"Beh! Halika na, baka ma-late tayo sa opening ng boutique natin!" bulyaw naman sa akin ni Yumi habang nandito kami sa taas.
Katatapos ko lang kasi magbihis at nagsusuklay palang ako pero excited na agad siya. Nag-hire na rin kami ng ilang tao para sa boutique namin ni Yumi. Ilang buwan kami naghirapan sa pagplano at pag-design ko. May mga co-designers akong na hire at ilang staff kaya naman medyo hindi na kami nahihirapan.
"Wait! Hintay lang naman, akala mo naman ay may naghihintay na bisita sa atin eh."
Napatawa naman siya. "Ano ka ba, may mga costumers na kayang naghihintay sa baba para bumukas at sobra nilang nagustuhan ang mga designs mo."
Napatigil naman ako sa ginagawa ko at napatingin na sa kaniya. "Oh? Akala ko ba sila Ven at Matthew lang ang nandoon sa baba."
Hindi naman kasi ako umaaasang may dadalo sa opening ng boutique namin ni Yumi lalo na at nag-uumpisa palang kaming dalawa. Ang alam ko lang ay mga staff ang kasama namin for the opening ngayon.
"Okay, sige. Susunod ako, mabilis lang 'to."
"Okay, hintayin ka namin."
Bumaba na rin uliy si Yumi kaya dali-dali na akong nagsuklay. Hindi naman ako sanay mag-ayos ng sarili ko dahil tanggap naman ako ni Alex sa kung ano man amg mukha ko.
Agad na rin akong bumaba at nagulat nga ako nang makita ko ang iilang mga costumers na nagbabantay sa labas. Sinalubong na rin ako ni Yumi na nakangiti kaya lumapit na rin ako sa kaniya.
"Tara na mag-ribbon cutting, nandoon na rin sina Dexter."
"Hindi ko talaga akalain na maraming tao rin ang pupunta dito," sambit ko pa.
Marahan niya naman akong hinampas. "Ano ka ba, ikaw pa ba? Alam mo naman na pati ako ay hangang-hanga sa 'yo."
"Sus, siya tara na."
Tumungo na kaming dalawa ni Yumi sa gitna habang nasa harapan namin ang ibang staffs pati na rin ang ibang costumers na gustong bumili agad after opening. Ibinigay na nila sa amin ang customized scissor at pumwesto na kaming dalawa sa gitna. Habang tinitingnan ko ang harap ng boutique na may pangalang, Y & M ay napapangiti nalang ako. Isa itong d****e come true para sa akin na nangangarap dati ba magkaroon ako ng sarili kong clothing line.
Napatingin naman ako kay Yumi na maluha-luha ang mga mata. We started cutting the ribbons and finally, open na rin ang pinagpuyatan naming boutique for how many months.
"Congratulations!"
A lot of confettis scattered on the floor kaya naman napatawa kaming dalawa ni Yumi. Binuksan na namin ang boutique at napapangiti nalang ako na nakikita ko na ngayon lahat ng mga designed apparels ko kahit na we well sell it for a cheaper price since ang mga fabrics na pinili namin ay designed for the mass din.
Pumasok na rin ang mga costumers namin kaya pumwesto na lahat ng staffs. Kaming dalawa naman ni Yumi ay napa-upo na sa loob ng staff area habang napapatingin sa maliit na window kung saan tanaw ang lahat ng mga tao sa boutique.
"Grabe, Beh! Hindi ko akalain na magiging ganito karami ang costumers natin sa opening. Ang powerful din naman ng database na ginawa mo sa social media."
Tinapik niya naman ako. "Of course, ako pa ba? Alam mo namang palagi akong active sa social media. Don't worry dahil in the next few days, mas dadami pa ang mabebenta nating dalawa. Apir!"
Napa-iling nalang ako sa kaniya at agad na rin kaming lumabas. Naging abala naman kami sa buong araw dahil hindi namin akalain na mas dadami pa pala ang pupuntang costumers. Malaki nga rin talaga ang tulong ng pwesto namin since pinalilibutan ito ng mga establishments at subdivision.
"We juat sold 125 apparels for a day! Ang dami, Beh!" tuwang-tuwang sabi naman sa akin ni Yumi.
Ngayon lang kami nakapagpahinga dahil ang dami naman talagang tao kanina sa opening namin. O didn't expect a lot of costumers pero sobrang grateful ko rin naman at the same time dahil kahit papaano au nababawasan ang anxiety ko na baka mapunta lang sa wala ang pinaghirapan ni Yumi na 10 million para sa capital ng boutique na 'to.
"Actually, hindi rin ako nag-expect na dadami ang bibili ngayon, Beh. Thankful ako sobra para sa mga costumers natin."
"Siya, magpahinga ka na at sa next day ka nalang mag-design ng mga bago. Marami pa namang stocks eh," pahayag niya pa kaya napatigil ako sa ginagawa ko.
Napa-iling nanan ako sa kaniya. "Hindi pwede, nako! Kailangan kong mag-ipon ng mga designs at marami pa akong kailangan gawin. Alam mo naman kailangan nating kumayod."
Siya kasi ang humahawak ng pera at mga sales namin at ako naman ang nagde-design kaya naman hindi na ako mahihirapan lalo na't may isa pa naman akong kasama. Naging mahirap ang ilang buwan namin sa pag-prepare para mag-open nitong boutique pero masasabi ko naman na ngayon na worth it naman lahat ng mga sleepless nights namin ni Yumi at ng ka-team ko.
Nagulat naman ako nang bigla niyang ibinaba ang kaniyang laptop at lumapit sabay masahe sa likod ko.
"Bumabalik na naman ang Kimberly na kilala ko. Laging binubuhos ang lahat sa pagtatrabaho. Alam mo, minsan, kailangan mo ring magpahinga, okay? Baka naman sa sobrang trabaho mo na 'yan ay biglang may isang Alex na naman ulit ang dumating sa buhay mo?"
Bahagya nalang akong napatawa. "Malabo, Beh. Hindi ko na kayang masaktan pa ulit nang ganoon. Sarili ko nalang muna ang uunahin ko ngayon at alam kong doon magiging masaya para sa akin si Alex."
Napahinga naman ako nang malalim dahil kahit papaano ay hindi na ako ganoon nasasaktan ngayon. Hindi ako masaya pero thankful pa rin naman ako at maraming blessings ang dumadating.
"Pero Beh, wala ka na ba talagang balak magkaroon ng anak? Pamilya gano'n? Nagtataka nga ako bakit hindi ka pa buntis eh," anito.
Napahinga naman ako nang malalim. "Ako nga rin eh. May nangyari na rin naman sa amin ni Alex, pero wala naman akong nararamdaman na kahit ano."
Nagulat naman ako nang bigla niya akong tinapik. "What if buntis ka na nga tapos asymptomatic lang talaga ang signs. Try mo kayang magpa-check up? Kasi kung buntis ka man, siguro mga three months na rin."
Hindi ko naman alam kung matatawa ba ako sa mga sinasabi ni Yumi sa akin ngayon o matutuwa. Gusto ko rin namang magka-anak ako, pero ayoko namang lumaki na siya walang ama. Nakakalungkot lang isipin na hindi pa siya naipanganak ay wala na siyang tatay.
"Ano ka ba, Beh. Hindi naman siguro..."
"Hindi ka sure, no?"
Umiling ako. "Hindi...eh, kasi naman..."
"Kaoag lumuwag ang schedule natin ay sasamahan kita sa isang obstetrician para malaman kung buntis ka nga ba o hindi."
"Ay ikaw ang bahala, basta..."
Napatigil naman ang pagsasalita ko nang marinig ko ang pangalan ng kapatid ng Mommy ni Alex sa balita.
"Anong me'ron?" tanong ni Yumi.
Napatingin na kaming dalawa sa telebisyon at ibinalita na magkakaroon daw ng engrandeng kasalan ang isang sa mga anak ni Melody Madrigal.
"Ikakasal na pala ang bruhildang si Trina?" pagtatakang tanong ni Yumi kaya napatingin na ako sa kaniya.
"Hindi ko alam...pero kasi nag-aaral palang 'yon. Third year college palang yata kaya paano 'yon ikakasal?"
Nangunot naman ang noo ko dahil nakakagulat nga naman talaga ang anunsyo ng pamilya nila. It's been three months since nawala si Alex at bad omen daw na magpakasal ang pamilya sa taon na may namatay sa relatives nila kaya hindi ko maintindihan kung ano ang gusto nila ipalabas.
Napatango naman si Yumi. "Ay oo nga pala. Bakit may kapatid pa bang iba si Alex maliban kay Trina?"
Umiling ako. "Wala na. Dalawa lang 'yan silang magkakapatid eh, atsaka wala rin naman akong kilala na adopted child ni Mama--I mean ni Tita Melody."
Nasanay na kasi akong tawagin siyang Mama kahit na kinasusuklaman niya ako. Akala ko kasi ay kapag tumagal kami ni Alex ay matututunan niya akong tanggapin, pero hinding-hindi na 'yon mangyayari kahit kailan.
Napabuntong-hininga nalang si Yumi at tumayo na gaking sa couch. "Hay nako! Hayaan mo nalang 'yan at magpahinga nalang tayo, Beh. Marami pang gagawin bukas kaya huwag mo nalang isipin ang pamilyang 'yan at sakit lang talaga ng ulo ang ibibigay nila sa 'yo."
"Kaya nga, sige na, mauna ka na at tatapusin ko lang 'to."
Maaga pa kaming nagising ni Yumi dahil hype na hype rin naman kami para sa boutique naming dalawa. I'm looking forward sa mga sales namin kahit na hindi naman gano'n kadami sa ngayon."Nandito na ba sina Ven?"Napatingin naman ako kay Yumi na kakalabas lang galing sa kwarto niya. "Uh, hindi pa ako nakakababa eh. I'm still checking about the possible collaboration na pwede nating salihan."Kagabi kasi before matulog ay nag-browse muna ako sa laptop ko at marami akong nakitang mga collaborations. Nakita ko nga rin sa top products ang kompanya nila pero hindi ko nalang 'yon pinansin at alam kong masasaktan lang ako kapag na-stuck ako sa kanila."Simula kagabi ganyan ka na, chill lang tayo, Beh. Second day palang ng boutique natin," nakangiting pahayag niya naman.Tumayo nalang ako at pinatay na muna ang laptop ko. Kailangan na rin kami naming magbukas ni Yumi at aalis pa kami mamaya papunta sa sweatshop. Kailangan pa kasi naming pumili ng mga fa
"Halika na kasi, Beh. Dali na kasi..."Kanina pa ako kinukulit ni Yumi na pumunta kami ng hospital para magpa-check up kung buntis ba talaga ako. Ilang buwan na kasi akong hindi dinadatnan pero hindi ko naman iniisip 'yin since simula high school ako ay irregular talaga ang periods ko lalo na kapag stressed o kaya naman ay marami akong iniisip."Ayoko nga, Beh. Irreg lang siguro talaga ako kaya h'wag ka nang mag-abala pa na magpa-check up."Nilapitan niya naman ako. "Napapansin ko kasi talagang nag-iba na 'yung hugis ng katawan mo, dali na kasi maniwala ka sa akin. Nabuntis din ako dati at nalaglag lang kaya wala akong anak ngayon."Napa-iling nalang ako kay Yumi at tumango nalang dahil wala na rin naman akong magagawa. "Okay sige, fine. Mamayang hapon tayo aalis at may tinatapos pa ako.""Yey! Okay Beh, mabuti naman at pumayag ka na."Tinapos ko na ang ginagawa ko at nag-lunch na rin kaming dalawa ni Yumi. To be honest, kinakabahan din nama
Nagising naman ako dahil sa naramdaman kong sakit sa ulo. Bigla ko namang tinakpan ang mga mata ko dahil sobrang liwanag ng paligid.“Doc, she’s awake.”Nakarinig naman ako ng ilang mga yapak at boses kaya marahan ko nag inilibot ang paningin ko at nagulat naman ako nang makita ko lang ilang nurses na nasa harapan ko. Naalala ko naman ang pangyayari kanina.“Alex?” sambit ko at agad siyang hinanap sa paligid.Napatigil naman ang paningin ko sa lalaking nakatalikod katapat ang Doktor. Kahit saang anggulo ko tingnan ay kilala ko ko talaga si Alex. Ilang buwan na rin kaming magkasama sa iisang bahay kaya naman ay kilalang-kilala ko na siya. Ang hind
Nang malaman kong buntis nga ako ay hindi naman maabot ang saya na nararamdaman ko, the only thing left right now is Alex. Hindi ko man alam kung ano ang nangyari after ng plane crash pero hindi pa rin ako titigil hangga’t hindi kami nagkaka-ayos ni Alex.“Special soup for my bestfriend!”Napalingon naman ako at nakita kong may bitbit na tray si Yumi na may nakalagay na pagkain. Ilang araw na rin simula noong nalaman niyang buntis ako na sobrang maalaga niya kahit sa mga kinakain ko. Ilang araw na rin na wala akong bagong designs na nagagawa dahil ayaw daw niyang may complications kami ni baby.“Alam mo, baligtad na tayo ngayon. Besides, for six months lang na
Anong kailangan sa ‘yo ni Miguel na ‘yan? Gusto niya bang magkagulo-gulo ang buhay mo at dadagdagan niya pa ang problema mo?” Ibinaba ko naman na ang cellphone ko at napatingin kay Yumi. “Hayaan mo, email lang naman eh. Wala akong panahon sa kaniya at hindi ko rin naman tatanggapin ang offer niyang ibinigay.” “Pero Beh…imagine ha, sponsor siya ng boutique. Ibig sabihin…ilang branch pa ang pwede nating ipatayo sa pera niya?” “Ayoko pa rin, Beh…” “Kaya nga, mas mayaman naman ‘yang asawam o keysa sa Miguel na ‘yan, pero ‘yon lang, hindi ka na niya maalala ngayon,” anito. Napatingin naman ako sa kaniya. “Alam mo ikaw, isa pa talaga.” Ang hilig niya ring asarin ako ngayon kay
Habang tinitingnan ko silang naglalakad paakyat sa stage ay hindi ko mapigilang malungkot. Dali-dali namang hinimas ni Yumi ang likod ko lalo na at alam niya kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Wala pang ilang segundo na umakyat sina Alex at Calypso ay dumating din naman si Tita Melody at ang isa pa nitong anak na si Trina. “Ang saya nilang tingnan…” sambit ko. “Kakarmahin din ‘yan sa lahat ng mga ginawa sa ‘yo, Beh. Huwag ka nalang tumingin pa.” Parang isang iglap lang ay nawala na naman sa akin ang lahat. Nangako ako dati na kahit ipagtabuyan pa ako ng mga magulang ni Alex ay hinding-hindi ko siya iiwan, pero sa nangyayari ngayo
The party ended around 11 in the evening kaya naman nang maka-uwi kami ni Yumi ay bagsak kaming dalawa, pero kahit na ilang oras na akong nakahiga dito sa kama ko ngayon ay hindi ko pa rin magawang makatulog nang maayos dahil sa dami rin ng iniisip ko. Si Alex, ang fiancee niyang si Calypso, si Miguel at ang magiging anak namin ni Alex na hindi niya manlang alam. “Ano Beh, may nararamdaman ka bang sakit?” tanong naman sa akin ni Yumi habang kumakain kami ngayon ng umagahan. Napa-iling naman ako. “Wala naman. Bakit?” “Kailan ka ba ulit magpapacheck-up? Hindi naman ngayon, hindi ba?” Hindi ko alam kung ano ba palagi ang pakay nito sa akin
“Can you please reconsider, Kim?” Napapahawak nalang ako sa noo ko dahil sobrang kulit din naman talaga nitong si Miguel kausap. Kanina ko pa siya sinasabihan ayaw ko, pero hindi manlang siya pinipigilan ng mga kasama ko rito. “I’ve said what I said. I’m sorry, ayoko talaga ng dagdag iisipin pa kaya please lang Miguel, tantanan mo na ako.” Nilapitan naman ako ni Yumi at tinapik na sa braso. “Beh…isipin mo nalang na malaking tulong ‘to sa negosyo natin at malay mo, matauhan ‘yang asawa mo kapag nalaman niyang girlfriend ka na ng pinsan niya, hindi ba?” “Beh…ayoko nga…” Napalingon naman na ako kay Miguel. “Ple