ALAS KUWATRO NA NG HAPON nang makarating sila sa La Costano, ang mansiyon na pagmamay - ari mismo ng Lolo nito. Bumulaga sa kanila ang isang napakalaking tarangkahan. Sa taas nito ay hindi na niya makita kung ano ang nasa likod. Yari ito sa isang kahoy na pinakintab ng isang varnish. Ang hawakan naman ng mismong gate ay sing kinang ng ginto ang kulay. Sa itaas naman nito ay may ulo pa ng toro na nakalagay bilang desinyo. Sa ibaba mismo nito ay nakalagay ang pangalan ng mansiyon. Tatlo kulay lang ang naglalaro sa gate; itim, kayumanggi at ginto. Kaya hindi niya maiwasang mapangmangha dahil napaka - elegante ng desinyo nito. Kusang bumukas ang malaking tarangkahan. Napakurap pa siya dahil wala naman siyang nakitang tao na nagpapasok sa kanila. Nakita lang niya ang driber na naglabas ng Id. Saka lang niya naanalisa na computer generated pala ang tarangkahan. 'Iba na talaga kapag mayaman' Kasalukuyan pa nilang tinatahak ang front lawn ng mansiyon. Muntik nang tumulo ang la
Hindi pa man natapos ni Lolo ang sasabihin ay namula na ang mata nito."You loved her adobo since you were a child."Isang intelektwal na tao si Lolo Faustino kaya madalas kapag kaya talaga nitong gawin ang isang bagay ay ito na ang nag - kukusang gumawa. Ayaw nitong umasa sa ibang tao kung hindi kinakailangan. Kahit na noong buhay pa ang asawa nito ay ganito na ang pag - uugali nito. Nakatira na si Crassus noon sa kanyang Lolo't Lola. Kahit na noong buhay pa ang kanyang Lola Celestina ay hindi na ito kumukuha ng katulong dahil ito mismo ang tumututol. Kaya nang pumanaw na ang Lola niya ay gusto niyang kumuha ng tagapangalaga rito. Para kahit papaano ay may kasama at mag - aasikaso man lang dito.Sabi pa nga nito," I am half dead, don't bother someone to take care of me."Iyon nga ang kinakatakot ni Crassus. Sa bibig na mismo ng Lolo niya nanggaling ang 'half dead.' Alam na nito na kalahati ng katawan nito ay palyado na. Hindi nila kontrolado ang oras. Papano nalang kung may nangya
NANG LUMABAS SI RAINE sa banyo ay naka-pajama na siya. Nakita niyang nakasandal na si Crassus sa headboard ng kama habang nagbabasa ng libro. Inokupa nito ang kalahati ng kama. Naisip niya palang na siya ang gagamit sa kalahati ng kama ay parang lolobo na ang kanyang ulo. Suot ni Crassus ang silk na pajama na may maganda at de - kalidad na tela. Habang si Raine naman ay nakasuot ng purong cotton na pajama. Sa ayos nito ay mapagkamalan pa itong bata dahil sa ayos nito. Bagay na ikinalaki ng agwat nilang dalawa. Simula kanina ay hindi na siya tinapunan ng atensiyon ni Crassus. Ni hindi na ito nag - abalang mag - angat pa ng tingin. Nasa libro lang ang mata nito.Nang makitang wala itong balak matulog ay kinuha rin ni Raine ang "Economic Law" mula sa kanyang maleta. Magbabasa nalang din siya kaysa pagtuunan niya pa ng pansin ang kanyang amo. Naghahanda kasi si Raine para sa CPA EXAM. At dahil may oras pa naman siya para mag - aral ay binuklat niya ang kanyang libro. Hindi biro ang e
"Why are you crying?"ISINIKSIK NI RAINE ang kanyang ulo sa kubrekama at tahimik na tumulo ang mga luha. Pinigilan niya ang sarili na mapahagulhol sa takot na maistorbo niya ang kanyang amo. Ilang beses pa siyang napasigok. Tinakpan niya ang kanyang bibig para hindi mapalakas ang kanyang pagtangis. Ngunit kahit anong gawin niya, nanaig pa rin ang kanyang emosiyon. Nagmistulang sumabog ang kanyang kinimkim na lungkot dahilan para mapahagulhol siya. "Ganyan ba ka-mali sa paningin mo ang pagsunod sa akin?" Ang mahinahong boses ni Crassus ay nanggaling sa labas ng kubrekama.Lumunok muna si Raine bago siya sumagot. "Hindi.""Then why are you crying?" he asked again."A-ano..." Pinunasan niya ang kanyang luha. Huminga pa siya ng malalim para hindi siya nito mahalata."Na - mimiss ko lang iyong bahay namin," pagsisinungaling niya sabay talikod dito.Napapikit siya nang hindi na siya nakarinig pa ng tanong na mula rito. Ipinagsalamat niya iyon ng palihim.Pero kahit na sinabi niyang gusto
HINDI ALAM NI RAINE kung bakit biglang napatanong si Crassus tungkol sa 'imaginary boyfriend' niya. Gawa - gawa lang naman niya iyon at hindi ito nag - exist sa totoong buhay. At dahil nagtanong ito ay wala siyang ibang magawa kung hindi ipagpatuloy ang kasinungalingan niya. "Ex-boyfriend or current boyfriend?" Ngumisi si Crassus. Hindi niya inaasahan na ang babaeng pinapakasalan niya ay kaakit - akit pala sa mata ng tao, lalo na sa mga kabaro niya. "Ilan ba ang naging boyfriend mo?" "Dalawa lang." 'Dalawa lang? Lang?' panunuya pani Crassus sa isip. "Your current boyfriend. What's his name?" Crassus asked in a hoarse voice. Kaagad siyang nag - isip. Nang maanalisa niyang hindi pala madaling mag - isip ng pangalan ay basta nalang siya nagsambit. "Paul Tyler." "Surname?" "Xhun." Napakalaki ng mundo. Paano naman niya ito makilala. "Paul Tyler Xhun?" Pagbuo pa ni Crassus sa pangalang inimbento niya. "So, Xhun is his surname." Sumimangot ang mukha nito. "Oo, bakit m
PAGKATAPOS NIYANG MAGPADALA NG MENSAHE sa kanilang instructor ay hinanap niya ang account ni Mr. Almonte. Nagpadala siya ng mensahe rito. 'Thank you, Mr. Almonte.' Sent Delivered Seen Hindi ito nag - reply. Naalala niyang may gusto siyang itanong rito kaya nagtipa ulit siya. "Mapapadalas po ba ang pagbibisita natin kay Lolo? Kung ganoon po, kailan ang susunod natin na punta? Gusto ko lang po malaman." "Hindi na." Sandaling natigilan si Raine. Hinihimay pa ng utak niya ang reply nito. Nang makuha niya ang ibig nitong sabihin ay nagkibit - balikat nalang siya. Mabuti na lang at wala siyang tunay na kasintahan. Kapag nagkataon ay baka mahihirapan pa siya makapunta sa Lolo nito. Baka iyon pa kasi ang dahilan nila kung bakit sila mag - aaway at maghihiwalay ng jowa niya. Lunes Hindi pa nagtagal nang dumating sa kompanya si Raine ay may natanggap na siya na email. Galing ito sa Human Resource Department na ipinadala sa isang group chat. "After the research, and the
LUMIPAT SI RAINE sa company apartment. Malapit lang ito sa pinasukan niya kaya natuwa siya. Nasa tapat lamang ito ng kompanya kaya makakatipid siya sa mga gastos sa transportasyon at renta. Hindi na niya kailangan pang sumakay dahil walking distance lang ito. Sa isang apartment ay apat silang magsasama. Kasama ni Raine ang kaibigan niya na si Diana. Ang dalawa pa nilang roommates ay galing sa Costumer Sevice Department ng kompanya. Kaya medyo limitado ang espayo nila dahil apat silang nakatira sa iisang apartment. Huli na silang lumipat kaya naunahan sila ng pwesto. Pinili ng dalawang roommates nila ang kwarto na nakaharap sa araw. Gusto pa sana makipagtalo ni Diana pero pinigilan ito ni Raine. "Huwag na Diana. Walang nakalagay na pangalan sa bawat kwarto kaya pwede silang pumili kung saan nila gusto," pagpapa - intindi niya sa kanyang kaibigan. Hinayaan nalang ito ni Diana at hindi na umimik pa. Ibinigay din ni Raine sa kaibigan ang mas malaking silid. Siya naman ang gumam
NAPUNO NG TAWANAN ang loob ng bahay ni Lolo Faustino nang may sinabi si Raine na isang nakakatawang bagay. Kung si Crassus ay tahimik at matalino, si Raine ay matabil ang dila at masayahin. Katulad ngayon, inulan niya ng tanong si Lolo Faustino. Panay naman ang sagot ng huli.Tulad ng pagkakaiba ng iskedyul sa pagitan ng dalawang sikat na Unibersidad. Masaya nitong ikinuwento ang nakaraan nito. Lalo na noong nagtuturo pa ito sa mga estudyante."Pero, Lolo, madami na pong bumagsak sa subject mo?" Tanong pa ni Raine habang nakaupo sa stall."Ay nako! Tinanong mo pa. Alam mo ba ----" Kinuwento na naman nito ang lahat. Napahagalpak ng tawa si Raine nang inilahad nito ang mga dahilan na nagpapasakit ng ulo nito. Lalo na iyong mga bulakbol na anak - mayaman. Lahat ng iyon ay magiliw na sinagot ni Lolo Faustino.Kailanman ay hindi nagsalita si Lolo tungkol sa kanyang nakaraan kay Crassus, pero sa harap ni Raine, naging madaldal ito. Nang tumambay si Crassus sa veranda para sana magbasa n
Napangisi si Raine. Hindi siya sumagot at nilantakan ang pagkain.Naramdaman niya pa rin ang kakaibang tingin ni Diana kaya nag - angat siya ng mukha. Nagtaka siya. Paano at nakaawang pa ang labi nito."Kakain ka o ipapasak ko mismo sa bunganga mo iyang plato?" Napipikang tanong pa ni Raine.Napakurap si Diana. "Ikaw..." ani pa nito. Palipat ang lipat ang tingin nito sa pitaka at sa mukha niya. "Hala ka."Hindi na maipinta ang mukha ni Raine. "Ano na naman?"Natutop nito ang bibig. "Congrats, be."Natigilan si Raine sa paghiwa ng karne. "Para saan?"Nakagat nito ang labi. "Hindi ka na naghihirap."Kumunot ang noo ni Raine. "Ano bang pinagsasabi mo?""Kasi..." Ngumiti ito ng matamis. "Dati, may laman iyang wallet mo pero alam ko na may pinaglaanan ang pera mo. Hindi katulad ngayon, may card ka na. Napansin ko rin kanina iyong pera binayad mo sa cashier, puro bago." Hinawakan ni Diana ang kamay niya. "Masaya lang ako kasi hindi ka na naghihirap."Nang maanalisa niya ang sinabi ni Diana
Naglaho ng parang bola ang ngiti ni Tia. Napataas ang kilay niya pero kaagad din yon nabura. Napalitan iyon ng pekeng ngiti.Peke itong tumawa. "Ano ka ba. Kalimutan mo na 'yon. Nakaraan na 'yon, Raine," sagot pa ni Tia sabay sampal sa ere.Ngumiti rin si Raine pero hindi iyon umabot sa kanyang mata. Nababaliw na yata ang isang 'to. Akala siguro ni Tia ay magaan lang ang ginawa nitong kasalanan sa kanya.Hangga't nakikita ni Raine si Tia ay nabubuhay ang pagkamuhi niya sa babaeng ito. Ilang beses na siyang inaway ni Crassus dahil lang sa mga kwento nito. Ilang beses na rin siyang naparusahan at umiyak dahil sa kagagahan nito."Miss Tia. Baka po pwede na tayo umalis, andiyan na naman po ang mga fans mo," sabi pa ng bakla sabay nguso sa kabilang kanan.Napatingin sila roon. Kagaya nga ng sinabi nito ay nagsitakbuhan na naman papunta sa kanila ang fans ni Tia. Lumapit sa kanila ang mga security guards. Iginiya sila sa sekretong daan.Napilitan silang Raine na sumunod. Napadpad sila sa sa
Nagmamadaling pumila si Raine para bayaran ang pinamili niya na facial mask. Ayaw niyang makita siya ni Tia. Pakiramdam niya ay panibago na naman itong pakulo. Hindi pa siya naka - move on mula sa nangyari noong nakaraan kaya hangga't maaari ay gusto niya muna na iwasan ito.Iyon nga lang, pakarating niya sa counter ay maraming nakapila. Pasado alas saiz na kasi ng gabi at kaunti na lang ang natira na cashier. Pinagmasdan niya mula sa malayo si Tia. Nakita niyang pumasok ito sa isang tindahan.Napaisip tuloy siya kung ano ang sadya nito sa mall. Malabo naman siguro na may fan meeting ito ngayon. Malapit ng magsara ang mall. Pwedeng may gusto lang itong bilhin pero ...Napakunot ang noo ni Raine habang nag - iisip. Posible kayang suki rin ito ng mall dahil alam nitong pagmamay - ari rin din ito ni Crassus? Naisip niya pa lang ay iyon ay sumama na ang mukha niya. Muli siyang tumingin sa gawi nito pero pumasok na ito sa boutique kasama ang alalay nito.Ang Almira Mall ay isa lang sa mg
Pagkatapos ng trabaho ay inaya ni Raine si Diana sa mall. Nagpaunlak naman ito. Nang sinabi ni Raine na sagot niya ang hapunan ay ngiting - ngiti ang kanyang kaibigan. Sino ba naman ang hindi masisiyahan. Kaya nga sila naging kaibigan dahil pareho sila ng hilig sa buhay, ang lumamon. Tuwang - tuwa na naman si Raine, dahil matapos ang isang buwan ay nakapasyal na siya. Para siyang ibon na nakawala sa hawla. Malaya, at walang iniintindi kung hindi ang kasiyahan niya. Napadpad sila sa Almira Mall, isang tanyag na mall sa dahil sa laki at high end na mga products. Dito madalas dinadaus ang mga fan meeting ng mga artista at iba pang sikat na personalidad. Nagtingin - tingin sina Raine at Diana sa madadaanan nila na mga stall, pero wala sila mapipili na damit. Sa tuwing tinitignan nila ang presyo ay napapaatras sila. Mahal kasi at katumbas na niyon ang kalahating buwan na sweldo niya. Sinabi pa naman ni Crassus na bilhan siya ng damit. Sinabi nito na few, ibig sabihin ay hindi lang i
Nakabihis na si Crassus. Nakaupo na rin ito sa kama habang nagbabasa ng libro pero si Raine ay parang hindi man lang maka move - on sa mga sinabi ni Crassus kanina. Sana pala ay binalik na lang niya sa closet ang damit nito nang hindi siya tinukso. Kinuha nga nito pero nilapag lang sa sofa at sa huli ay siya pa rin ang nagbihis dito. Kunot ang noo habang napapikit si Raine. Nang sumagi sa isip niya ang sinabi nito na brief ay tumindig ang balahibo niya. Nasa imahe niya nga lang yon pero nabaliw na ang parang kinikiliti ang sistema niya.Tumayo si Raine. Lumapit siya sa study table at kinuha ang librong binasa niya kanina. Saka siya umupo sa harap ng mesa.Binuklat na niya ang libro pero bago siya nagbasa ay tinapunan niya ng tingin si Crassus. Napagawi ang mata niya sa suot nito. Bahagyang tumaas ang kilay niya nang may naanalisa.Ngayon lang niya napansin na bagay pala kay Crassus ang dark blue na damit. Mas lalong tumitingkad ang balat nito. "Why don't you come here in bed to rea
Bumalatay ang hiya sa mukha ni Raine. Nang tumambad sa kanya ang dibdib ni Crassus ay umakyat ang dugo niya sa mukha. Ganoonpaman, pinilit pa rin niyang kumalma kahit na sing pula na ng kamatis ang kanyang mukha. "S-sige," sagot ni Raine at pinagpatuloy ang pagdebutones sa long sleeve ni Crassus. Unti - unting pinigilan ni Raine ang kanyang hininga. Sinikap niya na hindi sasagi ang daliri niya sa katawan nito. Pero kahit anong ingat niya ay nangangatal ang kanyang kamay kaya dumadapo pa rin ang daliri niya sa dibdib nito. Sa tuwing magdikit ang balat nila ay iba ang epekto kay Raine. Parang sinisilaban ang katawan niya. Nanginginig pa ang kamay niya dahil sa kaba. Nang mapatingin siya kay Crassus ay natigilan siya. Nakatitig din ito sa kanya. Mas mabilis pa sa alas kuwatro na itinuon niya sa suot nito ang kanyang mata. Dalawa nalang ang hindi pa natanggal kaya minadali niya. Para mawakasan ang torture niya. Nang matanggal na ang huling butunes ay tumambad sa kanya ang katawan n
"Nako, hindi ako ang naghanda niyan. Si Señorito Crassus. Siya po ang nagluto niyan." Natameme si Raine. Napatingin siya sa pagkaing niluto ni Crassus. "Po?" Ngumiti si Manang Lena. "Pinahatid niya lang sa akin 'yan. Siya talaga ang nagluto niyan." Saka ito tumalikod. Bago ito lumabas ng kwarto ay muli itong lumingon kay Raine. "Masaya ako dahil nagustuhan mo ang luto niya. Sa totoo lang ay ngayon lang ulit namin siya nakitang nagluto." Saka pa ito tuluyang lumabas. Tulalang napatitig si Raine. Nang maanalisa niyang wala na ito ay saka siya tumingin ulit sa pagkain. Naguluhan si Raine. Napatingin siya sa itlog na hinalo sa mismong sabaw ng noodles. Napansin niya na wala na itong egg yolk. Parang hinaplos ang puso niya dahil sa pagiging attentive ni Crassus. Hindi niya tuloy maiwasang maalala ang Papa niya. Noong kabataan ni Raine ay madalas siya nilulutuan ng spicy noodles ng kanyang Papa. Lalo na kung galing siya sa school at pagod ang katawang diwa niya. Ito na mismo ang ma
Pagpasok nina Raine at Crassus ay nagse - set up nasa mesa si Manang Lena. Nasa sala na rin si Lolo FaustinoNang makita ni Lolo Austin si Raine ay napangiti ito. Naibaba nito ang hawak na diyaryo."Tina, Hija. Nandiyan ka na pala. Nasaan ang asawa mo? Tamang - tama, inihanda na ni Lena ang hapunan. Sabay na tayo kumain," paanyaya pa ni Lolo Faustino.Tipid na ngumiti si Raine. "Pasensiya na po, Lolo pero wala po ako ganang kumain. Kayo na lang po," ani niya. Nilingon niya muna si Crassus saka nagsalita, "papanhik na po ako sa itaas." Sabay alis at nagpunta sa hagdan.Naiwang nagtataka si Lolo Faustino. Tinanaw niya si Raine, at nang tuluyan na itong makaakyat papunta sa ikalawang palapag ay binalingan niya si Crassus. Kumunot ang kanyang noo. Pansin na niya ang kakaibang awra ng dalawa ."Crassus, what's going on?"Hindi kaagad ito nakasagot. Ni hindi rin ito makatingin sa kanya."Señor, nakahanda na po ang pagkain," anunsiyo ni Manang Lena.Lumapit sa kanya si Crassus. "Tara na po,
Mahina ba ako?"Parang may bumara sa lalamunan ni Crassus at hindi siya makapagsalita. Nagtanong lang naman ito pero ang hirap nitong sagutin. "Mahina?" tanong pa ni Crassus. "Ano bang tinutukoy mo?"Pait na ngumiti si Raine. "Ewan ko rin." Yumuko ito. "Naguguluhan na rin ako."Saka lumawak ang ngiti nito pero hindi umabot sa mga mata ang kasiyahan nito."Siguro nga, ambisyosa lang ako." Pagak na tumawa si Raine."Raine."Muli itong ngumiti. "Huwag mo akong intindihin. Okay lang ako." Saka nito inayos ang bag. "Medyo naapektuhan lang ako sa resulta kanina. Umaasa kasi ako. Paano ba naman kasi, alam ko naman na may kakayahan ako pero siguro hindi pa sapat ang galing ko. Magaling ako pero hindi sapat ang galing ko."Crassus couldn't help but curled up the corners of his lips, "Why do you say that?"Napatingin si Raine sa labas. "Kanina ay nakatanggap ako ng reply galing sa HR Department. Sinabi nila na hindi pa raw sapat ang kakayahan ko para sa hinahanap nila na qualifications." Kinal