Share

Chapter 90 - Old Flame

“Joke ba ‘yan, Rafael Alejandro Molina Verdaguer?! Tatawa ba ‘ko dapat?!” Hindi nya nakontrol ang lakas ng kanyang boses pagkatapos ng ilang minuto ring pakikipagtitigan nya kay Rafael.

“Do I look like I’m joking?”

“Malay ko! Seryoso ‘yang mukha mo pero parang joke ‘yung sinabi mo.”

Nagkasabay pa sila sa pagbuntung-hininga at pagsandal ng ulo sa upuan.

Minasdan nya nang wala naman sa loob nya ang pag-ilaw ng hazard signal ng kotse.

“Alam mo naman ang isasagot ko d’yan, tinanong mo pa talaga ‘ko,” sagot nya kay Rafael. Kahit hindi direkta ang tinuran nya ay siguradong naintindihan na nito ang ibig nyang sabihin. “Wala naman akong pinipiling iba eh—kahit noon pa. Alam mo ‘yan.”

“Mahal na mahal mo?”

“Oo,” walang pagdadalawang-isip nyang sagot.

Mahal na mahal nya pero hindi sya malubos. Napakaraming mali para sa kanya, napakarami ring kulang.

“Ouch! Ang sakit.”

Napapikit na lang sya sa tinuran nito. Natahimik ang loob ng kotse nito nang may kung ilang minuto.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status