Alex’s point of viewHabang nag-iisa ako sa kwarto sa ospital at hinihintay sina Yumi at Paul na makabalik, ay biglang may pumasok sa aking kwarto na isang lalaki na hindi ko kilala kaya’t agad naman akong kinabahan at natakot na baka kung anong gawin niya sa akin,“Who are you?! what are you doing here?!” sigaw kong patanong sa kaniya,Ngunit nananatili siyang nakangiti at naupo siya sa upuan na katabi sa akin,“Alam mo—wag kang matakot sa akin, dahil wala naman akong gagawin sayong masama. Gusto lang kitang dalawin para sa mom mo, dahil gusto niyang malaman kung kamusta ka na, lalo na at nalaman niya kay Calypso na nabaril ka niya,” tugon naman niya sa akin,At nang marinig ko na binanggit niya ang aking ina, ay agad naman akong nawala sa aking mood.“You know what, umalis ka na dito dahil wala akong kailangan sayo at wala din akong kailangang malaman tungkol kay mom dahil tapos na kung anong meron sa amin okay? So you better leave,” saad ko naman sa kaniya,Napailing naman siya at
Pag-pasok ng Agosto ay isang malaking pag-diriwang ang nasimulan,Alex’s point of viewNasa altar na ako—nang biglang itinuro na sa akin ni Paul si Kim na nasa pintuan na ng simbahan, at mag-sisimula ng mag-lakad papalapit sa akin. Habang nakikita ko siyang papalapit sa akin ay doon na nag-simula ang pag-tulo ng aking luha, at nang makita ako ni Paul ay tinapik-tapik niya ako sa akin likod,“Talagang ipinaubaya parin sayo ni Kuya Miguel sa Ate Kim, at doon palang nakikita ko ng napaka-swerte mo,” pahayag niya sa akin,Agad naman akong napatingin sa kaniya, at ngumiti sa kaniya.Nang nasa harapan ko na si Kim, ay agad akong nag-mano kayna Tita Alejandro at Tita Lucy ngunit nang pag-mano ko kay Tita ay agad niya akong niyakap at binulungan niya ako,“Si Kim na yan—alagaan mo siya ha,” pahayag naman niya sa akin,At agad naman akong tumango sa kaniya, nang umimik din naman si Tito“Ito na ang kamay niya,” pahayag nito habang iniaabot na sa akin ang kamay ni Kim,Nang kunin ko ang kamay n
"Gusto mo ba ng pork adobo ngayong lunch, hon?" tanong ko kay Alex habang abala siya sa pag-aasikaso ng kanilang negosyo."Sure, hon. Love you! Tinatapos ko lang 'tong work ko," ani niya naman kaya napangiti ako.Ang swerte kong magkaroon ng asawa na kagaya ni Alex. Kahit na hindi ako kasing yaman at kasing ganda ng ibang mga babae ay naging matapat pa rin siya sa akin hanggang sa ikinasal na kami. Dati akong nagtatrabaho sa kompanya nila bilang isang human resource officer.Napangiti naman ako. "Sige, hon. Take your time lang diyan."Tumungo na ako sa kitchen para magluto. Dito kami tumira sa isa sa mga condo nila Alex sa New York at mabuti nalang dahil hindi na kami dito pinasundan ni Tita. Ayaw na ayaw pa naman niya sa akin bilang asawa ng anak niya, pero pinili naming ipaglaban ang pagmamahalan naming dalawa.Pagkatapos kong magluto ay naghanda na ako para sa lunch namin. Halos isang buwan na rin kasi akong walang ginagawa kung hindi ang alaga
"Uminom ka na muna ng tubig, beh."Nakatulala pa rin ako hanggang ngayon dahil sa mga nangyari. I can't even contact any family member of Alex kaya mas lalo akong nagiging praning.Lumapit naman sa akin si Yumi sabay haplos ng likod ko. "Have you checked your phone? Baka kasi may message ang mga kaibigan ni Alex sa'yo, try mo kayang tingnan," anito.Tumayo na ako at tumungo sa dining area kung saan ko iniwan ang cellphone ko kanina. Agad ko namang binuksan at nagulat nang sunod-sunod ang pagtext sa akin ng mga kaibigan ko sa Pilipinas, pero ni-isa sa mga kaibigan ni Alex ay wala akong natanggap na balita."Wala, walang message galing sa kanila. Sina Prexy lang at Clyde ang nagtext and tumawag sa'kin," pahayag ko naman sabay balik ng upo.Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung paano pa ako makakapagsimula ngayon sa sitwasyon ko na 'to. Alam kong papalayasin ako rito ng mga magulan ni Alex, pero hindi lang 'yon ang problema ko. I c
Nang makarating kami sa hotel ay dali-dali namang nagbayad si Yumi at agad na kaming tumungo sa kwarto namin. Ilang minuto rin ang hinintay namin hanggang sa matapos na pasok lahat ng mga luggage naming dalawa.“Magbihis ka na at magpahinga,” wika ko naman kay Yumi habang nagtatanggal ako ng sapatos ko.Panay naman ang hikab niya. “Kaya nga, tinatamad na rin akong magbihis. Good night, beh. Matulog ka na rin ha at baka mapahagulhol ka na naman ng iyak diyan.”Ngumiti naman ako. “Good night. Sige na magpahinga ka na at magpapahinga na rin ako pagkatapos.”Nakatulog ako nang mahaban sa byahe kaya medyo okay pa ako ngayon. Napag-isipan ko nalang na magshower muna bago matulog. Bukas ng umaga ako aalis para pumunta sa bahay nila Alex, at sana naman ay tanggapin nila ako sa huling pagkakataon. Maaga pa akong gumising ngayon dahil ang akala ko ay may gagawan pa ako ng breakfast. Hindi ko naman akalain na ang dating nakasanayan kong buhay ay nawala na na
Hanggang ngayon ay wala pa rin talaga ako sa sarili at tanging nakatulala lang ako rito sa hotel na tinitigilan namin ni Yumi. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko sa buhay ngayon lalo na at wala na ang tanging pinakamamahal ko. "Kim, halika na. I ordered some food for us. Wala ka pang kinakain simula kaninang umaga. Here oh." Iniaabot niya naman sa akin ang isang meal na inorder niya from a fast food restaurant. Wala talaga akong gana sa kahit ano ngayon dahil si Alex lang ang laman ng isip ko. I hate the fact that he's already dead. Hindi ko matanggap. "Wala akong gana, Beh. Mauna ka nalang kumain at susunod na ako," sagot ko pa sa kaniya. I've been exhausted the whole day at gutom na rin talaga ako, pero pakiramdam ko ay hindi ko naman kayang nguyain ang pagkain habang iniisip si Alex. Napansin ko namang napahinga nang malalim s
A sunny day for a mourning person like me. Kahit na ang ganda ng sinag ng araw ay hindi pa rin ako nito magawang pangitiin, pero hinahayaan ko lang ang sarili ko para maging malungkot. "Gising ka na pala, Beh. Halika rito, nagluto na ako ng almusal natin." Napatingin naman ako kah Yumi na naghahanda na sa table ng food namin. "Oh, sorry, Beh. Hindi agad ako nakagising nang maaga dahil puyat talaga ako kagabi." "Ano ka ba, wala 'yon. Hayaan mong ako naman muna ang mag-alaga sa 'yo ngayon." Napangiti nalang ako sa kaniya at umupo na rin sa dining table. Napansin ko namang nagluto siya ng longganisa at sinangag pati na rin sunny side-up na itlog. "Aba, marunong ka na palang magluto ngayon ah." Marahan niya naman akong hinampas sa braso sabay tawa. "Ano ka ba, syempre. Nakakahiya rin naman na ikaw lang ang magluluto palagi para sa ating dalawa.
"Beh! Halika na, baka ma-late tayo sa opening ng boutique natin!" bulyaw naman sa akin ni Yumi habang nandito kami sa taas.Katatapos ko lang kasi magbihis at nagsusuklay palang ako pero excited na agad siya. Nag-hire na rin kami ng ilang tao para sa boutique namin ni Yumi. Ilang buwan kami naghirapan sa pagplano at pag-design ko. May mga co-designers akong na hire at ilang staff kaya naman medyo hindi na kami nahihirapan."Wait! Hintay lang naman, akala mo naman ay may naghihintay na bisita sa atin eh."Napatawa naman siya. "Ano ka ba, may mga costumers na kayang naghihintay sa baba para bumukas at sobra nilang nagustuhan ang mga designs mo."Napatigil naman ako sa ginagawa ko at napatingin na sa kaniya. "Oh? Akala ko ba sila Ven at Matthew lang ang nandoon sa baba."Hindi naman kasi ako umaaasang may dadalo sa opening ng boutique namin ni Yumi lalo na at nag-uumpisa palan