PANAY PA RIN ang pagtunog ng cellphone ni Raine. Nasa loob ng bus si Crassus kaya walang nangahas na magsalita. Tanging ang tunog ng pagbyahe at ang tunog ng ringing tone ng cellphone niya ang tanging naglikha ng ingay.
Nang tinulungan niya ito kagabi ay nasa paketa pa ng suot niya na trouser ang kanyang cellphone. Napaisip siya. Paano napunta sa amo nila ang kanyang cellphone? Siguro ay nahulog ito nang maghubad siya ng damit. Nakalimutan niya ang aparato sa kakamadali. Hindi siya nagpa anod sa dagat ng pagkagulat. Kaagad niyang sinita ang sarili nang mahinuhang halos matangay na siya sa agos nito. Saka lang niya naisip na baka sumakay ng bus si Mr. Almonte ay para komprontahin siya. Napalunok siya. Baka alam talaga nito na siya ang nakasama nito sa pagtulog. Isa pa panay ang pagtunog ng kanyang cellphone sa kamay nito. Idagdag pa ang sinabi ni Diana kanina na tiyak niyang narinig nito, kung pagtagpi – tagpiin ang lahat ay hindi malabong alam na ni Mr. Almonte ang nangyari. Nahulog sa malalim na pag – iisip si Raine. Nagtatakang tinitigan ni Diana ang kanyang kaibigan. Ininguso nito ang kanilang CEO. “Hoy!” “Tumigil ka nga!” Bulong pa niya at hinawakan ang kamay nito. Nilukop ng hiya si Raine. Hindi niya alam kung paano magpaliwanag. Para siyang isang pusa na nahuling nagnakaw ng pagkain. “Anong nangyari? Bakit napunta sa kanya ang cellphone mo?” Pang – uulit pa ni Diana sa mahina ng boses. “A-ano…” “Is this your phone number?” Mr. Almonte asked Diana while holding up Raine’s phone. The phone lockscreen showed,”Crazy Diana.” Crazy Diana kasi ang inilagay ni Raine na pangalan sa contact number. Tumango na parang naasar si Diana. Inismiran niya pa ang kanyang kaibigan bago sumagot. “Opo, Mr. Almonte. Nawawala kasi ang cellphone ni Raine kaya pina – tawagan niya sa akin ang phone niya.” Sabay lingon sa kaibigan. Nang binanggit ni Diana ang kanyang pangalan ay gusto niyang buksan ang bintana para lumundag. Gusto niyang maglaho ng parang bola dahil sa kahihiyan. “Your phone? Just now you were carrying the suitcase and your phone fell on the front seat.” Mr. Almonte turned his eyes on Raine. His eyes were indifferent but deep, although the eyes are very kind and familiar, they were deep, unfanthomable. Iyon ang nakita ni Raine nang magtama ang paningin nila. Bagay na hindi niya maintindihan. “S – sorry, k- kasalanan ko, salamat Mr. Almonte.” Kinabakabahan man pero yumuko nang bahagya si Raine. Gamit ang dalawang kamay ay kinuha niya ang kanyang cellphone sa kamay nito. Pagkatapos siyang sagipin ni Crassus mula sa kahihiyan ay kaagad itong tumalikod na parang wala lang. Siya naman ay naiwang tulala. Nang mahimasmasan ay nagpanggap siyang may tinipa sa cellphone pero hindi niya man lang ito binasa. Naglalakbay ang utak niya sa paraan ng pakikipag – usap nito. Ang paraan ng pagbalik nito ng kanyang cellphone ay parang binigyan siya nito ng pahiwatig. Kung pagbabasehan din ang galaw nito ay hangin lang siya kung ituring nito. Malinaw na malinaw na narinig ni Raine mula sa bibig nito. Sa paraan ng pagsalita nito. Na kung anuman ang nangyari kagabi ay iyon lang! Iyong lang at wala ng iba. Matanda na si Raine at alam niya ang aksiyon nito. Hindi sa hindi siya marunong maglaro at umitindi. Kung iyon ang gusto nito, sino naman siya para maghabol dito. Isa pa, sa kanilang dalawa ay siya itong nasa wastong hulog nang may namagitan sa kanila. Gusto niyang ituring na pawang isang panaginip ang nangyari kagabi. Isang sekreto iyon sa pagitan nilang dalawa at mas nanaisin niyang itago nalang iyon. Kung anumang uri iyon ng panaginip, saka na lang niya iisipin. Hindi niya alam kung masama o mabuting tao ba siya paningin ni Crassus. Pero sa isang banda, paano nitong iisipin ang mga ganitong bagay? Baka sa sobrang abala nito ay hindi na sumagi sa utak nito ang nangyari. Oras, araw, linggo, hanggang sa naging kalahating buwan, hindi na nakita ni Raine si Crassus. Kahit na may meeting ang mga kagrupo, ang mga Senior, at ang mga Executives ay hindi siya umaattend kung hindi naman kailangan ang presensiya niya. Isa pa kung may pagpupulong naman sila ay hindi naman niya ito nakikita dahil sa mataas na katungkulan nito sa kompanya. Isa lamang siyang hamak na intern sa negosyong pinapatakbo nito. Habang tumatagal ay nag – alala na rin si Raine. Gustuhin man niyang manatili sa kompanyang pinagtrabahuan pero hindi na siya pwedeng magtagal. Sa gulong napasukan niya ay tiyak na puputaktihin siya ng mga kasama niya kapag nabisto ng mga ‘to ang sekreto niya. Paminsan – minsan ay sumagi sa isip ni Raine si Crassus. Gusto man niya itong kausapin pero nag – aalagan siya. Baliktarin man ang lahat, Amo niya pa rin ito at isang hamak na intern lang siya mala – palasyo nitong mundo. At isa pa, ito ang unang pagkakataon na nakapasok siya sa ganitong sitwasyon. Nangangapa siya, ni hindi nga niya alam kung ano ang gagawin. Hanggang sa isang araw, tumunog ang internal phone sa ibabaw ng mesa ni Raine. Sinagot niya ito. “Ms. Villanueva?” The other end asked. Namilog ang mata ni Raine. Ang boses na ito … Parang sirang plaka na naulit sa kanyang utak ang nangyari noong gabi na iyon. Uminit ang mukha ni Raine. Parang may nagising sa kanya nang maalala na naman niya ang boses nito. That night when he said ,” turn off the lights.” His magnetic voice, his deep, husky voice while he’s whispering in her ear. Napahawak si Raine sa kanyang tainga. Pakiramdam niya kasi ay sariwa pa ang ginawa nitong pagbulong sa kanya. Umiling siya sabay buntonghininga. Kailangan niyang umayos kung ayaw niyang mabuking. Lumunok ulit siya bago siya sumagot. “Yes, Sir?” “Come to my office for a while.” “P-po?” Saglit na natigilan ang nasa kabilang linya. “You hear me. I said come to my office.” He said then ended the line. Hindi na nakapagsalita si Raine. Samu’t – saring rason na ang pumasok sa utak niya. Dahan – dahan niyang naibaba ang aparato habang nakatitig sa kawalan. Paniguradong hindi tungkol sa trabaho ang pag – uusapan nila dahil magkaiba sila ng posisyon. At kung trabaho naman ang pag – uusapan ay hindi naman siya ang hahanapin nito dahil dalawa ang secretary nito. Sa kaka – isip niya ay walang sa sariling naglakad si Raine papunta sa huling floor ng building nila. Inisip niya na baka tungkol sa Team Building ang sadya ng kanilang CEO. Pero ang isang banda ng utak niya ay nagpoproresta. Alam niyang may posibilidad na mapag – usapan ang tungkol doon. At iyon ang ikinakatakot niya, ang buksan ang paksa tungkol sa nangyari nilang dalawa. Paano kung gusto pala ni Crassus na paalisin siya sa kompanya nito? Napailing si Raine. ‘Hindi – Hindi maari. Huwag naman sana. Kailangan ko ng trabaho.’ Nang nasa harap na siya ng opisina ng kanilang amo ay saglit siyang natigilan. Bigla siyang nawalan ng lakas. Itataas niya ang kanyang kamay para sana kumatok pero hindi naman niya kaya. Kapag lalapat na ang kanyang kamay sa pinto ay kusa naman itong hihinto. Namilog ang mata niya nang kusa itong bumukas. Nabungaran niya ang assistant nito na lalaki. “Pasok ka. Kanina ka pa niya inaantay,” saad pa nito. Yumuko siya saglit. “S- sige.” Iginiya siya nito papunta sa isa pang pinto. Saka palang niya nalaman na hiwalay pala ang opisina nito sa dalawa nitong sekretarya. Iniwan siya nito sa tapat ng Executive Office. Saka ito bumalik sa mesa nito. Napilitan siyang katukin ang pinto.PAGKAPASOK NIYA PALANG SA OPISINA NITO ay parang isang scanner ang mata nito. Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa. May emosiyon pa siyang nakikita sa mga mata nito pero hindi lang niya matukoy kung ano. Hindi niya tuloy maiwasang mailang.Mayamaya pa ay tinitigan siya nito ng malalim. Gusto niya tuloy pagtaasan ito ng kilay pero natatakot siya sa magiging reaksiyon nito. Baka mamaya pa ay mag - iba ang kulay nito at iisipin pa nitong ipatapon siya palabas.Nang hindi na niya makayanan ay nakipagsukatan na siya ng tingin.Crassus felt confused.What's on my face?" he asked.Raine came back to her senses, "S- Sir?"Crassus drop the topic, and directly said, "how about marrying me?"Natameme si Raine.Hindi niya alam kung ilang beses na nagpabalik – balik sa utak niya ang alok nito. Hindi naman sana ito mahirap unawain ang sinabi pero ang hirap naman nitong paniwalaan.Napatingin tuloy siya palibot. Nagbabasakaling may makita pa siyang ibang tao sa opisina nito.“I’m talking to y
PINAKIRAMDAMAN NI CRASSUS ang dalaga kung tama ba ang hula niya. Naisip niya kasi na baka may motibo nga ito nang matulog siya sa hotel. Hindi niya pa rin maalala kung paanong napunta sa kwarto niya ang cellphone nito. Sinadya niya pang sumakay ng bus para sana komprontahin ito. Pero nang makita niya ang puyat nitong mukha ay umurong ang kanyang bayag. Hindi naman siya masamang tao para hindi maawa rito. Kaya pinalabas niyang napulot lang niya ang cellphone nito. Nang pasimple nitong tinanggihan ang kanyang alok ay namangha siya. Of course, she will regret it in the future, pero bago niya magawa iyon ay sisiguraduhin niyang mapapahamak ito. Sisiguraduhin niyang pagsisihan nito ang ginawa nitong panloloko sa kanya. Hindi na bago sa kanya ang ganitong taktika. Talamak na ang ganitong pamamaraan sa mga babaeng nakasalamuha niya. Hindi na rin bago sa kanya ang ‘playing hard to get’. Sa dinami – dami ba namang mga babae na nagkadarapa sa kanya ay halos araw – araw na siyang nakahara
PAGKASARADO PALANG NIYA NG PINTO NG CR ay kaagad na siyang napasandal dito. Napahikbi siya. Kaagad niyang tinakpan ang bibig nang marinig niyang medyo napalakas ang kanyang pag - iyak. Napatitig sa kawalan si Raine. Kasabay nang kanyang pagtitig ay pag - alala ng nakaraan na pilit niyang binaon nang panandalian sa kanyang isipan. Anim na taon ang nakakaraan nang mangyari ang isang napakalagim na aksidente sa kanyang Ama. Napapikit siya nang maalala niya ang karanasan nito. Nahulog sa gusali ang kanyang ama. Mahigit dalawampung palapag ang kinabagsakan nito dahilan para hindi na ito mabuhay. Naisip niya pala kung gaano kataas ang kinabagsakan nito ay hindi niya maiwasang mapa - isip. Kung ano ang nararamdaman nito habang nahuhulog ito sa ere. Hindi ito naging madali para sa kanila, lalo na sa kanyang Ina. Malaki ang naging epekto nito kaya hindi naging maganda ang mental health nito. Dahilan para masuot naman ito sa isang car accident. May natatanggap naman silang kompensasyon
HINDI NA MAPAKALI SI RAINE nang marinig niya ang sinabi ni Dr. Riacrus. "Okay lang po ba siya?" "Yes, Dear for now. Huwag kang mag - alala, nagawa na namin ang emergency treatment. Pero hindi tayo dapat magpakampamte. Alam mo ang sitwasyon nang Mama mo, Hija. Sa ngayon ay stable na ang lagay niya. Natahimik siya. "Ms. Villanueva, are you still there?" "Y- Yes, Doc." "Good, and again I have to remind you of this. Dahil sa nangyari sa Mama mo kagabi ay may panibago na namang bayarin dahil sa mga nagamit na kagamitan at medisina, Ms. Villanueva. Medyo malaki ang naidagdag. Kailangan mong bayaran ito ng buo." "S- sige po. Hahanap po ako ng paraan." "I know you will but Hija, you have to pay it all at once. Although nagbabayad naman kayo noong nakaraan pero hindi iyon sapat, Hija." Hindi na naman siya kaagad nakasagot. Muli na naman niyang naalala ang malaking bill ng ospital. Nagkarambola na ang utak at ang puso niya dahil sa kanyang emosiyon. "Kung hindi mo ito mababa
NANG MAKITA NI CRASSUS si Mr. Villanueva sa harap ng kanyang opisina ay alam na niyang nagbago ang isip nito. Hindi naman ito pupunta sa opisina niya kung hindi iyon ang dahilan. Lalo siyang nakaramdam ng dismaya. He overestimated her. Playing hard to get is one of her own abilities.Bakit pa siya masusurprisa. Natural na sa kauri nito ang maglaro ng ganoong taktika. Hindi na iyon bago.Naging alerto si Raine. Tumayo siya nang makita papalapit na ang kanyang amo."Good morning Mr. Almonte," she greeted him in a flattery tone."Not as early as you." Then he opened the door.Muntik na siya mapaurong dahil sa paraan ng pananalita nito. Pinagmasdan niya ito sa loob ng opisina. Umupo ito sa office chair at binuksan ang kompyuter. May pinakli pa ito na documents na para bang wala siya sa harap nito. "Get in."Naging hudyat iyon para sa kanya. Pero hindi siya umupo. Nahihiya kasi siya kaya pinili nalang niya na tumayo sa harap nito."What do you want?" Crassus cold and non - chalant voic
NAPATITIG NA LAMANG si Raine sa kanyang cellphone. Kumurap siya ng isang beses nang mabasa niya ang pangalan nito sa facebook account.Hindi niya alam pero iba ang dating sa kanya nang mabasa niya ang buong pangalan nito. Nakikita naman niya ito sa opisina pero iba pa rin kapag nakapaskil na ang pangalan nito sa kanyang aparato.Crassus Adam Almonte, buong pangalan pa lamang nito ay malalaman mo ng high profile ito.Kanina kasi ay hiningi niya ang fb account nito. Hindi ito umimik kaya akala niya ayaw nito ibigay. Sa halip ay ang fb account niya ang hiningi nito. Akala pa niya noong una ay wala lang iyon. Pero ito siya ngayon, nakatitig pa rin sa aparato at tila hindi makapaniwala na nag - send ito ng friend confirmation sa kanya. Tinanggap niya ito. Nagbigay na nang notification ang account niya na magkaibigan na sila. Tinignan niya ang profile nito. Napataas ang kilay niya nang mapansing halos wala masyadong laman ang profile nito. Hindi rin ito pala - post. Maliban pa roon, kaun
HINDI PA BAYAD ang hospital bills ng Mama ni Raine kaya nabagabag ang loob niya. Sa tuwing uupo siya ay bigla na naman siya tatayo na para bang nakasalang sa apoy ang kanyang puwetan. Pumapatak ang oras at mas lalong hindi siya mapalagay. Ngayon kasi ang huling araw na ibinigay na palugit.Pasimple niyang nilingon ang office ng Financial Director nila. Sumilip siya mula sa wall glass ng opisina nito.Wala pa ito sa swivel chair nito. Hindi pa ito nakabalik mula sa group meeting. Hula rin niya ay kasama rin nito sa meeting si Mr. Almonte. Kung nagkasama man ito, malamang ay aabutin pa ito ng ilang oras bago pa matapos ang pagpupulong.Hindi ito ang tamang oras para mag - send ng messages dito. Baka mainis pa ito at magbago ang isip kung inaapura niya ito. Mauunsiyami pa ang kanyang pera.Kaya nag - antay nalang siya.Natapos ang overtime bandang alas dies na nang gabi. Parang lantang gulay na naglakad ang dalaga patungo sa elevator. Pagbukas nito ay nabungaran niya ang kanilang amo. Na
UMINIT ANG ULO NI RAINE dahil sa sinabi ng kanyang kapatid. Kaya pala pumunta ito sa ospital ay dahil siya pala ang sadya nito. Akala pa naman niya ay ang Mama talaga nila ang pakay nito. Nanghihimutok na nga siya kanina dahil hindi ito masyadong dumadalaw sa Nanay nila. Sa totoo lang ay gusto niya itong pagsabihan. Gusto niya na tumulong ito sa pag - aalaga sa kanilang Ina. Hindi lang niya mabanggit dahil alam na niya ang sagot nito. Tapos ngayon na pumunta na ito rito, wala namang dala. Ni wala na ngang ginawa. Hindi pa ito nakuntento, inungkat pa nito ang kanyang nakaraan.Kaya hindi siya nakapagpigil. "Huwag na huwag mo siyang banggitin, Athelios! Wala kang karapatan!" Gitil na sigaw niya kahit nasa harap sila ng kanilang Ina.Nang makitang hindi nasiyahan ang kanyang Ate ay natahimik si Athelios.Isa iyon sa mapait na nakaraan ng kanyang kapatid. Naintindihan niya naman ito kung bakit ito nagagalit. Alam niyang mali siya sa part na inungkat pa ang nakaraan. Kaya hindi na niya
Ang pinakatuktok ng gusali ng Forgatto Celestina ay inirenovate. Ginawa itong opisina ng Audit Department. At dahil isa ito sa pinaka - importanteng departamento na sakop Almonte Group of Companies, pinili ni Crassus na itabi ito sa kanyang opisina. Hindi lang Forgatto Celestina ang aasukasuhin ng Audit Department. Lahat na pagmamay - aring negosyo ni Crassus ay saklaw nito kaya importante sa kanya na malaman ang lahat ng bawat galaw ng mga empleyado niya. Kaya mahigpit ang pagpipili ni Mr. Rothan sa mga empleyado dahil isang malaking departmento ang Auditing. Araw - araw ay tumatanggap sila ng interview. Maliban sa kulang pa ang kanilang man power, nahihirapan din sila makahanap ng mga empleyadona angkop sa standards na hinahanap nila. Kaya kahit marami na ang nag - aapply na may mga matataas na katungkulan na sa larangan ng kontadurya (accouting), kaunti pa lang ang kanilang napili.Ganoonpaman, sumubok pa rin si Raine. Dinala niya ang kanyang resume na naka- translate sa salitan
Saglit na natahimik si Raine. Inisip niya ang suggestions ni Diana. "Di ba? Subukan mo lang. Wala namang mawawala sa'yo," dagdag pa ni Diana at ininom ang malamig na ice tea.Hindi sumagot si Raine. Iniisip niya si Crassus. Bagaman ito ang unang kumibo ay hindi pa rin siya masyadong nahimasmasan. Nagtatampo pa rin siya rito lalo na at nag - iwan ng marka ang kamay nito sa braso niya. Hindi naman malubha, pero sapat na sa kanya iyon para mainis at magtampo siya rito.Hind tulad ng dati, madali na ito pakiusapan. Hindi na rin ito satkastiko. Kaya lang ay hindi siya pa handa sa magiging komento nito. Bukod pa roon ay hindi rin alam ni Diana na nagpatranslate na siya kay Crassus ng resume. Nagbigay na nga siya ng ibang kopya niyon kay Mr. Rothan mismo pero hindi niya alam kung natanggap ba nito ang resume niya.Dala ng pagkasabik, tinanggap ni Raine ang ideya ng kaibigan. Kahit na alam niyang suntok sa buwan ang posibilidad na matanggap siya. Maraming mas magaling pa sa kanya, at marami
Simula noong mag - walk - out si Raine sa kwarto ay hindi na sila nagka - imikan ni Crassus. Naputol lamang iyon nang ayain siya nito na kumain ng dinner. Pero hindi niya pa rin ito kinibo. Kahit na noong nasa harap na sila ng hapag - kainan ay panay lang itong pasulyap ng tingin. Mabuti na lamang at nakauwi na si Lolo Faustino. Bahagyang nabuhay ang atmospera dahil sa pag - uusap nila. Pahapyaw rin kung sumabat sa usapan si Crassus. Tinatanong nito kung kamusta ang naging lakad ng Lolo nito. Naunang matapos si Lolo Faustino. Para makaiwas kay Crassus at nagpresenta siya na samahan na pumunta sa kwarto si Lolo. Mabuti nga lang at hindi na ito nagtanong. Hindi na rin siguro ito nagtataka dahil madalas din naman ay inaakay niya ito. Nang nasa bukana na sila ng dining room ay napasulyap siya kay Crassus. Napalunok siya nang makitang nakatitig ito sa kanya habang umiinom ng tubig. Mabilis niyang iniwas ang kanyang mata. Pagkatapos niyang asikasuhin si Lolo Faustino ay pumunta siya s
Tinitigan ni Raine si Crassus. Inaanalisa niya ang sinabi nito. "Importante, paanong naging importante ang initials na 'yon, Crassus?" takang tanong pa ni Raine.Crassus shrug. "I just like it."Muling napaisip si Raine. "Dahil ba sa meaning?" tanong niya ulit. "Iyong dahil ba sa pangalan natin o dahil doon sa Crassus loves Raine?""No, I just want it."Natahimik siya. "Oo nga naman, paano mo ba naman ako maging mahal. May Tia ka pa sa puso mo."Natigilan si Crassus mula sa pagtipa. Napalingon siya kay Raine. "Bakit parati mo na lang siya isinisingit sa usapan?"Nagkibit - balikat si Raine. Iniwasan niya ang mata ni Crassus. Bumigat ang puso niya. Alam naman niya na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa ito sa ex nito. Takot lang ito na umamin. "In- denial ka pa kasi," saad ni Raine. Malungkot niyang saad. "Alam ko naman na may nararamdaman ka pa sa ex mo."Inilapag ni Crassus ang laptop sa higaan. "Who told you?""Ako," diretsang sagot ni Raine. B
"What?"Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. "Magbibihis lang ako at dapat pagbalik ko rito ay wala na 'yan sa katawan mo. Huwag mo akong hamunin, Crassus," malamig na wika niya.Saka siya umalis sa harap ni Crassus. Pumasok siya sa closet room nila para magbihis. Nilapa niya ang kanyang tote bag sa mesa. Tahimik siyang nagbibihis at nang matapos ay lumabas kaagad siya.Naikuyom niya ang kanyang kamay nang hindi man lang natinag mula sa kinatatayuan si Crassus. Mataman itong nakatitig sa kanya habang nakapamulsa. Nang maanalisa niya na wala itong balak na hubarin ang damit ay mabilis siyang lumapit. Marahas niyang tinanggal mula sa pagkabutones ang suot nito.Pinigilan ni Crassus ang kamay ni Raine. "What are you doing?""Tatanggalin ko ang damit. Ayaw mong maghubad kaya ako na ang gagawa," sagot ni Raine.Hinila nito ang kamay niya. "Bakit ba galit na galit ka?""Huwag ka ng magtanong. Basta hubarin mo na lang iyang damit," hirit pa ni Raine.Pero hindi nakinig si Crassus. Pinigila
Ramdan ni Crassus ang galit sa boses ni Raine. Kalmado man ito pero kitang - niya sa mata nito ang pagkadegusto. Malamig itong nakatingin sa kanya na para bang anumang oras ay kaya nitong manuntok. Crassus face Raine, "Since you knew her intentions were not pure, why did you accept her clothes?" Napaismid si Raine. "Simula nang makilala ako ni Tia, mainit na ang ulo niya sa akin. Palagi niya akong pinapahiya sa harap mo. Ginagawan niya rin ako ng kuwento, tapos magsusumbong siya sa'yo. Ikaw itong uto - uto, naniniwala naman. Hindi mo ba pansin? Halos lahat ng ugat ng pinag - awayan natin ay siya ang mitsa." Napatitig sa kawalan si Raine. "Minsan nga ay napapatanong ako sa sarili ko kung tama ba itong pinasok ko. Palalampasin ko lang sana ang gingawa niya kasi papaano ay naintindihan ko siya. Pero lately ay sumusobra na siya. Kung hindi ko siya papatulan, hindi niya rin ako titigilan. Hinding - hindi niya ako tantanan hangga't hindi tayo maghihiwalay." Natahimik si Crassus. Kinu
Habang kumakain ay napatingin sa pinto si Raine. Nakita niyang pabalik na si Crassus. Hindi ito nag - iisa. May kasama ito na lalaking server.Umupo si Crassus sa tabi niya. Nilapag naman ng server ang tray na may takip. Napatingin siya roon ng may pagtataka. Tinanggal nito ang takip. Nanubig ang bagang niya nang makita niya ang isang mamahaling ice cream na nakalagay sa isang maliit na baso. Kaunti lang ang serving niyon at parang tsokolate ang flavor. May cherry pa ang tuktok nito.Tinitigan niya ng mabuti ang dessert. "Enjoy your meal, Ma'am, Sir," ani ng server saka ngumiti.Ginantihan ito ni Raine ng ngiti. "Salamat."Tumalikod ang server. Dinala nito ang tray. Nang makalabas ito ay napalingon siya kay Crassus."Iyong maliit lang ang inorder ko. Baka sasakit ang tiyan mo at magkasipon kapag napadami ka ng kain," ani pa ni Crassus."A-akala ko galit ka," tanong ni Raine. Napakunot ang noo ni Crassus. "Bakit naman ako magagalit?"Napailing si Raine. "An
Marahas na napabuga ng hangin si Tia. Saka niya dinampot ang kanyang bag. Nilisan niya ang vip room nang hindi nagpaalam kina Raine at Crassus. "What is that?" Napalingon si Raine kay Crassus. "Ang alin?" "That, your speech. Where is that coming from?" Crassus asked. "Uh, from the heart?" Napalunok si Crassus. Hinila niya ang kanyang kwelyo dahil parang nahihirapan siyang huminga. Saka siya tumikhim. At dahil umalis na si Tia. Malaya na silang makapag - usap. "Tinatanong kita ng maayos," saad pa ni Crassus. Lumingon ulit si Raine sa kanya. "Sinasagot din naman kita ng maayos ah?" "Raine." "Ano?" Napipikang tanong pa ni Raine. Ngumuya siya. "Ayaw mo bang kumain? Nagugutom na ako." Marahan niyang pinitik ang noo ni Raine. "Kaya ka tumataba dahil puro ka lamon." Sumama ang mukha ni Raine. "Babe, baka nakalimutan mo na kaunti lang ang nakain ko kanina dahil sa pinaggagawa mo." Tumikhim ulit si Crassus. Pinigilan niya ang sarili na mapangit
Tahimik na nakikinig at nagmamasid kina Raine at Tia si Crassus. Nang marinig niya ang huling sagot ni Raine ay alam niyang may mali. Sinasabi na nga ba niya at may tinatago ang kanyang asawa. Ngayon at kinopromta na ito ni Tia ay hindi niya maiwasang maging kyuryoso. Mabagal niyang hinaplos ang kanyang ilong. Habang nakatingin kay Raine ay hindi maiwasan ni Tia na makaramdam ng suya. Kung wala lang si Crassus sa harap nila ay kanina niya pa ito sinupalpal. Hindi siya makabwelo dahil katabi nito ang ex bf niya. Gusto niyang mapanatili ang good impression nito sa kanya kaya kailangan niyang magpigil. Mababalewala ang pinaghirapan niya kung magpapadala siya rito.Kaya lang, hirap siyang magpigil. Kaya napagsalitaan niya pa rin si Raine. Hindi siya papayag na mapahiya sa harap ni Crassus.Pekeng ngumiti si Tia. "Girl, what do you mean? It's three naman talaga. Bakit ako pa ang tinatanong mo? I'm the one who order it so siyempre alam ko kung ilang letra ang naka - burda riya