Tanghali na ng makarating kami ng Manila. Mahaba rin ang naging byahe at kahit pa nakatulog ako sa buong byahe ay talagang pagod ang katawan ko.
"Haaay!"
Napapikit ako sa sarap, dahil sa wakas ay lumapat na rin ang katawan ko sa malambot na kama.
Nagpagulong-gulong pa ako sa kama dahil sa sobrang tuwa, sana naiwan na sa Baguio ang mga kababalaghan na nangyari sa akin. Tama na, iisipin ko na lang na panaginip lang ang mga pangyari na iyon.
Huminto ako sa paggulong at muling tumiyaha, nakabuka pa ang mga kamay ko para sakop talaga ang higaan. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang dumilat, mabilis nawala ang ngiti ko kasabay ng pagkunot ko ng noo.
"Hi!" Sibay ngiti nito. Ilang sandali pang nag-loading ang utak at agad napatayo, dahilan ng pagtama ng mga noo namin.
"Aray..." Rinig ko pang angal nito, maging ako ay napahawak sa noo ko.
"Bakit ka ba biglang tumayo?" Mabilis uminit ang ulo ko at tumingin sa kaniya ng masama.
"Ano bang ginagawa mo rito? Sino ka ba? Paano ka nakapasok dito?" Sunod-sunod kong tanong. Napangiwi pa ito at inalis ang kamay sa noo niya.
"Teka, daig mo pa ang mga kaluluwa kung magtanong," saad pa nito habang tinatapik ang noo niya. Tumayo ako at marahan na lumapit sa kaniya.
"Multo ka ba? Sino ka? Paano mo ako napuntahan dito?" Sunod-sunod kong tanong at hinawakan siya sa balikat.
"Kalma, okay? Ikaw ang may dahilan kung bakit mo ako nakikita at kung paano kita nasusundan," sagot nito.
Sandali akong tumitig sa mukha niya, mas gwapo pala siya sa malapitan. Maganda ang kulay abo niyang mga mata pero wala akong ibang makita rito, parang sobrang blanko ng pagkatao niya. Baka dahil kaluluwa lang siya at wala akong makita na buhay sa mga mata nito?
"Bakit ako pa ang may kasalanan? Sino ka ba?" Matapos ko itong sabihin ay binitawan ko na ito.
"Kanina mo pa gusto malaman kung sino ako, ah. Nakakahalata na ako sa 'yo." Ngumiti ito na akala mo ay nang-aasar.
"Isa akong tagasundo ng mga kaluluwa ang tawag sa amin, grim reaper," dugtong pa nito.
Sinasabi ko na nga ba, malamang 'yong notebook na dala niya ang pinaglalagyan ng pangalan ng mga susunduin niya.
"Susunduin mo na ba ako?" Tinaas ko ang isa kong kilay at nakaharap pa rin sa kaniya.
"Kung susunduin kita sana doon pa lang sa Dominican hotel," sagot pa nito. Oo nga no? Bakit pa niya ako papauwiin dito kung susunduin lang din niya pala ako.
"So, bakit ka nakasunod sa akin?"
"Dahil kailangan kita para sa misyon ko." Ibinalandra niya sa harapan ko ang hawak niyang notebook na itim.
"Ano meron d'yan?" Ibinaba ko ito para harapin siya.
"Lahat ng pangalan na narito ay mga nawawalang kaluluwa, kailangan ko silang mahanap para matapos na rin ang pagiging grim reaper ko, at ako naman ang makaalis," saad nito habang ibinababa ang notebook na ito.
"Galang kaluluwa?" Tanong ko pa rito. Gets ko naman ang sinasabi niya pero anong klaseng galang kaluluwa? Mga nawawala katulad sa nakita ko sa hotel?
"Oo mga nawawalang kaluluwa roon sa Dominican hotel." Sabay lawak ng ngiti nito, ngayon ko lang napansin na may dimple pala siya. Gwapong grim reaper naman nito.
"Bakit ba hindi mo ikwento lahat? Dapat ba itanong ko pa isa-isa?" Humalukipkip ako habang sinusuri ang lalaking nasa harapan ko, pataas-baba pa ng kilay ko habang minamasdan ang kulay itim nitong suot. Maputi naman siya at bagay ang ganitong suot, malamang hindi siya naiinitan dahil hindi naman siya tao.
"Ganito." Pumorma ito ng kaniyang mga kamay para mas maganda ang kaniyang magiging paliwanag, tumingin ako sa mukha niya. Binasa pa niya ang kaniyang labi at kumunot ang noo, hindi ko alam pero para akong tanga na nakatunganga sa harapan ng lalaking ito.
"Siguro naman nakita mo iyong hotel? Doon sa hotel na iyon tumutuloy ang mga kaluluwa bago namin sila dalhin sa liwanag. Doon nakatira ang ibang grim reaper, may kaniya-kaniya kaming gawain. Ang napunta sa akin, kailangan kong mahanap ang mga kaluluwa na sumama sa mga bumibisita sa hotel na iyon." Mahabang paliwanag nito pero hindi ko talaga siya gets.
"Teka, hotel ng mga kaluluwa? K-drama?" Ano ito hotel de Luna sa pilipinas? Lakas din pala magbigo nito, e.
"Palipat-lipat kami dati, minsan sa lumang bahay, lumang mansion pero mas nag-stay kami ng matagal sa Dominican hotel. Ang problema lang, bawat taong dadalaw sa hotel na iyon may mga kaluluwang sumasama sa kanila pag-alis. Ngayon nagiging pakalat-kalat ito sa paligid at hindi na namin alam kung saan sila mahahanap, dahil sa kapabayaan ko noon ito ang binigay nila sa akin. Kailangan kong mahanap ang mga ligaw na kaluluwa." Bumuntong hininga pa ito at sabay ibinaba ang mga kamay niya.
"So, you mean gusto mong hanapin natin? Ako–ikaw? Tayo, maghahanap sa kanila?" Ngayon ako naman ang galaw ng galaw sa kamay ko. Gusto niya pa akong isama sa lost soul hunting. Jusko!
"Yes, dahil ikaw pa lang ang nag-iisang tao na nakapunta sa hotel na iyon. Alam mo ba na kahit mga taong may kakayahan daw, kumausap ng mga kalukuwa hindi pa nakapunta roon? Makakapunta sila pero lumang hotel ang bubungad sa kanila." Pagyayabang nito na parang ako pa dapat ang magpasalamat dahil nakita ko ang taguan nila ng kaluluwa.
"Marami pa akong dapat sabihin at kung babalik ka sa hotel, malalaman mo ang iba, ano? Tara na." Aya nito.
Napakagat pa ako sa ibabang bahagi ng labi ko at napalobo ang pisngi, gusto ko pa sanang pigilan ang tawa ko pero ng kumunot ang noo nito at nagtatakang tumingin sa akin, doon hindi ko na napigilan ang humagalpak ng tawa.
"Anong nakakatawa?" Tumalikod ako sa kaniya at naglakad.
"Bakit naman kita tutulugan? Duh! Hindi ko naman kasalanan na sumunod ang mga kaluluwa na iyon sa mga namamasyal sa hotel, bakit ako magpapakapagod?" Humawak ako sa beywang ko at muli siyang hinarap, nagulat pa ako ng agad siyang bumungad sa likuran ko. Nakakainis! Kaya nga ako lumakad palayo tapos nakasunod pa rin sa akin.
"Pwede kong ilagay ang ibang kaluluwa sa bahay niyo, gusto mo ba 'yong good or bad spirits? Makikita at mararamdaman sila ng mga tao rito, gusto mo ba iyon? Tapos may mga susunod sa 'yo saan ka man magpunta, para kulitin ka. Gusto mo bang pagkamalang baliw sa labas? Dahil ikaw lang ang nakakakita sa kanila?" Halata sa mukha nito ang pang-aasar, gwapo sana kaso nakakapikon ang ngiti niya.
"Fine! Anong makukuha ko kapag nagawa natin mahanap ang mga magagalang kaluluwa na iyan?" Ngayon siya naman ang umikot at lumakad palayo.
"Mawawalan ka na ng kakayahan makakita at makarinig ng multo, pwede na ba?" Sabay harap nito.
"An–"
"Quinn, okay ka lang?" Agad akong napatikom ng bibig matapos biglang pumasok si mama, tumingin pa ako kay Grim reaper na napakibit-balikat lang. Alam ko ako lang ang nakakakita sa kaniya.
"W-wala po." Pilit kong ngiti.
"Bakit parang nagsasalita ka mag-isa?"
"N-nag papractice po ako tumula, sige po, baka pagod na kayo. Magpahinga muna po kayo." Mabilis akong tumakbo sa kaniya at hinalikan ito sa pisngi, luminga pa siya sa paligid at parang may hinahanap pero napakibit-balikat na lamang nang makita na mag-isa lang ako.
"Sige."
Matapos kong maisara ang pinto ay agad akong napasandal dito, idiniin ko pa ang ulo ko at muling humarap kay Grim reaper.
"Kita mo na? Paano pa kaya kapag nasa labas ka na?"
"Okay, ikaw na ang panalo. Ano bang gagawin ko, ha?" Padabog akong lumapit sa kaniya, pero pabulong lang ang mga sinasabi ko dahil baka marinig ako sa labas.
"Kailangan mo lang sumama sa akin pabalik. Pupunta tayo ng hotel." Sabay kindat nito at ngiti na sinad'yang ilabas ang dimple. Ghad! Malamang noong nabubuhay ito sobrang playboy niya.
"Umayos ka nga, hindi bagay. Ang pangit mo." Agad tumulis ang nguso nito at umayos ng tayo.
"Sasama ako, pero kailangan ko munang magpaalam." Kailangan ko magpaalam kila mama, tapos sa trabaho ko pa. One week lang ang ipinaalam ko sa kanila, tapos biglang ganito ang mangyayari.
"Ako na ang gagawa ng paraan, ayusin mo na ang mga gamit mo." Utos pa nito. Magsasalita pa sana ako ng mabilis itong tumagos sa pader, hinabol ko pa siya pero nauntog lang ako. Oo nga pala, buhay pa nga pala ako. Bwisit!
Napahawak pa ako sa noo ko at bumalik sa kama para umupo. Gaano pa kaya karami ang hahanapin naming kaluluwa? Ang astig, siguro kung makikita ko ang hotel na iyon ng mas malinaw. Ano kayang mga bagay pa ang matutuklasan ko? Pero ang angas ng Grim reaper na iyon, akala ko noon nakakatakot sila tingnan o doon sa napapanood ko na masungit. Pero ito, ibang klase ang lakas mang-asar, mukha mas mapipikon pa ako sa kaniya kaysa sa mga multo na dapat naming mahuli.
Med'yo napatagal ang pagtitig ko sa kawalan ng maalala ang sinabi niya. Agad kong kinuha ang maleta ko at nagbukas ng drawer, dapat kabog ako sa mga outfit ko kapag mag-ghost hunting kami.
Pinili ko ang mga sosyal at pang party kong dress at outfit, para kung sakali na aalis kami ay maganda naman ang suot ko.
Matapos kong maayos ang mga gamit ko ay nagpalit akong muli. Kakabyahe ko lang aalis na naman ako? Sana sa hospital pa lang sinabihan na niya ako, para naman aware ako sa mga nangyayari sa akin.
"Ang ganda mo talaga, Quinn." Puri ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin, suot ang vintage red dress ko. Umikot pa ako sa harap ng salamin, dahil first day ko doon–second day pala. Dapat ay maganda akong tingnan.
Napatigil ako sa pagpapa-cute sa salamin ng biglang may kumatok.
"Quinn, andito 'yong boss mo." Sandali akong napaisip sa sinabing iyon ni mama, bakit naman pupunta rito ang boss ko? Hindi niya naman alam ang bahay namin.
Dali-dali akong lumabas para tingnan ang sinasabi ni mama. Laglag panga ako habang nakatingin kay Grim reaper, anong ginagawa–este paano siya nakikita ni mama?
"May trabaho raw kayo ngayon sa Baguio, sabi ko nga kagagaling lang natin doon." Napalunok pa ako at humarap kay mama.
"Nakikita niyo po siya?" Kumunot pa ang noo nito sa tanong ko.
"Malamang, makakausap ko ba siya kung hindi? Ang gwapo pala ng boss mo." Pabulong na ang huling sinabi ni mama. Paano nangyari iyon? Bukas din ba ang third eye niya at nakikita niya ito?
"Teka, ikukuha muna kita ng maiinom." Dali-daling nagtungo si mama sa kusina, agad naman akong lumapit kay Grim reaper.
"Ikaw Grim–"
"Keir ang pangalan ko, kapag nakikita ako ng mga tao." Sabay ngiti ulit nito at inilitaw muli ang kaniyang dimple.
"Okay, kung ano mang pangalan mo...teka. Kaya mong magpakita sa mga tao?" Tumango naman ito sa tanong ko. What the! Anong nangyayari ba? Mukha nga atang nababaliw na ako.
"Kaya naman namin, pero sa mga bagay na importante lang." Ngayon ako naman ang tumango sa sinabi niya. Ibang klase talaga, ibig sabihin maaaring may mga nakakasalamuha na ako noon pa man na ibang katulad nila?
"Naipaalam na kita, tara na?" Mabilis akong hinila nito pero pumalag ako.
"Teka lang, iyong mga gamit ko nasa kwarto at hindi pa ako nagpapaalam." Hinila ko ang kamay ko at tumakbo papuntang kusina, kung saan naglalagay ng palaman si mama sa tinapay.
"Ma, aalis na po kami." Humalik akong muli sa pisngi niya at nagtungo na sa kwarto, para kuhanin ang mga gamit ko. Napailing pa siya dahil sa laki ng bagahe na bitbit ko, syempre, baka napatagal ang pag-stay ko roon kailangan ko ng damit.
"Mag-iingat kayo!" Sigaw pa ni mama bago kami tuluyang makapasok sa sasakyan nito. Astig din pala siya, buti pa siya may magandang sasakyan. Kulay black din ito at sobrang kintab.
"Sa hotel mo lang naman ako dadalhin, hindi naman sa kabilang buhay 'di ba?" Pagbibiro kong tanong sa kaniya habang inaayos ko ang seatbelt.
"Mas gusto mo talagang sa hotel ako makasama?" Ito na naman ang mapang-asar niyang ngiti. My whole life was a lie, sobrang nakakabwisit pala ang mga Grim reaper at hindi nakakatakot.
"As if naman, dapat nga magpasalamat ka pa at tinulungan kita."
Dapat lang siyang magpasalamat sa ginawa kong pagsama sa kaniya, kahit walang kasiguraduhan. Malay ko ba sa mga makakasagupa ko? Mabuti na lang talaga hindi ako matatakutin.
Tumingin ako kay Grim reaper na Keir daw ang pangalan o kung ano man. Halos pumutok na siya sa pagpilig ng kaniyang tawa, kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siya.
"Anong nakakatawa?" Lumunok muna siya at humarap sa akin, tiningnan niya ako sa mukha pababa sa suot kong red dress, umayos ako ng upo para ipagmalaki sa kaniya na ang ganda ko.
"Ang ganda ko ba?" Maging ang Grim reaper ay hindi kayang tanggihan ang taglay kong alindog. I'm not Quinn for nothing.
"Hindi, ang pangit mo."
Para akong binagsakan ng langit at lupa sa panlalait nitong tawa. Nangitngit ang mga ngipin ko at napakuyom ang mga kamao ko. I screamed internally, gustong-gusto ko siyang suntukin dahil sa sinabi niya. Ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong salita sa isang lalaking hindi naman buhay, baka maging taste niya nawala.
"Kapag ando'n ka na, lumang building pa rin ang makikita mo, kapag sapit ng alas-tres, kusa itong magbabago ng anyo sa paningin mo lamang. May mag-aasikaso naman na sa ,'yo roon."
Hinayaan ko lang siyang magsalita. Naiinis pa rin ako sa sinabi niya sa akin, paano niya nagawang sabihin na ang pangit ko? Gwapo nga siya ang sama naman ng ugali.
"Bumaba ka na andito na tayo." Inis na inis akong lumabas, padabog kong ibinaba ang pinto at natanaw ko pa ang pag-iling nito, na animo ay natutuwa pa na nainis niya ako.
Bukod sa dinala niya ako rito, hindi ko naman alam na iiwan din ako, pero ang bilis naming nakarating dito. Malamang may dinaanan ito kaya ganito kabilis.
Katulad ng utos niya ay pumasok ako sa loob, lumang building ang bumungad sa akin. Muli kong iginala ang paningin ko sa paligid, ngayon ko lang napagtanto na maganda rin pala ang lugar na ito kahit pa nilimot at pinabayaan na ng mga tao.
Sa totoo lang hindi siya nakakatakot, malamang kung hindi nagbukas ang third eye ko, aakalain kong isa lang itong lumang hotel sa Baguio na nasira at pinabayaan.
Napaatras ako ng biglang umalog ang lupa, agad nalaglag ang panga ko habang nasisilayan ang magandang pagbabago sa paligid. Ang kanina lang ay bitak at niluma na ng panahon na pader ay nagbabago, napaikot ako sa paliging ng tuluyang bumungad sa akin ang isang napakaliwanag, napakaganda at laking hotel.
Daig pa nga nito ang isang five star hotel dahil sa linis at ganda ng pagkakagawa, maging ang mga chandelier ay talagang ibang klase. Ang lahat ng makikita mo rito at para kang nasa ibang bansa.
Patuloy ang pamamangha ko sa paligid at hindi napansin ang ibang mga tao–kaluluwa na naglalakad sa paligid, iilan lang sila pero mukhang mga bagong dating lang din.
"Kumusta po kayo?" Agad akong napalingon sa babaeng nagsalita, familiar ang boses na ito.
"H-hello." Bati ko sa kanila at napayuko.
"Umakyat na po tayo." Magalang na utos ng isang lalaki. Malamang sila ang dalawang nag-uusap noong nahulog ako. Matanda nga sila, siguro nasa 60 years old ang mukha pero ang mismong tagal nila rito ay hindi ko alam.
Nauuna silang lumakad sa akin at tanaw ko magandang uniform nila, kulay blue black ito at maganda rin ang tela. Bakit ganito kayaman ang mga multo?
"Pumasok na lamang po kayo, kanina pa kayo hinihintay ni sir Florence." Humawi sila sa daraanan ko papasok sa isang kwarto, malamang ito ang office ng may-ari.
"Thank youm" yumuko ulit ako at ngumiti, gano'n din ang ginawa nila at sabay umalis. Muli akong tumingin sa paligid, ang ganda talaga.
Kumawala muna ako ng isang malalim na paghinga bago binuksan ang pinto. Expected ko na talaga na maganda ang office na ito, pero hindi ko napigil ang mamangha talaga sa mga nakikita ko.
Malawak ito at puno ng mga painting, iba-ibang painting ang nakapaligid, may mga gintong figurines din sa paligid. Sobrang tahimik kaya rinig ang yapak ko palapit sa lamesa nito, nakatalikod ang upuan niya pero alam kong nakaupo siya rito dahil sa kaunting paggalaw.
"Excuse me. Hello po." Nakangiti at puno ng galang kong tawag dito. Pure confident pa ako habang nakaharap dito, unti-unting umikot ang upuan niya kasabay nito ang unti-unti ring pagkawala ng ngiti sa mga labi ko.
"Grim reaper? Aba ayos, ah! Iniwan mo akong mag-isa papasok dito para lang may moment ka?" Gigil kong saad dito. Ibang klase rin pala ito, e. Pinapunta pa ako rito, siya naman pala ang may-ari ng hotel. Nakasuot na lang siya ngayon ng kulay blue na polo.
"Excuse me? Hindi ako Grim reaper." Kunot noo at masungit na sagot nito. Tumayo siya para harapin ako.
"Ikaw, alam mo nakakainis ka na!" Duro ko rito habang gigil na gigil ako at gustong sapakin na siya, wala na akong pakialam kung siya pa ang may-ari.
"Ayos ka rin pala, kung alam ko lang na ganiyan katabil ang dila mo hindi na kita hinayaan pang makabalik dito!" Galit nitong sagot. Salubong na ang mga kilay nito at matalim na ang tingin sa akin.
"Teka, hindi ba ikaw pa ang sumundo sa akin? Sana kasi hindi mo na ako pinilit pang sumama rito."
Ako pa ngayon ang may kasalanan sa aming dalawa? Sino kaya ang nagpanggap pang tao para lang sunduin ako.
"Ako? Bakit naman kita susunduin? Isa pa hindi ako makikiusap sa gaya mo." May panunutya pa ang mga tingin nito sa akin, na akala mo ay sobrang pangit ko para hindi niya gustuhin. Ang sama ng ugali ng taong ito.
"Keir, ganit–"
"Florence ang pangalan ko, hindi ako si Keir!" Napapikit pa ako sa sigaw nito, pagdilat ko ay tanaw ko ang galit na mukha nito.
Napalunok pa ako dahil sa kaba, iba ang ugali at mukha na ipinapakita niya sa akin ngayon. Parang kanina lang ang charming at ang cute niya, ngayon naman para siyang masungit type na kapag kinausap mo kulang na lang saksakin ka ng tingin.
"Hindi ko alam kung sino man ang sumundo sa 'yo, Florence ang pangalan ko at hindi Keir. May I remind you ms. Abellana, ako ang may-ari ng hotel na ito at ako ang boss mo. Kaya wala kang karapatan na pagtaasan ako ng boses!"
Tameme akong nakatingin sa kaniya, gusto ko pa sanang magsungit ang kaso halata ko na sa mukha nito ang pagkainis, ayoko naman mapaaga ako sa kabilang buhay, andito pa naman ako sa hotel niya.
Pero paanong nangyari iyon? Ang owner ng hotel at si Grim reaper ay magkamukha?
Iisa ang hulma ng mukha nila, maging ang kulay abo na mga mata. Pero paanong naging magkaiba ang pag-uugali nila? Kambal ba sila? O baka may iba pang paliwanag? Ewan, sumasakit lang lalo utak ko.
Nakaupo ako at nakaharap sa kaniya, habang binabasa ang mga nakasulat sa contract, pero wala akong maintindihan dahil patuloy ang sulyap ko sa kaniya. Kamukha niya talaga si Keir, maging ayos ng buhok, pointed nose, kahit pa ang kulay abo nitong mga mata, ang problema lang ay matalim ang tingin nito na akala mo ay galit sa mundo."Kung titingnan mo lang ako hindi ka na matatapos d'yan," saad nito habang pinapaikot sa kaniyang palad ang ballpen. Umayos ako ng upo at muling tumingin sa papel."Hin–""Just sign it, hindi ko kailangan ng reklamo."Umirap pa ako at padabog na ibinaba ang papel. Tumingin pa ako ng masama sa kaniya at inagaw ang ballpen na kanina pa niya nilalaro. Nakipag-agawan pa siya at nakipagpalitan ng masamang tingin, pero ako pa rin ang nanalo."Bibitawan rin pala." Bulong ko sa sarili at napangisi."May sinasabi ka?" Tanong nito at dinig ko ang paglapit
Katahimikan ang bumabalot sa loob ng apat na sulok ng kwartong ito. Titig ako sa sarili kong repleksyon sa salaming nasa harapan ko, seryoso akong nakatingin sa babaeng kaharap ko. Kailan ba ang huling araw na ganito ako tumitig sa sarili ko? Bihira ko lang tingnan ang sarili kong mukha sa salamin, mas madalas na damit ko lang ang tinitingnan ko.Naiilang ako sa tuwing tinitingnan ko sa salamin ang sarili kong mga mata. Pakiramdam ko may mga ipinapaliwanag itong maski sarili ko ay hindi maintindihan."Ms. Quinn?" Agad kong naibaba ang suklay at umikot paharap sa pintuan, kumatok ito ng tatlong beses bago niya binuksan."May problema po ba ms. Mona?" Umiling lang ito sa tanong ko at pumasok sa loob."Ayos ka na po ba?" Tanong pa nito, marahan akong tumayo at lumapit sa kaniya."May mga gusto sana akong itanong sa inyo, matagal na po ba kayo rito? Gaano niyo po kakilala s
Matapos niyang mag-park ng sasakyan, agad kaming nagtungo roon. Wala pa naman gaanong tao dahil masyado pang maaga. Mga mag-jowa lang na naglalampungan at naggagala sa paligid. Well, nagmukha na rin kaming mag-jowa dahil sa paglalakad."Paano ka nakikita ng mga tao?" Tanong ko sa kaniya matapos ilagay ang mga kamay ko sa likuran."Kaya naman namin mamuhay na parang normal na tao, nakikipag-usap din kami sa mga tao ng hindi nila malalaman kung ano kami," sagot naman nito."Bakit sa mga napapanood ko parang walang alam sa mga bagay sa paligid ang mga Grim reaper?" Ito na naman ang tanong ko sa kaniya, patungkol sa mga napapanood ko."Nakakilala na ba sila ng Grim reaper?" Ito na nga ba ang sagot na inaasahan ko. Bakit nga ba kasi tanong ako nang tanong tungkol sa napapanood ko?"Sige magtanong ka pa, para isahan na lang." Natatawang saad nito. Med'yo nahiya naman ako, pero dahil sinabi niya, kaya magt
Mahaba ang naging byahe, puro gasgas pa rin ako at walang kahit anong dala kung hindi ang sarili ko, na puro gasgas at maduming damit. Maliban sa pera at cellphone ko wala na akong nabitbit na gamit.Tumawag ako kila mama pero walang sumasagot, malamang tulog na sila kaya kay Finley ako tumawag. Alam kong umaga na kung matulog ang babaeng 'yon, kaya nasagot niya ang tawag ko. Sa boarding house nila sa Manila, ako tutuloy ngayon para magpahinga. Nagpahanda rin ako ng mga gamot para rito sa mga sugat ko. Paidlip-idlip ang tulog ko dahil sa pagod, so far wala naman akong nakasalamuhang multo sa bus na sinasakyan ko. Walang bata na humahawak sa paa. Sana tuloy-tuloy na ganito, normal lang.Agad akong sinalubong ni Finley nang makarating ako sa boarding house nila."Ano bang nangyari sa 'yo?" Pagtatakang salubong nito sa akin."Isang karumaldumal na pangyayari at ayoko na munang pag-us
Tirik ang araw na sumisilip sa bintana. Dalawa kami ni Chelsea na nakaupo sa kama, habang si grim reaper ay nakatayo sa harapan namin. Para siyang tatay na nangangaral sa aming magkapatid."Ibig sabihin wala rin akong pagpipilian?" Laglag balikat na saad ni Chelsea. Wala akong imik mula kanina, dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya ang lahat. Naaawa ako sa kaniya, kaya si Keir na lang ang nagpaliwanag ng lahat, tutal siya naman talaga dapat."Kaya hanggat hindi pa namin nahahanap ang kaluluwa mo, sa diplomat hotel ka muna mananatili at bawal kang lumabas," paliwanag ni Keir."Teka, paano kaya kung sumama ako sa inyo? Ikaw ate Quinn, hindi ba buhay ka naman? Edi tutulong ako sa inyo, habang hindi pa natin nahahanap ang kaluluwa ko." Gulat akong napatingin sa kaniya, tumingin din ako kay Grim reaper na kung tumingin sa akin, akala mo ako ang dapat magdesisiyon dito."Ano ate? Pwede ba? Sige na, hindi a
"Andito na tayo." Masayang saad ko at agad na lumabas. Sumunod na rin si Chelsea at nagtaka pa noong umalis na si Keir."Bakit hindi siya sumama?" Tanong nito."Hindi ko rin alam d'yan." Tamad kong sagot at pumasok na sa loob.Si manong Roly ang unang bumungad sa amin. Pagbukas ng pinto napatingin pa sa amin si Cora at ate Mona, napatigil din sila sa kani-kanilang ginagawa at agad lumapit sa amin."Ang akala ko hindi ka na babalik," si ate Mona."Hindi na nga sana, kaso." Sabay turo ko kay Chelsea."Hello po." Naiilang na bati nito. Pinakilala ko sa kaniya isa-isa ang mga narito. Pinaliwanag ko rin kung ano ang lugar na ito at kung anong klaseng boss ang mero'n dito. Lahat na ng kasiraan sa puri ni Florence, sinabi ko na."Anong kaguluhan 'yan?" Napatigil kaming lahat matapos itong marinig, napairap pa ako ng marinig ang boses na iyon. Humawi sila ate Mo
"Mukang masaya ka, ah." Pang-aasar nito. Hindi ako makapagsalita dahil sa pagdarasal. Siguro kahit suicidal person talagang gugustuhin pang mabuhay, dahil sa klase ng pagmamaneho ng Grim reaper na ito. Malamang hindi siya takot mamatay, matagal na kasi siyang patay.Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon, ang alam ko lang ay patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. Wala na akong ibang naiisip, wala ng mission o maging si Chelsea, ang naiisip ko na lang ngayon ay ang buhay ko.Ganito siguro kapag malapit na mamatay ano? Bumabalik lahat ng alaala mo sa buhay. Lahat ng mga nangyari sa 'yo noong bata ka pa. Ito na ba iyon Lord? Kukunin mo na ba ako?"Hindi ka pa ba bibitaw?" Natatawang tanong nito. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nakahinto na pala kami ngayon, ilang sandali pa bago muling bumalik ang ulirat ko at agad akong kumawala ng yakap sa kaniya."Buhay pa ba ako?" Tanong ko habang tinatanggal ang helme
"Nakita ko na." Agad akong napatingin kay Keir at itinuro ang shop, dahil mahina ang pag-andar ng kalesa ay hindi kami dinala sa kalayuan, agad namin itong pinahinto.Matapos ko magbayad ay agad kaming nagtungo rito. Bitbit ko ang palda ko para lang mabilis magtungo roon, agad siyang napatigil ng makapasok kami. Tumayo ito at lumapit.Magada siya, maging ang kutis nito kahit pa man may bahid ng pintura ang katawan at damit, hindi ko maikakaila ang ganda nito. Tumagos ang tingin ko sa lalaking kaluluwa na nakasunod sa kaniya.Halata sa mukha nito ang katagalan na. Bitak-bitak na ang tuyong labi nito. Kulay violet ang kulay ng balat at maging ang mga itim na ugat sa kaniyang mukha. Parang pagod na pagod itong nakasunod sa babae, malamang sad'yang dugtong ang kanilang kaluluwa at ganoon na lang ang pagmamahalan nila, kaya maging kamatayan ayaw pa siyang pakawalan."Anong kailangan niyo?" Mahinahong tanong n
20 years later"HANZEY!" Napabalikwas ako ng tayo matapos marinig ang boses ni tita Finley, ano na naman kayang ginagawa nila rito ng ganito kaaga?Kahit pa gulong-gulo ang buhok ay lumabas ako, naabutan ko si tita Finley kasama si Delia."Ano po bang mero'n ngayon? Aga-aga," reklamo ko."Abang bata ito!" Napaiwas pa ako matapos niyang mag-amba na hampasin ako."Sorry naman," pagbibiro ko pa."Wala po sila mommy rito," dagdag ko pa habang inaayos ang buhok kong nagkalat sa mukha ko."Death anniversary ngayon ng tita Quinn mo, wala ka bang balak magpunta?" Tanong nito habang paupo sa sofa."Oo nga ate Hanzey, sabay ka na lang sa amin," dagdag pa ni Delia."Mamaya pa naman 'di ba? Dadaan pa ako sa office mamaya." Nakalimutan ko ngayon pala iyon, mabuti na lang at naisipan nilang dumaan dito."Sige pa
"R-Renna." Panginginig nitong saad.Tumayo ako habang ang mga mata ko ay tutok pa rin sa kaniya.Ngayon nabigyan na ng linaw ang lahat, naaalala ko na ang lahat-lahat. Mula sa amin ni Florence at kung paano kami lumabas ni Valeria.Lumakad ako palapit sa kaniya ngunit mabilis siyang umatras. Malamig na hangin ang pumapagitna sa aming dalawa."Akalain mo? Iisang babae pa rin ang kalaban ko?" Napangisi ito at muling lumitaw ang itim na usok sa kaniyang katawan.Gusto kong umiyak, nasasaktan ako sa ginagawa niya. Matagal na kaming magkaibigan at alam kong lahat patungkol sa kaniya, gusto ko siyang mapabago kahit pa alam kong wala ng pag-asa pa."Tama na, Valeria. Kaibigan kita, ayokong tuluyan kang magpalamon sa kadiliman." Mahinahon kong wika."Kaibigan? Kaibigan pero nagawa mong agawin sa akin si Florence?" Tanong nito mula sa mahinahon ngunit may pagbaba
Nagising ako sa mabangong amoy na nakalapat sa ilong ko. Umayos ako ng higa nang maramdamang may brasong nakapulupot sa katawan ko, ramdam ko rin na nakaunan ang ulo ko sa braso nito.Dumilat ako para tingnan siya, bumawi rin ako ng yakap at muling pumikit habang ang mukha ko ay nakasubsob sa dibdib nito.Wala akong marinig na pagtibok ng puso pero ramdam ko ang bigat ng paghinga nito."Dito ka lang muna, gusto ko dito ka lang sa tabi ko." Humigpit ang yakap nito sa akin.Mabilis ang tibok ng puso ko at alam kong ramdam niya ito. Gusto ko, gustong-gusto ko manatili sa tabi niya ng mas matagal pang panahon."Dito lang ako, mananatili sa tabi mo kahit pa lumipas ang ilang libong habambuhay," sambit ko habang mahigpit din ang yakap sa kaniya.Nakapikit pa rin ako at sobrang komportable ko sa mga bisig niya, pakiramdam ko safe na safe ako at matapang akong humarap sa mga maaaring
Ang ibig sabihin kung tuluyan siyang maglalaho hindi na siya mabibigyan ng pagkakaon na mabuhay muli? Anong mangyayari sa akin? Maaaring maging ako ay may kaparusahan? Pero hindi eh, bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit kahit alam na niya ang mangyayari sa kaniya nagawa niya pa rin akong mahalin?"Sige, dito na kami sa kabila pupunta." Tumango lang ako sa kanila at tumalikod. Napahagod pa ako sa dibdib ko dahil sa kirot nito, mabilis ang bawat pitik at maging paglakad ko ay mabigat. Nangingilid na ang mga luha dahil sa mga nalalaman ko.Bakit mas pinili niyang gawin ito? Bakit mas pinili niyang itago? Ang buong akala ko ako lang ang sumusugal dito, mas malaki pala ang itinataya niya sa pag-ibig na ito.Agad akong nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig, matapos kong uminom ng tubig ay napatungkod ako sa mesa at yumuko.Gusto kong umiyak na lang nang umiyak pero alam ko walang mangyayari kahit pa malunod ako
Buo na ang alaala nito, mula sa kung paano kami unang nagkita bilang siya si Grim reaper hanggang sa kung paano kami nagkita bilang si Florence.Hindi ko alam kung anong iniisip niya sa lahat. Kapag kasama ko siya biglang Keir mabait at masaya ako na kabaligtaran kapag kasama ko siya bilang si Florence."Sabi ko na, ikaw siguro unang nagkagusto sa akin no? Kaya galit ka kapag hindi kita pinapansin sa hotel." Natatawang saad nito habang nagmamaneho.Ibang klaseng Florence ang kasama ko ngayon. Mas masaya at puno ng buhay, ewan ko ba. Basta alam ko masaya kami ngayon."Ikaw kaya ang galit na galit sa ex ko." Bawi ko pa rito."Oo nga pala, bakit ka nakipagkita sa kaniya kanina? Bakit hindi ka nagpaalam sa boyfriend mo?" Napangisi pa ako sa tanong nito."Wala naman kaming ginawang masama, hindi tulad ng iba d'yan nakipaghalikan pa sa ex niya." Sumimangot ako ng maalala ang ginawa
Nanatili ako sa loob ng hotel habang hindi ko pa alam ang susunod kong gagawin. Gusto ko ng makita at makausap si Keir, pero kapag naaalala ko–si Florence ang pumapasok sa utak ko. Na baka ang nararamdaman ni Keir sa akin ay bunga lang ng wala siyang maalala sa dati niyang buhay.Paano kung maalala na niya? Maiiwan akong mag-isa, maiiwan akong nagmamahal sa taong iba naman talaga ang mahal.Damn! Sana pala talaga una pa lang umiwas na ako para hindi na ganito ang nangyari.Wala na akong ingay na narinig sa loob ng office ni Florence, malamang bumalik na sila sa mga trabaho nila. Pero si Valeria at Florence kaya? Andito kaya sila ngayon sa loob? Anong ginagawa nila?Dahan-dahan akong humawak sa doorknob at nagtangka na ikutin ito, para sana buksan pero hindi ko maitulak. Nag-aalangan at natatakot ako sa maari kong makita.Napalunok ako at binitawan ito kasabay ng pagkawala ko ng malalim na paghinga.
Paakyat na ako ng bigla akong napatigil sa pagbukas ng pinto. Mabilis nanindig ang balahibo ko kahit pa man hindi ko alam kung sino ang pumasok, mariin akong napakapit sa gilid ng hagdan at humarap dito.Halos maputulan ako ng hininga ng tuluyang luminaw sa akin ang mukha nito. Nanlaki at nanginginig ang mga mata kong tutok dito."Chelsea." Bulong ko sa sarili pero alam kong may kakaiba sa kaniya na maging ang kaluluwa ko ay natatakot dito. Ibang-iba ang aura niya, maging ang matalim nitong tingin.Dahan-dahan akong bumaba habang sila mang Roly at ate Mona ay lumapit dito, ngumiti siya at may sinabi. Hindi ko ito narinig pero nakita ko ang gulat sa mukha ng dalawa, napatakip pa ng bibig si ate Mona at mahigpit na niyakap si Chelsea.Balisa at wala sa sarili akong lumalakad palapit nang biglang dumating si Florence at nagtatakang lumapit dito. Nasa malayo ako kaya hindi ko marinig ang usapan, isa pa ang bilis a
"Lalabas rin ako matapos nito." Paalam ko kay Keir habang tinatanggal ang seatbelt."Magpahinga ka na muna, baka napagod ka." Matapos nito ay agad niyang hinigit ang batok ko palapit sa kaniya para halikan ako. Napapikit ako ng saglit at bumawi."Sige na, may nanonood sa likod." Natatawa kong biro at itinuro ang kaluluwa na tulala."Hindi naman niya 'yan maaalala," dagdag nito at muli akong hinalikan."Sige na." Muli kong paalam at agad bumaba. Baka mamaya magkaroon pa ng live action dito sa sasakyan niya.Ibinaba ko na rin ang kaluluwa at isinama sa loob ng hotel.Pagtapak pa lang namin sa loob, parang may kung anong nangyari sa kaniya. Nagulat pa nga ako dahil bigla itong nagsalita."Naibalik mo siya!" Masayang sambit ni Cora habang palapit ito sa amin."Ano ang nangyari?" Pagtatakang tanong nito."Ang naaalala k
Nakarating kami ng La Berta Miranda boutique. Nagpababa na lang ako sa tapat habang siya susunod na lang daw, agad akong tumawag kay Blake pagpasok ko sa loob."Good day ma'am." Bati ng isang babae matapos kong makapasok. Magsasalita na sana ako ng may tumawag sa akin, agad akong napatingin dito, pero hindi nagpahalata ng ilang na ngiti.Pero mas lalong kinagulat ko ang pagsulpot ni Keir mula sa likod nito. Ghad! Mediyo kinabahan ako dahil sa seryosong mukha nito na akala mo ay susunduin na si Blake, anytime."H-hello." Naiilang kong bati. Lumingon pa ito sa paligid at mukhang natuwa pa nang hindi makita si Keir."Mukhang wala ang asungot." Nakangisi nitong saad at agad lumapit sa akin. Yayakap pa sana ito ng lumakad na ako palapit sa mga manikin.Pero saan dito ang sinasabi niya? Lahat naman ng nandito, mga normal na manikin. Pero hindi ko mapigilan ang ngumiti habang hawak ang mga wedding go