lang diyan."

Tumungo na ako sa kitchen para magluto. Dito kami tumira sa isa sa mga condo nila Alex sa New York at mabuti nalang dahil hindi na kami dito pinasundan ni Tita. Ayaw na ayaw pa naman niya sa akin bilang asawa ng anak niya, pero pinili naming ipaglaban ang pagmamahalan naming dalawa.

Pagkatapos kong magluto ay naghanda na ako para sa lunch namin. Halos isang buwan na rin kasi akong walang ginagawa kung hindi ang alagaan si Alex dahil ayaw na niyang magtrabaho ako.

"I'm done, baby," ani niya naman sabay yakap sa akin. "Hmm, ang bango naman ng niluto ng baby ko."

Ito lagi nalang akong bini-baby.

"Tara na kumain na tayo dahil 'di ba sabi mo ay may meeting ka pa mamaya with Mr. Valderama for that new project, tama ba?"

He nodded. "Yup, and I'll be going to our seventh branch mamaya for checking."

Umupo na kami at nag-umpisang kumain. Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain, bigla namang tumunog ang cellphone niya kaya napatigil siya sa pagkain.

"Sagutin ko lang 'to," wika niya sabay tayo at sinagot ang tawag.

"Trina, what is it?" Dinig kong sabi niya.

Nagulat naman ako dahil simula nang tumira kami rito ay ngayon lang ulit tumawag ang kapatid niyang si Trina sa kaniya. 

"What? How's Mom's condition?"

Napatigil na ako sa pagkain nang marinig ko ang sinabi ni Alex. 

"Okay, uuwi ako ngayon araw, don't worry," anito at binaba na ang tawag.

Umupo na siya sa mesa at napatitig sa akin. "Mom was taken into the hospital this morning. Hon, I need go home, alam kong maintindihan mo ako."

Napabuntong-hininga naman ako. "I understand, hon. Kakalimutan ko nalang muna ang mga issue sa pamilya mo at sa akin," sambit ko.

Lumapit naman siya sabay halik sa noo ko. "I love you. Don't worry at uuwi rin ako agad kapag naging okay na si Mommy."

Pagkatapos naming kumain ay naghanda na siya ng mga gamit niya pauwi. Cancelled na rin lahat ng mga meetings and schedule niya para ngayong araw dahil sa emergency. 

"Anong oras ka aalis mamaya, hon?" tanong ko kay Alex na kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit niya.

Napalingon naman siya sa akin. "Nagpa-schedule na ako ng flight ko ngayon 1pm, hon. Don't worry, it'll just a week and babalik na agad ako rito," anito.

Ngumiti naman ako sabay lapit sa kaniya. Hindi talaga ako pabor sa pag-alis niya lalo na at may issue pa kami sa pamilya niya, pero wala naman akong magagawa dahil kapag may nangyari kay Tita ay ako pa ang masisi ni Alex.

"Mag-iingat ka ha? Alam mo namang kapag umaalis ka ay kung ano-ano na ang inisiip ko, pero huwag kang mag-alala, I'll be okay," pahayag ko naman sa kaniya.

Napangiti naman siya sa akin at isinara na ang maleta niya. Parang ang bilis lang ng panahon, hindi ko akalain na magiging asawa ko na siya ngayon at makakasama sa isang bahay. 

"I'll be going now. I love you!" Lumapit na siya sa akin at niyakap ako.

"Keep safe. I love you too!"

Lumabas na siya ng condo at umalis. Hindi ko na siya sinamahan hanggang sa lobby dahil mas malulungkot lang ako. Nag-text nalang ako kay Yumi dahil kapag mag-isa lang ako dito aa condo ay alam kong mapapa-isip lang ako.

Maya-maya pa ay may nag doorbell na galing sa labas kaya dali-dali akong naglakad papunta sa pintuan.

"Kimberly, my friend! I missed you, beh!" bungad na wika niya naman sa akin.

Pumasok na siya at napa-upo sa couch sabay awra. Napatawa naman ako dahil isa talaga si Yumi sa mga nagpapasaya sa buhay ko, at sa mga pagkakataong kailangan ko ng kaibigan na masasandalan, nandito siya palagi para sa akin.

"May trabaho ka ba ngayon araw, yum?" tanong ko sa kaniya sanay upo rin sa couch sa tabi niya.

Napa-iling naman siya sa akin. "Beh, sa tingin mo pupuntahan kita rito ngayon kung may trabaho ako? Alam mo ayos ka rin eh no!"

"Sorry naman, bumalik kasi si Alex ng Pilipinas kaya mag-isa lang ako..."

"Bumalik si Alexander ng Pilipinas? Hoy beh, baka naman i-ghost ka na ng lalaking 'yon ha? Aba, makakatikim talaga siya ng powers ko, sinasabi ko sa'yo," pahayag niya naman sabay yukom ng kamao niya sa akin kaya napa-iling nalang ako.

Napahinga ako ng malalim. "Hindi naman sa gano'n beh. Atsaka papakasalan ba ako ni Alex at dadalhin dito sa New York kung hindi niya ako mahal?"

"Okay, fine! Pero bakit nga ba siya umuwi? Umarte na naman ba ang kapatid niyang bruha na si Trina?" tanong niya sabay kuha ng chips na nasa coffee table.

I shook my head. "Nope. Nasa hospital ang Mommy niya dahil inatake na naman yata ng hypertension at dahil na rin may sakit 'yon sa puso kaya ayon, kailangan niuang puntahan." 

Wala naman kasing problema sa akin ang pag-alis ni Alex. Alam kong mahal niya ako at hindi niya ako iiwan, pero paranoid lang siguro talaga akong klaseng babae kaya ganito.

Nagulat naman ako nang bigla akong hawakan ni Yumi sa magkabilang balikat. "Alam mo beh, gets ko 'yung part sa'yo na nasaktan ka ng ex-boyfriend mong siraulo na 'yon, I understand that. Pero beh, hindi na si Timothy ang asawa mo ngayon, kaya please lang tama na kaka-isip na baka lokohin ka niya at ipaglapit sa kasusyo ng mga magulang niya."

Napangiti naman ako. "Salamat Yumi ha? Siguro kung hindi ka pa pumunta rito ay baka nag-overthink na naman ako hanggang makabalik si Alex," sambit ko sa kaniya.

"Walang problema basta ikaw, beh. May pagkain ba diyan? Nagugutom ako eh."

Marahan ko naman siyang hinampas sa braso. "Ikaw talaga hindi ka na nagbago. Ang takaw mong kumain, pero ang sexy mo pa rin. Sige sandali lang ikukuha kita ng meryenda."

Napagpasyahan naman ni Yumi na dito nalang din matulog ngayong gabi sa condo dahil wala rin naman siyang kasama sa kanila. Simula kasi nang mamatay ang amerikano niyang jowa ay ibinilin na sa kaniya lahat ng kayamanan nito kaya wala na siyang problema sa pinansyal.

"May balak ka pa bang umuwi sa Pilipinas, beh?" tanong naman niya habang kumakain kami ng hapunan.

Napatigil naman ako sa pagkain at napatingin sa kaniya. "Uhmm, hindi ko alam. Besides, wala na rin naman akong uuwian do'n. Wala na rin namang pakealam sa akin si Tita Mildred pagkatapos akong pag-aralin kaya bahala na."

"Pero grabe beh, ano? Sikat na model na ngayon ang anak ng Tita Mildred mo ngayon, h'wag ka!"

Napa-irap naman ako sa sinabi niya. "Wala naman akong balak na tapatan ang mga pinsan ko na 'yon kaya hayaan mo na," wika ko. Tapos ka na bang kumain?" 

"Oo beh, ang sarap mo talagang magluto ng chopsuey. Doon sa condo ko, puro ordered foods lahat ng kinakain ko at hindi rin naman ako marunong magluto," sambit niya pa sabay tawa.

Pagkatapos naming kumain ay nilinis ko na ang pinagkainan namin. Nag-aaya naman si Yumi na uminom, pero alam kong ayaw ni Alex na umiinom ako kaya tinanggihan ko na siya.

"Grabe naman 'to. Mukhang dati noong college days natin ay ikaw pa ang nag-aaya sa akin sa mga inuman," anito.

Napatawa nalang ako. "Iba na ngayon, beh. Alam mo namang ayaw ng asawa ko, 'di ba?"

"Ay siya sige, matulog nalang tayo beh at baka maka-iyak ka pa diyan kaka-isip sa asawa mong nasa eroplano na ngayon pauwi ng mahal nating bansa," wika pa nito ay pumasok na sa guest room.

Sa kabuuan ng condo kasi ay mayroong tatlong kwarto. Ang master's bedroom kung saan kami natutulog ni Alex, at dalawang guest rooms. Malawak ang buong lugar kaya kahit na ilan pa ang magiging anak namin ni Alex ay walang problema.

Kinaumagahan ay maaga pa akong nagising para magluto ng agahan namin. Nasanay na kasi ako na gumising ng maaga para ipagluto si Alex. Full housewife talaga ang peg ko ngayon dahil wala na rin naman akong trabaho.

"Aga mo magising beh ah? Araw-araw ka bang gan'to?" 

Napatigil naman ako sa paghiwa ng spam at napalingon kay Yumi. "Ay oo. Usually kasi maaga ring pumapasok sa trabaho at meetings si Alex kaya nagluluto na ako ng mga ganitong oras."

Nagtaka naman ako kung bakit napataas bigla ang kilay no Yumi sa akin.

"Aba, grabeng pagbabago ang naidulot ng pagpapakasal mo diyan kay Alexander, beh ah. That's good, tama 'yan," sambit pa niya.

It's been a month since ikinasal kami ni Alex. It's a private wedding na kami lang at mga kaibigan ni Alex na pabor sa amin pati na rin ang mga kaibigan kong sila Yumi ang dumalo. It was a success and agad kaming lumipad dito papuntang New York para magsimula ng bagong buhay, pero nagpapasalamat naman kami dahil ang posisyon ni Alex bilang Vice-President sa kompanya nila ay hindi tinanggal ng lolo niya.

"Kain na ba tayo?" tanong ko naman kay Yumi habang kasalukuyan kaming nasa veranda na umiinom ng kape.

"Ang aga mo namang kumain, pero sige dahil para maaga akong makapagbenta ng mga beauty products  mamaya sa mga kaibigan ko sa condo."

Kumain na kami na kaming dalawa ni Yumi at sa kalagitnaan ay binuksan niya ang TV sa harapan.

"Hindi ka ba mahilig manuod ng TV, beh?" tanong niya habang pumipili ng channel.

Napa-iling naman ako. "Hindi beh, kapag kasi ganito ay tinutulungan ko si Alex sa work niya pagkatapos ay nagde-design ako ng mga damit online kaya hindi ako nababagot kapag wala akong ginagawa."

Fashion design kasi talaga ang tinapis kong course since I really love making outfits, pero noong nag-apply ako sa kompanya nila Alex ay sa human resource department lang ako inilagay kahit na alam kong capable ako of doing things, pero hinayaan ko nalang para wala nang gulo.

"Alam ba 'to ni Alex?" tanong niya pa.

Agad naman akong umiling sa kaniya. "I don't want to bother him, lalo na at ang iniisip niya ngayon ay to build family with me. Gusto ko na rin namang magsettle, pero syempre there are things in life na gusto kong gawin."

"Kaya hinayaan mo nalang, gano'n?"

Napabuntong-hininga nalang ako kay Yumi. "Sandali lang kukuha lang ako ng ketchup sa kusina," tumayo na ako at naglakad papunta ng kusina.

"Aaaahhh! Kimberly!" Nagulat naman ako sa biglang pagsigaw ni Yumi kaya dali-dali akong bumalik sa hapag-kainan.

Agad naman akong lumapit sabay hawak sa magkabilang braso niya. "What is it? Anong nangyari?" 

Nagtaka naman ako dahil may itinuturo siya, dahilan para mapatingin ako sa TV. Nanlambot naman ang mga tuhod ko nang makita ang balita. Ang private jet na sinasakyan ni Alex pauwi na B467 ay crash sa kalagitnaan ng pacific ocean. Hindi ko naman alam kung matutumba ba ako o uupo sa silya dahil nanlalambot na talaga ang buong katawan ko.

"Relax Kim, relax." 

Ayokong maniwala sa mga nangyayari, ayoko nang manuod ng balita, at hindi ako naniniwalang isa nag plane crash ang jet na sinasakyan ni Alex. It's just hilarious.

"No, hindi pwede." Napatingin naman ako kay Yumi ng mariin. "Tell me na hindi totoo ang balitang 'yan Yumeiko. Tell me!" 

Napasigaw na ako dahil sa halong takot at sakit na nararamdaman ko. Ang bilis ng mga pangyayari. Kahapon ay nagpapa-alam pa sa akin si Alex pagkatapos ngayon ay 'yan na ang makikita kong balita?

"Kimberly makinig ka sa'kin. Alam ko ang nararamdaman mo ngayon, pero kailangan mong kumalma..."

"Paano ako kakalma kung patay na ang asawa ko? Sabihin mo nga sa akin? This is insane!"

I couldn't hold my pain anymore. Pakiramdam ko ay namimilipit ang puso ko sa sakit na tila ba ay sinasaksak ako ng paulit-ulit. Hindi ako makapaniwala na ang nag-iisang tao na nagmamahal sa akin ng buong-buo ay wala na.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Perla Lagaret
Sana tuloy2 na
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang ganda ng story na to
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status