Paakyat na ako ng bigla akong napatigil sa pagbukas ng pinto. Mabilis nanindig ang balahibo ko kahit pa man hindi ko alam kung sino ang pumasok, mariin akong napakapit sa gilid ng hagdan at humarap dito.
Halos maputulan ako ng hininga ng tuluyang luminaw sa akin ang mukha nito. Nanlaki at nanginginig ang mga mata kong tutok dito.
"Chelsea." Bulong ko sa sarili pero alam kong may kakaiba sa kaniya na maging ang kaluluwa ko ay natatakot dito. Ibang-iba ang aura niya, maging ang matalim nitong tingin.
Dahan-dahan akong bumaba habang sila mang Roly at ate Mona ay lumapit dito, ngumiti siya at may sinabi. Hindi ko ito narinig pero nakita ko ang gulat sa mukha ng dalawa, napatakip pa ng bibig si ate Mona at mahigpit na niyakap si Chelsea.
Balisa at wala sa sarili akong lumalakad palapit nang biglang dumating si Florence at nagtatakang lumapit dito. Nasa malayo ako kaya hindi ko marinig ang usapan, isa pa ang bilis a
Nanatili ako sa loob ng hotel habang hindi ko pa alam ang susunod kong gagawin. Gusto ko ng makita at makausap si Keir, pero kapag naaalala ko–si Florence ang pumapasok sa utak ko. Na baka ang nararamdaman ni Keir sa akin ay bunga lang ng wala siyang maalala sa dati niyang buhay.Paano kung maalala na niya? Maiiwan akong mag-isa, maiiwan akong nagmamahal sa taong iba naman talaga ang mahal.Damn! Sana pala talaga una pa lang umiwas na ako para hindi na ganito ang nangyari.Wala na akong ingay na narinig sa loob ng office ni Florence, malamang bumalik na sila sa mga trabaho nila. Pero si Valeria at Florence kaya? Andito kaya sila ngayon sa loob? Anong ginagawa nila?Dahan-dahan akong humawak sa doorknob at nagtangka na ikutin ito, para sana buksan pero hindi ko maitulak. Nag-aalangan at natatakot ako sa maari kong makita.Napalunok ako at binitawan ito kasabay ng pagkawala ko ng malalim na paghinga.
Buo na ang alaala nito, mula sa kung paano kami unang nagkita bilang siya si Grim reaper hanggang sa kung paano kami nagkita bilang si Florence.Hindi ko alam kung anong iniisip niya sa lahat. Kapag kasama ko siya biglang Keir mabait at masaya ako na kabaligtaran kapag kasama ko siya bilang si Florence."Sabi ko na, ikaw siguro unang nagkagusto sa akin no? Kaya galit ka kapag hindi kita pinapansin sa hotel." Natatawang saad nito habang nagmamaneho.Ibang klaseng Florence ang kasama ko ngayon. Mas masaya at puno ng buhay, ewan ko ba. Basta alam ko masaya kami ngayon."Ikaw kaya ang galit na galit sa ex ko." Bawi ko pa rito."Oo nga pala, bakit ka nakipagkita sa kaniya kanina? Bakit hindi ka nagpaalam sa boyfriend mo?" Napangisi pa ako sa tanong nito."Wala naman kaming ginawang masama, hindi tulad ng iba d'yan nakipaghalikan pa sa ex niya." Sumimangot ako ng maalala ang ginawa
Ang ibig sabihin kung tuluyan siyang maglalaho hindi na siya mabibigyan ng pagkakaon na mabuhay muli? Anong mangyayari sa akin? Maaaring maging ako ay may kaparusahan? Pero hindi eh, bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit kahit alam na niya ang mangyayari sa kaniya nagawa niya pa rin akong mahalin?"Sige, dito na kami sa kabila pupunta." Tumango lang ako sa kanila at tumalikod. Napahagod pa ako sa dibdib ko dahil sa kirot nito, mabilis ang bawat pitik at maging paglakad ko ay mabigat. Nangingilid na ang mga luha dahil sa mga nalalaman ko.Bakit mas pinili niyang gawin ito? Bakit mas pinili niyang itago? Ang buong akala ko ako lang ang sumusugal dito, mas malaki pala ang itinataya niya sa pag-ibig na ito.Agad akong nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig, matapos kong uminom ng tubig ay napatungkod ako sa mesa at yumuko.Gusto kong umiyak na lang nang umiyak pero alam ko walang mangyayari kahit pa malunod ako
Nagising ako sa mabangong amoy na nakalapat sa ilong ko. Umayos ako ng higa nang maramdamang may brasong nakapulupot sa katawan ko, ramdam ko rin na nakaunan ang ulo ko sa braso nito.Dumilat ako para tingnan siya, bumawi rin ako ng yakap at muling pumikit habang ang mukha ko ay nakasubsob sa dibdib nito.Wala akong marinig na pagtibok ng puso pero ramdam ko ang bigat ng paghinga nito."Dito ka lang muna, gusto ko dito ka lang sa tabi ko." Humigpit ang yakap nito sa akin.Mabilis ang tibok ng puso ko at alam kong ramdam niya ito. Gusto ko, gustong-gusto ko manatili sa tabi niya ng mas matagal pang panahon."Dito lang ako, mananatili sa tabi mo kahit pa lumipas ang ilang libong habambuhay," sambit ko habang mahigpit din ang yakap sa kaniya.Nakapikit pa rin ako at sobrang komportable ko sa mga bisig niya, pakiramdam ko safe na safe ako at matapang akong humarap sa mga maaaring
"R-Renna." Panginginig nitong saad.Tumayo ako habang ang mga mata ko ay tutok pa rin sa kaniya.Ngayon nabigyan na ng linaw ang lahat, naaalala ko na ang lahat-lahat. Mula sa amin ni Florence at kung paano kami lumabas ni Valeria.Lumakad ako palapit sa kaniya ngunit mabilis siyang umatras. Malamig na hangin ang pumapagitna sa aming dalawa."Akalain mo? Iisang babae pa rin ang kalaban ko?" Napangisi ito at muling lumitaw ang itim na usok sa kaniyang katawan.Gusto kong umiyak, nasasaktan ako sa ginagawa niya. Matagal na kaming magkaibigan at alam kong lahat patungkol sa kaniya, gusto ko siyang mapabago kahit pa alam kong wala ng pag-asa pa."Tama na, Valeria. Kaibigan kita, ayokong tuluyan kang magpalamon sa kadiliman." Mahinahon kong wika."Kaibigan? Kaibigan pero nagawa mong agawin sa akin si Florence?" Tanong nito mula sa mahinahon ngunit may pagbaba
20 years later"HANZEY!" Napabalikwas ako ng tayo matapos marinig ang boses ni tita Finley, ano na naman kayang ginagawa nila rito ng ganito kaaga?Kahit pa gulong-gulo ang buhok ay lumabas ako, naabutan ko si tita Finley kasama si Delia."Ano po bang mero'n ngayon? Aga-aga," reklamo ko."Abang bata ito!" Napaiwas pa ako matapos niyang mag-amba na hampasin ako."Sorry naman," pagbibiro ko pa."Wala po sila mommy rito," dagdag ko pa habang inaayos ang buhok kong nagkalat sa mukha ko."Death anniversary ngayon ng tita Quinn mo, wala ka bang balak magpunta?" Tanong nito habang paupo sa sofa."Oo nga ate Hanzey, sabay ka na lang sa amin," dagdag pa ni Delia."Mamaya pa naman 'di ba? Dadaan pa ako sa office mamaya." Nakalimutan ko ngayon pala iyon, mabuti na lang at naisipan nilang dumaan dito."Sige pa
"The Dominican Hill Retreat House was built in 1913atop a hill in the famed Philippine City of Pines." Panimula ng tour guide namin dito sa Dominican hotel sa Baguio."The Japanese secret police, the Kempeitai, committed terrible acts of brutality, massacring, raping, and torturing many of the inhabitants, and even decapitating nuns and priests," dugtong pa nito habang patuloy kaming naglalakad sa isang lumang hotel na ito. Ang ilan sa mga pinsan ko ay kumukuha ng litrato at ang ilan naman ay kumukuha ng video habang kapit-kapit sila na animo'y mga takot talaga.Patuloy kong iginagala ang paningin sa paligid. Kung matatakutin siguro akong tao masasabi kong ang creepy ng lugar na ito, dahil sa sobrang luma na at may ilang bitak sa pader.Family reunion namin at naisipan nilang sa Baguio kami mag-stay. Pangalawang araw na namin ngayon at naisipan ng mga magagaling kong pinsan na rito magpunta habang ang mga matatanda ay na
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, malabo pa ito noong una ngunit luminaw din di kalaunan. Maliwanag ang buong paligid dahil sa kulay puting kisame at puting pader, familiar sa akin ang amoy ng paligid. Nasa hospital nga ako."G-gising na siya!" Rinig kong sigaw ni Finley at muli akong napapikit, narinig ko pa ang pagkakagulo ng mga narito."Quinn, ayos ka na ba?" Muli akong dumilat at tumingin kay mama na umiiyak habang nasa likuran niya si papa, hinahagod pa ang likod nito. Hindi ko magawang magsalita kung kaya't napatango na lang ako sa tanong na iyon. Tiningnan ko ang mga nasa kwarto, ang ilan sa mga tita ko at pinsan ko ang narito."Ilang araw akong walang malay?" Panghihina kong tanong sa kanila."Dalawang araw." Mabilis na sagot ni tita Dian. Tumango akong muli at ibinaling ang tingin sa bandang pinto, may isang lalaki kasing nakatayo roon.Nakasuot ito ng kulay itim na leather