"A-anong rumored?" Nauutal na tanong ni Raine habang nakatingin sa kaibigan."Ay teh, amnesia?" Hinampas na naman siya nito. "Iyong nasa hot topic, Gaga ka.""H-Hindi, nagkakamali ka." Napabunsagot siya sabay hawak sa kanyang braso na dalawang beses na nitong hinampas dahil sa gigil. "Wala kaming relasyon.""Oh? Eh bakit nakasakay ka sa sasakyan niya? Don't tell me na hindi na naman ikaw iyon? "Napakunot ang kanyang noo, pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay nagkarambola na ang pagtibok niyon dahil sa kaba."I-iyon ba?" Iniwasan niya ang titig ni Diana. "Noong pumunta ako ng ospital ay nabangga ko siya. Nagmamadali kasi ako kaya hindi ko siya nakita. K- kaya pinasakay niya ako." Pagtatakip pa ni Raine sa pangyayari, pero tumaas lang ang kilay ng kaibigan niya sabay halukipkip. Halatang hindi ito naniniwala sa kanya. "Nagmamagandang loob lang siya." Dagdag niya pa kanyang paliwanag.Kung kanina ay hindi magkandamayaw ang mga kababaihan sa pagsigaw; ngayon naman ay parang nadaanan ng
TIKOM ANG BIBIG NI CRASSUS habang pinagmasdan ang babaeng nasa harap niya. Napaangat ang gilid ng kanyang labi. Sa totoo lang ay kinutya na niya ito ng ilang beses sa kanyang utak. Lalo na nang makita niyang bumagay rito ang wedding dress.Hindi niya pa rin nakalimutan ang ulterior motives nito, kaya parating umuukil sa kanyang utak ang plano nito. Parang isa itong alarm clock na parating nagpaalala sa kanya, na dapat ay hindi siya magpatangay sa pang - hipnotismo nito.Pero sa tuwing nakikita niya ang maliwanag nito na awra. Ang pagngiti nito, ang malambing nito na boses. Maging ang pagkislap ng mata nito ay unti - unting napapawi ang kanyang agam - agam. Beautiful, graceful. Those words are not enough to describe Raine.Aaminin niyang dati na siyang nagagandahan sa Intern. Unang kita niya palang dito ay napapansin na niya ang kakaiba nitong ganda. Ito iyong tipong babae na kapag hindi mo aayusan ay lulutang pa rin ang ganda. At kapag nabihisan ay magmumukhang diyosa.His jaw tight
SA ISIP NI RAINE, isa itong napakalaking coincidence. Ang tinaguriang Legend sa kanilang campus sa larangan ng CPA ay ito at nasa harap niya. Magiliw na nagtuturo sa kanila. Narinig na rin niya rati na madalas itong nagtuturo sa matataas na lebel ng kanilang paaralan. Ngunit hindi niya inaasahan na isa rin siya sa matuturuan nito. Para sa kanya, isa itong napakalaking pribilehiyo ang maranasan na maturuan ng isang sikat at matalinong lalaki.Pumapatak ang oras, hanggang sa dumating ang uwian ni Raine. Habang naglalakad siya palabas ng gusali ay may namataan siya na isang pamilyar sa pigura sa bukana. Naglakad siya palapit dito. Kaya pala pamilyar ang pigura nito sa malayuan. Ang nakakabata niyang kapatid na si Athelios; ay prenteng nakasandal sa sasakyan at parang may inaantay."Anong ginagawa mo rito?" Tanong kaagad ni Raine sa kanyang kapatid.Ngumisi ito ng nakakaloko. "Ah! May pera na rin pala ang kapatid ko para mag - aral sa isang training class." Pumalakpak ito. "Bigla ka ya
NANG MAKARATING NA SILA sa apartment ay bumaba si Raine. Nagpasalamat siya kay Mr. Xhun at hindi niya kinibo si Athelios. Mabuti na lang at hindi rin ito nagsalita. Habang naglalakad ay abala rin ang kanyang kamay sa pagtitipa ng cellphone. Kapag may dumadaan o nakakaharap siya na tao ay kusang umiiwas ang mga ito na para bang may malubha siyang sakit. Siguro ay dahil sa paningin nila ay isa siyang babae ni Mr. Almonte. Sa paningin nila ay siya na ang magiging 'boss lady' ng Almonte Industries. Kaya ilag ang mga ito dahil takot itong madawit sa isang gulo. Bago niya buksan ang pintuan ng apartment ay nakatanggap siya ng mensahe sa messenger. [We wil go back to grandpa's house at 10 o'clock tomorrow morning, I will pick you up. ] Napatalon ang puso ni Raine. Hindi niya inaasahan na makikita niya ang lalaki sa loob lang ng madaling panahon. Pinatay niya ang cellphone. Pumasok siya sa apartment at kaagad na tinungo ang kanyang kwarto para mag - empake. "May relasyon ba kayo n
WALANG PATID ANG SAYA NI LOLO FAUSTINO nang bumisita ulit sina Raine at Crassus. Napalaki ng ngiti nito at mamula - mula na rin ang pisngi.Hindi katulad noong unang punta nila sa bahay nito. Malalaman mong may iniinda ang matanda dahil sa kakulangan ng liksi sa katawan. Naalala rin ni Raine na napaluha ito noong maalala nito ang yumao nitong asawa.Ngayon ay iba na. Bagamat may kabagalan pa rin ang galaw nito ngunit hindi na ito tulad ng rati. Parang wala sa itsura nito na may sakit ito na lung cancer.Lihim na nasiyahan si Raine. Kung patuloy na maging masayahin si Lolo Faustino ay alam niyang gagaan kahit paano ang nararamdaman nito.Gaya ng rati ay sinamahan ni Raine si Lolo Faustino. At dahil hindi naman siya kinibo ni Crassus ay nagpasiya siyang palipasin nalang ang oras kasama ang Lolo nito. Mas mainam na iyong ganito.Hanggang sa pagsapit ng gabi. Nang pumasok na si Lolo Faustino sa kwarto nito para magpahinga ay pumunta na rin si Raine sa kwarto nila ni Crassus. Nagpasiya si
KAHIT HINDI NASIYAHAN SI RAINE KAY CRASSUS ay hindi siya nagpaapekto. Inayos niya pa rin ang kanyang trabaho. Kahit na alam niyang nasa kasunduan nila ni Crassus na dapat niyang tratuhin ng maayos ang Lolo nito.Winaglit iyon ni Raine sa kanyang isipan. Bukal sa kanyang puso ang pag - aalaga at pag - aaliw niya rito.Nang babalik na sila ni Crassus sa siyudad ay nag-aatubili ang matanda na paalisin si Raine. Parang piniga ang kanyang puso. Sinabi kasi nitong mawawalan na naman ito ng kausap sa bahay.Habang tinatahak nila ang dumaan pauwi ay nagpadala na naman ng pera si Crassus. Tinignan ni Raine ang pera. Sa takot na marinig sila ng driver ay nagpasiya siyang magpadala nalang ng mensahe rito.[Ano 'to?]Mayamaya pa ay nag - reply ito.[Good job]Namula ang mukha ni Raine. Ayaw niyang makita nito ang kanyang pagkahiya kaya pinili niyang humarap sa bintana. Hindi niya inaasahan na BAWAT galaw pala ng kamay niya para alagaan si Lolo Faustino ay kumakatumbas na pala ng pera.Biglang k
WALANG PASIDLAN ANG GALIT NI RAINE. Sa tuwing nakikita niya ang pagmumukha ng kanyang kapatid ay mas lalong sumisikip ang kanyang puso dahil sa galit. Sinubukan niyang umupo ng maayos. Bubuwelo sana siya para sampalin ang kanyang kapatid pero napunta sa ibang direksiyon ang kanyang kamay. Malakas na napatawa si Athelios. Habang siya ay papaiyak na dahil sa galit at takot na nararamdaman niya ng sabay. Sinubukan niya ulit na sampalin ito. Natamaan niya ito pero hindi man lang ito nasaktan. Naging mahina iyon dahil unti - unti na siya nauubusan ng lakas. Nanlisik ang mata nito at umangat ang gilid ng labi. Napaatras siya. Hinawakan siya nito sa braso at pinilit na pinatayo. Napasinghap siya. Sa takot na may gagawin na naman ito ay marahas niyang tinanggal ang kamay nito ngunit hindi man lang ito natinag. Mas lalo itong nagalit kaya pwersahan siya nitong hinila papunta sa kama. Habang hinahatak siya nito ay nakasadsad sa sahig ang kalahati ng kanyang katawan. "Bitawan mo'ko!" P
NAPAHAPLOS SI RAINE sa kanyang braso habang yakap - yakap ang kanyang sarili. Ang kanyang kamay ay nanginginig. Bahagya na ring namutla ang kanyang labi dahil sa malamig na tubig na kanyang naligo kanina para maibsan ang epekto ng droga sa kanya. "Maraming salamat, Professor Xhun. Salamat po talaga," nanginginig niyang sabi. Ang kanyang labi at ngipin ay hindi mapermi. Panay ang bahagya nitong pagtalon dulot ng lamig. "What are you talking about?" Professsor Xhun touched her forehead. "Silly girl. Naging alerto si Raine. Iginala niya ang kanyang paningin. Nang masigurong wala na ang kanyang kapatid ay nagsalita siya. "Sir, umalis na po tayo rito. Baka babalik pa iyong kapatid ko at maabutan tayo rito." He shook his head. "Don't be afraid. I'm here. You should rest first." "No." Siya naman ang umiling. "Hindi mo kilala si Athelios. Mabait lang siya kapag ikaw ang kaharap niya. Tuso ang kapatid ko. Hindi mo ba napansin? Siya ang may pakana ng lahat ng ito." Bumangon si Raine. Nang
"Don't want to do it anymore?" Kumuha siya ng sigarilyo at sinindihan iyon. Sinuksok niya sa bulsa ang lighter. Si Raine na nasa harap ay pinagmasdan lang siya.Natural lamang na magalit si Crassus dahil pinahiya siya ni Raine. Wala lang siya magawa noong oras na iyon dahil maraming empleyado ang nakatingin sa kanila. Umupo siya sa swivel chair."Hindi na, wala na tayong audience. Sayang naman ang effort ko," sarkastiko niya pang ani ni Raine.Hindi na siya nagpaligoy - ligoy pa. "Sa tingin mo ba, peke ang binili ko na payong para sa'yo?"Ngumisi si Crassus. "You're really smart." Pagkatapos ay bahagyang sumingkit ang kanyang mata."Peke o hindi?" Balik niyang tanong. Hindi naman ito sumagot at sa halip ay nagbuga lang ito ng usok ng sigarilyo. Hindi mapigilan ni Raine na sumama ang kanyang mukha.Hinugot niya sa kanyang bulsa ang cellphone. Hinanap niya ang convo nila ni Amiya.Lumapit siya kay Crassus at pinabasa niya rito ang convo nila."Noong nakaraang Biyernes, nagpadala ako
KINAGABIHAN, dahil sa magkahalong tampo at galit ni Raine ay hindi siya bumaba para maghapunan. Sa halip ay umalis siya sa kwarto nito at lumipat ng ibang kwarto para roon ay magmukmok.Mabuti na iyong hindi sila magkasama sa iisang kwarto. Hindi niya ata makayanan ang 'beast mode behavior' nito. Ngayon pa lang ay mababaliw na siya sa pagtrato nito sa kanya. Paano pa kaya iyong magkasama sila buong gabi?Baka anumang oras ay aawayin siya nito. Kahit na wala siyang ginawang masama rito. Umaarangkada na naman ang kamahalan nitong utak kaya nangangapa siya kung paano ito pakisamahan. Sa inaasta nito ngayon ay parang naghahanap ito ni katiting na butas para lang pasakitin ang damdamin niya.Matagal siyang humilata sa kama. Naglalakbay ang kanyang isip kung bakit tinupak na naman ang moody niyang asawa. Medyo maayos naman ito kausap kanina noong nasa hallway pa sila, pero bakit galit na naman ito?Noong parati naman itong galit at naiinis sa kanya noong nakaraan ay naiintindihan niya pa iy
"Crassus, why did you buy a fake umbrella?" Tia said while holding and staring at the umbrella in her hand.Kailanman ay hindi mahilig sa payong si Crassus kaya hindi niya alam kung ano ang mga sikat na brand nito. Ni hindi niya alam kung ano ang palatandaan kung peke o orihinal ang isang brand ng payong.Nang sinabi ni Raine na galing ito sa isang tanyag na pagawaan ang binili nito na payong ay hindi na siya nag - abala pang mag- research. Tinanggap na niya kaagad ito dahil wala naman masama kung tatanggapin niya ito."Ano?" tanong pa ni Crassus habang sinimulan nang paandarin ang kotse.Inilahad ni Tia kay Crassus ang hawak na payong. "This umbrella is fake. Someone cheated you, didn't they?" She even pretended to look at the umbrella.Manghang napatingin si Crassus kay Tia. "Talaga?""Oo." Tinuro pa ni Tia ang hawakan ng payong. "Kung original talaga itong payong na 'to, papalo sa seventy - five thousand ang bawat piraso nito. Ang presyo ay depende sa design at materials na ginami
KAPAPASOK PA LANG NI CRASSUS sa kwarto pero inulan na siya ng tanong ni Lolo Faustino."Nasaan si Tina? Nandiyan na ba siya?" tanong nito habang sinusundan ng tingin ang kanyang apo.Napabuntonghininga si Crassus. "Opo, nasa labas po siya, Lolo."Nagliwanag ang mukha nito. Napatingin ito sa pinto. "Kung ganoon ay bakit hindi pa siya pumasok dito?" Iniwasiswas pa nito ang kanang kamay. "Papasukin muna siya. Dalian mo.""Ako na lang po ang tatawag sa kanya, Lolo," ani pa ni Tia. Nang makita niyang nakasandal sa dingding si Raine ay nagpakawala ng isang pekeng ngiti si Tia. "Trabante lang talaga ang turing ni Lolo sa'yo. Kita mo nga, hinahanap ka niya." Tinuro pa nito ang pinto. "Pasok ka, hinahanap ka ni Lolo Austin."Pakiramdam ni Raine ay may mali. Sa pangalawang pagkakataon ay ito na naman ang nagpapasok sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na sabit lang siya sa pamilyang ito.Lumaylay ang kanyang balikat. Bahagya siyang napatungo, pero sinigla niya kaagad ang sarili. Naalala
KAUNTI NA LANG AY MAPIPIKA NA SI RAINE kay Tia. Hindi siya tanga para hindi niya mapansin na ginagas - light siya nito, pero hindi niya ito bibigyan ng satisfaction. Alam niyang pinipikon at pinapaselos lang siya nito. Sa oras na papatulan niya ito ay masisiyahan lang ito dahil alam nitong naapektuhan siya, at kapag gagatungan niya ito ay gagawa na naman ito ng estorya. Baka siya pa ang mabaliktad.Kaya pinili niya ang mag - ingat. Lalo na at silang tatlo lang ang nandito. Tulog si Lolo Faustino kaya walang makakapagtanggol sa kanya kung gagawa na naman ito ng gulo. Walang ibang nakasaksi kaya madali lang para rito ang bumaliktad ng estorya."If something happened to grandpa, I really couldn't take care of it, but you are different. You can take care of everything, equivalent to half a nurse," Tia continued explaining.Ngumisi pa ito habang nakatingin kay Raine. Nilaro pa nito ang hibla ng buhok at pinaikot - ikot. Napataas ang kanyang kilay, tinitigan niya ang mukha nito. Hanggang sa
PAGKATAPOS NIYON, takot ng makipag - usap si Raine kay Crassus. Kahit na minsan ay sumagi ang lalaki sa isipan ay pinilit niyang kastiguhin ang sarili. Takot siya kung ano ang kaya nitong gawin, at takot siya kung anong mga salita ang lumabas sa bibig nito. Baka kung anong mga sekreto pa ang malalaman nito tungkol sa kanya, at kung saan - saan sila aabot. Sa susunod ay baka hindi na niya at bumigay siya. Ni hindi na nga siya makatingin ng diretso kay Crassus mula nang may ginawa ito sa pabrika. Ano pa kaya kung madagdagan pa iyon dahil lang sa nagalit ito sa kanya. Baka hindi niya kayang dispensahan ang kanyang sarili kapag nagkataon.Nang maaalala na niya ang ginawa nito ay uminit ang kanyang mukha. Napahawak tuloy siya sa kanyang leeg.Pagkatapos ng nangyari ay binalaan lang siya ni Crassus. Siya na naapektuhan sa ginawa nito ay tumango lang siya bilang sagot.Doon pa lang niya naanalisa na marupok siya pagdating sa lalaki. Kaunting lapit lang ng kanilang balat ay halos maghestiri
BINALOT SILA NG KATAHIMIKAN. Hindi na makatingin si Raine, habang si Diana naman ay nakatitig naman sa kanyang kaibigan. Si Thaddeus na pilit pinuproseso ang mga nalalaman ay hindi rin makapagsalita.Dalawang tao lang ang involve pero may kanya - kanyang haka - haka ang mga nakasaksi. Dahilan upang mas lalong nadugtungan ang kwento.Pakiramdam kasi ni Diana ay nagdududa si Mr. Almonte kung saan nakakuha ng malaking halaga na pera si Raine. Baka akala nito ay galing sa masama ang salapi'ng iyon kaya nakapagbitiw siya ng salita.Sensitive pa naman si Raine tungkol sa ganoon dahil nasa Finance Department ito. Hindi maiiwasan na mapagbintangan siya, lalo na kung nakakuha siya ng limpak - limpak na pera gayong wala naman siya sa mataas na posisyon sa kompanya. Mababa ang kanyang sweldo kompara sa may mga posisyon.Sa isang banda, nang marinig naman ni Thaddeus ang paliwanag ni Diana ay may naanalisa siya. He realized that Crassus didn't let him talk about their acquaintance, probably becau
"Raine!" Kinurot ni Diana ng bahagyang ang tagiliran ni Raine.Iniwaksi naman ng huli ang kamay niya. Tinapunan siya nito ng masamang tingin."Ano ba? Umayos ka nga? Boss pa rin natin iyan kahit papaano," pangangaral pa ni Diana."Alam ko. Huwag kang mag- alala dahil hindi niya gagawin iyan," malaki niyang kompiyansa sa sarili. Napaawang ang labi ni Diana.Hindi nagtagal, natanggap ni Raine ang reply ni Tita Amalia.[Oo, siya iyan. Ang gwapo niya 'di ba?]Para siyang isang kandila na unti - unting nauupos nang mabasa niya ang sagot nito. Kung ganoon ay tama ang kutob niya. May alam na ito. Ngunit may isa pa siyang tanong. Paano nito nalaman ang address nina Tita Amalia?Sandali niyang inisip ang diary ni Ulysses. Nabasa kaya ito ni Crassus?Para masagot ang kanyang katanungan ay nagpadala siya ng mensahe kay Manang Lena. Kahit na may pares ng mata na nakatitig sa kanya ay pilit niya nilabanan ang presensiya niyon.[Manang Lena, ikaw po ba ang nakahanap sa ID ko sa suitcase ko?]Hindi
SIMULA NOON, pinagsikapan ni Thaddeus na ibalik ang kabutihan na ginawa ni Crassus. Nagpapadala siya ng mga regalo rito. Kahit nga tuwing New Year at Christmas ay hindi siya pumalya na batiin ito. Kaya lang kapag nagpapadala siya ng regalo ay bumabalik ang lahat ng iyon sa kanya. Maging mga greetings niya sa messenger at hindi nito nirereplayan.Naisip niya na siguro ay hindi ito mahilig sa mga showy na regalo. Mayaman na ito at halos lahat ng atensiyon ay nakukuha nito. Isang pitik lang ng kamay at isang utos lang nito ay kaya na nitong makuha ang gusto nito.May nag - isip siya na ibang paraan kung paano ito suklian.Ito na ang kanyang pagkakataon na gantihan ito. Kung kailangan man niyang magpanggap na hindi niya ito kilala ay gagawin niya. Kaya naman niya iyon gawin. Kahit na nangangati ang kanyang kamay para replayan ang text nito. Hindi niya alam kung ano ang namagitan sa dalawa pero hindi ito ang tamang pagkakataon na sumawsaw siya. Marami pa naman na oras. Sa ngayon ay kailan