Share

Chapter 4

Author: Aceisargus
last update Last Updated: 2024-11-14 14:31:13

PINAKIRAMDAMAN NI CRASSUS ang dalaga kung tama ba ang hula niya. Naisip niya kasi na baka may motibo nga ito nang matulog siya sa hotel.

Hindi niya pa rin maalala kung paanong napunta sa kwarto niya ang cellphone nito. Sinadya niya pang sumakay ng bus para sana komprontahin ito. Pero nang makita niya ang puyat nitong mukha ay umurong ang kanyang bayag.

Hindi naman siya masamang tao para hindi maawa rito. Kaya pinalabas niyang napulot lang niya ang cellphone nito.

Nang pasimple nitong tinanggihan ang kanyang alok ay namangha siya. Of course, she will regret it in the future, pero bago niya magawa iyon ay sisiguraduhin niyang mapapahamak ito. Sisiguraduhin niyang pagsisihan nito ang ginawa nitong panloloko sa kanya.

Hindi na bago sa kanya ang ganitong taktika. Talamak na ang ganitong pamamaraan sa mga babaeng nakasalamuha niya. Hindi na rin bago sa kanya ang ‘playing hard to get’. Sa dinami – dami ba namang mga babae na nagkadarapa sa kanya ay halos araw – araw na siyang nakaharap sa ganitong senaryo.

Pero hindi siya magpapatangay rito. Ayaw niya ng kahihiyan at mas lalong ayaw niya ng gulo.

“Okay, then you can go.” He drove her away in a cold – tone.

Bumalik sa opisina si Raine. Napaisip ang dalaga. Ba’t parang nahimigan niya sa tono nito ang panlalamig? Pero hindi naman ito mukhang galit kanina. Pero nakita niyang tumaas ang kilay nito. Hindi nga lang niya matumbok kung ano ang dahilan nito.

‘Pero hindi ko na dapat isipin ang alok nito. Tinanggihan ko na siya kanina at hindi ko na iyon problema pa.’ Ani pa ni Raine sa kanyang isip.

Ang pinakamahalaga ngayon ay makapagtrabaho pa siya sa kompanya nito. Hindi pa siya nakahanap nang mas magandang treatment at offer kaya gusto niya munang mamalagi rito.

Sa kasagsagan ng kanyang pag – iisip, nakatanggap siya ng mensahe. Galing ito sa kanyang kapatid na lalaki.

Brother hu?: Ate, sabi ng doktor ay kailangan mo raw pumunta ng ospital mamayang alas kuwatro ng hapon.

Iyon ang nakasaad sa text nito.

Nalukot ang mukha ni Raine. Kaya nag – reply siya sa text nito.

‘May trabaho pa ako hanggang alas kuwatro.’

Saka niya iyon sinent. Huli na ng maisip ni Raine na walang kwenta pa na nag – text siya rito dahil pasado alas tres na nang hapon. Napabuntonghininga siya.

Napakamot siya sa kanyang ulo. Magaling siya sa kanyang trabaho. Katunayan nga ay parati siyang napupuri ng mga kanyang mga kasamahan. Kahit ang kanilang superior ay humahanga sa kanya.

Pero nitong nakaraan lang ay napapadalas ang paghingi niya ng leave. Kahit na undertime ang madalas sa ginagawa niya ay hindi pa rin magandang pakinggan dahil intern palang siya sa kompanyang ito. Ngayon na may importante siyang lakad ay nahihiya na tuloy siyang humingi ng pahintulot.

Paniguradong mapagsabihan siya ng kanilang Direktor.

Walang magagawa si Raine. Sinubukan niya pa rin, at kagaya nga ng inaasahan niya. Hindi ito naging madali.

“Sige, papayagan kitang umalis ngayon dahil magaling ka naman talaga sa iyong trabaho. Pero napapadalas na ito, Hija. Kung aalis ka, ano na namang ang isusulat ko sa record mo? Na magaling ka nga sa trabaho pero madalas kang umuwi ng maaga? Gusto mo ba iyon?” I thought you want to stay in the company?” Saad pa ng Direktor nila na si Ma’am Vien.

“Direk.” Panimula pa niya. “Oo, gusto ko ng magandang record at gusto ko pang magtrabaho sa kompanyang ito pero kasi …” Nagdadalawang – isip siyang magbigay ng dahilan. “A-ano p-po kasi, importante po itong lakad ko ngayon.”

Napabuntonghininga ito. Napahilot ito sa sentido nito.

“Babalik po ako mamaya para tapusin ang trabaho ko. Mag – oovertime po ako mamaya, Ma’am,” pagsegunda niya pa.

Hindi ito nagsalita. Mayamaya pa ay naglaro ang daliri nito sa ibabaw ng desk nito. Napangiwi siya nang marinig na naman niya itong bumuntonghininga.

“Okay, but just like you what you said. You have to do the overtime,” she said with a finality in her voice.

Nakahinga nang maluwag ang dalaga. Gusto niya pa sanang pumalakpak pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Naalala niya kasi ang ugali nito.

Kinagat niya ang kanyang labi para mapigilan niya ang sarili mula sa pagngiti.

“Noted Ma’am, thank you.” Magiliw niyang ani sa kanilang Direktor. Tumayo siya. “Aalis na po ako. Maraming salamat po ulit.”

Tatalikod na sana siya nang pigilan siya nito. “Wait.”

Natigilan si Raine. Lumingon siya sa kanilang Direktor. “Yes, Ma’am?”

Her Director blinked. “ I hope you don’t mind but I want to ask. Saan ang punta mo ngayon? Just so know you, you’re putting me on a tight spot so better tell me. Baka magtanong ang mga kasama mo. Ayaw ko lang isipin nila na pinapaboran kita.”

Napatango siya. “Bibisitahin ko lang po ang Mama ko, Ma’am.”

Tumaas ang kilay nito. “Sa oras ng trabaho, bibisitahin mo? Hindi ba siya makapag – antay?”

She gulped. “My mom is in the hospital, Ma’am.”

Nakita niyang natigilan ito. Hindi pa ito makatingin sa kanya ng diretso. Mayamaya pa ay narinig niya itong tumikhim.

“You may go.”

“Yes, Ma’am,” she said in a respectful way.

Hindi na siya lumingon pa.

Ito ang isa mga dahilan kung bakit ayaw niyang mawalan ng trabaho. Nasa kabila ng pagiging graduating student niya ay pinili na niyang kumayod para magtrabaho.

Matagal ng nakahimlay sa ospital ang kanyang ina dahil sa isang malubhang sakit. Dalawang taon na itong nanirahan doon, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising.

“Ms. Villanueva, hija. I’m sorry but I have to say this. You have to pay your mother’s hospital bill. May dala ka bang pera ngayon?” Tanong pa ng Doktor ng mama niya nang maka – usap na siya nito sa ospital.

Dr. Anabel Riacrus is her mother’s old doctor. Simula nang matuklasan nila ang sakit ng kanyang ina ay isa na ito sa humawak ng kaso. Sa haba ng panahon na naging Doktor ito ng kanyang ina ay napalapit na ang kanyang loob dito.

At alam din nito nasa kanilang dalawa ng kanyang kapatid, siya ang nag – aasikaso sa kanilang ina. Alam din nito ang kanyang estado ngayon.

“H-hindi pa po.”

Napatungo ang dalaga. Paano at hindi na niya makayanan ang nararamdamang hiya.

“Then you have to do something. Alam mo ang patakaran ng ospital, Hija. If this will continue, they will have to take measures.”

“Opo.” Sabay tango ng paulit – ulit.

Napabuntonghininga ang Doktora. Tinapik nitong ang kanyang balikat. “I have to do my rounds. Maiwan na muna kita, Hija.”

“Sige po.”

Saka siya nito iniwan. Tinanaw niya ito ng tingin habang naglakakad ito ng palayo sa kanya.

Kinalikot ni Raine ang kanyang kuko. Napayuko siya. Parang gusto na namang sumungaw sa kanyang mata ang isang likido na ayaw niyang lumabas. Kaagad niya itong pinahid. Pinihit niya ang door knob ng kwarto.

Nabungaran ng dalaga ang kanyang ina na mahimbing pa rin sa pagtulog. Kagaya ng dati ay nakakabit pa rin sa ilong nito ang oxygen.

Pinilit niya pa ring ngumiti kahit na mabigat ang kanyang dibdib. Ayaw niyang humarap dito na malungkot siya.

Kinausap niya ang kanyang Ina. “Hi, Ma.” Nilagay niya sa upuan ang kanyang dalang bag. Lumapit siya rito. “Kamusta na po?” Sabay hawi ng buhok nitong nakatabing sa noo nito.

Mapait na ngumiti ang dalaga nang wala siya makuhang sagot dito.

Hindi naman talaga ganito ang buhay nila. Napakasaya nila kung tutuusin. Sila ang tipikong pamilya na kumakayod sa araw – araw pero hindi naman naghihikaos sa buhay.

Isang manager ang kanyang Ama sa isang construction site. Katulad ng ilan ay maayos ang takbo ng trabaho nito. Maayos ang sweldo, masayang kasama ang katrabaho. Bagamat minsan ay uuwi itong pagod at puyat, hindi ito nakalimot sa responsibilidad nito bilang 'Haligi ng kanilang Tahanan.'

Hanggang sa maaksidente ito sa pinagtrabhuan nito. Doon nagsimula ang dagok sa buhay nila.

Napapikit si Raine nang maalala niya ang mapait na nakaraan.

Anim na taon na ang nakararaan nang mangyari ang isang malagim na aksidente sa kanilang pamilya. Ayaw man niyang balikan pero napapadalas ang pag – alala niya sa nangyari sa kanyang Ama.

Aksidenteng nahulog ito sa pinagtrabuan nito. At hindi lamang ito basta – bastang nahulog.

Alam ng dalaga kung saan patungo ang kanyang nararamdaman. Kaya tumayo siya at nagtungo sa cr.

At doon niya binuhos ang lahat, ang lahat ng bigat sa kanyang dibdib na matagal na niyang inipon at ikinadena.

Related chapters

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 5

    PAGKASARADO PALANG NIYA NG PINTO NG CR ay kaagad na siyang napasandal dito. Napahikbi siya. Kaagad niyang tinakpan ang bibig nang marinig niyang medyo napalakas ang kanyang pag - iyak. Napatitig sa kawalan si Raine. Kasabay nang kanyang pagtitig ay pag - alala ng nakaraan na pilit niyang binaon nang panandalian sa kanyang isipan. Anim na taon ang nakakaraan nang mangyari ang isang napakalagim na aksidente sa kanyang Ama. Napapikit siya nang maalala niya ang karanasan nito. Nahulog sa gusali ang kanyang ama. Mahigit dalawampung palapag ang kinabagsakan nito dahilan para hindi na ito mabuhay. Naisip niya pala kung gaano kataas ang kinabagsakan nito ay hindi niya maiwasang mapa - isip. Kung ano ang nararamdaman nito habang nahuhulog ito sa ere. Hindi ito naging madali para sa kanila, lalo na sa kanyang Ina. Malaki ang naging epekto nito kaya hindi naging maganda ang mental health nito. Dahilan para masuot naman ito sa isang car accident. May natatanggap naman silang kompensasyon

    Last Updated : 2024-11-20
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 6

    HINDI NA MAPAKALI SI RAINE nang marinig niya ang sinabi ni Dr. Riacrus. "Okay lang po ba siya?" "Yes, Dear for now. Huwag kang mag - alala, nagawa na namin ang emergency treatment. Pero hindi tayo dapat magpakampamte. Alam mo ang sitwasyon nang Mama mo, Hija. Sa ngayon ay stable na ang lagay niya. Natahimik siya. "Ms. Villanueva, are you still there?" "Y- Yes, Doc." "Good, and again I have to remind you of this. Dahil sa nangyari sa Mama mo kagabi ay may panibago na namang bayarin dahil sa mga nagamit na kagamitan at medisina, Ms. Villanueva. Medyo malaki ang naidagdag. Kailangan mong bayaran ito ng buo." "S- sige po. Hahanap po ako ng paraan." "I know you will but Hija, you have to pay it all at once. Although nagbabayad naman kayo noong nakaraan pero hindi iyon sapat, Hija." Hindi na naman siya kaagad nakasagot. Muli na naman niyang naalala ang malaking bill ng ospital. Nagkarambola na ang utak at ang puso niya dahil sa kanyang emosiyon. "Kung hindi mo ito mababa

    Last Updated : 2024-11-21
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 7

    NANG MAKITA NI CRASSUS si Mr. Villanueva sa harap ng kanyang opisina ay alam na niyang nagbago ang isip nito. Hindi naman ito pupunta sa opisina niya kung hindi iyon ang dahilan. Lalo siyang nakaramdam ng dismaya. He overestimated her. Playing hard to get is one of her own abilities.Bakit pa siya masusurprisa. Natural na sa kauri nito ang maglaro ng ganoong taktika. Hindi na iyon bago.Naging alerto si Raine. Tumayo siya nang makita papalapit na ang kanyang amo."Good morning Mr. Almonte," she greeted him in a flattery tone."Not as early as you." Then he opened the door.Muntik na siya mapaurong dahil sa paraan ng pananalita nito. Pinagmasdan niya ito sa loob ng opisina. Umupo ito sa office chair at binuksan ang kompyuter. May pinakli pa ito na documents na para bang wala siya sa harap nito. "Get in."Naging hudyat iyon para sa kanya. Pero hindi siya umupo. Nahihiya kasi siya kaya pinili nalang niya na tumayo sa harap nito."What do you want?" Crassus cold and non - chalant voic

    Last Updated : 2024-11-21
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 8

    NAPATITIG NA LAMANG si Raine sa kanyang cellphone. Kumurap siya ng isang beses nang mabasa niya ang pangalan nito sa facebook account.Hindi niya alam pero iba ang dating sa kanya nang mabasa niya ang buong pangalan nito. Nakikita naman niya ito sa opisina pero iba pa rin kapag nakapaskil na ang pangalan nito sa kanyang aparato.Crassus Adam Almonte, buong pangalan pa lamang nito ay malalaman mo ng high profile ito.Kanina kasi ay hiningi niya ang fb account nito. Hindi ito umimik kaya akala niya ayaw nito ibigay. Sa halip ay ang fb account niya ang hiningi nito. Akala pa niya noong una ay wala lang iyon. Pero ito siya ngayon, nakatitig pa rin sa aparato at tila hindi makapaniwala na nag - send ito ng friend confirmation sa kanya. Tinanggap niya ito. Nagbigay na nang notification ang account niya na magkaibigan na sila. Tinignan niya ang profile nito. Napataas ang kilay niya nang mapansing halos wala masyadong laman ang profile nito. Hindi rin ito pala - post. Maliban pa roon, kaun

    Last Updated : 2024-11-23
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 9

    HINDI PA BAYAD ang hospital bills ng Mama ni Raine kaya nabagabag ang loob niya. Sa tuwing uupo siya ay bigla na naman siya tatayo na para bang nakasalang sa apoy ang kanyang puwetan. Pumapatak ang oras at mas lalong hindi siya mapalagay. Ngayon kasi ang huling araw na ibinigay na palugit.Pasimple niyang nilingon ang office ng Financial Director nila. Sumilip siya mula sa wall glass ng opisina nito.Wala pa ito sa swivel chair nito. Hindi pa ito nakabalik mula sa group meeting. Hula rin niya ay kasama rin nito sa meeting si Mr. Almonte. Kung nagkasama man ito, malamang ay aabutin pa ito ng ilang oras bago pa matapos ang pagpupulong.Hindi ito ang tamang oras para mag - send ng messages dito. Baka mainis pa ito at magbago ang isip kung inaapura niya ito. Mauunsiyami pa ang kanyang pera.Kaya nag - antay nalang siya.Natapos ang overtime bandang alas dies na nang gabi. Parang lantang gulay na naglakad ang dalaga patungo sa elevator. Pagbukas nito ay nabungaran niya ang kanilang amo. Na

    Last Updated : 2024-11-24
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 10

    UMINIT ANG ULO NI RAINE dahil sa sinabi ng kanyang kapatid. Kaya pala pumunta ito sa ospital ay dahil siya pala ang sadya nito. Akala pa naman niya ay ang Mama talaga nila ang pakay nito. Nanghihimutok na nga siya kanina dahil hindi ito masyadong dumadalaw sa Nanay nila. Sa totoo lang ay gusto niya itong pagsabihan. Gusto niya na tumulong ito sa pag - aalaga sa kanilang Ina. Hindi lang niya mabanggit dahil alam na niya ang sagot nito. Tapos ngayon na pumunta na ito rito, wala namang dala. Ni wala na ngang ginawa. Hindi pa ito nakuntento, inungkat pa nito ang kanyang nakaraan.Kaya hindi siya nakapagpigil. "Huwag na huwag mo siyang banggitin, Athelios! Wala kang karapatan!" Gitil na sigaw niya kahit nasa harap sila ng kanilang Ina.Nang makitang hindi nasiyahan ang kanyang Ate ay natahimik si Athelios.Isa iyon sa mapait na nakaraan ng kanyang kapatid. Naintindihan niya naman ito kung bakit ito nagagalit. Alam niyang mali siya sa part na inungkat pa ang nakaraan. Kaya hindi na niya

    Last Updated : 2024-11-25
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 11

    HINDI ALAM NI RAINE kung alam ba ng driver ni Mr. Almonte ang tungkol sa marriage agreement. Natatakot siya na baka marinig nito ang tungkol doon. Nasa papel pa naman na walang sinuman ang makakaalam sa kasunduan nila kaya naaalarma siya.Kaya kahit gusto niyang personal na isabi rito ang kanyang sadya ay pinili nalang niya na idaan iyon sa pamamagitan ng mensahe. Nang nasa kamay na niya ang aparato ay nabitin naman sa ere ang kanyang daliri. Hindi niya alam kung ano ang ititipa niya sa cellphone. Nag - aalangan siya, bukod roon ay nakakahiya rin ang kanyang itatanong.Sa kadahilanan na gusto niyang malaman ang totoo ay mabilis niyang tinipa ang cellphone. Baka magbago pa ang kanyang isip at hindi na naman niya magawa ang kanyang gustong itanong.'Kasali ba sa kasunduan natin iyong ano ...'DeliveredNarinig niyang tumunog ang cellphone nito. Mabagal pa nitong kinuha ang aparato kaya parang nag - slow motion sa kanya ang lahat. Bagay na ikinatibok ng mabilis ng kanyang puso.Napaayos

    Last Updated : 2024-11-27
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 12

    ALAS KUWATRO NA NG HAPON nang makarating sila sa La Costano, ang mansiyon na pagmamay - ari mismo ng Lolo nito. Bumulaga sa kanila ang isang napakalaking tarangkahan. Sa taas nito ay hindi na niya makita kung ano ang nasa likod. Yari ito sa isang kahoy na pinakintab ng isang varnish. Ang hawakan naman ng mismong gate ay sing kinang ng ginto ang kulay. Sa itaas naman nito ay may ulo pa ng toro na nakalagay bilang desinyo. Sa ibaba mismo nito ay nakalagay ang pangalan ng mansiyon. Tatlo kulay lang ang naglalaro sa gate; itim, kayumanggi at ginto. Kaya hindi niya maiwasang mapangmangha dahil napaka - elegante ng desinyo nito. Kusang bumukas ang malaking tarangkahan. Napakurap pa siya dahil wala naman siyang nakitang tao na nagpapasok sa kanila. Nakita lang niya ang driber na naglabas ng Id. Saka lang niya naanalisa na computer generated pala ang tarangkahan. 'Iba na talaga kapag mayaman' Kasalukuyan pa nilang tinatahak ang front lawn ng mansiyon. Muntik nang tumulo ang la

    Last Updated : 2024-11-28

Latest chapter

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 72 - You look tired

    "Don't want to do it anymore?" Kumuha siya ng sigarilyo at sinindihan iyon. Sinuksok niya sa bulsa ang lighter. Si Raine na nasa harap ay pinagmasdan lang siya.Natural lamang na magalit si Crassus dahil pinahiya siya ni Raine. Wala lang siya magawa noong oras na iyon dahil maraming empleyado ang nakatingin sa kanila. Umupo siya sa swivel chair."Hindi na, wala na tayong audience. Sayang naman ang effort ko," sarkastiko niya pang ani ni Raine.Hindi na siya nagpaligoy - ligoy pa. "Sa tingin mo ba, peke ang binili ko na payong para sa'yo?"Ngumisi si Crassus. "You're really smart." Pagkatapos ay bahagyang sumingkit ang kanyang mata."Peke o hindi?" Balik niyang tanong. Hindi naman ito sumagot at sa halip ay nagbuga lang ito ng usok ng sigarilyo. Hindi mapigilan ni Raine na sumama ang kanyang mukha.Hinugot niya sa kanyang bulsa ang cellphone. Hinanap niya ang convo nila ni Amiya.Lumapit siya kay Crassus at pinabasa niya rito ang convo nila."Noong nakaraang Biyernes, nagpadala ako

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 71 - Sleeping for him

    KINAGABIHAN, dahil sa magkahalong tampo at galit ni Raine ay hindi siya bumaba para maghapunan. Sa halip ay umalis siya sa kwarto nito at lumipat ng ibang kwarto para roon ay magmukmok.Mabuti na iyong hindi sila magkasama sa iisang kwarto. Hindi niya ata makayanan ang 'beast mode behavior' nito. Ngayon pa lang ay mababaliw na siya sa pagtrato nito sa kanya. Paano pa kaya iyong magkasama sila buong gabi?Baka anumang oras ay aawayin siya nito. Kahit na wala siyang ginawang masama rito. Umaarangkada na naman ang kamahalan nitong utak kaya nangangapa siya kung paano ito pakisamahan. Sa inaasta nito ngayon ay parang naghahanap ito ni katiting na butas para lang pasakitin ang damdamin niya.Matagal siyang humilata sa kama. Naglalakbay ang kanyang isip kung bakit tinupak na naman ang moody niyang asawa. Medyo maayos naman ito kausap kanina noong nasa hallway pa sila, pero bakit galit na naman ito?Noong parati naman itong galit at naiinis sa kanya noong nakaraan ay naiintindihan niya pa iy

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 70- The umbrella is fake

    "Crassus, why did you buy a fake umbrella?" Tia said while holding and staring at the umbrella in her hand.Kailanman ay hindi mahilig sa payong si Crassus kaya hindi niya alam kung ano ang mga sikat na brand nito. Ni hindi niya alam kung ano ang palatandaan kung peke o orihinal ang isang brand ng payong.Nang sinabi ni Raine na galing ito sa isang tanyag na pagawaan ang binili nito na payong ay hindi na siya nag - abala pang mag- research. Tinanggap na niya kaagad ito dahil wala naman masama kung tatanggapin niya ito."Ano?" tanong pa ni Crassus habang sinimulan nang paandarin ang kotse.Inilahad ni Tia kay Crassus ang hawak na payong. "This umbrella is fake. Someone cheated you, didn't they?" She even pretended to look at the umbrella.Manghang napatingin si Crassus kay Tia. "Talaga?""Oo." Tinuro pa ni Tia ang hawakan ng payong. "Kung original talaga itong payong na 'to, papalo sa seventy - five thousand ang bawat piraso nito. Ang presyo ay depende sa design at materials na ginami

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 69 -Grandpa pretended to faint

    KAPAPASOK PA LANG NI CRASSUS sa kwarto pero inulan na siya ng tanong ni Lolo Faustino."Nasaan si Tina? Nandiyan na ba siya?" tanong nito habang sinusundan ng tingin ang kanyang apo.Napabuntonghininga si Crassus. "Opo, nasa labas po siya, Lolo."Nagliwanag ang mukha nito. Napatingin ito sa pinto. "Kung ganoon ay bakit hindi pa siya pumasok dito?" Iniwasiswas pa nito ang kanang kamay. "Papasukin muna siya. Dalian mo.""Ako na lang po ang tatawag sa kanya, Lolo," ani pa ni Tia. Nang makita niyang nakasandal sa dingding si Raine ay nagpakawala ng isang pekeng ngiti si Tia. "Trabante lang talaga ang turing ni Lolo sa'yo. Kita mo nga, hinahanap ka niya." Tinuro pa nito ang pinto. "Pasok ka, hinahanap ka ni Lolo Austin."Pakiramdam ni Raine ay may mali. Sa pangalawang pagkakataon ay ito na naman ang nagpapasok sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na sabit lang siya sa pamilyang ito.Lumaylay ang kanyang balikat. Bahagya siyang napatungo, pero sinigla niya kaagad ang sarili. Naalala

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 68 - When is the divorce

    KAUNTI NA LANG AY MAPIPIKA NA SI RAINE kay Tia. Hindi siya tanga para hindi niya mapansin na ginagas - light siya nito, pero hindi niya ito bibigyan ng satisfaction. Alam niyang pinipikon at pinapaselos lang siya nito. Sa oras na papatulan niya ito ay masisiyahan lang ito dahil alam nitong naapektuhan siya, at kapag gagatungan niya ito ay gagawa na naman ito ng estorya. Baka siya pa ang mabaliktad.Kaya pinili niya ang mag - ingat. Lalo na at silang tatlo lang ang nandito. Tulog si Lolo Faustino kaya walang makakapagtanggol sa kanya kung gagawa na naman ito ng gulo. Walang ibang nakasaksi kaya madali lang para rito ang bumaliktad ng estorya."If something happened to grandpa, I really couldn't take care of it, but you are different. You can take care of everything, equivalent to half a nurse," Tia continued explaining.Ngumisi pa ito habang nakatingin kay Raine. Nilaro pa nito ang hibla ng buhok at pinaikot - ikot. Napataas ang kanyang kilay, tinitigan niya ang mukha nito. Hanggang sa

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 67- Mr. Crassus Adam Almonte and Miss Raine

    PAGKATAPOS NIYON, takot ng makipag - usap si Raine kay Crassus. Kahit na minsan ay sumagi ang lalaki sa isipan ay pinilit niyang kastiguhin ang sarili. Takot siya kung ano ang kaya nitong gawin, at takot siya kung anong mga salita ang lumabas sa bibig nito. Baka kung anong mga sekreto pa ang malalaman nito tungkol sa kanya, at kung saan - saan sila aabot. Sa susunod ay baka hindi na niya at bumigay siya. Ni hindi na nga siya makatingin ng diretso kay Crassus mula nang may ginawa ito sa pabrika. Ano pa kaya kung madagdagan pa iyon dahil lang sa nagalit ito sa kanya. Baka hindi niya kayang dispensahan ang kanyang sarili kapag nagkataon.Nang maaalala na niya ang ginawa nito ay uminit ang kanyang mukha. Napahawak tuloy siya sa kanyang leeg.Pagkatapos ng nangyari ay binalaan lang siya ni Crassus. Siya na naapektuhan sa ginawa nito ay tumango lang siya bilang sagot.Doon pa lang niya naanalisa na marupok siya pagdating sa lalaki. Kaunting lapit lang ng kanilang balat ay halos maghestiri

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 66 - why not me

    BINALOT SILA NG KATAHIMIKAN. Hindi na makatingin si Raine, habang si Diana naman ay nakatitig naman sa kanyang kaibigan. Si Thaddeus na pilit pinuproseso ang mga nalalaman ay hindi rin makapagsalita.Dalawang tao lang ang involve pero may kanya - kanyang haka - haka ang mga nakasaksi. Dahilan upang mas lalong nadugtungan ang kwento.Pakiramdam kasi ni Diana ay nagdududa si Mr. Almonte kung saan nakakuha ng malaking halaga na pera si Raine. Baka akala nito ay galing sa masama ang salapi'ng iyon kaya nakapagbitiw siya ng salita.Sensitive pa naman si Raine tungkol sa ganoon dahil nasa Finance Department ito. Hindi maiiwasan na mapagbintangan siya, lalo na kung nakakuha siya ng limpak - limpak na pera gayong wala naman siya sa mataas na posisyon sa kompanya. Mababa ang kanyang sweldo kompara sa may mga posisyon.Sa isang banda, nang marinig naman ni Thaddeus ang paliwanag ni Diana ay may naanalisa siya. He realized that Crassus didn't let him talk about their acquaintance, probably becau

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 65 - He knows everything

    "Raine!" Kinurot ni Diana ng bahagyang ang tagiliran ni Raine.Iniwaksi naman ng huli ang kamay niya. Tinapunan siya nito ng masamang tingin."Ano ba? Umayos ka nga? Boss pa rin natin iyan kahit papaano," pangangaral pa ni Diana."Alam ko. Huwag kang mag- alala dahil hindi niya gagawin iyan," malaki niyang kompiyansa sa sarili. Napaawang ang labi ni Diana.Hindi nagtagal, natanggap ni Raine ang reply ni Tita Amalia.[Oo, siya iyan. Ang gwapo niya 'di ba?]Para siyang isang kandila na unti - unting nauupos nang mabasa niya ang sagot nito. Kung ganoon ay tama ang kutob niya. May alam na ito. Ngunit may isa pa siyang tanong. Paano nito nalaman ang address nina Tita Amalia?Sandali niyang inisip ang diary ni Ulysses. Nabasa kaya ito ni Crassus?Para masagot ang kanyang katanungan ay nagpadala siya ng mensahe kay Manang Lena. Kahit na may pares ng mata na nakatitig sa kanya ay pilit niya nilabanan ang presensiya niyon.[Manang Lena, ikaw po ba ang nakahanap sa ID ko sa suitcase ko?]Hindi

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 64 Charm of the Heart

    SIMULA NOON, pinagsikapan ni Thaddeus na ibalik ang kabutihan na ginawa ni Crassus. Nagpapadala siya ng mga regalo rito. Kahit nga tuwing New Year at Christmas ay hindi siya pumalya na batiin ito. Kaya lang kapag nagpapadala siya ng regalo ay bumabalik ang lahat ng iyon sa kanya. Maging mga greetings niya sa messenger at hindi nito nirereplayan.Naisip niya na siguro ay hindi ito mahilig sa mga showy na regalo. Mayaman na ito at halos lahat ng atensiyon ay nakukuha nito. Isang pitik lang ng kamay at isang utos lang nito ay kaya na nitong makuha ang gusto nito.May nag - isip siya na ibang paraan kung paano ito suklian.Ito na ang kanyang pagkakataon na gantihan ito. Kung kailangan man niyang magpanggap na hindi niya ito kilala ay gagawin niya. Kaya naman niya iyon gawin. Kahit na nangangati ang kanyang kamay para replayan ang text nito. Hindi niya alam kung ano ang namagitan sa dalawa pero hindi ito ang tamang pagkakataon na sumawsaw siya. Marami pa naman na oras. Sa ngayon ay kailan

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status