NANG LUMABAS SI RAINE sa banyo ay naka-pajama na siya. Nakita niyang nakasandal na si Crassus sa headboard ng kama habang nagbabasa ng libro. Inokupa nito ang kalahati ng kama. Naisip niya palang na siya ang gagamit sa kalahati ng kama ay parang lolobo na ang kanyang ulo. Suot ni Crassus ang silk na pajama na may maganda at de - kalidad na tela. Habang si Raine naman ay nakasuot ng purong cotton na pajama. Sa ayos nito ay mapagkamalan pa itong bata dahil sa ayos nito. Bagay na ikinalaki ng agwat nilang dalawa. Simula kanina ay hindi na siya tinapunan ng atensiyon ni Crassus. Ni hindi na ito nag - abalang mag - angat pa ng tingin. Nasa libro lang ang mata nito.Nang makitang wala itong balak matulog ay kinuha rin ni Raine ang "Economic Law" mula sa kanyang maleta. Magbabasa nalang din siya kaysa pagtuunan niya pa ng pansin ang kanyang amo. Naghahanda kasi si Raine para sa CPA EXAM. At dahil may oras pa naman siya para mag - aral ay binuklat niya ang kanyang libro. Hindi biro ang e
"Why are you crying?"ISINIKSIK NI RAINE ang kanyang ulo sa kubrekama at tahimik na tumulo ang mga luha. Pinigilan niya ang sarili na mapahagulhol sa takot na maistorbo niya ang kanyang amo. Ilang beses pa siyang napasigok. Tinakpan niya ang kanyang bibig para hindi mapalakas ang kanyang pagtangis. Ngunit kahit anong gawin niya, nanaig pa rin ang kanyang emosiyon. Nagmistulang sumabog ang kanyang kinimkim na lungkot dahilan para mapahagulhol siya. "Ganyan ba ka-mali sa paningin mo ang pagsunod sa akin?" Ang mahinahong boses ni Crassus ay nanggaling sa labas ng kubrekama.Lumunok muna si Raine bago siya sumagot. "Hindi.""Then why are you crying?" he asked again."A-ano..." Pinunasan niya ang kanyang luha. Huminga pa siya ng malalim para hindi siya nito mahalata."Na - mimiss ko lang iyong bahay namin," pagsisinungaling niya sabay talikod dito.Napapikit siya nang hindi na siya nakarinig pa ng tanong na mula rito. Ipinagsalamat niya iyon ng palihim.Pero kahit na sinabi niyang gusto
HINDI ALAM NI RAINE kung bakit biglang napatanong si Crassus tungkol sa 'imaginary boyfriend' niya. Gawa - gawa lang naman niya iyon at hindi ito nag - exist sa totoong buhay. At dahil nagtanong ito ay wala siyang ibang magawa kung hindi ipagpatuloy ang kasinungalingan niya. "Ex-boyfriend or current boyfriend?" Ngumisi si Crassus. Hindi niya inaasahan na ang babaeng pinapakasalan niya ay kaakit - akit pala sa mata ng tao, lalo na sa mga kabaro niya. "Ilan ba ang naging boyfriend mo?" "Dalawa lang." 'Dalawa lang? Lang?' panunuya pani Crassus sa isip. "Your current boyfriend. What's his name?" Crassus asked in a hoarse voice. Kaagad siyang nag - isip. Nang maanalisa niyang hindi pala madaling mag - isip ng pangalan ay basta nalang siya nagsambit. "Paul Tyler." "Surname?" "Xhun." Napakalaki ng mundo. Paano naman niya ito makilala. "Paul Tyler Xhun?" Pagbuo pa ni Crassus sa pangalang inimbento niya. "So, Xhun is his surname." Sumimangot ang mukha nito. "Oo, bakit m
PAGKATAPOS NIYANG MAGPADALA NG MENSAHE sa kanilang instructor ay hinanap niya ang account ni Mr. Almonte. Nagpadala siya ng mensahe rito. 'Thank you, Mr. Almonte.' Sent Delivered Seen Hindi ito nag - reply. Naalala niyang may gusto siyang itanong rito kaya nagtipa ulit siya. "Mapapadalas po ba ang pagbibisita natin kay Lolo? Kung ganoon po, kailan ang susunod natin na punta? Gusto ko lang po malaman." "Hindi na." Sandaling natigilan si Raine. Hinihimay pa ng utak niya ang reply nito. Nang makuha niya ang ibig nitong sabihin ay nagkibit - balikat nalang siya. Mabuti na lang at wala siyang tunay na kasintahan. Kapag nagkataon ay baka mahihirapan pa siya makapunta sa Lolo nito. Baka iyon pa kasi ang dahilan nila kung bakit sila mag - aaway at maghihiwalay ng jowa niya. Lunes Hindi pa nagtagal nang dumating sa kompanya si Raine ay may natanggap na siya na email. Galing ito sa Human Resource Department na ipinadala sa isang group chat. "After the research, and the
LUMIPAT SI RAINE sa company apartment. Malapit lang ito sa pinasukan niya kaya natuwa siya. Nasa tapat lamang ito ng kompanya kaya makakatipid siya sa mga gastos sa transportasyon at renta. Hindi na niya kailangan pang sumakay dahil walking distance lang ito. Sa isang apartment ay apat silang magsasama. Kasama ni Raine ang kaibigan niya na si Diana. Ang dalawa pa nilang roommates ay galing sa Costumer Sevice Department ng kompanya. Kaya medyo limitado ang espayo nila dahil apat silang nakatira sa iisang apartment. Huli na silang lumipat kaya naunahan sila ng pwesto. Pinili ng dalawang roommates nila ang kwarto na nakaharap sa araw. Gusto pa sana makipagtalo ni Diana pero pinigilan ito ni Raine. "Huwag na Diana. Walang nakalagay na pangalan sa bawat kwarto kaya pwede silang pumili kung saan nila gusto," pagpapa - intindi niya sa kanyang kaibigan. Hinayaan nalang ito ni Diana at hindi na umimik pa. Ibinigay din ni Raine sa kaibigan ang mas malaking silid. Siya naman ang gumam
NAPUNO NG TAWANAN ang loob ng bahay ni Lolo Faustino nang may sinabi si Raine na isang nakakatawang bagay. Kung si Crassus ay tahimik at matalino, si Raine ay matabil ang dila at masayahin. Katulad ngayon, inulan niya ng tanong si Lolo Faustino. Panay naman ang sagot ng huli.Tulad ng pagkakaiba ng iskedyul sa pagitan ng dalawang sikat na Unibersidad. Masaya nitong ikinuwento ang nakaraan nito. Lalo na noong nagtuturo pa ito sa mga estudyante."Pero, Lolo, madami na pong bumagsak sa subject mo?" Tanong pa ni Raine habang nakaupo sa stall."Ay nako! Tinanong mo pa. Alam mo ba ----" Kinuwento na naman nito ang lahat. Napahagalpak ng tawa si Raine nang inilahad nito ang mga dahilan na nagpapasakit ng ulo nito. Lalo na iyong mga bulakbol na anak - mayaman. Lahat ng iyon ay magiliw na sinagot ni Lolo Faustino.Kailanman ay hindi nagsalita si Lolo tungkol sa kanyang nakaraan kay Crassus, pero sa harap ni Raine, naging madaldal ito. Nang tumambay si Crassus sa veranda para sana magbasa n
Hindi katulad noong nakaraan, wala masyadong ginagawa si Raine sa bahay ni Lolo Faustino ngayon. Hindi rin siya makapagluto dahil may nakatuka nasa pagkain. Dumating kasi ang tagapag - luto ni Lolo kaya tumakbo ang araw niya na halos nakahilata lang siya.Ayaw rin makipag - usap ni Crassus. Naintindihan niya naman ito pero minsan ay naiilang na siya. Dumaan ang araw na halos mapanisan siya ng laway dahil hindi ito kumikibo sa kanya. Buti na lamang at nandiyan ang Lolo nito. Kahit papaano ay may kausap siya.Binigyan na naman siya ng pera ni Crassus. Alam niyang sumunod lang ito sa kasunduan nila pero may kakatwa siyang nararamdaman. Hindi na siya komportable kung binibigyan siya nito ng pera. Hinatid siya nito sa baba ng apartment. Ewan niya kung ano ang nasa isip nito. Basta lang siya nito hinatid at hindi nagsalita. Nang makababa na siya sa kotse nito ay bigla namang humarurot ang sasakyan nito. Napakurap siya. Tinanaw niya ang papalayo nito na sasakyan. Binalot man ng pagtataka
HINDI MAKAPAGSALITA SI RAINE sa lahat ng kanyang nabasa sa comsec. Kung mag - rereact siya ay bigla na namang mauudlot dahil sa panibagong mababasa niya na comments. Parang isang libro na nagpatong - patong sa loob ng kanyang utak ang lahat ng nabasa niya. Napailing siya. May bago na namang comment ang nakapukaw sa kanyang atensiyon. Tahimik niyang binabasa ito na para bang doon nakasalalay ang kanyang kinabukasan.[I remember during the team building, I saw her toasting with the deputy general manager of the human resources department. Baka siya iyong ....] Nabitin na sa ere ang kanyang binasa. Bigla ay natagpi niya ang lahat ng mga comments. Halos lahat ng iyon ay hindi maganda ang ibinabato sa kanya. Nakakasira iyon ng kanyang imahe. Bagay na ikinabahala niya dahil sa kaibutaran ng kanyang puso, wala siyang ginawang masama.Noong Team Building ay nakipag - toast nga siya kay Deputy General Manager. Pero iyong manager ay si Mr. De Guzman. Anong masama roon? Nakipag - toast lang s
"Don't want to do it anymore?" Kumuha siya ng sigarilyo at sinindihan iyon. Sinuksok niya sa bulsa ang lighter. Si Raine na nasa harap ay pinagmasdan lang siya.Natural lamang na magalit si Crassus dahil pinahiya siya ni Raine. Wala lang siya magawa noong oras na iyon dahil maraming empleyado ang nakatingin sa kanila. Umupo siya sa swivel chair."Hindi na, wala na tayong audience. Sayang naman ang effort ko," sarkastiko niya pang ani ni Raine.Hindi na siya nagpaligoy - ligoy pa. "Sa tingin mo ba, peke ang binili ko na payong para sa'yo?"Ngumisi si Crassus. "You're really smart." Pagkatapos ay bahagyang sumingkit ang kanyang mata."Peke o hindi?" Balik niyang tanong. Hindi naman ito sumagot at sa halip ay nagbuga lang ito ng usok ng sigarilyo. Hindi mapigilan ni Raine na sumama ang kanyang mukha.Hinugot niya sa kanyang bulsa ang cellphone. Hinanap niya ang convo nila ni Amiya.Lumapit siya kay Crassus at pinabasa niya rito ang convo nila."Noong nakaraang Biyernes, nagpadala ako
KINAGABIHAN, dahil sa magkahalong tampo at galit ni Raine ay hindi siya bumaba para maghapunan. Sa halip ay umalis siya sa kwarto nito at lumipat ng ibang kwarto para roon ay magmukmok.Mabuti na iyong hindi sila magkasama sa iisang kwarto. Hindi niya ata makayanan ang 'beast mode behavior' nito. Ngayon pa lang ay mababaliw na siya sa pagtrato nito sa kanya. Paano pa kaya iyong magkasama sila buong gabi?Baka anumang oras ay aawayin siya nito. Kahit na wala siyang ginawang masama rito. Umaarangkada na naman ang kamahalan nitong utak kaya nangangapa siya kung paano ito pakisamahan. Sa inaasta nito ngayon ay parang naghahanap ito ni katiting na butas para lang pasakitin ang damdamin niya.Matagal siyang humilata sa kama. Naglalakbay ang kanyang isip kung bakit tinupak na naman ang moody niyang asawa. Medyo maayos naman ito kausap kanina noong nasa hallway pa sila, pero bakit galit na naman ito?Noong parati naman itong galit at naiinis sa kanya noong nakaraan ay naiintindihan niya pa iy
"Crassus, why did you buy a fake umbrella?" Tia said while holding and staring at the umbrella in her hand.Kailanman ay hindi mahilig sa payong si Crassus kaya hindi niya alam kung ano ang mga sikat na brand nito. Ni hindi niya alam kung ano ang palatandaan kung peke o orihinal ang isang brand ng payong.Nang sinabi ni Raine na galing ito sa isang tanyag na pagawaan ang binili nito na payong ay hindi na siya nag - abala pang mag- research. Tinanggap na niya kaagad ito dahil wala naman masama kung tatanggapin niya ito."Ano?" tanong pa ni Crassus habang sinimulan nang paandarin ang kotse.Inilahad ni Tia kay Crassus ang hawak na payong. "This umbrella is fake. Someone cheated you, didn't they?" She even pretended to look at the umbrella.Manghang napatingin si Crassus kay Tia. "Talaga?""Oo." Tinuro pa ni Tia ang hawakan ng payong. "Kung original talaga itong payong na 'to, papalo sa seventy - five thousand ang bawat piraso nito. Ang presyo ay depende sa design at materials na ginami
KAPAPASOK PA LANG NI CRASSUS sa kwarto pero inulan na siya ng tanong ni Lolo Faustino."Nasaan si Tina? Nandiyan na ba siya?" tanong nito habang sinusundan ng tingin ang kanyang apo.Napabuntonghininga si Crassus. "Opo, nasa labas po siya, Lolo."Nagliwanag ang mukha nito. Napatingin ito sa pinto. "Kung ganoon ay bakit hindi pa siya pumasok dito?" Iniwasiswas pa nito ang kanang kamay. "Papasukin muna siya. Dalian mo.""Ako na lang po ang tatawag sa kanya, Lolo," ani pa ni Tia. Nang makita niyang nakasandal sa dingding si Raine ay nagpakawala ng isang pekeng ngiti si Tia. "Trabante lang talaga ang turing ni Lolo sa'yo. Kita mo nga, hinahanap ka niya." Tinuro pa nito ang pinto. "Pasok ka, hinahanap ka ni Lolo Austin."Pakiramdam ni Raine ay may mali. Sa pangalawang pagkakataon ay ito na naman ang nagpapasok sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na sabit lang siya sa pamilyang ito.Lumaylay ang kanyang balikat. Bahagya siyang napatungo, pero sinigla niya kaagad ang sarili. Naalala
KAUNTI NA LANG AY MAPIPIKA NA SI RAINE kay Tia. Hindi siya tanga para hindi niya mapansin na ginagas - light siya nito, pero hindi niya ito bibigyan ng satisfaction. Alam niyang pinipikon at pinapaselos lang siya nito. Sa oras na papatulan niya ito ay masisiyahan lang ito dahil alam nitong naapektuhan siya, at kapag gagatungan niya ito ay gagawa na naman ito ng estorya. Baka siya pa ang mabaliktad.Kaya pinili niya ang mag - ingat. Lalo na at silang tatlo lang ang nandito. Tulog si Lolo Faustino kaya walang makakapagtanggol sa kanya kung gagawa na naman ito ng gulo. Walang ibang nakasaksi kaya madali lang para rito ang bumaliktad ng estorya."If something happened to grandpa, I really couldn't take care of it, but you are different. You can take care of everything, equivalent to half a nurse," Tia continued explaining.Ngumisi pa ito habang nakatingin kay Raine. Nilaro pa nito ang hibla ng buhok at pinaikot - ikot. Napataas ang kanyang kilay, tinitigan niya ang mukha nito. Hanggang sa
PAGKATAPOS NIYON, takot ng makipag - usap si Raine kay Crassus. Kahit na minsan ay sumagi ang lalaki sa isipan ay pinilit niyang kastiguhin ang sarili. Takot siya kung ano ang kaya nitong gawin, at takot siya kung anong mga salita ang lumabas sa bibig nito. Baka kung anong mga sekreto pa ang malalaman nito tungkol sa kanya, at kung saan - saan sila aabot. Sa susunod ay baka hindi na niya at bumigay siya. Ni hindi na nga siya makatingin ng diretso kay Crassus mula nang may ginawa ito sa pabrika. Ano pa kaya kung madagdagan pa iyon dahil lang sa nagalit ito sa kanya. Baka hindi niya kayang dispensahan ang kanyang sarili kapag nagkataon.Nang maaalala na niya ang ginawa nito ay uminit ang kanyang mukha. Napahawak tuloy siya sa kanyang leeg.Pagkatapos ng nangyari ay binalaan lang siya ni Crassus. Siya na naapektuhan sa ginawa nito ay tumango lang siya bilang sagot.Doon pa lang niya naanalisa na marupok siya pagdating sa lalaki. Kaunting lapit lang ng kanilang balat ay halos maghestiri
BINALOT SILA NG KATAHIMIKAN. Hindi na makatingin si Raine, habang si Diana naman ay nakatitig naman sa kanyang kaibigan. Si Thaddeus na pilit pinuproseso ang mga nalalaman ay hindi rin makapagsalita.Dalawang tao lang ang involve pero may kanya - kanyang haka - haka ang mga nakasaksi. Dahilan upang mas lalong nadugtungan ang kwento.Pakiramdam kasi ni Diana ay nagdududa si Mr. Almonte kung saan nakakuha ng malaking halaga na pera si Raine. Baka akala nito ay galing sa masama ang salapi'ng iyon kaya nakapagbitiw siya ng salita.Sensitive pa naman si Raine tungkol sa ganoon dahil nasa Finance Department ito. Hindi maiiwasan na mapagbintangan siya, lalo na kung nakakuha siya ng limpak - limpak na pera gayong wala naman siya sa mataas na posisyon sa kompanya. Mababa ang kanyang sweldo kompara sa may mga posisyon.Sa isang banda, nang marinig naman ni Thaddeus ang paliwanag ni Diana ay may naanalisa siya. He realized that Crassus didn't let him talk about their acquaintance, probably becau
"Raine!" Kinurot ni Diana ng bahagyang ang tagiliran ni Raine.Iniwaksi naman ng huli ang kamay niya. Tinapunan siya nito ng masamang tingin."Ano ba? Umayos ka nga? Boss pa rin natin iyan kahit papaano," pangangaral pa ni Diana."Alam ko. Huwag kang mag- alala dahil hindi niya gagawin iyan," malaki niyang kompiyansa sa sarili. Napaawang ang labi ni Diana.Hindi nagtagal, natanggap ni Raine ang reply ni Tita Amalia.[Oo, siya iyan. Ang gwapo niya 'di ba?]Para siyang isang kandila na unti - unting nauupos nang mabasa niya ang sagot nito. Kung ganoon ay tama ang kutob niya. May alam na ito. Ngunit may isa pa siyang tanong. Paano nito nalaman ang address nina Tita Amalia?Sandali niyang inisip ang diary ni Ulysses. Nabasa kaya ito ni Crassus?Para masagot ang kanyang katanungan ay nagpadala siya ng mensahe kay Manang Lena. Kahit na may pares ng mata na nakatitig sa kanya ay pilit niya nilabanan ang presensiya niyon.[Manang Lena, ikaw po ba ang nakahanap sa ID ko sa suitcase ko?]Hindi
SIMULA NOON, pinagsikapan ni Thaddeus na ibalik ang kabutihan na ginawa ni Crassus. Nagpapadala siya ng mga regalo rito. Kahit nga tuwing New Year at Christmas ay hindi siya pumalya na batiin ito. Kaya lang kapag nagpapadala siya ng regalo ay bumabalik ang lahat ng iyon sa kanya. Maging mga greetings niya sa messenger at hindi nito nirereplayan.Naisip niya na siguro ay hindi ito mahilig sa mga showy na regalo. Mayaman na ito at halos lahat ng atensiyon ay nakukuha nito. Isang pitik lang ng kamay at isang utos lang nito ay kaya na nitong makuha ang gusto nito.May nag - isip siya na ibang paraan kung paano ito suklian.Ito na ang kanyang pagkakataon na gantihan ito. Kung kailangan man niyang magpanggap na hindi niya ito kilala ay gagawin niya. Kaya naman niya iyon gawin. Kahit na nangangati ang kanyang kamay para replayan ang text nito. Hindi niya alam kung ano ang namagitan sa dalawa pero hindi ito ang tamang pagkakataon na sumawsaw siya. Marami pa naman na oras. Sa ngayon ay kailan