JANIYA'S P.O.V3:00 P.M., MAIN HALL.Nagmamadali akong tinanggal ang suot kong apron at hair net. Katatapos lang ng part time shift ko sa school cafeteria dahil medyo maraming estudyante ang bumili kanina; dahil na rin siguro walang klase buong araw. May iba pa na sa cafeteria na talaga tumambay para doon mag-"review".Lumingon ako sa paligid para hanapin ang bag ko bago lumabas ng cafeteria at magtungo sa Audio Visual Room. Kung nagmumura lang ako ay malamang na napamura na ako nang wala akong makitang bag sa paligid."Nia! Bilisan mo na, saktong alas tres na, o! Baka ma-late ka na at ma-forfeit sa pagkuha ng exam!” sigaw sa akin ni Adrianne. Kanina pa siya nasa labas at naghihintay sa akin."N-Naiwan ko yata iyong bag ko sa room!” nag-aalalang ganti ko ng sigaw sa kanya.Naiiyak na ako nang mga oras na iyon. Idagdag pa na pasado alas tres na ng hapon. Lagpas na sa call time ng mga magte-take ng exam.Makalipas ang ilang segundo, bigla na lang sumulpot si Adrianne sa harapan ko."Kum
JANIYA'S P.O.VBinigyan kami ng panel ng forty minutes para magsagot ng scholarship examination. At honestly speaking, pwera rin ang pagyayabang ay nadalian lang ako sa halos lahat ng item sa exam. Kung ire-rate ko— solid 9.5/10.Pagkatapos kuhanin sa amin ang answer sheets ay pinalabas na rin kami agad."Woah, woah, woah! What's with that smile? I see good news already!” nakangiting salubong sa akin ni Adrianne paglabas ko ng AVR. Mukhang kanina pa siya naghihintay sa akin.Hindi ako sumagot. Nilawakan ko lang ang ngiti ko at nagpatiuna na sa paglalakad."Alam mo, sure ako na kasama ka na sa mga beneficiary ng scholarship na iyon. With your brains and all? Tsk, tsk! Sure win ka na, 'day!” puri niya pa.Napailing-iling na lang ako. Aminado rin naman ako na tama siya. Alam ko sa sarili ko na may malaking advantage ako para sa scholarship. Hindi man ako mag-top, alam kong hindi ako pwedeng mawala sa list."So tell me, kasama ka 'no?” pangungulit pa niya.Nagkibit-balikat lang ako."Buka
MAMAY'S P.O.VPAKANTA-KANTA PA AKO HABANG NAG-AALIKABOK SA MGA NAGGAGANDAHANG PIGURIN NG YUMAONG SI YVONNE NANG BIGLA AKONG MAPATALON. BIGLA BA NAMANG NAG-RING ANG CELL PHONE KO NA NAKALAGAY PA MAN DIN SA LOOB NG BRA KO!Jusmio!Natatarantang binitawan ko ang feather duster at nahulog iyon sa sahig. Kinuha ko rin ang cell phone ko at sinagot ang tawag. Bakit ko nga ba ito sinagot, eh, unknown number ang tumatawag?"Hello? Is this Mrs. Gervacia—”"Miss,” diin kong pagtatama sa babaeng tumawag. "Miss lang at wala pa akong asawa. Mang-aaba-abala ka nang may ginagawa ang tao 'tapos mali lang ang itatawag mo.”"Oh, I'm sorry, Miss Gervacia.”"Iyan! Iyan! Madali ka naman palang kausap!” nasisiyahang sabi ko. Nag-okay sign pa nga ako kahit hindi niya naman ako nakikita."This is Miss Selin Tobias, guidance councilor po ako sa school na pinapasukan ni Janiya. Kilala niyo ho ba siya?” sabi ulit ng babae na puros pa Ingles kaya naman palang mag-Tagalog. Pinahirapan niya pa ang buhay niya."Oho,
JANIYA'S P. O. VNAPAUNGOT NA LANG AKO AT INIS NA BUMANGON HABANG NAKAPIKIT PA RIN NA KINAKAPA-KAPA ANG CELL PHONE KO.Kanina pa iyon nagri-ring— may tumatawag. Noong una ay hindi ko na pinansin dahil baka si Adrianne lang naman iyon. Wala pa ako sa mood na makipag-usap sa kahit na sino. Pero nang mag-ring ulit iyon sa pangalawa pang beses ay sinagot ko na. Kaysa naman pasakitin ko pa ang tenga ko. Besides, mukhang wala rin namang balak na tumigil sa pagtawag ang nasa kabilang linya.Nang makapa ko na ang cell phone ay sinagot ko na lang iyon nang hindi na tinitingnan ang screen para malaman kung sino ang caller."Hello—”"Hello, good morning! Is this Miss Janiya Fortaleza? I'm sorry if we got you disturbed. And oh, by the way, I am Irina Pelaez from the Campbell-Gerardo University. I just wanna ensure your admission on us. You're… an incoming first year, right? I just wanna ask you about the course or program you are about to take with us? I should've been discussing this on personal
JANIYA'S P. O. VBUONG ARAW KONG HININTAY ANG REPLY NI STRIKE PERO NI "LIKE" AY WALA MAN LANG AKONG NATANGGAP.Imbis tuloy na maging masaya ako 100% ay naging 50-50 pa dahil panlulumo ko na wala akong natanggap na sagot mula kay Strike. Ayoko na rin namang hintayin siya dahil mukhang magkakatotoo ang sabi ni Mamay na gagabihin na naman siya ng uwi. Alas diyes na kasi ng gabi, hindi ko pa rin naririnig ang pamilyar na tunog ng paborito niyang sasakyan.Sa mga nangyari sa akin ngayong Sabado ay lalo ko tuloy na-miss si Papa at ang dati naming lugar. Tuwing Sabado kasi noon, marami kaming activities ni Papa. Maglilinis kami, 'tapos maglalakad-lakad sa malapit na fishport na parang sea side na rin. Iyon na ang pinaka-weekly date namin. Nagkukwentuhan kami habang kumakain ng paborito naming snacks— ang combo ng ihaw-ihaw at palamig.Pero ngayon na nandito ako, kahit walang pasok ay hindi ko pa rin nasulit ang araw. 70% ng oras ko ay naubos lang sa kwarto— kakahiga, kaka-scroll sa cell phon
JANIYA'S P. O. VPAGKATAPOS NG LAHAT NG GINAWA AT NAGING PAG-UUSAP NAMIN NI STRIKE, INAKALA KO NA TULUY-TULOY NA ANG MAGIGING PAGBABAGO SA UGNAYAN NAMIN. Pero habang lumilipas ang mga araw ay doon ko na-realize na hindi pala. We're still strangers to each other's eyes. Oo at naninirahan nga kami sa iisang bubong. Nag-uusap paminsan-minsan at madalas na iisang pagkain lang ang kinakain sa isang araw. Pero napagtanto ko na wala pa rin akong iba at bagong bagay na nalalaman tungkol sa kanya. Kilala ko pa rin siya bilang si Strike Vicencio Castillejos, ang nag iisang anak ni Tita Yvonne at naging tagapagmana niya; twenty-eight years old na bilyonaryong CEO na walang ibang kaibigan dahil na rin siguro sa obvious fact na masungit siya at nakakatakot. While as for me, malamang na kilala niya lang ako bilang "bata" na naging responsibilidad niya nang wala sa oras. Nang gabing iyon ay maaga kong narinig ang pagdating ng sasakyan ni Strike. Pero hindi na ako nag abala pa na bumaba para magpap
JANIYA'S P. O. VA few weeks later…KATATAPOS LANG NG GRADUATION RITES AT IMBIS NA MAG-CELEBRATE AT HETO KAMI NGAYON, NAKATAYO SA HARAPAN NG NAKAKANDADO NANG GATE NG MANSION DE CASTILLEJOS.Katabi namin ang ilang mga maleta at iba pang bag na naglalaman ng mga gamit namin. Ako, si Mamay, at si Adrianne ay kasalukuyan nang naghihintay sa pagdating ng sasakyan na susundo sa amin at magdadala sa amin sa Maynila. Hindi raw kasi sasabay sa amin si Strike dahil nandoon na siya noong isang araw pa. Kaya pala hindi ko na siya nakikita. At kaya rin pala hindi siya sumipot sa graduation ko. Wala rin kahit message man lang ng isang "congratulations" o "job well done"."Mamay, balita ko marami raw boylet sa Maynila. So, I guess alam na kung ano'ng dapat mong una na gawin…” rinig kong pang aasar ni Adrianne kay Mamay. Binangga niya pa ng pabiro si Mamay sa balikat.Napangiti na rin ako at bahagyang napahagikhik."Ang una kong gagawin? Maglinis at siguraduhing nasa ayos ang lahat sa bahay,” pagsopl
JANIYA'S P. O. V"H-HOY, T-TEKA. A-ANONG GINAGAWA NATIN DITO? BAKIT NANDITO TAYO? A-AKALA KO BA, GAGALA LANG TAYO?” Awtomatiko akong napahawak sa braso ni Adrianne para pigilan siya nang akmang papasok na siya sa loob ng isang malaki at halatang mamahaling salon. "Gagala nga tayo. But before that, we have to do get ready first. Tsaka, hello? Magco-college na tayo! Hindi tayo pwedeng pumasok sa mamahaling university na iyon nang mukha tayong batang ligaw. Lalo ka na,” mahabang saad niya. Napakunot-noo ako. "Anong lalo na ako? Lalong mukha akong batang ligaw?” nagbabantang tanong ko. "Gaga! I mean, mas lalo na ikaw na dapat maging mas presentable. You have to keep up with that billionaire CEO's lifestyle nga, 'di ba? Para in case na may makaalam sa connection niyo, walang magiging problema dahil hindi ka magmumukhang charity case niya. You have to start living your life as a Disney princess na. Ayaw mo naman sigurong masira ang reputasyon ng Prince Charming mo, 'di ba?” Tinaasan k