Share

KABANATA 3

JANIYA'S P.O.V

GAYA NG HULA NI MAMAY, UMULAN NGA NG ARAW NA IYON.

Buong araw kaming nasa loob lang ng bahay pero hindi na kami nagkita ulit maliban no'ng kumain kami ng tanghalian. Pakiramdam ko tuloy, iniiwasan niya ako. Pero bakit?

Nakapagwalis-walis na rin ako sa baba kanina at hinugasan ang iilang kasangkapan na naiwan sa lababo; pero hindi pa rin kami nagkita ni Mamay.

Hanggang sa bumalik na lang ako sa kwarto para magpahinga. Kanina, inasahan ko pang tatawagin niya ako nang mag-alas tres ng hapon para sa merienda. Pero kahit iyon ay hindi rin nangyari.

What if umalis siya pagkakain ng tanghalian kanina at hindi na nagpaalam sa akin? What if ako lang mag-isa rito ngayon?

Napalunok ako. Huwag naman sana…

Napapitlag ako at muntik pang mapasigaw nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto.

"Niya?” rinig kong tawag sa pangalan ko. Boses iyon ni Mamay.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa pinto ng kwarto at pinagbuksan si Mamay.

"Nag-merienda ka na ba? Nagluto ako ng nilagang saging na saba. Pasensiya ka na, nakatulog ako pagkatapos nating kumain kanina at kagigising ko lang,” sabi niya.

"Ah, hindi ka naman pala iniiwasan, Niya. Praning ka lang talaga,” sumbat ng utak ko.

Napansin ko agad ang kulay green na telang nakabalabal sa leeg niya hanggang sa balikat.

"May… sakit po kayo?” bahagyang nag-aalangan na tanong ko.

Tumawa siya ng pagak.

"Hindi, wala. Medyo nilalamig lang ako. Ano, nag-merienda ka na ba?” Umiling ako. "Halika na. Masarap kumain ng nilagang saba kapag mainit pa.”

Magkasama na kaming bumaba at tumungo sa kusina. Pinaupo niya ako agad at siya na ang naghanda ng mga kakainin namin.

"Siya nga pala, ikaw din ba ang naghugas ng mga naiwan kong hugasin kanina?” tanong niya habang nagsasalin ng parang tsaa sa tasa.

Tumango naman ako bilang sagot.

"Pasensiya ka na ulit. Sabi ko kanina, babalikan ko iyon pagkakuha ko ng balabal. Kaso, hindi ko na nakayanan at nakatulog na ako,” aniya bago umupo sa upuan na nasa harapan ko. "Sa susunod na mangyari ulit ito, hayaan mo na lang iyon at ako nang bahala roon paggising o pagbalik ko. Hindi mo kailangang kumilos dito dahil hindi ka katulong. Bisita ka rito kaya dapat, pagsilbihan ka at hindi ikaw ang magsilbi sa akin o sa kahit kanino.”

Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya at napatango na lang ulit.

Nang magsimula kaming kumain ay naging tahimik na dahil wala nang umimik sa aming dalawa. Tanging ang tunog lang ng mga kubyertos ang nagsilbing pamatay sa nakakabinging katahimikan.

Pero kung gaano katahimik ang paligid ay ganoon naman kaingay ang isip ko.

Kailan kaya babalik si Yvonne? Anong magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako at nalaman niya na ilang araw na akong nakikitira rito kahit wala pa siya? Alam na kaya niya na nandito ako? Paano kung hindi siya pumayag na mag-stay ako rito? Saan na ako pupunta?

Gusto kong sabihin lahat ng iyon kay Mamay. Pero paano? At bakit? Ayoko naman na pati siya ay aabalahin ko pa nang dahil lang sa sarili kong problema. Sobra-sobrang abala na ang ginagawa niyang pagpapatira at pagsisilbi sa akin dito ngayon. Nakakahiya na kung dadagdagan ko pa.

Pagkatapos naming kumain, akmang liligpitin ko na ang mga pinagkainan nang bigla na naman akong pigilan ni Mamay.

"Umakyat ka na ulit sa taas. Ako na rito.”

Wala na akong nagawa pa kundi ang sundin na lang ang sinabi niya. Halata rin naman kasi na wala na akong magagawa pa para salungatin ang gusto niya.

***

PAGBALIK KO SA KWARTO, NAPAGDESISYUNAN KO NA UBUSIN NA LANG ANG ORAS KO SA PAGBABASA. HANGGANG SA HINDI KO NAMALAYAN NA NAKATULOG NA PALA AKO.

"MAMA!”

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang magising ako at mapabalikwas ng bangon. Sobrang bilis na halos hindi na ako makahinga.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nasa loob ako ng isang madilim at malawak na kwarto. Wala ako sa isang park na may maraming bulaklak at may lawa sa hindi kalayuan. Nanaginip na naman ako.

Naging sunud-sunod ang pagbuga ko ng malalalim na hininga— tanging paraan ko iyon para mapakalma ko ang sarili ko. Binuksan ko na rin ang mismong ilaw ng kwarto at pinatay ang lampshade na iyon lang ang bukas kanina.

Ako lang naman mag-isa. Wala naman si Mama.

Well, matagal naman na ngang wala si Mama. Namatay siya sa sakit na cancer almost eight years ago. Pero magmula noong nag-seventeen years old ako, lagi ko na siyang napapanaginipan. As in, sobrang intense na panaginip na minsan, para na akong binabangungot ng sarili kong ina.

Ang weird lang dahil pare-pareho lang naman ang lahat ng scenario at dialogue niya sa bawat panaginip ko. Parang recorded tape na na pilit inii-stitch sa utak ko. Ganoon ang pakiramdam.

Pagkalipas ng halos isang minuto ng malalalim na paghinga ay nakaramdam na rin ako sa wakas ng ginhawa. Gumaan na ang pakiramdam ko at unti-unti na ring bumabalik sa normal ang pintig ng puso ko.

Malamig na tubig na lang ang kailangan ko and I'm sure, makakabalik na ako sa mahimbing kong pagtulog.

Dahil sa isiping iyon ay kusa na akong napababa sa higaan ko.  Diretso na rin akong nagtungo palabas ng kwarto. Hindi na ako nag-abala pa na magpalit kahit ang suot ko lang noon ay ang manipis na puting pantulog na ibinigay ni Mamay kanina. Thin-strapped iyon, manipis, at umabot lang hanggang sa gitna ng mga hita ko ang haba. Alam ko rin na kuhang-kuha ng damit na iyon ang kurba ng katawan ko.

But who cares? Si Mamay lang naman ang kasama ko ngayon at sigurado ako na tulog na siya ngayon. Sa loob ng three days na paglalagi ko rito, nabasa ko na ang routine niya sa araw-araw. Kaya sa ganitong oras, alam ko na malalim na ang tulog niya. Kaya kumportable na akong magkikilos kahit anong itsura ko. Patunay niyon ang paglalakad ko ngayon papuntang kusina ng nakapantulog lang at wala pati tsinelas o kahit anong sapin sa paa.

Nasa kalagitnaan na ako ng tahimik na paglalakad sa hagdan nang may marinig akong kumalabog mula sa kusina. Parang… Parang kutsara iyon na nalaglag sa sahig. Napapitlag ako.

Si Mamay ba iyon? Bakit gising pa siya ng ganitong oras?

Binilisan ko ang pagbaba sa hagdan na parang halos pagtakbo na ako. Diretso agad ako sa kusina pero kahit na nagmamadali ay siniguro ko pa rin na hindi ako makakagawa ng kahit anong ingay na magiging dahilan para mapansin ako ni Mamay.

Nang ilang hakbang na lang ang layo ko sa kusina ay kusa akong napatigil sa paglalakad. Imbis kasi na si Mamay ay isang hindi pamilyar na pigura ng lalaki ang naabutan kong naghahalungkat ng kung ano sa nakabukas na ref. Madilim sa kusina at ang malamlam na ilaw lang ang tanging nagsisilbing liwanag doon. Nakatalikod din ang lalaki; pero ang liwanag na nagmumula sa nakabukas na ref ay naging sapat na para makita ko kahit papaano ang nakatalikod na lalaki.

Matangkad ito at katamtaman lang ang katawan— hindi mataba at hindi rin mapayat— pero kitang-kita sa korte ng katawan niya ang mga masel na bumubukol. Nakasuot ito ng itim na pantalon, pero kapansin-pansin na wala itonh suot na anuman sa pang-itaas.

And in fairness, pak na pak ang katawan ni Koyah!

Napapikit ako ng mariin sa naisip kong iyon. Parang gusto kong kurutin ang sarili ko. Talagang nagawa ko pang purihin ang magnanakaw na kasalukuyang nilolooban kami— este, ang Mansion de Castillejos ngayon?!

Well, kailangan kong pigilan ang masamang binabalak ng kumag na ito. Kung paano? Bahala na! Basta, kailangang hindi matuloy ang binabalak niya. Plus points ko na rin kung sakali kay Yvonne kapag nailigtas ko ang pinakamamahal niyang mansiyon sa kamay ng kulugong magnanakaw na ito!

Kusang umikot ang paningin ko sa paligid, naghahanap ng pwede kong maipanglaban sa magnanakaw sakaling maglakas-loob ito na salingin ako. Sa hindi kalayuan ay sakto namang nakita ko ang isang maliit na kawali. Nasa Counter top iyon, halatang nakalimutan lang ibalik ni Mamay sa cabinet na lagayan.

Napangisi ako.

Dahan-dahan kong nilapitan ang pinagpapatungan ng kawali at agad kong hinablot iyon. Nagdulot iyon ng mahinang ingay, dahilan marahil kung bakit biglang napalingon sa akin ang magnanakaw.

"I-IKAW! S-SINO KA, HA? BALAK MONG LOOBAN ANG MANSIYON, 'NO? NAKUUU! AKO NA ANG NAGSASABI SA IYO— HINDI-HINDI KA MAGTATAGUMPAY! OVER MY DEAD, GORGEOUS BODY!”

Iniamba ko sa kanya ang kawali na mahigpit kong hawak-hawak ngayon.

"W-What the…? Who are you—”

Nagtangka siyang lumapit sa akin pero lalo kong itinutok sa kanya ang kawali. Tsaka ako umatras ng kaunti palayo.

"IKAW ANG WHO ARE YOU?! MAGNANAKAW KA! ANG LAKI-LAKI NG KATAWAN MO, HINDI KA HUMANAP NG MAAYOS NA IKABUBUHAY— SIGE! ISANG LAPIT PA, HAHALIK  NA TALAGA ITONG KAWALI NA ITO RIYAN SA BUMBUNAN MO!”

Imbis na matakot, parang hindi man lang tinablan ang magnanakaw sa mga pagbabanta ko. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ng buong higpit ang dalawang kamay ko. Inikot niya ako at pagkatalikod ko ay marahas niya akong tinulak— dahilan para masubsob ako sa lamesa. Pumosisyon siya sa likod ko at hinila ang buhok ko para lalo akong isubsob sa lamesa.

Nalaglag na rin ang kawaling hawak ko kanina sa sahig at ng malakas na ingay.

"A-ARAY…!” angal ko nang makaramdam ng hapdi sa mga kamay, tiyan, at anit.

"Who the f*** are you? What are you doing here?” ganting saad ng magnanakaw sa malamig at nakakatakot na boses.

Sayang ka talaga. Mukhang pogi ka pa naman, pati boses mo ang pogi rin. Kaso wala, eh. Mababa lang ang standards ko pero hindi ako pumapatol sa mga miyembro ng akyat-bahay gang.

Gustung-gusto kong isigaw iyon sa mukha ng pesteng magnanakaw na ito. Pero bago ko pa maibuka ang bibig ko ay napapikit na ako ng mariin. Bigla na kasing binalot ng malakas na liwanag ang kabuuan ng kusina.

"Anong ingay ba iyan? Dis oras na ng gabi…” saad ng pamilyar na boses ni Mamay pagkalipas lang ng ilang segundo. Pupungas-pungas pa siya at kasalukuyang kinukusot ang mata.

Gamit ang buong lakas, pumiglas ako mula sa pagkakahawak ng lalaki at dali-dali akong tumakbo at nagtago sa likod ni Mamay.

"M-MAMAY! P-PINASOK PO TAYO NG MAGNANAKAW! 'A-AYUN SIYA!” sumbong ko sabay turo sa lalaki.

Hindi na rin ako nagtangka na tumingin pa sa direksyon ng magnanakaw.

"ANO KAMO? MAGNANAKAW? MAY MAGNANAKAW DITO?!” bulalas ni Mamay. Tumango naman ako agad at muling tinuro ang direksyon ng lalaki. "HOY! ANONG KAPAL NG MUKHA ANG MERON KA AT TALAGANG DITO MO PA NAPILING MANGBIKTIMA, HA? DAMUHO LANG LINTIK KA… MAKIKITA MO ANG HINAHANAP MO—VICENCIO?”

Unti-unti akong binalot ng taka nang banggitin ni Mamay ang pangalan ng isang lalaki. Lumambot din at bumaba ang tinig niya nang sabihin niya ang pangalan sa huli. Bakit?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status