Nagising naman ako dahil sa naramdaman kong sakit sa ulo. Bigla ko namang tinakpan ang mga mata ko dahil sobrang liwanag ng paligid.
“Doc, she’s awake.”
Nakarinig naman ako ng ilang mga yapak at boses kaya marahan ko nag inilibot ang paningin ko at nagulat naman ako nang makita ko lang ilang nurses na nasa harapan ko. Naalala ko naman ang pangyayari kanina.
“Alex?” sambit ko at agad siyang hinanap sa paligid.
Napatigil naman ang paningin ko sa lalaking nakatalikod katapat ang Doktor. Kahit saang anggulo ko tingnan ay kilala ko ko talaga si Alex. Ilang buwan na rin kaming magkasama sa iisang bahay kaya naman ay kilalang-kilala ko na siya. Ang hind
Nang malaman kong buntis nga ako ay hindi naman maabot ang saya na nararamdaman ko, the only thing left right now is Alex. Hindi ko man alam kung ano ang nangyari after ng plane crash pero hindi pa rin ako titigil hangga’t hindi kami nagkaka-ayos ni Alex.“Special soup for my bestfriend!”Napalingon naman ako at nakita kong may bitbit na tray si Yumi na may nakalagay na pagkain. Ilang araw na rin simula noong nalaman niyang buntis ako na sobrang maalaga niya kahit sa mga kinakain ko. Ilang araw na rin na wala akong bagong designs na nagagawa dahil ayaw daw niyang may complications kami ni baby.“Alam mo, baligtad na tayo ngayon. Besides, for six months lang na
Anong kailangan sa ‘yo ni Miguel na ‘yan? Gusto niya bang magkagulo-gulo ang buhay mo at dadagdagan niya pa ang problema mo?” Ibinaba ko naman na ang cellphone ko at napatingin kay Yumi. “Hayaan mo, email lang naman eh. Wala akong panahon sa kaniya at hindi ko rin naman tatanggapin ang offer niyang ibinigay.” “Pero Beh…imagine ha, sponsor siya ng boutique. Ibig sabihin…ilang branch pa ang pwede nating ipatayo sa pera niya?” “Ayoko pa rin, Beh…” “Kaya nga, mas mayaman naman ‘yang asawam o keysa sa Miguel na ‘yan, pero ‘yon lang, hindi ka na niya maalala ngayon,” anito. Napatingin naman ako sa kaniya. “Alam mo ikaw, isa pa talaga.” Ang hilig niya ring asarin ako ngayon kay
Habang tinitingnan ko silang naglalakad paakyat sa stage ay hindi ko mapigilang malungkot. Dali-dali namang hinimas ni Yumi ang likod ko lalo na at alam niya kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Wala pang ilang segundo na umakyat sina Alex at Calypso ay dumating din naman si Tita Melody at ang isa pa nitong anak na si Trina. “Ang saya nilang tingnan…” sambit ko. “Kakarmahin din ‘yan sa lahat ng mga ginawa sa ‘yo, Beh. Huwag ka nalang tumingin pa.” Parang isang iglap lang ay nawala na naman sa akin ang lahat. Nangako ako dati na kahit ipagtabuyan pa ako ng mga magulang ni Alex ay hinding-hindi ko siya iiwan, pero sa nangyayari ngayo
The party ended around 11 in the evening kaya naman nang maka-uwi kami ni Yumi ay bagsak kaming dalawa, pero kahit na ilang oras na akong nakahiga dito sa kama ko ngayon ay hindi ko pa rin magawang makatulog nang maayos dahil sa dami rin ng iniisip ko. Si Alex, ang fiancee niyang si Calypso, si Miguel at ang magiging anak namin ni Alex na hindi niya manlang alam. “Ano Beh, may nararamdaman ka bang sakit?” tanong naman sa akin ni Yumi habang kumakain kami ngayon ng umagahan. Napa-iling naman ako. “Wala naman. Bakit?” “Kailan ka ba ulit magpapacheck-up? Hindi naman ngayon, hindi ba?” Hindi ko alam kung ano ba palagi ang pakay nito sa akin
“Can you please reconsider, Kim?” Napapahawak nalang ako sa noo ko dahil sobrang kulit din naman talaga nitong si Miguel kausap. Kanina ko pa siya sinasabihan ayaw ko, pero hindi manlang siya pinipigilan ng mga kasama ko rito. “I’ve said what I said. I’m sorry, ayoko talaga ng dagdag iisipin pa kaya please lang Miguel, tantanan mo na ako.” Nilapitan naman ako ni Yumi at tinapik na sa braso. “Beh…isipin mo nalang na malaking tulong ‘to sa negosyo natin at malay mo, matauhan ‘yang asawa mo kapag nalaman niyang girlfriend ka na ng pinsan niya, hindi ba?” “Beh…ayoko nga…” Napalingon naman na ako kay Miguel. “Ple
Natigilan naman ako sa narinig ko sa kabilang linya. Hindi ko alam kung jino-joke time ba ako ni Yumi ngayon o ano kaya napahinga ako nang malalim at kinalma ko muna ang sarili ko."H'wag mo akong biruin nang ganyan Yumi, hindi nakakatuwa...""This is not a joke, Miss. Kindly contact the Hospital's hotline for you to know the details."Ibinaba na niya ang tawag kaya nabitawan ko nalang bigla ang phone ko. Pakiramdam ko ay bumalik na naman ako sa dati kung saan ang naramdaman ko noong akala ko ay wala na talaga siya. Nanlalambot na naman ang mga tuhod ko na hindi ko alam.Pinilit ko namang makatayo at dali-dali nang kumuha ng sweater para umalis. Bumaba na ako at napansin kong maraming mga customers ang nakatambay sa loob dahil alam nilang uulan na.Hindi na ako tumigil pa at dali-daling lumabas. Dinig ko naman ang pagtawag ng mga staff namin pero hindi ko na ito pinansin at sumak
Parang wala ako sa sarili ngayon habang nandito sa labas ng operating room na nakatayo habang pinagmamasdan ang mga paraphernalias na nakakabit sa katawan ni Yumi. Ako na mismo ang nasasaktan para sa kahihinatnan niya ngayon."Have a rest, Kim. Ako na ang bahalang magbantay kay Yumi, I will keep her safe."Napalingon naman ako nang biglang magsalita si Marco sa likuran ko. It's already midnight at nanghihina na rin ang buong katawan ko. "Hindi ko siya kayang iwan dito habang ganito ang sitwasyon niya. Kung hindi dahil sa akin ay baka hindi 'to nanyari kay Yumi ngayon.""Don't blame yourself, Kim. Everything happens for a reason and I am a firm believer of that...""I am too, Marco," sagot ko pa. "I just can't deny the fact that this could've avoided if it wasn't because of me."He faintly tapped my shoulder. "I understand, Kim. But please rest assured, ako na ang bahala kay Yumi.
We are on our way ngayon sa bahay nila Miguel at nagulat naman ako nang papasok kami ng Forbes Park."Hindi mo sinabi sa akin na dito rin pala ang bahay mo. What if makita tayo ng pamilya ni Alex, o kaya naman tayo ang makakita sa kanila?"Napangiti naman sa akin si Miguel habang nasa gilid ko na naka-upo. "Malayo ang bahay ko kay Alex kaya for sure ay hindi kayo magkikita, don't worry. And besides, he has nothing to do with you na ngayon dahil ikakasal na rin siya."Bigla naman akong nalungkot dahil sa sinabi ni Miguel. Naalala ko nga pala na ikakasal na rin si Alex at si Calypso at mukhang magkaka-anak na rin silang dalawa. Nakakalungkot lang na ako ang asawa pero wala manlang akong magawa para ipaglaban ang karapatan ko na 'yon, dahil pati si Alex ay hindi na rin ako kinikilala.Habang nasa byahe kami ay sa labas lang ako nakadungaw. Si Yumi naman ay nasa likuran namin habang ang personal physicia