Home / Romance / Wild Plan: CEO's Desire / Chapter 167 - Scream of the heart

Share

Chapter 167 - Scream of the heart

Author: Aceisargus
last update Last Updated: 2025-04-23 23:49:53

Tinitigan ni Raine si Crassus. Inaanalisa niya ang sinabi nito.

‎"Importante, paanong naging importante ang initials na 'yon, Crassus?" takang tanong pa ni Raine.

‎Crassus shrug. "I just like it."

‎Muling napaisip si Raine. "Dahil ba sa meaning?" tanong niya ulit. "Iyong dahil ba sa pangalan natin o dahil doon sa Crassus loves Raine?"

‎"No, I just want it."

‎Natahimik siya. "Oo nga naman, paano mo ba naman ako maging mahal. May Tia ka pa sa puso mo."

‎Natigilan si Crassus mula sa pagtipa. Napalingon siya kay Raine. "Bakit parati mo na lang siya isinisingit sa usapan?"

‎Nagkibit - balikat si Raine. Iniwasan niya ang mata ni Crassus. Bumigat ang puso niya.

‎Alam naman niya na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa ito sa ex nito. Takot lang ito na umamin.

‎"In- denial ka pa kasi," saad ni Raine. Malungkot niyang saad. "Alam ko naman na may nararamdaman ka pa sa ex mo."

‎Inilapag ni Crassus ang laptop sa higaan. "Who told you?"

‎"Ako," diretsang sagot ni Raine. B
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 168 - Fight then reconcile

    Simula noong mag - walk - out si Raine sa kwarto ay hindi na sila nagka - imikan ni Crassus. Naputol lamang iyon nang ayain siya nito na kumain ng dinner. Pero hindi niya pa rin ito kinibo. Kahit na noong nasa harap na sila ng hapag - kainan ay panay lang itong pasulyap ng tingin. Mabuti na lamang at nakauwi na si Lolo Faustino. Bahagyang nabuhay ang atmospera dahil sa pag - uusap nila. Pahapyaw rin kung sumabat sa usapan si Crassus. Tinatanong nito kung kamusta ang naging lakad ng Lolo nito. Naunang matapos si Lolo Faustino. Para makaiwas kay Crassus at nagpresenta siya na samahan na pumunta sa kwarto si Lolo. Mabuti nga lang at hindi na ito nagtanong. Hindi na rin siguro ito nagtataka dahil madalas din naman ay inaakay niya ito. Nang nasa bukana na sila ng dining room ay napasulyap siya kay Crassus. Napalunok siya nang makitang nakatitig ito sa kanya habang umiinom ng tubig. Mabilis niyang iniwas ang kanyang mata. Pagkatapos niyang asikasuhin si Lolo Faustino ay pumunta siya s

    Last Updated : 2025-04-23
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 169

    Saglit na natahimik si Raine. Inisip niya ang suggestions ni Diana. "Di ba? Subukan mo lang. Wala namang mawawala sa'yo," dagdag pa ni Diana at ininom ang malamig na ice tea.Hindi sumagot si Raine. Iniisip niya si Crassus. Bagaman ito ang unang kumibo ay hindi pa rin siya masyadong nahimasmasan. Nagtatampo pa rin siya rito lalo na at nag - iwan ng marka ang kamay nito sa braso niya. Hindi naman malubha, pero sapat na sa kanya iyon para mainis at magtampo siya rito.Hind tulad ng dati, madali na ito pakiusapan. Hindi na rin ito satkastiko. Kaya lang ay hindi siya pa handa sa magiging komento nito. Bukod pa roon ay hindi rin alam ni Diana na nagpatranslate na siya kay Crassus ng resume. Nagbigay na nga siya ng ibang kopya niyon kay Mr. Rothan mismo pero hindi niya alam kung natanggap ba nito ang resume niya.Dala ng pagkasabik, tinanggap ni Raine ang ideya ng kaibigan. Kahit na alam niyang suntok sa buwan ang posibilidad na matanggap siya. Maraming mas magaling pa sa kanya, at marami

    Last Updated : 2025-04-24
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 170

    Ang pinakatuktok ng gusali ng Forgatto Celestina ay inirenovate. Ginawa itong opisina ng Audit Department. At dahil isa ito sa pinaka - importanteng departamento na sakop Almonte Group of Companies, pinili ni Crassus na itabi ito sa kanyang opisina. Hindi lang Forgatto Celestina ang aasukasuhin ng Audit Department. Lahat na pagmamay - aring negosyo ni Crassus ay saklaw nito kaya importante sa kanya na malaman ang lahat ng bawat galaw ng mga empleyado niya. Kaya mahigpit ang pagpipili ni Mr. Rothan sa mga empleyado dahil isang malaking departmento ang Auditing. Araw - araw ay tumatanggap sila ng interview. Maliban sa kulang pa ang kanilang man power, nahihirapan din sila makahanap ng mga empleyadona angkop sa standards na hinahanap nila. Kaya kahit marami na ang nag - aapply na may mga matataas na katungkulan na sa larangan ng kontadurya (accouting), kaunti pa lang ang kanilang napili.Ganoonpaman, sumubok pa rin si Raine. Dinala niya ang kanyang resume na naka- translate sa salitan

    Last Updated : 2025-04-25
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 1

    Chapter 1 SA KALAGITNAAN NG GABI, habang tulog ang karamihan sa mga tao ay naalimpungatan si Raine mula sa kanyang paghimbing. Kumilos siya para mag – iba ng posisyon. Hindi pa siya nangangalahati mula sa kanyang pagkilos ay natigilan na siya. Napakunot ang kanyang kilay. Ramdam niyang may masakit. Parang nasugatan siya. Pakiramdam pa niya ay kay bigat ng kanyang katawan. Hindi niya mapangalanan ng diretso. Sa sobrang sakit niyon ay hindi niya alam kung alin ang uunahin. Pagmulat niya ng mata ay isang pamilyar na lalaki ang kanyang nakaharap. Kaagad naglaro sa utak niya nangyari. Namilog ang kanyang mata. Hindi siya makapaniwala. Ang lalaking nakasama at nakatabi niya sa pagtulog ay walang iba kung hindi si Crassus Adam Almonte. Ang CEO ng kompanyang pinasukan niya.Nayanig ang kanyang buong sistema. Kung ganoon ay naibigay niya ang kanyang sarili sa … Napapikit siya sabay buntonghininga. First time niya iyon, at wala siya ibang nararamdaman kung hindi masakit. Hindi lang niya

    Last Updated : 2024-11-14
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 2

    PANAY PA RIN ang pagtunog ng cellphone ni Raine. Nasa loob ng bus si Crassus kaya walang nangahas na magsalita. Tanging ang tunog ng pagbyahe at ang tunog ng ringing tone ng cellphone niya ang tanging naglikha ng ingay.Nang tinulungan niya ito kagabi ay nasa paketa pa ng suot niya na trouser ang kanyang cellphone. Napaisip siya. Paano napunta sa amo nila ang kanyang cellphone? Siguro ay nahulog ito nang maghubad siya ng damit. Nakalimutan niya ang aparato sa kakamadali.Hindi siya nagpa anod sa dagat ng pagkagulat. Kaagad niyang sinita ang sarili nang mahinuhang halos matangay na siya sa agos nito.Saka lang niya naisip na baka sumakay ng bus si Mr. Almonte ay para komprontahin siya. Napalunok siya. Baka alam talaga nito na siya ang nakasama nito sa pagtulog. Isa pa panay ang pagtunog ng kanyang cellphone sa kamay nito. Idagdag pa ang sinabi ni Diana kanina na tiyak niyang narinig nito, kung pagtagpi – tagpiin ang lahat ay hindi malabong alam na ni Mr. Almonte ang nangyari.Nahulog s

    Last Updated : 2024-11-14
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 3

    PAGKAPASOK NIYA PALANG SA OPISINA NITO ay parang isang scanner ang mata nito. Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa. May emosiyon pa siyang nakikita sa mga mata nito pero hindi lang niya matukoy kung ano. Hindi niya tuloy maiwasang mailang.Mayamaya pa ay tinitigan siya nito ng malalim. Gusto niya tuloy pagtaasan ito ng kilay pero natatakot siya sa magiging reaksiyon nito. Baka mamaya pa ay mag - iba ang kulay nito at iisipin pa nitong ipatapon siya palabas.Nang hindi na niya makayanan ay nakipagsukatan na siya ng tingin.Crassus felt confused.What's on my face?" he asked.Raine came back to her senses, "S- Sir?"Crassus drop the topic, and directly said, "how about marrying me?"Natameme si Raine.Hindi niya alam kung ilang beses na nagpabalik – balik sa utak niya ang alok nito. Hindi naman sana ito mahirap unawain ang sinabi pero ang hirap naman nitong paniwalaan.Napatingin tuloy siya palibot. Nagbabasakaling may makita pa siyang ibang tao sa opisina nito.“I’m talking to y

    Last Updated : 2024-11-14
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 4

    PINAKIRAMDAMAN NI CRASSUS ang dalaga kung tama ba ang hula niya. Naisip niya kasi na baka may motibo nga ito nang matulog siya sa hotel. Hindi niya pa rin maalala kung paanong napunta sa kwarto niya ang cellphone nito. Sinadya niya pang sumakay ng bus para sana komprontahin ito. Pero nang makita niya ang puyat nitong mukha ay umurong ang kanyang bayag. Hindi naman siya masamang tao para hindi maawa rito. Kaya pinalabas niyang napulot lang niya ang cellphone nito. Nang pasimple nitong tinanggihan ang kanyang alok ay namangha siya. Of course, she will regret it in the future, pero bago niya magawa iyon ay sisiguraduhin niyang mapapahamak ito. Sisiguraduhin niyang pagsisihan nito ang ginawa nitong panloloko sa kanya. Hindi na bago sa kanya ang ganitong taktika. Talamak na ang ganitong pamamaraan sa mga babaeng nakasalamuha niya. Hindi na rin bago sa kanya ang ‘playing hard to get’. Sa dinami – dami ba namang mga babae na nagkadarapa sa kanya ay halos araw – araw na siyang nakahara

    Last Updated : 2024-11-14
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 5

    PAGKASARADO PALANG NIYA NG PINTO NG CR ay kaagad na siyang napasandal dito. Napahikbi siya. Kaagad niyang tinakpan ang bibig nang marinig niyang medyo napalakas ang kanyang pag - iyak. Napatitig sa kawalan si Raine. Kasabay nang kanyang pagtitig ay pag - alala ng nakaraan na pilit niyang binaon nang panandalian sa kanyang isipan. Anim na taon ang nakakaraan nang mangyari ang isang napakalagim na aksidente sa kanyang Ama. Napapikit siya nang maalala niya ang karanasan nito. Nahulog sa gusali ang kanyang ama. Mahigit dalawampung palapag ang kinabagsakan nito dahilan para hindi na ito mabuhay. Naisip niya pala kung gaano kataas ang kinabagsakan nito ay hindi niya maiwasang mapa - isip. Kung ano ang nararamdaman nito habang nahuhulog ito sa ere. Hindi ito naging madali para sa kanila, lalo na sa kanyang Ina. Malaki ang naging epekto nito kaya hindi naging maganda ang mental health nito. Dahilan para masuot naman ito sa isang car accident. May natatanggap naman silang kompensasyon

    Last Updated : 2024-11-20

Latest chapter

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 170

    Ang pinakatuktok ng gusali ng Forgatto Celestina ay inirenovate. Ginawa itong opisina ng Audit Department. At dahil isa ito sa pinaka - importanteng departamento na sakop Almonte Group of Companies, pinili ni Crassus na itabi ito sa kanyang opisina. Hindi lang Forgatto Celestina ang aasukasuhin ng Audit Department. Lahat na pagmamay - aring negosyo ni Crassus ay saklaw nito kaya importante sa kanya na malaman ang lahat ng bawat galaw ng mga empleyado niya. Kaya mahigpit ang pagpipili ni Mr. Rothan sa mga empleyado dahil isang malaking departmento ang Auditing. Araw - araw ay tumatanggap sila ng interview. Maliban sa kulang pa ang kanilang man power, nahihirapan din sila makahanap ng mga empleyadona angkop sa standards na hinahanap nila. Kaya kahit marami na ang nag - aapply na may mga matataas na katungkulan na sa larangan ng kontadurya (accouting), kaunti pa lang ang kanilang napili.Ganoonpaman, sumubok pa rin si Raine. Dinala niya ang kanyang resume na naka- translate sa salitan

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 169

    Saglit na natahimik si Raine. Inisip niya ang suggestions ni Diana. "Di ba? Subukan mo lang. Wala namang mawawala sa'yo," dagdag pa ni Diana at ininom ang malamig na ice tea.Hindi sumagot si Raine. Iniisip niya si Crassus. Bagaman ito ang unang kumibo ay hindi pa rin siya masyadong nahimasmasan. Nagtatampo pa rin siya rito lalo na at nag - iwan ng marka ang kamay nito sa braso niya. Hindi naman malubha, pero sapat na sa kanya iyon para mainis at magtampo siya rito.Hind tulad ng dati, madali na ito pakiusapan. Hindi na rin ito satkastiko. Kaya lang ay hindi siya pa handa sa magiging komento nito. Bukod pa roon ay hindi rin alam ni Diana na nagpatranslate na siya kay Crassus ng resume. Nagbigay na nga siya ng ibang kopya niyon kay Mr. Rothan mismo pero hindi niya alam kung natanggap ba nito ang resume niya.Dala ng pagkasabik, tinanggap ni Raine ang ideya ng kaibigan. Kahit na alam niyang suntok sa buwan ang posibilidad na matanggap siya. Maraming mas magaling pa sa kanya, at marami

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 168 - Fight then reconcile

    Simula noong mag - walk - out si Raine sa kwarto ay hindi na sila nagka - imikan ni Crassus. Naputol lamang iyon nang ayain siya nito na kumain ng dinner. Pero hindi niya pa rin ito kinibo. Kahit na noong nasa harap na sila ng hapag - kainan ay panay lang itong pasulyap ng tingin. Mabuti na lamang at nakauwi na si Lolo Faustino. Bahagyang nabuhay ang atmospera dahil sa pag - uusap nila. Pahapyaw rin kung sumabat sa usapan si Crassus. Tinatanong nito kung kamusta ang naging lakad ng Lolo nito. Naunang matapos si Lolo Faustino. Para makaiwas kay Crassus at nagpresenta siya na samahan na pumunta sa kwarto si Lolo. Mabuti nga lang at hindi na ito nagtanong. Hindi na rin siguro ito nagtataka dahil madalas din naman ay inaakay niya ito. Nang nasa bukana na sila ng dining room ay napasulyap siya kay Crassus. Napalunok siya nang makitang nakatitig ito sa kanya habang umiinom ng tubig. Mabilis niyang iniwas ang kanyang mata. Pagkatapos niyang asikasuhin si Lolo Faustino ay pumunta siya s

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 167 - Scream of the heart

    Tinitigan ni Raine si Crassus. Inaanalisa niya ang sinabi nito. ‎‎"Importante, paanong naging importante ang initials na 'yon, Crassus?" takang tanong pa ni Raine.‎‎Crassus shrug. "I just like it."‎‎Muling napaisip si Raine. "Dahil ba sa meaning?" tanong niya ulit. "Iyong dahil ba sa pangalan natin o dahil doon sa Crassus loves Raine?"‎‎"No, I just want it."‎‎Natahimik siya. "Oo nga naman, paano mo ba naman ako maging mahal. May Tia ka pa sa puso mo."‎‎Natigilan si Crassus mula sa pagtipa. Napalingon siya kay Raine. "Bakit parati mo na lang siya isinisingit sa usapan?"‎‎Nagkibit - balikat si Raine. Iniwasan niya ang mata ni Crassus. Bumigat ang puso niya. ‎‎Alam naman niya na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa ito sa ex nito. Takot lang ito na umamin. ‎‎"In- denial ka pa kasi," saad ni Raine. Malungkot niyang saad. "Alam ko naman na may nararamdaman ka pa sa ex mo."‎‎Inilapag ni Crassus ang laptop sa higaan. "Who told you?"‎‎"Ako," diretsang sagot ni Raine. B

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 166 - The initials

    "What?"Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. "Magbibihis lang ako at dapat pagbalik ko rito ay wala na 'yan sa katawan mo. Huwag mo akong hamunin, Crassus," malamig na wika niya.Saka siya umalis sa harap ni Crassus. Pumasok siya sa closet room nila para magbihis. Nilapa niya ang kanyang tote bag sa mesa. Tahimik siyang nagbibihis at nang matapos ay lumabas kaagad siya.Naikuyom niya ang kanyang kamay nang hindi man lang natinag mula sa kinatatayuan si Crassus. Mataman itong nakatitig sa kanya habang nakapamulsa. Nang maanalisa niya na wala itong balak na hubarin ang damit ay mabilis siyang lumapit. Marahas niyang tinanggal mula sa pagkabutones ang suot nito.Pinigilan ni Crassus ang kamay ni Raine. "What are you doing?""Tatanggalin ko ang damit. Ayaw mong maghubad kaya ako na ang gagawa," sagot ni Raine.Hinila nito ang kamay niya. "Bakit ba galit na galit ka?""Huwag ka ng magtanong. Basta hubarin mo na lang iyang damit," hirit pa ni Raine.Pero hindi nakinig si Crassus. Pinigila

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 165 - The slap of truth

    Ramdan ni Crassus ang galit sa boses ni Raine. Kalmado man ito pero kitang - niya sa mata nito ang pagkadegusto. Malamig itong nakatingin sa kanya na para bang anumang oras ay kaya nitong manuntok. Crassus face Raine, "Since you knew her intentions were not pure, why did you accept her clothes?" Napaismid si Raine. "Simula nang makilala ako ni Tia, mainit na ang ulo niya sa akin. Palagi niya akong pinapahiya sa harap mo. Ginagawan niya rin ako ng kuwento, tapos magsusumbong siya sa'yo. Ikaw itong uto - uto, naniniwala naman. Hindi mo ba pansin? Halos lahat ng ugat ng pinag - awayan natin ay siya ang mitsa." Napatitig sa kawalan si Raine. "Minsan nga ay napapatanong ako sa sarili ko kung tama ba itong pinasok ko. Palalampasin ko lang sana ang gingawa niya kasi papaano ay naintindihan ko siya. Pero lately ay sumusobra na siya. Kung hindi ko siya papatulan, hindi niya rin ako titigilan. Hinding - hindi niya ako tantanan hangga't hindi tayo maghihiwalay." Natahimik si Crassus. Kinu

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 164 - Jealous

    Habang kumakain ay napatingin sa pinto si Raine. Nakita niyang pabalik na si Crassus. Hindi ito nag - iisa. May kasama ito na lalaking server.‎‎Umupo si Crassus sa tabi niya. Nilapag naman ng server ang tray na may takip. Napatingin siya roon ng may pagtataka. Tinanggal nito ang takip. Nanubig ang bagang niya nang makita niya ang isang mamahaling ice cream na nakalagay sa isang maliit na baso. Kaunti lang ang serving niyon at parang tsokolate ang flavor. May cherry pa ang tuktok nito.‎‎Tinitigan niya ng mabuti ang dessert. ‎‎"Enjoy your meal, Ma'am, Sir," ani ng server saka ngumiti.‎‎Ginantihan ito ni Raine ng ngiti. "Salamat."‎‎Tumalikod ang server. Dinala nito ang tray. Nang makalabas ito ay napalingon siya kay Crassus.‎‎"Iyong maliit lang ang inorder ko. Baka sasakit ang tiyan mo at magkasipon kapag napadami ka ng kain," ani pa ni Crassus.‎‎"A-akala ko galit ka," tanong ni Raine. ‎‎Napakunot ang noo ni Crassus. "Bakit naman ako magagalit?"‎‎Napailing si Raine. "An

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 163 - From the heart

    Marahas na napabuga ng hangin si Tia. Saka niya dinampot ang kanyang bag. Nilisan niya ang vip room nang hindi nagpaalam kina Raine at Crassus. ‎ ‎"What is that?" ‎ ‎Napalingon si Raine kay Crassus. "Ang alin?" ‎ ‎"That, your speech. Where is that coming from?" Crassus asked. ‎ ‎"Uh, from the heart?" ‎ Napalunok si Crassus. Hinila niya ang kanyang kwelyo dahil parang nahihirapan siyang huminga. Saka siya tumikhim. At dahil umalis na si Tia. Malaya na silang makapag - usap. "Tinatanong kita ng maayos," saad pa ni Crassus. Lumingon ulit si Raine sa kanya. "Sinasagot din naman kita ng maayos ah?" "Raine." "Ano?" Napipikang tanong pa ni Raine. Ngumuya siya. "Ayaw mo bang kumain? Nagugutom na ako." Marahan niyang pinitik ang noo ni Raine. "Kaya ka tumataba dahil puro ka lamon." Sumama ang mukha ni Raine. "Babe, baka nakalimutan mo na kaunti lang ang nakain ko kanina dahil sa pinaggagawa mo." Tumikhim ulit si Crassus. Pinigilan niya ang sarili na mapangit

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 162 - C.A.R.A

    Tahimik na nakikinig at nagmamasid kina Raine at Tia si Crassus. Nang marinig niya ang huling sagot ni Raine ay alam niyang may mali. Sinasabi na nga ba niya at may tinatago ang kanyang asawa. Ngayon at kinopromta na ito ni Tia ay hindi niya maiwasang maging kyuryoso. ‎‎Mabagal niyang hinaplos ang kanyang ilong. ‎‎Habang nakatingin kay Raine ay hindi maiwasan ni Tia na makaramdam ng suya. Kung wala lang si Crassus sa harap nila ay kanina niya pa ito sinupalpal. Hindi siya makabwelo dahil katabi nito ang ex bf niya. Gusto niyang mapanatili ang good impression nito sa kanya kaya kailangan niyang magpigil. Mababalewala ang pinaghirapan niya kung magpapadala siya rito.‎‎Kaya lang, hirap siyang magpigil. Kaya napagsalitaan niya pa rin si Raine. Hindi siya papayag na mapahiya sa harap ni Crassus.‎‎Pekeng ngumiti si Tia. "Girl, what do you mean? It's three naman talaga. Bakit ako pa ang tinatanong mo? I'm the one who order it so siyempre alam ko kung ilang letra ang naka - burda riya

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status