Nang makarating kami sa hotel ay dali-dali namang nagbayad si Yumi at agad na kaming tumungo sa kwarto namin. Ilang minuto rin ang hinintay namin hanggang sa matapos na pasok lahat ng mga luggage naming dalawa.
“Magbihis ka na at magpahinga,” wika ko naman kay Yumi habang nagtatanggal ako ng sapatos ko.
Panay naman ang hikab niya. “Kaya nga, tinatamad na rin akong magbihis. Good night, beh. Matulog ka na rin ha at baka mapahagulhol ka na naman ng iyak diyan.”
Ngumiti naman ako. “Good night. Sige na magpahinga ka na at magpapahinga na rin ako pagkatapos.”
Nakatulog ako nang mahaban sa byahe kaya medyo okay pa ako ngayon. Napag-isipan ko nalang na magshower muna bago matulog. Bukas ng umaga ako aalis para pumunta sa bahay nila Alex, at sana naman ay tanggapin nila ako sa huling pagkakataon.
Maaga pa akong gumising ngayon dahil ang akala ko ay may gagawan pa ako ng breakfast. Hindi ko naman akalain na ang dating nakasanayan kong buhay ay nawala na na parang bula. Kasalukuyan naman akong nasa veranda ngayon na nagpapahangin.
“Beh? Kim?”
Napalingon naman ako nang marinig ako ang pagtawag ni Yumi sa pangalan ko. “Oh gising ka na pala.”
“Dating gawi, ikaw palagi ang unang nagigising sa atin,” pahayag niya naman kaya pumasok na ako sa loob.
Umupo naman siya sa dining area na nasa harapan lang ng pintuan ng kwarto. “Ngayong umaga ka ba aalis?” tanong niya.
“Oo. Hindi na ako makapaghintay pa.”
“Anong oras?”
Napatingin naman ako sa wrist watch ko. “After breakfast? Oo, after breakfast tutal mga isang oras naman ang byahe papunta sa forbes park.”
“Gusto mo bang sumama pa ako sa’yo?”
Agad naman akong napa-iling. “H’wag na. Alam ko namang may gusto ka ring puntahan ngayon eh. Atsaka yakang-yaka ko na ang sarili ko, beh. Don’t worry.”
“Oh, I see. Mabuti ‘yan beh. Siya breakfast na ba tayo sa baba?” tanong niya naman sa akin kaya tumango ako.
Kagabi pa kasi talaga ako nagugutom dahil hindi naman ako kumain sa kalagitnaan ng flight namin. Pagkatapos naming kumain ni Yumi ay pareho rin kaming umalis. Nag-taxi nalang ako para convenient ang byahe dahil medyo malayo pa ang forbes park dito sa amin.
“Sa forbes park lang po, Manong,” pahayag ko naman nang makapasok na ako ng kotse.
Inabot din ng halos isang oras ang byahe namin dahil na rin sa hindi umuusad na traffic sa daan. Nang makarating ako ro’n ay sumakay na agad ako ng shuttle bus. Mabuti nalang talaga at merong mga shuttle buses, sa lawak ba naman kasi ng lugar ay siguradong mawawala ka sa loob.
Habang papalapit ako sa bahay nila Alex ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung uuwi akong maluwag ang pakiramdam o mabigat pa rin. Namg makababa na ako sa shuttle bus ay agad na tumambad sa akin ang napakataas na itim na gate. Dali-dali naman akong nagdoorbell at wala pangi lang segundo ay agad nang may nagbukas nang maliit na butas nito.
“Ano po ang kai...Kimberly?”
Nagulat naman ako nang makita si Andeng na nasa harapan ko ngayon. Isa siya sa mga kapitbahay dito sa bahay nila Alex, at isa rin sa mga naging kaibigan ko dahil palagi niya akong dinadala rito dati kaya wala si Tita Melody o si Trina.
“Andeng, nakikiusap ako sa’yo gusto ko lang talaga makita si Alex sa huling pagkakataon kaya papasukin mo na ako,” paki-usap ko naman sa kaniya.
Bigla namang napa-isip si Andeng. “Hindi ko kasi alam Kim dahil...”
“Who are you talking to, Andeng?”
Agad ko namang narinig ang boses ni Trina kaya lalo akong lumapit sa gate. Alam kong ayaw na ayaw sa akin ni Trina para sa kuya niya, pero wala na akong choice ngayon kung hind ang magmakaawa.
“Oh Kimberly, my kuya’s so-called-wife. Anong ginagawa mo rito? Nang dahil sa’yo ay nangyari ‘yon kay kuya, and you still have the audacity para magpakita rito sa mansyon ngayon?” galit niyang wika sa akin.
Napayuko naman ako. “Please, Trina. Huling pagkakataon ko na ‘to ngayon para makita si Alex kaya please lang, ibigay niyo nalang ‘tong pagkakataon na ‘to sa’kin,” pagmamaka-awa ko pa.
Gagawin ko ang lahat para lang makita si Alex at para na rin malinawan ako.
“What is the commotion all about?”
Bigla ko ring narinig ang papalapit na boses ni Tita Melody kaya nagtaka ako. Ang alam ko kasi ay kaya umuwi si Alex dahil naka-confine siya sa hospital, pero hindi ko naman akalain na lahat pala ng mga ‘yon ay hindi totoo.
“Here comes my son’s thief,” bungad niuang pahayag sa akin nang makita niya ako.
Bigla namang bumukas nang tuluyan ang gate kaya kitang-kita ko na sila ng buo. “Please, Tita. Just let me see your son this time. Wala na po kaong hihilingin na iba pagkatapos po nito. Gusto ko lang po talaganga makita si Alex.”
Wala na akong nagawa kung hindi ang lumuhod sa harapan nila. Wala na rin kasi akong maisip na paraan para lang makita ko si Alex kaya lahat ay gagawin ko na.
Nagulat naman ako nang bigla siyang tumawa. “Do you really think na hahayaan ko pa na makita mo ang anak ko pagkatapos mo siyang agawin sa amin? There is no way, Kimberly. Lumuhod ka man sa lahat ng mga santo ay hinding-hindi mo na makikita ang anak ko.”
Tagos na tagos sa akin ang bawat salitang binibitawan nila. Ang akala kong magkakaroon na ulit ako ng pamilya pagkatapos naming ikasal ni Alex ay baligtad pa pala. Impyerno ang dinanaa ko.
“Guards, take way Kimberly from here now, and make sure na hinding-hindi na siya makakapasok sa village natin kahit kailan,” ma-awtoridad na utos ni Trina sa mga guwardiya kaya agad akong napatayo.
Tatakbo pa sana ako palapit kay Tita Melody, pero agad naman akong hinarangan ng mga guwardiya nila. Napansin ko namang si Mang Flores pala ang isa sa mga guwardiya dito kaya lumapit na ako.
“Mang Flores maaawa naman po kayo. Alam kong naiintindihan niyo ako kaya please lang po, hayaan niyo naman akong makita ang labi ng asawa ko,” pagmamakaawa ko pa.
“Pasensya na talaga, Kim. Naghahanap-buhay lang din kasi ako kaya wala po talaga akong magagawa.”
Wala na akong nagawa kung hindi ang pumasok nalang ulit sa shuttle bus. Kahit ano ang gawin ko ay mukhang hinding-hindi na talaga magbabago ang paningin ng pamilya ni Alex sa akin. Nang makalabas ako sa subdivision ay hindi ko alam kung uuwi pa ba ako sa hotel o magpapakamatay nalang dito sa daan.
Lakad lang ako nang lakad na walang direksyon. Hindi na ako natinag sa init ng panahon ngayon at patuloy lang sa paglalakad. Hindi ko naman namalayan ang ginagawa ko nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong dinukot mula sa bulsa ng aking pantalon.
Nakita ko namang tumatawag si Ann kaya agad ko itong sinagot.
“Beh? Hoy beh! Kanina pa ako text ng text sa’yo, pero hindi mo naman ako nirereplyan. Kumusta naman ang ganap mo diyan?” tanong niya sa akin mula sa kabilang linya.
Napapigil naman ako sa pag-iyak. “Puntahan mo ako dito, beh. Hindi ko na yata kaya...”
“Ibigay mo ang address mo ngayon sa akin at pupuntahan kita.”
Agad ko nang ibinaba ang tawag at sinend sa kaniya ang lugar dito ngayon. Napa-upo nalang ako rito sa gilid ng kalsada dahil nanlalambot na rin ang mga tuhod ko. Siguro kung wala si Yumi ngayon na sumasalba sa akin ay baka kanina pag ako sumuko.
“Kimberly! Jusko!”
Hindi ko na halos namalayan kung ilang minuto na ba ako naka-upo rito kung hindi pa dumating si Yumi. Napatingin naman kao sa kaniya na parang wala sa sarili.
“Beh...”
“Ano ba kasi ang nangyari?” agad niyang tanong sabay punas sa mga pawis ko. “Sinasabi ko na nga ba eh. Mga walang puso talaga ang mga ‘yon. Hayaan mo beh at alam kong makakabawi ka rin sa kanila pagdating ng araw.”
Agad naman akong napatayo. “Hindi na ako papayag na b****a pa ang tingin nila sa akin. Sisiguraduhin ko na lahat ng mga ginawa nila ngayon sa akin ay ibabalik ko sa kanila. Hindi na nila ako maapakan pati na rin ang magiging anak namin ni Alex.”
Hanggang ngayon ay wala pa rin talaga ako sa sarili at tanging nakatulala lang ako rito sa hotel na tinitigilan namin ni Yumi. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko sa buhay ngayon lalo na at wala na ang tanging pinakamamahal ko. "Kim, halika na. I ordered some food for us. Wala ka pang kinakain simula kaninang umaga. Here oh." Iniaabot niya naman sa akin ang isang meal na inorder niya from a fast food restaurant. Wala talaga akong gana sa kahit ano ngayon dahil si Alex lang ang laman ng isip ko. I hate the fact that he's already dead. Hindi ko matanggap. "Wala akong gana, Beh. Mauna ka nalang kumain at susunod na ako," sagot ko pa sa kaniya. I've been exhausted the whole day at gutom na rin talaga ako, pero pakiramdam ko ay hindi ko naman kayang nguyain ang pagkain habang iniisip si Alex. Napansin ko namang napahinga nang malalim s
A sunny day for a mourning person like me. Kahit na ang ganda ng sinag ng araw ay hindi pa rin ako nito magawang pangitiin, pero hinahayaan ko lang ang sarili ko para maging malungkot. "Gising ka na pala, Beh. Halika rito, nagluto na ako ng almusal natin." Napatingin naman ako kah Yumi na naghahanda na sa table ng food namin. "Oh, sorry, Beh. Hindi agad ako nakagising nang maaga dahil puyat talaga ako kagabi." "Ano ka ba, wala 'yon. Hayaan mong ako naman muna ang mag-alaga sa 'yo ngayon." Napangiti nalang ako sa kaniya at umupo na rin sa dining table. Napansin ko namang nagluto siya ng longganisa at sinangag pati na rin sunny side-up na itlog. "Aba, marunong ka na palang magluto ngayon ah." Marahan niya naman akong hinampas sa braso sabay tawa. "Ano ka ba, syempre. Nakakahiya rin naman na ikaw lang ang magluluto palagi para sa ating dalawa.
"Beh! Halika na, baka ma-late tayo sa opening ng boutique natin!" bulyaw naman sa akin ni Yumi habang nandito kami sa taas.Katatapos ko lang kasi magbihis at nagsusuklay palang ako pero excited na agad siya. Nag-hire na rin kami ng ilang tao para sa boutique namin ni Yumi. Ilang buwan kami naghirapan sa pagplano at pag-design ko. May mga co-designers akong na hire at ilang staff kaya naman medyo hindi na kami nahihirapan."Wait! Hintay lang naman, akala mo naman ay may naghihintay na bisita sa atin eh."Napatawa naman siya. "Ano ka ba, may mga costumers na kayang naghihintay sa baba para bumukas at sobra nilang nagustuhan ang mga designs mo."Napatigil naman ako sa ginagawa ko at napatingin na sa kaniya. "Oh? Akala ko ba sila Ven at Matthew lang ang nandoon sa baba."Hindi naman kasi ako umaaasang may dadalo sa opening ng boutique namin ni Yumi lalo na at nag-uumpisa palan
Maaga pa kaming nagising ni Yumi dahil hype na hype rin naman kami para sa boutique naming dalawa. I'm looking forward sa mga sales namin kahit na hindi naman gano'n kadami sa ngayon."Nandito na ba sina Ven?"Napatingin naman ako kay Yumi na kakalabas lang galing sa kwarto niya. "Uh, hindi pa ako nakakababa eh. I'm still checking about the possible collaboration na pwede nating salihan."Kagabi kasi before matulog ay nag-browse muna ako sa laptop ko at marami akong nakitang mga collaborations. Nakita ko nga rin sa top products ang kompanya nila pero hindi ko nalang 'yon pinansin at alam kong masasaktan lang ako kapag na-stuck ako sa kanila."Simula kagabi ganyan ka na, chill lang tayo, Beh. Second day palang ng boutique natin," nakangiting pahayag niya naman.Tumayo nalang ako at pinatay na muna ang laptop ko. Kailangan na rin kami naming magbukas ni Yumi at aalis pa kami mamaya papunta sa sweatshop. Kailangan pa kasi naming pumili ng mga fa
"Halika na kasi, Beh. Dali na kasi..."Kanina pa ako kinukulit ni Yumi na pumunta kami ng hospital para magpa-check up kung buntis ba talaga ako. Ilang buwan na kasi akong hindi dinadatnan pero hindi ko naman iniisip 'yin since simula high school ako ay irregular talaga ang periods ko lalo na kapag stressed o kaya naman ay marami akong iniisip."Ayoko nga, Beh. Irreg lang siguro talaga ako kaya h'wag ka nang mag-abala pa na magpa-check up."Nilapitan niya naman ako. "Napapansin ko kasi talagang nag-iba na 'yung hugis ng katawan mo, dali na kasi maniwala ka sa akin. Nabuntis din ako dati at nalaglag lang kaya wala akong anak ngayon."Napa-iling nalang ako kay Yumi at tumango nalang dahil wala na rin naman akong magagawa. "Okay sige, fine. Mamayang hapon tayo aalis at may tinatapos pa ako.""Yey! Okay Beh, mabuti naman at pumayag ka na."Tinapos ko na ang ginagawa ko at nag-lunch na rin kaming dalawa ni Yumi. To be honest, kinakabahan din nama
Nagising naman ako dahil sa naramdaman kong sakit sa ulo. Bigla ko namang tinakpan ang mga mata ko dahil sobrang liwanag ng paligid.“Doc, she’s awake.”Nakarinig naman ako ng ilang mga yapak at boses kaya marahan ko nag inilibot ang paningin ko at nagulat naman ako nang makita ko lang ilang nurses na nasa harapan ko. Naalala ko naman ang pangyayari kanina.“Alex?” sambit ko at agad siyang hinanap sa paligid.Napatigil naman ang paningin ko sa lalaking nakatalikod katapat ang Doktor. Kahit saang anggulo ko tingnan ay kilala ko ko talaga si Alex. Ilang buwan na rin kaming magkasama sa iisang bahay kaya naman ay kilalang-kilala ko na siya. Ang hind
Nang malaman kong buntis nga ako ay hindi naman maabot ang saya na nararamdaman ko, the only thing left right now is Alex. Hindi ko man alam kung ano ang nangyari after ng plane crash pero hindi pa rin ako titigil hangga’t hindi kami nagkaka-ayos ni Alex.“Special soup for my bestfriend!”Napalingon naman ako at nakita kong may bitbit na tray si Yumi na may nakalagay na pagkain. Ilang araw na rin simula noong nalaman niyang buntis ako na sobrang maalaga niya kahit sa mga kinakain ko. Ilang araw na rin na wala akong bagong designs na nagagawa dahil ayaw daw niyang may complications kami ni baby.“Alam mo, baligtad na tayo ngayon. Besides, for six months lang na
Anong kailangan sa ‘yo ni Miguel na ‘yan? Gusto niya bang magkagulo-gulo ang buhay mo at dadagdagan niya pa ang problema mo?” Ibinaba ko naman na ang cellphone ko at napatingin kay Yumi. “Hayaan mo, email lang naman eh. Wala akong panahon sa kaniya at hindi ko rin naman tatanggapin ang offer niyang ibinigay.” “Pero Beh…imagine ha, sponsor siya ng boutique. Ibig sabihin…ilang branch pa ang pwede nating ipatayo sa pera niya?” “Ayoko pa rin, Beh…” “Kaya nga, mas mayaman naman ‘yang asawam o keysa sa Miguel na ‘yan, pero ‘yon lang, hindi ka na niya maalala ngayon,” anito. Napatingin naman ako sa kaniya. “Alam mo ikaw, isa pa talaga.” Ang hilig niya ring asarin ako ngayon kay