Share

Chapter 144 - Trapped

“Para magkabalikan sila. Hindi mo ba napapansin? Tuwing makakaharap na lang si Jessica laging binibida ni Joaquín ang tungkol sa pagbubuntis ko pati sa kasal-kasal na ‘yan… Pinagseselos nya ‘yung tao.”

“Ano?!” malakas na sambit ni Rafael. Kagyat na nagiba pa ang mukha nito sa narinig nito sa kanya.

“Kaya ayokong tuluyang makasal kami. Rafael, hindi ito tulad ng laro natin nu’ng mga bata pa tayo. Seryosong commitment ang kasal. Sagrado. Hindi na maaaring bawiin ang lahat kapag natuluyan nga kaming magpakasal tapos naisip nyang si Jessica pa rin ang gusto nya,” pangangatwiran nya. “Nagpapanggap na nga akong buntis eh, pati ba naman sa kasal?”

“Oh my God! You’re so unbelievable, Eyb,” pakli ni Rafael. Naiiling na tumayo ito sa kinauupuan sabay biro pa nito. “Selos yata ang dahilan ng pagkahilo mo eh."

“Hoy, para sabihin ko sa ‘yo hindi ko kelangang magselos,” depensa nya. “Alam ko ang lugar ko. ‘Eto oh,” sabay proud na itinaas nya ang kanyang kamay na may suot na engagement ring.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status