"Uminom ka na muna ng tubig, beh."
Nakatulala pa rin ako hanggang ngayon dahil sa mga nangyari. I can't even contact any family member of Alex kaya mas lalo akong nagiging praning.
Lumapit naman sa akin si Yumi sabay haplos ng likod ko. "Have you checked your phone? Baka kasi may message ang mga kaibigan ni Alex sa'yo, try mo kayang tingnan," anito.
Tumayo na ako at tumungo sa dining area kung saan ko iniwan ang cellphone ko kanina. Agad ko namang binuksan at nagulat nang sunod-sunod ang pagtext sa akin ng mga kaibigan ko sa Pilipinas, pero ni-isa sa mga kaibigan ni Alex ay wala akong natanggap na balita.
"Wala, walang message galing sa kanila. Sina Prexy lang at Clyde ang nagtext and tumawag sa'kin," pahayag ko naman sabay balik ng upo.
Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung paano pa ako makakapagsimula ngayon sa sitwasyon ko na 'to. Alam kong papalayasin ako rito ng mga magulan ni Alex, pero hindi lang 'yon ang problema ko. I can't live without him. Siya ang nagbigay ng direksyon sa buhay ko, without him baka hindi ko na rin ngayon alam ang gagawin ko.
"You need to be strong, beh. Alam kong sobra-sobra ang sakit na idudulot sa'yo nito ng ilang taon o baka nga habangbuhay na, pero hindi pwedeng ma-stuck ka sa pangyayaring 'to," wika naman ni Yumi.
Napatingala ako sa kaniya. "How do I bounce back sa mga nangyayari ngayon beh? You think makakapagsimula ako without him?" sambit ko sabay tayo. "Kailangan kong umuwi ng Pilipinas ngayon, kailangan kong makita ang asawa ko dahil hindi ako matatahimik kapag hindi ko nakita si Alex."
Bigla naman akong hinawakan ni Yumi dahilan para mapatigil ako. "Bakit?"
"Nahihibang ka na ba? Baka naman nakalimutan mo na noong mga panahong pumunta ka sa mansyon nila ay kinaladkad ka ng nanay niya palabas at muntikan ka pang ipa-laplap do'n sa aso nilang mukhang kalabaw?" giit niyang pahayag sa akin.
Alam kong kahit kailan ay hindi ako magugustuhan ni Tita, pero ang hindi ko lang maintindihan kung bakit abot-langit ang galit nila sa akin pati na rin ng kapatid ni Alex na si Trina.
Napahinga nalang ako ng malalim. Nag-uumpisa na namang tumulo ang mga luha ko kaya napayuko nalang ako para hindi mapansin ni Yumi. Sobrang sakit, sobrang hirap isipin na wala na si Alex.
"Beh." Niyakap niya ulit ako ng mahigpit kaya mas lalo akong napahagulhol.
"Hindi ko kaya. Gusto ko na ring mamatay!" bulyaw ko pa kay Yumi habang patuloy sa pag-iyak.
Patuloy pa rin ang paghaplos niya sa likuran ko habang nakayakap ako sa kaniya.
"Iiyak mo lang 'yang sakit na nararamdaman mo beh hanggang sa medyo gumaan na ang pakiramdam mo. Hindi ko alam kung paano kita patatahanin kaya sasamahan nalang kita sa kalungkutan mo," pahayag niya pa.
Kumawala na ako sa pagkakayakap at unti-unting pinupunasan ang mga luha ko. Inabot niya naman sa kain ang tissue dahil kamay ko lang ang ginagamit kong pamunas.
"I'm sorry about earlier, beh. Hindi naman ako tutol sa pagbalik mo ng Pilipinas, pero ayoko lang kasi na mangyari ulit 'yung ginawa ng malditang nanay ng asawa mo," wika pa ni Yumi sabay tayo.
Inabot na kami ng alas-dyes sa kaka-iyak ko simula kaninang umaga pa kaya namumugto na ang mga mata ko.
Napatingin naman ako ay Yumi at napangiti. "Thank you. Salamat dahil nandito ka sa mga panahong kailangan kita..."
Napatigil naman ako sa pagsasalita nang biglang nag vibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong tiningnan.
"Bakit beh?" pagtatakang tanong ni Yumi.
"May nagtext." Tiningnan ko na ang text ni Tita Melody sa akin.
Bigla naman akong nilapitan ni Yumi at napadungaw na rin sa cellphone ko. Pareho naman kaming nagkatinginang dalawa nang makita namin ang mensaheng ipinadala ni Tita.
"I told you, beh. I already predicted that," pahayag niya naman kaya napangisi nalang ako.
Napa-iling nalang ako. "Who would've thought na mas mapapa-aga pa ang pagpapalayas niya sa akin dito sa condo."
Kahit minsan ay hindi ko alam na itinuring akong pamilya ng mga magulang at kapatid ni Alex. Alam ko naman kasing hindi talaga sila pabor sa pagmamahalan naming dalawa kaya tinanggap ko nalang 'yon. Kahit anong pang-iinsulato ng mga magulang niya at tinatanggap ko nalang dahil ganoon ko siya kamahal.
Itinapon ko na ang cellphone ko sa couch at biglang napa-upo. Hindi ko alam pero bigla na namang tumutulo ang mga luha ko, ang sikip-sikip ng dibdib ko ngayon at parang nasusuka ako.
Agad namang hinaplos ni Yumi ang likuran ko para pakalmahin ako, at nang makahinga na ako nang maluwag.
"Ang hirap-hirap naman nang nararanasan mo sa pamilya na 'yan beh, ano? Mahal na mahal ka nga ni Alexander pero ubod naman ng sama ang pamilya niya at hindi ka pa tanggap," wika naman sa akin ni Yumi kaya napatingin ako sa kaniya.
“Mahal ko si Alex kaya lahat ng mga ‘yon ay tinanggap ko at hinayaan nalang, pero ngayon wala na ang asawa ko ay hindi na ako papayag na apakan pa nila ulit ako nang paulit-ulit.”
Alam ko namang mababa lang ang estado ko sa buhay unlike sa kanila na ubod ng yaman, pero may dignidad pa rin ako at nasasaktan.
“What’s your plan now?”
Napabuntong-hininga naman ako. “I really should go home, beh. Kailangan kong makita ang labi ni Alex kahit sa huling pagkakataon lang.”
Napa-iling naman sa akin si Yumi. “I’m sorry kung nasabi ko ang mga salitang ‘yon sa’yo kanina beh ha? Ayoko lang kasi na maulit muli ang ginawa sa’yo ng babaeng ‘yon dati na ipinahiya ka sa lahat ng mga tao sa bahay nila.”
“Hayaan mo na ‘yon. Si Alex lang ngayon ang iniisip ko at wala na akong pakealam pa sa mga magulang at kapatid niya na wala nang idinulot sa akin kung hindi ang sakit at pangungutya.”
Tumayo na ako at naglakad patungo sa kwarto ko. Agad ko namang napansin ang wedding picture namin ni Alex sa bedside table kaya tumulo na naman ang mga luha ko. Pagdating sa kaniya ay sobrang hina ko, kaya ngayon na wala na siya ay hindi ko na alam pa kung anong gagawin ko sa buhay ko.
Lumapit na ako at napa-upo sa kama sabay dampit ng picture frame. Napahagulhol nalang ako nang wala sa oras dahil naninikip na naman ang dibdib ko sa sakit every time na naaalala ko siya at ang mga masasayang memories namin.
“Beh! Naiyak ka na naman diyan. Akala ko ba magiging strong na tayo?”
Napatingin naman ako kay Yumi na nakatayo sa pintuan ng kwarto namin. Hindi ko naman siya pinansin at nagpatuloy nalang sa paghagulhol ng iyak.
Nagulat naman ako namg bigla niya akong lapitan sabay yakap sa akin ng mahigpit.
“Okay, sasamahan na kita pauwi para makita mo si Alexander.”
Napatigil naman ako at kumawala ng yakap sa kaniya. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko kaya napatingin ako kay Yumi. “Anong ibig mong sabihin?”
Ngumiti naman siya sa akin. “Hindi ba’t gusto mong umuwi ng Pilipinas ngayon? Isa pa pinapalayas ka na rin naman ng nanay ni Alex na ‘yan sa pagtext niya sa’yo kanina kaya wala ka na rin namang babalikan dito.”
Napakunot naman ang noo ko sa kaniya. “Paano ang trabaho mo rito?”
“Anong trabaho? Wala naman akong maayos na trabaho rito atsaka malaki ang pera na ibinilin sa akin ng jowabels ko. Wala kang dapat ipag-alala dahil mabubuhay tayo nito ng ilang taon.”
I couldn’t be grateful enough na naging kaibigan ko si Yumi. Sa lahat ng mga nakilala ko friends simula high school up to college ay siya ang talaga ang tumagal sa akin hanggang ngayon. Isa rin siya sa mga taong tumutulong sa akin kapag down na kao sa buhay katulad ngayon.
Agad ko nman ulit isuang niyakap ng mahigpit. “Maraming salamat talaga beh ha? H’wag lang mag-alala at ibabalik ko sa’yo lahat ng mga kabaitan mong ibinibigay sa akin ngayon.”
“Alam ko kung gaano kahirap mawalan ng mahal sa buhay lalo na at pinaka-importanteng tao si Alex sa buhay mo ngayon, beh. Pero sana kahit na gaano pa kalupit ng mundo sa’yo ay mayroon pa ring liwanag ikaw na makikita at masasabi mong ipagpapatuloy mo pa ang laban sa buhay dahil kaya mo,” pahayag niya pa sa akin.
Tumango naman ako. “Lalaban ako at sinisigurado ko ‘yan.”
“Then suit yourself. Mag-ayos ka na diyan at magbo-book na ako ng flight natin ngayon para bukas ay nasa Pilipinas na tayo,” pahayag pa niya at tumayo na.
Agad ko namang kinuha ang bag ko at dinukot ang wallet ko. “Sige, ito ang pera para sa ticket nating...”
“Ako na ang magbabayad, beh. Mayaman ako kaya h’wag ka nalang magreklamo. Maligo ka na diyan at kita nalang tayo mamaya sa airport dahil mag-aayos lang din ako sa condo ko,” ani niya at agad nang lumabas ng kwarto ko kaya hindi na ako nakapagsalita pa.
Napa-iling nalang ako sa asal ng kaibigan kong si Yumeiko. Tumayo na ako at nagpakawala ng isang malalim na hininga. Kailangan kong magpakatatag para kay Alex. Alam kong ayaw niyang nawawalan na ako ng pag-asa sa buhay dahil gusto niya palaging masaya ako.
Tumungo na ako sa closet namin at inayos ang mga gamit ko. Dinala ko na rin ang iba pang importanteng gamit namin ni Alex dahil alam kong hindi na rin naman ako makakabalik dito sa condo. Pagkatapos ay naligo na ako at nagbihis para maaga pa akong makapunta ng airport.
Nang makababa ako sa condo ay agad na akong nagbantay ng taxi para mabilis na ang byahe. Umabot din ng halos kalahating-oras ang byahe hanggang sa makarating na ako sa airport. Mabilis ko namang naaninag si Yumi dahil sa dala niyang gabundok na luggage. Simula college kami ay kapag may mga camping or seminar ay ganyan talaga siya, mukhang dala niya ang buong bahay nila.
“Beh,” tawag ko naman dahilan para mapalingon siya.
Ngumiti naman siya sabay lapit sa akin. “Umayos ka, beh. Ilang oras nalang ay makakabalik na tayo sa Pilipinas kaya ubusin mo na ‘yang luha mo ngayon palang.”
Napatawa nalang ako at inilagay na namin ang mga luggage namin sa area. Pagkatapos ay tumungo na kami sa security facility hanggang sa makapunta na sa boarding gate ng eroplanong sasakyan naming dalawa. Nang makapwesto na kami sa loob ay bigla na naman akong napa-iyak. Naalala ko kasi na eroplano ang dahilan kung bakit nasawi si Alex kaya napayuko nalang ako para hindi mahalata ni Yumi.
“Beh, out of the blue makikita nalang kitang umiiyak. Ano na this time?” tanong naman sa akin ni Yumi sabay haplos ulit sa likuran ko.
Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko. “Wala naman, beh. Naalala ko lang kasi si Alex kaya hindi mo mapigilan ang mga luhang tumutulo sa mata ko.”
“It’s okay, beh. Your tears are valid kaya if you think na pinipigilan kita, no, iiyak mo lang ‘yan hanggang sa medyo gumaan na ang pakiramdam mo,” wika niya kaya napatingin ako sa kaniya.
“Thank you. I’m okay now.”
Nang mag-umpisa nang lumipad ang eroplano ay doon na ako kumalma. Ipinikit ko nalang din muna ang mga mata ko dahil baka kung ano pa ang maisip ko habang nasa byahe kami.
“Beh, beh, wake up nandito na tayo...”
Napamulat naman ako nang maramdaman ko ang mahinang pagyugyog sa akin ni Yumi.
“Hmmm”
“We’re here na,” anito.
Napa-inat naman ako nang wala sa oras dahil mukhang napasarap pa yata ang tulog ko. Ang akala kong hindi ako makakatulog dahil sa pag-ooverthink ay hindi naman pala nangyari. Tumayo na ako at lumabas na kaming dalawa ni Yumi sa eroplano. Isang buwan palang akong nawala rito ay bigla na akong nanibago sa klima ng panahon.
“Antok na ako,” sambit naman ni Yumi habang naglalakad kami palabas.
“Hindi ka ba natulog kanina sa byahe?”
Napa-iling naman siya sa akin. “Hindi nga eh. Hindi ko rin alam kung bakit.”
Nang makarating kami sa hotel ay dali-dali namang nagbayad si Yumi at agad na kaming tumungo sa kwarto namin. Ilang minuto rin ang hinintay namin hanggang sa matapos na pasok lahat ng mga luggage naming dalawa.“Magbihis ka na at magpahinga,” wika ko naman kay Yumi habang nagtatanggal ako ng sapatos ko.Panay naman ang hikab niya. “Kaya nga, tinatamad na rin akong magbihis. Good night, beh. Matulog ka na rin ha at baka mapahagulhol ka na naman ng iyak diyan.”Ngumiti naman ako. “Good night. Sige na magpahinga ka na at magpapahinga na rin ako pagkatapos.”Nakatulog ako nang mahaban sa byahe kaya medyo okay pa ako ngayon. Napag-isipan ko nalang na magshower muna bago matulog. Bukas ng umaga ako aalis para pumunta sa bahay nila Alex, at sana naman ay tanggapin nila ako sa huling pagkakataon. Maaga pa akong gumising ngayon dahil ang akala ko ay may gagawan pa ako ng breakfast. Hindi ko naman akalain na ang dating nakasanayan kong buhay ay nawala na na
Hanggang ngayon ay wala pa rin talaga ako sa sarili at tanging nakatulala lang ako rito sa hotel na tinitigilan namin ni Yumi. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko sa buhay ngayon lalo na at wala na ang tanging pinakamamahal ko. "Kim, halika na. I ordered some food for us. Wala ka pang kinakain simula kaninang umaga. Here oh." Iniaabot niya naman sa akin ang isang meal na inorder niya from a fast food restaurant. Wala talaga akong gana sa kahit ano ngayon dahil si Alex lang ang laman ng isip ko. I hate the fact that he's already dead. Hindi ko matanggap. "Wala akong gana, Beh. Mauna ka nalang kumain at susunod na ako," sagot ko pa sa kaniya. I've been exhausted the whole day at gutom na rin talaga ako, pero pakiramdam ko ay hindi ko naman kayang nguyain ang pagkain habang iniisip si Alex. Napansin ko namang napahinga nang malalim s
A sunny day for a mourning person like me. Kahit na ang ganda ng sinag ng araw ay hindi pa rin ako nito magawang pangitiin, pero hinahayaan ko lang ang sarili ko para maging malungkot. "Gising ka na pala, Beh. Halika rito, nagluto na ako ng almusal natin." Napatingin naman ako kah Yumi na naghahanda na sa table ng food namin. "Oh, sorry, Beh. Hindi agad ako nakagising nang maaga dahil puyat talaga ako kagabi." "Ano ka ba, wala 'yon. Hayaan mong ako naman muna ang mag-alaga sa 'yo ngayon." Napangiti nalang ako sa kaniya at umupo na rin sa dining table. Napansin ko namang nagluto siya ng longganisa at sinangag pati na rin sunny side-up na itlog. "Aba, marunong ka na palang magluto ngayon ah." Marahan niya naman akong hinampas sa braso sabay tawa. "Ano ka ba, syempre. Nakakahiya rin naman na ikaw lang ang magluluto palagi para sa ating dalawa.
"Beh! Halika na, baka ma-late tayo sa opening ng boutique natin!" bulyaw naman sa akin ni Yumi habang nandito kami sa taas.Katatapos ko lang kasi magbihis at nagsusuklay palang ako pero excited na agad siya. Nag-hire na rin kami ng ilang tao para sa boutique namin ni Yumi. Ilang buwan kami naghirapan sa pagplano at pag-design ko. May mga co-designers akong na hire at ilang staff kaya naman medyo hindi na kami nahihirapan."Wait! Hintay lang naman, akala mo naman ay may naghihintay na bisita sa atin eh."Napatawa naman siya. "Ano ka ba, may mga costumers na kayang naghihintay sa baba para bumukas at sobra nilang nagustuhan ang mga designs mo."Napatigil naman ako sa ginagawa ko at napatingin na sa kaniya. "Oh? Akala ko ba sila Ven at Matthew lang ang nandoon sa baba."Hindi naman kasi ako umaaasang may dadalo sa opening ng boutique namin ni Yumi lalo na at nag-uumpisa palan
Maaga pa kaming nagising ni Yumi dahil hype na hype rin naman kami para sa boutique naming dalawa. I'm looking forward sa mga sales namin kahit na hindi naman gano'n kadami sa ngayon."Nandito na ba sina Ven?"Napatingin naman ako kay Yumi na kakalabas lang galing sa kwarto niya. "Uh, hindi pa ako nakakababa eh. I'm still checking about the possible collaboration na pwede nating salihan."Kagabi kasi before matulog ay nag-browse muna ako sa laptop ko at marami akong nakitang mga collaborations. Nakita ko nga rin sa top products ang kompanya nila pero hindi ko nalang 'yon pinansin at alam kong masasaktan lang ako kapag na-stuck ako sa kanila."Simula kagabi ganyan ka na, chill lang tayo, Beh. Second day palang ng boutique natin," nakangiting pahayag niya naman.Tumayo nalang ako at pinatay na muna ang laptop ko. Kailangan na rin kami naming magbukas ni Yumi at aalis pa kami mamaya papunta sa sweatshop. Kailangan pa kasi naming pumili ng mga fa
"Halika na kasi, Beh. Dali na kasi..."Kanina pa ako kinukulit ni Yumi na pumunta kami ng hospital para magpa-check up kung buntis ba talaga ako. Ilang buwan na kasi akong hindi dinadatnan pero hindi ko naman iniisip 'yin since simula high school ako ay irregular talaga ang periods ko lalo na kapag stressed o kaya naman ay marami akong iniisip."Ayoko nga, Beh. Irreg lang siguro talaga ako kaya h'wag ka nang mag-abala pa na magpa-check up."Nilapitan niya naman ako. "Napapansin ko kasi talagang nag-iba na 'yung hugis ng katawan mo, dali na kasi maniwala ka sa akin. Nabuntis din ako dati at nalaglag lang kaya wala akong anak ngayon."Napa-iling nalang ako kay Yumi at tumango nalang dahil wala na rin naman akong magagawa. "Okay sige, fine. Mamayang hapon tayo aalis at may tinatapos pa ako.""Yey! Okay Beh, mabuti naman at pumayag ka na."Tinapos ko na ang ginagawa ko at nag-lunch na rin kaming dalawa ni Yumi. To be honest, kinakabahan din nama
Nagising naman ako dahil sa naramdaman kong sakit sa ulo. Bigla ko namang tinakpan ang mga mata ko dahil sobrang liwanag ng paligid.“Doc, she’s awake.”Nakarinig naman ako ng ilang mga yapak at boses kaya marahan ko nag inilibot ang paningin ko at nagulat naman ako nang makita ko lang ilang nurses na nasa harapan ko. Naalala ko naman ang pangyayari kanina.“Alex?” sambit ko at agad siyang hinanap sa paligid.Napatigil naman ang paningin ko sa lalaking nakatalikod katapat ang Doktor. Kahit saang anggulo ko tingnan ay kilala ko ko talaga si Alex. Ilang buwan na rin kaming magkasama sa iisang bahay kaya naman ay kilalang-kilala ko na siya. Ang hind
Nang malaman kong buntis nga ako ay hindi naman maabot ang saya na nararamdaman ko, the only thing left right now is Alex. Hindi ko man alam kung ano ang nangyari after ng plane crash pero hindi pa rin ako titigil hangga’t hindi kami nagkaka-ayos ni Alex.“Special soup for my bestfriend!”Napalingon naman ako at nakita kong may bitbit na tray si Yumi na may nakalagay na pagkain. Ilang araw na rin simula noong nalaman niyang buntis ako na sobrang maalaga niya kahit sa mga kinakain ko. Ilang araw na rin na wala akong bagong designs na nagagawa dahil ayaw daw niyang may complications kami ni baby.“Alam mo, baligtad na tayo ngayon. Besides, for six months lang na