PAGKASARADO PALANG NIYA NG PINTO NG CR ay kaagad na siyang napasandal dito. Napahikbi siya. Kaagad niyang tinakpan ang bibig nang marinig niyang medyo napalakas ang kanyang pag - iyak.
Napatitig sa kawalan si Raine. Kasabay nang kanyang pagtitig ay pag - alala ng nakaraan na pilit niyang binaon nang panandalian sa kanyang isipan. Anim na taon ang nakakaraan nang mangyari ang isang napakalagim na aksidente sa kanyang Ama. Napapikit siya nang maalala niya ang karanasan nito. Nahulog sa gusali ang kanyang ama. Mahigit dalawampung palapag ang kinabagsakan nito dahilan para hindi na ito mabuhay. Naisip niya pala kung gaano kataas ang kinabagsakan nito ay hindi niya maiwasang mapa - isip. Kung ano ang nararamdaman nito habang nahuhulog ito sa ere. Hindi ito naging madali para sa kanila, lalo na sa kanyang Ina. Malaki ang naging epekto nito kaya hindi naging maganda ang mental health nito. Dahilan para masuot naman ito sa isang car accident. May natatanggap naman silang kompensasyon ng kanilang Papa, kasama ang kompensasyon at kabayaran mula sa may - ari ng sasakyang nakabangga sa kanyang Mama. Napagamot nila ito sa ospital na sa loob na mahigit dalawang taon, ngunit kagaya ng isang baul na unti - unting nauubos. Nagastos na nila ang lahat ng pera. Bukod din sa malaki ang pang - araw - araw na hospital bills ng kanyang Mama ay matagal na rin itong nakahimlay roon. Bagay na ikinaubos din ng kanilang yaman. Nang kaunti nalang ang natitirang pera ay nagpasya na si Raine. Para may maipangtustos siya ay tumutulong siya sa kanilang guro para magkapera kahit papaano. Kung wala naman siyang ibang mapagkakitaan ay papasok naman siya bilang isang tutor. Kung anu - anong legal na raket na ang pinasukan niya, may maipangtustos lang siya sa bills ng kanilang Mama. Pero kahit anong kayod niya, hindi pa rin sapat. Noong kasagsagan na ng kanilang kahirapan ay nakapagbitiw ng salita ang kanyang kapatid. Hindi niya alam kung paano nito nasikmurang sabihin iyon. At hinding - hindi niya iyon makalimutan mapaghanggang ngayon. "Mas mabuti pang ipatanggal na natin ang oxygen ni Mama habang maaga pa, Raine," suhestiyon ng kanyang kapatid habang nakatingin sa labas ng bintana. "Ano?" Hindi makakapaniwalang sambit ni Raine. Nabitawan niya ang hawak na walis. "Baliw ka ba?" "Hindi." Maikling sagot pa nito. Sa inis niya ay nilapitan niya ito at pinaharap sa kanya. Tinulak niya ito. "Ano ka ba? Nanay natin iyon! Hinanapan ko na nga ng paraan para mabuhay pa siya. Tapos patatanggalan mo ng tubo?! Hindi makatao iyang sinabi mo! Mas mabuti nang may matawag pa tayo na Mama keysa sa wala! Hindi bale ng hindi siya sumasagot o nagsasalita! Kaysa nandito tayo sa mundong ito na wala naman tayong Ina! Tandaan mo iyan!" Nang maalala ni Raine ang katagang binitawan niya sa panahong iyon ay kaagad niyang pinunasan ang kanyang luha. Lumabas siya ng cr at mabilis na tinungo ang kanyang Mama. Hinawakan ni Raine ang kamay ng kanyang Ina. "Ma, nagpeprepara po ako para sa exam ng CPA." Hinaplos niya ang kamay nito. "Bigyan niyo po sana ako ng basbas para maipasa ko ang exam. Kasi kung makapasa ako, marami na pong magandang opurtunidad, Ma." "Siyempre po kapag ganoon, makapag - hanap po ako ng magandang trabaho. Tapos, tataas kahit papano iyong sweldo ko. Baka nga may posibilidad na maka - kuha ako ng isang milyon kada taon. Kung papalarin po ako, may ipampabayad na po tayo sa pampaospital mo." Ngumiti si Raine ngunit unti - unti itong nabura nang hindi siya makatanggap ng sagot mula sa kanyang Mama. Napalunok siya. Sa loob ng mahigit dalwang na taon, umaasa si Raine sa isang milagro. At iyon ay ang pagmulat ng mata ng kanilang Ina. Kung magigising na ito, tiyak niyang gagaan ang kanilang loob. Na sana ay magigising na ito, na sana ay sasagot na ito sa mga tanong nila. Na sana ay may makikinig na sa kanya habang hinahaplos nito ang kanyang buhok. Tapos tatawagin na naman siya nito sa pangalang, "Tina, Tina." Nasasabik na siya sa ganoong senaryo . Ni hindi na niya alam kung ilang beses na iyon nagpabalik - balik sa kanyang isip. Na sana ay katulad pa rin ng dati ang lahat, tulad noong bata pa sila. Walang problema at kompleto pa ang kanilang pamilya. "Kailangan ko ng bumalik sa trabaho, Ma. Hindi pa kasi ako nakapag - exam sa CPA. Kaya hindi ko pwedeng sayangin ang opurtunidad na binigay sa akin ng kompanyang pinasukan ko." Pang - eenganyo pa ni Raine sa kanyang sarili. Kapag nagtatrabaho pa siya sa Forgatto, may aasahan pa rin siya na sweldo. Mabuti na rin iyon dahil may magagamit pa siya para sa expenses at medical bills ng Mama niya. Pero napapadalas ang paghingi niya ng leave. Hindi na niya alam kung hanggang kailan ang pagtatrabaho niya sa kompanya. Baka nga sa susunod niya na pag - leave ay sisibakin na siya sa trabaho. Pasado alas otso na ng gabi nang umalis siya ng ospital. Nang nasa bungad na siya ng gusali ay sinalubong siya ng malakas na ulan. Nagpasiya siyang sumakay nalang ng bus para makabalik siya ng matiwasay sa kompanya. Binuklat niya ang dalang payong nang huminto ang sinasakyang bus sa tapat ng kompanya. Tumakbo siya papunta sa entrada ng gusali. Kipkip sa dibdib ang dalang bag na kulay itim. Nasa katawan at sa dalang bag ang atensiyon ni Raine habang papasok nang gusali. Pinunasan niya ang bahagyang mga talamsik ng tubig. Pagkapasok niya sa lobby ay nakita niya si Mr. Almonte. He is still wearing his black suit. His one hand is in the side pocket of his black trousers while the other one was holding a mobile phone. Kausap nito ang clerk na nasa front desk. The spotlight in the company lobby were bright and shining, making him look more noble and distant. Biglang kinabahan si Raine. Nitong nakaraang buwan lang ay hindi niya ito nakikita. Tapos ngayon ay para itong kabute na biglang susulpot at nagpapakita. Napapadalas na yata na pakalat - kalat ito sa kung saan - saan. Dumaan ito sa harap niya habang nasa tainga ang aparato. May kausap ito sa cellphone. Siya naman ay pumasok sa loob ng elevator. Nang makapasok na siya room ay nabungaran niya ang likod at ang pigura ng kanilang amo. Malakas pa naman ang ulan ngayon at hindi niya alam kung may dala ba ito na payong. May naalala si Raine mula sa nakaraan. Dati kapag umaalis ang Papa niya ay hindi ito mahilig magdala ng payong. Kaya palagi niya itong hinahabol palabas para bigyan ito ng isa. Bilang ganti ay hahaplusin naman nito ang kanyang buhok sabay sabing," malaki na ang Raine namin ah? Alam na niya kung paano alagaan ang Papa." Hindi niya namalayan na napaluha na pala siya. Kaagad niya ito pinunasan sabay pindot ng fifth button sa elevator. Gaya ng ipinangako ni Raine, nag - overtime siya hanggang alas kuwatro ng madaling araw. Hindi na siya uuwi sa nirentahan niyang bahay. Balak niya sana ay sa kompanya nalang siya matutulog habang maghihintay ng oras ng trabaho. Malalim na ang kanyang pagtulog nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nabulabog siya. Kinapkap niya ang kanyang cellphone habang nakauklo parin sa mesa ang kanyang ulo. Tinignan niya ang cellphone. Napaayos siya nang upo nang makitang si Dr. Riacrus ang tumawag. "Ms. Villanueva?" Bungad pa nito. Humikab muna siya bago sumagot. "Opo, Dok. Napatawag po kayo?" Narinig niya ang pag - buntonghininga nito. "Hija, after you left yesterday, something happened to your Mom." "Po?" Napatayo siya. "Your mom had a fever. The initial speculation is that there is accumulation in the lungs ---" Napatda siya.HINDI NA MAPAKALI SI RAINE nang marinig niya ang sinabi ni Dr. Riacrus. "Okay lang po ba siya?" "Yes, Dear for now. Huwag kang mag - alala, nagawa na namin ang emergency treatment. Pero hindi tayo dapat magpakampamte. Alam mo ang sitwasyon nang Mama mo, Hija. Sa ngayon ay stable na ang lagay niya. Natahimik siya. "Ms. Villanueva, are you still there?" "Y- Yes, Doc." "Good, and again I have to remind you of this. Dahil sa nangyari sa Mama mo kagabi ay may panibago na namang bayarin dahil sa mga nagamit na kagamitan at medisina, Ms. Villanueva. Medyo malaki ang naidagdag. Kailangan mong bayaran ito ng buo." "S- sige po. Hahanap po ako ng paraan." "I know you will but Hija, you have to pay it all at once. Although nagbabayad naman kayo noong nakaraan pero hindi iyon sapat, Hija." Hindi na naman siya kaagad nakasagot. Muli na naman niyang naalala ang malaking bill ng ospital. Nagkarambola na ang utak at ang puso niya dahil sa kanyang emosiyon. "Kung hindi mo ito mababa
NANG MAKITA NI CRASSUS si Mr. Villanueva sa harap ng kanyang opisina ay alam na niyang nagbago ang isip nito. Hindi naman ito pupunta sa opisina niya kung hindi iyon ang dahilan. Lalo siyang nakaramdam ng dismaya. He overestimated her. Playing hard to get is one of her own abilities.Bakit pa siya masusurprisa. Natural na sa kauri nito ang maglaro ng ganoong taktika. Hindi na iyon bago.Naging alerto si Raine. Tumayo siya nang makita papalapit na ang kanyang amo."Good morning Mr. Almonte," she greeted him in a flattery tone."Not as early as you." Then he opened the door.Muntik na siya mapaurong dahil sa paraan ng pananalita nito. Pinagmasdan niya ito sa loob ng opisina. Umupo ito sa office chair at binuksan ang kompyuter. May pinakli pa ito na documents na para bang wala siya sa harap nito. "Get in."Naging hudyat iyon para sa kanya. Pero hindi siya umupo. Nahihiya kasi siya kaya pinili nalang niya na tumayo sa harap nito."What do you want?" Crassus cold and non - chalant voic
NAPATITIG NA LAMANG si Raine sa kanyang cellphone. Kumurap siya ng isang beses nang mabasa niya ang pangalan nito sa facebook account.Hindi niya alam pero iba ang dating sa kanya nang mabasa niya ang buong pangalan nito. Nakikita naman niya ito sa opisina pero iba pa rin kapag nakapaskil na ang pangalan nito sa kanyang aparato.Crassus Adam Almonte, buong pangalan pa lamang nito ay malalaman mo ng high profile ito.Kanina kasi ay hiningi niya ang fb account nito. Hindi ito umimik kaya akala niya ayaw nito ibigay. Sa halip ay ang fb account niya ang hiningi nito. Akala pa niya noong una ay wala lang iyon. Pero ito siya ngayon, nakatitig pa rin sa aparato at tila hindi makapaniwala na nag - send ito ng friend confirmation sa kanya. Tinanggap niya ito. Nagbigay na nang notification ang account niya na magkaibigan na sila. Tinignan niya ang profile nito. Napataas ang kilay niya nang mapansing halos wala masyadong laman ang profile nito. Hindi rin ito pala - post. Maliban pa roon, kaun
HINDI PA BAYAD ang hospital bills ng Mama ni Raine kaya nabagabag ang loob niya. Sa tuwing uupo siya ay bigla na naman siya tatayo na para bang nakasalang sa apoy ang kanyang puwetan. Pumapatak ang oras at mas lalong hindi siya mapalagay. Ngayon kasi ang huling araw na ibinigay na palugit.Pasimple niyang nilingon ang office ng Financial Director nila. Sumilip siya mula sa wall glass ng opisina nito.Wala pa ito sa swivel chair nito. Hindi pa ito nakabalik mula sa group meeting. Hula rin niya ay kasama rin nito sa meeting si Mr. Almonte. Kung nagkasama man ito, malamang ay aabutin pa ito ng ilang oras bago pa matapos ang pagpupulong.Hindi ito ang tamang oras para mag - send ng messages dito. Baka mainis pa ito at magbago ang isip kung inaapura niya ito. Mauunsiyami pa ang kanyang pera.Kaya nag - antay nalang siya.Natapos ang overtime bandang alas dies na nang gabi. Parang lantang gulay na naglakad ang dalaga patungo sa elevator. Pagbukas nito ay nabungaran niya ang kanilang amo. Na
UMINIT ANG ULO NI RAINE dahil sa sinabi ng kanyang kapatid. Kaya pala pumunta ito sa ospital ay dahil siya pala ang sadya nito. Akala pa naman niya ay ang Mama talaga nila ang pakay nito. Nanghihimutok na nga siya kanina dahil hindi ito masyadong dumadalaw sa Nanay nila. Sa totoo lang ay gusto niya itong pagsabihan. Gusto niya na tumulong ito sa pag - aalaga sa kanilang Ina. Hindi lang niya mabanggit dahil alam na niya ang sagot nito. Tapos ngayon na pumunta na ito rito, wala namang dala. Ni wala na ngang ginawa. Hindi pa ito nakuntento, inungkat pa nito ang kanyang nakaraan.Kaya hindi siya nakapagpigil. "Huwag na huwag mo siyang banggitin, Athelios! Wala kang karapatan!" Gitil na sigaw niya kahit nasa harap sila ng kanilang Ina.Nang makitang hindi nasiyahan ang kanyang Ate ay natahimik si Athelios.Isa iyon sa mapait na nakaraan ng kanyang kapatid. Naintindihan niya naman ito kung bakit ito nagagalit. Alam niyang mali siya sa part na inungkat pa ang nakaraan. Kaya hindi na niya
HINDI ALAM NI RAINE kung alam ba ng driver ni Mr. Almonte ang tungkol sa marriage agreement. Natatakot siya na baka marinig nito ang tungkol doon. Nasa papel pa naman na walang sinuman ang makakaalam sa kasunduan nila kaya naaalarma siya.Kaya kahit gusto niyang personal na isabi rito ang kanyang sadya ay pinili nalang niya na idaan iyon sa pamamagitan ng mensahe. Nang nasa kamay na niya ang aparato ay nabitin naman sa ere ang kanyang daliri. Hindi niya alam kung ano ang ititipa niya sa cellphone. Nag - aalangan siya, bukod roon ay nakakahiya rin ang kanyang itatanong.Sa kadahilanan na gusto niyang malaman ang totoo ay mabilis niyang tinipa ang cellphone. Baka magbago pa ang kanyang isip at hindi na naman niya magawa ang kanyang gustong itanong.'Kasali ba sa kasunduan natin iyong ano ...'DeliveredNarinig niyang tumunog ang cellphone nito. Mabagal pa nitong kinuha ang aparato kaya parang nag - slow motion sa kanya ang lahat. Bagay na ikinatibok ng mabilis ng kanyang puso.Napaayos
ALAS KUWATRO NA NG HAPON nang makarating sila sa La Costano, ang mansiyon na pagmamay - ari mismo ng Lolo nito. Bumulaga sa kanila ang isang napakalaking tarangkahan. Sa taas nito ay hindi na niya makita kung ano ang nasa likod. Yari ito sa isang kahoy na pinakintab ng isang varnish. Ang hawakan naman ng mismong gate ay sing kinang ng ginto ang kulay. Sa itaas naman nito ay may ulo pa ng toro na nakalagay bilang desinyo. Sa ibaba mismo nito ay nakalagay ang pangalan ng mansiyon. Tatlo kulay lang ang naglalaro sa gate; itim, kayumanggi at ginto. Kaya hindi niya maiwasang mapangmangha dahil napaka - elegante ng desinyo nito. Kusang bumukas ang malaking tarangkahan. Napakurap pa siya dahil wala naman siyang nakitang tao na nagpapasok sa kanila. Nakita lang niya ang driber na naglabas ng Id. Saka lang niya naanalisa na computer generated pala ang tarangkahan. 'Iba na talaga kapag mayaman' Kasalukuyan pa nilang tinatahak ang front lawn ng mansiyon. Muntik nang tumulo ang la
Hindi pa man natapos ni Lolo ang sasabihin ay namula na ang mata nito."You loved her adobo since you were a child."Isang intelektwal na tao si Lolo Faustino kaya madalas kapag kaya talaga nitong gawin ang isang bagay ay ito na ang nag - kukusang gumawa. Ayaw nitong umasa sa ibang tao kung hindi kinakailangan. Kahit na noong buhay pa ang asawa nito ay ganito na ang pag - uugali nito. Nakatira na si Crassus noon sa kanyang Lolo't Lola. Kahit na noong buhay pa ang kanyang Lola Celestina ay hindi na ito kumukuha ng katulong dahil ito mismo ang tumututol. Kaya nang pumanaw na ang Lola niya ay gusto niyang kumuha ng tagapangalaga rito. Para kahit papaano ay may kasama at mag - aasikaso man lang dito.Sabi pa nga nito," I am half dead, don't bother someone to take care of me."Iyon nga ang kinakatakot ni Crassus. Sa bibig na mismo ng Lolo niya nanggaling ang 'half dead.' Alam na nito na kalahati ng katawan nito ay palyado na. Hindi nila kontrolado ang oras. Papano nalang kung may nangya
Ang pinakatuktok ng gusali ng Forgatto Celestina ay inirenovate. Ginawa itong opisina ng Audit Department. At dahil isa ito sa pinaka - importanteng departamento na sakop Almonte Group of Companies, pinili ni Crassus na itabi ito sa kanyang opisina. Hindi lang Forgatto Celestina ang aasukasuhin ng Audit Department. Lahat na pagmamay - aring negosyo ni Crassus ay saklaw nito kaya importante sa kanya na malaman ang lahat ng bawat galaw ng mga empleyado niya. Kaya mahigpit ang pagpipili ni Mr. Rothan sa mga empleyado dahil isang malaking departmento ang Auditing. Araw - araw ay tumatanggap sila ng interview. Maliban sa kulang pa ang kanilang man power, nahihirapan din sila makahanap ng mga empleyadona angkop sa standards na hinahanap nila. Kaya kahit marami na ang nag - aapply na may mga matataas na katungkulan na sa larangan ng kontadurya (accouting), kaunti pa lang ang kanilang napili.Ganoonpaman, sumubok pa rin si Raine. Dinala niya ang kanyang resume na naka- translate sa salitan
Saglit na natahimik si Raine. Inisip niya ang suggestions ni Diana. "Di ba? Subukan mo lang. Wala namang mawawala sa'yo," dagdag pa ni Diana at ininom ang malamig na ice tea.Hindi sumagot si Raine. Iniisip niya si Crassus. Bagaman ito ang unang kumibo ay hindi pa rin siya masyadong nahimasmasan. Nagtatampo pa rin siya rito lalo na at nag - iwan ng marka ang kamay nito sa braso niya. Hindi naman malubha, pero sapat na sa kanya iyon para mainis at magtampo siya rito.Hind tulad ng dati, madali na ito pakiusapan. Hindi na rin ito satkastiko. Kaya lang ay hindi siya pa handa sa magiging komento nito. Bukod pa roon ay hindi rin alam ni Diana na nagpatranslate na siya kay Crassus ng resume. Nagbigay na nga siya ng ibang kopya niyon kay Mr. Rothan mismo pero hindi niya alam kung natanggap ba nito ang resume niya.Dala ng pagkasabik, tinanggap ni Raine ang ideya ng kaibigan. Kahit na alam niyang suntok sa buwan ang posibilidad na matanggap siya. Maraming mas magaling pa sa kanya, at marami
Simula noong mag - walk - out si Raine sa kwarto ay hindi na sila nagka - imikan ni Crassus. Naputol lamang iyon nang ayain siya nito na kumain ng dinner. Pero hindi niya pa rin ito kinibo. Kahit na noong nasa harap na sila ng hapag - kainan ay panay lang itong pasulyap ng tingin. Mabuti na lamang at nakauwi na si Lolo Faustino. Bahagyang nabuhay ang atmospera dahil sa pag - uusap nila. Pahapyaw rin kung sumabat sa usapan si Crassus. Tinatanong nito kung kamusta ang naging lakad ng Lolo nito. Naunang matapos si Lolo Faustino. Para makaiwas kay Crassus at nagpresenta siya na samahan na pumunta sa kwarto si Lolo. Mabuti nga lang at hindi na ito nagtanong. Hindi na rin siguro ito nagtataka dahil madalas din naman ay inaakay niya ito. Nang nasa bukana na sila ng dining room ay napasulyap siya kay Crassus. Napalunok siya nang makitang nakatitig ito sa kanya habang umiinom ng tubig. Mabilis niyang iniwas ang kanyang mata. Pagkatapos niyang asikasuhin si Lolo Faustino ay pumunta siya s
Tinitigan ni Raine si Crassus. Inaanalisa niya ang sinabi nito. "Importante, paanong naging importante ang initials na 'yon, Crassus?" takang tanong pa ni Raine.Crassus shrug. "I just like it."Muling napaisip si Raine. "Dahil ba sa meaning?" tanong niya ulit. "Iyong dahil ba sa pangalan natin o dahil doon sa Crassus loves Raine?""No, I just want it."Natahimik siya. "Oo nga naman, paano mo ba naman ako maging mahal. May Tia ka pa sa puso mo."Natigilan si Crassus mula sa pagtipa. Napalingon siya kay Raine. "Bakit parati mo na lang siya isinisingit sa usapan?"Nagkibit - balikat si Raine. Iniwasan niya ang mata ni Crassus. Bumigat ang puso niya. Alam naman niya na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa ito sa ex nito. Takot lang ito na umamin. "In- denial ka pa kasi," saad ni Raine. Malungkot niyang saad. "Alam ko naman na may nararamdaman ka pa sa ex mo."Inilapag ni Crassus ang laptop sa higaan. "Who told you?""Ako," diretsang sagot ni Raine. B
"What?"Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. "Magbibihis lang ako at dapat pagbalik ko rito ay wala na 'yan sa katawan mo. Huwag mo akong hamunin, Crassus," malamig na wika niya.Saka siya umalis sa harap ni Crassus. Pumasok siya sa closet room nila para magbihis. Nilapa niya ang kanyang tote bag sa mesa. Tahimik siyang nagbibihis at nang matapos ay lumabas kaagad siya.Naikuyom niya ang kanyang kamay nang hindi man lang natinag mula sa kinatatayuan si Crassus. Mataman itong nakatitig sa kanya habang nakapamulsa. Nang maanalisa niya na wala itong balak na hubarin ang damit ay mabilis siyang lumapit. Marahas niyang tinanggal mula sa pagkabutones ang suot nito.Pinigilan ni Crassus ang kamay ni Raine. "What are you doing?""Tatanggalin ko ang damit. Ayaw mong maghubad kaya ako na ang gagawa," sagot ni Raine.Hinila nito ang kamay niya. "Bakit ba galit na galit ka?""Huwag ka ng magtanong. Basta hubarin mo na lang iyang damit," hirit pa ni Raine.Pero hindi nakinig si Crassus. Pinigila
Ramdan ni Crassus ang galit sa boses ni Raine. Kalmado man ito pero kitang - niya sa mata nito ang pagkadegusto. Malamig itong nakatingin sa kanya na para bang anumang oras ay kaya nitong manuntok. Crassus face Raine, "Since you knew her intentions were not pure, why did you accept her clothes?" Napaismid si Raine. "Simula nang makilala ako ni Tia, mainit na ang ulo niya sa akin. Palagi niya akong pinapahiya sa harap mo. Ginagawan niya rin ako ng kuwento, tapos magsusumbong siya sa'yo. Ikaw itong uto - uto, naniniwala naman. Hindi mo ba pansin? Halos lahat ng ugat ng pinag - awayan natin ay siya ang mitsa." Napatitig sa kawalan si Raine. "Minsan nga ay napapatanong ako sa sarili ko kung tama ba itong pinasok ko. Palalampasin ko lang sana ang gingawa niya kasi papaano ay naintindihan ko siya. Pero lately ay sumusobra na siya. Kung hindi ko siya papatulan, hindi niya rin ako titigilan. Hinding - hindi niya ako tantanan hangga't hindi tayo maghihiwalay." Natahimik si Crassus. Kinu
Habang kumakain ay napatingin sa pinto si Raine. Nakita niyang pabalik na si Crassus. Hindi ito nag - iisa. May kasama ito na lalaking server.Umupo si Crassus sa tabi niya. Nilapag naman ng server ang tray na may takip. Napatingin siya roon ng may pagtataka. Tinanggal nito ang takip. Nanubig ang bagang niya nang makita niya ang isang mamahaling ice cream na nakalagay sa isang maliit na baso. Kaunti lang ang serving niyon at parang tsokolate ang flavor. May cherry pa ang tuktok nito.Tinitigan niya ng mabuti ang dessert. "Enjoy your meal, Ma'am, Sir," ani ng server saka ngumiti.Ginantihan ito ni Raine ng ngiti. "Salamat."Tumalikod ang server. Dinala nito ang tray. Nang makalabas ito ay napalingon siya kay Crassus."Iyong maliit lang ang inorder ko. Baka sasakit ang tiyan mo at magkasipon kapag napadami ka ng kain," ani pa ni Crassus."A-akala ko galit ka," tanong ni Raine. Napakunot ang noo ni Crassus. "Bakit naman ako magagalit?"Napailing si Raine. "An
Marahas na napabuga ng hangin si Tia. Saka niya dinampot ang kanyang bag. Nilisan niya ang vip room nang hindi nagpaalam kina Raine at Crassus. "What is that?" Napalingon si Raine kay Crassus. "Ang alin?" "That, your speech. Where is that coming from?" Crassus asked. "Uh, from the heart?" Napalunok si Crassus. Hinila niya ang kanyang kwelyo dahil parang nahihirapan siyang huminga. Saka siya tumikhim. At dahil umalis na si Tia. Malaya na silang makapag - usap. "Tinatanong kita ng maayos," saad pa ni Crassus. Lumingon ulit si Raine sa kanya. "Sinasagot din naman kita ng maayos ah?" "Raine." "Ano?" Napipikang tanong pa ni Raine. Ngumuya siya. "Ayaw mo bang kumain? Nagugutom na ako." Marahan niyang pinitik ang noo ni Raine. "Kaya ka tumataba dahil puro ka lamon." Sumama ang mukha ni Raine. "Babe, baka nakalimutan mo na kaunti lang ang nakain ko kanina dahil sa pinaggagawa mo." Tumikhim ulit si Crassus. Pinigilan niya ang sarili na mapangit
Tahimik na nakikinig at nagmamasid kina Raine at Tia si Crassus. Nang marinig niya ang huling sagot ni Raine ay alam niyang may mali. Sinasabi na nga ba niya at may tinatago ang kanyang asawa. Ngayon at kinopromta na ito ni Tia ay hindi niya maiwasang maging kyuryoso. Mabagal niyang hinaplos ang kanyang ilong. Habang nakatingin kay Raine ay hindi maiwasan ni Tia na makaramdam ng suya. Kung wala lang si Crassus sa harap nila ay kanina niya pa ito sinupalpal. Hindi siya makabwelo dahil katabi nito ang ex bf niya. Gusto niyang mapanatili ang good impression nito sa kanya kaya kailangan niyang magpigil. Mababalewala ang pinaghirapan niya kung magpapadala siya rito.Kaya lang, hirap siyang magpigil. Kaya napagsalitaan niya pa rin si Raine. Hindi siya papayag na mapahiya sa harap ni Crassus.Pekeng ngumiti si Tia. "Girl, what do you mean? It's three naman talaga. Bakit ako pa ang tinatanong mo? I'm the one who order it so siyempre alam ko kung ilang letra ang naka - burda riya