"The Dominican Hill Retreat House was built in 1913 atop a hill in the famed Philippine City of Pines." Panimula ng tour guide namin dito sa Dominican hotel sa Baguio.
"The Japanese secret police, the Kempeitai, committed terrible acts of brutality, massacring, raping, and torturing many of the inhabitants, and even decapitating nuns and priests," dugtong pa nito habang patuloy kaming naglalakad sa isang lumang hotel na ito. Ang ilan sa mga pinsan ko ay kumukuha ng litrato at ang ilan naman ay kumukuha ng video habang kapit-kapit sila na animo'y mga takot talaga.
Patuloy kong iginagala ang paningin sa paligid. Kung matatakutin siguro akong tao masasabi kong ang creepy ng lugar na ito, dahil sa sobrang luma na at may ilang bitak sa pader.
Family reunion namin at naisipan nilang sa Baguio kami mag-stay. Pangalawang araw na namin ngayon at naisipan ng mga magagaling kong pinsan na rito magpunta habang ang mga matatanda ay nagpa-iwan sa hotel. Dominican hotel was one of the top 10 historical and hunted places in the Philippines, dahil gusto nilang takutin ang sarili nila ay nagpunta kami rito.
Pero ako? Wala naman akong nakikitang nakakatakot sa lugar na ito, para sa akin isa lang itong pangit at lumang lugar na pinabayaan na ng mga tao. Hindi ko alam kung bakit gano'n matakot ang mga pinsan ko kapag pinag-uusapan nila ang lugar na ito.
"Palagi niyo lang tatandaan na kung ano man ang makikita at maririnig ninyo sa kahit saan lugar na katulad nito, ay 'wag ninyong papansinin o babatiin. Maraming ligaw na kaluluwa ang namamalagi sa mga lugar na katulad nito, kaya manatili kayo na sama-sama." Napairap ako sa sinabi niya. Duh! As if naman may makita kaming kakaiba rito maliban sa lumang pader na akala mo binalot na ng lumot.
"Quinn, hindi ka ba talaga natatakot? Tingnan mo, nagtatayuan na mga balahibo namin." Bulong sa akin ni Finley, habang ipinapakita ang braso niya.
"Sa totoo lang inaantok na ako." Tamad kong sagot dito at humikab. Ang boring naman kasi ng gusto nilang gawin, sana nag-stay na lang din ako sa hotel at nanood, kaysa rito napapagod lang ako sumunod sa kanila.
Ginulo ko ang buhok ko habang tamad na nakatingin sa harapan, hindi ko na alam ang iba pang sinasabi ng tour guide basta gusto ko na lang umuwi.
Bumagal ako ng lakad hanggang sa huminto ako at sila ay lumiko na. Dahil sa abala silang lahat ay hindi nila napansing hindi na ako nakasunod sa kanila. Hindi ko napigil ang sarili kong matawa habang pabalik sa dinaanan namin kanina. Alas-tres pa lang ng hapon kung kaya't maliwag pa ang daan, naaalala ko pa naman kung saan ang dinaanan namin kanina kaya nagmadali na ako.
I don't believe in ghost, kaya hindi ako takot mag-isa na lumakad sa lugar na ito, ang mga pinsan ko lang naman ang mahilig takutin ang sarili nila sa mga bagay na hindi pa naman nila nakikita. Paminsan nag-uusap pa sila ng mga tungkol sa multo tapos matatakot, ewan ko ba sa kanila. Lalakas ng sapak sa utak.
"Nasaan na ba ako?" Bulong ko sa sarili ng hindi ko na alam kung saan na ba ako napunta. Hindi ko naman akalain na ganito pala ito kalaki, ang daming likuan at lagusan papunta sa kung saang bahagi.
Dahil lumang-luma na ang pader pakiramdam ko paikot-ikot at pabalik-balik na lang ako rito. Dahil sa pagod ko kakahanap ng daan palabas ay sa bintana na lang ako dumaan, para mapunta sa isang lumang fountain at doon umupo. Gusto ko sanang tawagan sila Finley, ang problema hawak nila maging ang cellphone ko at ginamit pangkuha ng mga litrato.
Napabuntong hininga pa ako at napayuko para sana mag-isip ng pwede kong gawin. Hindi ko rin mahanap ang mga pinsan ko, malamang nasa ibang parte na sila ng lugar na ito.
Muli akong tumayo, paalis na sana ako ng pamansin ang isang kulay ginto na nakalapag sa Fountain. Lumingon pa ako sa paligid kahit alam ko naman na walang tao bago ako yumuko para tingnan itong mabuti.
Kumikinang pa ito sa tama ng araw kaya binalak ko itong kuhanin nang bigla akong nakarinig ng ingay mula sa loob. Agad akong napatingin doon at napansin ang isang babae na nakaputing dress na tumatakbo.
"Sandali!" Pigil ko rito at hinabol siya, nakita ko ang pag-akyat nito kaya agad akong sumunod. Baka sakaling alam niya palabas dito o kahit sa mga kasama ko na lang.
Dahil sa kalumaan ng lugar na ito, maging ang hagdan ay bitak-bitak na rin kung kaya't nahirapan talaga akong makaakyat, narinig ko rin kanina na bawal daw umakyat dahil may tendency na bumigay ang mga bato dahil sa rupok at kalumaan ng hotel na ito.
"Ate?" Tawag ko sa babae habang sinisipat ang bawat pader dito. Maging ang mga pader ay may bitak na rin at parang konting push na lang ay bibigay na ito.
Dahan-dahan akong lumakad para hanapin ang babaeng ito.
"And'yan ka lang pala." Natuwa pa ako ng makita siyang nakatalikod sa akin at nakatanaw sa bintana. Kulay puti ang damit nito na may kalumaan na, baka isa siya sa nagbabantay sa lugar na ito at sa sobrang alikabok nadumihan na ang damit niya.
"Ate alam mo ba kung saan ang daan palabas?" Mahinahong tanong ko rito nang napahinto ako sa likuran niya. Hindi siya lumingon sa akin o nagsalita manlang, itinuro niya lang ang kamay niya sa bandang kaliwa, lumingon pa ako roon at ibinalik ang tingin sa kaniya na nasa malayo pa rin ang tanaw. Malamang kung matatakutin ako iisipin ko na multo siya kaya ayaw niyang ipakita ang mukha niya, pero mukhang hindi naman baka nahihiya lang siya sa akin.
"S-salamat," saad ko rito at yumuko pa ng kaunti. Palakad na sana ako ng mapansin ko ang kuko niya, nakaturo pa rin kasi ito kaya tanaw ko ang nangingitim na kuko nito at ang maputlang balat. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan, hindi ko na lang pinansin ang nararamdaman ko at lumakad na patungo sa tinuro niya.
Luminga-linga pa ako para maghanap ng daan pababa pero puro bintana lamang ang narito. Wala ng takip ang bintana kaya malalaking butas ang makikita, dumungaw pa ako sa ibaba at lumingon sa kanina niyang kinatatayuan, pero wala na siya. Aalis rin naman pala hindi pa ako sinama.
Napapikit ako at kumawala ng isang malalim na paghinga, kasabay ng pag-ikot ko ang pagdilat ng mga mata ko, pero agad akong napasigaw at muling napapikit sa nasilayan ko.
Mabilis ang tibok ng puso ko at maging ang tuhod ko ay nanginginig. Napaatras ako sa sobrang gulat, dahilan ng pagbagsak ko paibaba. Agad akong namilipit sa sakit dulot ng pagkakahulog ko, rinig ko pa ang ingay na dulot nito.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko ngunit nanlalabo ito. Isang napakaliwag na paligid ang bumungad sa akin kahit pa man hindi malinaw ang nakikita ko, ay pakiramdam ko nasa isang mamahaling hotel ako.
Nag-umpisa ang ingay sa paligid, mga usapan ng iba't ibang tao, paghila ng bagahe, paglalakad at tawanan. Dahil sa hilo ay muli akong napapikit, nais kong humingi ng tulong pero hindi kayang bumuka ng bibig ko, hindi ko rin maigalaw ang katawan ko.
"Buhay pa ba siya?" Rinig kong tanong ng isang babae at sa palagay ko ay may katandaan na ito.
"Sa palagay ko, hindi naman ganoon kataas ang pinaghulugan–aray! Bakit ba?" Reklamo ng isang matandang lalaki.
"Ipatawag mo na agad si Cora, malalagot tayo kay sir Florence kapag siya pa ang nakakita d'yan," utos ng babae at rinig ko pa ang yapak nila paalis.
Muli kong idinilat ang mga mata ko at sa puntong ito ay may ilan na akong naaninag sa paligid. Umiikot man ang paningin ay labis ang pamamangha ko sa ganda ng lugar na ito, pakiramdam ko ay nasa isang five-star hotel ako dahil sa ganda ng paligid.
Nais ko pa mang pagmasdan at alalahanin ang mga nakikita ko, pero hindi na kinakaya ng mga mata ko, pilit kong dilat ay pilit na pagbagsak ng talukap ko.
Nais ko pang labanan ngunit tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, malabo pa ito noong una ngunit luminaw din di kalaunan. Maliwanag ang buong paligid dahil sa kulay puting kisame at puting pader, familiar sa akin ang amoy ng paligid. Nasa hospital nga ako."G-gising na siya!" Rinig kong sigaw ni Finley at muli akong napapikit, narinig ko pa ang pagkakagulo ng mga narito."Quinn, ayos ka na ba?" Muli akong dumilat at tumingin kay mama na umiiyak habang nasa likuran niya si papa, hinahagod pa ang likod nito. Hindi ko magawang magsalita kung kaya't napatango na lang ako sa tanong na iyon. Tiningnan ko ang mga nasa kwarto, ang ilan sa mga tita ko at pinsan ko ang narito."Ilang araw akong walang malay?" Panghihina kong tanong sa kanila."Dalawang araw." Mabilis na sagot ni tita Dian. Tumango akong muli at ibinaling ang tingin sa bandang pinto, may isang lalaki kasing nakatayo roon.Nakasuot ito ng kulay itim na leather
Hapon na ng makalabas ako sa hospital at deretsyo kami sa hotel. Dahil maayos naman na ako pwede na ulit kami magbyahe pabalik ng Manila, bukas ng hapon."Sigurado ka bang hindi ka sasama sa Burnham park ngayon?" Tanong ni mama habang nagsusuklay."Hindi na po muna, gusto ko sanang dito na lang muna," sagot ko pa at dumungaw sa bintana. Hanggang ngayon nababagabag pa rin ang isipan ko sa lalaking iyon, at sa nakita ko.May kinalaman kaya ito sa pagkakahulog ko? Tapos nagbukas ang third eye ko? Pero hindi naman talaga ako naniniwala sa mga ganiyan, baka nga nasobrahan lang ang pagkakabagok ko kaya kung anu-ano na lang iniisip ko."Ma, naniniwala po ba kayo sa multo? Sa third eye?" Tanong ko at ibinaling ang tingin kay mama na napahinto pa sa pagsusuklay."Sabi nila totoo raw, bakit mo naman naitanong?" Umayos pa ng upo si mama para humarap sa akin."Wala naman po." Lumaka
Tanghali na ng makarating kami ng Manila. Mahaba rin ang naging byahe at kahit pa nakatulog ako sa buong byahe ay talagang pagod ang katawan ko."Haaay!"Napapikit ako sa sarap, dahil sa wakas ay lumapat na rin ang katawan ko sa malambot na kama.Nagpagulong-gulong pa ako sa kama dahil sa sobrang tuwa, sana naiwan na sa Baguio ang mga kababalaghan na nangyari sa akin. Tama na, iisipin ko na lang na panaginip lang ang mga pangyari na iyon.Huminto ako sa paggulong at muling tumiyaha, nakabuka pa ang mga kamay ko para sakop talaga ang higaan. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang dumilat, mabilis nawala ang ngiti ko kasabay ng pagkunot ko ng noo."Hi!" Sibay ngiti nito. Ilang sandali pang nag-loading ang utak at agad napatayo, dahilan ng pagtama ng mga noo namin."Aray..." Rinig ko pang angal nito, maging ako ay napahawak sa noo ko."Bakit ka ba big
Nakaupo ako at nakaharap sa kaniya, habang binabasa ang mga nakasulat sa contract, pero wala akong maintindihan dahil patuloy ang sulyap ko sa kaniya. Kamukha niya talaga si Keir, maging ayos ng buhok, pointed nose, kahit pa ang kulay abo nitong mga mata, ang problema lang ay matalim ang tingin nito na akala mo ay galit sa mundo."Kung titingnan mo lang ako hindi ka na matatapos d'yan," saad nito habang pinapaikot sa kaniyang palad ang ballpen. Umayos ako ng upo at muling tumingin sa papel."Hin–""Just sign it, hindi ko kailangan ng reklamo."Umirap pa ako at padabog na ibinaba ang papel. Tumingin pa ako ng masama sa kaniya at inagaw ang ballpen na kanina pa niya nilalaro. Nakipag-agawan pa siya at nakipagpalitan ng masamang tingin, pero ako pa rin ang nanalo."Bibitawan rin pala." Bulong ko sa sarili at napangisi."May sinasabi ka?" Tanong nito at dinig ko ang paglapit
Katahimikan ang bumabalot sa loob ng apat na sulok ng kwartong ito. Titig ako sa sarili kong repleksyon sa salaming nasa harapan ko, seryoso akong nakatingin sa babaeng kaharap ko. Kailan ba ang huling araw na ganito ako tumitig sa sarili ko? Bihira ko lang tingnan ang sarili kong mukha sa salamin, mas madalas na damit ko lang ang tinitingnan ko.Naiilang ako sa tuwing tinitingnan ko sa salamin ang sarili kong mga mata. Pakiramdam ko may mga ipinapaliwanag itong maski sarili ko ay hindi maintindihan."Ms. Quinn?" Agad kong naibaba ang suklay at umikot paharap sa pintuan, kumatok ito ng tatlong beses bago niya binuksan."May problema po ba ms. Mona?" Umiling lang ito sa tanong ko at pumasok sa loob."Ayos ka na po ba?" Tanong pa nito, marahan akong tumayo at lumapit sa kaniya."May mga gusto sana akong itanong sa inyo, matagal na po ba kayo rito? Gaano niyo po kakilala s
Matapos niyang mag-park ng sasakyan, agad kaming nagtungo roon. Wala pa naman gaanong tao dahil masyado pang maaga. Mga mag-jowa lang na naglalampungan at naggagala sa paligid. Well, nagmukha na rin kaming mag-jowa dahil sa paglalakad."Paano ka nakikita ng mga tao?" Tanong ko sa kaniya matapos ilagay ang mga kamay ko sa likuran."Kaya naman namin mamuhay na parang normal na tao, nakikipag-usap din kami sa mga tao ng hindi nila malalaman kung ano kami," sagot naman nito."Bakit sa mga napapanood ko parang walang alam sa mga bagay sa paligid ang mga Grim reaper?" Ito na naman ang tanong ko sa kaniya, patungkol sa mga napapanood ko."Nakakilala na ba sila ng Grim reaper?" Ito na nga ba ang sagot na inaasahan ko. Bakit nga ba kasi tanong ako nang tanong tungkol sa napapanood ko?"Sige magtanong ka pa, para isahan na lang." Natatawang saad nito. Med'yo nahiya naman ako, pero dahil sinabi niya, kaya magt
Mahaba ang naging byahe, puro gasgas pa rin ako at walang kahit anong dala kung hindi ang sarili ko, na puro gasgas at maduming damit. Maliban sa pera at cellphone ko wala na akong nabitbit na gamit.Tumawag ako kila mama pero walang sumasagot, malamang tulog na sila kaya kay Finley ako tumawag. Alam kong umaga na kung matulog ang babaeng 'yon, kaya nasagot niya ang tawag ko. Sa boarding house nila sa Manila, ako tutuloy ngayon para magpahinga. Nagpahanda rin ako ng mga gamot para rito sa mga sugat ko. Paidlip-idlip ang tulog ko dahil sa pagod, so far wala naman akong nakasalamuhang multo sa bus na sinasakyan ko. Walang bata na humahawak sa paa. Sana tuloy-tuloy na ganito, normal lang.Agad akong sinalubong ni Finley nang makarating ako sa boarding house nila."Ano bang nangyari sa 'yo?" Pagtatakang salubong nito sa akin."Isang karumaldumal na pangyayari at ayoko na munang pag-us
Tirik ang araw na sumisilip sa bintana. Dalawa kami ni Chelsea na nakaupo sa kama, habang si grim reaper ay nakatayo sa harapan namin. Para siyang tatay na nangangaral sa aming magkapatid."Ibig sabihin wala rin akong pagpipilian?" Laglag balikat na saad ni Chelsea. Wala akong imik mula kanina, dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya ang lahat. Naaawa ako sa kaniya, kaya si Keir na lang ang nagpaliwanag ng lahat, tutal siya naman talaga dapat."Kaya hanggat hindi pa namin nahahanap ang kaluluwa mo, sa diplomat hotel ka muna mananatili at bawal kang lumabas," paliwanag ni Keir."Teka, paano kaya kung sumama ako sa inyo? Ikaw ate Quinn, hindi ba buhay ka naman? Edi tutulong ako sa inyo, habang hindi pa natin nahahanap ang kaluluwa ko." Gulat akong napatingin sa kaniya, tumingin din ako kay Grim reaper na kung tumingin sa akin, akala mo ako ang dapat magdesisiyon dito."Ano ate? Pwede ba? Sige na, hindi a