Share

Chapter 5 - Revenge

"Anak, ikinalungkot ko ang mga nangyari sa iyo, hindi man lang namin nagawang ipagtanggol at damayan ka. Bakit hindi mo ipinaalam sa akin na gano'n na pala ang nangyayari?" kausap ko ngayon si mama at kaming dalawa lang. Ngayon niya lang nalaman ang kabuohang istorya nang nangyari sa akin, sa amin ni Guthrie maging ang ginawa ng kabit nito noon.

"Dapat nilang managot! Dapat makulong ng babaeng iyon! Ni minsan ay hindi kita sinasktan, maging ang mga kapatid mo kaya anong karapatan nila?!" umiIyak na ngayon si mama. Nasasaktan siya sanapit ko.

Oo, kailangan nilang managot pero hindi sa batas na alam nila– Dahil batas ko ang masusunod ang ako mismo ang sisingil sa kanilang dalawa!

'''Wag po kayong mag-alala, heto na 'ko oh. Ako pa rin po ang anak niyo," pag-alo ko kay mama.

"Mas gusto ko pa rin ang mukha mo anak, ibalik mo iyon! Paano ko magugustuhan iyang Mukha na iyan, eh, iyan ang naglapastangan sa iyo!"

"Shhh... Ma, Pasama lang naman po ito. Babalik rin po ang mukha ko. Mabubuhay pa rin ako bilang Annasity. May kailangan lang akong gawin, hmmn?"

"Basta anak, mag-iingat ka palagi? Kung kailangan mo kami ay narito kami. Sasampalin ka namin kahit anong mang mangyari."

Bigla naman nanubig ang mga mata ko. Ang sarap sa pakiramdam na maraming taong nagmamahal sa iyo. Sobrang saya ko ngayon dahil kumpleto kami kasama ang kambal.

"Hayaan mo, anak. Hinding-hindi malalaman ni Guthrie ang tungkol sa mga apo ko. Ayos lang kahit wala silang ama. Maraming nagmamahal sa kanila," madamdamin na saad ni mama.

"Thank you, mama. Na-miss kita, sobra!" Yumakap ako rito nang mahigpit dahil hindi pa ako kontento sa pagyayakapan namin kaminang magkakapatid.

"Ma, maiba ako. Tungkol pala kay daddy?"

"Ano naman ang tungkol sa kan'ya, anak?" nguniti mo nang nakakaloko. Alam kong kuha na niya ang ibig kong sabihin. Ako ay kinikilig sa kanila!

"Ay sus! Tigilan mo nga ako. Ano kami? Bata?"

"Eh, single naman kayo pareho, tsaka may sinasabi sa akin si daddy." Kunot noong bumaling naman si mama.

'Interesado rin naman pala!'

"Ehhh... 'wag na, kilingin ka eh," pang-aasar ko.

"Tigilan mo nga ako, Annasity! Tara na 't balikan na natin sila."

"Mahal na mahal ka rin niya, mama. "Natigilan naman ito sa paglalakad sana paalis. "Ikaw lang daw ang minahal niya mula noon. Hindi rin siya nag-asawa, para lang malaman mo," dagdag ko pa.

"Talaga ba?"

"Oo nga! Uy... Ikaw lang ang one and only ni daddy, ma. Alam mo, magiging masaya ako lalo kung binigyan mo siya ulit nang pagkakataon." Hindi naman umimik na si mama kaya hinayaan ko na lang muna. Alam kong iniisip niya pa ang mga nasabi ko.

Well, hindi rin naman siya susukuan ni daddy. Nag-usap na kami at na-excite ako nang sabihin nitong gusto niyang pakasalan ni mama.

"Sana ang tulad ni daddy ang nakatagpo. Ako na siguro ang pinaka ma-suwerteng babae sa mondo. Pero ayos lang, si mama naman iyon eh.

Habang nagkakasiyahan kami kina mama ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Mula iyon sa tauhan kong ibinigay sa akin ni daddy.

Wala na akong sinayang na oras. Dahil ka-agad ay nag-umpisa na akong maningil.

"Yes, hello. Anong balita?"

"Okay na boss. Nakuha na namin siya." Lumapad ang ngisi ko sa labi. Ngayon, ako naman ang makikipaglaro!

"Good! Bantayan ninyong mabuti ah? Tatawag ako kung kailan ako makakapunta riyan.."

"Okay po. Kami na pong bahala, boss. Tulog na naman siya hanggang ngayon." Napangiti ako. Dahil paggising niya ay ipaparanas ko sa kan'yang masisi kung bakit pa siya nagising.

"Sige na. Tatawag na lang ako ulit, bye!"

"Anak, kumilos ka na?" Tumango ako.

"Yes, dad. Ayon na nga raw at nasa hide out na. Maybe after two days ay pupunta ako ro'n."

"Magaling! Pero, anak. Mag-iingat ka. Hindi natin alam ang susunod naangyayari." paalala pa nito sa akin.

"Nakahanda ako, dad. Matagal na!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status