Share

Chapter 93 - KSP

Wala sa loob nyang isinasalaksak ang mga damit ni Abby sa washer. Iilang pares lang ng damit ang pinagpapalit-palitan nito kapag umuuwi sa kanya. Naisip nyang ayain ito mamaya sa mall para makabili na agad ng mga damit na masusuot nito. Makikipagbuno sila sa mga nagla-last minute Christmas shopping. Pero malamang sa hindi ito sasama dahil halos nakabaliktad ngayon ang nguso nito sa maga.

'What an asshole!'

Abot-langit ang pagsisisi nya. Wala syang intensyon na masaktan si Abby. But still, putok ang itaas na labi nito nang dahil sa kagagawan nya. Gusto na nyang ipukpok ang bote ng beer na hawak sa kanyang ulo sa inis sa sarili.

Sinapian sya ng matinding selos nang makita nya ang dalawa na magkatabi sa upuang semento ng madilim na parte ng parke at nagbubulungan. Hindi nya nakontrol ang galit na namuo sa kanya. Sa isang iglap ay nag-flashback sa harapan nya ang eksenang pinakaunang tumusok sa kanyang puso:

He was loitering at Abby’s house nang magpaalam si Nanay Elsa na aalis ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status