Share

KABANATA 4

SV'S P.O.V

I JUST CAME FROM A VERY LONG, FRUSTRATING FLIGHT AND THIS WAS WHAT'S IN STORE FOR ME. AN UNKNOWN AND A SURE INSANE WOMAN ATTACKED ME, CALLING ME A "THIEF" IN MY OWN HOME.

"You're still the same woman who just attacked me a few minutes ago, right? Bakit parang ang amo mo ngayon? Can't speak now? Cat got your tongue?” I said in annoyance as I stare at that crazy… girl.

Alright, forget it when I addressed her as a "woman". Because by looking at her right now, I could firmly say that she was just a f***ing child. A fourteen-year-old maybe.

She helplessly looked at Mamay, as if begging for her help.

"Vicencio, huwag mo namang takutin si Niya, ano ka ba? Paano siya makakapagpaliwanag niyan, eh, para mo na siyang inihahanda sa bitay,” Mamay said, scolding me apparently.

Hindi ko siya pinansin. I turned my gaze back on the little girl.

"Who are you?” I asked.

The girl finally looked at me with a glint of clear embarrassment written all over her face.

"“J-Janiya”. A-Ako si Janiya,” she said, probably in her lowest voice.

"As far as I remember, you have your voice almost a hundred times louder than that hiss. Again,” I commanded.

"A-Ako si Janiya—”

"Siya si Janiya. Hinahanap niya ang… ang mommy mo. Anak siya ng kaisa-isang best friend ng mommy mo, si Crisanto—”

"Ah, that coward man who didn't give a damn to visit my mom as she layed on her deathbed,” I said, bitterness was evident on my voice. "What do you need?”

The girl's expressions immediately shifted from being embarrassed to being puzzled and clueless. Of what?

"A-Anong… A-Anong ibig kong sabihin—”

"Saan? When I called your dad a coward? O doon sa deathbed ng nanay ko?” I abruptly cut her off.

"P-Parehas,” she replied and vowed her head once again.

I laughed. Not because I am happy. I laugh because of the mixed emotions I am feeling right now. Naiinis ako, nagagalit. With this b****'s appearance, it felt like yesterday was unfolded once more.

"Go away now, kid. Wala kang mapapala rito. And if your f***ing dad ever send you here again, tell him to back off.”

JANIYA'S P.O.V

"AH, THAT COWARD MAN WHO DIDN'T GIVE A DAMN TO VISIT MY MOM AS SHE LAYED ON HER DEATHBED. WHAT DO YOU NEED?”

"GO AWAY NOW, KID. WALA KANG MAPAPALA RITO. AND IF YOUR. F***ING DAD EVER SEND YOU HERE AGAIN, TELL HIM TO BACK OFF.”

Habang naririnig ko kung paano pagsalitaan ng lalaking ito si Papa sa mismong harapan ko ay hindi ko maiwasang masaktan at manliit. Ano bang meron? Ano bang nangyari? Bakit ba parang galit na galit siya kay Papa? At sino ang tinutukoy niyang "mommy"? Si Yvonne ba? Kung ganoon, nasaan siya ngayon?

Lalong dumami ang isiping gumugulo sa utak ko. At sa sobrang hindi ko na alam ang gagawin, napaiyak na lang ako.

"Tingnan mo nga ang ginawa mo, Vicencio! Ganiyan ka ba pinalaki ng mommy mo, ha? Ganiyan ba ang itinuro ko sa iyo?!” si Mamay iyon, pinapagalitan si Vicencio at sinundan niya pa iyon ng malakas na paghampas sa braso ng lalaki. "Ipakilala mo nga ang sarili mo ng maayos at nang magkaliwanagan kayo.”

Pasimple kong pinunasan ang luha na naglandas sa pisngi ko.

"What for? Tell that b**** to go away, or else…”

Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. Tumayo na ako at dali-daling tumakbo paakyat sa ikalawang palapag ng mansiyon. Hindi na para "magpahinga". Dumiretso ako sa kwartong pinagamit sa akin ni Mamay. Hinanap ko ang bag ko at isa-isa kong inilabas ang mga damit ko mula sa closet at ibinalik doon. Hinubad ko na rin ang damit pantulog na ibinigay ni Mamay at nagbihis ako ng sarili kong damit. Balak kong ibalik sa kanya iyon at wala akong dadalhin na kahit ano mula sa bahay na ito.

Habang nagliligpit ay panay ang punas ko sa mukha ko dahil panay din ang pagtulo ng luha ko. Medyo naiinis pa ako dahil natatagalan ako sa pagliligpit dahil hinihiwalay ko pa ang mga ibinigay ni Mamay sa akin sa sarili kong mga gamit.

Patapos na ako sa pagliligpit nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Si Mamay iyon. Nagulat pa ako dahil hindi siya kumatok bago siya biglaang pumasok.

"Aalis ka?” tanong niya agad pagbungad niya pa lang sa akin at sa mga gamit ko.

Tumango ako.

"S-Salamat na lang po sa lahat, Mamay. P-Pero mukhang ayaw ni… n-ni V-Vicencio na nandito ako,” sabi ko sa pilit pinatatatag na boses.

Bumuntung-hininga siya at naglakad palapit lalo sa akin. Umupo siya sa kama, sa kabilang banda paharap sa akin.

"Huwag mo nang ituloy ang pag alis mo. Gabi na. Tsaka… Kinausap ko na siya. Ipinaliwanag ko na ang kalagayan mo at pumayag na siyang dumito ka muna habang hindi pa bumabalik ang papa mo,” turan ni Mamay sa mahinahong tinig.

Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano sa sinabi niyang iyon. Basta, isang bagay lang ang alam ko— nahihiya ako. Sobrang nahihiya.

"Mamay, hindi niyo na po dapat ginawa iyon. K-Kung ayaw niya na nandito ako, o-okay lang po sa akin. I-Isa pa, parang hindi rin naman po siya okay kay Papa. Parang… P-Parang galit po siya kay Papa. A-At kung sa pagtira ko rito lalo lang lalala ang galit na iyon, mas okay po siguro na umalis na lang ako.”

Bago pa makapagprotesta ni Mamay ay tumayo na ako at binitbit ko na ang bag na dala ko nang una akong dumating rito.

Nauna na rin ako sa pagbaba.

Naabutan ko pa si Vicencio na hindi pa rin pala umaalis sa kinauupuan niya kanina. Nasa gitna pa lang ako ng hagdan pababa ay nararamdaman ko na ang pagsunod niya ng tingin sa akin.

"You're really tough, huh? Aalis ka talaga?” sabi niya sa tila nang-uuyam na boses.

Napalunok ako. Hindi ko na lang din siya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pagbaba ng hagdan.

"It's… twelve o'clock in the evening. You don't know what's waiting for you in the dark outside,” sabi niya ulit.

Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang mga iyon. Pinipigilan niya ba akong umalis? Bakit? Eh, 'di ba, siya nga ang pilit na nagpapalayas sa akin kanina?

Muli ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi naman na siya nagsalita pa kahit nang madaanan ko na siya.

Iyon nga lang, akmang bubuksan ko na ang front door nang bigla na naman siyang mag ingay.

"You think you have better place to stay aside from here? Mamay already told me your story. Tanga na ang tatay mo sa ginawa niyang pag iwan sa iyo. Mas tanga ka pa ba na tatanggihan mo ang opportunity na makatira ng libre rito? Think again, dumbass.”

Kusang pumatak ang luha ko at napatigil ako sa pagkilos nang sabihin niya iyon. Ayoko mang aminin, totoo ang sinabi niya. Saan pa nga ba ako makakahanap ng lugar na pwede kong panatilihan na mas mapapabuti ako kaysa rito? Kung sa sarili ko ngang kamag-anak na una kong pinuntahan, obvious nang mapapariwara lang ako. Paano pa kaya kung pati rito, aalis ako? Saan naman ako pupulutin sa labas na wala namang akong tiyak na patutunguhan?

"It's up for you to decide your fate. Hindi ko na kasalanan kung papairalin mo pa ang katangahan mo.”

Narinig ko ang pagtayo niya at paglakad palayo pagkatapos noon. Hindi pa rin ako makagalaw at pakiramdam ko ay napako na ako sa kinatatayuan ko.

Buti na lang, niyakap ako ni Mamay habang marahan niyang hinahagod ang likuran ko.

"Huwag ka nang umalis, Niya. Parang awa mo na. Hindi ako matatahimik sa kaiisip sa kalagayan mo kapag umalis ka rito. Sige na…”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status