HINDI PA BAYAD ang hospital bills ng Mama ni Raine kaya nabagabag ang loob niya. Sa tuwing uupo siya ay bigla na naman siya tatayo na para bang nakasalang sa apoy ang kanyang puwetan. Pumapatak ang oras at mas lalong hindi siya mapalagay. Ngayon kasi ang huling araw na ibinigay na palugit.Pasimple niyang nilingon ang office ng Financial Director nila. Sumilip siya mula sa wall glass ng opisina nito.Wala pa ito sa swivel chair nito. Hindi pa ito nakabalik mula sa group meeting. Hula rin niya ay kasama rin nito sa meeting si Mr. Almonte. Kung nagkasama man ito, malamang ay aabutin pa ito ng ilang oras bago pa matapos ang pagpupulong.Hindi ito ang tamang oras para mag - send ng messages dito. Baka mainis pa ito at magbago ang isip kung inaapura niya ito. Mauunsiyami pa ang kanyang pera.Kaya nag - antay nalang siya.Natapos ang overtime bandang alas dies na nang gabi. Parang lantang gulay na naglakad ang dalaga patungo sa elevator. Pagbukas nito ay nabungaran niya ang kanilang amo. Na
UMINIT ANG ULO NI RAINE dahil sa sinabi ng kanyang kapatid. Kaya pala pumunta ito sa ospital ay dahil siya pala ang sadya nito. Akala pa naman niya ay ang Mama talaga nila ang pakay nito. Nanghihimutok na nga siya kanina dahil hindi ito masyadong dumadalaw sa Nanay nila. Sa totoo lang ay gusto niya itong pagsabihan. Gusto niya na tumulong ito sa pag - aalaga sa kanilang Ina. Hindi lang niya mabanggit dahil alam na niya ang sagot nito. Tapos ngayon na pumunta na ito rito, wala namang dala. Ni wala na ngang ginawa. Hindi pa ito nakuntento, inungkat pa nito ang kanyang nakaraan.Kaya hindi siya nakapagpigil. "Huwag na huwag mo siyang banggitin, Athelios! Wala kang karapatan!" Gitil na sigaw niya kahit nasa harap sila ng kanilang Ina.Nang makitang hindi nasiyahan ang kanyang Ate ay natahimik si Athelios.Isa iyon sa mapait na nakaraan ng kanyang kapatid. Naintindihan niya naman ito kung bakit ito nagagalit. Alam niyang mali siya sa part na inungkat pa ang nakaraan. Kaya hindi na niya
HINDI ALAM NI RAINE kung alam ba ng driver ni Mr. Almonte ang tungkol sa marriage agreement. Natatakot siya na baka marinig nito ang tungkol doon. Nasa papel pa naman na walang sinuman ang makakaalam sa kasunduan nila kaya naaalarma siya.Kaya kahit gusto niyang personal na isabi rito ang kanyang sadya ay pinili nalang niya na idaan iyon sa pamamagitan ng mensahe. Nang nasa kamay na niya ang aparato ay nabitin naman sa ere ang kanyang daliri. Hindi niya alam kung ano ang ititipa niya sa cellphone. Nag - aalangan siya, bukod roon ay nakakahiya rin ang kanyang itatanong.Sa kadahilanan na gusto niyang malaman ang totoo ay mabilis niyang tinipa ang cellphone. Baka magbago pa ang kanyang isip at hindi na naman niya magawa ang kanyang gustong itanong.'Kasali ba sa kasunduan natin iyong ano ...'DeliveredNarinig niyang tumunog ang cellphone nito. Mabagal pa nitong kinuha ang aparato kaya parang nag - slow motion sa kanya ang lahat. Bagay na ikinatibok ng mabilis ng kanyang puso.Napaayos
ALAS KUWATRO NA NG HAPON nang makarating sila sa La Costano, ang mansiyon na pagmamay - ari mismo ng Lolo nito. Bumulaga sa kanila ang isang napakalaking tarangkahan. Sa taas nito ay hindi na niya makita kung ano ang nasa likod. Yari ito sa isang kahoy na pinakintab ng isang varnish. Ang hawakan naman ng mismong gate ay sing kinang ng ginto ang kulay. Sa itaas naman nito ay may ulo pa ng toro na nakalagay bilang desinyo. Sa ibaba mismo nito ay nakalagay ang pangalan ng mansiyon. Tatlo kulay lang ang naglalaro sa gate; itim, kayumanggi at ginto. Kaya hindi niya maiwasang mapangmangha dahil napaka - elegante ng desinyo nito. Kusang bumukas ang malaking tarangkahan. Napakurap pa siya dahil wala naman siyang nakitang tao na nagpapasok sa kanila. Nakita lang niya ang driber na naglabas ng Id. Saka lang niya naanalisa na computer generated pala ang tarangkahan. 'Iba na talaga kapag mayaman' Kasalukuyan pa nilang tinatahak ang front lawn ng mansiyon. Muntik nang tumulo ang la
Hindi pa man natapos ni Lolo ang sasabihin ay namula na ang mata nito."You loved her adobo since you were a child."Isang intelektwal na tao si Lolo Faustino kaya madalas kapag kaya talaga nitong gawin ang isang bagay ay ito na ang nag - kukusang gumawa. Ayaw nitong umasa sa ibang tao kung hindi kinakailangan. Kahit na noong buhay pa ang asawa nito ay ganito na ang pag - uugali nito. Nakatira na si Crassus noon sa kanyang Lolo't Lola. Kahit na noong buhay pa ang kanyang Lola Celestina ay hindi na ito kumukuha ng katulong dahil ito mismo ang tumututol. Kaya nang pumanaw na ang Lola niya ay gusto niyang kumuha ng tagapangalaga rito. Para kahit papaano ay may kasama at mag - aasikaso man lang dito.Sabi pa nga nito," I am half dead, don't bother someone to take care of me."Iyon nga ang kinakatakot ni Crassus. Sa bibig na mismo ng Lolo niya nanggaling ang 'half dead.' Alam na nito na kalahati ng katawan nito ay palyado na. Hindi nila kontrolado ang oras. Papano nalang kung may nangya
NANG LUMABAS SI RAINE sa banyo ay naka-pajama na siya. Nakita niyang nakasandal na si Crassus sa headboard ng kama habang nagbabasa ng libro. Inokupa nito ang kalahati ng kama. Naisip niya palang na siya ang gagamit sa kalahati ng kama ay parang lolobo na ang kanyang ulo. Suot ni Crassus ang silk na pajama na may maganda at de - kalidad na tela. Habang si Raine naman ay nakasuot ng purong cotton na pajama. Sa ayos nito ay mapagkamalan pa itong bata dahil sa ayos nito. Bagay na ikinalaki ng agwat nilang dalawa. Simula kanina ay hindi na siya tinapunan ng atensiyon ni Crassus. Ni hindi na ito nag - abalang mag - angat pa ng tingin. Nasa libro lang ang mata nito.Nang makitang wala itong balak matulog ay kinuha rin ni Raine ang "Economic Law" mula sa kanyang maleta. Magbabasa nalang din siya kaysa pagtuunan niya pa ng pansin ang kanyang amo. Naghahanda kasi si Raine para sa CPA EXAM. At dahil may oras pa naman siya para mag - aral ay binuklat niya ang kanyang libro. Hindi biro ang e
"Why are you crying?"ISINIKSIK NI RAINE ang kanyang ulo sa kubrekama at tahimik na tumulo ang mga luha. Pinigilan niya ang sarili na mapahagulhol sa takot na maistorbo niya ang kanyang amo. Ilang beses pa siyang napasigok. Tinakpan niya ang kanyang bibig para hindi mapalakas ang kanyang pagtangis. Ngunit kahit anong gawin niya, nanaig pa rin ang kanyang emosiyon. Nagmistulang sumabog ang kanyang kinimkim na lungkot dahilan para mapahagulhol siya. "Ganyan ba ka-mali sa paningin mo ang pagsunod sa akin?" Ang mahinahong boses ni Crassus ay nanggaling sa labas ng kubrekama.Lumunok muna si Raine bago siya sumagot. "Hindi.""Then why are you crying?" he asked again."A-ano..." Pinunasan niya ang kanyang luha. Huminga pa siya ng malalim para hindi siya nito mahalata."Na - mimiss ko lang iyong bahay namin," pagsisinungaling niya sabay talikod dito.Napapikit siya nang hindi na siya nakarinig pa ng tanong na mula rito. Ipinagsalamat niya iyon ng palihim.Pero kahit na sinabi niyang gusto
HINDI ALAM NI RAINE kung bakit biglang napatanong si Crassus tungkol sa 'imaginary boyfriend' niya. Gawa - gawa lang naman niya iyon at hindi ito nag - exist sa totoong buhay. At dahil nagtanong ito ay wala siyang ibang magawa kung hindi ipagpatuloy ang kasinungalingan niya. "Ex-boyfriend or current boyfriend?" Ngumisi si Crassus. Hindi niya inaasahan na ang babaeng pinapakasalan niya ay kaakit - akit pala sa mata ng tao, lalo na sa mga kabaro niya. "Ilan ba ang naging boyfriend mo?" "Dalawa lang." 'Dalawa lang? Lang?' panunuya pani Crassus sa isip. "Your current boyfriend. What's his name?" Crassus asked in a hoarse voice. Kaagad siyang nag - isip. Nang maanalisa niyang hindi pala madaling mag - isip ng pangalan ay basta nalang siya nagsambit. "Paul Tyler." "Surname?" "Xhun." Napakalaki ng mundo. Paano naman niya ito makilala. "Paul Tyler Xhun?" Pagbuo pa ni Crassus sa pangalang inimbento niya. "So, Xhun is his surname." Sumimangot ang mukha nito. "Oo, bakit m
KAHIT NAKAPASOK NA SI RAINE SA LAMBO na pagmamay - ari ni Crassus ay pulang - pula pa rin ang kanyang mukha. Ramdam niya ang panginginit nito. "Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang tungkol sa'tin?"Napahawak ng mahigpit si Raine sa kanyang bag. Bahagya siyang yumuko roon para matago ang kalahati ng kanyang ulo. Kung kanina ay sing pula ng kamatis ang kanyang mukha, ngayon ay parang tinakasan naman ito ng kulay. "Raine."Dahan - dahan siyang nag - angat ng mukha. "Hmmm."Tumaas ang kilay nito. "Tinatanong kita," ani pa nito. "Bakit hindi mo sinabi sa kanya na mag - asawa tayo?""S-sorry." Sinubsob niya ulit ang kanyang mukha sa bag. "Pero kasi hindi ba sabi mo, bawal ipagkalat ang tungkol sa kasal natin?"Ito na siguro ang tamang oras para sabihin dito ang totoo."Tch. Pero hindi siya kasali." Napailing ito. "You just feel embarrassed. Just admit it. You can't say that you're married?" He smirked. Or you're afraid that it will block his desire way to pursue you?" Crassus said sarcastic
NAKITA NI RAINE ang mga butil ng ulan na pumapatak sa ulo nito. Bumagal sa kanya ang lahat. Maging ang pagpatak ng tubig sa likod nito ay iba ang epekto sa kanya.Nang mapansin niyang kamuntik ng tumama ang bagpack sa ulo nito ay nagising siya sa katotohanan. Napailing siya.Tinignan niya ito. "Ayaw mo talagang magtakip?" pagsegunda pa niya nang hindi ito sumagot sa una niyang tanong. "Paano kung magkasakit ka?"Bahagyang kumunot ang noo nito. Lumingon ito sa kanya. "Papasok din naman tayo sa kotse. Malapit lang din naman ang lalakaran natin. Hindi naman tayo masyadong mababasa," pangatuwiran pa nito."Kahit na," untag pa ni Raine. Hindi ito kumibo. Wala siyang magawa kung hindi hayaan nalang ito.Dumaan ang ilang minuto ay narating nila ang parking lot. Kaagad na binaba ni Raine ang hawak na bagpack.Napaayos siya ng tayo nang makita niya sa gilid ng kanyang mata na nauna ng naglalakad si Crassus. Sinundan na naman niya ito.Nakapamulsa pa rin ito at hindi man lang ito nagpunas ng
"Napaaway? Siya?" Bulalas ni Crassus habang hawak ang aparato na nakadikit sa kaliwang tainga nito. "Sige, papunta na po ako. Thank you." Sabay baba ng cellphone.Tinapon niya sa mesa ang aparato. Nameywang siya.Ilang beses na tinapik ng kaliwang paa niya ang sahig. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Tama ba iyong itinawag ng Pulis? Ani nito ay nasa presinto raw ang kanyang asawa dahil nasangkot ito sa isang gulo. Tinawagan siya nito dahil hindi raw makakalabas ang kanyang asawa hangga't walang magpipiyensa rito.Nang sinabi iyon ng Pulis ay kamuntik nang hindi makapagpigil ang kanyang bibig. Gusto niya sanang tanungin ulit ito kung sigurado ba ito. Pero naisip niya na hindi naman siguro tatawag ang Pulis para lang manloko.Ito ang unang pagkakataon na narinig niyang napaaway ang si Raine. Ano naman kaya ang dahilan nito?Sa kagustuhan na malaman ang lahat ay kinuha ni Crassus ang itim na coat na nakapatong sa swivel chair. Dinampot niya rin ang kanyang cellphone. Nang ma
"Come on, I'll treat you some food." Romano stretched out his hand, planning to embrace Raine.Bago pa dumapo ang mga braso nito sa balikat niya ay umigkas na ang kanyang kaliwang kamay sa pisngi nito. Ubod lakas niya ito sinampal dahilan upang pumaling pakaliwa ang mukha nito.Naglikha iyon ng ingay. Hindi ito gumalaw ng ilang segundo. Tumawa ito ng nakakaloko. Lumingon ito sa kanya at nang titigan siya nito ay tumahimik ito. Bigla ay nanlinsik ang mata nito habang unti - unting bumakat sa pisngi nito ang latay ng kanyang kamay."You dare to hit me and you don't have respect. Kilala mo ba kung sino ang binabangga mo?" mayabang na ani pa ni Romano. Mula sa malayo ay ramdam ni Sasha ang galit ng kanyang kapatid. Umangat ang gilid ng kanyang labi nang naulit sa kanyang tainga ang nangangalit na boses ni Romano. Lihim na nagdiwang ang kanyang puso. Alam niyang may mamumuong away sa pagitan ng dalawa. Naisip niya palang na masasaktan si Raine ay humihiyaw na sa tuwa ang kanyang puso.Bi
PAGDATING NG ARAW NG LINGGO ay humingi si Raine ng pahintulot kay Crassus. May klase siya at kailangan niyang umattend. Pumayag naman ito. Habang tinatahak niya ang corridor ay may nakasalubong siya. Bumagal ang kanyang paglalakad nang makilala niya kung sino ito."Sasha?" pagtwag ni Raine sa pangalan nito. Tinitigan siya nito. "Hi." Bahagya niyang iniangat ang kanang kamay. "Kasali ka rin pala? Hindi kita nakita noong unang pasok ah?"Hindi maiwasan ni Raine na makaramdam ng pagkailang. Alam niyang may tampo pa ito buhat ng siya ang matanggap ng kompanya."Hmmm. Kakapasok ko pala sa isang kompanya nitong nakaraan kaya noong wednesday pako nakapag - signed up para sa training class." Ininom nito ang dalang kape."Nakahanap ka ng ibang trabaho?""Oo." Tumango ito ng isang beses. "Tinulungan ako ni Mr. Almonte. Isang CPA firm ang pinasukan ko at mas doble ang sweldo roon kompara sa Forgatto. Kapag naipasa ko ang CPA Exam, automatic akong maging accountant sa firm nila."Bahagyang hum
"You heard me.""P-pero --""What?" Pagputol ni Crassus sa sasabihin ni Raine. "Look, mag - asawa tayo sa mata ni Lolo. Kung hindi ka titira rito, how will I explain it to him?""Pero kasi..." Napipilan siya. "Paano naman iyong bibig ng ibang tao? Iyong makakakita sa atin?""Mas importante si Lolo. I don't care about other people," he hissed. What do you want? Na iisipin niyang nag - aaway tayo o may isa sa atin ang nagloko kaya bumukod ka ng ibang bahay? Ayoko ng gulo."Natahimik si Raine. Tama naman kasi ito. Isa pa, kapag hindi siya rito titira ay hindi tatagal ay tiyak na mabubuko sila. May edad man ito pero matinik pa rin ito. Lalo na at ilang taon nito naging gamay ang propesiyon nito. Medyo malaki na rin ang pera nilabas nito. Ayaw siguro nito na mabulilyaso sila lalo na't ang dami na nitong ginastos. Nagliwanag ang kanyang mukha nang may maalala siya. "Sige," pag - sang - ayon niya. "Pero kailangan ko ng mas malaking pera," diretsahang sabi niya rito.Nahinto sa pag - aayo
"Babe, sino siya?" tanong pa ni Raine habang nakatingin sa leeg ni Crassus. Alam niya kung sino ang babaeng kaharap niya. Hindi naman siya tanga at hindi rin naman siya inosente pagdating sa pag - ibig. Alam niyang balak pagselosin ni Mr. Almonte si Tia kaya hahayaan niya na ito ang unang gumawa ng hakbang. Sasakyan lang niya ang trip nito. After all, she's just a tool. Binibigyan siya nito ng pera para gawin siyang kasangkapan nito. Kung tutuusin ay may kasalanan pa siya rito. Nagsinungaling siya at hindi pa siya sumipot sa itinakdang oras ng kanilang plano. Para makabawi ay susunod siya sa gusto nito. Nang maibsan din ang galit nito. Pinulupot ni Raine ang kanyang kamay sa leeg ni Crassus dahilan upang mas magkalapit ang kanilang mukha. Ramdam na rin ni Raine ang hininga nito sa kanyang pisngi. "I miss you too. Bakit ngayon ka pa dumating? Sa'n ka ba galing?" Sunod - sunod natanong pa ni Crassus. Mahinang tumawa si Raine. Sinadya pa niyang palandiin ang kanyang boses par
PAGKATAPOS BASAHIN NI RAINE ANG DIARY ay nahulog siya sa isang malalim na pag -iisip. Nadala siya sa kanyang emosiyon. Dumaan ang ilang minuto ay nakabuo siya ng isang plano. Gusto niya tuparin ang pangarap nito. Alam niyang wala na ito at hindi na nito masisilayan ang kanyang effort. Pero nandito pa siya, may magagawa pa siya at may maabot pa siya. Gagawin niya ang lahat para matupad ang kagustuhan nito. Isa pa, hindi masama ang hangarin nito. Bagkus ay isa iyong napakalaking tulong para sa mga estudyante na nais lawakin ang kanilang kaalaman.Kinalkula niya ang kanyang mga bayarin.Noong unang trabaho niya kay Mr. Almonte ay binigyan na kaagad siya nito ng limang daang libo. Bukod pa roon ay may natanggap pa siya galing dito nang bumisita sila kay Lolo Faustino. Kung susumahin ang lahat ng naipon niyang pera, lagpas na iyon ng limang daang libo. Nabawasan naman iyon nang nagbyad siya ng hospital bill ng kanilang Ina. Kumuha rin siya ng tagabantay rito at hindi pa kasali roon ang mg
NAPATINGALA SA ERE ang lalaki nang makita nito si Raine. Malakas itong napabuntonghininga at may kasama pa itong tunog. Parang nabunutan ito ng tinik."Thank goodness!" He said, overjoyed. Pumaklakpak pa ito ng isang beses sabay harap sa kanya. "Naubusan kasi ako ng gas. Kanina pa ako naghahanap ng gasoline station pero wala akong nadaanan kahit isa. Kanina pa ako tawag ng tawag pero kahit saan ako pumwesto ay walang signal. Hindi ako makahingi ng tulong."Napatango si Raine. Alam niya ang pakiramdam nito dahil kanina naranasan niya rin ito. Hirap din siyang makasagap ng signal. Naalala niya na may nakita siyang isang storage room sa paaralan. May mga nakatambak na mga drum ng gas doon. Sabi ni Prinsipal Fontebila ay para iyon sa mga bata. Gagawa kasi sila ng bonfire bilang parte ng aktibidad sa nalalapit na scouting."Diretsuhin mo lang itong daanan na ito," pagbibigay ni Raine ng direksiyon. "Tapos po kumaliwa ka. Kapag may nakita ka po na isang malaking puno ng mangga ay may isan