NANG MAKITA NI CRASSUS si Mr. Villanueva sa harap ng kanyang opisina ay alam na niyang nagbago ang isip nito. Hindi naman ito pupunta sa opisina niya kung hindi iyon ang dahilan.
Lalo siyang nakaramdam ng dismaya. He overestimated her. Playing hard to get is one of her own abilities. Bakit pa siya masusurprisa. Natural na sa kauri nito ang maglaro ng ganoong taktika. Hindi na iyon bago. Naging alerto si Raine. Tumayo siya nang makita papalapit na ang kanyang amo. "Good morning Mr. Almonte," she greeted him in a flattery tone. "Not as early as you." Then he opened the door. Muntik na siya mapaurong dahil sa paraan ng pananalita nito. Pinagmasdan niya ito sa loob ng opisina. Umupo ito sa office chair at binuksan ang kompyuter. May pinakli pa ito na documents na para bang wala siya sa harap nito. "Get in." Naging hudyat iyon para sa kanya. Pero hindi siya umupo. Nahihiya kasi siya kaya pinili nalang niya na tumayo sa harap nito. "What do you want?" Crassus cold and non - chalant voice echoed inside his room. Napakurap si Raine. Narinig niya na na medyo nag - iba ang boses nito. Para itong namamaos. Saka palang niya naalala ang malakas na ulan kagabi. Biglang umandar ang pagiging maalalahanin niya. "Mr. Almonte, nilalamig ka ba? Uminom ka po ng tubig. May dala ka bang gamot?" Hindi naman masyadong big deal ang maabutan ng ulan, pero hindi rin dapat balewalain. Naalala niya ang kanyang Papa dati noong buhay pa ito. Madalas itong naabutan ng ulan sa labas. Kapag nagkaganoon ay nagkakasakit ang kanyang Papa. "If you have something to say, just say it. I have many things to do and answering your pointless questions is not on my plan." Crassus voice was a little impatient. Napangiwi siya. Hindi yata nito nagustuhan ang panghihimasok niya sa gawain nito. "Mr. Almonte, tungkol po roon sa sinabi niyo kahapon," tanong pa ni Raine. "What?" He didn't even raise his head. Napaisip siya. Nakalimutan na ba nito ang alok nito kahapon o nagpanggap lang 'to? "I-iyong tungkol sa kasal po." Nakagat ni Raine ang kanyang labi. Medyo napataas kasi ang kanyang boses nang sabihin niya iyon. Pumiyok pa siya dahil sa kaba. "Iyon ba? May problema ba?" Tanong pa nito na parang ngayon pa nito naiintindihan ang lahat. Parang alam na niya ang timpla ng pag - uugali nito. Kapag siya na mismo magbukas ng usapan at siya na mismo ang kusang magtanong ay nakikinig ito sa kanya. Sa ganoong paraan napupukaw ang interes nito. Pero kahit na makikinig ito sa kanya ay parang wala lang naman siyang choice kung ayaw talaga nito. Pagkatapos ng lahat, na kay Mr. Almonte pa rin ang huling desiyon. "Kailangan mo pa ba ng mapapangasawa?" Sinikap na ni Raine na gawing kapuri - puri ang kanyang boses. Para lang makuha ang atensiyon nito. At nagtagumpay nga siya, dahil narinig ng binata ang pambobola niya. Pabagsak nitong nilapag sa mesa ang hawak na portfolio. "Oo." Saka ito nagsindi ng sigarilyo. Habang ginagawa nito ang paninigarilyo ay mataman siya nitong pinagmasdan. Kalmante pa itong umupo sa office chair nito na para bang pag - aari nito ang lahat ng bagay sa mundo. "Pinatawag mo ako kahapon dahil doon. Tinanggihan ko ang offer mo nang hindi nag - iiisip. Kaya lang nag- nagbago po ... ang isip ko." Saglit na natigilan si Raine. Saka pa niya dinugtungan ang kanyang sinabi, "saka ko palang naisip n-na okay lang sa akin ang alok mo. " Napakunot ang kilay ng binata. "It's true that I need someone to marry. Pero paano mo nalaman na hindi pa ako nakahanap ng taong kailangan ko?" Pabalik na tanong ni Mr. Almonte sa kanya. "H-ha?" Takang tanong pa ng dalaga. Hindi niya inaasahan ang tanong nito. Kinalkula ng dalaga ang sasabihin. Kung anu - ano na ang pumasok sa utak niya. Paano kung hindi umubra sa binata ang plano niya? Paano kung hindi ito pumayag? Hindi paman nasagot ang tanong na iyon ay kaagad na siyang nag - isip ng ibang paraan. Na kung paano siya makakalikom at makakaipon ng pera mula sa ibang mga lugar kung hindi papayag ang kanyang amo. Naisip niya na baka nag - iba na ang plano nito simula nang tinanggihan niya ito kahapon. Bakit ngayon niya pa iyon naalala. Likas na sa mga katulad nito na magbago ng isip lalo na kung kailangan talaga nitong solusyunan ang problema sa lalong madaling panahon. Na kung hindi gagana ang PLAN A at may PLAN B nang nakaatang dito. Saka palang nag sink - in sa kanya ang posibilidad na iyon. Bakit ngayon niya pa naisip. Tapos nasa harap na siya nito at ito siya parang maamong tupa na nagpapaawa sa harap ng kanyang amo. Latag sa mata ni Crassus ang pananahimik at pagiging malikot ng mata ng dalaga. Hindi na rin ito makatingin sa kanya ng diretso. Kung anuman ang dahilan nito ay gusto niya malaman. Masyadong itong confident sa harap niya kanina. Ngayon at nasabi na nito ang sadya nito. Siya naman ay hindi nagpapakita kaagad ng motibo. Bigla ay naging balisa ito. Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan ay tinanong niya ito. "Why sudden regret?" He continued. "I thought you have a boyfriend?" Dumaan pa ilang segundo bago ito sumagot sa kanya. "Sabi mo kasi kahapon ay pwede kang magbigay ng kondisyunes. Sa parte ko naman ay kailangan ko ng pera. Ikaw naman ay gusto mong mapanatag ang Lolo mo. Kapag nagawa natin ang plano mo ay pareho pa tayong makikinabang." "Okay, that's quite a straightforward," he said. Hindi mapigilan ng binata na mapangiti. "Gusto ko lang magtanong, bakit kailangan mo ng pera?" Inaasahan na ni Raine na itatanong ito sa kanya. Kaya naisip niya ang isang solusyon. Kung sasabihin niya na may sakit ang kanyang Ina ay paniguradong ma - uungkat ang totoo. Malalaman nito na iyon ang dahilan kung bakit panay ang paghihingi niya ng leave. Pwede itong maka - apekto sa kanyang trabaho. Alam na nito na ang tungkol sa gawa - gawa niya na kasintahan. Hangga't hindi nito nalalaman na hindi totoo na may boyfriend siya ay gagawin niya itong pantakip sa kanyang plano. "Ano po kasi," panimula pa ni Raine. "Medyo mahal po kasi halaga ng mga bahay ngayon. Gusto sana namin kumuha ng bahay ng kasintahan ko. Makakabili man kami, hindi naman kami makakain ng ilang taon. Sabi ng boyfriend ko kahapon na may internship siya sa ibang lugar. Gusto ko sana gamitin ang pagkakataon na iyon para makalikom ng pera. Gusto ko po siyang surpresahin." Hindi alam ni Raine kung paano niya naisip ang alibi na iyon. Kahit siya ay nagulat na kaya niyang gumawa ng estorya sa loob lang ng ilang segundo. Saka niya palang naisip na magaling pala siya maglikha ng kasinungalingan. Kung dapat ba iyon ikapuri ay hindi na alam ni Raine. "Papayag naman kaya ang boyfriend mo?" "Hindi po. Kaya nga po isesekreto ko." "How much do you want?" Crassus continued asking her in a coldly tone. "Magkano po ba kayo niyo?" Gustong sabihin ni Crassus na kaya niyang magbigay ng sampung milyon. Dahil iyon naman talaga ang inalok niya noong una pa. Kaya lang ay masyado itong nagpapahalata na gusto nito ng pera. Hindi niya ibibigay ang kagustuhan nito. "The basic salary is five hundred thousand. " He continued casually. "But there are some detailed terms. I will give you a written agreement with performance appraisals. In short, ten million a year is no problem for me. I will give you a house if you stay for two years." Nagulat si Raine. Sampung milyon kada taon? At may pabahay pa? Ganito ba kayaman ang amo niya kaya nitong magwaldas ng sampung milyon kada taon?" "Deal." Lulunukin na ni Raine ang lahat, maipagamot lang niya ang kanyang Mama.NAPATITIG NA LAMANG si Raine sa kanyang cellphone. Kumurap siya ng isang beses nang mabasa niya ang pangalan nito sa facebook account.Hindi niya alam pero iba ang dating sa kanya nang mabasa niya ang buong pangalan nito. Nakikita naman niya ito sa opisina pero iba pa rin kapag nakapaskil na ang pangalan nito sa kanyang aparato.Crassus Adam Almonte, buong pangalan pa lamang nito ay malalaman mo ng high profile ito.Kanina kasi ay hiningi niya ang fb account nito. Hindi ito umimik kaya akala niya ayaw nito ibigay. Sa halip ay ang fb account niya ang hiningi nito. Akala pa niya noong una ay wala lang iyon. Pero ito siya ngayon, nakatitig pa rin sa aparato at tila hindi makapaniwala na nag - send ito ng friend confirmation sa kanya. Tinanggap niya ito. Nagbigay na nang notification ang account niya na magkaibigan na sila. Tinignan niya ang profile nito. Napataas ang kilay niya nang mapansing halos wala masyadong laman ang profile nito. Hindi rin ito pala - post. Maliban pa roon, kaun
HINDI PA BAYAD ang hospital bills ng Mama ni Raine kaya nabagabag ang loob niya. Sa tuwing uupo siya ay bigla na naman siya tatayo na para bang nakasalang sa apoy ang kanyang puwetan. Pumapatak ang oras at mas lalong hindi siya mapalagay. Ngayon kasi ang huling araw na ibinigay na palugit.Pasimple niyang nilingon ang office ng Financial Director nila. Sumilip siya mula sa wall glass ng opisina nito.Wala pa ito sa swivel chair nito. Hindi pa ito nakabalik mula sa group meeting. Hula rin niya ay kasama rin nito sa meeting si Mr. Almonte. Kung nagkasama man ito, malamang ay aabutin pa ito ng ilang oras bago pa matapos ang pagpupulong.Hindi ito ang tamang oras para mag - send ng messages dito. Baka mainis pa ito at magbago ang isip kung inaapura niya ito. Mauunsiyami pa ang kanyang pera.Kaya nag - antay nalang siya.Natapos ang overtime bandang alas dies na nang gabi. Parang lantang gulay na naglakad ang dalaga patungo sa elevator. Pagbukas nito ay nabungaran niya ang kanilang amo. Na
UMINIT ANG ULO NI RAINE dahil sa sinabi ng kanyang kapatid. Kaya pala pumunta ito sa ospital ay dahil siya pala ang sadya nito. Akala pa naman niya ay ang Mama talaga nila ang pakay nito. Nanghihimutok na nga siya kanina dahil hindi ito masyadong dumadalaw sa Nanay nila. Sa totoo lang ay gusto niya itong pagsabihan. Gusto niya na tumulong ito sa pag - aalaga sa kanilang Ina. Hindi lang niya mabanggit dahil alam na niya ang sagot nito. Tapos ngayon na pumunta na ito rito, wala namang dala. Ni wala na ngang ginawa. Hindi pa ito nakuntento, inungkat pa nito ang kanyang nakaraan.Kaya hindi siya nakapagpigil. "Huwag na huwag mo siyang banggitin, Athelios! Wala kang karapatan!" Gitil na sigaw niya kahit nasa harap sila ng kanilang Ina.Nang makitang hindi nasiyahan ang kanyang Ate ay natahimik si Athelios.Isa iyon sa mapait na nakaraan ng kanyang kapatid. Naintindihan niya naman ito kung bakit ito nagagalit. Alam niyang mali siya sa part na inungkat pa ang nakaraan. Kaya hindi na niya
HINDI ALAM NI RAINE kung alam ba ng driver ni Mr. Almonte ang tungkol sa marriage agreement. Natatakot siya na baka marinig nito ang tungkol doon. Nasa papel pa naman na walang sinuman ang makakaalam sa kasunduan nila kaya naaalarma siya.Kaya kahit gusto niyang personal na isabi rito ang kanyang sadya ay pinili nalang niya na idaan iyon sa pamamagitan ng mensahe. Nang nasa kamay na niya ang aparato ay nabitin naman sa ere ang kanyang daliri. Hindi niya alam kung ano ang ititipa niya sa cellphone. Nag - aalangan siya, bukod roon ay nakakahiya rin ang kanyang itatanong.Sa kadahilanan na gusto niyang malaman ang totoo ay mabilis niyang tinipa ang cellphone. Baka magbago pa ang kanyang isip at hindi na naman niya magawa ang kanyang gustong itanong.'Kasali ba sa kasunduan natin iyong ano ...'DeliveredNarinig niyang tumunog ang cellphone nito. Mabagal pa nitong kinuha ang aparato kaya parang nag - slow motion sa kanya ang lahat. Bagay na ikinatibok ng mabilis ng kanyang puso.Napaayos
ALAS KUWATRO NA NG HAPON nang makarating sila sa La Costano, ang mansiyon na pagmamay - ari mismo ng Lolo nito. Bumulaga sa kanila ang isang napakalaking tarangkahan. Sa taas nito ay hindi na niya makita kung ano ang nasa likod. Yari ito sa isang kahoy na pinakintab ng isang varnish. Ang hawakan naman ng mismong gate ay sing kinang ng ginto ang kulay. Sa itaas naman nito ay may ulo pa ng toro na nakalagay bilang desinyo. Sa ibaba mismo nito ay nakalagay ang pangalan ng mansiyon. Tatlo kulay lang ang naglalaro sa gate; itim, kayumanggi at ginto. Kaya hindi niya maiwasang mapangmangha dahil napaka - elegante ng desinyo nito. Kusang bumukas ang malaking tarangkahan. Napakurap pa siya dahil wala naman siyang nakitang tao na nagpapasok sa kanila. Nakita lang niya ang driber na naglabas ng Id. Saka lang niya naanalisa na computer generated pala ang tarangkahan. 'Iba na talaga kapag mayaman' Kasalukuyan pa nilang tinatahak ang front lawn ng mansiyon. Muntik nang tumulo ang la
Hindi pa man natapos ni Lolo ang sasabihin ay namula na ang mata nito."You loved her adobo since you were a child."Isang intelektwal na tao si Lolo Faustino kaya madalas kapag kaya talaga nitong gawin ang isang bagay ay ito na ang nag - kukusang gumawa. Ayaw nitong umasa sa ibang tao kung hindi kinakailangan. Kahit na noong buhay pa ang asawa nito ay ganito na ang pag - uugali nito. Nakatira na si Crassus noon sa kanyang Lolo't Lola. Kahit na noong buhay pa ang kanyang Lola Celestina ay hindi na ito kumukuha ng katulong dahil ito mismo ang tumututol. Kaya nang pumanaw na ang Lola niya ay gusto niyang kumuha ng tagapangalaga rito. Para kahit papaano ay may kasama at mag - aasikaso man lang dito.Sabi pa nga nito," I am half dead, don't bother someone to take care of me."Iyon nga ang kinakatakot ni Crassus. Sa bibig na mismo ng Lolo niya nanggaling ang 'half dead.' Alam na nito na kalahati ng katawan nito ay palyado na. Hindi nila kontrolado ang oras. Papano nalang kung may nangya
NANG LUMABAS SI RAINE sa banyo ay naka-pajama na siya. Nakita niyang nakasandal na si Crassus sa headboard ng kama habang nagbabasa ng libro. Inokupa nito ang kalahati ng kama. Naisip niya palang na siya ang gagamit sa kalahati ng kama ay parang lolobo na ang kanyang ulo. Suot ni Crassus ang silk na pajama na may maganda at de - kalidad na tela. Habang si Raine naman ay nakasuot ng purong cotton na pajama. Sa ayos nito ay mapagkamalan pa itong bata dahil sa ayos nito. Bagay na ikinalaki ng agwat nilang dalawa. Simula kanina ay hindi na siya tinapunan ng atensiyon ni Crassus. Ni hindi na ito nag - abalang mag - angat pa ng tingin. Nasa libro lang ang mata nito.Nang makitang wala itong balak matulog ay kinuha rin ni Raine ang "Economic Law" mula sa kanyang maleta. Magbabasa nalang din siya kaysa pagtuunan niya pa ng pansin ang kanyang amo. Naghahanda kasi si Raine para sa CPA EXAM. At dahil may oras pa naman siya para mag - aral ay binuklat niya ang kanyang libro. Hindi biro ang e
"Why are you crying?"ISINIKSIK NI RAINE ang kanyang ulo sa kubrekama at tahimik na tumulo ang mga luha. Pinigilan niya ang sarili na mapahagulhol sa takot na maistorbo niya ang kanyang amo. Ilang beses pa siyang napasigok. Tinakpan niya ang kanyang bibig para hindi mapalakas ang kanyang pagtangis. Ngunit kahit anong gawin niya, nanaig pa rin ang kanyang emosiyon. Nagmistulang sumabog ang kanyang kinimkim na lungkot dahilan para mapahagulhol siya. "Ganyan ba ka-mali sa paningin mo ang pagsunod sa akin?" Ang mahinahong boses ni Crassus ay nanggaling sa labas ng kubrekama.Lumunok muna si Raine bago siya sumagot. "Hindi.""Then why are you crying?" he asked again."A-ano..." Pinunasan niya ang kanyang luha. Huminga pa siya ng malalim para hindi siya nito mahalata."Na - mimiss ko lang iyong bahay namin," pagsisinungaling niya sabay talikod dito.Napapikit siya nang hindi na siya nakarinig pa ng tanong na mula rito. Ipinagsalamat niya iyon ng palihim.Pero kahit na sinabi niyang gusto
LUNES, BUMABA SI RAINE sa sasakyan ni Crassus nang mag - parking ito sa harap ng kompanya. Pagkapasok niya sa lobby ay nagkita sila ni Diana. Nginitian niya ito."Wow!" Maang nitong sabi. "Ganda ng ngiti mo. Good mood ka besh?" Anong meron?" Inilapit nito ang mukha sabay titig sa kanya ng mabuti. "May maganda bang nangyari sa inyu?"Uminit ang pisngi ni Raine. "Wala naman na."Napatingin siya kay Crassus. Saglit na nagtama ang kanilang paningin bago ito umalis para i - parking ang sasakyan.Nang mawala ito sa paningin niya ay hindi na mapakali ang kanyang sistema. Nakakabaliw pero hinahanap na niya ang presensiya nito.Napangiti si Diana nang mapansin ang kakaibang galaw ng dalawa. Hinawakan niya sa braso si Raine para paharapin ito sa kanya.Dinuro niya ito. "Ikaw ah." Kiniliti niya ito sa tagiliran. Lumayo ito. "May hindi ka sinasabi sa akin." Hinawakan naman niya ito sa pisngi. "Huwag kang magsinungaling. Halata sa mukha mo. Blooming ka masyado.""Tsk. Tantanan mo na nga ako," pag
NAPATDA SI CRASSUS NANG MAKITA ang masayang ngiti ni Raine kahit nakapikit. Marahan nitong hinaplos ang mukha sa mainit niya na braso. Napalunok siya. Simpleng kilos lang ang ginawa nito pero grabe na kung maka - react ang kanyang katawan. Kahit na malakas ang air conditioner sa kwarto ay ramdam niya ang pag - iinit ng kanyang katawan. Nagmulat ng mata si Raine at nagtama ang kanilang paningin. Bigla itong bumangon at pumasok sa ginamit niya na kubrekama. Sumiksik ito sa kanya at naglalakbay ng dahan - dahan ang kamay nito patungo sa kanyang bewang, dahilan upang hindi mapakali ang kanyang sistema. Hirap man si Crassus ay pilit niyang nilabanan ang kahungkagan sa kanyang katawan. Nanatili siyang walang imik. Nagpanggap siya na parang wala lang kahit na naniningas na apoy na nasa ilalim ng kanyang kahubdan. "Thank you," bigla nitong ani sabay tumingin sa kanya na may pagkislap sa mga mata. Nakasandal pa rin siya sa hood ng kama. At dahil hinila ni Raine ang kanyang braso kanina a
NASA KALAGITNAAN NG PAG - UUSAP SINA RAINE at Dr. Riacrus nang biglang tumunog ang kanyang cellphone."Sandali lang po, Dok."Tumango ito. "Okay."Tinignan niya ang telepono. Isang chat mula sa messenger ang kanyang natanggap.[Tina, Hija. Kamusta na ang kondisyon ng Mama mo?]Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Raine. Hindi niya maiwasang purihin si Lolo Faustino. Napakabait talaga nito. Sa kabila ng karamdaman ay nagawa pa nitong kamustahin ang kanyang Mama na para bang wala ito iniinda na malubhang sakit.Nagpadala siya ng voice message."Okay lang po, Lolo. Huwag ka na pong mag - alala."Nagtaka si Athelios nang makita na may kausap sa telepono si Raine."Ate, sinong kausap mo?"Walang emosiyon niya itong tinitigan. "Pakialam mo?"Sumama ang mukha ni Athelios. Pinalatak pa nito ang dila sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa.Biglang bumukas ang pinto. Nang makita ni Raine kung sino ito ay nag - iwas siya ng tingin"Athelios, okay lang ba si Auntie?"Lumingon sa kanya s
WALA NA KASING BALITA SI RAINE tungkol sa paghahanap ng tagapag - bantay sa Mama niya. Kaya medyo naguluhan siya. Wala rin kasing nagsabi sa kanya na may nahanap na pala. "Hindi po ba ikaw, Ma'am?" takang tanong pa nito."Hindi po."Umatraas ang leeg nito sabay kunot - noo. "Ate, hindi po ba ikaw ang nakisuyo kay Dr. Riacrus na magpa - hanap ng magbabantay kay Mama?" sabat ni Athelios sa usapan. Hindi siya sumagot. Ayaw niya itong kausapin dahil paniguradong may pakay na naman ito. Hirap na siyang maniwala na ang Mama talaga nila ang sadya nito.Napalingon siya kay Professor Xhun na prenteng nakaupo sa plastic chair."Ako ang nag - hire sa kanya."Napatingin si Raine sa kanyang likod. Napalingon sila sa pinanggalingan ng ingay. Nakita nila si Dr. Riacrus na nasa bungad ng pinto."Si, Nadia, siya ang may pinaka - mahal na rate rito sa ospital.""Dok?'' magkasabay na anas nina Raine at Athelios.Ngumiti naman ang doktora. Saka ito pumasok. "Kamusta na kayo?" Napatingin ito sa kanya.
NAPATIGIL SA PAGHINGA SI RAINE habang nakatitig kay Crassus. Patuloy pa rin ito sa pagdila sa kanyang kamay na para bang okay lang ang ginagawa nito. Nang mag - angat ito ng paningin at nagtama ang kanilang mata ay nagkarambola ang kanyang sistema. Halos umusok ang kanyang tainga dahil sa init na naramdaman. Hindi pa ito nakontento. Ngumiti pa ito. Pinandilatan niya ng mata si Crassus pero hindi man lang ito natinag. Sa halip ay mas lalong lumawak ang pag - ngiti nito. Napatitig ito sa kanyang labi at sa isang iglap ay nagbago ang reaksiyon ng mukha nito.Mabilis na tumalikod si Raine. Nagtungo siya sa sink na para linisin ang kanyang kamay. Habang nakatutok ang kanyang kamay sa tubig ay ramdam pa rin niya ang mainit na dila ni Crassus. Napalunok siya. Nang maalala niya ang mainit na pagtitig nito ay mas lalong namula ang kanyang mukha.Bumuga siya ng hangin. Pilit niya pinakalma ang sarili pero ramdam pa rin niya ang dila nito na naglalaro sa kanyang daliri. Napatingin siya sa kan
What's with your face, babe. You look tired," Crassus said out of the blue.Binato niya ng masamang tingin si Crassus. Nang makita nito ang reaksiyon niya ay kibit - balikat ito. Isinubo nito ang hawak na toasted bread sabay angat ng dalawang kilayNapapikit siya ng mariin. Hindi niya alam kung ang ginagawa nito kanina at kung bakit malakas itong mang - trip ngayon. Kahit hindi man siya tumingin sa salamin ay alam niyang nangingitim na ang kanyang eyebags.Pinaikot lang niya ang kanyang mata at hindi na niya ito pinansin. "Okay ka lang, Tina?" tanong pa ni Lolo Faustino.Nakatingin ito sa kanya. Nakabitin sa ere ang hawak nito na puting tasa na may laman na tsaa.Ngumiti siya. "Oo naman po, Lolo."Pinasadahan muna siya nito ng tingin. Saka pa nito hinigop ang laman ng tasa."Anong plano mo ngayon, Tina? Sabado ngayon at wala kayong trabaho. May lakad ka ba, Hija?" tanong nito.Ang tono ng pananalita ni Lolo ay iba sa nakasanayan nitong tono. Napakalambing nito at malumaymay, na para
"Don't want to do it anymore?" Kumuha siya ng sigarilyo at sinindihan iyon. Sinuksok niya sa bulsa ang lighter. Si Raine na nasa harap ay pinagmasdan lang siya.Natural lamang na magalit si Crassus dahil pinahiya siya ni Raine. Wala lang siya magawa noong oras na iyon dahil maraming empleyado ang nakatingin sa kanila. Umupo siya sa swivel chair."Hindi na, wala na tayong audience. Sayang naman ang effort ko," sarkastiko niya pang ani ni Raine.Hindi na siya nagpaligoy - ligoy pa. "Sa tingin mo ba, peke ang binili ko na payong para sa'yo?"Ngumisi si Crassus. "You're really smart." Pagkatapos ay bahagyang sumingkit ang kanyang mata."Peke o hindi?" Balik niyang tanong. Hindi naman ito sumagot at sa halip ay nagbuga lang ito ng usok ng sigarilyo. Hindi mapigilan ni Raine na sumama ang kanyang mukha.Hinugot niya sa kanyang bulsa ang cellphone. Hinanap niya ang convo nila ni Amiya.Lumapit siya kay Crassus at pinabasa niya rito ang convo nila."Noong nakaraang Biyernes, nagpadala ako
KINAGABIHAN, dahil sa magkahalong tampo at galit ni Raine ay hindi siya bumaba para maghapunan. Sa halip ay umalis siya sa kwarto nito at lumipat ng ibang kwarto para roon ay magmukmok.Mabuti na iyong hindi sila magkasama sa iisang kwarto. Hindi niya ata makayanan ang 'beast mode behavior' nito. Ngayon pa lang ay mababaliw na siya sa pagtrato nito sa kanya. Paano pa kaya iyong magkasama sila buong gabi?Baka anumang oras ay aawayin siya nito. Kahit na wala siyang ginawang masama rito. Umaarangkada na naman ang kamahalan nitong utak kaya nangangapa siya kung paano ito pakisamahan. Sa inaasta nito ngayon ay parang naghahanap ito ni katiting na butas para lang pasakitin ang damdamin niya.Matagal siyang humilata sa kama. Naglalakbay ang kanyang isip kung bakit tinupak na naman ang moody niyang asawa. Medyo maayos naman ito kausap kanina noong nasa hallway pa sila, pero bakit galit na naman ito?Noong parati naman itong galit at naiinis sa kanya noong nakaraan ay naiintindihan niya pa iy
"Crassus, why did you buy a fake umbrella?" Tia said while holding and staring at the umbrella in her hand.Kailanman ay hindi mahilig sa payong si Crassus kaya hindi niya alam kung ano ang mga sikat na brand nito. Ni hindi niya alam kung ano ang palatandaan kung peke o orihinal ang isang brand ng payong.Nang sinabi ni Raine na galing ito sa isang tanyag na pagawaan ang binili nito na payong ay hindi na siya nag - abala pang mag- research. Tinanggap na niya kaagad ito dahil wala naman masama kung tatanggapin niya ito."Ano?" tanong pa ni Crassus habang sinimulan nang paandarin ang kotse.Inilahad ni Tia kay Crassus ang hawak na payong. "This umbrella is fake. Someone cheated you, didn't they?" She even pretended to look at the umbrella.Manghang napatingin si Crassus kay Tia. "Talaga?""Oo." Tinuro pa ni Tia ang hawakan ng payong. "Kung original talaga itong payong na 'to, papalo sa seventy - five thousand ang bawat piraso nito. Ang presyo ay depende sa design at materials na ginami