NAPATINGALA SA ERE ang lalaki nang makita nito si Raine. Malakas itong napabuntonghininga at may kasama pa itong tunog. Parang nabunutan ito ng tinik."Thank goodness!" He said, overjoyed. Pumaklakpak pa ito ng isang beses sabay harap sa kanya. "Naubusan kasi ako ng gas. Kanina pa ako naghahanap ng gasoline station pero wala akong nadaanan kahit isa. Kanina pa ako tawag ng tawag pero kahit saan ako pumwesto ay walang signal. Hindi ako makahingi ng tulong."Napatango si Raine. Alam niya ang pakiramdam nito dahil kanina naranasan niya rin ito. Hirap din siyang makasagap ng signal. Naalala niya na may nakita siyang isang storage room sa paaralan. May mga nakatambak na mga drum ng gas doon. Sabi ni Prinsipal Fontebila ay para iyon sa mga bata. Gagawa kasi sila ng bonfire bilang parte ng aktibidad sa nalalapit na scouting."Diretsuhin mo lang itong daanan na ito," pagbibigay ni Raine ng direksiyon. "Tapos po kumaliwa ka. Kapag may nakita ka po na isang malaking puno ng mangga ay may isan
PAGKATAPOS BASAHIN NI RAINE ANG DIARY ay nahulog siya sa isang malalim na pag -iisip. Nadala siya sa kanyang emosiyon. Dumaan ang ilang minuto ay nakabuo siya ng isang plano. Gusto niya tuparin ang pangarap nito. Alam niyang wala na ito at hindi na nito masisilayan ang kanyang effort. Pero nandito pa siya, may magagawa pa siya at may maabot pa siya. Gagawin niya ang lahat para matupad ang kagustuhan nito. Isa pa, hindi masama ang hangarin nito. Bagkus ay isa iyong napakalaking tulong para sa mga estudyante na nais lawakin ang kanilang kaalaman.Kinalkula niya ang kanyang mga bayarin.Noong unang trabaho niya kay Mr. Almonte ay binigyan na kaagad siya nito ng limang daang libo. Bukod pa roon ay may natanggap pa siya galing dito nang bumisita sila kay Lolo Faustino. Kung susumahin ang lahat ng naipon niyang pera, lagpas na iyon ng limang daang libo. Nabawasan naman iyon nang nagbyad siya ng hospital bill ng kanilang Ina. Kumuha rin siya ng tagabantay rito at hindi pa kasali roon ang mg
"Babe, sino siya?" tanong pa ni Raine habang nakatingin sa leeg ni Crassus. Alam niya kung sino ang babaeng kaharap niya. Hindi naman siya tanga at hindi rin naman siya inosente pagdating sa pag - ibig. Alam niyang balak pagselosin ni Mr. Almonte si Tia kaya hahayaan niya na ito ang unang gumawa ng hakbang. Sasakyan lang niya ang trip nito. After all, she's just a tool. Binibigyan siya nito ng pera para gawin siyang kasangkapan nito. Kung tutuusin ay may kasalanan pa siya rito. Nagsinungaling siya at hindi pa siya sumipot sa itinakdang oras ng kanilang plano. Para makabawi ay susunod siya sa gusto nito. Nang maibsan din ang galit nito. Pinulupot ni Raine ang kanyang kamay sa leeg ni Crassus dahilan upang mas magkalapit ang kanilang mukha. Ramdam na rin ni Raine ang hininga nito sa kanyang pisngi. "I miss you too. Bakit ngayon ka pa dumating? Sa'n ka ba galing?" Sunod - sunod natanong pa ni Crassus. Mahinang tumawa si Raine. Sinadya pa niyang palandiin ang kanyang boses par
"You heard me.""P-pero --""What?" Pagputol ni Crassus sa sasabihin ni Raine. "Look, mag - asawa tayo sa mata ni Lolo. Kung hindi ka titira rito, how will I explain it to him?""Pero kasi..." Napipilan siya. "Paano naman iyong bibig ng ibang tao? Iyong makakakita sa atin?""Mas importante si Lolo. I don't care about other people," he hissed. What do you want? Na iisipin niyang nag - aaway tayo o may isa sa atin ang nagloko kaya bumukod ka ng ibang bahay? Ayoko ng gulo."Natahimik si Raine. Tama naman kasi ito. Isa pa, kapag hindi siya rito titira ay hindi tatagal ay tiyak na mabubuko sila. May edad man ito pero matinik pa rin ito. Lalo na at ilang taon nito naging gamay ang propesiyon nito. Medyo malaki na rin ang pera nilabas nito. Ayaw siguro nito na mabulilyaso sila lalo na't ang dami na nitong ginastos. Nagliwanag ang kanyang mukha nang may maalala siya. "Sige," pag - sang - ayon niya. "Pero kailangan ko ng mas malaking pera," diretsahang sabi niya rito.Nahinto sa pag - aayo
PAGDATING NG ARAW NG LINGGO ay humingi si Raine ng pahintulot kay Crassus. May klase siya at kailangan niyang umattend. Pumayag naman ito. Habang tinatahak niya ang corridor ay may nakasalubong siya. Bumagal ang kanyang paglalakad nang makilala niya kung sino ito."Sasha?" pagtwag ni Raine sa pangalan nito. Tinitigan siya nito. "Hi." Bahagya niyang iniangat ang kanang kamay. "Kasali ka rin pala? Hindi kita nakita noong unang pasok ah?"Hindi maiwasan ni Raine na makaramdam ng pagkailang. Alam niyang may tampo pa ito buhat ng siya ang matanggap ng kompanya."Hmmm. Kakapasok ko pala sa isang kompanya nitong nakaraan kaya noong wednesday pako nakapag - signed up para sa training class." Ininom nito ang dalang kape."Nakahanap ka ng ibang trabaho?""Oo." Tumango ito ng isang beses. "Tinulungan ako ni Mr. Almonte. Isang CPA firm ang pinasukan ko at mas doble ang sweldo roon kompara sa Forgatto. Kapag naipasa ko ang CPA Exam, automatic akong maging accountant sa firm nila."Bahagyang hum
"Come on, I'll treat you some food." Romano stretched out his hand, planning to embrace Raine.Bago pa dumapo ang mga braso nito sa balikat niya ay umigkas na ang kanyang kaliwang kamay sa pisngi nito. Ubod lakas niya ito sinampal dahilan upang pumaling pakaliwa ang mukha nito.Naglikha iyon ng ingay. Hindi ito gumalaw ng ilang segundo. Tumawa ito ng nakakaloko. Lumingon ito sa kanya at nang titigan siya nito ay tumahimik ito. Bigla ay nanlinsik ang mata nito habang unti - unting bumakat sa pisngi nito ang latay ng kanyang kamay."You dare to hit me and you don't have respect. Kilala mo ba kung sino ang binabangga mo?" mayabang na ani pa ni Romano. Mula sa malayo ay ramdam ni Sasha ang galit ng kanyang kapatid. Umangat ang gilid ng kanyang labi nang naulit sa kanyang tainga ang nangangalit na boses ni Romano. Lihim na nagdiwang ang kanyang puso. Alam niyang may mamumuong away sa pagitan ng dalawa. Naisip niya palang na masasaktan si Raine ay humihiyaw na sa tuwa ang kanyang puso.Bi
"Napaaway? Siya?" Bulalas ni Crassus habang hawak ang aparato na nakadikit sa kaliwang tainga nito. "Sige, papunta na po ako. Thank you." Sabay baba ng cellphone.Tinapon niya sa mesa ang aparato. Nameywang siya.Ilang beses na tinapik ng kaliwang paa niya ang sahig. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Tama ba iyong itinawag ng Pulis? Ani nito ay nasa presinto raw ang kanyang asawa dahil nasangkot ito sa isang gulo. Tinawagan siya nito dahil hindi raw makakalabas ang kanyang asawa hangga't walang magpipiyensa rito.Nang sinabi iyon ng Pulis ay kamuntik nang hindi makapagpigil ang kanyang bibig. Gusto niya sanang tanungin ulit ito kung sigurado ba ito. Pero naisip niya na hindi naman siguro tatawag ang Pulis para lang manloko.Ito ang unang pagkakataon na narinig niyang napaaway ang si Raine. Ano naman kaya ang dahilan nito?Sa kagustuhan na malaman ang lahat ay kinuha ni Crassus ang itim na coat na nakapatong sa swivel chair. Dinampot niya rin ang kanyang cellphone. Nang ma
NAKITA NI RAINE ang mga butil ng ulan na pumapatak sa ulo nito. Bumagal sa kanya ang lahat. Maging ang pagpatak ng tubig sa likod nito ay iba ang epekto sa kanya.Nang mapansin niyang kamuntik ng tumama ang bagpack sa ulo nito ay nagising siya sa katotohanan. Napailing siya.Tinignan niya ito. "Ayaw mo talagang magtakip?" pagsegunda pa niya nang hindi ito sumagot sa una niyang tanong. "Paano kung magkasakit ka?"Bahagyang kumunot ang noo nito. Lumingon ito sa kanya. "Papasok din naman tayo sa kotse. Malapit lang din naman ang lalakaran natin. Hindi naman tayo masyadong mababasa," pangatuwiran pa nito."Kahit na," untag pa ni Raine. Hindi ito kumibo. Wala siyang magawa kung hindi hayaan nalang ito.Dumaan ang ilang minuto ay narating nila ang parking lot. Kaagad na binaba ni Raine ang hawak na bagpack.Napaayos siya ng tayo nang makita niya sa gilid ng kanyang mata na nauna ng naglalakad si Crassus. Sinundan na naman niya ito.Nakapamulsa pa rin ito at hindi man lang ito nagpunas ng
NAMILOG ANG MATA NI RAINE nang maanalisa kung sino ito. "Thaddeus!" Palahaw niya sabay turo sa lalaki. Ngumiti ito dahilan upang lumantad ang pantay at maputi nito na ngipin. "Hi.""Hi." Ngumiti siya. "Sino'ng hinahanap mo? Ako ba?"Itinaas ni Thaddeus ang dalawang lunch box na hawak. "Napag - utusan lang. Pinapahatid ng sister - in - law ko." Inilibot nito ang paningin sa loob ng apartment. "Hindi ko alam na pareho lang pala kayo ng tinirhan ng kapatid niya. Pagkakataon nga naman."Mula sa kwarto ay lumabas si Diana. Nang makita niya ang isang panauhin na nasa bukana ng pinto ay saglit siyang natigilan. Dahan - dahan siyang naglakad papunta sa pinto."Raine? Sino iyan?"Napalingon naman si Raine kay Diana. Nilakihan niya sa pagbukas ang pinto at binigyan ng espasyo ang kaibigan. "Si Thaddeus. Siya pala ang inutusan ng Ate mo."Pinagmasdan ni Diana ang lalaki. Napatingin siya sa hawak nito. Naglakbay ang kanyang paningin papunta sa mukha ng lalaki.Pilit na itinago ni Raine ang kanya
SA TAKOT NI RAINE NA MA - SCAM ay inaya niya si Diana na samahan siya. Ito kasi ang kauna - unahan niyang pakikipagsosyo kaya takot siya na baka may mangyari'ng hindi maganda. Pumayag naman ito kaya lang, hindi na matigil ang bunganga nito."Bakit hindi si Mr. Almonte ang ayain mo?" takang tanong pa ni Diana. "Kung tungkol man sa pakikipag - negosasyon, Raine. Mas mabuti pang siya ang isama mo. At saka lalaki siya, anong magagawa ko kapag may nabukulan tayo? Saan aabot ang kamao ko sa isang scammer?"Napapadyak si Raine. "Ikaw kasi ang gusto ko."Nameywang si Diana. "Bakit ba kasi? Nandiyan nga naman iyong syota mo."Pinandilatan niya ito ng mata."Ano? Mag - dedeny ka pa?""Iana naman."Marahas na napakamot sa ulo si Diana. "Oo nga, sasamahan kita. Pero kasi, di ko ma gets. Bakit ako?" Tinuro pa nito ang sarili. "Na may kilala ka naman na magaling sa negosyo, at mayaman pa. Kung tungkol lang naman sa pagsama, pasok sa criteria si Mr. Almonte nu! De hamak na mas kaya ka niyang protekt
PARA IBAHAGI ANG MAGANDANG BALITA AY TINAWAGAN ni Amalia si Raine. Eksakto naman na papauwi na sa apartment si Raine dahil kakatapos lang niya sa trabaho. "Raine? Hija?" Bungad kaagad ni Amalia nag sagutin na ni RAine ang tawag niya. "May ginagawa ka ba?""Papauwi pa lang po ako ng apartment, Tita. Kakalabas ko lang po sa elevator." Napatingin siya sa suot na relo. Nakita niyang alas singko - bente pa lang ng hapon. "Napatawag ka po, Tita. May problema po ba?"Tumikhim muna si Amalia sa kabilang linya. Habang hawak ang telepono ay napatingin siya sa kanyang asawa na nasa kabilang sofa. Nakatitig din ito sa kanya. Tumango pa ito ng isang beses at sumenyas pa ng okay sign.Simula nang pumanaw ang kanilang anak ay mas lalong napalapit ang kanilang loob sa dalaga. Kung anuman ang plano nila tungkol kay Ulysses ay gusto rin nila na updated ito. "Hija, ano kasi. May sasabihin sana kami sa'yo."Bumagal ang paglalakad ni Raine. "Ano po iyon?"Tumingin ulit si Amalia kay Apollo. Saka pa ito
NAGLIWANAG ANG MUKHA NI AMALIA. Ngumiti siya at lumapit kay Crassus. Iniumang niya ang kanang kamay para kamayan ito. "Ako nga pala si Amalia. Ako ang Mama ni Ulysses." Tumaas ang kilay ni Crassus. Biglang kumurba ang kanyang labi. Sumilay roon ang isang tipid na ngiti. Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "Ignacio Crio po." Pagpakilala niya sa ibang pangalan. Hindi naglaon ay siya ang naunang nagbawi ng kamay. "Matagal ko na po kayong gusto makausap. Gusto ko po sanang mag - sponsor ng kompyuter para sa mga batang tinuturuan ni Ulysses dati. Kaso lang ay hindi natuloy." "Talaga, Hijo? Kung ganoon ay pasok ka muna." Lumapit si Amalia kay Crassus at hiniwakan niya ang kanang braso nito. Iginaya niya ito papunta sa loob ng kanilang bahay. Hindi mawala - wala ang ngiti ni Tita Amalia. Kahit nang pinaupo niya sa sala si Crassus ay malaki pa rin ang ngiti niya. Simula noong pumanaw ang kanyang anak na si Ulysses ay ninais niya na mapalapit sa mga kaibigan nito. Gusto niyang
KINABUKASAN, HALOS TUMAYO ANG BALAHIBO SI RAINE dahil sa ibang pakikitungo ng mga empleyado sa kanya. Kasalukuyan niyang tinatahak ang hallway kaya hindi maiwasan na may makasalubong siya.Iyon nga lang ay parang lumikot ang paa niya nang makita ang asal nila. Gusto niyang tumakbo pero nahihiya naman siya. Nakakailang kasi ang kilos nila. Kung malakas lang talaga ang kanyang loob ay napagsabihan na niya ang mga ito. Minsan kasi ay kinikilabutan siya kapag alam niyang nagpapakitang - tao lang ang isang empleyado. Lalo na kung napaplastikan siya.May iba pa na kapag lilingon siya ay kusa silang ngingiti. Sobrang pilit pa at labas talaga ang lahat ng ngipin na para bang mapupunit na iyong labi. Parang mga de - remote ang mga emosiyon nila. Ang bilis na magsipalit ng mga nararamdaman. Parang noong isang araw lang ay inulan siya nito ng kutya at pang-iinsulto. Ngayon naman ay yumuyuko pa ang ilan sa mga ito. Kulang nalang ay halikan nito ang dinadaanan niya. Nang makapasok siya sa office
DALA NG EMOSIYON AY UMAKYAT SI CRASSUS sa pangalawang palapag ng bahay. Pumunta siya sa kanyang kwarto at doon ay nagpasiyang magkulong. Pagkabukas niya ng pintuan ay tumambad sa kanya ang tahimik na kwarto. Gamit ang kanang kamay ay pinihit niya ang siradura nang hindi inaalis ang paningin sa kabuuan ng silid. Pagkalagapak ng pinto ay umugong ang tinig nito. Nanatili siyang nakatayo.Nang mahagip ng kanyang paningin ang kanilang higaan ay napameywang si Crassus. Ewan niya pero mayroon siya naramdamang kakaiba roon. Lalo na nang maalala niya na minsan na silang magtabi kung matulog ni Raine. Napadpad ang kanyang paningin sa conjoint room. Nilapitan niya ito at binuksan ang pinto. Nabungaran niya ang kanyang office room. Lumapit siya sa swivel chair at nang nasa harap na niya ito ay tumalikod siya. Dahan - dahan siyang umupo sabay kawala ng isang buntonghininga. Naitakip niya ang dalawang kamay sa kanyang mukha. Nang mahimasmasan ay sumandal siya sa swivel chair.Hindi malaman ni Cra
HINDI NAKAPAGPIGIL SI LOLO FAUSTINO kaya hinubad niya ang suot na reading glass. Nilapag niya ito sa mesa na katabi mismo ng kanyang inupuan na sofa. Tumayo siya at lumabas ng kanyang kwarto.Tinungo niya ang kanyang apo. Bitbit ang cellphone ay naglakad siya papunta'ng sala kung saan nakatambay ang kanyang apo. Inabot siya ng ilang minuto para makababa lang doon dahil sa kanyang kabagalan dulot na rin ng kanyang katandaan.Nang makalapit na siya rito ay kaagad siyang nagtanong. "Kailan ba babalik si Raine? Sampung araw na siyang hindi umuuwi rito, Crassus. Mind telling me?""What did she tell you?" Crassus was flipping through a financial magazine.Dahan - dahan umupo sa sofa si Lolo Faustino. "She send me photos of the South City. Sinabi niyang mahirap ang kanyang hinawak na account kaya hindi niya alam kung kailan siya makakauwi. Hindi mo ba mapaki - usapan ang kanyang leader? Alam kong bawal siyang isturbuhin sa kanyang trabaho pero intindihin mo naman sana ako. Kapag hindi ko
"Where is your brain, Ms. Potterton? Alam mo ba kung anong gulo ang ginawa mo?" Naka - ekis ang dalawang braso ni Direktor Zaragosa habang binato ng masamang tingin si Diana. Siya naman ay nangitngit ang loob dahil sa panenermon ng kanyang Direktor.Gaya ng sinabi nito ay pumunta siya sa opisina. Alam na niya na tatalakan siya nito kaya hinanda na niya ang sarili. Hindi naman niya inaasahan na pagkaupo palang ay makakatikim na siya. Akala niya kasi ay may opening speech pa ito, iyon pala ay iba ang opening nito. Walang paliguy - ligoy na inisang bagsak nito ang panenermon sa kanya."Alam kong ipinagtanggol mo lang ang kaibigan mo pero hindi sana ganito ang ginawa mo. I know you are smart but I did not expect that you will do this dense moves. Posting on the forum? For what? Para makaani ka ng simpatya sa mga empleyado? Napabuntonghininga si Direktor Zaragosa."Totoo naman ang sinabi ko, Ma'am. Talagang hindi lang ako nakapagtimpi kanina dahil naaawa ako kay Raine.""Pero hindi ito an
Kunin mo. Wala ako parati sa tabi mo para protektahan ka."Napatingin si Crassus sa mga mata ni Raine."Pansin ko kasi na hindi ka gumagamit ng payong kapag umuulan. Paano kung magkasakit ka?"Nilahad ulit ni Raine ang payong sa harap nito. Nang makitang hindi gumalaw ang mga kamay ni Crassus para kunin ang payong ay nagsalita ulit siya. "Mr. Almonte, iniisip mo siguro kung bakit kita binibigyan nito. Sa tuwing umuulan po kasi, naalala lang po kita. Hindi ka po kasi mahilig magkapute. Kaya binilhan kita nito." ani pa niya. Sumilay ang magandang ngiti sa labi ni Raine. "Espesyal po ang payong na ito. Pinasuyo ko pa ito sa dati kong classmate na nag - aaral sa abroad. Hindi po ito cheap. Mariotalarico ang brand nito. Galing pa ito sa ibang bansa. Pinasadya ko talaga ito para sa'yo.""Specially for me?" Crassus took the umbrella.Tinitigan niya ang payong. Itim ang kulay nito at walang ibang kulay na nakahalo. Nang dumako ang kanyang mata sa handle nito ay bahagyang napatagilid ang m