LOGIN
Chapter 1
SA KALAGITNAAN NG GABI, habang tulog ang karamihan sa mga tao ay naalimpungatan si Raine mula sa kanyang paghimbing. Kumilos siya para mag – iba ng posisyon. Hindi pa siya nangangalahati mula sa kanyang pagkilos ay natigilan na siya. Napakunot ang kanyang kilay. Ramdam niyang may masakit. Parang nasugatan siya. Pakiramdam pa niya ay kay bigat ng kanyang katawan. Hindi niya mapangalanan ng diretso. Sa sobrang sakit niyon ay hindi niya alam kung alin ang uunahin. Pagmulat niya ng mata ay isang pamilyar na lalaki ang kanyang nakaharap. Kaagad naglaro sa utak niya nangyari. Namilog ang kanyang mata. Hindi siya makapaniwala. Ang lalaking nakasama at nakatabi niya sa pagtulog ay walang iba kung hindi si Crassus Adam Almonte. Ang CEO ng kompanyang pinasukan niya. Nayanig ang kanyang buong sistema. Kung ganoon ay naibigay niya ang kanyang sarili sa … Napapikit siya sabay buntonghininga. First time niya iyon, at wala siya ibang nararamdaman kung hindi masakit. Hindi lang niya matukoy kung dapat ba siya magpaapekto sa nangyari. Basta ang alam niya, nawala ang pinagka – ingatan niyang puri, ang kanyang pagkababae. Ang tanging bagay na nag – iwan na malalim na impresyon sa kanya ay ang pinagdaanan ng stubble nito na dumampi sa kanyang mukha. Ang mainit nitong hininga ang siyang dahilan upang magising ang milyon – milyong boltahe sa kanyang katawan. Hinalikan pa nito ang kanyang tainga. Hindi niya mabilang kung ilang beses pa siyang nakiliti sa ginagawa nito. Pero iba ang kiliting iyon, may kakaibang enerhiya iyon na kayang gumising ng isang natutulog na emosiyon. Namula ang kanyang mukha. Crassus Adam Almonte’s smoothering gaze, his skin to skin contact along with his deep and low voice made Raine Athena Villanueva hot. During the love making. Wait, love making ba tawag niyon? Hindi naman sila magkasintahan at mas lalong hindi sila mag – asawa. “Nanakit ang ulo ko sa sitwasyon namin. Ano ba itong napasukan ko.” Naibubulas niya. Masakit man isipin pero may tawag sa ginawa nila kagabi. Ayaw lang niya marinig at ayaw niya rin lumabas sa mismo niyang bibig. Habang nagtatalik sila ay panay ang pagbulong nito sa kanyang tainga. May tinatawag at sinasambit ito na pangalan. Bagama’t hindi malinaw sa kanya ang isinambit nito mula simula hanggang dulo, hindi niyon nabawasan ang naramdaman niyang sakit. Isang napakasakit na katotohanan na kayang sumampal sa kanya bilang isang kahihiyan. Sa kalagitnaan ng gabi, heto siya at nagising sa kawalan. Habang ang kasama niya ay ito at nasa tabi pa niya. Himbing na himbing sa pagtulog na tila ba nanggaling ito mula sa nakakapagod na araw. Tinitigan niya ang mukha ng lalaki. Sa hinding maipaliwanag na dahilan ay gusto niyang mapalapit sa lalaki. Nananabik siya sa init ng yakap nito. Gusto niya pa magpatuloy sa paghiga at namnamin ang yakap nito sa pagtulog. Pero alam niya ang kanyang kahihitnan kapag hindi pa siya umalis. Mapapahamak lang siya, at mas lalong magiging komplikado ang lahat. Pagmamay – ari ni Mr. Almonte ang ‘Forggato Celestina’, isang brand wine Company na kasalukuyang namamayagpag sa mundo ng luxury wine. Isa siyang intern sa kompanyang pinapatakbo nito. At ngayon ito siya, katabi ang kanyang amo, at kasama pa sa iisang higaan. Raine knew the consequences on her toes. Oras na malaman nito ang nangyari ay tiyak na malalagay siya sa alanganin. Kapag nagkataon ay mawawalan siya ng trabaho at may mas malala pa roon. Kapag nakarating ito sa mga kasamahan niya ay ma – aakusahan pa siyang malandi. Na sinadya niya itong lasingin at inakit niya ito. She would be accused as ‘seducing the CEO.' Baka hindi na siya makatapak sa pinagtrabuan niya kung pumutok ang isyong iyon. Kahapon kasi ang unang araw ng Team Building nila. Idinaos iyon sa napili nitong hotel. At dahil nga team building ay madalas sa mga kasama ang magkasiyahan at hindi mawawala sa kasiyahan ang inuman. Hindi niya alam kung ano ang sumagi sa isipan nito pero napadami ang inom nito kagabi. Tila natangay ito sa likidong iniinom nito. Nakainom lang ito ng isa ngunit sunud - sunod na ang paglagok nito. Kaya tinulungan niya ito para makapahinga na ito sa kwarto nito. Balak lang niya sana itong ihatid. Wala kasing nangahas na ihatid ito sa kwarto. Kilala kasing terror ang isang ito kaya takot ang karamihan sa mga empleyado. Kaya siya na ang naglakas ng loob. Naaawa na kasi siya rito. Paano at pasuray – suray na ito. Ihahatid lang sana niya ito sa kwarto nang bigla siya nitong halikan. Natuliro siya. Nablangko ang kanyang utak dahil hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Itutulak niya sana ito ngunit nang makita niya ang mukha nito ay nataranta na siya, at hindi na makatanggi. Inalog ni Raine ang kanyang ulo nang maalala niya ang mapusok nila na halikan. Sinipat niya ang lalaki. Nang mabusog na ang kanyang mata ay dali – daling niyang pinulot ang kanyang mga damit. Umalis siya sa kwarto at nagkunwaring walang nangyari. Pagkarating ng alas sais ng umaga ay bumalik na ang ilan sa mga bus ng kompanya. Huminto ito sa tapat ng hotel. Sumakay si Raine kasama ang isa pang intern nila, si Diana. Ito ang naging matalik niya na kaibigan habang nagtatrabaho siya sa kompanya. Pagkapasok pa lang niya sa bus ay kaagad niyang nakita ang taong nakatulog sa first row ng bus. Natakot si Raine nang maanalisa niya kung sino ito. Papapuno na ang bus. Ang tanging natitirang bakanteng upuan ay ang katabi at ang likod mismo ng kanilang CEO. Namula ang mukha ni Raine. Nahuli na silang dalawa ni Diana, at wala silang ibang magagawa kung hindi ang umupo sa likod ng kanilang amo. Kailangan nilang magtiyaga kung gusto nilang umuwi ng maaga. Pagkaupo pa lang ni Diana ay inulan na kaagad siya ng tanong nito. “Hindi ba may sariling sasakyan si Mr. Almonte? Bakit nag – bubus siya ngayon? At kasama pa natin?” Bulong pa ni Diana sa tainga ni Raine. Malakas ang boses ni Diana, at kahit bumulong pa ito ay maririnig pa rin ito ng kasamahan nila. “Hindi ko alam, at bakit ba ako ang tinatanong mo. Hindi naman kami close,” sagot pa niya ng pabulong. Sabay baba ng kanyang ulo. Kaagad na tinakpan ni Raine ang kanyang mukha sa takot na maalala siya ni Mr. Almonte. May oras pa na pasimple niyang iaalis ang kamay kapag nakatingin si Diana sa kanya. Baka kasi may makahalata at maweweirduhan sa kanya ngayong araw. Pero maswerte si Raine ngayon at hindi kumapit sa kanya ang malas. Parang hindi naman naalala ni Mr. Almonte ang nangyari. O baka naalala nito pero hindi lang nito maalala ang taong nakatalik. Bukod pa roon ay hindi naman kasi sila magkakilala. Baka nga ngayon pa siya nitong namukhaan sa dami ng empleyado nito. Isa pa ay lango ito sa alak nang may mangyari sa kanila. Nakasara rin ang ilaw kaya may posibilidad na hindi siya nito maalala. Habang tumatagal ay na – bobored na si Diana sa biyahe kaya naglaro ito ng cellphone. Nainggit si Raine kaya binunot niya rin ang sa kanya. Nang hanapin niya ito sa kanyang bag ay hindi niya ito mahagilap. Pati ang upuan niya ay kaliwa’t – kanan na niyang tinignan. Siniko ni Raine si Diana. “Tawagan mo ang cellphone ko. Hindi ko kasi mahanap.” “Saan mo ba kasi inilagay?” Kaswal na tanong ni Diana habang i- dinial ang kanyang numero. Hindi nagtagal ay umalingawngaw ang isang pamilyar na ringing tone, pero hindi sa bag o sa suitcase ni Raine nanggaling ang tunog. Nasa harap iyon. Nasa mismong kamay ni Mr. Almonte. Nagsitayo ang balahibo ni Raine."Pero mas marami talaga akong kaaway. Kadalasan, mga crush ang puno't-dulo ng away."Tumikyas ang kilay ni Crassus dahil sa narinig. Napabalikwas siya ng bangon. Hindi maipinta ang kanyang mukha na binalingan niya si Raine."You seem proud," Crassus said sarcastically. "Flings and crushes, huh?"Kumunot ang noo ni Raine. Lumingon siya kay Crassus at takang tinitigan ito."Problema mo? Totoo naman iyong sinasabi ko," giit pa ni Raine. "Alangan naman na mag-imbento ako?""Tch! So my wife had plenty flings and crushes since her teenage days," Crassus said, his tone is dripping with sarcasm. Nice!"Mas lalong kumunot ang noo ni Raine. "Ano naman sasabihin ko? Iyon naman talaga ang madalas na dahilan kung bakit marami akong kaaway. Kung hindi sa academics, pagtripan naman nila ako kasi raw pangît ako. Hindi ko nga alam kung bakit marami ang nagkakagusto sa akin na lalaki ano. At saka, hindi ko naman kasalanan kung marami ang mag-kacrush sa akin. Naiirita sila sa mukha ko
"Luh!" Bulalas ni Raine nang makitang nasa kwarto niya si Crassus.Kakalabas niya pa lang galing sa banyo. Nag-halfbath siya at nagpalit ng damit. Akala niya ay uuwi na ito kanina. Nauna kasi siyang pumasok ng bahay. Hindi niya inaasahan na aakyat ito sa kanyang kwarto.Prente itong naka-upo sa sofa niya na color pink. Hindi niya alam kung anong trip ni Crassus pero iyong pa talaga ang binili nito na kulay na sofa. Buti na lang at hindi nito pinagalaw ang study table niya. Kasi kung hindi, mawawalan talaga siya ng gana na umupo at mag-aral doon.White at pink ang tema ng kwarto niya. Hindi katulad dati na simpleng puti lang, ngayon ay dinadagdan nito ng ibang kulay. Sumasakit ang ulo niya sa kulay na pink. Sa lahat kasi ng kulay ay isa lang iyon sa pinakaayaw niya. Masyado kasi matingkad para sa kanya. Mas papasa pa sa hilig niya ang kulay lila, pero kung pink.Ngumiwi si Raine. Mabuti na lang at mga poste lang ng kwarto ang may pintura na color pink.Nameywang si Raine. "Bakit ka
Naabutan ni Crassus na tahimik na naka-upo sa ilalim ng punong mangga si Raine. Nilapitan niya ito. Hindi pa man siya tuluyan nakalapit at lumingon na si Raine sa kanya."Ba't ka naman nandito?" napipikang tanong ni Raine. "Umuwi ka na sa villa."Crassus eyebrows frowned. "Not with my wife."Naglapat ng mariin ang labi ni Raine." Umuwi ka na. Ayaw kitang maka-usap. Wala naman akong ginagawang masama sa'yo pero kung pagtripan mo ako parang ang laki ng kasalanan ko.""Your fault. Pumunta ka rito nang hindi ka nagpaalam. Are you afraid that I might refuse you to leave? Bumabiyahe ka rin ng mag-isa papunta rito. Paano kung mapaano ka sa kaka-commute mo? Pwede ka naman magpahatid sa akin."Iniwas ni Raine ang kanyang paningin. Hindi na umimik. Sa halip ay nagpunta siya sa duyan na de gulong at umupo roon.Parang bumalik sa nakaraan si Raine. Kaagad niya naalala ang mga oras nandito sila ni Athelios para maglaro. Hinawakan niya ang tali niyon at unti-unting nagduyan.Naramdaman niya na para
Naniningkit ang mata ni Raine habang kumakain ng hapunan. Hinawakan niya ng mariin ang kutsara't tinidor. Saka niya ng tinitigan ng matalim si Crassus.Kanina pa sila kumakain pero hindi niya makuha na maging masaya kahit nakakatakam ang luto ng kanyang Ina. Kakauwi pa lang nito at dapat ay tuwang-tuwa siya. Pero ito siya, bugnot na bugnot na tila ba may kaaway.Nabubuwesit siya sa asal ni Crassus. Simula ng bumalik ang Mama niya ay panay na ang papansin nito."Oh, kumain ka ng marami," ani pa ni Mama Roberta. "Ito pa. Maraming pagkain, kumain ka ng mabuti.""Thank you po, Tita," magalang na saad ni Crassus sabay subo ng pagkain."Ano'ng Tita, Mama kamo." Umiling si Mama Roberta. Inilapit niya kay Crassus ang eskabetse. Pasensiya ka na at iyan lang ang nakayanan namin. Talaga bang kumakain ka ng ganyang pagkain?""Yes, po," saad ni Crassus sabay subo at dahan-dahan na ngumuya. "Manang does cook like this but not that often."Tumango si Roberta. "Siya."Binalingan niya si Raine. Nagtak
Hindi makapaniwala si Raine sa kanyang nakita. Nanigas ang leeg niya at napalunok. "A-anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Raine. Napahawak siya ng mahigpit sa hamba ng pinto. "H-hindi ko naman sinabi sa'yo na nandito ako."Tumikyas ang kilay ni Crassus. Tinanggal niya ang kaliwang kamay sa bulsa. Humawak siya sa hamba ng pinto at marahan na itinulak iyon. Mabagal siya yumuko. Nahigit ni Raine ang kanyang hininga. Nagkalapit ang mga mukha nila ni Crassus. Ilang dangkal na lang ay sasagi na ang tungki ng ilong nito sa pisngi niya. Naramdaman na niya ang hininga nito. "It's not that hard to guess, Raine." Crassus said with a grin. "Why won't you tell me, by the way?"Pakiramdam ni Raine ay parang kakapusin siya ng hininga. Kaya lumayo siya ng kaunti. Akala niya ay makakatakas na siya pero mas lalo lang lumalapit si Crassus."A-ano ba." Tinulak ni Raine ang leeg ni Crassus saka nag-iwas ng tingin. "Umayos k-ka nga, n-nandiyan ang Mama."Umangat ang gilid ng labi ni Crassus. Lum
Malapit ng mag-alas singko kaya nagligpit na ng mga gamit si Raine. Plano niya sana ay mag-over time pero nagbago ang kanyang isip. Bigla siyang tinamad. Naalala niya rin ang sinabi ng doktor kaya mas minabuti niyang ipagpabukas na lang ang mga natitirang paper works. Sa kalagitnaan ng pag-iimis niya ng gamit ay tumunog ang kanyang cellphone. Dinampot niya iyon at sinagot ang tawag."Ma..." sambit ni Raine. "Kamusta po? Okay lang kayo riyan?""Oo nak," ani ni Mama Roberta. "Pumasok ka ba ngayon?""Opo," ani ni Raine. "Papauwi na po ako. Hinintay ko lang po iyong oras ng uwian.""Sa'n ka uuwi?"Natigilan si Raine. Nilagpat niya ang hawak na notebook sa la mesa. "Sa villa po. Bakit mo po natanong, Ma?""Hindi ka ba nasabihan ng asawa mo?" takang tanong ni Mama Roberta.Kumunot ang noo ni Raine. "Ang alin?"Sandaling natahimik ang Mama niya sa kabilang linya."Ma..." muling sambit ni Raine. "Ano po ba iyon?""Ah, ano kasi nak. Tumawag kasi siya kaninang umaga. Sabi niya, pwede ko na raw







