WALANG PATID ANG SAYA NI LOLO FAUSTINO nang bumisita ulit sina Raine at Crassus. Napalaki ng ngiti nito at mamula - mula na rin ang pisngi.Hindi katulad noong unang punta nila sa bahay nito. Malalaman mong may iniinda ang matanda dahil sa kakulangan ng liksi sa katawan. Naalala rin ni Raine na napaluha ito noong maalala nito ang yumao nitong asawa.Ngayon ay iba na. Bagamat may kabagalan pa rin ang galaw nito ngunit hindi na ito tulad ng rati. Parang wala sa itsura nito na may sakit ito na lung cancer.Lihim na nasiyahan si Raine. Kung patuloy na maging masayahin si Lolo Faustino ay alam niyang gagaan kahit paano ang nararamdaman nito.Gaya ng rati ay sinamahan ni Raine si Lolo Faustino. At dahil hindi naman siya kinibo ni Crassus ay nagpasiya siyang palipasin nalang ang oras kasama ang Lolo nito. Mas mainam na iyong ganito.Hanggang sa pagsapit ng gabi. Nang pumasok na si Lolo Faustino sa kwarto nito para magpahinga ay pumunta na rin si Raine sa kwarto nila ni Crassus. Nagpasiya si
KAHIT HINDI NASIYAHAN SI RAINE KAY CRASSUS ay hindi siya nagpaapekto. Inayos niya pa rin ang kanyang trabaho. Kahit na alam niyang nasa kasunduan nila ni Crassus na dapat niyang tratuhin ng maayos ang Lolo nito.Winaglit iyon ni Raine sa kanyang isipan. Bukal sa kanyang puso ang pag - aalaga at pag - aaliw niya rito.Nang babalik na sila ni Crassus sa siyudad ay nag-aatubili ang matanda na paalisin si Raine. Parang piniga ang kanyang puso. Sinabi kasi nitong mawawalan na naman ito ng kausap sa bahay.Habang tinatahak nila ang dumaan pauwi ay nagpadala na naman ng pera si Crassus. Tinignan ni Raine ang pera. Sa takot na marinig sila ng driver ay nagpasiya siyang magpadala nalang ng mensahe rito.[Ano 'to?]Mayamaya pa ay nag - reply ito.[Good job]Namula ang mukha ni Raine. Ayaw niyang makita nito ang kanyang pagkahiya kaya pinili niyang humarap sa bintana. Hindi niya inaasahan na BAWAT galaw pala ng kamay niya para alagaan si Lolo Faustino ay kumakatumbas na pala ng pera.Biglang k
WALANG PASIDLAN ANG GALIT NI RAINE. Sa tuwing nakikita niya ang pagmumukha ng kanyang kapatid ay mas lalong sumisikip ang kanyang puso dahil sa galit. Sinubukan niyang umupo ng maayos. Bubuwelo sana siya para sampalin ang kanyang kapatid pero napunta sa ibang direksiyon ang kanyang kamay. Malakas na napatawa si Athelios. Habang siya ay papaiyak na dahil sa galit at takot na nararamdaman niya ng sabay. Sinubukan niya ulit na sampalin ito. Natamaan niya ito pero hindi man lang ito nasaktan. Naging mahina iyon dahil unti - unti na siya nauubusan ng lakas. Nanlisik ang mata nito at umangat ang gilid ng labi. Napaatras siya. Hinawakan siya nito sa braso at pinilit na pinatayo. Napasinghap siya. Sa takot na may gagawin na naman ito ay marahas niyang tinanggal ang kamay nito ngunit hindi man lang ito natinag. Mas lalo itong nagalit kaya pwersahan siya nitong hinila papunta sa kama. Habang hinahatak siya nito ay nakasadsad sa sahig ang kalahati ng kanyang katawan. "Bitawan mo'ko!" P
NAPAHAPLOS SI RAINE sa kanyang braso habang yakap - yakap ang kanyang sarili. Ang kanyang kamay ay nanginginig. Bahagya na ring namutla ang kanyang labi dahil sa malamig na tubig na kanyang naligo kanina para maibsan ang epekto ng droga sa kanya. "Maraming salamat, Professor Xhun. Salamat po talaga," nanginginig niyang sabi. Ang kanyang labi at ngipin ay hindi mapermi. Panay ang bahagya nitong pagtalon dulot ng lamig. "What are you talking about?" Professsor Xhun touched her forehead. "Silly girl. Naging alerto si Raine. Iginala niya ang kanyang paningin. Nang masigurong wala na ang kanyang kapatid ay nagsalita siya. "Sir, umalis na po tayo rito. Baka babalik pa iyong kapatid ko at maabutan tayo rito." He shook his head. "Don't be afraid. I'm here. You should rest first." "No." Siya naman ang umiling. "Hindi mo kilala si Athelios. Mabait lang siya kapag ikaw ang kaharap niya. Tuso ang kapatid ko. Hindi mo ba napansin? Siya ang may pakana ng lahat ng ito." Bumangon si Raine. Nang
NAPATANGA SI RAINE. Gusto niya sanang bawiin ang kanyang cellphone pero nailayo na nito sa kanya ang aparato. "Let me read," Crassus said. Wala siyang nagawa dahil sinabi na nito ang gusto. Sa huli ay bahagya niyang nilapit ang kanyang katawan dito para mabasa niya ang chat ni Professor Xhun. "Huwag kang lumapit." Napangiwi siya. Napilitan siyang antayin ito. Mayamaya pa ay bigla itong nagsalita. "So, I'm not a good person, huh?" "Ah, eh." Binawi niya ang kanyang cellphone. Saka niya palang nabasa ang lahat ng chat ni Mr. Xhun. [Was that Crassus Almonte? Raine, paano mo siya nakilala? Kailangan mong mag - ingat sa kanya. He is not a good person. Don't fall into his trap.] "I'm not a good person?" Crassus sneered, "So, he is a good person?" Sinulyapan ni Crassus si Raine mula ulo hanggang sa paa. Hindi na maipinta ang mukha nito. "Siya si Paul Tyler Xhun?" Napaawang ang bibig ni Raine. "A-ano --" "Siya ang boyfriend mo?" dugtong pa nito. "P-po?" Bumagsak
NAPASULYAP SI CRASSUS SA dala nito. Inabot nito sa kanya ang regalo. Tinanggap niya ito at nilapag sa mesa. "Thank you." "You don't even look at it." Tia said with a frown. Kinuha nito sa mesa ang kahon at binuksan iyon. Tumambad sa kanila ang isang eye mask. "I bought this from abroad. You should try it." Crassus face soften a little when he saw the gift. "You don't have to worry. My eyes are healed." "Kahit na. So tell me. Paano ako hindi mag - alala? Muntik ka ng mabulag dati. You even waited a year just to find a donor for your cornea." Umupo si Tia sa sofa. Pinag - krus nito ang paa. "Way back then, you just started your business. You suffered a lot and got a big blow." Sa narinig ni Crassus ay hindi niya maiwasang makaalala ng kanyang nakaraan, ngunit hindi niya iyon pinapahalata. Lumapit siya sa babae at tinapik ang balikat nito. "Why are you still talking about the past?" "I'm sorry. I just can't help it." She heaved a sigh. "Sometimes I feel that this is all arrang
Crassus glanced at the form and said, "Just do it."Tumango si Mr. De Guzman. "Masusunod po," sabay alis sa harap ni Mr. Almonte.Noong kailangan nilang pumili ng isang Intern para i- convert bilang regular employee ay si Raine ang napili. Imbes na si Sasha ang nasa posisyon na iyon ay ito pa ang natanggap. Hindi nagustuhan ni Mr. De Guzman ang resulta. Para sa kanya ay mas magaling pa si Sasha kaysa kay Raine. Alam nito ang iniisip niya at marunong din itong mag - handle ng mga bagay kaya minsan ay namanipula niya ito.Iba si Raine, patas ito kung magtrabaho at napaka- metikuloso. Sineseryo nito ang trabaho para wala ito maging sabit. Parati rin itong alerto kaya hirap siyang utakan ito. Sino ba naman ang hindi gaganahan kung ganito ka - dedicated ang empleyado mo. Ang ganitong intern ay mainam na ilagay sa departamento ng pananalapi, ngunit paano nalang kung pumasok na ito sa sa management in the future? Siguradong mahihirapan siya. Kaya imbes na isali ito sa listahan ay binura niy
UMANGAT ANG GILID NG LABI NI CRASSUS nang marinig niya ang tanong ni Raine. "Kailangan ko pa lang magpaliwanag sa'yo?" Hindi niya maiwasan na maging sarkastiko. Pagkatapos ng nangyari ay ito pa ang may ganang magtanong. Samantalang ito iyong may kasama na lalaki noong nakaraang araw. "Bilang mag - asawa, obligasyon natin na maging loyal sa isa't - isa. Hindi mo naman siguro nakalimutan na hindi peke ang kasal natin hindi ba?" Saglit itong huminto. "At isa pa, madalas na tayong nagsasasama sa pagtulog. Bakit ang mga matataas opisyal sa kompanyang ito ay pwedeng makipaglaro sa sarili nilang apoy. Samantalang kaming nasa ibaba ay hindi pwede? Baka gusto mong magpaliwanag?" ani pa nito. Napaangat ang kanyang kanang kilay. Gusto niya sanang ipaalala rito na wala sa kontrata nila ang maging affectionate habang sila ay kasal pa, ngunit hindi niya inaasahan na siya pa ang sinisisi nito. "Jealous?" Crassus walked unto the table and put the documents. He lowered his head and rolled
Ipinagpatuloy nila Raine na ipagdaos ang kaarawan ni Lolo Faustino. Maraming nakahain na pagkain at hindi ito kayang ubusin ng tatlong tao. Kaya tinawagan niya sila Manang Lena. Maging si Diana ay pinapasok na rin niya sa loob.Tuwang - tuwa si Lolo Faustino dahil matapos ang maraming taon, ngayon lang ito nagdiwang ng kaarawan na punong - puno ng kasiyahan. Hindi katulad sa nakasayan nito na tahimik. Kinantahan pa nila ito happy birthday at pina - blow ng cake. Napuno ang halakhalakan ang dining area."Tina, kumain ka ng cake. May bata kang dala riyan sa tiyan mo kaya kailangan mong kumain ng marami," paalala pa ni Lolo Faustino."Lolo! Kanina mo pa ako pinapalamon! Time out muna," reklamo pa ni Raine.Hindi ito nakinig. Sa halip ay nag - slice ito ng cake at naglagay ng isang slice sa platito. Inusog nito ang platito papunta sa kanya. "Eating sweets is a happy pill for a baby. Go on, eat it."Walang magawa si Raine kung hindi sundin ang gusto nito."Lena, simula ngayon, magluto ka n
Napapadalas ang pagtitig ni Crassus kay Raine. May mga oras na nagtama ang kanilang mata at dahil sa ilang, ito na ang umiiwas sa kanya. Alam na niyang hindi lang ito isang simpleng babae. She have the guts. Ilang beses na siyang pinakitaan ng kakayahan nito at sa tuwing nagpapakitang gilas ito ay hindi niya maiwasang mamangha. Lalo na ngayon, pagkatapos itong komprotahin ni Athelios ay tila hindi man lang ito natakot o nag - panic. Bagkus ay naging kalmado pa ito. Ito pa ang nang - bilog ng ulo. She lied so well that even he began to doubt whether her pregnancy was true or not.Wala sa sariling napainom ng wine si Crassus. Inisang lagok niya ang laman niyon. Pagkatapos niyang uminom ay pabagsak niyang nilapag sa la mesa ang baso dahilan upang mapalingon sa kanya si Raine. Tinitigan naman siya nito pero hindi ito nagsalita. Isang oras ang lumipas, dumating si Diana sa villa ni Crassus. Nasa bungad pa lang ito ay napaawang na ang labi nito habang nakatingala sa magarang chandelier ng
Hinanap ni Crassus ang numero ng taga HR DEPARTMENT at tinawagan ito. Nang sinagot na nito ang tawag ay hindi na siya nagpaliguy - ligoy pa."I asked you to vacate Raine's apartment before. Have you given it to someone else?" Crassus said in a tone that he was oppressed but had to obey.Nilayo niya muna ang cellphone at tinap ang loudspeaker para marinig nila Raine ang usapan nila. "Hindi pa po. Kukunin ni'yo po ba ulit?" tanong pa ng Direktor ng HR.Napakamot sa kilay si Crassus. "Yes. May naiiwan pa na gamit si Raine sa apartment. Pakibalik na lang sa kanya.""Noted, Sir." Then Crassus hang up the phone.Nang marinig ito nina Athelios at Tia ay labis silang nadismaya. Palihim na ikinuyom ni Athelios ang kanyang kamay habang si Tia naman ay napakurot sa kanyang hita. Tinutoo nga ni Crassus ang hiling ni Raine.Pero nangangalumihan pa rin si Athelios. Talaga bang nagpakasal sila hindi dahil sa papel? Napaisip ng malalim siya ng malalim. Kung pagbabasehan ang sinabi ng kanyang kapati
Binalot ng tensiyon ang hapag - kainan pero wala ni isa ang naglakas loob na magsalita. Lahat ay manghang nakatingin kay Raine, habang ito naman ay nakatitig din sa kapatid nito. Paklang tumawa si Athelios, dahilan upang batuhin siya ng malamig na tingin ni Crassus. Si Raine ay hindi gustong putulin ang pagtitig sa kanyang kapatid. Ni hindi siya natinag sa nakakasurang pagtawa ni Athelios. Sa halip ay pasimple pa niya itong ginantihan ng pekeng ngiti."Crassus, care to explain?" Lolo Faustino asked."Ako na. Kapatid ko po siya, Lolo Austin kaya ako ang mananagot sa katangahan niya," sabat pa ni Raine sa usapan. Tumingin siya sa mesa para sana uminom ng ibang likido pero lahat ng nandoon ay hindi pwede. Maliban na lang sa orange juice na nakahain sa mesa. Pinagkasya na lang niya ang sarili sa pag - inom niyon."Pasensiya ka na po, Lolo kung bakit hindi ko pinakilalala sa'yo ang kapatid ko. Isa lang ito sa mga dahilan kung bakit ayaw ko na lumapit siya sa pamilya na iniingatan ninyo."
"Bakit ka nandito?" maasim na tanong ni Raine sa kanyang kapatid.Napatapik si Athelios sa dalawang hita nito."Tignan ni'yo nga naman. Kapatid mo ako pero ganyan ang bungad mo sa akin. Siyempre, birthday ni Lolo ngayon. Hindi ba ako pwedeng pumunta rito?" tanong pa ni Athelios habang nakangisi."Happy birthday po, Lolo," bati nito sabay abot ng bouquet.Biglang naging alerto si Raine. Alam niyang may sadya ito. Simula't sapul ay parati na itong may masamang balak sa kanya. Kahit kailan ay hindi niya pinagsabi kung sinuman ang kaarawan ni Lolo Faustino. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang importanteng araw ni Lolo. Napatingin si Crassus kay Raine. Nang makita niyang hindi maganda ang timpla ng mukha nito ay biglang gumana ang kanyang instinct. Pero nasa harap nila si Lolo Faustino. Gusto man niyang paalisin ang kapatid nito ay hindi siya makakilos. Paniguradong magtataka ang Lolo niya kung bakit niya 'yon ginawa.Tinapunan niya ng malamig na tingin si Athelios."Tina, sa'yo n
"Nasaan ang asawa ko?" tanong pa ni Raine nang mapunang wala si Crassus sa villa."Ah, si Crassus?" tanong pabalik ni Tia. Nilapag muna nito sa mesa ang dala na tray bago sumagot. "Umalis. Pinabili ko ng rekados.""Ah..." Mabagal na tumango si Raine. Napaisip tuloy siya. Ilang putahe ba ang lulutuin nito at bakit kinulang iyong binili niya kahapon?Tia smiled. "I came here early in the morning to make longevity noodles for Lolo Austin. Nagluto na rin ako para sa'yo. Saglit lang, malapit na 'yon maluto," ani nito tapos bumalik ng kusina.Hindi maiwasan ni Raine na manibugho. Nahalata niya kasi na para na itong hostess ng bahay. Samantala siya naman dapat ang gumawa niyon. Natagalan lang siya ng gising, may pumalit na kaagad sa papel niya.Mukhang hindi na niya magagawa iyong plano niya na magluto. Napatingin siya sa la mesa. Saka pa lang niya nasagot ang kanyang tanong. Mukhang balak nga nitong punuin ang mesa ng mga putahe. Hindi pa nga ito tapos pero may apat na menu ng nakalatag.
PAGLAPAT ng likod ni Raine sa kama ay sinunggaban na ni Crassus ang kanyang labi. Kumunot ang kanyang noo. Balak niya sanang itikom ang kanyang bibig pero nagawa na ni Crassus na palalimin ang paghalik nito. Napatangay na lang siya sa halik nito. Namalayan na lang niya na tumugon na siya sa halik nito.Napakapit siya sa leeg ni Crassus. Pinilit niyang pantayan ang paghalik nito pero kinakapus siya ng hininga. Huminto siya at dumilat ng mata. Napalunok siya nang makitang habol na ni Crassus ang hininga nito at bahagya pang namumungay ang mga mata."Crassus," pagtawag niya sa pangalan nito. Naglapat ng mariin ang labi nito. "Ayaw mo ba? Tell me, I'll stop."Hindi siya kaagad nakasagot. Parang may bumikig sa kanyang lalamunan. Nangangapa rin siya kung ano ang isasagot.Nahalata naman ni Crassus ang biglaang pagtahimik ni Raine. Imbes na tanungin ulit ito ay dahan - dahan siyang lumapit sa ilong nito. Gamit ang kanyang ilong ay binangga niya ang ilong nito. Napapikit naman ito at bahagya
RAINE STAYED in the villa for several days. Wala naman siyang mapagpipilian kung hindi ang tumira roon. Nangako na siya kay Crassus na hindi siya aalis ng villa kung hindi kinakailangan. Maayos naman ang trato nito sa kanya at hindi naman siya inaaway nito kaya wala pa naman problema. Ibang away nga lang ang ginawa nito kaya pagkagising niya ng umaga ay paika - ika na naman siya kung maglakad. Nang maalala niya ang ginawa nito noong nakaraang gabi ay namula ang kanyang mukha. Isang araw, inanunsiyo ni Crassus na ang nalalapit na kaarawan ni Lolo Faustino. Bigla siyang na - excite. Ito kasi ang unang pagkakataon na magdidiwang ng kaarawan ang Lolo nito kasama siya. "Ano pong plano? Enggradeng selebrasyon po ba, Lolo? May maitutulong po ba ako?" tanong pa ni Raine. Habang sumisimsim ng kape, si Crassus ang sumagot sa tanong niya. "Lolo is not fond of extravagance. Simple handaan lang ang magaganap at tayong tatlo lang din ang mag - cecelebrate." Mahinang pumalakpak si Raine. "
DUMAAN ANG KATAHIMIKAN sa pagitan nila. Nakabusangot si Raine at hindi makatingin kay Crassus. Ito naman ay taimtim na nakatitig sa kanya.Mayamaya pa ay binasag nito ang katahimikan. "Mangako ka."Napaangat siya ng tingin. "Mangako?"Tumango ito. "Mangako ka sa akin, nasa susunod kapag nag - away tayo ay hindi ka aalis ng bahay. Kung gusto mo talaga at ayaw mo magpapigil, magpaalam ka kay Manang Lena."Napaisip si Raine. Tinimbang niya ang mga sinabi nito."Raine?""Hmm." Tumaas ang kilay nito. "So?"Bigla niyang itinaas ang kanyang kamay at nanumpa sa harap nito. "I, Raine Athena Villanueva--"Villanueva?"Nakagat niya ang kanyang labi. Parte lang ng kanyang pagbibiro ang paraan ng panunumpa niya. Hindi niya inaasahan na sasabay ito sa trip niya at gawing katotohanan."I, Raine Athena Almonte, swear and ought in front of her husband, Crassus Adam Almonte to never leave the house in the future. Kung hindi na talaga ako makapagpigil, magpapaalam ako kay Manang Lena para hindi magaga