Share

Chapter 4 - Mr. Trevor

Sa tagal na panahong hinanap ko ang aking anak ay natagpuan ko na rin siya sa wakas. Ngunit nagngangalit ang kalooban ko dahil sa paglapastangan nila sa aking Unica Hija.

Kasalukuyang pinagmamasdan ko ang nasira nitong mukha habang mahimbing na natutulog.

Nakaramdam ko nang matinding awa para anak ko.

'Patawarin mo ako, anak, kung nahuli man ako nang dating. Pinapangako kong magbabayad ang mga taong umapi sa 'yo!'

"Sir." Napalingon ako sa pinto nang pumasok ang isang tauhan ko.

"Oh. Kumusta ang pinapa-asikaso ko sa 'yo?"

"Nagawa ko na po, hindi na siya matutunton kung saan mo man dalhin si Ms. Anasity," tugon naman nito.

"Mabuti! Kailangan ko nang mailayo ang anak ko sa lalong madaling panahon, ihanda mo niyo ang private plane. Hihintayin lang nating nagising ang anak ko at kailangan ko pa'ng makiusap ang doktor niya."

"Sige po, labas na ako. Tawagan niyo na lamang po ako kapag may kailangan kayong ipagawa," paalam ng tauhan ko bago ito umalis at tinanguan ko naman.

~Anasity~

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at tanging puting kisame ang una kong nasilayan. Mabigat pa ang pakiramdam ko kaya hirap akong kumilos.

"Anak, mabuti at gising ka na!" Napalingon ako sa isang lalaki na med'yo may edad at napakunot ang noo ko dahil tinawag ako nitong anak.

"S-sino p-po k-kayo?" nauutal kong sambit at pinakatitigan ko pa ito sa nagtatanong na nga mata. Ngunit naalala ko bigla ang baby ko kaya agad na napahawak sa aking sinapupunan.

"Sandali! Ang baby ko? Kumusta po ang baby ko?"

"Sshhhh… Huminahon ka anak, okay ang baby mo. Nakausap ko na ang doktor na tumingin sa 'yo kaya wala na nang dapat pa na ipag-alala pa." Nakahinga naman ako nang maluwag sa sibabi nito.

"Pero sandali lang po, tinawag niyo po akong anak?" Tumango naman ito sa akin.

"Oo anak, ako ang Daddy mo! Patawarin mo ako kung nahuli ako nang dating, hindi sana nangyari sa 'yo 'yan." Hindi ko namalayang nag-uunahan na palang nagsi-bagsakan ang mga luha ko. Saka ko naalala ang nangyari sa akin kanina, hinawakan ko ang aking mukha na ngayon ay nakabalot na bandage.

'Ang hayop na babaeng iyon!'

"'Wag ka nang umiyak, makakasama sa baby mo anak. Tahan na! Hmmn?" pag-aalo sa 'kin nitong daddy ko raw. Sa tagal ng panahong pinangarap kong dumating siya ay hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko siya ngayon.

"Puwede ba kitang mayakap anak?" Tumango na lang ako habang umiiyak.

"D-daddy k-ko," sambit ko.

"Anak ko! Nandito na si Daddy…pangako, hindi ka na nila masasaktan. Mananagot kung sino man ang gumawa niyan sa 'yo, pero sa ngayon ay kailangan mo munang sumama sa 'kin. Ipapaayos natin ang mukha mo. Tutulungan kita anak, pupunuan ko lahat ng pagkukulang ko sa 'yo…babawi ako sa 'yo, aalagaan ko kayo ng magiging apo ko," ang mahabang lintaya nito sa akin. Dama ko ang pangungulila rin nito sa akin at pagmamahal. Hindi ako makapaniwalang narito siya ngayon at yakap ko pa!

"Saan po ba tayo pupunta kapag sumama ako sa in'yo?" tanong ko.

"Sa America, anak. Doon na kasi ako nakatira pati ang mga negosyo ko ay nandoon at sa 'yo na rin anak. Dahil Ikaw ang nag-iisang tagapagmana ko!" napasinghap naman ako sa nalaman.

"A-ako po? Wala po ba kayong naging anak at asawa?" Umiling naman ito agad. Hindi pa rin ako makapaniwala.

"Iku-kuwento ko sa 'yo ang lahat at sasagutin ko ang mga katanungan mo, anak. Pero bago iyan ay kailangan na nating mag-asikaso. Aalis na tayo ngayong gabi," gulat na naman ako sa sinabi ni daddy. Ang bilis naman yata!

"Ang bilis naman po yata? Ngayon na agad? Paano po sina Mama? Malalaman nila ang nangyari sa 'kin. Siguradong mag-aalala iyon!"

"Ako na ang bahala sa Mama at mga Kapatid mo, ang importante ay ikaw."

Sakay na ako ngayon ng private plane at Patungo na talaga kaming america. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagkita na kami ng daddy ko at sa isang iglap ay isa na akong tagapagmana.

Nakatingin ako sa bintana habang unti-unti na kaming umaangat pataas ng himpapawid.

Iiwan ko na ang ko na lugar kung saan ako naging malakas at matapang, ngunit dito rin ako matutong magmahal, nasaktan at nabigo.

Sinayang lang ni Guthrie ang lahat nang pinagsamahan naming dalawa, tinapon niya lang lahat nang masasayang alaala na parang basura.

'Kailangan na ko nang bumitaw sa 'yo!'

~After 2 years~

Nang makarating na kami sa pilipinas ay agad na kaming nagtungo sa bahay na pinagawa umano ni daddy. Ngunit hindi ko ina-asahan ang madadat'nan ko roon.

Ang mga kapatid ko at si mama, ang pinatigas kong puso ang biglang lumambot nang muli ko siyang makita. Sobrang nasasabik ako sa kanila.

Mula sa pagbaba ko nang sasakyan ay lahat sila ay naka-abang sa harap ng mansion. "Tayo na," aya sa 'kin ni daddy.

Nang malalapit sa kami ay nagpalipat-lipat ang tingin nila sa 'min ni daddy. Oo nga pala, hindi nila ako makikilala sa bagong ako.

"Trevor, nasaan si Anasity? Nasaan ang anak ko?" bungad na tanong ni mama Kay daddy habang naluluha pa.

Binalingan naman ako ni mama nang tingin habang wala pa ring imik, sobrang nangulila ako sa aking Ina. "Itong kasama mo? Sino siya?" Napatakip pa ng bibig si mama.

"'Wag mong sabihin na ito na ngayon ang kinakasama mo, Trevor! Diyos na mahabagin! Parang anak mo lang ito, eh!" nagpipigil naman akong matawa sa sinabi ni mama. Pinagkamalan pa akong girlfriend ni daddy.

Humalakhak naman siya daddy at hindi na siguro makapagpigil. "Ano ka ba naman, Analiza. Palagay mo ba ay may papatol pa sa 'kin sa edad kong ito?"

Napangiwi naman si mama. "Eh, nasaan na nga kasi ang anak ko?!

"Mama! Nandito lang po ako sa harap nin'yo!" Sabay yakap ko rito.

"Ano?! Ikaw si Anasity?" sabay-sabay na sambit ng mga kapatid ko kaya pati ako ay napangiwi na rin. Tinulak naman ako palayo ni mama dahil hindi ito makapaniwala.

"Sandali nga! Paano? Bakit iba na ang mukha mo?" takang tanong nito muli.

"Mommy!" Napalingon kaming lahat sa mga anak ko. Oo, kambal ang naging anak namin ni Guthrie. Karga ito ng mga yaya nila na mga pinoy rin, doon ko sila nakilala sa america at nang inalok ko sila kung gusto nilang maging yaya ng mga anak ko ay agad silang pumayag. Isa pa, malapit lang din sila sa mga pamilya nila kung sakaling gusto nilang bisitahin ay papayag naman ako.

"Hala! May mga apo na ako?" Ngumiti ako kay mama at tinanguan ko ito.

"Hay naku! Mahabang istorya, mamaya ka na nagtanong, Ma, dahil namiss ko talaga kayo." Nagyakapan naman kaming lahat ang nagkumustahan ng mga kapatid ko.

"Anak, handa ka na ba?" tanong ni daddy. Makalipas ang dalawang taon ay sisiguraduhin kong handa na talaga ako! Handa na akong maningil!

'Humanda ka na, Scarlet!'

Magbabayad ka siya!

'Ipaparanas ko sa 'yo ang sakit at pait na sinapit ko simula nang sirain mo ako!'

Ngayon! Kukunin ko naman ang lahat ng sa kan'ya!

Na-ikuyum ko ang aking kamao dahil tila nanariwa sa 'king alala ang araw na iyon!

'Itong mukhang ito ang sumira sa 'kin kaya itong mukha ito rin ang gagamitin ko upang sirain ko ang lahat ng sa 'yo, Scarlet!'

Ipapamukha ko sa kan'ya kung gaano siya ka-demoniyo!

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Katana
Woi! Thank you!...️...️...️
goodnovel comment avatar
ဂျိုအာနာ မာရီလင်ဂွ
𝚊𝚗𝚐 𝚐𝚗𝚍𝚊 𝚗𝚡𝚝 𝚊𝚐𝚊𝚍
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status