WALANG PASIDLAN ANG GALIT NI RAINE. Sa tuwing nakikita niya ang pagmumukha ng kanyang kapatid ay mas lalong sumisikip ang kanyang puso dahil sa galit. Sinubukan niyang umupo ng maayos. Bubuwelo sana siya para sampalin ang kanyang kapatid pero napunta sa ibang direksiyon ang kanyang kamay. Malakas na napatawa si Athelios. Habang siya ay papaiyak na dahil sa galit at takot na nararamdaman niya ng sabay. Sinubukan niya ulit na sampalin ito. Natamaan niya ito pero hindi man lang ito nasaktan. Naging mahina iyon dahil unti - unti na siya nauubusan ng lakas. Nanlisik ang mata nito at umangat ang gilid ng labi. Napaatras siya. Hinawakan siya nito sa braso at pinilit na pinatayo. Napasinghap siya. Sa takot na may gagawin na naman ito ay marahas niyang tinanggal ang kamay nito ngunit hindi man lang ito natinag. Mas lalo itong nagalit kaya pwersahan siya nitong hinila papunta sa kama. Habang hinahatak siya nito ay nakasadsad sa sahig ang kalahati ng kanyang katawan. "Bitawan mo'ko!" P
NAPAHAPLOS SI RAINE sa kanyang braso habang yakap - yakap ang kanyang sarili. Ang kanyang kamay ay nanginginig. Bahagya na ring namutla ang kanyang labi dahil sa malamig na tubig na kanyang naligo kanina para maibsan ang epekto ng droga sa kanya. "Maraming salamat, Professor Xhun. Salamat po talaga," nanginginig niyang sabi. Ang kanyang labi at ngipin ay hindi mapermi. Panay ang bahagya nitong pagtalon dulot ng lamig. "What are you talking about?" Professsor Xhun touched her forehead. "Silly girl. Naging alerto si Raine. Iginala niya ang kanyang paningin. Nang masigurong wala na ang kanyang kapatid ay nagsalita siya. "Sir, umalis na po tayo rito. Baka babalik pa iyong kapatid ko at maabutan tayo rito." He shook his head. "Don't be afraid. I'm here. You should rest first." "No." Siya naman ang umiling. "Hindi mo kilala si Athelios. Mabait lang siya kapag ikaw ang kaharap niya. Tuso ang kapatid ko. Hindi mo ba napansin? Siya ang may pakana ng lahat ng ito." Bumangon si Raine. Nang
NAPATANGA SI RAINE. Gusto niya sanang bawiin ang kanyang cellphone pero nailayo na nito sa kanya ang aparato. "Let me read," Crassus said. Wala siyang nagawa dahil sinabi na nito ang gusto. Sa huli ay bahagya niyang nilapit ang kanyang katawan dito para mabasa niya ang chat ni Professor Xhun. "Huwag kang lumapit." Napangiwi siya. Napilitan siyang antayin ito. Mayamaya pa ay bigla itong nagsalita. "So, I'm not a good person, huh?" "Ah, eh." Binawi niya ang kanyang cellphone. Saka niya palang nabasa ang lahat ng chat ni Mr. Xhun. [Was that Crassus Almonte? Raine, paano mo siya nakilala? Kailangan mong mag - ingat sa kanya. He is not a good person. Don't fall into his trap.] "I'm not a good person?" Crassus sneered, "So, he is a good person?" Sinulyapan ni Crassus si Raine mula ulo hanggang sa paa. Hindi na maipinta ang mukha nito. "Siya si Paul Tyler Xhun?" Napaawang ang bibig ni Raine. "A-ano --" "Siya ang boyfriend mo?" dugtong pa nito. "P-po?" Bumagsak
NAPASULYAP SI CRASSUS SA dala nito. Inabot nito sa kanya ang regalo. Tinanggap niya ito at nilapag sa mesa. "Thank you." "You don't even look at it." Tia said with a frown. Kinuha nito sa mesa ang kahon at binuksan iyon. Tumambad sa kanila ang isang eye mask. "I bought this from abroad. You should try it." Crassus face soften a little when he saw the gift. "You don't have to worry. My eyes are healed." "Kahit na. So tell me. Paano ako hindi mag - alala? Muntik ka ng mabulag dati. You even waited a year just to find a donor for your cornea." Umupo si Tia sa sofa. Pinag - krus nito ang paa. "Way back then, you just started your business. You suffered a lot and got a big blow." Sa narinig ni Crassus ay hindi niya maiwasang makaalala ng kanyang nakaraan, ngunit hindi niya iyon pinapahalata. Lumapit siya sa babae at tinapik ang balikat nito. "Why are you still talking about the past?" "I'm sorry. I just can't help it." She heaved a sigh. "Sometimes I feel that this is all arrang
Crassus glanced at the form and said, "Just do it."Tumango si Mr. De Guzman. "Masusunod po," sabay alis sa harap ni Mr. Almonte.Noong kailangan nilang pumili ng isang Intern para i- convert bilang regular employee ay si Raine ang napili. Imbes na si Sasha ang nasa posisyon na iyon ay ito pa ang natanggap. Hindi nagustuhan ni Mr. De Guzman ang resulta. Para sa kanya ay mas magaling pa si Sasha kaysa kay Raine. Alam nito ang iniisip niya at marunong din itong mag - handle ng mga bagay kaya minsan ay namanipula niya ito.Iba si Raine, patas ito kung magtrabaho at napaka- metikuloso. Sineseryo nito ang trabaho para wala ito maging sabit. Parati rin itong alerto kaya hirap siyang utakan ito. Sino ba naman ang hindi gaganahan kung ganito ka - dedicated ang empleyado mo. Ang ganitong intern ay mainam na ilagay sa departamento ng pananalapi, ngunit paano nalang kung pumasok na ito sa sa management in the future? Siguradong mahihirapan siya. Kaya imbes na isali ito sa listahan ay binura niy
UMANGAT ANG GILID NG LABI NI CRASSUS nang marinig niya ang tanong ni Raine. "Kailangan ko pa lang magpaliwanag sa'yo?" Hindi niya maiwasan na maging sarkastiko. Pagkatapos ng nangyari ay ito pa ang may ganang magtanong. Samantalang ito iyong may kasama na lalaki noong nakaraang araw. "Bilang mag - asawa, obligasyon natin na maging loyal sa isa't - isa. Hindi mo naman siguro nakalimutan na hindi peke ang kasal natin hindi ba?" Saglit itong huminto. "At isa pa, madalas na tayong nagsasasama sa pagtulog. Bakit ang mga matataas opisyal sa kompanyang ito ay pwedeng makipaglaro sa sarili nilang apoy. Samantalang kaming nasa ibaba ay hindi pwede? Baka gusto mong magpaliwanag?" ani pa nito. Napaangat ang kanyang kanang kilay. Gusto niya sanang ipaalala rito na wala sa kontrata nila ang maging affectionate habang sila ay kasal pa, ngunit hindi niya inaasahan na siya pa ang sinisisi nito. "Jealous?" Crassus walked unto the table and put the documents. He lowered his head and rolled
NAPATINGALA SA ERE ang lalaki nang makita nito si Raine. Malakas itong napabuntonghininga at may kasama pa itong tunog. Parang nabunutan ito ng tinik."Thank goodness!" He said, overjoyed. Pumaklakpak pa ito ng isang beses sabay harap sa kanya. "Naubusan kasi ako ng gas. Kanina pa ako naghahanap ng gasoline station pero wala akong nadaanan kahit isa. Kanina pa ako tawag ng tawag pero kahit saan ako pumwesto ay walang signal. Hindi ako makahingi ng tulong."Napatango si Raine. Alam niya ang pakiramdam nito dahil kanina naranasan niya rin ito. Hirap din siyang makasagap ng signal. Naalala niya na may nakita siyang isang storage room sa paaralan. May mga nakatambak na mga drum ng gas doon. Sabi ni Prinsipal Fontebila ay para iyon sa mga bata. Gagawa kasi sila ng bonfire bilang parte ng aktibidad sa nalalapit na scouting."Diretsuhin mo lang itong daanan na ito," pagbibigay ni Raine ng direksiyon. "Tapos po kumaliwa ka. Kapag may nakita ka po na isang malaking puno ng mangga ay may isan
PAGKATAPOS BASAHIN NI RAINE ANG DIARY ay nahulog siya sa isang malalim na pag -iisip. Nadala siya sa kanyang emosiyon. Dumaan ang ilang minuto ay nakabuo siya ng isang plano. Gusto niya tuparin ang pangarap nito. Alam niyang wala na ito at hindi na nito masisilayan ang kanyang effort. Pero nandito pa siya, may magagawa pa siya at may maabot pa siya. Gagawin niya ang lahat para matupad ang kagustuhan nito. Isa pa, hindi masama ang hangarin nito. Bagkus ay isa iyong napakalaking tulong para sa mga estudyante na nais lawakin ang kanilang kaalaman.Kinalkula niya ang kanyang mga bayarin.Noong unang trabaho niya kay Mr. Almonte ay binigyan na kaagad siya nito ng limang daang libo. Bukod pa roon ay may natanggap pa siya galing dito nang bumisita sila kay Lolo Faustino. Kung susumahin ang lahat ng naipon niyang pera, lagpas na iyon ng limang daang libo. Nabawasan naman iyon nang nagbyad siya ng hospital bill ng kanilang Ina. Kumuha rin siya ng tagabantay rito at hindi pa kasali roon ang mg
Dumaan ang ilang minuto pero hindi pa rin nagsalita si Crassus. Hindi na nakapagtimpi si Raine. Siya na ang nagbukas ng usapan. "May problema ba, Crassus?" Hinila ni Raine ang kamay ni Crassus Dahan - dahan naman nitong binawi ang kamay. Napatingin siya kay Crassus. "Galit ka?" "Huwag kang maingay. Nagbabasa ako. Don't make me angry," malamig na sagot nito. Natigilan siya. Pinagmasdan niya si Crassus pero kagaya kanina ay hindi pa rin ito lumingon sa kanya. Mukhang tinupak na naman ito. Umaandar na naman ang pagiging Julio nito. Dahil ba sa hindi siya umuwi? Yumuko si Raine. Mabagal siyang tumalikod para hindi maistorbo si Crassus. Hindi pa man tuluyang lumapat ang katawan niya sa kama ay bigla siyang hinila nito. Tumama ang likod niya sa matipunong dibdib nito. Nahigit niya ang kanyang hininga. Naramdaman niya ang marahas na hininga nito sa leeg niya. "Sinabi ng huwag mo akong galitin. Sinusubok mo talaga ang pasensiya ko." Dumilim ang mukha ni Crassus. Marahas niyang niyakap
Mariin na tinitigan ni Crassus ang hawak na balot. Tinanggal niya ito. Bumungad sa kanya ang tatlong damit.Sa porma pa lang nito ay alam na niyang galing ito sa Montenera. Madalas siyang bumibili ng damit doon dahil sa magandang kalidad. Nagpapa - custom made rin siya roon. Umangat ang gilid ng kanyang labi. Ang tibay talaga ng apog nito. Ni hindi man lang nito pinalitan ng balot. Pareho lang ang plastic na pinabalot nito sa damit. Hindi siya pwedeng magkamali dahil kita niya ang logo nito.Talagang wala itong pakialam sa kanya. All she cares is his money. Dumidikit lang ito sa kanya dahil sa kayamanan niya.Ginalaw ni Crassus ang kanyang panga. Ayaw niyang ipakita kay Raine ang kanyang galit. Ayaw niya muna na mag - away sila kaya siya na mismo ang umiwas.Nilapag niya sa mesa ang mga damit. Saka niya pinasadahan ng tingin ang asawa.Umupo siya sa sofa nang nakadekwatro. Tinabingi niya ang kanyang ulo. Saka niya napansin ang bahagyang pagbabago ng hubog ng muk
Araw ng Biyernes, bumalik sina Raine at Diana sa Lè Confe Shop. Isang dressmaking services na tanyag at may kalumaan na sa Ero Vierde. Dinadayo ito ng mga tao dahil sa pagiging authentic nito sa pagtatahi. Ani pa raw ni Diana, ang may - ari raw nito mismo ay mula sa angkan ng mga mananahi noong panahon pa ng giyera. Pinasa - pasa ang karunungan ng mga ninuno nito hanggang sa kasalukuyang panahon. Kaya marami ang nagpapagawa rito dahil subok na kalidad ng serbisyo nito. Nakuha na nina Raine at Diana ang damit. Si Raine na mismo ang nagdala ng kahon papunta sa apartment nila. Dumaan ang kinse minuto ay nasa harap na sila ng apartment. Si Diana na ang nagbukas ng pinto. Tahimik niyang nilapag sa carpet ang kahon. Umupo siya sa sofa. Mamaya ay babalik na siya sa villa ni Crassus. Nasasabik siya na nalulungkot. Nasasabik siya dahil makikita na niya uli si Lolo Faustino. Pero may parte pa rin ng puso niya na nalulungkot. Iiwan na naman niya rito si Diana ng mag - isa. Kung pwede lang
Nang matanggap ni Tia ang mensahe na successfully delivered na ang kahon ay ngumiti siya ng nakakaloko."Ang dali lang talaga mauto ang isang 'yon," pahayag ni Tia habang nakatingin sa selpon niya.Naging hudyat iyon. Chinat niya si Crassus na kasalukuyan naman na naka - online....[Crassus?]Umangat ang gilid ng labi ni Tia. Nilapag niya muna ang selpon sa la mesa at mabagal na ininom ang kopita ng wine.Biglang tumunog ang selpon niya. Dinampot niya 'yon habang nasa kanang kamay ang wine....[?]Inikot ni Tia ang kanyang mata. Napaismid siya. Hindi niya kasi nagustuhan ang paraan ng pag - chat ni Crassus. Ganoonpaman, itinaas lang niya ang kanyang kilay habang nagtitipa ng reply....[Hi, I know that you are busy pero gusto ko lang na kamustahin ka. How are you? Anyway, nagpadala nga pala ako ng damit. Galing kasi ako ng Monterena last month dahil may shooting ako roon. I bought three clothes for you. One long sleeve and two t - shirt. Kulay dark blue an
"Awat ka nga! Hindi ako si Tia at hindi ako kaaway mo," bulalas ni Diana nang mapansin ang pagiging pikon ng kaibigan. Hindi kumibo si Raine pero hindi na maipinta ang kanyang mukha. Muli niyang sinipat ang mga binigay na damit ni Tia. Nang magawi ang kamay niya sa likod ng kwelyo ay napakunot ang noo ni Raine. Hinaplos niya ang tatlong letra na nakatahi sa likod ng kwelyo. Napansin ni Diana ang pagiging matahimikin ni Raine. Tinignan niya kung ano ang nakaagaw ng atensiyon nito. Napakurap siya. Nakita niya kasi na may nakaimburdang tatlong letra sa likod ng kwelyo. Binase sa kung anong kulay ng damit ang kulay ng burda kaya hindi ito mapapansin kapag hindi titignan ng maigi. "C.A.A?" patanong na ani pa ni Diana. "Crassus Adam Almonte," walang emosiyon na sagot pa ni Raine. Napipilan si Diana. Napatingin din siya sa hawak na long sleeve. At kagaya nang kay Raine, may nakaburda rin na tatlong letra sa likod ng kwelyo. "Anong meron? Bakit niya nilagyan pa ng ganito?" bulalas pa n
Pasado alas kuwatro na nang hapon. Malapit ng matatapos ang oras ng trabaho ni Raine. Wala na siyang ginagawa kaya nagpasya siyang i - chat si Crassus. Hawak na niya ang kanyang selpon pero blangko pa rin ang kanyang message box. Wala pa siyang natipa ni kahit isang letra. Iniisip niya kasi kung paano humingi ng pahintulot kay Crassus. May naisip na siya pero hirap na hirap siyang igalaw ang kanyang kamay. Tinapik ng kanang daliri niya ang likod ng kanyang selpon. Napabuntonghininga pa siya sabay tabingi ng kanyang ulo. Nang makakuha na siya ng bwelo ay mabilis na gumalaw ang kamay niya para magpadala ng mensahe....[Crassus, hindi muna ako uuwi sa bahay ngayon. Maghahanap pa ako ng damit mo.]Mabilis niyang sinent ang message. Baka kasi ibubura na naman niya ang chat dahil sa duwag. Pinalubo niya ang kanyang bibig. Saka niya nilapag sa mesa ang selpon. Inayos niya ang kanyang bag habang naghihintay ng reply nito.Mayamaya pa ay tumunog ang chat ringing tone niya....[You care so
Raine had a good night sleep. Walang gumagambala sa kanya at walang nanggigising. Tirik na ang araw nang magising siya kinabukasan. Pagtingin niya sa wall clock ay pasado alas nuwebe na ng umaga. Lalo na sa mga sumunod na araw. Malapit na mag tanghalian nang siya ay magising. Kaya pagkarating ng araw ng lunes ay masayang masaya si Raine. Pakiramdam niya ay maraming siyang naimbak na energy. Bahagya pa siyang nakangiti habang dinadaanan ang mga empleyado.Nang makarating siya sa kanyang cubicle ay ngumiti si Raine. Napabuntonghininga pa siya. Tinapik niya ang mesa at saka isa - isa tiningnan ang mga papeles doon. Saka siya nagsimulang magtrabaho.Hindi pa man siya nakatagal mula sa kanyang ginagawa ay may kumatok na sa mesa niya. Napaangat ng tingin si Raine. Napakurap siya nang makitang nakapameywang na si Crassus sa harap niya at hindi na maipinta ang mukha.Namumutok ito sa mamahalin na perfume. Naamoy rin niya ang sabon pangligo na humalo sa pabango nito. Amoy mint na rin ito at n
Napangisi si Raine. Hindi siya sumagot at nilantakan ang pagkain.Naramdaman niya pa rin ang kakaibang tingin ni Diana kaya nag - angat siya ng mukha. Nagtaka siya. Paano at nakaawang pa ang labi nito."Kakain ka o ipapasak ko mismo sa bunganga mo iyang plato?" Napipikang tanong pa ni Raine.Napakurap si Diana. "Ikaw..." ani pa nito. Palipat ang lipat ang tingin nito sa pitaka at sa mukha niya. "Hala ka."Hindi na maipinta ang mukha ni Raine. "Ano na naman?"Natutop nito ang bibig. "Congrats, be."Natigilan si Raine sa paghiwa ng karne. "Para saan?"Nakagat nito ang labi. "Hindi ka na naghihirap."Kumunot ang noo ni Raine. "Ano bang pinagsasabi mo?""Kasi..." Ngumiti ito ng matamis. "Dati, may laman iyang wallet mo pero alam ko na may pinaglaanan ang pera mo. Hindi katulad ngayon, may card ka na. Napansin ko rin kanina iyong pera binayad mo sa cashier, puro bago." Hinawakan ni Diana ang kamay niya. "Masaya lang ako kasi hindi ka na naghihirap."Nang maanalisa niya ang sinabi ni Diana
Naglaho ng parang bola ang ngiti ni Tia. Napataas ang kilay niya pero kaagad din yon nabura. Napalitan iyon ng pekeng ngiti.Peke itong tumawa. "Ano ka ba. Kalimutan mo na 'yon. Nakaraan na 'yon, Raine," sagot pa ni Tia sabay sampal sa ere.Ngumiti rin si Raine pero hindi iyon umabot sa kanyang mata. Nababaliw na yata ang isang 'to. Akala siguro ni Tia ay magaan lang ang ginawa nitong kasalanan sa kanya.Hangga't nakikita ni Raine si Tia ay nabubuhay ang pagkamuhi niya sa babaeng ito. Ilang beses na siyang inaway ni Crassus dahil lang sa mga kwento nito. Ilang beses na rin siyang naparusahan at umiyak dahil sa kagagahan nito."Miss Tia. Baka po pwede na tayo umalis, andiyan na naman po ang mga fans mo," sabi pa ng bakla sabay nguso sa kabilang kanan.Napatingin sila roon. Kagaya nga ng sinabi nito ay nagsitakbuhan na naman papunta sa kanila ang fans ni Tia. Lumapit sa kanila ang mga security guards. Iginiya sila sa sekretong daan.Napilitan silang Raine na sumunod. Napadpad sila sa sa