All Chapters of My Mr. Perfect (Girlfriend Series #1): Chapter 31 - Chapter 40

51 Chapters

Chapter 31

"Hello?" Nagmamadali kong sagot sa tawag ni Niko habang nag-aayos ng mga gamit ko. Katatapos lang ng duty ko at sinusundo na niya ako."You done, baby? I’m here already.”  "Yep baby, diyan na po." Pagkatapos naming mag oath taking ay wala na kaming pinalampas na sandali at nag training na kami nila Max at Jeff sa Red Cross, at iba pang mga training tulad ng Basic Life Support, Advanced Cardiovascular Life Support, at IV Therapy Training. Napakarami pang dapat gawin katulad na lang ng kailangan pa namin ng magandang hospital experience bago ma hire talaga bilang staff nurse kaya pagkatapos naming mag training ay nag-apply na kami agad sa isa sa pinaka malaking hospital dito sa Baguio. Kaya heto, apat na buwan muna kaming magti-training at pagkatapos ay magti-take na naman kami ng exam dito para makapasok bilang job order. Ugh! Napaka komplikado din pala pero tyaga na lang talaga ang kailangan. "Aysu
Read more

Chapter 32

Kahit nilalamon na ako ng anxiety sa pinagsasabi ng mommy ni Niko ay ayaw ko munang basta-basta na lang maniwala. Kailangan muna naming pag-usapan ‘to. Bakit hindi? Mag-asawa na kami! Yan ang gusto kong isigaw sa pagmumukha ng mommy niya kanina.Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko pa ito pwedeng sabihin kay Niko ang tungkol dito dahil meron pa siyang exam bukas kaya kahit hindi maganda ang pakiramdam ko ay hindi ako nagpahalata."Hi! How's my baby? I missed you!" Sinalubong ko siya kaagad ng yakap pagkapasok pa lang niya ng pintuan. Gumanti naman siya agad ng yakap at kinintalan ako  ng halik sa labi. No. Hindi ko kayang mawalay sa asawa ko."Na miss? Agad-agad?" Biro ko sa kanya pero sa totoo lang mas na miss ko siya at parang ang tagal naming di nagkita. Ni hindi ko nga magawang bumitaw sa kanya. Pakiramdam ko kasi kapag bumitaw ako sa kanya ay bigla na lang siyang mawawala. Ayaw ko man ay hindi ko mapigila
Read more

Chapter 33

"Get up lazy bones! Let’s go out!” Masayang sabi ni Niko at umupo siya sa kinahihigaan ko at hinaplos ako sa pisngi.Alam kong nag-aalala siya sa akin nitong mga nakaraang araw dahil lagi akong walang energy at nakakatulog ako agad pagka-uwi galing trabaho. Night shift na kasi ako kaya malamang ay dahil ‘to sa puyat at mababa din ang blood pressure ko. Idagdag pa ang alalahanin ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa  nababanggit kay Niko ang tungkol sa sinabi ng mommy niya. Natatakot kasi akong malaman..na baka totoo nga. Natatakot akong malaman na aalis nga siya lalo pa at kasama si Gab.Hindi na din maipagkakaila ang ilap at lungkot sa mga mata niya at may mga pagkakataon na nahuhuli ko siyang nakatitig lang sa akin na tila mini-memorya niya ang bawat hugis sa mukha ko. Kaya lalo lang akong naduwag na itanong sa kanya ang bagay na ‘yon. Pero alam kong hindi ko na dapat ito patagalin pa dahil lalo lang bumibigat ang dibdib ko.
Read more

Chapter 34

"Hi! How's my baby?" Tanong ni Niko pagka sagot ko sa video call niya.Napangiti naman ako kaagad at umayos ng pagkakahiga.  Isang buwan na din ang nakalipas pero sobrang lungkot ko pa din. Ipinagpapasalamat ko na lang na may video call kaya kahit malayo siya ay nagkikita pa din kami araw-araw. Hindi ko nga lang siya mayakap!"Masaya kasi nakita na kita!" Nakangiti kong sabi sa kanya. Napangiti naman siya ng matamis kahit mukhang kagigising pa lang niya. “Kumusta ka diyan? Malapit na mag start class mo?" Tanong ko naman sa kanya."Next week na. I miss you so much baby!" Naka pout nitong sabi kaya natawa ako sa itsura niya. Miss na miss ko na siya!Nagtagal din ng isang oras ang pag-uusap namin. Minsan umaabot kami ng dalawang oras pero alam niya kasing may pasok pa ako bukas kaya  ayaw niya akong mapuyat. Nakapasok kasi agad sa isang private hospital na malapit lang sa bahay nila tita. Napapikit
Read more

Chapter 35

"Salamat sa paghatid, Von. Ikukumusta ba kita kay Max?" Biniro ko pa siya pagkababa ko ng sasakyan niya dahil ayokong ipahalata ang bigat ng dibdib ko. Kanina pang gustong tumulo ng luha ko.Kaagad na akong nagpaalam sa lolo at daddy ni Niko pagkatapos naming mag-usap ng mommy niya at nagdahilan na lang ako na sumakit ang ulo ko. Hindi ko na din nakita ang ate ni Niko kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kanya. Magtataxi na lang sana ako nang magpilit si Von na ihatid ako kaya hindi na ako nakatanggi.Tipid lang itong ngumiti. "Hmm alam ko na kung saan kita papasyalan, Jazzy." Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa bahay ni tita Jelai."Oo naman, welcome ka dito. Pasok ka muna?""Hindi na para makapagpahinga ka na din. Oh paano? Mauuna na ako ha? Pasok ka na Jazzy." Hinintay pa niya akong makapasok bago tuluyang umalis.Pagka-akyat ko ng kwarto ay bumuhos agad ang luhang kanina ko pa tinitimpi. Laking pasasalamat ko na lang na hindi ako bumigay k
Read more

Chapter 36

Pagkagising ko kinaumagahan ay halos hindi ko maimulat ang mga mata ko sa sobrang pagkamugto nito. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko dahil umaasa akong magpapaliwanag si Niko..na wala lang ‘yon at nagkakamali lang ako ng iniisip. Na wala naman talagang dahilan para umiyak ako.Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko sa pag-iyak nang wala man lang kahit isang message akong natanggap mula sa kanya. Ilang araw at gabi kong nilabanan ang sarili ko sa  pag-iisip na  baka kung ano nang nangyari sa kanya pero mukhang okay na okay naman siya.Lalo lang akong naiyak nang maalalang may buhay sa loob ng sinapupunan ko at ni hindi man lang alam ni Niko ‘to. Umagang umaga ay pag-iyak ang inatupag ko!Kahit wala akong kagana gana ay pinilit ko pa din ang sarili kong bumangon at kailangan kong magpunta sa OB ngayon. Napahawak ako sa aking tiyan at nagawa ko pa ding ngumiti. Magiging maayos din ang lahat baby ko."Ate Jaz
Read more

Chapter 37

Napakunot noo ako nang mayroong kumatok sa pintuan na napakalakas habang nanonood ako ng tv sa sala. Hindi ba naisara ni Andrew ang gate? Sigurado akong hindi siya 'yan o si tita dahil may sarili naman silang mga susi. Nag-aalangan akong buksan pero wala naman sigurong magnanakaw ng ganitong oras at tanghaling tapat. Kaya nagkibit balikat na lang ako at binuksan ito."Oh my gosh!" Halos mapatalon ako sa gulat sa sigaw ni Max! At halos mapanganga din ako dahil hindi ko ini-expect na makita siya! Nasa likuran naman niya si Jen at Jeff na tumatawa sa kaingayan niya.Hindi naman ako nasurprisa sa presensiya ni Jen at Jeff dahil madalas nila akong puntahan dito sa bahay. Si Jeff kasi ay dito na sa Manila ipinagpatuloy ang med school nang malaman niya ang nangyari sa akin.Kaagad naman akong niyakap ni Max at sumunod naman si Jen na akala mo ay hindi kami nagkikita. Halos every weekend nga ay pinupuntahan niya ako basta hindi siya abala sa trabaho."Uy, tama na
Read more

Chapter 38

“Baby boy Gonzales out!" Masayang sigaw ng OB ko. Kahit hapong hapo ako mula sa pagli-labor at pag-ire ay nakahinga na ako ng maluwag nang marinig ko ang iyak ng baby ko.“Heto na po ang baby niyo, ma’am.” Sabi ng nurse sa akin at ipinaranas sa akin ang unang yakap.“Hi baby..” Bati ko sa anak ko.Hindi ko na napigilan ang mga luhang nag-uunahan na sa pagtulo ng masilayan at mayakap ko siya. Napakaliit niya at mamula mula ang kutis. Napangiti ako habang lumuluha dahil walang makakapantay sa kaligayahan na narararamdaman ko ngayon. Pawing pawi ang lahat ng sakit at paghihirap na naranasan ko! Isa na nga akong ganap na ina. Pangako anak, pupunuin kita ng pagmamahal.“Kukunin ko na po muna si babay ma’am ha?” Sabi sa akin ng nurse makalipas ang ilang sandali at ipinasa niya ito kay Ethan na
Read more

Chapter 39

"Really mommy?! You not joking?" Nabubulol at nanlalaki ang mga matang tanong sa akin ng anak ko nang sinabi kong pupunta kami sa mall ngayon."Uh-huh! Mommy’s not joking po so get up na. Let’s take a bath na kasi lapit na si daddy doc!” Kanina ko pa kasi siya ginigising pero napasarap yata ang tulog niya ngayon.Napasinghap naman siya at kaagad na ngang bumangon! Naku, basta pasyal talaga ay napaka alisto."Lagot! Di pa nakaligo ‘yang baby na ‘yan. Aalis na si daddy doc niya!" Biro naman ni tita na nasa may pintuan na pala."Oh no! Mommy please hurry up! I’ll take a bath now!” Natawa na lang kami ni tita sa istura niyang aburido na at nagmamadali. Nagpa cute eyes pa kaya halos matunaw naman ang puso ko.  Pagkatapos ko siyang paliguan ay si tita na ang nag boluntaryong bihisan siya para makaligo na din ako. Napangiti na lang ako dahil excited na excited na siya at minadal
Read more

Chapter 40

“Isang buwan na lang!" Masaya kong sabi kay Jen pagkatapos naming kumain ng lunch."Mag-extend ka na Jaz..Gawin mo nang 6 months please? Malulungkot ako niyan eh." Maarte nitong sabi pero inirapan ko lang siya.Hindi naman mahirap ang trabaho ko dito at malaki din naman ang sahod kaso parang lagi akong kinakabahan. Wala akong peace of mind! Lalo na at alamkong nandito na siya sa Pilipinas. Ipinagpapasalamat ko na lang na sa dalawang buwan kong pagta trabaho dito ay hindi ko pa siya nakitang nagawi dito.Buti na lang at si Von pala ang may hawak sa project na ‘to. Nagulat siya nang makita niya ako dito at humingi siya ng pasensya nang hindi na daw niya ako nadalaw pa noon gawa ng lumipad din siya patungong Australia para kumuhang masters.Hindi rin naman niya nabanggit ang pinsan niya. Aware naman din siguro sila na wala na kami. I mean, na inabandona na niya kami.Hindi ko alam kung nag try din ba ang ate n
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status