Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, malabo pa ito noong una ngunit luminaw din di kalaunan. Maliwanag ang buong paligid dahil sa kulay puting kisame at puting pader, familiar sa akin ang amoy ng paligid. Nasa hospital nga ako.
"G-gising na siya!" Rinig kong sigaw ni Finley at muli akong napapikit, narinig ko pa ang pagkakagulo ng mga narito.
"Quinn, ayos ka na ba?" Muli akong dumilat at tumingin kay mama na umiiyak habang nasa likuran niya si papa, hinahagod pa ang likod nito. Hindi ko magawang magsalita kung kaya't napatango na lang ako sa tanong na iyon. Tiningnan ko ang mga nasa kwarto, ang ilan sa mga tita ko at pinsan ko ang narito.
"Ilang araw akong walang malay?" Panghihina kong tanong sa kanila.
"Dalawang araw." Mabilis na sagot ni tita Dian. Tumango akong muli at ibinaling ang tingin sa bandang pinto, may isang lalaki kasing nakatayo roon.
Nakasuot ito ng kulay itim na leather jacket at may binabasang libro na kulay itim din. Maganda ang ayos ng buhok nito at kahit hindi siya nakatingin sa akin, ay alam kong med'yo singkit ang mga mata nito, matangos ang itong niya at sobrang puti. Alam kong hindi namin niya kamag-anak dahil hindi ko siya mamukhaan.
May mga sinasabi ang doctor na kausap ngayon ni mama at papa, nagkukwento rin ang mga pinsan ko pero wala akong maintindihan dahil tutok ang attention ko sa lalaking nakatayo roon.
Sa hindi mawaring dahilan, bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla itong timingin sa akin at ngumisi, tanaw ko ang kulay abo nitong mga mata.
"S-sino ang lalaki na iyon?" Kahit may panghihina ay itinaas ko ang kamay ko para ituro ang lalaki.
"Sino? Wala namang tao d'yan, umayos ka nga. 'Wag ka nga manakot." Ramdam ko ang pagsiksik ni ate Jade, umiling akong muli at marahan na kumurap.
"Mero'n, ayan siya nakatingin sa atin." Pagpumilit ko at humarap sa kanila.
Bakas sa mukha nila ang takot sa sinabi ko, hindi ko alam kung bakit hindi nila nakikita ang lalaki na ito pero hindi ako nagkakamali may lalaking nakatayo roon.
"Tita, sabi ni Quinn may lalaki raw po sa pintuan." Panginginig ni Finley, habang hinihila ang laylayan ng jacket na suot ni mama.
"Pagod ka lang Quinn, mamaya uuwi na rin tayo," saad pa ni mama at hinalikan ako sa noo.
"Pero totoo po, may lalaki–nasaan na siya?" Nasaan na nagpunta ang lalaking kanina pa nakatayo roon? Lumabas na ba siya kaagad?
"Pagod ka nga lang talaga." Saway pa ni kuya Denis. Muli akong tumingin sa mga pinsan kong narito, si Finley at ate Jade ay nakaupo sa tabi ko, si kuya Denis at ate Lynda naman ay nakatayo.
Lumabas sila mama at papa saglit para raw maasikaso ang paglabas ko mamaya, ang mga tita naman ay nakaupo sa hindi kalayuan.
"Ano bang nangyari sa 'yo? Bakit kasi umalis ka sa tabi namin?" Pagalit na saad ni ate Lynda.
Ano nga ba ang nangyari noong araw na iyon? Kumunot ang noo ko para alalahanin ang mga nangyari noong araw na iyon.
"I-iyong babae." Gulong-gulo akong napatingin sa kanila.
"Tapos 'yong magandang hotel." Kahit pa man malabo ay naaalala ko ang magandang hotel na iyon, hindi ako nagkakamali at hindi iyon panaginip lang.
"Kanina may lalaki, ngayon 'yong babae at magandang hotel. Nabagok nga ata talaga utak mo Quinn." Pang-aasar pa ni Finley, ngayon niya pa talaga naisipan na magbiro ng ganito.
"Hindi ako nagbibiro. Nakita ko ang magandang hotel." Halos magmakaawa na ako sa kanila para lang pakinggan ako, pero pinagtawanan lang nila ako.
"Anong maganda sa hotel na iyon? Nakita mo na nga na pangit ang lugar hindi ba? Luma na masyado, maganda ba panaginip mo noong wala kang malay?" Tanong pa ni ate Jade habang tumatawa pa rin sila.
"Totoo, nagulat nga rin ako, e. Pero maganda talaga, malabo ang paningin ko pero parang high class at pangmayaman talaga ang hotel na 'yon." Mahaba kong paliwanag sa kanila. Alam ko totoong nangyari iyon, hindi ako maaaring magkamali sa nakita ko.
"Naalog nga utak mo, saka mo sa amin ikwento kapag ayos ka na," saad pa ni kuya Denis.
"Babalik na tayo ng Manila mamaya, naayos na namin mga gamit mo. Kung hindi ka lang sana na hospital matagal pa tayo rito sa Baguio." May panghihinayang pa sa tono ng pananalita ni Finley, bago siya tumayo.
"Kasalanan ng babae, kung hindi niya ako ginulat sa make-up niyang nakakatakot hindi sana ako nahulog." Kung hindi lang talaga ako nagulat sa mukha niya. Hindi naman ako matatakutin pero mabilis akong magulat.
Pero ano kayang trip ng babaeng iyon at nagmake-up pa na akala mo ay multo?
"Sino ba kasing babae? Wala ngang ibang ando'n, tayo-tayo lang. Hibang ka na ghorl?" Nakataas pang kilay ni kuya Denis, umirap ako at humalukipkip.
Nakahiga lang ako habang nakatingin sa kanilang nagtatawanan.
Sabagay paano nga naman nila makikita ang babaeng iyon, wala pala sila sa pinangyarihan. Pero hindi ibig sabihin na hindi nila nakita ay akala nilang wala talagang andoon. Baka balak mang-prank ang problema nahulog ako.
Matapos kong makakuha ng lakas ay umupo ako. Sila tita at iba kong mga pinsan ay umalis muna para kumain, naiwan si Finley na nakasalampak sa sofa habang tutok sa kaniyang cellphone, nakasukbit pa sa kaniyang tainga ang bagong bili niyang wireless earphone. Hiniram ko muna ang laptop ni kuya Denis para may magawa rin ako, gusto ko sanang mapanood ang vlog nila.
Tutok ako sa panonood ng vlog nila sa YouTube pero dahil alam ko na ang mga pangyayari, sa comment section ako nagbasa.
Marami ang nagsasabi na ang creepy raw ng lugar, maging ang ilan sa mga nag-comment ay galing na rin daw sila sa lugar na iyon at talagang may nararamdaman na kakaiba. Ang oa lang nila magkwento, sa totoo lang wala naman akong ibang naramdaman sa lugar na iyon kung hindi pagod.
Habang nagbabasa ng mga comment ay may isang pumukaw ng attention ko.
"Are you okay now?" Mahina kong basa rito. Umayos ako ng upo at inangat ang mga tuhod para mas lumapit sa akin ang laptop. Binisita ko pa ang channel nito. Pure black lang ang icon ng channel niya.
Napalunok pa ako dahil sa panunuyo ng lalamunan ko, mabilis rin ang tibok ng puso ko habang titig sa pangalan nito. Hindi ako mabilis matakot sa totoo lang, pero iba ang pakiramdam ko rito lalo na noong basahin ko ang pangalan nito.
'Mirg repaer' ang pangalan nito pero kapag binasa pabaliktad ay, 'Grim reaper.'
"Boom!" Halos paitapon ko na ang laptop na hawak ko sa sobrang gulat dahil sa biglaang sulpot ni kuya Denis.
"Bakit sobrang seryoso mo kasi manood?" Tanong nito na agad umupo sa tabi ko.
"Tingnan mo ito, ang weird kasi, bakit niya itatanong kung okay na ba ako. Tapos 'yong pangalan pa niya, Grim reaper kapag binaligtad." Sabay abot ko sa kaniya ng laptop para ipakita ang comment na iyon.
"Saan? Wala namang nakasulat dito?" Kunot noo niyang ibinalik sa akin ang laptop.
"Mero'n, it–nasaan na?" Imposible naman na ganoon niya kadali mabura ang comment na iyon. Ang weird.
"Sinabi ko naman kasi na magpahinga ka na muna, ang tigas kasi ng ulo mo," saad nito na agad kinuha ang laptop, inagaw ko pa ito pero mabilis niya rin naitago.
"Promise kuya, totoo mga sinasabi ko." Pagpilit ko ditong paniwalaan ako pero wala siyang naging sagot kung hindi ang pagtango.
"Pabalik na rin sila tita, babalik na tayo ng hotel at doon ka matulog. Nabagok nga ata talaga ang ulo mo."
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. Matamlay akong napatingin sa kaniya na ngayon ay palapit kay Finley.
Bakit ba walang naniniwala sa 'kin? Totoo naman ang mga sinasabi ko.
Umirap ako sa kawalan at napatingin sa bintana na salamin. Nanlaki ang mga mata ko at tinitigan itong mabuti, naroon sa labas iyong lalaki at kumaway pa sa akin.
Muli akong tumingin kila kuya Denis at Finley, ngunit abala silang dalawa na nakatingin sa laptop, gusto kong isigaw na naroon ang lalaki pero hindi ko magawa.
Muli akong bumaling ng tingin sa lalaking iyon, nakangiti pa rin ito sa akin. Tumayo ako at lumakad palapit sa salamin, inilapat ko pa ang dalawa kong palad upang mas makita pa siya lalo.
Nakita ko ang pagtingin nito sa kaniyang dalang kulay itim na notebook at tumingin sa gawing kanan. Napatingin din ako roon at nakita ang isang pasyente na itinatakbo, duguan ito ngunit hindi ko masyadong makita dahil sa dami ng mga taong nagtutulak dito. Mabilis silang lumagpas sa amin ngunit may isang pinigil ang lalaking ito. Nakasuot ng kulay blue na t-shirt at black na short ang babaeng ito, natanaw ko rin ang dugo sa mga kamay niya.
Kausap ito ng lalaking naka-leather jacket na black at binuksan ang kaniyang notebook, may sinabi pa ito sa babae pero hindi ko maintindihan dahil nga nasa loob ako. Tanaw ko ang panlulumo ng babae, kahit pa nakatalikod ito, para siyang may nalaman na isang bagay na ikinagulat niya talaga.
Muli akong napalunok dahil sa panunuyo ng lalamunan ko at mabilis din ang tibok ng puso ko, sa unang pagkakataon na humarap ito sa kinatatayuan ko, ay mabilis nanindig ang balahibo ko. Para akong naging isang bato sa kinatatayuan ko.
Bumungad sa akin ang malalim nitong mga mata at tuyong labi na nangingitim pa, nanginginig ang mga kamay kong inalis sa salamin at bumaba ang tingin sa tiyan nitong puno na ng dugo.
Hindi kaya ang babaeng ito ay ang babaeng isinusugod kanina? Pero bakit ko siya nakikita? Bakit siya nakakausap ng lalaking 'yon?
Nanginginig ang mga tuhod kong napaatras habang ang mga mata ko ay tutok sa kanilang dalawa. Pagod lang siguro ako kaya kung anu-ano ang nakikita ko o baka naman may shooting ng movie rito? Pero hindi, e. Hindi ako naniniwala sa multo, alam ko hindi totoo ang multo.
"Quinn." Napasigaw ako matapos akong hawakan ni Finley sa balikat, napatingin ako sa kaniya na nagtakip pa ng tainga. Mabilis akong tumingin sa labas pero wala na silang dalawa.
"Quinn, ano bang nangyayari sa 'yo?" Tanong nito, pero hindi ko binalingan ng pansin, agad akong nagtungo sa pinto at lumabas. Tumingin pa ako sa kanan at kaliwa pero hindi ko sila nakita.
"Anong ginagawa mo? Pumasok na na nga." Pilit akong hinila ni kuya Denis, itinulak ko pa siya para maglakad. Gusto kong hanapin ang dalawang iyon, hindi ako matatahimik kung patuloy na babagabag sa isipan ko ang mga natunghayan ko.
Patuloy ako sa paglalakad kahit pa kulang na lang ay kaladkarin ako ni kuya Denis pabalik sa room ko, pero patuloy akong naghahanap sa isang bagay na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, ngayon lang ako natakot ng ganito, to the point na gusto ko ng umiyak.
"Ano ba, Quinn?" Hindi ko na napigilan ang maiyak nang humarang si kuya Denis sa harapan ko, napatingin pa ang ibang tao dahil sa sigaw nito.
"Ano bang nangyayari sa 'yo?" Napatingin ako sa mga mata nito, kahit pa nanlalabo ang paningin ko dahil sa pag-iyak, natanaw ko rito ang pagkalito.
"Iyong lalaki na sinasabi ko, nakita ko siya ulit. Andito lang siya." Pilit ko siyang hinawi pero hindi niya ako hinayaang makaalis, hinawakan niya ako sa magkabilang braso at hinarap sa kaniya.
"Makinig ka." Humigpit ang hawak nito sa braso ko at tumingin sa akin ng deretsyo.
"Pagod ka lang, okay? Maraming lalaki sa hospital na ito. Bumalik ka na sa loob dahil aalis na rin tayo mamaya." Napapikit ako at nagpunas ng aking pisngi. Tumango ako kasabay ng pagdilat ko.
"Tara na," saad pa nito at inalalayan akong maglakad pabalik. Tanaw ko pa si Finley na nakatayo sa pintuan na animo'y takot sa inasta ko.
Pero hindi ako maaring magkamali sa mga nakita ko, may kakaiba talagang nangyari noong araw na iyon. May kakaibang nangyari sa akin matapos ang aksidente na iyon. Katawan ko ito, kilala ko ang sarili ko, hindi ako nababaliw. Alam kong may mali, alam kong may kakaiba.
Hindi ako takot, pero naguguluhan ako. Gusto kong makausap ang lalaking iyon, pakiramdam ko ay siya lang ang may kayang sumagot sa mga katanungan kong ito.
Pero sino nga ba siya at anong kinalaman niya sa mga nangyayaring ito sa akin?
Hapon na ng makalabas ako sa hospital at deretsyo kami sa hotel. Dahil maayos naman na ako pwede na ulit kami magbyahe pabalik ng Manila, bukas ng hapon."Sigurado ka bang hindi ka sasama sa Burnham park ngayon?" Tanong ni mama habang nagsusuklay."Hindi na po muna, gusto ko sanang dito na lang muna," sagot ko pa at dumungaw sa bintana. Hanggang ngayon nababagabag pa rin ang isipan ko sa lalaking iyon, at sa nakita ko.May kinalaman kaya ito sa pagkakahulog ko? Tapos nagbukas ang third eye ko? Pero hindi naman talaga ako naniniwala sa mga ganiyan, baka nga nasobrahan lang ang pagkakabagok ko kaya kung anu-ano na lang iniisip ko."Ma, naniniwala po ba kayo sa multo? Sa third eye?" Tanong ko at ibinaling ang tingin kay mama na napahinto pa sa pagsusuklay."Sabi nila totoo raw, bakit mo naman naitanong?" Umayos pa ng upo si mama para humarap sa akin."Wala naman po." Lumaka
Tanghali na ng makarating kami ng Manila. Mahaba rin ang naging byahe at kahit pa nakatulog ako sa buong byahe ay talagang pagod ang katawan ko."Haaay!"Napapikit ako sa sarap, dahil sa wakas ay lumapat na rin ang katawan ko sa malambot na kama.Nagpagulong-gulong pa ako sa kama dahil sa sobrang tuwa, sana naiwan na sa Baguio ang mga kababalaghan na nangyari sa akin. Tama na, iisipin ko na lang na panaginip lang ang mga pangyari na iyon.Huminto ako sa paggulong at muling tumiyaha, nakabuka pa ang mga kamay ko para sakop talaga ang higaan. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang dumilat, mabilis nawala ang ngiti ko kasabay ng pagkunot ko ng noo."Hi!" Sibay ngiti nito. Ilang sandali pang nag-loading ang utak at agad napatayo, dahilan ng pagtama ng mga noo namin."Aray..." Rinig ko pang angal nito, maging ako ay napahawak sa noo ko."Bakit ka ba big
Nakaupo ako at nakaharap sa kaniya, habang binabasa ang mga nakasulat sa contract, pero wala akong maintindihan dahil patuloy ang sulyap ko sa kaniya. Kamukha niya talaga si Keir, maging ayos ng buhok, pointed nose, kahit pa ang kulay abo nitong mga mata, ang problema lang ay matalim ang tingin nito na akala mo ay galit sa mundo."Kung titingnan mo lang ako hindi ka na matatapos d'yan," saad nito habang pinapaikot sa kaniyang palad ang ballpen. Umayos ako ng upo at muling tumingin sa papel."Hin–""Just sign it, hindi ko kailangan ng reklamo."Umirap pa ako at padabog na ibinaba ang papel. Tumingin pa ako ng masama sa kaniya at inagaw ang ballpen na kanina pa niya nilalaro. Nakipag-agawan pa siya at nakipagpalitan ng masamang tingin, pero ako pa rin ang nanalo."Bibitawan rin pala." Bulong ko sa sarili at napangisi."May sinasabi ka?" Tanong nito at dinig ko ang paglapit
Katahimikan ang bumabalot sa loob ng apat na sulok ng kwartong ito. Titig ako sa sarili kong repleksyon sa salaming nasa harapan ko, seryoso akong nakatingin sa babaeng kaharap ko. Kailan ba ang huling araw na ganito ako tumitig sa sarili ko? Bihira ko lang tingnan ang sarili kong mukha sa salamin, mas madalas na damit ko lang ang tinitingnan ko.Naiilang ako sa tuwing tinitingnan ko sa salamin ang sarili kong mga mata. Pakiramdam ko may mga ipinapaliwanag itong maski sarili ko ay hindi maintindihan."Ms. Quinn?" Agad kong naibaba ang suklay at umikot paharap sa pintuan, kumatok ito ng tatlong beses bago niya binuksan."May problema po ba ms. Mona?" Umiling lang ito sa tanong ko at pumasok sa loob."Ayos ka na po ba?" Tanong pa nito, marahan akong tumayo at lumapit sa kaniya."May mga gusto sana akong itanong sa inyo, matagal na po ba kayo rito? Gaano niyo po kakilala s
Matapos niyang mag-park ng sasakyan, agad kaming nagtungo roon. Wala pa naman gaanong tao dahil masyado pang maaga. Mga mag-jowa lang na naglalampungan at naggagala sa paligid. Well, nagmukha na rin kaming mag-jowa dahil sa paglalakad."Paano ka nakikita ng mga tao?" Tanong ko sa kaniya matapos ilagay ang mga kamay ko sa likuran."Kaya naman namin mamuhay na parang normal na tao, nakikipag-usap din kami sa mga tao ng hindi nila malalaman kung ano kami," sagot naman nito."Bakit sa mga napapanood ko parang walang alam sa mga bagay sa paligid ang mga Grim reaper?" Ito na naman ang tanong ko sa kaniya, patungkol sa mga napapanood ko."Nakakilala na ba sila ng Grim reaper?" Ito na nga ba ang sagot na inaasahan ko. Bakit nga ba kasi tanong ako nang tanong tungkol sa napapanood ko?"Sige magtanong ka pa, para isahan na lang." Natatawang saad nito. Med'yo nahiya naman ako, pero dahil sinabi niya, kaya magt
Mahaba ang naging byahe, puro gasgas pa rin ako at walang kahit anong dala kung hindi ang sarili ko, na puro gasgas at maduming damit. Maliban sa pera at cellphone ko wala na akong nabitbit na gamit.Tumawag ako kila mama pero walang sumasagot, malamang tulog na sila kaya kay Finley ako tumawag. Alam kong umaga na kung matulog ang babaeng 'yon, kaya nasagot niya ang tawag ko. Sa boarding house nila sa Manila, ako tutuloy ngayon para magpahinga. Nagpahanda rin ako ng mga gamot para rito sa mga sugat ko. Paidlip-idlip ang tulog ko dahil sa pagod, so far wala naman akong nakasalamuhang multo sa bus na sinasakyan ko. Walang bata na humahawak sa paa. Sana tuloy-tuloy na ganito, normal lang.Agad akong sinalubong ni Finley nang makarating ako sa boarding house nila."Ano bang nangyari sa 'yo?" Pagtatakang salubong nito sa akin."Isang karumaldumal na pangyayari at ayoko na munang pag-us
Tirik ang araw na sumisilip sa bintana. Dalawa kami ni Chelsea na nakaupo sa kama, habang si grim reaper ay nakatayo sa harapan namin. Para siyang tatay na nangangaral sa aming magkapatid."Ibig sabihin wala rin akong pagpipilian?" Laglag balikat na saad ni Chelsea. Wala akong imik mula kanina, dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya ang lahat. Naaawa ako sa kaniya, kaya si Keir na lang ang nagpaliwanag ng lahat, tutal siya naman talaga dapat."Kaya hanggat hindi pa namin nahahanap ang kaluluwa mo, sa diplomat hotel ka muna mananatili at bawal kang lumabas," paliwanag ni Keir."Teka, paano kaya kung sumama ako sa inyo? Ikaw ate Quinn, hindi ba buhay ka naman? Edi tutulong ako sa inyo, habang hindi pa natin nahahanap ang kaluluwa ko." Gulat akong napatingin sa kaniya, tumingin din ako kay Grim reaper na kung tumingin sa akin, akala mo ako ang dapat magdesisiyon dito."Ano ate? Pwede ba? Sige na, hindi a
"Andito na tayo." Masayang saad ko at agad na lumabas. Sumunod na rin si Chelsea at nagtaka pa noong umalis na si Keir."Bakit hindi siya sumama?" Tanong nito."Hindi ko rin alam d'yan." Tamad kong sagot at pumasok na sa loob.Si manong Roly ang unang bumungad sa amin. Pagbukas ng pinto napatingin pa sa amin si Cora at ate Mona, napatigil din sila sa kani-kanilang ginagawa at agad lumapit sa amin."Ang akala ko hindi ka na babalik," si ate Mona."Hindi na nga sana, kaso." Sabay turo ko kay Chelsea."Hello po." Naiilang na bati nito. Pinakilala ko sa kaniya isa-isa ang mga narito. Pinaliwanag ko rin kung ano ang lugar na ito at kung anong klaseng boss ang mero'n dito. Lahat na ng kasiraan sa puri ni Florence, sinabi ko na."Anong kaguluhan 'yan?" Napatigil kaming lahat matapos itong marinig, napairap pa ako ng marinig ang boses na iyon. Humawi sila ate Mo