Tirik ang araw na sumisilip sa bintana. Dalawa kami ni Chelsea na nakaupo sa kama, habang si grim reaper ay nakatayo sa harapan namin. Para siyang tatay na nangangaral sa aming magkapatid.
"Ibig sabihin wala rin akong pagpipilian?" Laglag balikat na saad ni Chelsea. Wala akong imik mula kanina, dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya ang lahat. Naaawa ako sa kaniya, kaya si Keir na lang ang nagpaliwanag ng lahat, tutal siya naman talaga dapat.
"Kaya hanggat hindi pa namin nahahanap ang kaluluwa mo, sa diplomat hotel ka muna mananatili at bawal kang lumabas," paliwanag ni Keir.
"Teka, paano kaya kung sumama ako sa inyo? Ikaw ate Quinn, hindi ba buhay ka naman? Edi tutulong ako sa inyo, habang hindi pa natin nahahanap ang kaluluwa ko." Gulat akong napatingin sa kaniya, tumingin din ako kay Grim reaper na kung tumingin sa akin, akala mo ako ang dapat magdesisiyon dito.
"Ano ate? Pwede ba? Sige na, hindi ako papayag na pasukan ng ibang kaluluwa. And'yan naman kayo, kaya alam ko na walang ibang makakapasok sa katawan ko." Pakiusap nito at hinawakan pa ang kamay ko.
"Pakiusap, sige na ate, sige na Keir." Halata sa mga mata nito ang pagsusumamo. Nakapakom pa ako sa ulo, habang nakaharap sa kaniya.
"E-ewan ko, ano ba Keir?" Tumingin ako rito na napakibit-balikat pa.
"Hindi ko rin alam, hindi naman tayo ang magde-desisyon dito." Kumawala muna ako ng malalim na paghinga at humarap kay Chelsea.
"Okay, sumama ka muna sa hotel para matanong natin sa demonyong multo," saad ko rito.
Napairap pa ako dahil naalala ko na makikita ko na naman ang Florence na iyon. Umalis na nga ako para tumakas, pero mukhang karugtong na ng kaluluwa ko ang mga ito.
"Salamat." Sabay yakap nito.
Matapos ang usapan namin tumawag ako sa bahay, dahil kailangan namin makabalik sa Baguio kaya hindi na ako makakadaan sa bahay. Pero nangako naman ako na uuwi ako sa birthday ko, para sa bahay mag-celebrate. Pwede naman akong umuwi, basta wala lang talagang makasalamuha na mission o iba pang pangyayari na magaganap.
"Deretsyo na ba tayo ng hotel?" Tanong ko habang pababa ng hagdan. Nasa likuran ko silang dalawa, habang bitbit na ni Chelsea lahat ng gamit niya. Nakausap na namin si Finley, mabuti na lang at madali itong mapaniwala at busy sa pakikipag-usap sa jowa niya at puro na lang oo ang sagot.
"Kung wala ka ng ibang lugar na gustong puntahan kasama ako." Hindi ko hinarap si Keir, pero alam kong nang-aasar ito.
"Akala ko talaga mag-jowa kayo, nakakahiya tuloy." Nilingon ko pa si Chelsea, matapos niya itong sabihin.
"Okay lang, ang mahalaga hindi totoo." Sabay pa kaming natawa matapos ko itong sabihin.
Dahil sa gulat ko kanina, hindi pala ako nakapag-react agad sa sinabi niya. Ngayon ko lang naalala nang bigla niyang sabihin.
"Sa likod na ako." Aangal pa sana si Keir ng pumasok na ako sa loob, mabuti na lang talaga may kasama na kami at hindi na ako tatabi pa sa madaldal na Grim reaper na ito.
"Huwag ka na mahiya, Chelsea." Napaayos pa ito ng kaniyang buhok bago sumakay. Inayos ko ang upo ko palapit sa bintana, para isipin na hindi kasama si Keir. Tahimik silang dalawa at mukhang nahihiya pa si Chelsea. Basta ako dito lang ako, titingin na lang ako sa paligid.
"Teka! Hinto! Hinto!" Hinampas ko pa ang braso ni Keir. Nasubsob naman ako sa unahan matapos nitong mabilis na humingo.
"Ano ba?!" Inis na sigaw ko kay Keir, habang nakahawak sa ulo ko.
"Sabi mo hinto." Inosenteng sagot nito.
"Sabi ko nga hinto, pero hindi ka ba marunong magdahan-dahan?" Reklamo ko, pwede naman kasi siyang huminto ng dahan-dahan, e.
"Ayos ka lang ba ate?" Tanong ni Chelsea.
Nakayuko pa rin ako habang nakahawak sa ulo. Nakaharang ang buhok ko kaya may naisip akong kalokohan. Baka kapag ginawa ko ito titigil na si Keir. Lumunok ako at muling umarte.
"Ayos lang naman." Malamya kong saad at inangat ang ulo.
"Nasaan si Grim reaper?" Tanong ko pa kay Chelsea. Marahan naman akong humarap sa pwesto ni Keir, para magpanggap na hindi siya nakikita.
"Ito siya." Agad na turo ni Chelsea.
"Wala naman siya." Nakita ko ang pag-ayos ng upo nito at humarap sa akin. Maging ang mukha niya ay nagtataka.
"Hindi mo ako nakikita?" Kunot noong tanong nito.
"Nasaan? OMG! Wala na akong third eye?" Pumalakpak pa ako dahil sa tuwa. Pinipilit kong 'wag matawa sa reaction ni Keir, nakauwang pa kasi ang bibig nito at nakakunot ang noo.
"Sigurado ka ba ate?" Nakangiti akong tumango sa sinabi ni Chelsea.
"Tutal hindi ko na siya nakikita aalis na ak–"
Bubuksan ko na sana ang pinto, para bumaba ng muling imaneho ni Keir at mas mabilis ang pagpreno nito, dahilan ng muli kong pagkakauntog. Mas masakit ito ngayon kumpara kanina.
"ANO BANG PROBLEMA MO?!" Bulyaw ko kay Keir, masama ang tingin ko sa kaniya.
"Ayan, nakikita mo na ulit ako." Umirap ako at humalukipkip. Bwisit! Naisahan niya ako, maghintay ka lang, mapapaniwala rin kita at makakatakas din ako.
"Ano ba kasing ginagawa niyo? Nahihilo ako sa inyo." Sabay pa kaming napatingin kay Chelsea. Napabuntong hininga pa ako at tumingin kay Keir.
"Tutal andito na tayo, hulihin na rin natin ang multo na sinasabi nila rito sa Sheran beach." Sabay turo ko sa kaniya.
Mga bata pa lang kami naririnig ko na ang kwento ng multo na nanghihila daw, kaya marami raw ang namamatay sa beach na ito.
"Sabi ko na, gusto mo pa akong makasama." Napailing pa ito at nagmaneho papasok dito. Dahil kasama namin siya nakita rin siya ng mga taong nagbabantay rito. Nakakatakot naman siguro na hindi makita ang driver namin.
"Kahit hanggang 7:00 pm lang, ba-byahe pa kasi kami mamaya." Kausap ko sa isang staff na andito. Hindi na rin namin kailangan ng cottage dahil wala naman kaming bitbit na gamit, entrance lang ang binayaran namin.
"Okay, saan natin siya hahanapin?" Tumingala ako para tingnan ni Keir. Sa rami ng iniisip ko, dumagdag pa kung hindi ba niya nararamdaman ang mga kaluluwa. Nagdududa na talaga ako sa kaniya kung Grim reaper ba talaga ito, o sad'yang isang kaluluwa na pinalayas ng kambal niya.
"Mas magandang maligo muna tayo habang naghahanap." Lumingon ako kay Chelsea, na nakatayo sa gilid ko. Oo nga pala may dala siyang damit, kaya pwedeng-pwede siya maligo.
"Tara ate, mag-swimsuit tayo." Hinila niya ako, pero hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.
"Ayoko nga, ikaw na lang. Ganito lang ako." Sumimangot ito dahil sa sinabi ko. Hindi naman kasi ako nagsusuot ng gano'n, kaya ayoko. Isa pa may kasama kaming lalaki na hindi ko kilala.
"Samahan mo na lang pala ako." Dali-dali niya akong hinila para kumuha ng damit, matapos nito ay nagtungo kami sa restroom. Hindi na sumunod si Keir, nanatili siyang nakatayo roon.
"Ate may gusto ka ba kay Keir?" Napatigil ako sa tanong ni Chelsea, nasa loob siya ng isang cubicle at dalawa lang kaming narito sa restroom.
"Ano ka ba? Mukha bang gusto ko siya?" Kung alam niya lang talaga kung anong mga iniisip ko para lang malayo sa grim reaper na iyon. Isa pa bakit niya iisipin na gusto ko iyon? Bwisit na bwisit nga ako kapag kasama siya.
"Mabuti na lang, 'wag na 'wag ate." Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Pero hindi ko na binigyan ng pansin hanggang sa lumabas siya.
"Ayos lang po ba?" Napatingin naman ako sa kaniya. Maganda ang kurba ng kaniyang katawan, malaki ang balakang at maganda ang dibdib. Mabuti pa siya ganito ang katawan, mas matanda ako sa kaniya, pero mas malaki ang hinaharap niya. Nakasuot kasi siya ng two piece na kulay blue at talagang kitang-kita ang pinagmamalaki nito.
"Sana all talaga." Natawa pa ako at ganoon din siya. Humarap pa siyang muli sa salamin at inayos ang suot niya.
"Wag ka lang masyadong tatakbo baka mapigtal." Biro ko pa sa kaniya. Feeling ko sa sobrang bigat ng dibdib nito, mapipigtas na ang strap ng bra niya.
"Palabiro ka talaga ate, tara na." Ngumiti lang ako at sumunod na sa kaniya palabas. Napatingin pa ako sa pwesto ni Keir, pero wala na siya roon. Baka nainip sa tagal namin at siya na ang naghanap ng kaluluwa, mabuti naman alam niya ang trabaho niya.
Habang sinasauli ni Chelsea ang gamit niya, inilibot ko ang paningin sa paligid. Maganda pala talaga rito. Maraming naglalakihang bato at pino rin ang mga buhangin.
Pumikit pa ako at lumanghap ng sariwang hangin. Ang sarap talaga sa tabing dagat, ang sarap ng hangin at ang relaxing ng tunog ng alon.
Muli akong lumanghap ng hangin at dumilat. "Ay kabayo!" Napaatras pa ako dahil sa gulat. Bakit sa luwag ng lugar ang hilig niyang sa harapan ko sumulpot bigla-bigla.
"Bakit ba palagi kang nasa harapan ko, ha?" Angil ko rito, pero wala na namang pagtataka ang makikita sa mukha niya. Paano maging ganito kakalmado kay Keir?
"Bakit ba palagi ka kasing gulat?" Inosente nitong tanong. Hindi ko na siyang sinagot dahil baka humaba ang usapan, ako naman palagi ang talo.
"Tara na?" Napatingin pa ako kay Chelsea na atat maligo.
"Wow." Rinig kong saad ni Keir, napangisi pa ako at tumingin dito. Mga lalaki talaga, mapabuhay o patay walang nag-iiba kapag nakakakita ng sexy.
"Bakit ikaw?" Mahinang tulak ni Keir.
"Hindi naman ganiyan kaganda ang katawan ko, umalis ka nga." Itinulak ko siya at sabay kaming tumakbo ni Chelsea sa dagat. Atat na rin ako, dahil ang tagal na rin noong huli kaming nag-outing.
Tuwang-tuwa kami habang nagtatampisaw sa masarap na tubig dagat, si Keir ay nasa pampang lang habang nakatingin sa paligid. Naglalakad-lakad ito na parang ninanamnam din ang masarap na hangin.
"Masaya siguro ang mission mo, ano ate?" Napatingin pa ako kay Chelsea.
"Kung alam mo lang, kung pwede lang mahanap ko na lahat ng hinahanap nila, ginawa ko na para lang bumalik sa normal ang buhay ko," saad ko rito habang patuloy sa paglangoy.
"Normal ba ang buhay mo noon?" Napatikom ako sa tanong na ito. Normal nga ba ang buhay ko noon?
"O iniisip mo lang na normal ka?" Mahinahong saad nito. Hindi ako makasagot sa tanong niya, dahil maging ako ay hindi ko alam kung ano ang sagot.
"Wag na nga natin pag-usapan, tara punta tayo sa batuhan, ate." Aapila pa sana ako namg bigla akong hinila nito palagoy. May tatlong bato na andito at talagang malalaki, ang sarap sana magpicture, para gawing profile picture ang kaso nasa kotse ni Keir ang cellphone ko.
"Ang ganda rito ano?" Sabi ni Chelsea at tumalikod na sa akin para hawakan ang bato. Umatras ako habang lumalangoy. Nakatalikod pa rin kasi siya sa akin, dahil para siyang may tinitigan sa bato.
"Kap–" Naputol ako sa pagsasalita ng biglang may humila sa akin pailalaim, mabuti na lang at nakalangoy ako paitaas. Hingal na hingal ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko, hindi mganda ang pakiramdam ko sa part na ito.
Tumingin ako kay Chelsea para sana ayain na siya nang muling may humila sa akin pailalaim, sa puntong ito ay hindi ako agad nakaahon dahil sa lakas ng pwersa nito.
Nagpumiglas ako pero hindi ko kinaya. Dilat ang mga mata ko habang pailalim, bumagal ito at pakiramdam ko ay nakalutang na lang ako. Marahan ang pagpikit ko ng may isang babae ang bumungad sa aking harapan. Ngumiti ito sa akin at inalok ang dalawa niyang kamay, na isang simbolo para sumama ako sa kaniya. Tumango pa ito habang nakangiti.
Mukha siyang mabait dahil sa amo ng kaniyang mukha, kung siya man ang sinasabing kumukuha ng mga tao, maaaring may nais siyang iparating sa akin.
Marahan kong hinawakan ang kaniyang kamay, napapikit pa ako dahil sa sobrang lakas ng pwersa na tumama sa mukha ko, nahirapan akong huminga at tila dinala ako sa kung saang lugar.
"Bilisan niyo!" Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, bigla akong napaupo at pinagmasdan ang paligid. Narito pa rin ako sa Sherman beach, pero base sa pwesto ng araw ay umaga ngayon.
"Baka madapa kayo!" Napatingin ako sa isang babae na nasa likuran habang pinapagalitan ang mga bata na nagtatakbuhan. Nanlaki ang mga mata kong titig sa kaniya, lumagpas ito sa akin at pakiramdam ko hindi niya ako nakikita.
Siya ang babae kanina habang nalulunod ako. Ito ba ang nais niyang ipakita sa akin? Ito ba ang nais niyang malaman ko?
Lumingon ako, pero muli akong napapikit dahil sa malakas na hangin. Pakiramdam ko ay muli akong dinala nito sa kung saan at tama nga ako. Pagdilat ko ay hapon na at narito ako sa malalaking bato, kung saan kami nagpunta ni Chelsea.
"T-tulong!" Napalingon ako sa babaeng tumatakbo, napasunod pa ako ng tingin matapos nitong lumagpas sa akin at sumunod ang dalawa pang lalaki. Namumukhaan ko ang isa sa kanila, siya ang nakausap ko kanina sa entrance.
Tumakbo ako palapit sa kanila. Gutay-gutay ang suot na damit ng babaeng ito at maging ang buhok niya ay gulo-gulo. Umiiyak ito habang yakap ang kaniya sarili, tuwang-tuwa naman ang dalawang ito sa ipinapakitang takot ng babae.
"Maawa kayo." Pakiusap nito pero agad siyang napasigaw nang hawakan siya sa magkabila nitong kamay. Tumakbo ako para itulak sila pero wala akong nagawa, tumatagos lang ako sa kanila.
"T-tulong!" Pilit kong sigaw. Alam kong walang makakarinig sa akin, pero pinilit ko pa rin. Dahil baka sakali na may makarinig sa sigaw ko. Pinilit kong tulungan ang babae pero hindi ko nagawa. Sinubukan kong tumulong, maging ang mga mata ko ay patuloy sa pag-iyak, dahil sa awa ko sa kaniya. Nasa harapan ko sila mismo at nakikita ko kung anong ginagawa nila, pero wala akong magawa, hindi ko manlang siya matulungan.
Matapos nilang pagsamantalahan ang babae ay hindi pa sila naawa, nilunod nila ito hanggang sa mawalan ito ng buhay. Hindi ko na napigil ang mapaluhod dahil sa panghihina ng tuhod ko, gusto ko silang gantihan at lunurin din, pero hindi ko magawa dahil hindi ko sila mahawakan.
"Pare, mahuhuli tayo kapag hindi natin ito nagawan ng paraan, itapon na natin sa dagat." Utos ng isang lalaki at pinaalon nga nila ang bangkay nito. Umayos pa sila ng tayo at luminga-linga, nang wala silang nakitang ibang tao ay agad silang tumakbo sa kung saan.
Humihikbi akong tumayo at lumingon. Mula sa paglingon ko ay isang bagong pangyayari na naman. Umaga ng muli at ang dalawa ay aligaga na naglalakad, halatang may seryosong pinag-uusap ang dalawang ito. Muli silang lumakad at lumagpas sa akin dahilan ng muli kong pagsunod.
"Anong gagawin natin? Gabi-gabi akong binabangungot." Aligaga na wika ng isang lalaki.
"Patay na siya, titigilan niya rin tayo," saad pa ng isa.
"Pero paano kung hindi? Natatakot ako para sa pamilya ko, ayaw ko namang makulong."
"Ano ka ba? Hindi tayo makukulong kung walang makakaalam, teka alam ko na. Ang sabi ng lola ko dapat nag-aalay, paano kung tuwing sasapit ang full moon mag-aalay tayo ng buhay sa kaniya," paliwanag pa nito.
"Paano? Papatay tayo ulit?"
"Ayaw mo ba? Para hindi niya na tayo gambalain kahit kelan. Lulunurin natin ang sino man para ialay sa kaniya, walang ibang makakaalam nito kung hindi tayo lang. Palalabasin nating may ibang kaluluwa na gumagawa no'n." Mahabang paliwanag nito.
Muli akong lumakad, pero napatigil ako. Napapikit dahil sa paninikip ng aking dibdib. Nang muli kong idilat ang mga mata ko ay bumalik ako ilalim ng dagat. Nakangiti sa akin ang babaeng ito. Bumaba ang tingin ko sa kamay ko ng mapansin na may inilagay siya rito, maya-maya pa naramdaman ko ang isang pwersa na humila sa akin paitaas.
Mabilis akong napayakap sa kaniya at napauwang ang bibig, para lumanghap ng hangin. Halos kapusin ako sa paghinga, pero unti-unti ko rin naman itong nabawi. Napapikit pa ako dahil sa hapdi ng mga mata ko, hindi ko rin magawang lumangoy kaya nagpadala na lang ako sa kung sino man ang nagligtas sa akin.
"Ang sinabi mo hahanapin mo ang kaluluwa na nasa dagat, hindi mo naman sinabi na gusto mong sumama sa kaniya." Kahit pa nanghihina ako ay natawa ako sa sinabi nito. Hindi ko naman alam na marunong pala lumangoy ang mga Grim reaper.
Naramdaman ko ang pagbuhat niya sa akin at doon ko lang nakita ang mukha niya. Straight na straight ang buhok nito dahil sa basa, ngumiti pa ito sa akin bago inalog ang kaniyang ulo. Tumalsik ang ilang butil ng tubig at sa sandaling ito ay tila bumagal ang oras, habang nakatingin ako sa kaniya. Muli niyang ibinaling ang tingin sa akin at ang mga ngiti nito ay sumasabay sa liwanag ng araw.
Bakit parang matagal ko ng kilala ang mga ngiti na ito?
"Ate Quinn." Si Chelsea agad ang sumalubong sa akin nang ibaba ako ni Keir.
"Ano ba kasing nangyayari?" Mangiyak-ngiyak nitong tanong.
"Nakita ko na ang nangyari sa kaniya, kilala ko na ang pumatay sa kaniya." Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko. Kahit med'yo nanghihina ay tumayo ako, may iilang mga staff ang narito sa amin, dahil malamang nagulat din sila sa nangyari sa akin.
"Silang dalawa." Sabay turo ko sa dalawang lalaki. Nagkatinginan pa sila at gulat na gulat sa paratang ko. Nakita ko ang panginginig sa kanilang katawan. Makalipas ang mahabang panahon mabubuko na rin ang kanilang ginagawa.
"B-bakit kami? A-ano bang sinasabi mo?" Galit na sigaw ng isang lalaki at tinuro pa ako.
"Ito, isa sa inyo ang may-ari nito, nakita ko kung paano niyo pagsamantalahan ang babae at kung paano kayo magplano para pumatay ng iaalay sa kaniya." Inabot ko ang isang pin na ibinigay sa akin ng babae. Kinuha ito ng manager at gulat ding napatingin dito.
"Sa 'yo ito Dexter, ang sabi mo noon nawala mo ito sa bahay niyo," sabi ng manager.
"Ibig sabihin, kayo ang may kagagawan sa pagkamatay ni Belia? Mga hayop!" Inawat pa ng ibang naroon ang pagsugod ng manager, mababakas ang galit sa mukha niya.
"H-hindi kami, hindi ako. Teka! Bakit napunta sa 'yo ito? Magnanakaw ka!"
Umilag ako dahil sa pag-amba nito ng pagsugod sa akin, pero humarang si Keir dahilan ng pagtalsik ng lalaking iyon. Hindi man kalayuan, pero sumuka ito ng dugo. Dahil sa natunghayan ni Chelsea, napakapit pa ito sa akin.
"Dapat sa inyo binubugbog." Galit na saad ng mga tao at saka nila ito pinagkaguluhan. Nakita ko kung paano sila namilipit sa mga suntok at bugbog ng mga naroon. Tumawag na rin kami ng pulis para sa kaso na ito, muli akong tumingin sa pampang at nakita ko ang babaeng ito. Maaliwalas na mukha at nakangiting sumama sa isa pang Grim reaper.
"Nawa'y maging payapa na ang iyong kalukuwa." Mahina kong bulong at pumasok na sa sasakyan namin.
Ito ang pangalawang beses kong makatulong sa mga kalukuwang hindi matahimik, alam kong hindi lang sila. Marami pa sa paligid, pero bakit ngayon nalilito na ako sa gusto ko?
Gusto kong takasan ang kakayahan kong ito, pero gusto ko ring tulungan sila hanggat mero'n akong ganitong kakayahan. Saan nga ba talaga ako papanig?
"Ang galing mo naman pala ate." Pamamangha ni Chelsea.
"Nagkataon lang." Tamad kong saad habang nakasandal ang ulo sa salamin ng bintana.
"Pero bakit gano'n? Hindi ba kapag 40 days wala na silang maaalala?" Umangat ako ng tingin kay Keir.
"Depende, sa kaso niya may mga buhay na inalay sa kaluluwa niya, kaya patuloy na bumabalik sa kaniya ang mga alaala." Napaalis ako sa pagkakasandal ng ulo ko at tumingin kay Grim reaper.
"Ano pang mga pangyayari ang pwedeng magtagal ang alaala ng isang kaluluwa?" Gusto ko pa kasing malaman para naman hindi na ako magtatanong pa ulit.
"Paghihiganti at pagmamahal," sagot nito.
"Katulad ng ano?" Tanong pa ni Chelsea. Ito sana ang itatanong ko pero naunahan na niya ako.
"Sa labis na paghihiganti hindi nawawala sa kanila ang mga alaala, pero madalas sila ang mga bad spirit. Nahihirapan ang mga Grim reaper pagdating dito, dahil sa lakas ng pwersa nila." Paliwanag nito at napatango kaming sabay ni Chelsea.
"Hindi na sila nabibigyan pa ng pagkakataon na ma-reincarnate 'di ba?" Dagdag ko pang tanong, tumango ito at nagsalita.
"Oo, sa oras na matalo sila, kusa na silang maglalaho," sagot nito habang sa kalsada pa rin ang tingin.
"E, paano sa labis na pagmamahal?" Tanong ko muli.
"May mga tao kasi na hindi nila kayang pakawalan ang isang namatay, kapag hindi nila matanggap ito ay hindi basta nawawala ang alaala ng mga taong namayapa na. Mas matagal silang naiiwan sa lupa, kahit nasa kagustuhan na nilang umalis hindi nila magawa. Dahil patuloy na kaugnay nila ang kaluluwa ng taong ayaw silang pakawalan." Mahabang paliwanag nito at para kaming tanga na nakanganga sa harap niya, habang nagpapaliwag.
"Naglalaho rin sila at hindi na nabibigyan ng pagkakataon na muling isilang, pero kaunti lang ang may ganitong kaso. Naaagapan pa naman ng ibang Grim reaper lalo na kung gusto na talagang umalis ng isang kaluluwa," dugtong pa nito. Ibig sabihin walang pinagkaiba ang dalawa? Maaaring hindi na muli pang ma-reincarnate ang isang kaluluwa kapag may isang tao na hindi sila nais pakawalan?
Nakaka-stress din pala ang trabaho nila, akala ko susundo lang ng mga kaluluwa. Pahirapan din pala.
Siguro sa kanila si Keir lang ang hayahay, puro lang gala at ngayon dalawa na ang assistant. Nice one, wala na itong ibang gagawin kung hindi mang-asar.
Pero ano pa kaya ang mga klase ng kaluluwa ang makakasalamuha ko? Oo nga pala, makikita ko na naman ang demonyong multo na iyon. Dapat malaman ko na kung ilan na lang ba ang hahanapin namin, para naman aware ako at madaliin ko na.
Gusto ko mang tulungan lahat pero may buhay rin naman akong dapat harapin.
"Andito na tayo." Masayang saad ko at agad na lumabas. Sumunod na rin si Chelsea at nagtaka pa noong umalis na si Keir."Bakit hindi siya sumama?" Tanong nito."Hindi ko rin alam d'yan." Tamad kong sagot at pumasok na sa loob.Si manong Roly ang unang bumungad sa amin. Pagbukas ng pinto napatingin pa sa amin si Cora at ate Mona, napatigil din sila sa kani-kanilang ginagawa at agad lumapit sa amin."Ang akala ko hindi ka na babalik," si ate Mona."Hindi na nga sana, kaso." Sabay turo ko kay Chelsea."Hello po." Naiilang na bati nito. Pinakilala ko sa kaniya isa-isa ang mga narito. Pinaliwanag ko rin kung ano ang lugar na ito at kung anong klaseng boss ang mero'n dito. Lahat na ng kasiraan sa puri ni Florence, sinabi ko na."Anong kaguluhan 'yan?" Napatigil kaming lahat matapos itong marinig, napairap pa ako ng marinig ang boses na iyon. Humawi sila ate Mo
"Mukang masaya ka, ah." Pang-aasar nito. Hindi ako makapagsalita dahil sa pagdarasal. Siguro kahit suicidal person talagang gugustuhin pang mabuhay, dahil sa klase ng pagmamaneho ng Grim reaper na ito. Malamang hindi siya takot mamatay, matagal na kasi siyang patay.Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon, ang alam ko lang ay patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. Wala na akong ibang naiisip, wala ng mission o maging si Chelsea, ang naiisip ko na lang ngayon ay ang buhay ko.Ganito siguro kapag malapit na mamatay ano? Bumabalik lahat ng alaala mo sa buhay. Lahat ng mga nangyari sa 'yo noong bata ka pa. Ito na ba iyon Lord? Kukunin mo na ba ako?"Hindi ka pa ba bibitaw?" Natatawang tanong nito. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nakahinto na pala kami ngayon, ilang sandali pa bago muling bumalik ang ulirat ko at agad akong kumawala ng yakap sa kaniya."Buhay pa ba ako?" Tanong ko habang tinatanggal ang helme
"Nakita ko na." Agad akong napatingin kay Keir at itinuro ang shop, dahil mahina ang pag-andar ng kalesa ay hindi kami dinala sa kalayuan, agad namin itong pinahinto.Matapos ko magbayad ay agad kaming nagtungo rito. Bitbit ko ang palda ko para lang mabilis magtungo roon, agad siyang napatigil ng makapasok kami. Tumayo ito at lumapit.Magada siya, maging ang kutis nito kahit pa man may bahid ng pintura ang katawan at damit, hindi ko maikakaila ang ganda nito. Tumagos ang tingin ko sa lalaking kaluluwa na nakasunod sa kaniya.Halata sa mukha nito ang katagalan na. Bitak-bitak na ang tuyong labi nito. Kulay violet ang kulay ng balat at maging ang mga itim na ugat sa kaniyang mukha. Parang pagod na pagod itong nakasunod sa babae, malamang sad'yang dugtong ang kanilang kaluluwa at ganoon na lang ang pagmamahalan nila, kaya maging kamatayan ayaw pa siyang pakawalan."Anong kailangan niyo?" Mahinahong tanong n
Matapos naming masundo si Chelsea ay tumambay muna kami sa Jollibee, hindi pa raw kasi siya lumalabas. Natatakot siya sa maaaring mangyari."Gutom na gutom ka talaga," saad ni Keir habang kaharap namin ito. Kumain na rin ako dahil mamaya ay wala akong pagkain sa hotel, magpapasama na rin ako mamaya bumili sa grocery para kung mag-stay man ako sa hotel, hindi ako magugutom. Hindi naman kasi kumakain ang mga ando'n, isa pa wala naman pakialam sa akin ang may-ari, kaya wala siyang pakialam kung magutom ako."Hindi na muna sigiro ako titira doon ate, sa tinutuyan ko munang hotel ako mag-stay. Hindi ako lalabas ng kwarto ko, ayaw na po kasi akong pabalikin doon ni sir Florence. Noong pagkalabas mo ang dami niyang sinabi na masasakit sa akin." Napatigil ako sa pagkain para hagurin ang likod nito."Wala talagang puso ang tao–demonyong multo na iyon," saad ko pa rito. Wala naman kasing ibang iniisip iyon kung hindi ang sarili niya at si Val
"Saan naman kumuha ng kapal ng mukha si Blake at nagawa ka pa niyang kusapin?" Sagot ni ate Jade mula sa kabilang linya."True, ang kapal ng mukha niya matapos umalis ng walang paalam?" Gigil na saad ni Finley.Magkaka-video call kami sa GC ngayon at silang tatlo ang kausap ko. Si ate Jade, Finley at kuya Denis."Wag mong sabihin na naging marupok ka sa kaniya?" Tanong ni kuya Denis na ikinatawa ko."Hindi no, naka-move on na po ako," sagot ko at dumapa."Siguraduhin mo lang, o baka naman may iba ng nagpapasaya? Kaya ganiyan kaaliwalas ang mukha mo?" Intriga ni kuya Denis na ginatungan pa ng dalawa."Kaya nga, sino naman ang lalaking kasama mo sa painting? Nakita ko sa story mo." Napatikom pa ako ng bibig sa tanong ni Finley. Kahit talaga kailan maintriga ang babaeng ito."Friend?" Sabay tawa ko."Friend? Tapos binigyan ka ng locket? Friend mo lalen
"Andito na tayo." Bumalik lang ako sa sarili ng bigla niyang hininto ang sasakyan."Anong ginagawa natin sa peryahan?" Napakibit-balikat lang ito sa tanong ko. Mariin akong napapikit at napahilamos sa mukha. Ngayon niya pa talaga naisipan maggala?"Mukhang hindi ka nakikinig ng balita, halos linggo-linggo may namamatay rito at ang mukha nila pare-parehas." Napabuntong hininga na pa ako matapos niya itong sabihin. Agad kong kinuha ang phone ko at nag-umpisang magsearch tungkol dito sa Bella Perya.Napaayos pa ako ng upo ng makita ang itsyura ng mga taong tinutukoy niya. Itim ang mga mata at labi. Para silang nga taong hinigupan ng kalukuwa, marahil ganito ang itsyura ng nasa hotel kanina."Kita mo na? Magsasara na sila ngayong araw. Hanggat may oras tayo subukan nating maghanap ng sagot." Napatingin ako kay Keir."Okay." Tipid kong sagot bago tinanggal ang seatbelt. Palabas na sana
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, sapo ang ulong umupo.Ano bang nangyari at ganito kasakit ang ulo ko?"Ayos ka na ba?" Halos mahulog ako sa kama dahil sa gulat."Bakit ka ba nanggugulat?" Singhal ko rito.Tumaas pa ang kilay ko at inayos ang kumot na nasa binti ko."Nawalan ka ng malay, malamang mag-aalala ako sa 'yo. Mamaya isipin mong wala akong puso." Napangisi pa ako sa sinabi nito. Napatingin ako sa kaniya habang isinasara nito ang kurtina ng bintana."Oh? Meron ka pala?" Natatawang tanong ko.Ngayon ko lang nalaman na may puso rin pala siya, ang akala ko kasi wala siyang pakialam kung anong mangyayari sa akin. Basta maibalik ko lang ang babae niya."Ikaw bahala kung anong gusto mong isipin, hindi ko kasi magawang maging sobrang bait sa 'yo. Dahil baka biglang mahulog ang loob mo sa akin, ako pa maging masama." Sery
Malamig na simoy na hangin at mapayapang kapaligiran. Malapit na ang paglubog ng araw at nakasilong kami sa ilalim ng puno, sa gilid ng ilog.Hindi ko alam kung saang lugar ito, pero maganda ang tanawin, maging ang kalangitan ay maaliwalas at ang unti-unting paglubog ng araw."Palagi ka bang andito?" Nakangiting tanong ko at tumingin sa kaniya."Hindi, ngayon nga lang ako nakapunta rito," sagot nito matapos ibato sa ilog ang batong hawak niya."Totoo? Pero bakit dito tayo pumunta?" Tanong kong muli at kumuha ng bato, ginaya ko ang ginawa niya kanina.Masaya rin pa lang gawin ang bagay na ito. Ang akala ko dati keme lang ng mga nasa ilog ang pagbato. Magaan pala sa pakiramdam."Ay teka, magpatutog tayo." Masigla kong saad at kinuha ang phone sa bag. Gusto ko sanang magpicture kasama siya, pero sayang lang. Hindi kasi pwede, hindi siya makikita sa camera.
20 years later"HANZEY!" Napabalikwas ako ng tayo matapos marinig ang boses ni tita Finley, ano na naman kayang ginagawa nila rito ng ganito kaaga?Kahit pa gulong-gulo ang buhok ay lumabas ako, naabutan ko si tita Finley kasama si Delia."Ano po bang mero'n ngayon? Aga-aga," reklamo ko."Abang bata ito!" Napaiwas pa ako matapos niyang mag-amba na hampasin ako."Sorry naman," pagbibiro ko pa."Wala po sila mommy rito," dagdag ko pa habang inaayos ang buhok kong nagkalat sa mukha ko."Death anniversary ngayon ng tita Quinn mo, wala ka bang balak magpunta?" Tanong nito habang paupo sa sofa."Oo nga ate Hanzey, sabay ka na lang sa amin," dagdag pa ni Delia."Mamaya pa naman 'di ba? Dadaan pa ako sa office mamaya." Nakalimutan ko ngayon pala iyon, mabuti na lang at naisipan nilang dumaan dito."Sige pa
"R-Renna." Panginginig nitong saad.Tumayo ako habang ang mga mata ko ay tutok pa rin sa kaniya.Ngayon nabigyan na ng linaw ang lahat, naaalala ko na ang lahat-lahat. Mula sa amin ni Florence at kung paano kami lumabas ni Valeria.Lumakad ako palapit sa kaniya ngunit mabilis siyang umatras. Malamig na hangin ang pumapagitna sa aming dalawa."Akalain mo? Iisang babae pa rin ang kalaban ko?" Napangisi ito at muling lumitaw ang itim na usok sa kaniyang katawan.Gusto kong umiyak, nasasaktan ako sa ginagawa niya. Matagal na kaming magkaibigan at alam kong lahat patungkol sa kaniya, gusto ko siyang mapabago kahit pa alam kong wala ng pag-asa pa."Tama na, Valeria. Kaibigan kita, ayokong tuluyan kang magpalamon sa kadiliman." Mahinahon kong wika."Kaibigan? Kaibigan pero nagawa mong agawin sa akin si Florence?" Tanong nito mula sa mahinahon ngunit may pagbaba
Nagising ako sa mabangong amoy na nakalapat sa ilong ko. Umayos ako ng higa nang maramdamang may brasong nakapulupot sa katawan ko, ramdam ko rin na nakaunan ang ulo ko sa braso nito.Dumilat ako para tingnan siya, bumawi rin ako ng yakap at muling pumikit habang ang mukha ko ay nakasubsob sa dibdib nito.Wala akong marinig na pagtibok ng puso pero ramdam ko ang bigat ng paghinga nito."Dito ka lang muna, gusto ko dito ka lang sa tabi ko." Humigpit ang yakap nito sa akin.Mabilis ang tibok ng puso ko at alam kong ramdam niya ito. Gusto ko, gustong-gusto ko manatili sa tabi niya ng mas matagal pang panahon."Dito lang ako, mananatili sa tabi mo kahit pa lumipas ang ilang libong habambuhay," sambit ko habang mahigpit din ang yakap sa kaniya.Nakapikit pa rin ako at sobrang komportable ko sa mga bisig niya, pakiramdam ko safe na safe ako at matapang akong humarap sa mga maaaring
Ang ibig sabihin kung tuluyan siyang maglalaho hindi na siya mabibigyan ng pagkakaon na mabuhay muli? Anong mangyayari sa akin? Maaaring maging ako ay may kaparusahan? Pero hindi eh, bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit kahit alam na niya ang mangyayari sa kaniya nagawa niya pa rin akong mahalin?"Sige, dito na kami sa kabila pupunta." Tumango lang ako sa kanila at tumalikod. Napahagod pa ako sa dibdib ko dahil sa kirot nito, mabilis ang bawat pitik at maging paglakad ko ay mabigat. Nangingilid na ang mga luha dahil sa mga nalalaman ko.Bakit mas pinili niyang gawin ito? Bakit mas pinili niyang itago? Ang buong akala ko ako lang ang sumusugal dito, mas malaki pala ang itinataya niya sa pag-ibig na ito.Agad akong nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig, matapos kong uminom ng tubig ay napatungkod ako sa mesa at yumuko.Gusto kong umiyak na lang nang umiyak pero alam ko walang mangyayari kahit pa malunod ako
Buo na ang alaala nito, mula sa kung paano kami unang nagkita bilang siya si Grim reaper hanggang sa kung paano kami nagkita bilang si Florence.Hindi ko alam kung anong iniisip niya sa lahat. Kapag kasama ko siya biglang Keir mabait at masaya ako na kabaligtaran kapag kasama ko siya bilang si Florence."Sabi ko na, ikaw siguro unang nagkagusto sa akin no? Kaya galit ka kapag hindi kita pinapansin sa hotel." Natatawang saad nito habang nagmamaneho.Ibang klaseng Florence ang kasama ko ngayon. Mas masaya at puno ng buhay, ewan ko ba. Basta alam ko masaya kami ngayon."Ikaw kaya ang galit na galit sa ex ko." Bawi ko pa rito."Oo nga pala, bakit ka nakipagkita sa kaniya kanina? Bakit hindi ka nagpaalam sa boyfriend mo?" Napangisi pa ako sa tanong nito."Wala naman kaming ginawang masama, hindi tulad ng iba d'yan nakipaghalikan pa sa ex niya." Sumimangot ako ng maalala ang ginawa
Nanatili ako sa loob ng hotel habang hindi ko pa alam ang susunod kong gagawin. Gusto ko ng makita at makausap si Keir, pero kapag naaalala ko–si Florence ang pumapasok sa utak ko. Na baka ang nararamdaman ni Keir sa akin ay bunga lang ng wala siyang maalala sa dati niyang buhay.Paano kung maalala na niya? Maiiwan akong mag-isa, maiiwan akong nagmamahal sa taong iba naman talaga ang mahal.Damn! Sana pala talaga una pa lang umiwas na ako para hindi na ganito ang nangyari.Wala na akong ingay na narinig sa loob ng office ni Florence, malamang bumalik na sila sa mga trabaho nila. Pero si Valeria at Florence kaya? Andito kaya sila ngayon sa loob? Anong ginagawa nila?Dahan-dahan akong humawak sa doorknob at nagtangka na ikutin ito, para sana buksan pero hindi ko maitulak. Nag-aalangan at natatakot ako sa maari kong makita.Napalunok ako at binitawan ito kasabay ng pagkawala ko ng malalim na paghinga.
Paakyat na ako ng bigla akong napatigil sa pagbukas ng pinto. Mabilis nanindig ang balahibo ko kahit pa man hindi ko alam kung sino ang pumasok, mariin akong napakapit sa gilid ng hagdan at humarap dito.Halos maputulan ako ng hininga ng tuluyang luminaw sa akin ang mukha nito. Nanlaki at nanginginig ang mga mata kong tutok dito."Chelsea." Bulong ko sa sarili pero alam kong may kakaiba sa kaniya na maging ang kaluluwa ko ay natatakot dito. Ibang-iba ang aura niya, maging ang matalim nitong tingin.Dahan-dahan akong bumaba habang sila mang Roly at ate Mona ay lumapit dito, ngumiti siya at may sinabi. Hindi ko ito narinig pero nakita ko ang gulat sa mukha ng dalawa, napatakip pa ng bibig si ate Mona at mahigpit na niyakap si Chelsea.Balisa at wala sa sarili akong lumalakad palapit nang biglang dumating si Florence at nagtatakang lumapit dito. Nasa malayo ako kaya hindi ko marinig ang usapan, isa pa ang bilis a
"Lalabas rin ako matapos nito." Paalam ko kay Keir habang tinatanggal ang seatbelt."Magpahinga ka na muna, baka napagod ka." Matapos nito ay agad niyang hinigit ang batok ko palapit sa kaniya para halikan ako. Napapikit ako ng saglit at bumawi."Sige na, may nanonood sa likod." Natatawa kong biro at itinuro ang kaluluwa na tulala."Hindi naman niya 'yan maaalala," dagdag nito at muli akong hinalikan."Sige na." Muli kong paalam at agad bumaba. Baka mamaya magkaroon pa ng live action dito sa sasakyan niya.Ibinaba ko na rin ang kaluluwa at isinama sa loob ng hotel.Pagtapak pa lang namin sa loob, parang may kung anong nangyari sa kaniya. Nagulat pa nga ako dahil bigla itong nagsalita."Naibalik mo siya!" Masayang sambit ni Cora habang palapit ito sa amin."Ano ang nangyari?" Pagtatakang tanong nito."Ang naaalala k
Nakarating kami ng La Berta Miranda boutique. Nagpababa na lang ako sa tapat habang siya susunod na lang daw, agad akong tumawag kay Blake pagpasok ko sa loob."Good day ma'am." Bati ng isang babae matapos kong makapasok. Magsasalita na sana ako ng may tumawag sa akin, agad akong napatingin dito, pero hindi nagpahalata ng ilang na ngiti.Pero mas lalong kinagulat ko ang pagsulpot ni Keir mula sa likod nito. Ghad! Mediyo kinabahan ako dahil sa seryosong mukha nito na akala mo ay susunduin na si Blake, anytime."H-hello." Naiilang kong bati. Lumingon pa ito sa paligid at mukhang natuwa pa nang hindi makita si Keir."Mukhang wala ang asungot." Nakangisi nitong saad at agad lumapit sa akin. Yayakap pa sana ito ng lumakad na ako palapit sa mga manikin.Pero saan dito ang sinasabi niya? Lahat naman ng nandito, mga normal na manikin. Pero hindi ko mapigilan ang ngumiti habang hawak ang mga wedding go