author-banner
Aceisargus
Aceisargus
Author

Novels by Aceisargus

Wild Plan: CEO's Desire

Wild Plan: CEO's Desire

Raine Athena Villanueva is living her life as a normal person. Pero hindi gaya ng ibang dalaga, parating okupado ang oras ni Raine. Hanggang sa isang gabi, nagkaroon ng Team Building ang kompanyang pinagtrabahuan niya. Doon nangyari ang isang kapalaran na kayang magpabago ng buhay niya. Sa kalagitnaan ng gabi, habang tulog ang karamihan ay nagising si Raine. Noong una ay hindi niya pa maintindihan ang sarili dahil pakiramdam niya ay may mali sa kanyang katawan. Laking gulat nalang niya nang magmulat siya ng mata, doon niya nasaksihan ang isang kagimbal - gimbal na katotohanan. Aksidenteng nakasama niya sa pagtulog ang may - ari ng kompanyang pinasukan niya. Masyadong mabilis ang nangyari. Tutulungan lang niya sana ito pero hindi niya inaasahan na mauuwi sila sa gano'n. Alam niyang lasing ito at wala sa huwisyo nang may mangyaring sa kanila. Kaya gumawa siya ng isang desisyon. She decide to slipped it. Umalis siya nang kwarto at napanggap na parang walang nangyari. Pero matapos ang kalahating buwan, habang abala siya sa ginagawang trabaho ay tinawagan siya mismo ng kanilang CEO. Pinapunta siya nito sa opisina at hindi sinabi kung ano ang dahilan. Lito man ang isip, napilitan ang dalaga na magpunta. Pagkapasok niya palang sa opisina nito ay mabilis nitong sinabi ang sadya nito. "Marry me." Nagpakasal sila at nagustuhan siya ng pamilya ng lalaki. Pero kung gusto siya ng pamilya nito ang kabaliktaran naman ito sa mismong asawa niya. Dahil hindi siya nito gusto, at kinamumuhian siya nito.
Read
Chapter: Chapter 145 - Cooking her favorite food
Pagpasok nina Raine at Crassus ay nagse - set up nasa mesa si Manang Lena. Nasa sala na rin si Lolo FaustinoNang makita ni Lolo Austin si Raine ay napangiti ito. Naibaba nito ang hawak na diyaryo."Tina, Hija. Nandiyan ka na pala. Nasaan ang asawa mo? Tamang - tama, inihanda na ni Lena ang hapunan. Sabay na tayo kumain," paanyaya pa ni Lolo Faustino.Tipid na ngumiti si Raine. "Pasensiya na po, Lolo pero wala po ako ganang kumain. Kayo na lang po," ani niya. Nilingon niya muna si Crassus saka nagsalita, "papanhik na po ako sa itaas." Sabay alis at nagpunta sa hagdan.Naiwang nagtataka si Lolo Faustino. Tinanaw niya si Raine, at nang tuluyan na itong makaakyat papunta sa ikalawang palapag ay binalingan niya si Crassus. Kumunot ang kanyang noo. Pansin na niya ang kakaibang awra ng dalawa ."Crassus, what's going on?"Hindi kaagad ito nakasagot. Ni hindi rin ito makatingin sa kanya."Señor, nakahanda na po ang pagkain," anunsiyo ni Manang Lena.Lumapit sa kanya si Crassus. "Tara na po,
Last Updated: 2025-04-03
Chapter: Chapter 144 - Her past
Mahina ba ako?"Parang may bumara sa lalamunan ni Crassus at hindi siya makapagsalita. Nagtanong lang naman ito pero ang hirap nitong sagutin. "Mahina?" tanong pa ni Crassus. "Ano bang tinutukoy mo?"Pait na ngumiti si Raine. "Ewan ko rin." Yumuko ito. "Naguguluhan na rin ako."Saka lumawak ang ngiti nito pero hindi umabot sa mga mata ang kasiyahan nito."Siguro nga, ambisyosa lang ako." Pagak na tumawa si Raine."Raine."Muli itong ngumiti. "Huwag mo akong intindihin. Okay lang ako." Saka nito inayos ang bag. "Medyo naapektuhan lang ako sa resulta kanina. Umaasa kasi ako. Paano ba naman kasi, alam ko naman na may kakayahan ako pero siguro hindi pa sapat ang galing ko. Magaling ako pero hindi sapat ang galing ko."Crassus couldn't help but curled up the corners of his lips, "Why do you say that?"Napatingin si Raine sa labas. "Kanina ay nakatanggap ako ng reply galing sa HR Department. Sinabi nila na hindi pa raw sapat ang kakayahan ko para sa hinahanap nila na qualifications." Kinal
Last Updated: 2025-04-02
Chapter: Chapter 143 - losing confidence
Pabalik na si Raine sa kompanya pero hindi pa rin maampat ang kany ag kasiyahan. Habang tinatahak ni Raine ang hallway ay kumakanta siya ng mahina. Napatingin pa sa kanya ang mga nakasalubong na empleyado. Pagdating niya sa mesa ay ngumiti muna siya ng matamis at saka sinimulan sa pagsusuri ang mga nakasalansan na folder. Nasa kalagitnaan na siya sa pagsusuri nang tumunog ang selpon niya. Hinugot niya ito mula sa bulsa habang nagbabasa pa rin sa folder.Nang makuha na niya ito ay binasa niya ang notification. Napaayos siya ng upo. May email na ang HR Department. Dala ng pagkasabik, mabilis niya nitong binasa. ...[Greetings! We appreciate your hard work for qualifying for our new applicants. Thank you for submitting your resume to us. Upon checking the information, we discover that there is still an inadequacy between your resume and our requirements for auditors. We hope you will continue to work hard.]Naglaho ng parang bola ang ngiti ni Raine. Tulalang inilapag niya sa mesa ang
Last Updated: 2025-04-01
Chapter: Chapter 142 - She's mine
"Sumunod ka na lang sa utos ko," ani pa ni Crassus habang hawak ang selpon.Mabigat ang kanyang loob na pumasok sa lobby ng building. Dumiretso siya sa elevator. Sa kagustuhan na makarating kaagad sa office ay ginamit niya ang special elevator.Samantala, napaisip naman ang kausap ni Crassus. 'Ano na naman ang ginawa ng asawa nito at bakit galit na naman ito?' hindi maiwasang itanong ng HR Direktor sa kanyang isip.Napabuntonghininga siya. "Okay, Sir. Aasikasuhin ko na po kaagad.""Good."Saka bumaba ang kabilang linya. Napailing ang Direktor. Parang gusto niyang maawa at mainis sa asawa nito. Hindi ba ito marunong makiramdam kaya parati na lang nito ginagalit ang kanila amo?Sa isang banda, habang nasa loob ng elevator ay hinanap naman ni Crassus ang contact number ni Gustavo. Nang makita na niya ito ay kaagad niya itong dinial. Ginalaw ni Crassus ang kanyang panga at napatingala.Sinagot ni Gustavo ang tawag. Hindi pa man ito nakapagsalita ay inunahan na ito ni Crassus."What's you
Last Updated: 2025-03-31
Chapter: Chapter 141
Habang naghahanap ng makakainan si Mr. De Guzman ay naglakad - lakad siya sa kaharap na gusali. Napadpad siya sa labas ng Sabrina Cafe. Dadaanan niya sana ito kaya lang ay may nakita siya na isang pamilyar na pigura. Nagtago siya sa likod ng pinto. Nang tinitigan niya ulit kung sino ito ay nangalumihan siya.Nagtago ulit siya sa pinto. Saka siya muling sumilip. Nang masiguro na hindi siya namalik - mata ay nahulog siya sa malalim na pag - iisip.Bakit kasama nito si Francesca? Alam niyang lunch break ngayon ni Raine pero ... Muli siyang napaisip. Magkakilala ba ang dalawa? Napakunot ang kanyang noo. Mukhang hindi. Malabo na magkakilala ang dalawa.May panibagong departmento ang kompanya ni Mr. Almonte. Kung may tao man na hindi sang - ayon sa pagtayo ng panibagong departmento ng kompanya ay si Mr. De Guzman na iyon. Tutol siya sa pagbuo ng departmentong iyon dahil sinisira nito ang kanyang plano.Kapag meron ng Audit Department ang Forgatto ay malilipat ang ilan sa mga functions ng
Last Updated: 2025-03-31
Chapter: Chapter 140 - A new friend
Pagpasok ni Raine sa Sabrina Cafe ay may nahagip na ang kanyang mata na isang may - edad na babae. Kalmado itong sumisimsim ng kape habang nakatingin sa glass wall.Hindi man niya nasiguro kung ito si Francesca Emilio, pero malakas ang kutob niya na ito ang taong tumawag sa kanya kanina. Mababasa niya sa awra at galaw nito ang pagiging edukada. Napakasopistikada nito sa suot na professional suit. Maging ang balat nito ay kumikinang sa tuwing natatamaan ng araw. Payat din ito at mukhang alaga sa gym ang katawan. Isang patunay lang na may kaya ito sa lipunan.Her whole body was full of the confidence and radiance of a professional woman. Raine saw it and was a little envious.Ganito ang gusto ni Raine. Na balang araw ay makilala sa mundo ng accounting. Hindi man sing taas ng napatunayan nito pero sisiguraduhin niya pa rin na may maabot siya kahit papaano. Pagsisikapan niya ang lahat para marating niya ang tagumpay. Gagawin niya itong ehemplo. Lumapit siya sa kinaroroonan nito. Nang na
Last Updated: 2025-03-31
The Whispering Love of a Lily

The Whispering Love of a Lily

Ani pa ng mga taong nakapalibot kay Sereia Lilou Rebeiro, siya na ang pinaka - maamong babae na umaaligid kay Adriel Latimer. Animo’y para siya isang aso na panay sunod ng sunod sa kanyang amo kung saan ito magpunta. Bakit nga ba? Isang araw, nang mag - check - in sa isang mamahaling motel si Adreil ay sinundan niya ito. Hindi siya nag - aalinlangan na kumatok sa pinto na inupahan nito. Mas gusto pa niyang sundin ang kanyang kagustuhan, at ang rason kung bakit siya sumunod? Para lang bigyan ito ng payong dahil sa masamang panahon. Nakatikim siya ng bulyaw dahil lang doon. Sinabihan pa siya ng walang hiya pero wala siyang pakialam. Mas importante sa kanya ang makitang nasa magandang kalagayan ang iniingatan niyang babaero ng campus. Sa kabila ng masama nitong reputasyon sa mga babae, naging bingi at bulag siya. Mas gustuhin pa niya na makasama ito kaysa makinig sa mga haka - haka ng mga tao. Pinadaan lang niya sa kabilang tainga ang naririnig niyang tsismisan, kahit na minsan ay parang may isang palaso na nakatarak sa kanyang puso. Hanggang sa isang gabi, isang katotohanan ang siyang kumakatok sa isipan ni Sereia. Nahinuha na lang niya na ang lalaking inaantay niya ng tatlong taon ay nagbago. Hindi na ito katulad ng dati, na parati siyang inaalo - alo at sinasamahan. Dala ng reyalisasyon, tinalikuran niya ito ng walang pasabi. Imbes na tatahimik na ang buhay niya ay kinukutya pa siya ng mga tao. Ani pa nila'y nagpapakipot lang daw siya. Isa na roon si Adriel. Tingin niya ay gusto lang ni Sereia na suyuin niya ito para bumalik siya sa kandungan nito. Pero napawi ang agam - agam ni Adriel noong isang araw, aksidenteng nahulog ang pitaka ni Sereia. Bumungad sa kanya ang isang litrato ng lalaking minsan na niyang iniiwasan.
Read
Chapter: Chapter 6 - Sargos Bridge
Adriel frown." Who knows why she suddenly went crazy."Paklang tumawa si Helios. "Binitawan ka na niya, bro."Sumama ang mukha niya." Naniwala ka naman? Tch! Nagpapakipot lang naman 'yan. Alalahanin mo, tatlong taon niya akong pinepeste." Sa tingin mo bibigay na kaagad 'yan? Eh naging routine na niya ang bulabugin ako araw - araw."Tumabingi ang ulo ni Helios. Napahaplos pa ito sa kanyang baba. "Pero nag - left group siya, Adriel. Malay mo nagbago na talaga siya."Napipilan si Adriel. Muli niyang binunot ang kanyang cellphone sa bulsa. Binasa niya ulit ang chat ni Sereia sa mèssenger. Nangalumihan siya nang makita niya ulit ang pangalan nito na umalis sa grupo.Tinutuo talaga nito ang pag - alis sa grupo. Kung ganoon ay tatahimik na ang buhay niya. Hiling niya sana ay hindi na siya nito guguluhin.Napasandal sa sofa si Adriel pero pakiramdam niya ay hindi siya na - relaxed. Mabigat pa rin ang kanyang loob at hindi niya alam kung bakit.Hindi nagtagal ay nagsidatingan na ang mga kaibi
Last Updated: 2025-03-01
Chapter: Chapter 5
Adriel: [ Guys! Let’s get together. I’d like to introduce my girlfriend to everyone.]At nag - post ito ng picture sa group chat. Dumaan ang ilang segundo ay walang nangahas na magsalita. Direkta nitong ti - nag ang lahat na miyembro ng group chat. Pati na rin siya.Adriel: [Is my girlfriend pretty? Come on, guys! Say a word.] Then the messages from other people started to pop up. Sunud - sunod iyon hanggang sa nabingi na si Sereia sa ugong ng notification. Siya naman ay hindi makahuma. Pilit pa rin niyang pinuproseso ang anunsiyo nito.Nang bumalik ang kanyang diwa ay pumalo na sa 99+ ang chat. Hindi na niya iyon binasa at ang mata niya ay nakatuon na sa litrato na naka - blurd pa dahil hindi niya pa ito tinap.She clicked on the photo. When she saw a young girl wearing a beautiful blue dress, a flash of familiarity hits her head.Kilala niya ang girlfriend nito. Sino nga naman ang hindi. Sikat at maugong ang pangalan nito sa campus dahil marami ang humahanga rito. Freshman pa ito s
Last Updated: 2025-02-28
Chapter: Chapter 4- Boyfriend
Napatingin si Sereia sa kanyang tiyan. Nararamdaman pa niya na parang hinahalukay ang kanyang tiyan pero hindi na ito tulad noong nakaraan. Napalunok siya nang makitang iba na ang suot niya na damit. Napalitan na ito ng hospital gown. Hinanap niya ang kanyang damit pero natigilan kaagad siya ng makaramdam siya ng hilo. Napahawak siya sa kanyang noo. May nahawakan ang kamay niya na parang isang malambot na tela. Napadaing siya habang nakayuko.Mayamaya pa ay pumasok ang isang nurse at may dalang tray. Nang makita nito na gising na siya ay ngumiti ito. “Gising ka na po pala, Ma’am.”Mabagal siyang tumango. “S-sino po ang nagdala sa akin dito?” tanong niya sa mahinang boses.Lumapad ang ngiti nito. “Ah hindi mo pa natandaan? Iyong boyfriend mo po. Ang gwapo po ng kasintahan mo, Ma’am,” ani nito at pinalitan ang kanyang dressing.Napipilan siya. Boyfriend? Sinong boyfriend? Si Adriel ba?Bumagsak ang balikat niya. Paano naman niya naging boyfriend ito. Kamuntik na nga siya nitong patayin
Last Updated: 2025-02-28
Chapter: Chapter 3- Man in front of her
Tinitigan ng mariin ni Adriel si Sereia. Lumalim ang gitla ng kanyang noo. Umigting ang kanyang paa dahil sa nakakaawa nitong itsura. Wala na ba talaga itong pakialam sa sarili nito? “Puro na lang tayo away, Sereia. Nakakapagod na iyong ganito,” ani pa ni Adriel.Umangat ang gilid ng labi ni Sereia. Pinunasan niya ang dugo na dumadaloy sa noo niya. Hilaw siyang napangiti habang nakatitig sa kamay niya na may bahid ng dugo.“Gusto mo na bang makipag - break sa akin dahil pagod ka na?” matabang na wika niya.Naglapat ng marrin ang labi ni Adriel. “Break up? Bakit? Ano bang tingin mo sa relasyon natin?” Iniwaksi niya ang kamay ng barkada na nakahawak sa kanyang braso.Hindi siya nakasagot. Napatitig lang siya kay Adriel ngunit hindi niya ito maaninag ng maayos. Pumungay ang kanyang mata. Napakurap siya. Dahan - dalan na lumabo ang kanyang paningin. Nakaramdam na rin siya ng hilo kaya napahawak siya sa kanyang ulo.Mabagal siyang tumango. “Okay, naintindihan ko.”Muling dumulim ang mata
Last Updated: 2025-02-28
Chapter: Chapter 2- Apologize with Senserity
Nagbigay na nang utos ang babae ni Adriel pero walang nangahas na magsalita. Nakatingin ang lahat kay Sereia na ngayon ay tila napepe at nakatunganga na nakatingin sa kawalan. Masyadong matapang ang mga inumin na nasa mesa. Kahit ang mga lalaki na naka - ilang lagok pa lang ay ramdam na nila ang tama ng wine at alak. Marami na nga sila at pinaghatian pa nila ang isang bote. Ito pa kaya na babae, at mag - isa lang nitong iinumin ang lahat ng inorder nila na inumin?Napipilan si Sereia. Ang kamay niyang nasa likod ay nagsimula ng lumikot. Kung kanina ay palihim niya itong ikinuyom, ngayon naman ay kinurot niya ang sariling kamay dahil sa hiya at inis. Hindi siya nagsalita. Tinitigan niya si Adriel. Umaasa siya na tutulungan siya nito pero nabigo siya. Sa halip ay ngumiti pa ito at hinapit ang bewang ng babae, dahilan upang mas lumiit ang distansiya nila. Inamoy nito ang leeg ng babae. Napabungisngis ang babaeng hipon dahil sa kiliti. Nakita pa niya na pinalo pa nito ang dibdib ni Adri
Last Updated: 2025-02-28
Chapter: Chapter 1- Low rate Lady
Ani pa ng mga taong nakapalibot kay Sereia, siya na ang pinaka - loyal na babaeng umaaligid kay Adriel Latimer. Kulang na lang daw ay pati ang nilalakaran ni Adriel ay susundan niya ng pamunas para lang mapasaya ito.Ilang beses na siya pinahiya ni Adriel, ilang beses na rin siyang pinapagalitan ngunit mistula naging bingi at bulag si Sereia. Isang tawag lang din nito ay gagalaw na ang kanyang biyas para lapitan ito at magmamakaawa na siya sa presensiya nito.Sabi pa nila na napaka - cheap ni Sereia, dahil hindi man lang niya iniisip ang kanyang repustasyon. Alam niyang hindi siya gusto ni Adriel pero pilit pa rin niyang isiniksik ang sarili sa buhay nito. Gumagawa pa rin siya ng paraan para gustuhin siya nito, dahilan upang palagi itong mapikon sa kanya.Isang araw, habang nagkasiyahan sila Adreil kasama ang kanyang mga barkada sa isang pribadong kwarto ng bar. Napag - usapan nila si Sereia.“Adriel, paano ba ‘yan. Mahal na mahal ka ni Sereia. Ayaw ka na niyang lubayan. Kailan mo ba
Last Updated: 2025-02-28
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status