A sunny day for a mourning person like me. Kahit na ang ganda ng sinag ng araw ay hindi pa rin ako nito magawang pangitiin, pero hinahayaan ko lang ang sarili ko para maging malungkot.
"Gising ka na pala, Beh. Halika rito, nagluto na ako ng almusal natin."
Napatingin naman ako kah Yumi na naghahanda na sa table ng food namin. "Oh, sorry, Beh. Hindi agad ako nakagising nang maaga dahil puyat talaga ako kagabi."
"Ano ka ba, wala 'yon. Hayaan mong ako naman muna ang mag-alaga sa 'yo ngayon."
Napangiti nalang ako sa kaniya at umupo na rin sa dining table. Napansin ko namang nagluto siya ng longganisa at sinangag pati na rin sunny side-up na itlog.
"Aba, marunong ka na palang magluto ngayon ah."
Marahan niya naman akong hinampas sa braso sabay tawa. "Ano ka ba, syempre. Nakakahiya rin naman na ikaw lang ang magluluto palagi para sa ating dalawa. Halika na."
Kahit na ganito na ang nangyayari sa buhay ko ngayon ay hindi pa rin ako iniiwan ni Yumi. Marami na akong breakdowns na naranasan dati pero siya talaga ang nandyan para tulungan ako.
Pagkatapos naming kumain ay nagpasya na akong gamitin ang laptop na binili niya para sa akin para makapag-umpisa na rin akong may-design. Aminado akong hindi 100% ang confidence ko kahit na may degree pa ako pero there is no harm in trying naman. Kailangan ko lang mag-ipon ng mga drafts ng apparels ko. Nagpapasalamat din naman ako kay Alex dahil isa rin siya sa tumulong sa akin about sa pag-design at paggawa ng pattern kaya mukhang hindi na ako mahihirapan.
Napatingin naman ako kay Yumi habang naglalakad siya palapit sa akin habang may dalang sketchbook at lapis.
"Alam mo Beh, siguro ano, need muna natin pag-isipan ang magiging pangalan ng boutique na itatayo mo," pahayag niya pa sabay upo na sa tabi ko.
"Uh, ikaw may naisip ka na ba? Mag-uumpisa na muna ako siguro sa paggawa ng maraming designs and pagpili ng right fabrics para sa mga gagamitin natin."
Hindi rin naman kasi pwedeng mag-open kaming dalawa na wala palng plano. Mahirap din naman kasi magbukas ng boutique na walang tamang plano, at syempre kailangan din namin ng mga analyst at strategic planner.
"Wala pa nga eh, pero hindi ba ay need yata niyan ng mga professional na para makabuo tayo ng isang team?" tanong niya pa sa akin.
Bahagya naman akong napatawa sa sinabi niya. "Yup. Strategic planner at analyst ang kailangan natin para makapag-umpisa na tayo."
Mapapangiti nalang ako dahil kahit na hindi nakapagtapos sa pag-aaral 'yong si Yumi ay matalino naman sa diskarte sa buhay kaya sobrang maaasahan ko rin 'to sa kahit anong mga bagay.
"Sige, ikaw na ang bahala ro'n at ako nalang ang magbabayad pa sa kanila."
Napatigil naman ako sa ginagawa ko at napatingin sa kaniya. "Sobrang thankful ko talaga sa 'yo Beh if you just only know. Hindi ko alam kung paano ko babalikan lahat ng mga binibigay mo sa akin ngayon."
Nagulat naman ako nang biglang tumulo ang mga luha niya at marahan akong hinampas. "Ano ka ba! H'wag ka ngang ganyan. Binabalik ko lang naman ang lahat ng tulong mo sa akin eh, kaya wala kang dapat sabihin ngayon, okay?"
Tumango naman na ako at napangiti nalang sa kaniya. Ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko hanggang sa makatapos na ako ng ilang patterns. Nag-umpisa na muna ako sa apparels; dresses, shirts, and menswear.
"Beh!"
Napalingon naman ako sa biglang patawag ni Yumi sa akin. "Bakit?"
"Halika muna rito sa baba, may ipapakita ako."
Nagtaka naman ako kaya tumayo nalang din ako at sumunod sa kaniya. Nang makababa naman kami sa ground floor ay nagulat ako na ang dating maalilabok na lugar ay sobrang ganda na ngayon. Minimalist ang disenyo ng buong boutique at maraming mga nagtatrabaho pa sa ilang sulok nito.
"Pinapagawa mo pala 'to kaya hindi mo ako pinapapunta rito sa baba?" pagtatakang tanong ko pa sa kaniya.
She nodded. "Exactly. I wann surprise you at siguro 80% is finished na rin dito kaya pwede mo na siyang makita. What do you think?"
"It's amazing! Grabe wala akong masabi, Beh. Iba ka rin talaga mag-surprise sa akin, ano?"
Wala akong masabi dahil alam kong gumastos talaga ng malaki para rito si Yumi. I wonder kung magkano pa ang laman ng bank account niya at mukhang halos lahat ng pera niya ay binibigay niya na ngayon para dito sa itatayo naming business.
"Our new business only deserves the best place kaya naman dapat bongga talaga 'to."
Napangiti naman na ako sa kaniya. "Mukhang mapapa-aga nga talaga ang paghahanap ko nito ng planner at analyst ah."
"Panigurado."
Bumalik na kaming dalawa sa taas at ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Nag-contact na rin ako ng anaylst at sales strategic planner para sa negosyo naming dalawa at syempre si Yumi ang gagawin kong confidant.
"Pasok muna kayo Miss De Lanci," sambit ko pa.
Wala pang ilang oras ng pag-contact ko ay dumating na si Miss De Lanci from Women's Federal Business. Kailangan kasi talaga namin ng strategic planner para sa magiging business namin.
"Good afternoon. How may I help you, Miss Kimberly?"
Umupo na rin kaming tatlo sa couch and settled down.
"We are planning to launch an apparel business and we badly need your help for this, Miss De Lanci."
She nodded at us. "Oh, you will be launching undee the fashion industry. Who will be the owner then?"
"Uh, me," sagot ko naman.
Kinuha na niya ang form na naglalaman ng mfa personal informations namin. "From your background, you have a degree in fashion design. That is good. And so, when you are planning to take on this busines should first need to remember your budget and of course you will be needing a sounding board."
"How much do you think our capital may be?" deritsong tanong ko na sa kaniya.
Para na rin kasi maisaalang-alang ang mga gastusin namin ni Yumi. Ayoko rin na lumaki ang gastos ni Yumi para lang dito at maubos na rin ang savings niya.
May inilabas naman siyang folders at ibinigay na sa aming dalawa ni Yumi kaya agad ko na rin itojg tiningnan. Habang kasi nagtatrabaho ako rati sa kompanya nila Alex ay na-expose na rin ako sa business nila lalo na noong mag-asawa kaming dalawa kaya naman ay hindi na ako nahihirapan sa mga usapang ganito sa ngayon.
"Those are the budget plans for your preferred business types. It's up to you if you're going to invest much or less than money for that."
Napatingin naman agad ako kay Yumi. May nakalagay kasi sa bracket ng capitals na pwede naming i-produce kaya naman siya na ang paaasikasuhin ko rito.
"Ano sa tingin mo, Beh?" tanong niya pa sa akin.
Bahagya naman akong napangiti. "Ikaw ang hinihintay kong mag-decide. This is up to you."
"Pero hindi ba napag-usapan na natin ang gagastusin nating capital?"
Tumango naman ako. "Sige, ikaw na ang bahala."
We actually talked about it na rin kasi pero hindi naman namin alam na may ganitong bracket paoang sinusunod for planning at kung ilang costumers muna ang masasakop pati na rin ang scope ng business namin.
"We will go for ten million as the capital."
Nanlaki naman ang mga mata ko kay Yumi. Hindi kasi 'yan ang pinag-usapan namin at five million lang talaga ang pinakamataas."
"Hey, sure ka ba riyan? Hindi ba't five million lang ang pinag-usapan nating ilalabas na pera?" pagtatakang tanong ko pa sa kaniya.
Ngumiti naman siya. "I'm betting on you and not on the business, Beh. Naniniwala ako sa 'yong kaya mong palaguin ang negosyo natin at syempre tutulungan naman kita diyan."
"That's a good choice," sambit pa ni Miss De Lanci kaya napatingin ako sa kaniya. "The ten million capital in this high-street end area would be a good choice. May mga competitors lang kayo including the luxury brands, pero at nag-uumpisa palang naman kayo and you could reduce it for a cheaper price at first para makahakot na rin kayo ng buyers. How does it sound?"
Nagkatiningnan na kaming dalawa ni Yumi. Ten million as the capital is also good for a good foundation ng business namin kahit pa na medyo masakit 'to sa bulsa, but then, if Yumi says it's okay, okay na rin sa akin. Ayoko rin naman kasing magsalita pa ng kung ano-ano at kilala ko kung gaano ako pinagkakatiwalaan ni Yumi for this.
"Deal. We'll go for that," tugon ko.
Napangiti na sa amin si Miss De Lanci. "Okay, that's a good choice. So, for the mean time, I'll be sending you emails for budgeting para hindi na kayo mahirapan. After you decided to process your products you should also start hiring your people."
Napangiti naman ako dahil finally, makakapag-umpisa na rin ako ng sarili kong business kasama si Yumi. Mahirap dahil wala na si Alexander ngayon, pero para manlang sa akin ay kakayanin ko ang mga hirap sa buhay ngayon.
"Beh! Halika na, baka ma-late tayo sa opening ng boutique natin!" bulyaw naman sa akin ni Yumi habang nandito kami sa taas.Katatapos ko lang kasi magbihis at nagsusuklay palang ako pero excited na agad siya. Nag-hire na rin kami ng ilang tao para sa boutique namin ni Yumi. Ilang buwan kami naghirapan sa pagplano at pag-design ko. May mga co-designers akong na hire at ilang staff kaya naman medyo hindi na kami nahihirapan."Wait! Hintay lang naman, akala mo naman ay may naghihintay na bisita sa atin eh."Napatawa naman siya. "Ano ka ba, may mga costumers na kayang naghihintay sa baba para bumukas at sobra nilang nagustuhan ang mga designs mo."Napatigil naman ako sa ginagawa ko at napatingin na sa kaniya. "Oh? Akala ko ba sila Ven at Matthew lang ang nandoon sa baba."Hindi naman kasi ako umaaasang may dadalo sa opening ng boutique namin ni Yumi lalo na at nag-uumpisa palan
Maaga pa kaming nagising ni Yumi dahil hype na hype rin naman kami para sa boutique naming dalawa. I'm looking forward sa mga sales namin kahit na hindi naman gano'n kadami sa ngayon."Nandito na ba sina Ven?"Napatingin naman ako kay Yumi na kakalabas lang galing sa kwarto niya. "Uh, hindi pa ako nakakababa eh. I'm still checking about the possible collaboration na pwede nating salihan."Kagabi kasi before matulog ay nag-browse muna ako sa laptop ko at marami akong nakitang mga collaborations. Nakita ko nga rin sa top products ang kompanya nila pero hindi ko nalang 'yon pinansin at alam kong masasaktan lang ako kapag na-stuck ako sa kanila."Simula kagabi ganyan ka na, chill lang tayo, Beh. Second day palang ng boutique natin," nakangiting pahayag niya naman.Tumayo nalang ako at pinatay na muna ang laptop ko. Kailangan na rin kami naming magbukas ni Yumi at aalis pa kami mamaya papunta sa sweatshop. Kailangan pa kasi naming pumili ng mga fa
"Halika na kasi, Beh. Dali na kasi..."Kanina pa ako kinukulit ni Yumi na pumunta kami ng hospital para magpa-check up kung buntis ba talaga ako. Ilang buwan na kasi akong hindi dinadatnan pero hindi ko naman iniisip 'yin since simula high school ako ay irregular talaga ang periods ko lalo na kapag stressed o kaya naman ay marami akong iniisip."Ayoko nga, Beh. Irreg lang siguro talaga ako kaya h'wag ka nang mag-abala pa na magpa-check up."Nilapitan niya naman ako. "Napapansin ko kasi talagang nag-iba na 'yung hugis ng katawan mo, dali na kasi maniwala ka sa akin. Nabuntis din ako dati at nalaglag lang kaya wala akong anak ngayon."Napa-iling nalang ako kay Yumi at tumango nalang dahil wala na rin naman akong magagawa. "Okay sige, fine. Mamayang hapon tayo aalis at may tinatapos pa ako.""Yey! Okay Beh, mabuti naman at pumayag ka na."Tinapos ko na ang ginagawa ko at nag-lunch na rin kaming dalawa ni Yumi. To be honest, kinakabahan din nama
Nagising naman ako dahil sa naramdaman kong sakit sa ulo. Bigla ko namang tinakpan ang mga mata ko dahil sobrang liwanag ng paligid.“Doc, she’s awake.”Nakarinig naman ako ng ilang mga yapak at boses kaya marahan ko nag inilibot ang paningin ko at nagulat naman ako nang makita ko lang ilang nurses na nasa harapan ko. Naalala ko naman ang pangyayari kanina.“Alex?” sambit ko at agad siyang hinanap sa paligid.Napatigil naman ang paningin ko sa lalaking nakatalikod katapat ang Doktor. Kahit saang anggulo ko tingnan ay kilala ko ko talaga si Alex. Ilang buwan na rin kaming magkasama sa iisang bahay kaya naman ay kilalang-kilala ko na siya. Ang hind
Nang malaman kong buntis nga ako ay hindi naman maabot ang saya na nararamdaman ko, the only thing left right now is Alex. Hindi ko man alam kung ano ang nangyari after ng plane crash pero hindi pa rin ako titigil hangga’t hindi kami nagkaka-ayos ni Alex.“Special soup for my bestfriend!”Napalingon naman ako at nakita kong may bitbit na tray si Yumi na may nakalagay na pagkain. Ilang araw na rin simula noong nalaman niyang buntis ako na sobrang maalaga niya kahit sa mga kinakain ko. Ilang araw na rin na wala akong bagong designs na nagagawa dahil ayaw daw niyang may complications kami ni baby.“Alam mo, baligtad na tayo ngayon. Besides, for six months lang na
Anong kailangan sa ‘yo ni Miguel na ‘yan? Gusto niya bang magkagulo-gulo ang buhay mo at dadagdagan niya pa ang problema mo?” Ibinaba ko naman na ang cellphone ko at napatingin kay Yumi. “Hayaan mo, email lang naman eh. Wala akong panahon sa kaniya at hindi ko rin naman tatanggapin ang offer niyang ibinigay.” “Pero Beh…imagine ha, sponsor siya ng boutique. Ibig sabihin…ilang branch pa ang pwede nating ipatayo sa pera niya?” “Ayoko pa rin, Beh…” “Kaya nga, mas mayaman naman ‘yang asawam o keysa sa Miguel na ‘yan, pero ‘yon lang, hindi ka na niya maalala ngayon,” anito. Napatingin naman ako sa kaniya. “Alam mo ikaw, isa pa talaga.” Ang hilig niya ring asarin ako ngayon kay
Habang tinitingnan ko silang naglalakad paakyat sa stage ay hindi ko mapigilang malungkot. Dali-dali namang hinimas ni Yumi ang likod ko lalo na at alam niya kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Wala pang ilang segundo na umakyat sina Alex at Calypso ay dumating din naman si Tita Melody at ang isa pa nitong anak na si Trina. “Ang saya nilang tingnan…” sambit ko. “Kakarmahin din ‘yan sa lahat ng mga ginawa sa ‘yo, Beh. Huwag ka nalang tumingin pa.” Parang isang iglap lang ay nawala na naman sa akin ang lahat. Nangako ako dati na kahit ipagtabuyan pa ako ng mga magulang ni Alex ay hinding-hindi ko siya iiwan, pero sa nangyayari ngayo
The party ended around 11 in the evening kaya naman nang maka-uwi kami ni Yumi ay bagsak kaming dalawa, pero kahit na ilang oras na akong nakahiga dito sa kama ko ngayon ay hindi ko pa rin magawang makatulog nang maayos dahil sa dami rin ng iniisip ko. Si Alex, ang fiancee niyang si Calypso, si Miguel at ang magiging anak namin ni Alex na hindi niya manlang alam. “Ano Beh, may nararamdaman ka bang sakit?” tanong naman sa akin ni Yumi habang kumakain kami ngayon ng umagahan. Napa-iling naman ako. “Wala naman. Bakit?” “Kailan ka ba ulit magpapacheck-up? Hindi naman ngayon, hindi ba?” Hindi ko alam kung ano ba palagi ang pakay nito sa akin