Share

Chapter 6

Ako si Annasity, 18 years old, si Mama nalang ang kasama ko sa buhay wala akong mga kapatid ang papa ko naman ay iniwan kami at sumama sa ibang babae niya. Masasabi ko na maayos naman kaming at masayang nabubuhay ni mama..

Dati nakakapag aral pa ako highschool pero bago pa man ako makatapos isang pag subok ang dumating saamin ni mama.. Nag kasakit siya kailangan ko siyang tutukan at maalagaan kaya naman hindi na ako nakakapag fucos sa pag aaral hanggang sa tumigil na nga ako, nag trabaho ako pumasok sa maliliit na store para sana makatulong sa pag bili ng gamot ng mama ko nanakaratay sa higaan akala noon simpling lagnat lamang ang tumama kay mama.. Pero tumagal ang sakit nyang yun hanggang sa napapansin ko lumalala na pala iyon..

Wala akong choice kung hindi ang dalhin siya sa ospital upang ipatingin siya doctor..

Nanlumo ako ng mapag alaman na hindi pala iyon simpleng sakit lamang.. Na diagnosed siya na may breastcancer, doon lang din inamin ni mama na matagal na pala niyang dinaramdan iyon hindi lang niya sinasabi kasi ayaw niyang mag alala at tumigil ako sa pag aaral..

Ngayon ay nakatunghay ako sa kanyang maputlang mukha, mag sstay na siya sa ospital para daw macheck siya ng doktor kung kinakailangan..

"Mama.. Anong gagawin ko?" Lumuluha ako ng tahimik habang hawak ang kamay niya..

"San na po ako kukuha ng panggastos natin sa ospital? Ayaw ko po kayong mawala mama" Nanginginig na boses na bulong ko..

Ang bigat sa pakiramdam, wala naman kaming ibang malalapitan.. Bata palang kasi ako ay wala naman akong nakilalang mga kamag anak namin...

Pero ganun pa man alam kong hindi ako dapat sumuko, wala na nga akong asasahan kundi ang sarili ko...

Isang buntong hining ang ginawa ko.

Tumayo na ako at tinawagan si Wendy ang bestfriend ko at parang kapatid narin.

"Best? Kamusta si tita, nabalitaan ko ang nangyari sa kanya, papunta na ako sa ospital" Agad na bungad naman nito sa kanya.

"Iintayin kita sa labas best.." Sagot niya at lumabas na nga ng kwarto ni mama..

Sakto at nakita ko nga na humahangos na nag lalakad si wendy papunta sakin.

Agad niya akong niyakap ang higpit alam niya kasi na kailangan ko ng karamay..

Pumasok kami sa loob, habang umiiyak parehas..

"Best pwede bang, ikaw muna ang mag batay ka mama.. May trabaho ako sa store ni mrs.cruz mamaya.. Baka matanggal kapag hindi namaman pumasok ngayon eh.." Saad niya sa kaibigan..

Agad naman na tumango si Wendy sa akin.

"Sige best..ako muna dito.. Alam ko naman na kailangan mo ang work mo ngayon.." saad nito habang hawak ang kamay niya.

Niyakap niya ito.

"Maraming salamt sayo best maasahan ka talaga.. Sige aalis na muna ako" Paalam niya da kaibigan tsaka lumabas na kahit ba pakiramdam niya ay nalulutang siya.

Naging maayos naman ang pag tatrabho niya ng araw nayun, pero batid niyang hindi magiging sapat ang sahod niya para sa madaming gastos ng mama niya sa gamit at bayad sa ospital.

Sinubukan biyang mag hanap at mag apply sa ibang store...Sideline sana.. Pero isang malaking bahay ang nadaanan niya at may nakapaskil sa labas ng gate na wanted Housemaid... Nanlaki ang mga mata niya sa nakalagay na sahod ng katulong..

"20k? Starting?" bulong niya at agad iyong kinuha may contact number na nakalagay.

Kinuha niya ang number sinave niya iyon sa di keypad pa niyang cellphone, di kasi nila afford ang Smart phone.

Agad niyang tinawagan ang numero, mabilis din iyong sinagot ng kung sino..

"Yes hellow..ahm nag hahanap po kayo ng kasambahay?" bungad niya.

"Ah oo nakita mo ba ang nakapaskil sa gate?" tanong ng medyo may katandaan ng boses babae iyon..

"Opo.. Mag aaply po ako" wika niya agad mahirap baka maunahan pa siya.

"Kung ganun, pumunta ka na dito agad.. Hihintayin kita sa may gate.." mabilis na reply naman ng babae..

Grabe ang kabog ng dibdib ko dahil sa excitement iniisip ko ang malaking sasahurin kahit hindi pa man ako nag sstart na mag trabaho..

"S-ige po madam.. Maraming salamat pupunta na po ako" wika niya namatay ang tawag at nakangiti na akong bumalik sa malaking bahay..

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Micthiyeos Eos
More updates
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status