Share

Chapter 7

Halos liparin ko na ang daan dahil sa sobrang excitement.

Nang malapit na ako sa malaking gate ay huminto muna ako sa isang gilid.

Inayus ko muna ang aking sarili kinuha ko ang bilog at maliit kung salamin sa loob ng dala kong shoulder bag ok naman ang itsura ko kahit paano ay madami namang nag sasabi na maganda ako pero walang akong pakealam kasambahay ang pag aaplyan ko at hindi ako mag momodelo.

Nag inhale exhale muna ako at inihanda na ang matamis kong ngiti bago nag patuloy sa pag lalakad.

Kabado ako pero agad iyong nawala ng makita ang isang matanda na nag aabang sa loob nasa may gate nga siya at nakatutok ang tingin sakin.

Agad akong lumapit doon dahil nahulaan ko na siya yung nakausap ko sa cp kanina napansin ko din na wala na yung sign na Maid fot hire.

"Magandang araw po. Ako po si Dana yun pong mag apply na kasambahay" wika ko sa matanda.

Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa pero hindi yung tipo na gi na judge niya at pag balik ng tingin niya sa mukha ko ay nakangiti na siya.

"Aba'y talaga bang pagiging kasambahay ang pinag aaplyan mo hija? Ang ganda ganda mo naman!" Bulalas nito.

Agad akong pinag initan ng mga pisngi dahil papuri niya.

"Ahm opo." Nahihiyang sagot ko sa kanya.

"Halika pumasok ka muna sa loob at may ilang katanungan lamang ako sayo" Aya niya sakin.

Agad naman akong sumunod sa kanya may dalwang lalaki na nag bukas ng gate.

*wow bongga may guard talaga sila sabagay sa sobrang laki ba naman ng bahay na to eh* para na akong malulula sa pag kakatingala sa malaking bahay ay mali mansyon na pala ang tawag sa ganito, at ang gandi din style nakakamangha.

"Halika dito tayo.." Naagaw ng matanda ang atensyon mabagal akong napatakbo palapit sa kanya dahil ang layo na pala ng distansya namin sa isat isa.

Pumasok kami sa bahay at talagang wow na wow lang ang masasabi ko.

Nakakahiyang ipasok ang marumi kong sapatos dito napatingin tuloy ako sa baba para tingnan ang sapatos kong marumi.

"Pasok na wag kang mahiya.."

"Naku baka po marumihan ang sahig nakakahiya ang kintab kintab po pwede na akong manalamin sa sobrang linis ng tiles.. Eh" Nahihiyang wika niya.

"Ano ba naman yan ok lang yan halika na para makapag usap na tayo, siya nga pala you are hired.. At pag uusapan na natin ang mga dapat mong gawin" Hindi na ako nakapag salita pa dahil sa pag ka gulat di ako makapaniwala.. May trabaho na ako at hindi biro ang magiging sahod niya malaking tulong iyon sa gastusin ni Mama sa ospital!

Hinila ako ng matanda papasok at dinala niya ako sa sala pinaupo niya ako sa sofa.

"Nakita mo naman madami na kaming taga linis ng buong mansyon pero hindi parin kami sapat sa sobrang laki nito kaya nag pasya ang amo ko na mag hanap ng ibang kasambahay" Panimula ng ginang.

Napatango na lang ako tanda ng pag sangayun sa kanya.

"Teka bakit ka nga pala nag apply? Ilang taon ka na ba? " tanong bigla ng ginang sa kanya.

"18 years old na po ako, nag kasakit po kasi ang mama ko, nasa ospital po siya ngayon, at kailangang kailangan ko po ng trabaho mabuti nga po at napadaan ako rito at nakita ang nakapaskil sa gate nyo hulog po kayo ng langit" Sinscere na sabi ko.

"Napakabuti mo pa lang bata, napakswerte ng mga magulang mo.. May kapatid ka ba?"

"Wala po nag iisang anak po ako, ang tatay ko naman matagal na pong wala i mean nag loko po at sumama sa ibang babae kaya kami na lang po ni mama ang mag kasama sa buhay" Magaan ang loob niya sa ginang kaya madali siyang makapag open dito, mukh naman itong mabait.

"Kawawa naman pala kayo.. Haay.. O sige ngayon ay may trabho ka na pero ok lang ba na stay in ka, ayaw kasi ni Mr. Forger na palabaslabas ang mga kasambahay lahat kami ay dito na katira may kanya kanya kaming kwarto.."

"ok lang po kailangan ko lang pong kausapin si mama tungkol dun..maraming salamat po Madam"

"Aling Lumeng yun ang itawag mo sakin ako ang namumuno sa mga kasambahay dito.." Pag papakilala sa kanya ng ginang.

"Sige maraming salamt po Aling Lumeng.."

"Hmm may mga rules din dito pero bukas ko na sasabihin sayo, at tsaka wala pa si Sir ngayon nasa Bussiness trip baka bukas ang uwi niya, sige na ang mabuti pa umuwi ka muna para makapag paalam ka sa Mama mo" Hinimas pa ni Aling Lumeng ang isa kong braso.

Ngumuti ako sa kanya at muling nag pa salamat hanggang sa ihatid niya ako palabs ng mansyon.

****************

Ang saya! May trabaho na akong papasukan bukas siguradong di na ako mamomroblema sa mga gastusin sa ospital.

Nag taxi na ako pabalik ng ospital masaya kung ibinalita kay Wendy ang lahat, syempre number one supporter ko si Besty sinabi ko rin sa kanya na huwag ipapaalam kay mama na namamasukan ako bilang kasambahy, siguradong magagalit ito sa kanya at sisihin pa nito ang sarili dahil kinailagan niya mag trabaho ng maaga.

"Kamusta na po ang pakiramdam nyo?" Inilalayan ko siyang makabangon.

"Medyo ayos na anak, teka hindi pa ba tayo uuwi?" Medyo nanghihina pang saad nito sa kanya.

"Ah hindi pa po tayo pwedeng lumabas ng hospital inay, kailangan ka pang suriin ng mga doktor, at tsaka kailangan mo pang makabawi ng lakas kaya ito kumain ka ng mga prutas ay gulay" Wika ko sa kanya, at kinuha ang tray na may lamang mga pag kain.

"Anak, hindi na kailangan malaks na ako kaya ko naman at siguradong napaguran lang ako kaya bumigay ang katawan ko.. At tsaka wala tayong pag kukunan ng panggastos dito sa hospital" Malungkot na sambit pa ni mama sakin.

Napabuntong hininga ako.

"Nay' ako na pong bahala basta wag ng matigas ang ulo nyo, gagawin ko ang lahat para mabayran natin ang bill dito sa hospital, at isa kailangan mong maoperahan hindi biro ang sakit nyo inay."

Mangiyak ngiyak na wika ko sa kanya.

"ayaw ko lang na mahirapan ka anak.. Dapat nga nag aaral ka pa ngayon at hindi ako ang inii-"

"Nay tama na.. Kumain ka na lang muna, wag mo ng problemahan pa iyon, basta gagawan ko ng paraan para gumaling ka"

Putol ko sa sasabihin ni mama.

Hindi naman na muling nag salita si mama dahil hindi rin naman siya mananalo sakin ipipilit ko ang gusto ko dahil ayaw ko na mawala siya! Siya na lang ang meron ako baka hindi ko kayanin kapag nawala siya ng tuluyan sakin!

Pag katapos kong pakainin si Mama mga ilang minuto ay pinatulog ko na siya.

Tinawagan ko si Wendy at pinakiusapan ulit na bantayan si mama upang makauwi mo na ako sa aming bahay at makapag empake na.

"Mag ingat ka doon Best ah, lagi kang tatawag samin, siguradong mag tatanong ang mama mo sakin, lalo na ngayon mukhang hindi ka madalas makakapunta dito" Halos mangiyak ngiyak na saad sakin ni Wendy.

"Sige na best, mauna na ako, tatawag na lang ako kapag tapos na ako sa trabaho ko doon" Huling paalam ko bago tuluyang iwan sina mama.

Pag dating munti naming bahay ay agad na nga akong nag empake.

Bago ako tumungo sa mansyon ay dumaan ulit ako sa hospital pag katapos nun ay dumiretso na ako sa aking pag tatrabahuhan.

Kinakabahan ako pero nilakasan ko ang aking loob, this is the first time na mamamasukan ako sana kayanin ko ang trabaho roon nag sign of the cross pa ako at humingi ng gabay sa panginoon bago pumasok sa malaki at mataas ng gate ng Mansyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status