Katahimikan ang bumabalot sa loob ng apat na sulok ng kwartong ito. Titig ako sa sarili kong repleksyon sa salaming nasa harapan ko, seryoso akong nakatingin sa babaeng kaharap ko. Kailan ba ang huling araw na ganito ako tumitig sa sarili ko? Bihira ko lang tingnan ang sarili kong mukha sa salamin, mas madalas na damit ko lang ang tinitingnan ko.
Naiilang ako sa tuwing tinitingnan ko sa salamin ang sarili kong mga mata. Pakiramdam ko may mga ipinapaliwanag itong maski sarili ko ay hindi maintindihan.
"Ms. Quinn?" Agad kong naibaba ang suklay at umikot paharap sa pintuan, kumatok ito ng tatlong beses bago niya binuksan.
"May problema po ba ms. Mona?" Umiling lang ito sa tanong ko at pumasok sa loob.
"Ayos ka na po ba?" Tanong pa nito, marahan akong tumayo at lumapit sa kaniya.
"May mga gusto sana akong itanong sa inyo, matagal na po ba kayo rito? Gaano niyo po kakilala si Florence?" Huminto ako sa harap niya at tumango ito.
"Kasama ako sa mga namatay sa isang pagsasalu-salo noon. Hindi naman talaga ganito ang lugar na ito, pero simula nang maabandona ang lugar na ito, rito naisipan ng mga Grim reaper na manatili at dahil isa si sir Florence sa mga sundalo na nanindigan para sa lugar na ito. Siya ang napili na mamahala rito. Dito nila dinadala ang mga kaluluwa bago nila ihatid." Mahabang paliwanag nito.
"Paano po 'yong mga lost soul? Paano iyon?" Hindi ko pa rin kasi ma-gets hanggang ngayon ang sinabi sa akin ni Keir, tapos nakita ko na halos lahat ng Grim reaper na nandito sa hotel, pero wala talaga si Keir.
"Mga galang kaluluwa iyon na sumama sa mga taong namamasyal dito noon. Lahat ng pinatay rito ay naiwan at nanatili ang kaluluwa sa lugar na ito, pero kapag may taong dumadalaw at pinag-uusapan ang history ng lugar na ito. May isang kaluluwa ang dinidikit sa kanila at kapag umalis sila, sumusunod ito. Hindi lahat nahahanap ng mga Grim reaper, pero simula ng naghigpit si sir Florence. Wala ng nakakalabas ditong ibang kaluluwa."
Hindi ko alam kung nakakalito lang ang paliwanag niya o sad'yang humina maka-pick up ang utak ko, simula nang mahulog ako.
"May unfinished business pa po ba kayo kaya hindi pa kayo umaalis?" Ngumiti lang ito sa tanong ko.
"Hindi ako, kung hindi si sir Florence," sagot niya.
"Pero bakit kayo nadamay?"
"Dahil gusto namin. Gusto naming sabay-sabay kaming umalis, para sa pagkakataong iyon ay sabay-sabay kami na muling isilang, pero hanggat hindi pa namin nahahanap ang iba hindi pa kami maaaring umalis." Tumitig ako sa mga mata nitong walang buhay, pero bakit masigla ang ngiti niya? Gusto ko pa sanang magtanong, pero agad siyang tinawag ni Cora.
"Sige po, lalabas na lang ako mamaya." Ngumiti ako at saka siya tuluyang umalis.
Matapos nito ay muli kong isinara ang pinto, muli akong bumalik sa salamin at tiningnan ang white off shoulder kong dress, may burda pa ito ng lotus sa gitna. Umupo pa ako para ayusin ang pagkakalagay ko ng hairpin, mabuti na lang talaga at madali kong natanggal ang buhol ng buhok ko.
Bago ako tumayo ay muli kaming nagkatigigan ng sarili kong repleksyon, sana pwede kong itanong kung sino siya...o sino ba ako?
Maaliwalas na gabi, masarap ang simoy ng hangin maging ang mga bituin sa langit ay sobrang ganda. Napapikit pa ako habang nilalanghap ang sariwang hangin, bago lang ako rito pero ang pakiramdam na ito, parang matagal ko ng ginagawa.
Lumakad pa ako palabas at natanaw ang fountain na pinag-upuan ko noon. Gawa ito sa bato at may dalawang tao na parang nagsasayaw, ang nasa ibabaw at sa palagay ko sa kamay nilang nakataas lumalabas ang tubig. Mukha siyang wishing well noong sinaunang panahon.
Noong hindi ko pa nakikita na ganito kaganda ang hotel na ito, luma at puro lumot itong fountain at mga tuyong halaman ang nasa paligid, pero ngayon parang bagong lagay lang ito dahil sa ganda ng pagkakapintura, maging ang mga halaman na nakapaligid dito ay sobrang ganda.
"Pero bakit hindi nakabukas?" Bulong ko sa sarili, ang ganda-ganda nito tapos hindi nila binubuksan? Imposible naman nagtitipid sila ng tubig. May ganito sa bahay nila tita kaya alam kong may pinipindot lang dito para mabukasan.
"There you are." Tuwang-tuwa kong pinindot ito at nagulat pa ng biglang umilaw ang mga poste na nakapalibot dito, narinig ko pa ang tilamsik ng tubig na ngayon ay tuloy-tuloy ng umaagos. Napanganga pa ako dahil sa pamamangha sa ganda nito.
Ang sarap sa pakiramdam makakita ng ganito, kahit hindi ito ang first time ko, may kakaibang hatid sa akin ang tunog ng tubig at ang kinang nito sa pagtama ng mga ilaw.
Humakbang ako para mas lumapit dito, umupo ako sa gilid at isinawsaw ang isang kamay, dama ko ang lamig ng tubig. Bakit kasi pinapabayaan lang nila ang ganito kagandang lugar? Ang tahimik at ang sarap pang magtambay.
Habang winawagayway ko ang aking kamay sa tubig, napatigil ako ng may maramdaman akong nakalutang. Matatakot na sana ako ng makitang isang lotus flower lang pala ito. Mag-isa ako pero natawa pa ako sa naging reaction ko, mabuti na lang talaga at walang nakakita sa akin.
"Ang ganda naman nito." Agad ko itong kinuha gamit ang dalawa kong palad, ganito ang lotus flower na nasa picture, kulay black ito pero sobrang ganda niya. Inangat ko pa ito at tumama ang liwanag ng bilog na buwan at doon ko mas natanaw ang tunay na ganda nito. Napakagaan sa pakiramdam.
"Sinong nagsabi na pwedeng buksan ang fountain na ito?!" Agad akong napatingin sa nagsalita, hindi ko man siya nakikita ay alam ko kung kaninong boses iyon. Siya lang naman ang pagalit kung magsalita palagi.
Ayokong masira niya ang masaya kong moment, ngayon na nga lang ako nagkaroon ng katahimikan. Wala namang nagbawal na magpunta rito at isa pa sobrang gaan ng pakiramdam ko sa lugar na ito, kaya kahit magsungit siya hindi ako aalis dito.
"Quinn? Sin–"
"Tingnan mo ang lotus na ito, hindi ba ang ganda?" Kahit pa naiinis ako sa kaniya ay sinubukan kong maging nice. Nakita ko ang gulat sa mga mata nito at para siyang naging estatwa ng mga sandaling ipakita ko sa kaniya ang lotus na hawak ko.
Nakangiti akong tumayo at lumapit sa kaniya, wala siyang naging imik. Tutok ang mga mata nitong nakatitig sa mukha ko, kaya itinaas ko pa ang lotus at doon niya lang ito binigyan ng pansin.
"Ang ganda hindi ba?" Isinayaw ko pa ito sa harap namin at parang batang nilalaro ito, pero napatigil ako ng magtama ang aming mga mata. Nanginginig ang mga mata nito at halata ang gulat. Ang OA naman nito, first time niya lang ba makakita ng lotus? O baka naman nagagandahan na siya sa akin?
"I-ikaw? Sino ka?" Napaatras pa ito matapos niyang magtanong. Kunot noo ko siyang tiningnan, anong sinasabi nito? Kanina lang tinawag niya ang pangalan ko.
"Si Quinn, ano bang nangyayari sa 'yo?" Lumapit ako pero umatras siya. Nakakatakot na ba ang mukha ko ngayon? Anong nangyayari sa kaniya?
"Imposible, pero paanong mangyayari iyon?" Patuloy ang malikot niyang mga mata na nakatitig sa mukha ko.
"Ano–hoy! Saan ka pupunta?" Ano ba iyon? Ang lakas naman ng tama ng taong iyon, bigla-biglang umaalis? Daig pa ang babae, dapat ako ang nagwalk-out at hindi siya. Iba na nga ata talaga kapag naging multo nag-iiba na rin ang mood wings. Ibang klase pala mga lalaking multo, daig pa ang babae.
Napakibit-balikat na lang ako at bumalik sa fountain para ibalik ang lotus. Lalabas nga pala ako ngayon, siguro naman sa labas makikita ko na si Keir na kamukha ni Florence. Oo nga pala, hindi ko naitanong kay Cora or kay Mona kung bakit magkamukha si Grim reaper ng mga lost soul at si Florence. Hindi bale si Keir na lang ang tatanungin ko.
Hindi pa siguro ngayon ang tamang oras para mainis si Florence, maganda pa ang mood ko dahil sa lotus na iyon at sa ganda ng paligid. Nasabi na sa akin ni Cora ang mga hindi ko dapat gawin kapag kasama ko si sir Florence at dahil gusto ko siyang mainis, lahat ng ayaw niya gagawin ko.
Sumasayaw pa ako habang lumalakad palabas. Kahit anong oras sa pagitan ng alas-tres ng hapon at alas-tres ng madaling araw pwedeng lumabas o pumasok sa loob dahil kapag lumagpas sa oras, normal na ityura ng lumang hotel lang ang makikita ko.
Madaling araw na pero gusto kong lumabas alam ko andito si Keir at hindi nga ako nagkamali. Kalalabas ko pa lang ay pumarada na agad sa harapan ko ang sasakyan niya.
"Mukha atang masayang masaya ka na makita ako?" Nakangiti nitong tanong. Tumitig pa ako sa mukha niya, si Florence talaga ang nakikita ko pero sa pananalita magkaiba sila. Kambal kaya silang dalawa?
"As if naman, baka nga magsawa ako sa mukha mo." Natawa lang siya sa sinabi ko bago pumasok sa sasakyan niya.
"So, saan tayo?" Tanong ko pa sa kaniya.
"Tingin mo saan ba madalas magpunta ang mga tao matapos nilang magpunta sa Diplomat hotel?" Napaisip pa tuloy ako sa tanong niya, malay ko ba kasi kung saan pa gumagala ang mga taong nagpupunta roon.
"Sa unang lugar na pinupuntahan nila matapos sumunod ang kaluluwa, doon naiiwan ang mga ligaw na kaluluwa." Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari sa akin, nalilito ako sa lahat.
"Ibig sabihin kapag nagpunta ka ng mga haunted na lugar at may sumunod sa 'yo na multo, maiiwan iyon sa unang lugar na pupuntahan mo? Paano kung sa 7/11 or Jollibee ka pupunta?" Napatulis pa ang nguso nito habang nagmamaneho.
"Oo, sa kahit saang unang puntahan nila at sa lugar naman na iyon, may susundan na isa pang tao galing doon. kaya nagiging pagala-gala talaga sila at dahil doon hirap kaming mahanap sila," paliwanag nito.
Ibig sabihin sa kahit saang lugar na may naiwang multo may susunod talaga sa 'yo? Ang ibig sabihin lahat posibleng sundan ng multo? Kahit nasa mall, 7/11 or Jollibee ka pa? Creepy!
"Paano kapag pumunta ng ibang bansa ang mga kaluluwang ligaw?" Natawa naman siya sa tanong ko.
"Sa mga napapanood mo may nakita ka na bang multo na taga-ibang bansa?" Natatawang tanong nito. Napatameme naman ako, oo nga no? Wala pa akong Nakita na multo galing sa ibang bansa.
"Marami naman kayong Grim reaper, hindi ba?" Pag-iba ko sa usapan, baka mapahiya pa ako kapag dinagdagan ko pa.
"Marami kami pero iba-iba kami ng ginagawa, may Grim reaper para sa mga bata, may Grim reaper na para sa mga namamatay sa sakit, may mga Grim reaper para sa mga kaluluwang naghihiganti, may Grim reaper para sa mga naaksidente at may mga Grim reaper na para sa mga naliligaw na kaluluwa, at ako ang sa part na iyon."
Napauwang ang bibig ko matapos niya itong sabihin. Ibig pa lang sabihin may kaniya-kaniya silang gawain? Hindi iyon kung sino lang ang unang makakakita ng kaluluwa? Bakit hindi iyon sinabi sa mga napapanood kong horror or sa mga k-drama na may bidang Grim reaper?
"Oo nga pala bakit wala ka sa hotel? Bawal ka ba roon?" Ngayon na ako nakakakuha ng tyempo para alamin ang dahilan.
"Tingin mo saan tayo unang maghahanap? Ikaw ang tao sa atin." Mabilis na sagot nito. Eh? Bakit ayaw niyang sagutin ang tanong ko.
"Kambal mo ba si Florence?"
"Sa kainan kaya? Kayo? Kung hindi ka dinala sa hospital saan kayo dapat pupunta?" Napatikom na lang ako sa sinabi niya. Malamang ayaw niyang sagutin ang tanong ko, baka kambal sila pero magkaaway?
"Pero bakit hindi ka masungit? Sa mga napapanood ko ang sungit ng mga Grim reaper?" Kung kanina ay seryoso ang mukha niya, ngayon naman, tawa na nang tawa.
"Bakit nakakita na ba sila ng Grim reaper, kaya nasabi nila na masungit kami? Siguro sa mga pasaway na kaluluwa pwede pa." Muli akong napatango sa sagot niya. Sabagay, may point nga siya, kaya ang akala ng lahat masungit sila. Pero nakakatakot nga naman makakita ng Grim reaper.
"Matagal ka na ba rito? Ano ka noong dati mong buhay?" Tutal sumasagot naman siya sa mga tanong, susulitin ko na ang interview na ito.
"Wala na akong maalala. Kapag umabot ka ng 40 days at nasa lupa pa ang kaluluwa mo, tuluyan ng mawawala ang lahat ng alaala mo. Kaya hindi ko alam kung sino ba ako dati, ang naaalala ko lang ngayon, kung ano ang mga ginagawa ko simula nang gawin akong Grim reaper."
"Aahhh...gano'n pala iyon? Kaya pala hindi na nakabalik ang mga kaluluwa sa hotel?" Ibig sabihin kaya pala naging pakalat-kalat na sila rito sa lupa, wala na silang maalala.
"Marami ka pa bang tanong?"
Napakagat na lang ako sa lower lip ko dahil sa hiya, akala ko hindi niya napansin. Pero may isa pa akong gustong itanong, last na ito promise.
"Last na." Ngumiti pa ako sa kaniya at napailing na lang ito. Mabuti na lang at si Keir ang kausap ko at hindi si Florence.
"Anong malaking kasalanan mo noon at ginawa kang Grim reaper?" Naramdaman ko ang pagbagal niya sa pagmamaneho, matapos ko itong itanong. Sandaling binalot kami ng katahimikan dahil sa tanong na iyon.
"Katulad ng sinabi ko, wala akong maalala sa dati kong naging buhay kaya hindi ko alam kung bakit." Dahil sa pagkailang sa sagot niya, bumaling ako ng tingin sa labas. Madaling araw na at may kaunting liwanag na rin ang sumisilay sa langit.
"Sa palagay ko meroon sa Burnham park." Matapos kong sabihin ito ay humarap ako sa kaniya.
"Kung gano'n, doon tayo pupunta." Muli kong nasilayan ang maganda nitong ngiti at ang kaniyang dimple.
Muli akong humarap sa bintana para tingnan ang paligid. Nakikita kaya ng mga tao ang sasakyan na ito? Pero pakiramdam ko nakikita nila, kasi minsan may sasakyang lumalagpas sa linya para unahan kami. Ang galing ano? Akala ng mga tao na normal na sasakyan lang ito, pero hindi nila alam na tagasundo na pala ito.
Pero ano nga kaya ang dahilan kung bakit magkamukha si Keir at Florence? Kambal ba talaga sila at ang isa ay masungit, pilyo at palabiro naman ang isa? Isa pa, curious talaga ako kung ano ang buhay ni Keir noon at ginawa siyang Grim reaper. Siguro masama siyang tao noon o may ginawang mabigat na kasalanan, at ngayon binigyan siya ng mission.
Ang dami ko pang gustong malaman pero alam ko, hindi nila sasagutin ang iba sa tanong ko. Dapat ako mismo ang makahula nito. Sows! Hindi lang paghahanap ng galang kaluluwa ang dapat ko hanapin, pati ang sagot sa tanong ng curious kong utak.
Matapos niyang mag-park ng sasakyan, agad kaming nagtungo roon. Wala pa naman gaanong tao dahil masyado pang maaga. Mga mag-jowa lang na naglalampungan at naggagala sa paligid. Well, nagmukha na rin kaming mag-jowa dahil sa paglalakad."Paano ka nakikita ng mga tao?" Tanong ko sa kaniya matapos ilagay ang mga kamay ko sa likuran."Kaya naman namin mamuhay na parang normal na tao, nakikipag-usap din kami sa mga tao ng hindi nila malalaman kung ano kami," sagot naman nito."Bakit sa mga napapanood ko parang walang alam sa mga bagay sa paligid ang mga Grim reaper?" Ito na naman ang tanong ko sa kaniya, patungkol sa mga napapanood ko."Nakakilala na ba sila ng Grim reaper?" Ito na nga ba ang sagot na inaasahan ko. Bakit nga ba kasi tanong ako nang tanong tungkol sa napapanood ko?"Sige magtanong ka pa, para isahan na lang." Natatawang saad nito. Med'yo nahiya naman ako, pero dahil sinabi niya, kaya magt
Mahaba ang naging byahe, puro gasgas pa rin ako at walang kahit anong dala kung hindi ang sarili ko, na puro gasgas at maduming damit. Maliban sa pera at cellphone ko wala na akong nabitbit na gamit.Tumawag ako kila mama pero walang sumasagot, malamang tulog na sila kaya kay Finley ako tumawag. Alam kong umaga na kung matulog ang babaeng 'yon, kaya nasagot niya ang tawag ko. Sa boarding house nila sa Manila, ako tutuloy ngayon para magpahinga. Nagpahanda rin ako ng mga gamot para rito sa mga sugat ko. Paidlip-idlip ang tulog ko dahil sa pagod, so far wala naman akong nakasalamuhang multo sa bus na sinasakyan ko. Walang bata na humahawak sa paa. Sana tuloy-tuloy na ganito, normal lang.Agad akong sinalubong ni Finley nang makarating ako sa boarding house nila."Ano bang nangyari sa 'yo?" Pagtatakang salubong nito sa akin."Isang karumaldumal na pangyayari at ayoko na munang pag-us
Tirik ang araw na sumisilip sa bintana. Dalawa kami ni Chelsea na nakaupo sa kama, habang si grim reaper ay nakatayo sa harapan namin. Para siyang tatay na nangangaral sa aming magkapatid."Ibig sabihin wala rin akong pagpipilian?" Laglag balikat na saad ni Chelsea. Wala akong imik mula kanina, dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya ang lahat. Naaawa ako sa kaniya, kaya si Keir na lang ang nagpaliwanag ng lahat, tutal siya naman talaga dapat."Kaya hanggat hindi pa namin nahahanap ang kaluluwa mo, sa diplomat hotel ka muna mananatili at bawal kang lumabas," paliwanag ni Keir."Teka, paano kaya kung sumama ako sa inyo? Ikaw ate Quinn, hindi ba buhay ka naman? Edi tutulong ako sa inyo, habang hindi pa natin nahahanap ang kaluluwa ko." Gulat akong napatingin sa kaniya, tumingin din ako kay Grim reaper na kung tumingin sa akin, akala mo ako ang dapat magdesisiyon dito."Ano ate? Pwede ba? Sige na, hindi a
"Andito na tayo." Masayang saad ko at agad na lumabas. Sumunod na rin si Chelsea at nagtaka pa noong umalis na si Keir."Bakit hindi siya sumama?" Tanong nito."Hindi ko rin alam d'yan." Tamad kong sagot at pumasok na sa loob.Si manong Roly ang unang bumungad sa amin. Pagbukas ng pinto napatingin pa sa amin si Cora at ate Mona, napatigil din sila sa kani-kanilang ginagawa at agad lumapit sa amin."Ang akala ko hindi ka na babalik," si ate Mona."Hindi na nga sana, kaso." Sabay turo ko kay Chelsea."Hello po." Naiilang na bati nito. Pinakilala ko sa kaniya isa-isa ang mga narito. Pinaliwanag ko rin kung ano ang lugar na ito at kung anong klaseng boss ang mero'n dito. Lahat na ng kasiraan sa puri ni Florence, sinabi ko na."Anong kaguluhan 'yan?" Napatigil kaming lahat matapos itong marinig, napairap pa ako ng marinig ang boses na iyon. Humawi sila ate Mo
"Mukang masaya ka, ah." Pang-aasar nito. Hindi ako makapagsalita dahil sa pagdarasal. Siguro kahit suicidal person talagang gugustuhin pang mabuhay, dahil sa klase ng pagmamaneho ng Grim reaper na ito. Malamang hindi siya takot mamatay, matagal na kasi siyang patay.Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon, ang alam ko lang ay patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. Wala na akong ibang naiisip, wala ng mission o maging si Chelsea, ang naiisip ko na lang ngayon ay ang buhay ko.Ganito siguro kapag malapit na mamatay ano? Bumabalik lahat ng alaala mo sa buhay. Lahat ng mga nangyari sa 'yo noong bata ka pa. Ito na ba iyon Lord? Kukunin mo na ba ako?"Hindi ka pa ba bibitaw?" Natatawang tanong nito. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nakahinto na pala kami ngayon, ilang sandali pa bago muling bumalik ang ulirat ko at agad akong kumawala ng yakap sa kaniya."Buhay pa ba ako?" Tanong ko habang tinatanggal ang helme
"Nakita ko na." Agad akong napatingin kay Keir at itinuro ang shop, dahil mahina ang pag-andar ng kalesa ay hindi kami dinala sa kalayuan, agad namin itong pinahinto.Matapos ko magbayad ay agad kaming nagtungo rito. Bitbit ko ang palda ko para lang mabilis magtungo roon, agad siyang napatigil ng makapasok kami. Tumayo ito at lumapit.Magada siya, maging ang kutis nito kahit pa man may bahid ng pintura ang katawan at damit, hindi ko maikakaila ang ganda nito. Tumagos ang tingin ko sa lalaking kaluluwa na nakasunod sa kaniya.Halata sa mukha nito ang katagalan na. Bitak-bitak na ang tuyong labi nito. Kulay violet ang kulay ng balat at maging ang mga itim na ugat sa kaniyang mukha. Parang pagod na pagod itong nakasunod sa babae, malamang sad'yang dugtong ang kanilang kaluluwa at ganoon na lang ang pagmamahalan nila, kaya maging kamatayan ayaw pa siyang pakawalan."Anong kailangan niyo?" Mahinahong tanong n
Matapos naming masundo si Chelsea ay tumambay muna kami sa Jollibee, hindi pa raw kasi siya lumalabas. Natatakot siya sa maaaring mangyari."Gutom na gutom ka talaga," saad ni Keir habang kaharap namin ito. Kumain na rin ako dahil mamaya ay wala akong pagkain sa hotel, magpapasama na rin ako mamaya bumili sa grocery para kung mag-stay man ako sa hotel, hindi ako magugutom. Hindi naman kasi kumakain ang mga ando'n, isa pa wala naman pakialam sa akin ang may-ari, kaya wala siyang pakialam kung magutom ako."Hindi na muna sigiro ako titira doon ate, sa tinutuyan ko munang hotel ako mag-stay. Hindi ako lalabas ng kwarto ko, ayaw na po kasi akong pabalikin doon ni sir Florence. Noong pagkalabas mo ang dami niyang sinabi na masasakit sa akin." Napatigil ako sa pagkain para hagurin ang likod nito."Wala talagang puso ang tao–demonyong multo na iyon," saad ko pa rito. Wala naman kasing ibang iniisip iyon kung hindi ang sarili niya at si Val
"Saan naman kumuha ng kapal ng mukha si Blake at nagawa ka pa niyang kusapin?" Sagot ni ate Jade mula sa kabilang linya."True, ang kapal ng mukha niya matapos umalis ng walang paalam?" Gigil na saad ni Finley.Magkaka-video call kami sa GC ngayon at silang tatlo ang kausap ko. Si ate Jade, Finley at kuya Denis."Wag mong sabihin na naging marupok ka sa kaniya?" Tanong ni kuya Denis na ikinatawa ko."Hindi no, naka-move on na po ako," sagot ko at dumapa."Siguraduhin mo lang, o baka naman may iba ng nagpapasaya? Kaya ganiyan kaaliwalas ang mukha mo?" Intriga ni kuya Denis na ginatungan pa ng dalawa."Kaya nga, sino naman ang lalaking kasama mo sa painting? Nakita ko sa story mo." Napatikom pa ako ng bibig sa tanong ni Finley. Kahit talaga kailan maintriga ang babaeng ito."Friend?" Sabay tawa ko."Friend? Tapos binigyan ka ng locket? Friend mo lalen