Share

WIFE SERIES : HIS IMPOSTOR MISTRESS
WIFE SERIES : HIS IMPOSTOR MISTRESS
Author: Katana

Chapter 1 - Annasity

Pinilit na bumangon kaninang umaga ni Anasity upang ipagluto si Guthrie ng agahan pero sobrang sama na talaga ng pakiramdam niya, siguro ay napagod lang ito kahapon sa paglilinis ng kanilang bahay. Wala kasi itong katulong, hindi naman sa ayaw ni Guthrie na magkaroon sila ng katulong. Siya lang talaga ang may ayaw dahil mas gusto nito na siya mismo ang nag-aasikaso sa asawa. Kaya naman nito umano at isa pa ay silang dalawa lang naman ang nasa bahay na niregalo pa sa kanila ng mga magulang ni Guthrie, ito raw ang wedding gift nila sa mag-asawa at nagustuhan talaga iyon ni Anasity dahil sobrang ganda!

Dati, kahit sobrang busy ni Guthrie sa office ay palagi nitong kinu-kumusta ang asawa kung kumain na ba ito, palagi niyang sinasabi na 'wag itong magpapagod sa gawaing bahay pero nitong nakaraan linggo ay napapansin ni Anasity na tila may nagbago sa kan'yang asawa. Med'yo mawawalan na kasi ito ng oras sa kan'ya, palagi na rin itong late kung umuwi. Sa mga nagdaang araw na iyon ay napapansin rin niya ang pagiging tahimik ng asawa, kapag tinatanong niya naman ay wala naman umanong problema. 'Yan ang palaging sagot nito sa kan'ya. Pagod lang umano ito sa trabaho kaya gano'n. Wala naman magawa siyang magawa dahil iyon na ang sinabi ng asawa.

'Matawagan na nga lang!'

Kinuha nito ang cellphone at agad na tinawagan si Guthrie. Baka kasi magpalipas na naman ito ng gutom. Nag-ring naman agad ang cellphone ni nito at ilang saglit pa ay sumagot na rin.

"Hello?" tinig nito sa kabilang linya kaya agad naman siyang napangiti.

"Baby," aniya.

"Baby, napatawag ka? May problema ba?" may himig nang pag-aalala sa tinig ng asawa.

"Ahm…wala naman. I just want to check on you if you already ate your lunch?" ang malambing na pagkakasabi nito sa asawa. Narinig niya naman na bumuntong-hininga ito.

"A-ah. Yes baby, kakatapos ko lang kumain. Ikaw kumain ka na ba?" anito.

"H-hindi pa, pero kakain na rin naman ako. M-med'yo masama lang ang–"

"Love, come on, let's eat," nadinig niya ang boses ng babae. Biglang may sumalakay na kaba sa dibdib nito nang marinig niya iyon.

'Easy Anasity! Wala lang 'yon! Baka may ibang kasama lang siya roon na mga kaibigan.' pagpapakalma nito sa sarili. Gano'n pa man ay nagtanong pa rin ito sa asawa.

"Guthrie, sino 'yong babaeng kasama mo?"

"H-ha? W-wala! Kasama lang ni Brix. Dito kasi sila nag-lunch nina Jared, ewan ko nga at biglang sumulpot ang mga ito eh!" saad nito sa kan'ya ngunit hindi pa rin nawawala ang alinlangan sa dibdib ni Anasity. Kinakabahan siya.

"Baby," tawag naman sa kan'ya ng kausap nang hindi namalayan ni Anasity na natulala na pala siya bigla.

"Hmmn?"

"Let's eat dinner outside. Uuwi ako ng maaga, okay? Babawi ako sa 'yo. I know nagtatampo ka na dahil nawawalan na ako ng oras sa 'yo lately. I'm sorry," hinging paumanhin nito sa kan'ya. Akala niya ay hindi nito napapansin na nakakatampo naman talaga ang pagbabago nito ngunit pilit niya na lang na iniintindi.

Bigla namang nanubig ang mata ni Anasity. naging emonsiyonal ito bigla, marahil ay na-miss lang talaga niya ang asawa kaya ganito.

"Talaga?!

"Yes. So, be ready when I get home. Aalis na agad tayo." Napatango naman siya na animo'y kaharap lang ang kausap.

"Okay, see you later," tipid na sagot ni Anasity dahil ang totoo ay kinikilig siya. Babawi kasi ang asawa niya at panalangin nitong maging maayos na sila muli.

"I love you, baby. See you later. I have to hung up para matapos ko na ang mga gagawin ko at maaga akong makauwi," paalam nito kaya magpaalam na rin siya.

"Okay, I love you too."

"I love you more. Wait for me, bye!" Nang naputol na ang tawag ay napapangiti na siya matapos makausap ang asawa. Nagtungo siya sa kitchen upang kumuha ng pagkain.

Hindi niya napansin na nakatulog pala siya at nagising na lamang nang alas singko, agad itong bumangon at agad na naligo. Bago mag-alas siyete ng gabi ay naroon na si Guthrie, kaya kailangan nakabihis na siya pagdating ng asawa. Nang matapos na siyang maligo ay agad na siyang nag-ayos at nakapagbihis na rin. Pababa na si Anasity ng hagdan nang bigla itong nahilo, mabuti na lang at napahawak ito sa railings. Umupo naman ito at pinakiramdaman ang sarili at mabuti na lang ay nawala naman agad ang pagkahilo niya at med'yo naging maayos na rin siya.

Nagtungo naman agad siya sa kusina upang uminom ng tubig, nanlalambot ito. Napatama naman ang paningin ni Anasity sa kalendaryo at agad na namilog ang mga mata dahil sa kung anong petsa na pala ngayon ngunit hindi pa rin umano ito rinaratnan. Mag-iisang buwan na pala itong hindi nagkakaroon.

"OH MY GOD!" bulalas nito. Kahit hindi pa niya nakukumpirma, alam niya. Sigurado siyang buntis na siya.

Sigurado talaga!

Ang masamang pakiramdam at biglang pagkahilo kanina ay senyales na talaga 'yon! Exited na siyang Ibalita niya ito sa asawa.

Narinig naman niya agad ang sasakyan ng asawa, alam niyang si Guthrie na talaga ang dumating. Ang maluha-luha niyang mga mata dahil sa sobrang saya ay agad niyang pinunasan. Inayos ang sarili bago nagtungo na agad sa pinto upang salubungin ang asawa habang may nakapaskil na matamis na ngiti sa labi.

Pagbukas ng pinto ay iniluwa naman na agad si Guthrie kaya agad niya itong sinalubong ng yakap.

'God! I really miss him so much!'

"Hi Baby, I'm ready." Yumakap din si Guthrie pabalik sa kan'ya kaya sumubsob pa siya lalo sa dibdib nito. Gusto niya itong amoyin dahil ang bango-bango. Naramdaman naman ni Anasity na humalik ang asawa sa kan'yang ulo kung kaya't napangiti naman ito, palagi kasi itong ginagawa ng asawa sa kan'ya.

"Hey, wait." pigil naman sa kan'ya ng asawa. "Baby, hindi mo ba nabasa ang message ko sa 'yo?" Napakunot naman ang noo niya sa tinuran ng asawa.

"Huh? Anong message? Hindi kasi ako tumingin sa cellphone ko dahil nang nagising ako ay agad na akong nag-asikaso. Kasi, 'di ba may lakad tayo?" sabi niya sa asawa.

"Oh, I'm sorry to tell you this, baby, but I have an urgent appointment as a new investors and hindi na puwedeng ma-cancel. It because, ngayon lang sila available," paliwanag pa nito sa kan'ya na ikinalungkot niya.

'Minsan na nga lang kami makalabas ng ganito hindi pa matutuloy. Nasasaktan ako, parang hindi ko matanggap kahit pa sabihin niyang importante ang mga iyon.'

Hinalikan pa siyang muli ng asawa sa noo at labi ngunit saglit lang. "Magbibihis lang ako, uuwi ako agad, pangako." Sinundan na lamang niya ito ng tingin habang patungo sa kuwarto nilang mag-asawa.

Si Anasity naman ay naupo sa sala habang masama ang loob. Hindi niya talaga matanggap na hindi sila matutuloy. Mayamaya lang ay nakabihis na ang asawa at pababa na ng hagdan. Sinuri pa niya ang kabuohan ng asawa at malayo pa lang ay langhap na niya ang pabango nito.

'Masiyado naman yata siyang nagpa-guwapo at mukhang naligo pa ng pabango.' Isip-isip niya.

"Baby, I have to go! See you later," hindi siya sumagot nang halikan siya nitong muli. Pinaramdam niya rito na masama ang loob niya. Ngunit parang wala lang sa iyon kay Guthrie tinalikuran na siya nito upang lumabas.

Hanggang sa marinig na lamang nya ang sasakyan nito paalis, wala sa sariling napatayo siya at napagtanto sa sariling sumakay sa kotse niya at agad na niyang sinundan ang asawa.

Sakto lang ang layo nito sa kan'ya, mabuti at hindi naman traffic. Patungong BGC Taguig ang way nito, doon siguro umano sila magkikita ng mga investors na sinasabi ng asawa. Hindi nagtagal ay nakarating na sila pereho, med'yo malayo ang agwat ng kotse ni Anasity kay Guthrie para hindi siya nito mahalata. Ewan lang kung bakit? Pero tila may nag-uud'yok sa loob niya na dapat niyang sundan ang asawa at nagtaka siya dahil sa isang exclusive restaurant si Guthrie pumasok.

Napakunot ang noo niya. Bakit doon pa, eh, parang ang romantic naman ng ambiance para sa kikitaing investor. Nang makapasok na si Guthrie ay sumunod naman agad siya nang palihim, hinarang pa nga siya ng security guard nang papasok na sana ito.

"Excuse me, do you have a reservation, Ma'am?"

"A-ah yeah! I'm with my husband. Ayon siya oh!" Turo niya kay Guthrie na mukhang may hinihintay.

"Okay, ma'am. Come in." Pinagbuksan naman na siya nito ng glass door at agad na siyang pumasok. Naghanap siya nang ma-uupuan na hindi gaano malayo sa kinaroroonan ni Guthrie at doon siya naupo, saktong makikita niya lang ang mga ito.

Biglang may dumating na babae. Maganda, matangkad, the woman's body is like an hourglass. Kahit malayo tanaw niya ang may kalakihan na dibdib nito.

Tumayo naman agad ang asawa niya upang salubungin ang babae ngunit gano'n na lang ang gulat niya. Namilog ang mga mata ni Anasity dahil sa nasaksihan. Ang babae, yumakap sa asawa niya at kitang-kita pa niya kong paano hinalikan ng babae ang asawa niya sa labi.

'Bakit gano'n? Bakit sila nagyakapan at bakit may pahalik?'

Naglumo siya sa kinauupuan. Halos hindi siya makahinga sa nasaksihan, hindi niya matanggap at akalaing magagawa sa kan'ya iyon ng asawa. Hindi siya tanga para hindi maintindihan ang mga nakita. Mayamaya lang ay may dalawang may edad ang dumating, Palagay niya ay mag-asawa. Masayang sinalubong ito ng babae at ang magaling niyang asawa naman ay kontodo makangiti sa mga ito.

Napakahigpit nang pagkakahawak ni Anasity sa wine glass dahil sa galit na nararamdaman nito. Kung nakakamatay lang ngayon ang mga matang nanlilisik na nakatitig doon ay malamang, kanina pa nakahandusay ang mga ito.

'Bakit Guthrie? Bakit mo nagawa ito sa 'kin?'

Pumikit siya ng mariin upang pakalmahin ang sarili. Nagbabakasaling sa muling pagmulat ng mga mata ay mawala na ang sakit, na hindi totoo ang lahat ng mga nasasaksihan niya.

Hilam sa luha ang mga mata nang mapagdesisyonan niyang lisanin ang lugar. Hinding-hindi niya ibaba ang sarili. Mabigat ang dibdib siya nang sumakay ng kan'yang sasakyan.

'I am the legal wife!'

Mariin na napahawak sa manibela at kuyom ang kamao ni Anasity, gustong niyang sumigaw sa loob ng sasakyan dahil sa samo't saring emosiyon na nararamdaman. Kahit na gusto niyang sugurin ang mga ito ay hindi niya ginawa, mas lamang ang respeto sa kaniyang sarili.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status