KAHIT HINDI NASIYAHAN SI RAINE KAY CRASSUS ay hindi siya nagpaapekto. Inayos niya pa rin ang kanyang trabaho. Kahit na alam niyang nasa kasunduan nila ni Crassus na dapat niyang tratuhin ng maayos ang Lolo nito.Winaglit iyon ni Raine sa kanyang isipan. Bukal sa kanyang puso ang pag - aalaga at pag - aaliw niya rito.Nang babalik na sila ni Crassus sa siyudad ay nag-aatubili ang matanda na paalisin si Raine. Parang piniga ang kanyang puso. Sinabi kasi nitong mawawalan na naman ito ng kausap sa bahay.Habang tinatahak nila ang dumaan pauwi ay nagpadala na naman ng pera si Crassus. Tinignan ni Raine ang pera. Sa takot na marinig sila ng driver ay nagpasiya siyang magpadala nalang ng mensahe rito.[Ano 'to?]Mayamaya pa ay nag - reply ito.[Good job]Namula ang mukha ni Raine. Ayaw niyang makita nito ang kanyang pagkahiya kaya pinili niyang humarap sa bintana. Hindi niya inaasahan na BAWAT galaw pala ng kamay niya para alagaan si Lolo Faustino ay kumakatumbas na pala ng pera.Biglang k
WALANG PASIDLAN ANG GALIT NI RAINE. Sa tuwing nakikita niya ang pagmumukha ng kanyang kapatid ay mas lalong sumisikip ang kanyang puso dahil sa galit. Sinubukan niyang umupo ng maayos. Bubuwelo sana siya para sampalin ang kanyang kapatid pero napunta sa ibang direksiyon ang kanyang kamay. Malakas na napatawa si Athelios. Habang siya ay papaiyak na dahil sa galit at takot na nararamdaman niya ng sabay. Sinubukan niya ulit na sampalin ito. Natamaan niya ito pero hindi man lang ito nasaktan. Naging mahina iyon dahil unti - unti na siya nauubusan ng lakas. Nanlisik ang mata nito at umangat ang gilid ng labi. Napaatras siya. Hinawakan siya nito sa braso at pinilit na pinatayo. Napasinghap siya. Sa takot na may gagawin na naman ito ay marahas niyang tinanggal ang kamay nito ngunit hindi man lang ito natinag. Mas lalo itong nagalit kaya pwersahan siya nitong hinila papunta sa kama. Habang hinahatak siya nito ay nakasadsad sa sahig ang kalahati ng kanyang katawan. "Bitawan mo'ko!" P
NAPAHAPLOS SI RAINE sa kanyang braso habang yakap - yakap ang kanyang sarili. Ang kanyang kamay ay nanginginig. Bahagya na ring namutla ang kanyang labi dahil sa malamig na tubig na kanyang naligo kanina para maibsan ang epekto ng droga sa kanya. "Maraming salamat, Professor Xhun. Salamat po talaga," nanginginig niyang sabi. Ang kanyang labi at ngipin ay hindi mapermi. Panay ang bahagya nitong pagtalon dulot ng lamig. "What are you talking about?" Professsor Xhun touched her forehead. "Silly girl. Naging alerto si Raine. Iginala niya ang kanyang paningin. Nang masigurong wala na ang kanyang kapatid ay nagsalita siya. "Sir, umalis na po tayo rito. Baka babalik pa iyong kapatid ko at maabutan tayo rito." He shook his head. "Don't be afraid. I'm here. You should rest first." "No." Siya naman ang umiling. "Hindi mo kilala si Athelios. Mabait lang siya kapag ikaw ang kaharap niya. Tuso ang kapatid ko. Hindi mo ba napansin? Siya ang may pakana ng lahat ng ito." Bumangon si Raine. Nang
NAPATANGA SI RAINE. Gusto niya sanang bawiin ang kanyang cellphone pero nailayo na nito sa kanya ang aparato. "Let me read," Crassus said. Wala siyang nagawa dahil sinabi na nito ang gusto. Sa huli ay bahagya niyang nilapit ang kanyang katawan dito para mabasa niya ang chat ni Professor Xhun. "Huwag kang lumapit." Napangiwi siya. Napilitan siyang antayin ito. Mayamaya pa ay bigla itong nagsalita. "So, I'm not a good person, huh?" "Ah, eh." Binawi niya ang kanyang cellphone. Saka niya palang nabasa ang lahat ng chat ni Mr. Xhun. [Was that Crassus Almonte? Raine, paano mo siya nakilala? Kailangan mong mag - ingat sa kanya. He is not a good person. Don't fall into his trap.] "I'm not a good person?" Crassus sneered, "So, he is a good person?" Sinulyapan ni Crassus si Raine mula ulo hanggang sa paa. Hindi na maipinta ang mukha nito. "Siya si Paul Tyler Xhun?" Napaawang ang bibig ni Raine. "A-ano --" "Siya ang boyfriend mo?" dugtong pa nito. "P-po?" Bumagsak
NAPASULYAP SI CRASSUS SA dala nito. Inabot nito sa kanya ang regalo. Tinanggap niya ito at nilapag sa mesa. "Thank you." "You don't even look at it." Tia said with a frown. Kinuha nito sa mesa ang kahon at binuksan iyon. Tumambad sa kanila ang isang eye mask. "I bought this from abroad. You should try it." Crassus face soften a little when he saw the gift. "You don't have to worry. My eyes are healed." "Kahit na. So tell me. Paano ako hindi mag - alala? Muntik ka ng mabulag dati. You even waited a year just to find a donor for your cornea." Umupo si Tia sa sofa. Pinag - krus nito ang paa. "Way back then, you just started your business. You suffered a lot and got a big blow." Sa narinig ni Crassus ay hindi niya maiwasang makaalala ng kanyang nakaraan, ngunit hindi niya iyon pinapahalata. Lumapit siya sa babae at tinapik ang balikat nito. "Why are you still talking about the past?" "I'm sorry. I just can't help it." She heaved a sigh. "Sometimes I feel that this is all arrang
Crassus glanced at the form and said, "Just do it."Tumango si Mr. De Guzman. "Masusunod po," sabay alis sa harap ni Mr. Almonte.Noong kailangan nilang pumili ng isang Intern para i- convert bilang regular employee ay si Raine ang napili. Imbes na si Sasha ang nasa posisyon na iyon ay ito pa ang natanggap. Hindi nagustuhan ni Mr. De Guzman ang resulta. Para sa kanya ay mas magaling pa si Sasha kaysa kay Raine. Alam nito ang iniisip niya at marunong din itong mag - handle ng mga bagay kaya minsan ay namanipula niya ito.Iba si Raine, patas ito kung magtrabaho at napaka- metikuloso. Sineseryo nito ang trabaho para wala ito maging sabit. Parati rin itong alerto kaya hirap siyang utakan ito. Sino ba naman ang hindi gaganahan kung ganito ka - dedicated ang empleyado mo. Ang ganitong intern ay mainam na ilagay sa departamento ng pananalapi, ngunit paano nalang kung pumasok na ito sa sa management in the future? Siguradong mahihirapan siya. Kaya imbes na isali ito sa listahan ay binura niy
UMANGAT ANG GILID NG LABI NI CRASSUS nang marinig niya ang tanong ni Raine. "Kailangan ko pa lang magpaliwanag sa'yo?" Hindi niya maiwasan na maging sarkastiko. Pagkatapos ng nangyari ay ito pa ang may ganang magtanong. Samantalang ito iyong may kasama na lalaki noong nakaraang araw. "Bilang mag - asawa, obligasyon natin na maging loyal sa isa't - isa. Hindi mo naman siguro nakalimutan na hindi peke ang kasal natin hindi ba?" Saglit itong huminto. "At isa pa, madalas na tayong nagsasasama sa pagtulog. Bakit ang mga matataas opisyal sa kompanyang ito ay pwedeng makipaglaro sa sarili nilang apoy. Samantalang kaming nasa ibaba ay hindi pwede? Baka gusto mong magpaliwanag?" ani pa nito. Napaangat ang kanyang kanang kilay. Gusto niya sanang ipaalala rito na wala sa kontrata nila ang maging affectionate habang sila ay kasal pa, ngunit hindi niya inaasahan na siya pa ang sinisisi nito. "Jealous?" Crassus walked unto the table and put the documents. He lowered his head and rolled
NAPATINGALA SA ERE ang lalaki nang makita nito si Raine. Malakas itong napabuntonghininga at may kasama pa itong tunog. Parang nabunutan ito ng tinik."Thank goodness!" He said, overjoyed. Pumaklakpak pa ito ng isang beses sabay harap sa kanya. "Naubusan kasi ako ng gas. Kanina pa ako naghahanap ng gasoline station pero wala akong nadaanan kahit isa. Kanina pa ako tawag ng tawag pero kahit saan ako pumwesto ay walang signal. Hindi ako makahingi ng tulong."Napatango si Raine. Alam niya ang pakiramdam nito dahil kanina naranasan niya rin ito. Hirap din siyang makasagap ng signal. Naalala niya na may nakita siyang isang storage room sa paaralan. May mga nakatambak na mga drum ng gas doon. Sabi ni Prinsipal Fontebila ay para iyon sa mga bata. Gagawa kasi sila ng bonfire bilang parte ng aktibidad sa nalalapit na scouting."Diretsuhin mo lang itong daanan na ito," pagbibigay ni Raine ng direksiyon. "Tapos po kumaliwa ka. Kapag may nakita ka po na isang malaking puno ng mangga ay may isan
NAMILOG ANG MATA NI RAINE nang maanalisa kung sino ito. "Thaddeus!" Palahaw niya sabay turo sa lalaki. Ngumiti ito dahilan upang lumantad ang pantay at maputi nito na ngipin. "Hi.""Hi." Ngumiti siya. "Sino'ng hinahanap mo? Ako ba?"Itinaas ni Thaddeus ang dalawang lunch box na hawak. "Napag - utusan lang. Pinapahatid ng sister - in - law ko." Inilibot nito ang paningin sa loob ng apartment. "Hindi ko alam na pareho lang pala kayo ng tinirhan ng kapatid niya. Pagkakataon nga naman."Mula sa kwarto ay lumabas si Diana. Nang makita niya ang isang panauhin na nasa bukana ng pinto ay saglit siyang natigilan. Dahan - dahan siyang naglakad papunta sa pinto."Raine? Sino iyan?"Napalingon naman si Raine kay Diana. Nilakihan niya sa pagbukas ang pinto at binigyan ng espasyo ang kaibigan. "Si Thaddeus. Siya pala ang inutusan ng Ate mo."Pinagmasdan ni Diana ang lalaki. Napatingin siya sa hawak nito. Naglakbay ang kanyang paningin papunta sa mukha ng lalaki.Pilit na itinago ni Raine ang kanya
SA TAKOT NI RAINE NA MA - SCAM ay inaya niya si Diana na samahan siya. Ito kasi ang kauna - unahan niyang pakikipagsosyo kaya takot siya na baka may mangyari'ng hindi maganda. Pumayag naman ito kaya lang, hindi na matigil ang bunganga nito."Bakit hindi si Mr. Almonte ang ayain mo?" takang tanong pa ni Diana. "Kung tungkol man sa pakikipag - negosasyon, Raine. Mas mabuti pang siya ang isama mo. At saka lalaki siya, anong magagawa ko kapag may nabukulan tayo? Saan aabot ang kamao ko sa isang scammer?"Napapadyak si Raine. "Ikaw kasi ang gusto ko."Nameywang si Diana. "Bakit ba kasi? Nandiyan nga naman iyong syota mo."Pinandilatan niya ito ng mata."Ano? Mag - dedeny ka pa?""Iana naman."Marahas na napakamot sa ulo si Diana. "Oo nga, sasamahan kita. Pero kasi, di ko ma gets. Bakit ako?" Tinuro pa nito ang sarili. "Na may kilala ka naman na magaling sa negosyo, at mayaman pa. Kung tungkol lang naman sa pagsama, pasok sa criteria si Mr. Almonte nu! De hamak na mas kaya ka niyang protekt
PARA IBAHAGI ANG MAGANDANG BALITA AY TINAWAGAN ni Amalia si Raine. Eksakto naman na papauwi na sa apartment si Raine dahil kakatapos lang niya sa trabaho. "Raine? Hija?" Bungad kaagad ni Amalia nag sagutin na ni RAine ang tawag niya. "May ginagawa ka ba?""Papauwi pa lang po ako ng apartment, Tita. Kakalabas ko lang po sa elevator." Napatingin siya sa suot na relo. Nakita niyang alas singko - bente pa lang ng hapon. "Napatawag ka po, Tita. May problema po ba?"Tumikhim muna si Amalia sa kabilang linya. Habang hawak ang telepono ay napatingin siya sa kanyang asawa na nasa kabilang sofa. Nakatitig din ito sa kanya. Tumango pa ito ng isang beses at sumenyas pa ng okay sign.Simula nang pumanaw ang kanilang anak ay mas lalong napalapit ang kanilang loob sa dalaga. Kung anuman ang plano nila tungkol kay Ulysses ay gusto rin nila na updated ito. "Hija, ano kasi. May sasabihin sana kami sa'yo."Bumagal ang paglalakad ni Raine. "Ano po iyon?"Tumingin ulit si Amalia kay Apollo. Saka pa ito
NAGLIWANAG ANG MUKHA NI AMALIA. Ngumiti siya at lumapit kay Crassus. Iniumang niya ang kanang kamay para kamayan ito. "Ako nga pala si Amalia. Ako ang Mama ni Ulysses." Tumaas ang kilay ni Crassus. Biglang kumurba ang kanyang labi. Sumilay roon ang isang tipid na ngiti. Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "Ignacio Crio po." Pagpakilala niya sa ibang pangalan. Hindi naglaon ay siya ang naunang nagbawi ng kamay. "Matagal ko na po kayong gusto makausap. Gusto ko po sanang mag - sponsor ng kompyuter para sa mga batang tinuturuan ni Ulysses dati. Kaso lang ay hindi natuloy." "Talaga, Hijo? Kung ganoon ay pasok ka muna." Lumapit si Amalia kay Crassus at hiniwakan niya ang kanang braso nito. Iginaya niya ito papunta sa loob ng kanilang bahay. Hindi mawala - wala ang ngiti ni Tita Amalia. Kahit nang pinaupo niya sa sala si Crassus ay malaki pa rin ang ngiti niya. Simula noong pumanaw ang kanyang anak na si Ulysses ay ninais niya na mapalapit sa mga kaibigan nito. Gusto niyang
KINABUKASAN, HALOS TUMAYO ANG BALAHIBO SI RAINE dahil sa ibang pakikitungo ng mga empleyado sa kanya. Kasalukuyan niyang tinatahak ang hallway kaya hindi maiwasan na may makasalubong siya.Iyon nga lang ay parang lumikot ang paa niya nang makita ang asal nila. Gusto niyang tumakbo pero nahihiya naman siya. Nakakailang kasi ang kilos nila. Kung malakas lang talaga ang kanyang loob ay napagsabihan na niya ang mga ito. Minsan kasi ay kinikilabutan siya kapag alam niyang nagpapakitang - tao lang ang isang empleyado. Lalo na kung napaplastikan siya.May iba pa na kapag lilingon siya ay kusa silang ngingiti. Sobrang pilit pa at labas talaga ang lahat ng ngipin na para bang mapupunit na iyong labi. Parang mga de - remote ang mga emosiyon nila. Ang bilis na magsipalit ng mga nararamdaman. Parang noong isang araw lang ay inulan siya nito ng kutya at pang-iinsulto. Ngayon naman ay yumuyuko pa ang ilan sa mga ito. Kulang nalang ay halikan nito ang dinadaanan niya. Nang makapasok siya sa office
DALA NG EMOSIYON AY UMAKYAT SI CRASSUS sa pangalawang palapag ng bahay. Pumunta siya sa kanyang kwarto at doon ay nagpasiyang magkulong. Pagkabukas niya ng pintuan ay tumambad sa kanya ang tahimik na kwarto. Gamit ang kanang kamay ay pinihit niya ang siradura nang hindi inaalis ang paningin sa kabuuan ng silid. Pagkalagapak ng pinto ay umugong ang tinig nito. Nanatili siyang nakatayo.Nang mahagip ng kanyang paningin ang kanilang higaan ay napameywang si Crassus. Ewan niya pero mayroon siya naramdamang kakaiba roon. Lalo na nang maalala niya na minsan na silang magtabi kung matulog ni Raine. Napadpad ang kanyang paningin sa conjoint room. Nilapitan niya ito at binuksan ang pinto. Nabungaran niya ang kanyang office room. Lumapit siya sa swivel chair at nang nasa harap na niya ito ay tumalikod siya. Dahan - dahan siyang umupo sabay kawala ng isang buntonghininga. Naitakip niya ang dalawang kamay sa kanyang mukha. Nang mahimasmasan ay sumandal siya sa swivel chair.Hindi malaman ni Cra
HINDI NAKAPAGPIGIL SI LOLO FAUSTINO kaya hinubad niya ang suot na reading glass. Nilapag niya ito sa mesa na katabi mismo ng kanyang inupuan na sofa. Tumayo siya at lumabas ng kanyang kwarto.Tinungo niya ang kanyang apo. Bitbit ang cellphone ay naglakad siya papunta'ng sala kung saan nakatambay ang kanyang apo. Inabot siya ng ilang minuto para makababa lang doon dahil sa kanyang kabagalan dulot na rin ng kanyang katandaan.Nang makalapit na siya rito ay kaagad siyang nagtanong. "Kailan ba babalik si Raine? Sampung araw na siyang hindi umuuwi rito, Crassus. Mind telling me?""What did she tell you?" Crassus was flipping through a financial magazine.Dahan - dahan umupo sa sofa si Lolo Faustino. "She send me photos of the South City. Sinabi niyang mahirap ang kanyang hinawak na account kaya hindi niya alam kung kailan siya makakauwi. Hindi mo ba mapaki - usapan ang kanyang leader? Alam kong bawal siyang isturbuhin sa kanyang trabaho pero intindihin mo naman sana ako. Kapag hindi ko
"Where is your brain, Ms. Potterton? Alam mo ba kung anong gulo ang ginawa mo?" Naka - ekis ang dalawang braso ni Direktor Zaragosa habang binato ng masamang tingin si Diana. Siya naman ay nangitngit ang loob dahil sa panenermon ng kanyang Direktor.Gaya ng sinabi nito ay pumunta siya sa opisina. Alam na niya na tatalakan siya nito kaya hinanda na niya ang sarili. Hindi naman niya inaasahan na pagkaupo palang ay makakatikim na siya. Akala niya kasi ay may opening speech pa ito, iyon pala ay iba ang opening nito. Walang paliguy - ligoy na inisang bagsak nito ang panenermon sa kanya."Alam kong ipinagtanggol mo lang ang kaibigan mo pero hindi sana ganito ang ginawa mo. I know you are smart but I did not expect that you will do this dense moves. Posting on the forum? For what? Para makaani ka ng simpatya sa mga empleyado? Napabuntonghininga si Direktor Zaragosa."Totoo naman ang sinabi ko, Ma'am. Talagang hindi lang ako nakapagtimpi kanina dahil naaawa ako kay Raine.""Pero hindi ito an
Kunin mo. Wala ako parati sa tabi mo para protektahan ka."Napatingin si Crassus sa mga mata ni Raine."Pansin ko kasi na hindi ka gumagamit ng payong kapag umuulan. Paano kung magkasakit ka?"Nilahad ulit ni Raine ang payong sa harap nito. Nang makitang hindi gumalaw ang mga kamay ni Crassus para kunin ang payong ay nagsalita ulit siya. "Mr. Almonte, iniisip mo siguro kung bakit kita binibigyan nito. Sa tuwing umuulan po kasi, naalala lang po kita. Hindi ka po kasi mahilig magkapute. Kaya binilhan kita nito." ani pa niya. Sumilay ang magandang ngiti sa labi ni Raine. "Espesyal po ang payong na ito. Pinasuyo ko pa ito sa dati kong classmate na nag - aaral sa abroad. Hindi po ito cheap. Mariotalarico ang brand nito. Galing pa ito sa ibang bansa. Pinasadya ko talaga ito para sa'yo.""Specially for me?" Crassus took the umbrella.Tinitigan niya ang payong. Itim ang kulay nito at walang ibang kulay na nakahalo. Nang dumako ang kanyang mata sa handle nito ay bahagyang napatagilid ang m