Wala sa loob nyang isinasalaksak ang mga damit ni Abby sa washer. Iilang pares lang ng damit ang pinagpapalit-palitan nito kapag umuuwi sa kanya. Naisip nyang ayain ito mamaya sa mall para makabili na agad ng mga damit na masusuot nito. Makikipagbuno sila sa mga nagla-last minute Christmas shopping. Pero malamang sa hindi ito sasama dahil halos nakabaliktad ngayon ang nguso nito sa maga. 'What an asshole!' Abot-langit ang pagsisisi nya. Wala syang intensyon na masaktan si Abby. But still, putok ang itaas na labi nito nang dahil sa kagagawan nya. Gusto na nyang ipukpok ang bote ng beer na hawak sa kanyang ulo sa inis sa sarili. Sinapian sya ng matinding selos nang makita nya ang dalawa na magkatabi sa upuang semento ng madilim na parte ng parke at nagbubulungan. Hindi nya nakontrol ang galit na namuo sa kanya. Sa isang iglap ay nag-flashback sa harapan nya ang eksenang pinakaunang tumusok sa kanyang puso: He was loitering at Abby’s house nang magpaalam si Nanay Elsa na aalis ka
Nakatuon ang kanyang tingin sa TV pero wala ang atensyon nya sa pinanonood. Hindi sya mapakali. Iniisip nyang tawagin ang mga ito para bumaba at makinood na lang rin ng TV sa kanya kesa magkasama sa kwarto na dalawa lang sila. Nagtungo sya sa kusina para uminom na rin ng tubig at para silipin kung nakabukas ba ang pinto ng kwarto, pero lapat na lapat ang pagkakapinid ng pinto nito. Nasa third year high school na sya noon at may malisya na, kaya hindi sya kumporme sa pagtatago ng dalawa. Namemeywang sya habang nakatitig sa pintuan, nag-isip sya ng kukunin nya sa loob para maistorbo ang mga ito. Dahan-dahan syang pumanaog sa hagdan at nakiramdam sa dalawa. Dumapa sya at sumilip sa siwang ng pinto pero wala syang nakita kundi ang liwanag na nanggagaling sa bintana nito. Naisip nyang nasa papag ang mga ito kaya hindi sya nakakita ng gumagalaw na anino. Narinig nya ang mahinang boses ni Rafael na parang ungol ang dating sa kanyang tenga. Kabadong agad-agad nyang itinulak pabukas ang
“Hmmm… Ganito ba ‘yon?” nakangiting tanong sa kanya ni Abby na nakataas ang isang kilay habang ginagawang ice candy na sinisip-s****p ang haba ng kanyang daliri. Napaunat sya ng likod. “Ano’ng ganito?” “‘Etong ginagawa ko. Sa ano.” Naramdaman nya ang dila ni Abby na humahagod sa palibot ng kanyang daliri. Dagling bumilis ang tibok ng kanyang puso. Napapamura sya nang pabulong sa ginagawa nito na tila nagaganyak namang lalo dahil umaangat ang mga cheekbones ni Abby sa paglapad ng kanyang ngiti. Panay-panay ang kanyang pagtikhim. May kumislot at nagising sa pagkatao nya sa kakaibang kiliti na naramdaman nya sa daliri nya at na-i-imagine nya. Masarap sanang maramdaman iyon sa bibig ni Abby kaso sa guilt na nararamdaman nya ngayon kahit na birthday nya ay hindi nya deserved ang ganoong klaseng napakasarap na treatment. “Uhm, saka na lang siguro kapag hindi na maga ‘yan. Namamaga pa kasi eh,” namasdan nya ang maliit na punit sa nguso nito. Dahan-dahan nyang binawi ang daliri nya ba
“Iñigo??! Ano’ng ginagawa mo rito?!”Hindi sya nakakilos sa kinatatayuan. Pakiramdam nya ay bumaba lahat ng dugo nya sa mukha nang makita ang panganay na kapatid. Nasa likod ni Iñigo ang isang babaeng nakatungo at nagpapasulyap-sulyap lang sa kanya na wari ay hiyang-hiya. “Binibisita ka. Happy birthday, Joaquín!” bati sa kanya ni Iñigo na ngiting-ngiti sa kanyang pagkagitla. “Aren’t you gonna let your hermano in?” sambit pa nito na nakikipag-fist bump pa sa kanya, hindi sya agad nakaakma sa sobrang pagkagulantang nya kaya ipinadaop na lang ang kamao nito sa kanyang dibdib. Humakbang si Iñigo papasok sa pinto hatak-hatak ang nababantulot na babaeng kasama. Kumakalabog ang kanyang dibdib. Nagbalik sa kanya ang tawag na iyon ni Rafael sa kanya nang pickup-in nya ang kanyang vintage car sa Customs at pasukatan si Abby ng gown kay Alicia. Napagtanto nyang hindi lang si Iñigo at ang babaeng iyon ang dumating sa kanyang penthouse ngayong araw ng kaarawan nya. Dumating na ang araw na kinata
Nagkatinginan sila ni Rafael. Ang huling ipinarating nila sa kanilang Mamá at sa Abuelo ay naiayos na nila si Santiago at kasalukuyang acting CEO na ng AVTech. Hindi na nya ibinalita sa mga ito ang pag-a-AWOL nito sa trabaho at pagkatapos ay resignation from post na ipinarating lang ni Santiago sa kanya sa isang text message. Naging abala sya sa ball party at sa surprise nya kay Abby na naisantabi nya ang kanyang suliranin sa kanilang bunsong kapatid na may matigas na ulo.“Uhm, wala si Santiago, Mamá,” si Rafael ang tumugon sa paghahanap sa bunso nilang kapatid.“Nasa’n? Don’t tell me nasa oficina sya? Isn’t it Christmas vacation, Joaquín? Nasa trabajo pa sya hanggang ngayon?”“Wala po, Mamá. The whole company is on vacation until New Year… he’s just… he’s just on Christmas vacation somewhere really far…” ani Joaquín na may pahina nang pahinang boses na halatado sa pagsisinungaling nya. Napansin iyon ni Iñigo na namemeywang habang tinititigan sya.“Somewhere? Somewhere far, where? Pa
Hindi sya umimik. Hindi rin nya alam kung paano nya iyon malulusutan sa kanyang Mamá. Maski si Rafael ay hindi nya naabisuhan sa biglaang pagre-resign nito. “Hindi pa ba tapos linisan ang kwarto, hija?” Natigilan silang dalawa nang marinig nila ang malakas na boses ni Doña Alejandra. “I’ll set the room, bumaba ka na.” “Ako na ang maglilinis. Okay lang naman,” ngiti ni Abby sabay haplos sa kanyang stressed na stressed na mukha. Pagkatapos nitong magbihis ay humangos na ito palabas ng kwarto. He is frantically looking for his other cell phone, halos nabaliktad na nya ang kama nya pati sa buong entertainment room pero hindi nya ito nahanap. He immediately called Rafael downstairs. “Natawagan mo? Ipapasundo ko,” tukoy nito kay Santiago pag-akyat nito ng hagdan. “Ikaw na ang tumawag. Ipapasundo ko,” namemeywang na nagpalinga-linga sya sa entertainment room. Alam nyang sa ibabaw ng counter lang nya ito naiwan matapos nyang gamitin ang business cellphone nya kagabi. “H’wag mo
Dagling pumanaog si Iñigo ng hagdan. “Mamá, nasa Cebu pala si Santiago! Kakakausap ko lang sa kanya ngayon. What a shame! Dapat pala dinaanan na lang natin sya roon bago tayo pumunta rito,” natatawang saad ni Iñigo. Nakakapit silang dalawa ni Rafael sa pasimano ng hagdan habang pinakikinggan nila kung paano sila pagtakpan ng panganay nilang kapatid.“Cebu?!” nag-ayos ng upo si Doña Alejandra sa sofa. “Ano’ng ginagawa sa Cebu?”“Do you remember Abuelo said may biniling property si Joaquín doon para gawing satellite office ng AVTech, naroon sya ngayon; setting things up para maging operational na ang office by the end of the holidays. Alam mo naman, in demand ngayon ang cyber security firm ni Joaquín. Their hands are tied at the moment. He couldn’t make it to dinner tonight since this is such short notice,” turan pa nito habang nakaupo at iniinog-inog ang dalang brandy glass sa isang kamay. “But I heard he’ll be here for what? New Year’s Eve, Joaquín? Right?” tinapunan sya nito ng ting
“I’m thinking of buying pairs of thongs, too. Gusto ko no’n,” malambing na anas nya kay Abby. It is such a good thing na sa kabila ng pag-aalala nya, ay nakukuha pa nyang makipaglandian na sinasakyan naman ni Abby. “Oo ba! Ikaw magsusuot?!” sabay bungisngis nito. Dagling kumalamay ang kalooban nya sa pagtawa ni Abby. “Magpasalamat ka at meron tayong bisita. Sa pang-aasar mong ‘yan, I could take you right here, right now as your punishment,” bulong nya. “You wish!” sambit nito. Hindi nya namalayang nakatapos na ito sa paghuhugas nya ng mga kaldero at kawali. Hinubad ni Abby ang apron sa kanya at isinampay sa balikat. “Nagbibiruan lang tayo eh tinitigasan ka na,” natatawang pakli nito sabay tingin sa umbok sa harap ng kanyang itim na shorts. “Umalis na tayo ngayon, kasi baka ma-trapik tayo… Sya nga pala, heto nga pala ang cellphone mo, nakita ko laundy kanina. Hindi ko sinasadyang mabuksan ‘yung ibang mga messages. Kung saan-saan mo na lang iniiwanan,” inabot sya ng halik nito s