Share

Chapter 12

Author: Cactushoney
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

"Nakita ko na." Agad akong napatingin kay Keir at itinuro ang shop, dahil mahina ang pag-andar ng kalesa ay hindi kami dinala sa kalayuan, agad namin itong pinahinto. 

Matapos ko magbayad ay agad kaming nagtungo rito. Bitbit ko ang palda ko para lang mabilis magtungo roon, agad siyang napatigil ng makapasok kami. Tumayo ito at lumapit.

Magada siya, maging ang kutis nito kahit pa man may bahid ng pintura ang katawan at damit, hindi ko maikakaila ang ganda nito. Tumagos ang tingin ko sa lalaking kaluluwa na nakasunod sa kaniya. 

Halata sa mukha nito ang katagalan na. Bitak-bitak na ang tuyong labi nito. Kulay violet ang kulay ng balat at maging ang mga itim na ugat sa kaniyang mukha. Parang pagod na pagod itong nakasunod sa babae, malamang sad'yang dugtong ang kanilang kaluluwa at ganoon na lang ang pagmamahalan nila, kaya maging kamatayan ayaw pa siyang pakawalan.

"Anong kailangan niyo?" Mahinahong tanong n

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Undying Memories   Chapter 13

    Matapos naming masundo si Chelsea ay tumambay muna kami sa Jollibee, hindi pa raw kasi siya lumalabas. Natatakot siya sa maaaring mangyari."Gutom na gutom ka talaga," saad ni Keir habang kaharap namin ito. Kumain na rin ako dahil mamaya ay wala akong pagkain sa hotel, magpapasama na rin ako mamaya bumili sa grocery para kung mag-stay man ako sa hotel, hindi ako magugutom. Hindi naman kasi kumakain ang mga ando'n, isa pa wala naman pakialam sa akin ang may-ari, kaya wala siyang pakialam kung magutom ako."Hindi na muna sigiro ako titira doon ate, sa tinutuyan ko munang hotel ako mag-stay. Hindi ako lalabas ng kwarto ko, ayaw na po kasi akong pabalikin doon ni sir Florence. Noong pagkalabas mo ang dami niyang sinabi na masasakit sa akin." Napatigil ako sa pagkain para hagurin ang likod nito."Wala talagang puso ang tao–demonyong multo na iyon," saad ko pa rito. Wala naman kasing ibang iniisip iyon kung hindi ang sarili niya at si Val

  • Undying Memories   Chapter 14

    "Saan naman kumuha ng kapal ng mukha si Blake at nagawa ka pa niyang kusapin?" Sagot ni ate Jade mula sa kabilang linya."True, ang kapal ng mukha niya matapos umalis ng walang paalam?" Gigil na saad ni Finley.Magkaka-video call kami sa GC ngayon at silang tatlo ang kausap ko. Si ate Jade, Finley at kuya Denis."Wag mong sabihin na naging marupok ka sa kaniya?" Tanong ni kuya Denis na ikinatawa ko."Hindi no, naka-move on na po ako," sagot ko at dumapa."Siguraduhin mo lang, o baka naman may iba ng nagpapasaya? Kaya ganiyan kaaliwalas ang mukha mo?" Intriga ni kuya Denis na ginatungan pa ng dalawa."Kaya nga, sino naman ang lalaking kasama mo sa painting? Nakita ko sa story mo." Napatikom pa ako ng bibig sa tanong ni Finley. Kahit talaga kailan maintriga ang babaeng ito."Friend?" Sabay tawa ko."Friend? Tapos binigyan ka ng locket? Friend mo lalen

  • Undying Memories   Chapter 15

    "Andito na tayo." Bumalik lang ako sa sarili ng bigla niyang hininto ang sasakyan."Anong ginagawa natin sa peryahan?" Napakibit-balikat lang ito sa tanong ko. Mariin akong napapikit at napahilamos sa mukha. Ngayon niya pa talaga naisipan maggala?"Mukhang hindi ka nakikinig ng balita, halos linggo-linggo may namamatay rito at ang mukha nila pare-parehas." Napabuntong hininga na pa ako matapos niya itong sabihin. Agad kong kinuha ang phone ko at nag-umpisang magsearch tungkol dito sa Bella Perya.Napaayos pa ako ng upo ng makita ang itsyura ng mga taong tinutukoy niya. Itim ang mga mata at labi. Para silang nga taong hinigupan ng kalukuwa, marahil ganito ang itsyura ng nasa hotel kanina."Kita mo na? Magsasara na sila ngayong araw. Hanggat may oras tayo subukan nating maghanap ng sagot." Napatingin ako kay Keir."Okay." Tipid kong sagot bago tinanggal ang seatbelt. Palabas na sana

  • Undying Memories   Chapter 16

    Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, sapo ang ulong umupo.Ano bang nangyari at ganito kasakit ang ulo ko?"Ayos ka na ba?" Halos mahulog ako sa kama dahil sa gulat."Bakit ka ba nanggugulat?" Singhal ko rito.Tumaas pa ang kilay ko at inayos ang kumot na nasa binti ko."Nawalan ka ng malay, malamang mag-aalala ako sa 'yo. Mamaya isipin mong wala akong puso." Napangisi pa ako sa sinabi nito. Napatingin ako sa kaniya habang isinasara nito ang kurtina ng bintana."Oh? Meron ka pala?" Natatawang tanong ko.Ngayon ko lang nalaman na may puso rin pala siya, ang akala ko kasi wala siyang pakialam kung anong mangyayari sa akin. Basta maibalik ko lang ang babae niya."Ikaw bahala kung anong gusto mong isipin, hindi ko kasi magawang maging sobrang bait sa 'yo. Dahil baka biglang mahulog ang loob mo sa akin, ako pa maging masama." Sery

  • Undying Memories   Chapter 17

    Malamig na simoy na hangin at mapayapang kapaligiran. Malapit na ang paglubog ng araw at nakasilong kami sa ilalim ng puno, sa gilid ng ilog.Hindi ko alam kung saang lugar ito, pero maganda ang tanawin, maging ang kalangitan ay maaliwalas at ang unti-unting paglubog ng araw."Palagi ka bang andito?" Nakangiting tanong ko at tumingin sa kaniya."Hindi, ngayon nga lang ako nakapunta rito," sagot nito matapos ibato sa ilog ang batong hawak niya."Totoo? Pero bakit dito tayo pumunta?" Tanong kong muli at kumuha ng bato, ginaya ko ang ginawa niya kanina.Masaya rin pa lang gawin ang bagay na ito. Ang akala ko dati keme lang ng mga nasa ilog ang pagbato. Magaan pala sa pakiramdam."Ay teka, magpatutog tayo." Masigla kong saad at kinuha ang phone sa bag. Gusto ko sanang magpicture kasama siya, pero sayang lang. Hindi kasi pwede, hindi siya makikita sa camera.

  • Undying Memories   Chapter 18

    "Seryoso? Grim reaper ka?" Gulat na gulat si Finley habang tutok sa mukha ni Keir.Narito pa rin kami sa loob ng kaniyang kwarto, bumalik na rin kahit papaano ang lakas ni Keir.Pero ang kwarto ni Finley sobrang makalat, dahil nga sa ingkwentro kanina. May mga basag na frame, ang sabi niya siya na ang bahala maglinis ng kwarto niya."Oo nga, hindi rin ako makapaniwala noon," sambit ko na tumabi ng upo kay Keir."Pero wala na sanang iba pang makaalam nito, hahanapin lang namin ang tatlo pang mga kalukuwa na nawawala," paliwanag ko sa kaniya.Nakatitig ito kay Keir na tila sinusuri ang mukha nito. Napalunok pa ako ng maalalang pinakita ko pala sa kaniya ang picture ni Keir at nasabi kong jowa ko na ito."OMG! Ikaw?" Sabay takip nito ng kaniyang bibig at tumingin sa akin. Mababakas ang pagtataka sa mukha ni Keir."Anong ako?" Napakamot pa ako sa ulo ko ng itanong ito n

  • Undying Memories   Chapter 19

    Nakarating kami ng La Berta Miranda boutique. Nagpababa na lang ako sa tapat habang siya susunod na lang daw, agad akong tumawag kay Blake pagpasok ko sa loob."Good day ma'am." Bati ng isang babae matapos kong makapasok. Magsasalita na sana ako ng may tumawag sa akin, agad akong napatingin dito, pero hindi nagpahalata ng ilang na ngiti.Pero mas lalong kinagulat ko ang pagsulpot ni Keir mula sa likod nito. Ghad! Mediyo kinabahan ako dahil sa seryosong mukha nito na akala mo ay susunduin na si Blake, anytime."H-hello." Naiilang kong bati. Lumingon pa ito sa paligid at mukhang natuwa pa nang hindi makita si Keir."Mukhang wala ang asungot." Nakangisi nitong saad at agad lumapit sa akin. Yayakap pa sana ito ng lumakad na ako palapit sa mga manikin.Pero saan dito ang sinasabi niya? Lahat naman ng nandito, mga normal na manikin. Pero hindi ko mapigilan ang ngumiti habang hawak ang mga wedding go

  • Undying Memories   Chapter 20

    "Lalabas rin ako matapos nito." Paalam ko kay Keir habang tinatanggal ang seatbelt."Magpahinga ka na muna, baka napagod ka." Matapos nito ay agad niyang hinigit ang batok ko palapit sa kaniya para halikan ako. Napapikit ako ng saglit at bumawi."Sige na, may nanonood sa likod." Natatawa kong biro at itinuro ang kaluluwa na tulala."Hindi naman niya 'yan maaalala," dagdag nito at muli akong hinalikan."Sige na." Muli kong paalam at agad bumaba. Baka mamaya magkaroon pa ng live action dito sa sasakyan niya.Ibinaba ko na rin ang kaluluwa at isinama sa loob ng hotel.Pagtapak pa lang namin sa loob, parang may kung anong nangyari sa kaniya. Nagulat pa nga ako dahil bigla itong nagsalita."Naibalik mo siya!" Masayang sambit ni Cora habang palapit ito sa amin."Ano ang nangyari?" Pagtatakang tanong nito."Ang naaalala k

Pinakabagong kabanata

  • Undying Memories   Special Chapter

    20 years later"HANZEY!" Napabalikwas ako ng tayo matapos marinig ang boses ni tita Finley, ano na naman kayang ginagawa nila rito ng ganito kaaga?Kahit pa gulong-gulo ang buhok ay lumabas ako, naabutan ko si tita Finley kasama si Delia."Ano po bang mero'n ngayon? Aga-aga," reklamo ko."Abang bata ito!" Napaiwas pa ako matapos niyang mag-amba na hampasin ako."Sorry naman," pagbibiro ko pa."Wala po sila mommy rito," dagdag ko pa habang inaayos ang buhok kong nagkalat sa mukha ko."Death anniversary ngayon ng tita Quinn mo, wala ka bang balak magpunta?" Tanong nito habang paupo sa sofa."Oo nga ate Hanzey, sabay ka na lang sa amin," dagdag pa ni Delia."Mamaya pa naman 'di ba? Dadaan pa ako sa office mamaya." Nakalimutan ko ngayon pala iyon, mabuti na lang at naisipan nilang dumaan dito."Sige pa

  • Undying Memories   Chapter 26

    "R-Renna." Panginginig nitong saad.Tumayo ako habang ang mga mata ko ay tutok pa rin sa kaniya.Ngayon nabigyan na ng linaw ang lahat, naaalala ko na ang lahat-lahat. Mula sa amin ni Florence at kung paano kami lumabas ni Valeria.Lumakad ako palapit sa kaniya ngunit mabilis siyang umatras. Malamig na hangin ang pumapagitna sa aming dalawa."Akalain mo? Iisang babae pa rin ang kalaban ko?" Napangisi ito at muling lumitaw ang itim na usok sa kaniyang katawan.Gusto kong umiyak, nasasaktan ako sa ginagawa niya. Matagal na kaming magkaibigan at alam kong lahat patungkol sa kaniya, gusto ko siyang mapabago kahit pa alam kong wala ng pag-asa pa."Tama na, Valeria. Kaibigan kita, ayokong tuluyan kang magpalamon sa kadiliman." Mahinahon kong wika."Kaibigan? Kaibigan pero nagawa mong agawin sa akin si Florence?" Tanong nito mula sa mahinahon ngunit may pagbaba

  • Undying Memories   Chapter 25

    Nagising ako sa mabangong amoy na nakalapat sa ilong ko. Umayos ako ng higa nang maramdamang may brasong nakapulupot sa katawan ko, ramdam ko rin na nakaunan ang ulo ko sa braso nito.Dumilat ako para tingnan siya, bumawi rin ako ng yakap at muling pumikit habang ang mukha ko ay nakasubsob sa dibdib nito.Wala akong marinig na pagtibok ng puso pero ramdam ko ang bigat ng paghinga nito."Dito ka lang muna, gusto ko dito ka lang sa tabi ko." Humigpit ang yakap nito sa akin.Mabilis ang tibok ng puso ko at alam kong ramdam niya ito. Gusto ko, gustong-gusto ko manatili sa tabi niya ng mas matagal pang panahon."Dito lang ako, mananatili sa tabi mo kahit pa lumipas ang ilang libong habambuhay," sambit ko habang mahigpit din ang yakap sa kaniya.Nakapikit pa rin ako at sobrang komportable ko sa mga bisig niya, pakiramdam ko safe na safe ako at matapang akong humarap sa mga maaaring

  • Undying Memories   Chapter 24

    Ang ibig sabihin kung tuluyan siyang maglalaho hindi na siya mabibigyan ng pagkakaon na mabuhay muli? Anong mangyayari sa akin? Maaaring maging ako ay may kaparusahan? Pero hindi eh, bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit kahit alam na niya ang mangyayari sa kaniya nagawa niya pa rin akong mahalin?"Sige, dito na kami sa kabila pupunta." Tumango lang ako sa kanila at tumalikod. Napahagod pa ako sa dibdib ko dahil sa kirot nito, mabilis ang bawat pitik at maging paglakad ko ay mabigat. Nangingilid na ang mga luha dahil sa mga nalalaman ko.Bakit mas pinili niyang gawin ito? Bakit mas pinili niyang itago? Ang buong akala ko ako lang ang sumusugal dito, mas malaki pala ang itinataya niya sa pag-ibig na ito.Agad akong nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig, matapos kong uminom ng tubig ay napatungkod ako sa mesa at yumuko.Gusto kong umiyak na lang nang umiyak pero alam ko walang mangyayari kahit pa malunod ako

  • Undying Memories   Chapter 23

    Buo na ang alaala nito, mula sa kung paano kami unang nagkita bilang siya si Grim reaper hanggang sa kung paano kami nagkita bilang si Florence.Hindi ko alam kung anong iniisip niya sa lahat. Kapag kasama ko siya biglang Keir mabait at masaya ako na kabaligtaran kapag kasama ko siya bilang si Florence."Sabi ko na, ikaw siguro unang nagkagusto sa akin no? Kaya galit ka kapag hindi kita pinapansin sa hotel." Natatawang saad nito habang nagmamaneho.Ibang klaseng Florence ang kasama ko ngayon. Mas masaya at puno ng buhay, ewan ko ba. Basta alam ko masaya kami ngayon."Ikaw kaya ang galit na galit sa ex ko." Bawi ko pa rito."Oo nga pala, bakit ka nakipagkita sa kaniya kanina? Bakit hindi ka nagpaalam sa boyfriend mo?" Napangisi pa ako sa tanong nito."Wala naman kaming ginawang masama, hindi tulad ng iba d'yan nakipaghalikan pa sa ex niya." Sumimangot ako ng maalala ang ginawa

  • Undying Memories   Chapter 22

    Nanatili ako sa loob ng hotel habang hindi ko pa alam ang susunod kong gagawin. Gusto ko ng makita at makausap si Keir, pero kapag naaalala ko–si Florence ang pumapasok sa utak ko. Na baka ang nararamdaman ni Keir sa akin ay bunga lang ng wala siyang maalala sa dati niyang buhay.Paano kung maalala na niya? Maiiwan akong mag-isa, maiiwan akong nagmamahal sa taong iba naman talaga ang mahal.Damn! Sana pala talaga una pa lang umiwas na ako para hindi na ganito ang nangyari.Wala na akong ingay na narinig sa loob ng office ni Florence, malamang bumalik na sila sa mga trabaho nila. Pero si Valeria at Florence kaya? Andito kaya sila ngayon sa loob? Anong ginagawa nila?Dahan-dahan akong humawak sa doorknob at nagtangka na ikutin ito, para sana buksan pero hindi ko maitulak. Nag-aalangan at natatakot ako sa maari kong makita.Napalunok ako at binitawan ito kasabay ng pagkawala ko ng malalim na paghinga.

  • Undying Memories   Chapter 21

    Paakyat na ako ng bigla akong napatigil sa pagbukas ng pinto. Mabilis nanindig ang balahibo ko kahit pa man hindi ko alam kung sino ang pumasok, mariin akong napakapit sa gilid ng hagdan at humarap dito.Halos maputulan ako ng hininga ng tuluyang luminaw sa akin ang mukha nito. Nanlaki at nanginginig ang mga mata kong tutok dito."Chelsea." Bulong ko sa sarili pero alam kong may kakaiba sa kaniya na maging ang kaluluwa ko ay natatakot dito. Ibang-iba ang aura niya, maging ang matalim nitong tingin.Dahan-dahan akong bumaba habang sila mang Roly at ate Mona ay lumapit dito, ngumiti siya at may sinabi. Hindi ko ito narinig pero nakita ko ang gulat sa mukha ng dalawa, napatakip pa ng bibig si ate Mona at mahigpit na niyakap si Chelsea.Balisa at wala sa sarili akong lumalakad palapit nang biglang dumating si Florence at nagtatakang lumapit dito. Nasa malayo ako kaya hindi ko marinig ang usapan, isa pa ang bilis a

  • Undying Memories   Chapter 20

    "Lalabas rin ako matapos nito." Paalam ko kay Keir habang tinatanggal ang seatbelt."Magpahinga ka na muna, baka napagod ka." Matapos nito ay agad niyang hinigit ang batok ko palapit sa kaniya para halikan ako. Napapikit ako ng saglit at bumawi."Sige na, may nanonood sa likod." Natatawa kong biro at itinuro ang kaluluwa na tulala."Hindi naman niya 'yan maaalala," dagdag nito at muli akong hinalikan."Sige na." Muli kong paalam at agad bumaba. Baka mamaya magkaroon pa ng live action dito sa sasakyan niya.Ibinaba ko na rin ang kaluluwa at isinama sa loob ng hotel.Pagtapak pa lang namin sa loob, parang may kung anong nangyari sa kaniya. Nagulat pa nga ako dahil bigla itong nagsalita."Naibalik mo siya!" Masayang sambit ni Cora habang palapit ito sa amin."Ano ang nangyari?" Pagtatakang tanong nito."Ang naaalala k

  • Undying Memories   Chapter 19

    Nakarating kami ng La Berta Miranda boutique. Nagpababa na lang ako sa tapat habang siya susunod na lang daw, agad akong tumawag kay Blake pagpasok ko sa loob."Good day ma'am." Bati ng isang babae matapos kong makapasok. Magsasalita na sana ako ng may tumawag sa akin, agad akong napatingin dito, pero hindi nagpahalata ng ilang na ngiti.Pero mas lalong kinagulat ko ang pagsulpot ni Keir mula sa likod nito. Ghad! Mediyo kinabahan ako dahil sa seryosong mukha nito na akala mo ay susunduin na si Blake, anytime."H-hello." Naiilang kong bati. Lumingon pa ito sa paligid at mukhang natuwa pa nang hindi makita si Keir."Mukhang wala ang asungot." Nakangisi nitong saad at agad lumapit sa akin. Yayakap pa sana ito ng lumakad na ako palapit sa mga manikin.Pero saan dito ang sinasabi niya? Lahat naman ng nandito, mga normal na manikin. Pero hindi ko mapigilan ang ngumiti habang hawak ang mga wedding go

DMCA.com Protection Status