Share

Chapter 2 - Broken

Pagdating niya bahay ay basta na lang siya sumalampak sa sofa sa ro'n sala saka binuhos ang lahat ng sakit sa kaniyang dibdib na kanina pa pinipigilan. Halos manginig ang buong katawan niya sa paghagulhol ko kaiiyak. Ang sakit-sakit, walang kasing sakit rito. Kaya pala nawalan na sa kan'ya ng gana ang asawa oras dahil do'n sa babaeng iyon!

Ngayon ay igurado siyang iyon din ang babaeng narinig niya kaninang nagsalita habang katawagan ko niya si Guthrie.

'Mga walang hiya! Alam naman siguro nang babaeng iyon na may asawang tao si Guthrie, imposibleng hindi nito alam!'

At ang magaling niyang asawa naman ay pumatol din. Ang galing nga ngmga itong magsinungaling!

'Urgent appointment!' natawa siya nang mapakla. 'Ginawa pa nila akong tanga!'

Anong na nangyari sa mga pinangako nito sa kan'ya? Sa simumpaan nilang dalawa sa harap ng altar at sa mata ng Diyos? Bakit basta na lamang iyon itinapon ng asawa?

Mga ilang oras din siyang naro'n, nakaupo. Ni wala pa pala siyang kain ngunit tila hindi naman siya nakaramdam ng gutom. Hihintayin niyang makauwi si Guthrie at hindi siya matatahimik hanggat hindi sila nakakapag-usap. Papipiliin niya itong umamin kung sino ang pipiliin ng asawa sa kanila ng babaeng haliparot na iyon at kapag sinabi nitong siya pa rin ang pinipili ay handa niya itong patawarin.

Hanggang sa nakatulugan niya na lamang ang pag-iyak, nagising siya sa mahihinang tapik at yugtog sa kaniyang balikat. Masuyong hinaplos pa ng asawa ang kaniyang pisng, nais na naman kumawala ng kaniyang mga luha dahil sa pagpapanggap ng kaniyang asawa.

'Nandito na siya!'

Bumangon siya at agad na umupo paharap sa kaniyang asawa at umayos rin naman itong umupo sa kaniyang tabi. Nilingon niya at nakipag-sukatan siya ng titig sa mga mata nito. Bakas ito ng pagod at antok pero hindi mabubura no'n ang kaniyang nakita at nalaman kanila lang.

"Baby, bakit dito ka natutulog? Dapat doon ka natulog sa kuwarto natin."

"Hinihintay talaga kita," basag ang boses niyang pagkakasabi niya rito. Kasunod, nag-unahan na rin na nagsi-bagsakan ang mga luha niya kung kaya't na-alarma naman si Guthrie kung bakit siya umiiyak.

"Baby, bakit ka umiiya–"

"Sinundan kita!" putol niya sa sasabihin nito. nagpapanggap pa umano itong may pakialam sa kan'ya, napakagaling!

"W-what?! A-anong i-ibig mong sabihin?" gulat naman nitong tanong sa sinabi niya.

Tinitigan niya sa mga mata ng asawa kahit pa punong-puno ng luha ang mga mata niya. "Sinundan kita! Nakita ko, Guthrie! Kitang-kita ko kaya 'wag na 'mong ikakaila na wala lang 'yong mga nakita ko kanina!" may diin sabi sumbat niya rito. Inunahan niya na dahil baka itanggi pa nito ang kaniyang mga nasaksihan.

Ngunit tahimik lang ang asawa niya 't nakakuyom ang kamao. Hindi siguro nito akalain na malalaman niya na. Habang hindi pa rin ito nagsasalita ay kinuha niya iyong pagkakataon para mailabas ang sakit na nararamdaman niya sa panloloko nito.

"Bakit mo nagawa sa akin ito? Bakit mo ako niloko? H-hindi m-mo na ba a-ako m-mahal?" Umiiyak at humihikbing tanong niya. Kahit hirap na hirap siyang sambitin ang mga nais sabihin ay pinilit niya pa rin kahit pa hirap na rin siyang huminga, naninikip ang kaniyang dibdib sa labis na emosiyon.

"Akala ko masaya na tayo? Mahal natin ang isa't isa– Kaya mo nga ako pinakasalan 'di ba? Pero bakit naman ganito? Guthrie, bakit?" Niyugyog niya ang balikat ng asawa ngunit tahimik lamang ito at tulad niya ay umiiyak na rin.

"Iyong marinig ko kanina sa cellphone mo na nagsalita, siya iyon 'di ba?" pagpapatuloy at nasasaktang sumbat niyang muli!

"Ano?! Magsalita ka! May relasiyon ba kayo ng babaeng iyon kanina?" Taas-baba ang dibdib niya sa paghihirap ng kaniyang damdamin. Sobra naman umano 'tong ginawa sa kan'ya ng asawa, nunka nga siyang pinaiyak nito noon pero tila binuhos naman nito ngayon. Hindi niya lubos maisip na aabot sila sa ganito ni Guthrie. Hindi sila nag-aaway no'ng magkasintahan palang sila at hindi rin sila nagka-problema ng ganito kalala. Mas lalong hindi nito pinapansin ang ibang mga babae na hayagang nagpapakita ng pagkagusto rito at palagi nitong sinasabi na siya lang ang mahal ni Guthrie kapag nagseselos na siya.

"Anasity," tanging nasambit nito. Binalingan niya naman ito agad at kita niya sa mga mata nito ang lungkot at takot.

'Para saan?'

"I'm so sorry, patawarin mo ako Anasity. Hindi ko sinasad'ya!" Parang piniga naman ang puso niya. Kahit hindi nito direktang sabihin ang rason kung bakit ito humihingi ng tawad, sa sinabi nitong hindi umano nito sinad'ya ay sapat sa kan'ya para malaman ang totoo.

"Pero sige! Handa ko'ng palampasin itong nangyari sa atin, handa akong patawarin ka. Alang-alang pagsasama nating dalawa, pero tatatungin pa rin kita, Guth." Huminga siya nang malalim, ito ang pinakamasakit dahil hindi siya handa sa isasagot nito kung sakali. Umaasa pa rin siyang siya pa rin ang pipilitin ng asawa.

"Sino sa aming dalawa? Sino ngayon ang pipiliin mo, Guthrie?

'Hindi ko kayang may kahati ako! Gusto ko ako lang!'

"Anasity…" pero tanging pangalan niya lamang ang sinasambit nito, alam niyang marami itong gustong sabihin ngunit hindi nito masabi sa kan'ya.

"Sino?"

"I'm sorry," napamaang siya sa sinagot nito sa kan'ya. Napatakip siya ng bibig, hindi siya ang pinipili nito at sa pagkakataong iyon ay doon na gumuho ang lahat sa kan'ya.

Wala na!

"Total ay alam mo naman na! Mas mabuti pa na maghiwalay na tayong dalawa. I am very sorry Anasity, but you don't deserve someone like me. I am not deserving on your behalf, you deserve to be happy."

"Pero paano na ako sasaya kung wala ka na? Paano na ako? Please…mahal na mahal kita! May nagawa ba akong kasalanan?" Umiling naman ito agad.

"Wala! Wala ka naging kasalanan, Anasity. Ako ang may mali! Kasalanan ko! Kaya ako ang sisihin mo sa ating dalawa, mas mabuti nang maghiwalay na tayo. Ayaw ko nang madagdagan ko pa ang sakit na nararamdaman mo! Ngayong alam mo na ang kataksilan ko, wala nang dahilan pa upang ipagpatuloy mo pa ang sa atin. Mahalin mo ang sarili ko, Anasity. Magpatuloy ka nang wala ako." Siya naman ngayon ang hindi makasagot sa asawa.

'Bakit niya sinasabi ang mga iyon?'

Nararamdaman niyang mahal siya nito ngunit bakit taliwas ang mga sinasabi nito sa kan'ya?

"H-hindi mo na ba talaga ako m-mahal?" muling tanong niya kay Guthrie. Iyon lang naman ang rason palagi kapag iniiwan ka ng isang tao.

Kapag hindi ka na nito mahal.

"Mahal kita Anasity, mahal na mahal. Pero kailangan na nating maghiwalay. Kailangan na kitang iwan," naguguluhan siya sa sinasabi nito.

'Mahal niya ako pero kailangan niyang iwan at hiwalayan?'

"Pero bakit? Bigyan mo ako nang sapat na dahilan para maintindihan ka! Mahal mo ako pero iiwan mo rin! That's bullshit!" hindi na niya mapigilan ang mapamura sa galit na nararamdaman.

Biglang dumilim ang aniyo ng mukha ni Guthrie, blangko at naging seryoso. "Dahil hindi na ako masaya sa 'yo! Mahal kita pero hindi na tulad nang dati! Gusto mo pa ba'ng masaktan? Kaya nga sinasabi ko sa 'yong maghiwalay na tayo dahil iyan ang rason ko, Anasity! HINDI NA AKO MASAYA SAYO!" parang sinampal siya ng mga katangang iyon mula sa asawa. Hawak niya ang kan'yang dibdib kasabay nang pagbalatay ng sakit sa puso niya na nagkapira-piraso.

"K-kaya ka ba naghanap ng iba? K-kaya ka na nawalan ng oras, nawalan ng gana, dahil hindi ka na pala masaya? At dahil sa hindi ka na masaya, kaya hinanap mo sa iba, gano'n ba?" para na siyang tanga! Kahit alam niya na ay mas lalo pa noyang sinaktan ang kaniyang sarili sa mismong mga katanungan na alam niya ang kasagutan.

Sapul at walang mintis!

"OO! Kaya mas mabuti pa 'ng naghiwalay na tayo! 'Wag ka'ng mag-alala dahil ako ang aalis, sa 'yo pa rin ang bahay na 'to!" hindi na siya sumagot pa, napapagod na siyang makiusap para sa kan'ya, tila naubosan na siya ng lakas lakas.

"I'm leaving, goodbye Anasity. I'm sorry!" pagkatapos no'n ay humakbang na itong palabas. Nanlalabo ang mga mata niyang tinatanaw na lamang itong papalayo.

Nais pa niya sanang pigilan ito dahil buntis siya, baka sakali na kapag sinabi niya kay Guthrie ay bumalik ito sa kan'ya ngunit hindi na niya tinuloy pa.

'Hindi! Hindi na dapat niyang malaman pa! Ang anak ko na lang ang mero'n ako at hindi ko hahayaang pati itong munting anghel sa sinapupunan ko ay mawawala pa katulad ng kan'yang ama.'

Umakyat na siya sa kanilang silid upang doon na lamang matulog, pagod na pagod na siya. Mas kailangan niyang unahin ang kalusugan nilang mag-ina.

"Baby...naririnig mo ba si Mommy? I'm sorry kong umiiyak ako ha? Pangako ko na aalagaan kita kahit na iniwan na tayo ni Daddy."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status