Matapos niyang mag-park ng sasakyan, agad kaming nagtungo roon. Wala pa naman gaanong tao dahil masyado pang maaga. Mga mag-jowa lang na naglalampungan at naggagala sa paligid. Well, nagmukha na rin kaming mag-jowa dahil sa paglalakad.
"Paano ka nakikita ng mga tao?" Tanong ko sa kaniya matapos ilagay ang mga kamay ko sa likuran.
"Kaya naman namin mamuhay na parang normal na tao, nakikipag-usap din kami sa mga tao ng hindi nila malalaman kung ano kami," sagot naman nito.
"Bakit sa mga napapanood ko parang walang alam sa mga bagay sa paligid ang mga Grim reaper?" Ito na naman ang tanong ko sa kaniya, patungkol sa mga napapanood ko.
"Nakakilala na ba sila ng Grim reaper?" Ito na nga ba ang sagot na inaasahan ko. Bakit nga ba kasi tanong ako nang tanong tungkol sa napapanood ko?
"Sige magtanong ka pa, para isahan na lang." Natatawang saad nito. Med'yo nahiya naman ako, pero dahil sinabi niya, kaya magtatanong talaga ako.
"Bakit kailangan mo pa ako? Hindi ba kaya mo naman humuli ng ligaw na kaluluwa?" Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin gets, kung bakit kailangan pa akong madamay sa ganitong problema nila. Nawalan pa ako ng trabaho dahil dito, tapos hindi ko pa alam kung may sweldo ba ako.
"Hindi ko nga rin alam sa Diyosa ng mga kaluluwa." Mabilis akong napahinto sa sinabi niya, lumagpa sa siya, pero mabilis ding napahinto at humarap sa akin.
"Meroong Diyosa ng mga kaluluwa?" Kunot noo na tanong ko rito. Ghad! Ano pa bang mga bagay na malalaman ko?
"Oo, siya mismo ang nagsabi sa akin na kailangan kita, ayoko nga sana. Ang problema, daragdagan niya ang mga kaluluwa na hahanapin ko. Ayoko man na makasama ka, mas ayoko naman magtagal dito," saad nito na hindi ko alam kung mao-offend ba ako sa huli niyang sinabi.
"So, ako pa may kasalanan?" Humalukipkip ako at lumapit sa kaniya.
"Depende sa kung sino ang gusto mong may kasalanan, ikaw na mamili." Napairap ako sa sinabi niya. Malamang sa malamang kambal talaga sila ni Florence, hindi maikakaila ang pambubwisit nila.
"Pero pwede naman natin siya dayain hindi ba? Kunwari magkasama tayo naghahanap pero hindi." Ngumit ako rito at tinaas-baba pa ang kilay.
"Mukha bang maloloko mo siya? Bahala ka, ikaw rin. Gusto mo bang maging baboy sa next life mo?" Napatigil ako sa sinabi niya, laglag balikat akong nakaharap sa kaniya.
"Ang hirap naman kasi nito, bakit sa dami ng mission, paghahanap pa ng mga layas na kaluluwa?" Umirap pa ako sa kaniya at binangga siya para muling lumakad.
Hindi naman pala ako kailangan bakit andito pa ako? Tumakas kaya ako mamaya? Kaya ko naman umuwi mag-isa, kapag nakahanap kami ng isang ligaw na kaluluwa ngayon aalis na talaga ako. Magiging baboy next life ko? Okay lang at least hindi ko na alam iyon, di ko naman sasabihin na. "Uy tao ako dati." Kaya wala silang magagawa. Hahanap na lang ako ng albularyo para tanggalin itong kakayahan ko.
"Mabuti pa kaya kung maghiwalay tayo?" Halos mapatalon pa ako sa gulat ng bigla itong bumulong sa akin.
"Mabuti pa nga." Malamya kong sagot sa kaniya at nagpatuloy na sa paglalakad. As if naman tutulong ako, bahala siya basta maglilibot ako. Tutal nabitin ako noong nagpunta kami rito, kaya gala-gala na lang muna.
Tuluyan ng sumilay ang liwanag at may mga tao na ring naggagala. Tumingala pa ako para tingnan ang magagandang pine trees. Mainit ang sikat ng araw, pero malamig ang singaw ng hangit. Masaya akong naglalakad habang isinasayaw ang buhok ko sa hangin, habang umiikot-ikot pa sa mga pine tree. Wala akong pakialam sa mga taong nakatingin sa ginagawa ko, hindi naman nila ako kilala kaya, okay lang.
"Tutal andito na ako, bakit hindi pa ako magpicture." Agad kong kinuha ang cellphone ko at todo ang awra sa harapan ng camera. Mas maganda sana kung makikita sa picture ko ang OOTD ko, para hindi sayang at maganda pa naman ang lugar.
"Excuse me." Tawag ko sa isang babaeng nakatayo sa hindi kalayuan. Kakapalan ko na ang mukha ko para magpa-picture.
"Pwed–"
"Tara na, ang sakit ng balikat ko," saad ng isang babae. Magtatanong pa lang sana ako kung pwede magpa-picture, sumabat na kaagad ang kasama niya. Nahiya tuloy ako lalo.
"Ano bang ginawa mo?" Tanong ng babae na kasama nito. Para akong tanga rito sa gilid nila, nakikinig sa usapan tapos hindi naman ako kilala.
"Ewan ko ba, parang biglang bumigat ang balikat ko kanina matapos magpa-picture sa ilog. Tara na." Sabay hila nito. Ang kinalabasan? Hindi rin ako nakapagpa-picture. Hayaan mo na nga, marami pa namang tao rito.
Naglakad pa ako at nakita ang iba't ibang tao na nagba-bike. Gusto ko rin itong ma-try dahil ang tagal ko ng hindi nakakapag-bike. May pera naman akong dala ngayon. Bahala na si Grim reaper na maghanap ng ligaw na kaluluwa, o baka naglilibot lang din siya ngayon at iniisip na hayaan ako maghanap. Bahala na talaga.
"Kuya magkano arkila?" Tanong ko pa.
"50 pesos, isang oras," sagot nito. Agad akong kumuha sa bulsa ko ng 100 pesos.
"Dalawang oras po." Nakangiti kong saad at agad namili ng bike. Dahil favorite ko ang red, ito ang pinili ko. Sana pala nag-short or nagpantalon ako para hindi nakakailang.
Dahil naka-drees ako med'yo pabebe akong mag-bike, may short naman ako panlolob, pero dahil babae ako. Ayoko naman isipin nilang pumapayag akong silipan nila.
Tuwang-tuwa ako dahil hanggang ngayon ay marunong pa pala ako, garalgal nga lang noong una dahil nangangapa pa, pero naging tuloy-tuloy na rin.
Ang sarap talaga sa pakiramdam nito, nakakagaan ng pakiramdam at nakakawala ng stress. Kahit wala akong kasama ay tila nakikipag karera ako sa mga kasabay ko, hindi ko sila kilala pero mukhang natutuwa rin silang makalaban ako.
"Ate pabilisan tayo." Saglit akong napalingon sa isang batang babae, sa tingin ko nasa 12 or 13 years old pa lang ito. Bumagal ako at huminto, hinintay ko siya para magpantay kami.
"Game na?" Tanong ko rito, tumango siya at parehas kaming umamba.
"1...2...3...GO!" Agad akong pumaspas ng padyak at gano'n rin siya, todo iwas kami sa mga nasa harapan at ang iba, kusang humihinto para tingnan kaming dalawa na nagkakarera. May pagkakataon na ako ang nauuna at bigla niya akong mauunahan.
Nakauwang pa ang bibig ko habang nakangiti, masakit man sa binti ay nagpatuloy ako.
"Ano kaya pa?!" Sigaw kong tanong sa kaniya.
"Liko na ate!" Matapos niya itong isigaw ay agad akong lumiko, marami pa rin ang mga kasabayan namin kaya med'yo hirap na ako. Naunahan ko siya at lumingon pa ako sa kaniya, pagbalik ko ng tingin sa harapan ay nakita ko si Grim reaper na todo kung pumalakpak, napailing pa ako at natawa. Grim reaper na talaga siya? Parang isip bata, e.
Muli akong nalampasan ng batang iyon at agad akong bumawi, dalawang ikot ang gagawin namin at sa ikalawang pag-ikot ang finish line. Malapit na kami sa ikalawang ikot at ako ang nauuna. Ang buong kala ko ay ayos na, pero mali pala. Noong malapit na ako sa likuan, naagaw ang attention ko ng isang babaeng nakatayo sa ilog at may nakabakay sa kaniyang isang babae, Alam hindi iyon buhay.
Mabilis napawi ang ngiti ko at hindi maalis sa kanila ang tingin, sinubukan kong mag-concentrate sa harapan, pero hindi ko napansin ang bike na nakahinto sa harapan ko, kaya ang resulta bumangga ako rito. Gumewang-gewang pa ang bike hanggang sa tuluyan akong sumemplang.
"Hala, sorry ate!" Agad napababa ang sakay ng bike na nabangga ko. Namilipit pa ako dahil sa sakit ng sugat ko sa tuhod. Bwisit talaga! Bakit kasi hindi na lang ako huminto?
"Ayos ka lang ba ate?" Pag-aalalang tanong ng batang babae na kausap ko kanina.
"A-ayos lang." Agad akong bumitaw sa kaniya at lumakad palayo, tinawag pa niya ako pero hindi na ako lumingon pa.
"Bwisit na multo!" Inis akong napasipa sa isang puno, pero agad ding napatigil dahil sa hapdi ng tuhod ko. Sinilip ko pa ito at kita ang mga gasgas at dugo, tumingin din pa ako sa siko ko na may gasgas din.
Bata pa ako noong huling beses akong nagkagasgas, tapos ngayon kung kailan dress na ang suot ko, magagasgas lang ang balat ko.
"Ano ba kasing ginagawa mo?" Muntik pa akong mapatalon dahil sa biglaang pagsulpot ni Keir. Umirap ako sa kaniya, kung hindi sana siya nanood, edi sana siya ang nakakita sa kaluluwa na iyon.
"Akala ko ba maghahanap ka ng mga ligaw na kalukuwa?" Inis na tanong ko rito habang iniinda ang sakit ng mga sugat ko.
"Oo, pero sabi mo ikaw na ang maghahanap kaya hindi ko na hinanap," saad nito na lalong kinainit ng ulo ko. Napapikit ako dahil sa sobrang inis, napasambunot pa ako sa aking buhok.
"Anong klaseng Grim reaper ka?!" Sigaw ko sa kaniya, pero walang nag-iba sa reaction niya.
"Naiinis na ako puro ka pa pa-cute? Kainis!" Tinulak ko siya at iika-ikang naglakad. Bwisit na Grim reaper iyon, bakit gano'n siya? Ibang klase, hindi ko alam kung bakit gano'ng klaseng Grim reaper pa ang makakasama ko.
"Sabay na tayo pumunta sa kaniya." Napairap akong muli sa kawalan habang patuloy sa paglalakad.
"Sana ako na lang pala ang Grim reaper sa ating dalawa no? Tutal ako lang din naman ang maghahanap." Tumingin ako sa kaniya at napakibit-balikat lang ito.
"Sige, ikaw na ang Grim reaper," saad nitong may malawak na ngiti.
"BWISIT! BWISIT! BWISIT ONE MILLION TIMES!" Sigaw ko sa mukha nito, pero talagang hindi natinag ang ngiti sa kaniyang labi. Gustong-gusto ko siyang sapakin, pero dahil may mission pang dapat gawin, nagpatuloy na ako sa paglalakad patungo sa ilog.
Sinasabi ko talaga! Matapos nito tatakas talaga ako para makauwi, bahala na siyang maghanap ng mga ligaw na kaluluwa, tutal siya naman ang binigyan ng mission na ito at hindi ako. Dapat nga mas madali kaming makahanap ng kaluluwa dahil siya ang Grim reaper.
Matalim ang mata ko at padabog na naglakad patungo sa babaeng may nakabakay.
"Hoy!" Agad silang napatigil sa pagdating ko.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ng babae.
Napapikit pa ako at humarap kay Grim reaper. "Ano? Wala kang balak na hulihin siya?" Tanong ko pa rito at itinuro ang babaeng multo na nakabakay sa isang babae.
"Sinong kausap mo ate? Isa pa anong kasalanan ko, bakit ako huhulihin?" Humalukipkip pa ako at lumapit ng tuluyan sa kanila, tumabi rin sa kaniya ang isa pa niyang kasama.
"Hindi ikaw ang tinutukoy ko, okay? Kung hindi ang babaeng nakabakay sa 'yo." Halata sa mukha nito ang pagkagulat at mabilis siyang napahawak sa balikat niya. Tumagos ang tingin ko sa babaeng nakabakay sa kaniya, dilat na dilat ang itim nitong mga mata at ang mga ugat nitong nangingitim na, maging ang labi nitong akala mo ay bitak na lupa.
"M-may nakabakay sa akin? Kaya ba biglang bumigat ang likod ko?" Napataas pa ang kilay ko at tumango. Nagkatinginan sila ng kasama niya at patakbo na sana, nang bigla kong hawakan sa damit ang multo, dahilan ng pagbaba nito. Muling napahawak ang babaeng sa kaniyang balikat, mukha atang gumaan kaya lalo siyang natakot at napatakbo.
"Ayan, ako nakahuli." Sabay tulak ko rito kay Grim reaper. Inis akong napatingin sa multo na walang kaalam-alam sa mundo, hindi ito nagsasalita kadilat lang ito at parang timang na nakatayo. Sabi ni Grim reaper wala na raw silang naaalala, kaya wala silang alam sa ginagawa nila, pagala-gala sila at kung kani-kanino sumusunod.
"Ibang klase ka talaga." Masama ang tingin ko kay Keir at gusto ko na siyang ihatid sa kabilang buhay, para tumahimik na rin ang buhay ko.
"Syempre, kaya nga andito ako 'di ba? Ako na gagawa ng trabaho mo." Sarcastic kong saad dito, pero mukhang hindi niya gets kasi mas natuwa pa siya.
"Ano ng gagawin natin sa kaniya?" Iritado kong tanong, masakit na kasi ang mga sugat ko.
"Dalhin na natin sa hotel." Mabilis na sagot nito, tinitigan ko pa ang multong ito at hinila ang damit. Dahil gusto pa niyang sumunod sa mga taong dumaraan sa gitna amin. Siguro kung ganito lahat ng multo wala ng matatakot dahil nakakabwisit. Walang kamalay-malay at walang alam sa ginagawa, basta lang siya sumusunod at bumabakay.
"Tara na pala." Muli kong hinawakan ang damit ng multong ito at hinila na siya pabalik sa sasakyan. May mga tao pang nagtataka sa ginagawa ko at sa pagsasalita ko mag-isa, pero wala akong pakialam kung isipin nilang nababaliw na ako, basta gusto ko ng umuwi.
Iniupo ko sa likod ang multo at umupo sa tabi ni Grim reaper, napatingin akong muli sa tuhod ko na puro gasgas. Matapos ko itong linisan sa hotel mamaya, tatakas talaga ako para lang makauwi na. Hindi naman ako ang Grim reaper, pero bakit ako ang maghahanap sa mga ligaw na kaluluwa?
Mabilis ang naging byahe namin, hindi ako umiimik habang si Keir ay patuloy sa pagku-kwento ng mga bagay-bagay na wala akong pakialam. Malamang kaya hindi sila nagkikita ni Florence, dahil lahat ng kinaiinisan ni Florence nasa kaniya. Baka pinalayas ito sa hotel.
Walang salita akong binitawan at muling hinila ang multo papasok sa hotel. Bukas ito ngayon dahil mamayang alas tres ng hapon ang sarado ng daan papasok.
Pagpasok pa lang namin, sumalubong na sa amin si mang Roly at Mona.
"Maligayang pagbabalik." Salubong nila rito, nagulat naman ako ng bigla silang kinausap ng multong ito.
Napatingin pa siya sa akin na ngayon ay maayos na ang kaniyang itsyura.
"Ganiyan talaga, kapag lumabas ka rito ay hindi mo na maaalala ang lahat, pero babalik ito kapag bumalik ka sa hotel." Napauwang pa ang bibig ko sa sinabi ni mang Roly.
"Mabuti naman at nakabalik pa ako, si Valeria?" Tanong pa nito, umusog ako para makita siya at marinig na rin ang usapan nila.
"Hindi pa rin siya nakikita, kaya nga andito pa rin kami," sagot ni Cora na biglang dumating. Nanatili akong tahimik dahil hindi ko naman alam ang pinag-uusapan nila, maging ang mga pangalan na binabanggit nila.
"Patawad sa ginawa namin, maaari pa kayang mahanap si Valeria?" Kumunot ang noo ko ng tumingin sa akin si ate Mona.
"Siya ang pinadala ng Diyosa ng mga kaluluwa, upang tulungan tayo." Sabay turo sa akin. Ngumiti na lang ako at kumaway.
"Sana mahanap mo na kaagad si Valeria." Tumango ako sa sinabi niya. Ghad! Sino ba si Valeria?
"Pupuntahan ko lang muna si Florence." Pagpapaalam ko sa kanila at mabilis na nagtungo sa office nito.
Ang angas ng mga multo rito, kapag nasa labas walang naaalala, kapag andito naman sa loob maaalala nila lahat maliban sa mga nangyari sa kanila sa labas. Med'yo magulo.
"May nahuli akong isa." Masaya kong saad nang makapasok ako sa office ni Florence.
"Hindi ka ba marunong kumatok?" Masungit na tanong nito.
"Huh? Katok ka?" Inosente kong tanong sa kaniya. Nagbigay naman ito ng masamang tingin sa akin.
"Okay! May naibalik na akong isang kalukuwa." Ulit ko nang tuluyan akong tumapat sa kaniya. Nakatayo kasi siya at nakatingin sa mga painting na nakasabit sa pader.
"Oh? Anong gusto mong gawin ko? Magpahanda tayo dahil may naibalik ka? Ano bang gusto mong handa? Gusto mo ba ng regalo?" Sarkastikong tanong nito. Tumaas ang kilay kong nakatingin sa kaniya at gusto ko talagang umirap, pero pinipigil ko. Meroon pa bang ibang Florence at Keir na maayos kausap? 'Yong ganito rin kagwapo pero matino.
"Nakakatawa? Gusto mo ba tumawa ako?" Bawi ko sa kaniya at ipinakita ang siko ko na may mga gasgas.
"Ay, may sugat ka? Bakit kasi tatanga-tanga ka?" Agad kong ibinaba ito at kumuyom ang kamao. Kalma ka lang Quinn, baka masapak mo siya.
"Kasalanan ko pa?"
"Hindi ba? Ah! Baka ang semento ang may kasalanan?" Umayos siya ng tayo para maharap ako.
"May gamot ka ba para sa sugat?" Pag-iiba ko ng usapan, ayoko ng humaba pa ang usapan namin dahil baka bigla ko na lang siyang masapak.
"Bakit? May lagnat ba ang sugat mo?" Mapang-asar itong ngumiti at halata sa mukha ang pagtawa.
"Alam mo? Konti na lang masasapak na kita." Naningkit ang mata ko at gigil na diniin ang mga salitang iyon.
"Gaano karami ang konti?" Mabilis na tanong nito. Mukhang tuwang-tuwa pa siya sa pagkainis ko. Tinaasan ko siya ng isang kilay at humalukipkip.
"Sino si Valeria?" Sa tono ng pananalita ko akala mo jowa ko siya at tinatanong kung sino ang kabit niya.
"Saan mo nalaman ang pangalan na 'yan?" Mabilis ang pagbabago sa kaniyang mukha, bumalik ito sa matalim na tingin at nakasimangot na bibig. Parang nainis ata sa tanong ko.
"Narinig ko kanina sa nahanap kong multo, tinatanong niya kung nakabalik na raw ba si Va–"
"Shut up!" Napaatras ako sa sigaw niya. Anong problema nito? Ang lakas talaga ng sapak ng multong demonyo na ito.
"Bakit ka sumisigaw?! Tinatanong ko lang naman!" Bawi ko ng sigaw sa kaniya. Hindi niya ako sinagot, lumakad ito pabalik sa table niya.
"Masama bang malaman kung anong pangalan ng mga hinahanap ko?" Muli kong tanong sa kaniya habang palapit dito.
"Get out." Utos nito mula sa malumanay ngunit may laman na boses.
"W-what?" Kunot noo kong tanong. Narinig ko iyon pero hindi naman ata tama 'yon.
"I said get out! Bingi ka ba?!" Sigaw nitong muli.
Lumakad pa ako lalo palapit sa kaniya, bakit ngayon ganito siya umasta? Kanina nanunukso pa, tapos ngayon siya ang mapipikon?
"Alam mo? Parehas kayong bwisit!" Hindi ko napigil ang pag-irap at padabog na lumakad palabas, pabalagbag ko pang isinara ang pinto.
Gigil na gigil akong bumaba, napatingin pa ako sa tuhod ko at siko, masakit pa rin, pero mas naiinis at nabubwisit ako sa magkamukhang iyon. Baliw na nga ata talaga siya, pangalan lang ang tinatanong ko sa kaniya. Siya pa ang may ganang magalit? Dapat nga mas mabait siya dahil siya ang may kailangan sa akin, mas dehado nga ako dito, e. Sila may mapapala ako wala, nahihirapan akong maghanap, pero siya and'yan lang sa loob ng hotel!
"Uuwi na talaga ako!" Inis kong saad ng harangin ako ni mang Roly. Napakamot pa siya sa kaniyang ulo dahil sa mabilis kong paglabas. Sa bahay ko na lang ito gagamutin, matagal man ang byahe ang mahalaga magamot ko ito, at makakaalis ako sa lugar na ito.
Kahit pa sunduin ako ni Keir wala na akong pakialam, kahit pa sa panakot niya. Kaya ko itong ipasarado, magpapatulong ako mga sa albularyo.
Basta hindi na ako babalik at tutulong kahit pa ang Diyosa ng mga kaluluwa ang kumausap sa akin , wala na akong pakialam sa kanila. Isa pa sino ba kasi ang Valeria na iyan at mabilis napabago ang mood ng multong demonyo na iyon.
Mahaba ang naging byahe, puro gasgas pa rin ako at walang kahit anong dala kung hindi ang sarili ko, na puro gasgas at maduming damit. Maliban sa pera at cellphone ko wala na akong nabitbit na gamit.Tumawag ako kila mama pero walang sumasagot, malamang tulog na sila kaya kay Finley ako tumawag. Alam kong umaga na kung matulog ang babaeng 'yon, kaya nasagot niya ang tawag ko. Sa boarding house nila sa Manila, ako tutuloy ngayon para magpahinga. Nagpahanda rin ako ng mga gamot para rito sa mga sugat ko. Paidlip-idlip ang tulog ko dahil sa pagod, so far wala naman akong nakasalamuhang multo sa bus na sinasakyan ko. Walang bata na humahawak sa paa. Sana tuloy-tuloy na ganito, normal lang.Agad akong sinalubong ni Finley nang makarating ako sa boarding house nila."Ano bang nangyari sa 'yo?" Pagtatakang salubong nito sa akin."Isang karumaldumal na pangyayari at ayoko na munang pag-us
Tirik ang araw na sumisilip sa bintana. Dalawa kami ni Chelsea na nakaupo sa kama, habang si grim reaper ay nakatayo sa harapan namin. Para siyang tatay na nangangaral sa aming magkapatid."Ibig sabihin wala rin akong pagpipilian?" Laglag balikat na saad ni Chelsea. Wala akong imik mula kanina, dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya ang lahat. Naaawa ako sa kaniya, kaya si Keir na lang ang nagpaliwanag ng lahat, tutal siya naman talaga dapat."Kaya hanggat hindi pa namin nahahanap ang kaluluwa mo, sa diplomat hotel ka muna mananatili at bawal kang lumabas," paliwanag ni Keir."Teka, paano kaya kung sumama ako sa inyo? Ikaw ate Quinn, hindi ba buhay ka naman? Edi tutulong ako sa inyo, habang hindi pa natin nahahanap ang kaluluwa ko." Gulat akong napatingin sa kaniya, tumingin din ako kay Grim reaper na kung tumingin sa akin, akala mo ako ang dapat magdesisiyon dito."Ano ate? Pwede ba? Sige na, hindi a
"Andito na tayo." Masayang saad ko at agad na lumabas. Sumunod na rin si Chelsea at nagtaka pa noong umalis na si Keir."Bakit hindi siya sumama?" Tanong nito."Hindi ko rin alam d'yan." Tamad kong sagot at pumasok na sa loob.Si manong Roly ang unang bumungad sa amin. Pagbukas ng pinto napatingin pa sa amin si Cora at ate Mona, napatigil din sila sa kani-kanilang ginagawa at agad lumapit sa amin."Ang akala ko hindi ka na babalik," si ate Mona."Hindi na nga sana, kaso." Sabay turo ko kay Chelsea."Hello po." Naiilang na bati nito. Pinakilala ko sa kaniya isa-isa ang mga narito. Pinaliwanag ko rin kung ano ang lugar na ito at kung anong klaseng boss ang mero'n dito. Lahat na ng kasiraan sa puri ni Florence, sinabi ko na."Anong kaguluhan 'yan?" Napatigil kaming lahat matapos itong marinig, napairap pa ako ng marinig ang boses na iyon. Humawi sila ate Mo
"Mukang masaya ka, ah." Pang-aasar nito. Hindi ako makapagsalita dahil sa pagdarasal. Siguro kahit suicidal person talagang gugustuhin pang mabuhay, dahil sa klase ng pagmamaneho ng Grim reaper na ito. Malamang hindi siya takot mamatay, matagal na kasi siyang patay.Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon, ang alam ko lang ay patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. Wala na akong ibang naiisip, wala ng mission o maging si Chelsea, ang naiisip ko na lang ngayon ay ang buhay ko.Ganito siguro kapag malapit na mamatay ano? Bumabalik lahat ng alaala mo sa buhay. Lahat ng mga nangyari sa 'yo noong bata ka pa. Ito na ba iyon Lord? Kukunin mo na ba ako?"Hindi ka pa ba bibitaw?" Natatawang tanong nito. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nakahinto na pala kami ngayon, ilang sandali pa bago muling bumalik ang ulirat ko at agad akong kumawala ng yakap sa kaniya."Buhay pa ba ako?" Tanong ko habang tinatanggal ang helme
"Nakita ko na." Agad akong napatingin kay Keir at itinuro ang shop, dahil mahina ang pag-andar ng kalesa ay hindi kami dinala sa kalayuan, agad namin itong pinahinto.Matapos ko magbayad ay agad kaming nagtungo rito. Bitbit ko ang palda ko para lang mabilis magtungo roon, agad siyang napatigil ng makapasok kami. Tumayo ito at lumapit.Magada siya, maging ang kutis nito kahit pa man may bahid ng pintura ang katawan at damit, hindi ko maikakaila ang ganda nito. Tumagos ang tingin ko sa lalaking kaluluwa na nakasunod sa kaniya.Halata sa mukha nito ang katagalan na. Bitak-bitak na ang tuyong labi nito. Kulay violet ang kulay ng balat at maging ang mga itim na ugat sa kaniyang mukha. Parang pagod na pagod itong nakasunod sa babae, malamang sad'yang dugtong ang kanilang kaluluwa at ganoon na lang ang pagmamahalan nila, kaya maging kamatayan ayaw pa siyang pakawalan."Anong kailangan niyo?" Mahinahong tanong n
Matapos naming masundo si Chelsea ay tumambay muna kami sa Jollibee, hindi pa raw kasi siya lumalabas. Natatakot siya sa maaaring mangyari."Gutom na gutom ka talaga," saad ni Keir habang kaharap namin ito. Kumain na rin ako dahil mamaya ay wala akong pagkain sa hotel, magpapasama na rin ako mamaya bumili sa grocery para kung mag-stay man ako sa hotel, hindi ako magugutom. Hindi naman kasi kumakain ang mga ando'n, isa pa wala naman pakialam sa akin ang may-ari, kaya wala siyang pakialam kung magutom ako."Hindi na muna sigiro ako titira doon ate, sa tinutuyan ko munang hotel ako mag-stay. Hindi ako lalabas ng kwarto ko, ayaw na po kasi akong pabalikin doon ni sir Florence. Noong pagkalabas mo ang dami niyang sinabi na masasakit sa akin." Napatigil ako sa pagkain para hagurin ang likod nito."Wala talagang puso ang tao–demonyong multo na iyon," saad ko pa rito. Wala naman kasing ibang iniisip iyon kung hindi ang sarili niya at si Val
"Saan naman kumuha ng kapal ng mukha si Blake at nagawa ka pa niyang kusapin?" Sagot ni ate Jade mula sa kabilang linya."True, ang kapal ng mukha niya matapos umalis ng walang paalam?" Gigil na saad ni Finley.Magkaka-video call kami sa GC ngayon at silang tatlo ang kausap ko. Si ate Jade, Finley at kuya Denis."Wag mong sabihin na naging marupok ka sa kaniya?" Tanong ni kuya Denis na ikinatawa ko."Hindi no, naka-move on na po ako," sagot ko at dumapa."Siguraduhin mo lang, o baka naman may iba ng nagpapasaya? Kaya ganiyan kaaliwalas ang mukha mo?" Intriga ni kuya Denis na ginatungan pa ng dalawa."Kaya nga, sino naman ang lalaking kasama mo sa painting? Nakita ko sa story mo." Napatikom pa ako ng bibig sa tanong ni Finley. Kahit talaga kailan maintriga ang babaeng ito."Friend?" Sabay tawa ko."Friend? Tapos binigyan ka ng locket? Friend mo lalen
"Andito na tayo." Bumalik lang ako sa sarili ng bigla niyang hininto ang sasakyan."Anong ginagawa natin sa peryahan?" Napakibit-balikat lang ito sa tanong ko. Mariin akong napapikit at napahilamos sa mukha. Ngayon niya pa talaga naisipan maggala?"Mukhang hindi ka nakikinig ng balita, halos linggo-linggo may namamatay rito at ang mukha nila pare-parehas." Napabuntong hininga na pa ako matapos niya itong sabihin. Agad kong kinuha ang phone ko at nag-umpisang magsearch tungkol dito sa Bella Perya.Napaayos pa ako ng upo ng makita ang itsyura ng mga taong tinutukoy niya. Itim ang mga mata at labi. Para silang nga taong hinigupan ng kalukuwa, marahil ganito ang itsyura ng nasa hotel kanina."Kita mo na? Magsasara na sila ngayong araw. Hanggat may oras tayo subukan nating maghanap ng sagot." Napatingin ako kay Keir."Okay." Tipid kong sagot bago tinanggal ang seatbelt. Palabas na sana
20 years later"HANZEY!" Napabalikwas ako ng tayo matapos marinig ang boses ni tita Finley, ano na naman kayang ginagawa nila rito ng ganito kaaga?Kahit pa gulong-gulo ang buhok ay lumabas ako, naabutan ko si tita Finley kasama si Delia."Ano po bang mero'n ngayon? Aga-aga," reklamo ko."Abang bata ito!" Napaiwas pa ako matapos niyang mag-amba na hampasin ako."Sorry naman," pagbibiro ko pa."Wala po sila mommy rito," dagdag ko pa habang inaayos ang buhok kong nagkalat sa mukha ko."Death anniversary ngayon ng tita Quinn mo, wala ka bang balak magpunta?" Tanong nito habang paupo sa sofa."Oo nga ate Hanzey, sabay ka na lang sa amin," dagdag pa ni Delia."Mamaya pa naman 'di ba? Dadaan pa ako sa office mamaya." Nakalimutan ko ngayon pala iyon, mabuti na lang at naisipan nilang dumaan dito."Sige pa
"R-Renna." Panginginig nitong saad.Tumayo ako habang ang mga mata ko ay tutok pa rin sa kaniya.Ngayon nabigyan na ng linaw ang lahat, naaalala ko na ang lahat-lahat. Mula sa amin ni Florence at kung paano kami lumabas ni Valeria.Lumakad ako palapit sa kaniya ngunit mabilis siyang umatras. Malamig na hangin ang pumapagitna sa aming dalawa."Akalain mo? Iisang babae pa rin ang kalaban ko?" Napangisi ito at muling lumitaw ang itim na usok sa kaniyang katawan.Gusto kong umiyak, nasasaktan ako sa ginagawa niya. Matagal na kaming magkaibigan at alam kong lahat patungkol sa kaniya, gusto ko siyang mapabago kahit pa alam kong wala ng pag-asa pa."Tama na, Valeria. Kaibigan kita, ayokong tuluyan kang magpalamon sa kadiliman." Mahinahon kong wika."Kaibigan? Kaibigan pero nagawa mong agawin sa akin si Florence?" Tanong nito mula sa mahinahon ngunit may pagbaba
Nagising ako sa mabangong amoy na nakalapat sa ilong ko. Umayos ako ng higa nang maramdamang may brasong nakapulupot sa katawan ko, ramdam ko rin na nakaunan ang ulo ko sa braso nito.Dumilat ako para tingnan siya, bumawi rin ako ng yakap at muling pumikit habang ang mukha ko ay nakasubsob sa dibdib nito.Wala akong marinig na pagtibok ng puso pero ramdam ko ang bigat ng paghinga nito."Dito ka lang muna, gusto ko dito ka lang sa tabi ko." Humigpit ang yakap nito sa akin.Mabilis ang tibok ng puso ko at alam kong ramdam niya ito. Gusto ko, gustong-gusto ko manatili sa tabi niya ng mas matagal pang panahon."Dito lang ako, mananatili sa tabi mo kahit pa lumipas ang ilang libong habambuhay," sambit ko habang mahigpit din ang yakap sa kaniya.Nakapikit pa rin ako at sobrang komportable ko sa mga bisig niya, pakiramdam ko safe na safe ako at matapang akong humarap sa mga maaaring
Ang ibig sabihin kung tuluyan siyang maglalaho hindi na siya mabibigyan ng pagkakaon na mabuhay muli? Anong mangyayari sa akin? Maaaring maging ako ay may kaparusahan? Pero hindi eh, bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit kahit alam na niya ang mangyayari sa kaniya nagawa niya pa rin akong mahalin?"Sige, dito na kami sa kabila pupunta." Tumango lang ako sa kanila at tumalikod. Napahagod pa ako sa dibdib ko dahil sa kirot nito, mabilis ang bawat pitik at maging paglakad ko ay mabigat. Nangingilid na ang mga luha dahil sa mga nalalaman ko.Bakit mas pinili niyang gawin ito? Bakit mas pinili niyang itago? Ang buong akala ko ako lang ang sumusugal dito, mas malaki pala ang itinataya niya sa pag-ibig na ito.Agad akong nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig, matapos kong uminom ng tubig ay napatungkod ako sa mesa at yumuko.Gusto kong umiyak na lang nang umiyak pero alam ko walang mangyayari kahit pa malunod ako
Buo na ang alaala nito, mula sa kung paano kami unang nagkita bilang siya si Grim reaper hanggang sa kung paano kami nagkita bilang si Florence.Hindi ko alam kung anong iniisip niya sa lahat. Kapag kasama ko siya biglang Keir mabait at masaya ako na kabaligtaran kapag kasama ko siya bilang si Florence."Sabi ko na, ikaw siguro unang nagkagusto sa akin no? Kaya galit ka kapag hindi kita pinapansin sa hotel." Natatawang saad nito habang nagmamaneho.Ibang klaseng Florence ang kasama ko ngayon. Mas masaya at puno ng buhay, ewan ko ba. Basta alam ko masaya kami ngayon."Ikaw kaya ang galit na galit sa ex ko." Bawi ko pa rito."Oo nga pala, bakit ka nakipagkita sa kaniya kanina? Bakit hindi ka nagpaalam sa boyfriend mo?" Napangisi pa ako sa tanong nito."Wala naman kaming ginawang masama, hindi tulad ng iba d'yan nakipaghalikan pa sa ex niya." Sumimangot ako ng maalala ang ginawa
Nanatili ako sa loob ng hotel habang hindi ko pa alam ang susunod kong gagawin. Gusto ko ng makita at makausap si Keir, pero kapag naaalala ko–si Florence ang pumapasok sa utak ko. Na baka ang nararamdaman ni Keir sa akin ay bunga lang ng wala siyang maalala sa dati niyang buhay.Paano kung maalala na niya? Maiiwan akong mag-isa, maiiwan akong nagmamahal sa taong iba naman talaga ang mahal.Damn! Sana pala talaga una pa lang umiwas na ako para hindi na ganito ang nangyari.Wala na akong ingay na narinig sa loob ng office ni Florence, malamang bumalik na sila sa mga trabaho nila. Pero si Valeria at Florence kaya? Andito kaya sila ngayon sa loob? Anong ginagawa nila?Dahan-dahan akong humawak sa doorknob at nagtangka na ikutin ito, para sana buksan pero hindi ko maitulak. Nag-aalangan at natatakot ako sa maari kong makita.Napalunok ako at binitawan ito kasabay ng pagkawala ko ng malalim na paghinga.
Paakyat na ako ng bigla akong napatigil sa pagbukas ng pinto. Mabilis nanindig ang balahibo ko kahit pa man hindi ko alam kung sino ang pumasok, mariin akong napakapit sa gilid ng hagdan at humarap dito.Halos maputulan ako ng hininga ng tuluyang luminaw sa akin ang mukha nito. Nanlaki at nanginginig ang mga mata kong tutok dito."Chelsea." Bulong ko sa sarili pero alam kong may kakaiba sa kaniya na maging ang kaluluwa ko ay natatakot dito. Ibang-iba ang aura niya, maging ang matalim nitong tingin.Dahan-dahan akong bumaba habang sila mang Roly at ate Mona ay lumapit dito, ngumiti siya at may sinabi. Hindi ko ito narinig pero nakita ko ang gulat sa mukha ng dalawa, napatakip pa ng bibig si ate Mona at mahigpit na niyakap si Chelsea.Balisa at wala sa sarili akong lumalakad palapit nang biglang dumating si Florence at nagtatakang lumapit dito. Nasa malayo ako kaya hindi ko marinig ang usapan, isa pa ang bilis a
"Lalabas rin ako matapos nito." Paalam ko kay Keir habang tinatanggal ang seatbelt."Magpahinga ka na muna, baka napagod ka." Matapos nito ay agad niyang hinigit ang batok ko palapit sa kaniya para halikan ako. Napapikit ako ng saglit at bumawi."Sige na, may nanonood sa likod." Natatawa kong biro at itinuro ang kaluluwa na tulala."Hindi naman niya 'yan maaalala," dagdag nito at muli akong hinalikan."Sige na." Muli kong paalam at agad bumaba. Baka mamaya magkaroon pa ng live action dito sa sasakyan niya.Ibinaba ko na rin ang kaluluwa at isinama sa loob ng hotel.Pagtapak pa lang namin sa loob, parang may kung anong nangyari sa kaniya. Nagulat pa nga ako dahil bigla itong nagsalita."Naibalik mo siya!" Masayang sambit ni Cora habang palapit ito sa amin."Ano ang nangyari?" Pagtatakang tanong nito."Ang naaalala k
Nakarating kami ng La Berta Miranda boutique. Nagpababa na lang ako sa tapat habang siya susunod na lang daw, agad akong tumawag kay Blake pagpasok ko sa loob."Good day ma'am." Bati ng isang babae matapos kong makapasok. Magsasalita na sana ako ng may tumawag sa akin, agad akong napatingin dito, pero hindi nagpahalata ng ilang na ngiti.Pero mas lalong kinagulat ko ang pagsulpot ni Keir mula sa likod nito. Ghad! Mediyo kinabahan ako dahil sa seryosong mukha nito na akala mo ay susunduin na si Blake, anytime."H-hello." Naiilang kong bati. Lumingon pa ito sa paligid at mukhang natuwa pa nang hindi makita si Keir."Mukhang wala ang asungot." Nakangisi nitong saad at agad lumapit sa akin. Yayakap pa sana ito ng lumakad na ako palapit sa mga manikin.Pero saan dito ang sinasabi niya? Lahat naman ng nandito, mga normal na manikin. Pero hindi ko mapigilan ang ngumiti habang hawak ang mga wedding go