Home / Romance / The Billionaire's Ex-Wife / Chapter 4: Hopeless

Share

Chapter 4: Hopeless

Hanggang ngayon ay wala pa rin talaga ako sa sarili at tanging nakatulala lang ako rito sa hotel na tinitigilan namin ni Yumi. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko sa buhay ngayon lalo na at wala na ang tanging pinakamamahal ko. 

"Kim, halika na. I ordered some food for us. Wala ka pang kinakain simula kaninang umaga. Here oh." Iniaabot niya naman sa akin ang isang meal na inorder niya from a fast food restaurant.

Wala talaga akong gana sa kahit ano ngayon dahil si Alex lang ang laman ng isip ko. I hate the fact that he's already dead.

Hindi ko matanggap. 

"Wala akong gana, Beh. Mauna ka nalang kumain at susunod na ako," sagot ko pa sa kaniya.

I've been exhausted the whole day at gutom na rin talaga ako, pero pakiramdam ko ay hindi ko naman kayang nguyain ang pagkain habang iniisip si Alex.

Napansin ko namang napahinga nang malalim si Yumi sabay lapit sa akin ngayon. "Kimberly, makinig ka sa akin," she uttered. "I know how much you want to mourn for Alex's death, but you also need to take care of yourself. This is reality, yes it sucks, pero kailangan nating tanggapin. You will definitely lose the game kapag sumuko ka!"

Bahagya naman akong napatawa. "Dati palang ay talo na ako. Alam kong ayaw sa akin ng mga magulang ni Alex pero pinagpilitan ko pa rin ang sarili ko dahil mahal na mahal ko ang asawa ko."

"It's okay, Beh. I understand you, pero h'wag mo sanang isipin na talo ka. Beh, there's more to your life. Alam kong nahihirapan ka na ngayon dahil sa pagkawala ni Alex, pero sana maisipan mo pa ring mabuhay at isiping magiging masaya ka rin ulit soon."

"Hindi ko na alam..."

Niyakap nalang ako ni Yumi kaya doon na naman ako napaiyak. "I'm sorry, Beh. Sobrang unstable ko lang talaga ngayon kaya hindi ko na alam ang gagawin ko. Pasensya na talaga kung pati ikaw ay nadamay na rin sa problema ko," mangiyak-ngiyak kong pahayag.

"Ano ka ba, wala 'yon 'no. Tandaan mong kahit ano ang mangyari ay nandito lang ako sa tabi mo, okay?"

Napatango naman ako sa kaniya. "Okay."

"Oh, siya tara na at kumain ka na at baka magulat nalang ako nakatihaya ka na diyan."

Napangiti nalang ako kay Yumi dahil siguro kung hindi ko siya kasama ngayon ay hinang-hina na ako. Maliban din kasi talaga kay Alex ay siya na rin ang naging pamilya ko kaya sobrang grateful ko talaga sa kaniya.

"Pasensya na talaga Yumi ah, h'wag kang mag-alala at lahat ng mga 'to ay babayaran ko kapag nakahanap na ako ng trabaho. Bukas na bukas ay maghahanap na ako ng puwedeng pasukan," saad ko.

Nakakahiya rin naman kasi na palamunin lang ako rito ni Yumi. Wala rin kasi talaga akong pera na maiaabot sa kaniya dahil si Alex naman talaga ang humahawak ng budget naming dalawa.

"Ano ka ba, wala 'yon. Atsaka, saka ka na maghanap ng trabaho kapag stable ka na. Hindi ba't gusto mo i-pursue ang fashion design industry? Bakit hindi ka mag-umpisa mag-research tungkol diyan?"

Napahinga naman ako nang malalim. "Alam mo naman ang negosyo nila Alex, hindi ba? Sila rin ang may pinakamalaking fashion company hindi lang sa bansa, pati na rin sa buong mundo kaya ayokong kalabanin sila."

"Hindi mo naman sila kakalabanin, Beh. You are just trying to make a living, okay?"

May point nga naman si Yumi. Sayang lang din kasi ang degree ko kapag hindi ko nagamit 'yon para maka-survive sa cruel world na 'to.

"Okay, sige. Mag-uumpisa na ako bukas."

Napangiti naman siya. "Yehey! Okay, syempre bibilhan nila ng pang-capital mong gamit na laptop bukas."

Nangunot naman ang noo ko sa kaniya. "Maghanap na kaya muna tayo ng apartment para hindi tayo masyadong mapamahal dito sa hotel?"

Kapag kasi dito kami tumuloy ay baka maubos na agad ang pera ni Yumi at wala nang matirang savings sa kaniya. Ayokong mangyari 'yon nang dahil lang sa akin.

"Okay, sige. First thing in the morning, iyon ang unang gagawin natin."

Kinaumagahan ay maaga pa kaming nag check-out ni Yumi sa hotel para maghanap ng mga murang studio type apartment dito sa Capital City. 

"Okay na ba 'to sa 'yo?" tanong naman sa akin ni Yumi nang makakita kami ng apartment malapit lang sa high-end street.

Napangiti naman ako. "Ikaw, kung saan ka mas comfortable doon ka. Tutal ikaw naman ang magbabayad," biro ko pa sa kaniya sabay tawa.

Sumusunod lang din naman kasi ako sa kaniya at siya talaga ang naglalabas ng malaking pera ngayon. Wala na rin naman kasi siyang gagastusan dahil katulad ko ay wala na rin naman siyang pamilya na maituturing.

"Okay, we'll get this, Miss. How much is the payment?" 

"Bali 20-thousand pesos per month Maam, dala na ro'n ang maliit na boutique shop sa first floor kapag gusto ninyong mag-negosyo," sambit naman ni Ate na caretaker nitong studio-type apartment.

Inilabas na ni Yumi ang ilang libo niyang pera at iniabot kay Ate. "Thank you, Ate." 

"Sige po, Maam. Maiwan ko na po kayo at ready na po ang studio para magamit ninyo."

Agad na rin nilisan ni Ate ang apartment at lumabas na. Napatingin naman ako sa buong paligid at alam kong okay na tumigil nga muna kami rito ni Yumi 

"Thank you, Yumi ah? Sobrang laki talaga nitong tulong mo para sa akin. Hayaan mo at ibabalik ko lahat ng mga tulong mo sa akin kapag naging successful na ang business natin," pahayag ko pa.

She tapped my shoulder. "Walang problema 'yon sa akin, Beh. Tara na sa loob para makapagpahinga na rin tayo at mamayang hapon ay bibili tayo ng mga kailangan mong gamit sa trabaho."

Nagsi-ayos na rin kaming dalawa ni Yumi at inayos ko na rin ang mga damit ko. Pagkatapos ay pinapili niya naman ako ng mga oorderin niyang laptop at sketching station para maumpisahan ko na rin ang bagong trabaho ko. 

"Wait, may nag-doorbell na puntahan ko lang," sambit naman ni Yumi sabay tayo.

"Samahan na kita."

Kasalukuyan kasi kaming kumakain ng lunch namin at as usual, umuorder lang kami online. Pero simula mamayang gabi ay ipagluluto ko na rin si Yumi ng pagkain niya at alam ko naman na umau na umay na rin siya kumain ng mga food galing sa labas.

Nang makababa naman kami ay nakita na naman ang rider na may dala ng inorder ni Yumi.

"Ang bilis Manong ah! Let me see." Tiningnan na niya ang mga inorder niyang laptop para sa akin.

Actually, ako talaga ang pumili ng mga gagamitin ko. She insisted kaya wala na rin talaga akong nagawa. Pagkatapos nila i-check ay tumungo na sila sa taas para i-assemble ang mga gamit ko dahil may kabigatan talaga ito.

"Sige po, alis na kami Maam. Good luck po sa ipapatayo n'yon business."

Napangiti naman ako kay Manong. "Salamat po!"

Nilisan na nila ang apartment at ako naman ay agad na naman tingin sa mga pinamili ni Yumi para sa akin. I was teady eyed kanina pa since, little things makes me hapoy talaga.

"Did you like it?" tanong niya.

Tumayo naman ako at agad siyang niyakap. "I love it, Beh. Don't worry, hindi ko sasayangin ang mga efforts at pag-risk mo ngayon."

I'll make sure that I'll strive para maging successful ang negosyo namin and I hope that Alex is happy to see me na lumalaban pa rin sa buhay. 

silvermist

Hello po! Starting this month ang update ng story na 'to. Stay tuned po. Daily update ito!

| Like
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
yes think positive kim laban lang sa hamon ng buhay
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status