Share

KABANATA 6

"ALAS OTSO NG GABI, NAKAUWI NA IYON PANIGURADO. ALAS SAIS TALAGA ANG UWI NIYA, PINAKA-LATE NA ANG ALAS OTSO.”

Pero hanggang ngayon, mag-aala una na ng madaling araw ay wala pa rin siya. Kagaya kaninang umaga, inabot na ng paglamig ang mga pagkain na hinanda ko.

"Matulog ka na kaya, Niya? Baka nagka-emergency siya sa trabaho kaya hindi nakauwi agad. May pasok ka pa bukas, 'di ba?”

Napapitlag ako nang biglang sumulpot si Mamay sa tabi ko. Kasalukuyan akong nasa salas at naghihintay sa pagdating ni Strike.

Gusto ko pa sanang maghintay, kahit ilang minuto pa. Pero hindi na ako nagpumilit pa dahil ayokong pag isipan ako ni Mamay ng hindi maganda.

"Sige po, magpapahinga na po ako,” paalam ko at tumayo na.

"Sige na. Ako na ang bahalang magtabi ng mga iniluto mo,” saad ni Mamay.

Bago ako diretsong umakyat sa hagdan, napasulyap pa ako sa kusina kung saan nakalatag sa malaking mesa ang ilang putahe ng pagkain.

Pangalawang beses mo na akong in-Indian, Strike. Bakit ba ganiyan ka?

***

MASAKIT ANG ULO KO NANG MAGISING AKO KINAUMAGAHAN. PERO NO CHOICE AKO KUNDI ANG BUMANGON NA DAHIL KAILANGAN KO PANG PUMASOK SA SCHOOL. MAY HALOS ISANG BUWAN PA BAGO MATAPOS ANG SCHOOL YEAR.

Alas siyete pa ang pasok pero alas sais pa lang ay naka-ready na ako. Naka-uniform na ako nang bumaba para kumain ng almusal na inihanda ni Mamay.

"You know, I don't support food waste. So, tell that girl to stop wasting my f***ing goods.”

Ilang hakbang na lang ang layo ko sa kusina nang kusa akong mapatigil sa paglalakad. Hindi ako pwedeng magkamali. Boses iyon ni Strike. Mahina lang ang boses niya pero madiin iyon at sapat na para makaabot sa pandinig ko.

"Hindi mo rin naman kasi masisisi si Niya, Vicencio. Gusto lang makabawi sa iyo no'ng bata—”

"Makabawi? For what? And by what? By wasting things na sa akin din naman nanggagaling? She's really that stupid, huh?”

Kakaibang kirot ang gumuhit sa dibdib ko habang pinapakinggan ko ang masasakit na salitang binibitawan ni Strike tungkol sa akin.

Obvious na nalaman niya na ang ginawa kong pagluluto ng mga pagkain para sana sa kanya. At obvious din na hindi niya ikinatuwa iyon.

Napaatras ako para magtago sa isang malaking vase nang mapansin ko na palabas si Mamay. May dala siyang mga plastic ng pagkain— mga pamilyar na pagkain dahil ang mga iyon ang niluto ko kahapon.

Sinundan ko siya ng tingin. Ganoon na lang ang panghihinayang at lungkot na naramdaman ko nang makita ko kung saan niya dinala at nilagay ang mga pagkaing pinaghirapan kong lutuin— sa basurahan.

Malamang na inutos iyon ni Strike.

Bigla ay gusto kong maiyak. Pero pinigilan ko rin agad ang sarili ko, knowing na wala namang ibang mapapahiya kundi ako lang din sakaling hayaan ko nga na pangunahan ako ng emosyon ko.

Walang imik na lang akong lumakad patungo sa kusina. Bago ako pumasok doon ay siniguro ko nang nakapaskil na sa mga labi ko ang isang pekeng ngiti.

"Good morning!” kunwari ay masiglang bati ko pa.

Hindi kumibo si Strike. Saglit niya lang akong tinapunan ng tingin, 'tapos binalik niya na rin agad ang tuon ng pansin niya sa diyaryo na binabasa niya.

Diyaryo. Bakit ba ang old school niya? Sa tingin ko, hindi naman nagkakalayo ang edad namin sa isa't-isa. Pero bakit parang sobrang tanda naman na niya kung umasta.

"Hey, are you deaf?”

Napapitlag ako nang marinig ko iyon. Muli rin akong napatingin kay Strike, nakatingin din siya sa akin. Hindi ko man lang napansin na kinakausap na pala niya ako.

"A-Ano iyon? Sorry, may… naisip lang ako bigla,” paumanhin ko.

Sa halip na sumagot ay iniwas niya lang ang tingin niya sa akin. Balik ulit sa diyaryo. Ang weird, ha?

"I'm asking why are you wearing that,” aniya mayamaya. Buti na lang, itinuon ko na ang pandinig ko sa kanya.

"Wearing ang ano? Ito ba?” sabi ko sabay turo sa uniform na suot ko.

"May iba ka pa bang suot maliban diyan?” balik-tanong niya sa mas malamig na tinig.

Agad akong nakaramdam ng pagkainis dahil sa paraan ng pagsagot niya. Nadagdagan pa iyon nang maalala ko ang narinig ko kanina at ang ipinag-utos niya kay Mamay na itapon ang mga pinahirapan ko. Oo nga, pera niya ang pinambili sa mga iyon. Pero hindi naman iyon magiging ganap na pagkain kung hindi dahil sa effort ko, 'no? Effort ko na isinawalang-bahala niya lang.

"At may iba pa rin ba akong pwedeng dahilan kung bakit ako nakasuot ng ganitong uniform ngayon? Obvious naman, may pasok ako. Alangan namang magma-mall ako at trip ko lang ang ganitong OOTD,” sarkastikong sagot ko.

Saglit niya akong tinitigan pero siya rin ang agad na umiwas. Nanahimik na rin siya at hindi na nagsalita pa.

"Anyway, bakit nga pala nandito ka pa? Kahapon ang aga mong umalis, ah? Hindi ba consistent ang schedule mo kaya nakadepende pa sa trip mo ang oras ng pag-alis at pag-uwi mo—”

"My life's out of your business, little girl. So, stay your nose out of it,” putol niya sa akin.

Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko bunga ng pagkapahiya. Slight. Medyo napahiya lang ako, pero lamang pa rin ang kagustuhan kong matawa sa tuwing nagsusungit siya at tila nagpupumilit na mukhang nakakatakot.

Hindi ko na siya muling ginulo pa. Sinimulan ko na lang ang pagkain ko ng almusal nang payapa at matiwasay.

Napapangalahati ko pa lang ang croissant na nasa plato ko nang biglang tumayo si Strike. Awtomatiko akong napatingala at napasunod ng tingin sa kanya.

"I'll be waiting for you in the car. You have one minute,” sabi niya at tumalikod na.

He'll wait for me in the car? Ano iyon? Bakit?

Bunga ng kuryosidad ko ay napasunod na lang ako sa kanya.

"N-Nandito na ako. Ano nang gagawin ko ngayon—”

"Hop in,” utos niya.

"HA?” saad ko sa nanlalaking mga mata. "Anong hop in ang pinagsasasabi mo—”

"This place is far from the city where your school is located. Isasabay na kita. Now, it's for you to decide kung sasabay ma sa akin o lalakarin mo ang distansya ng school mo mula rito.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status