The Woman of Heisen

The Woman of Heisen

last updateHuling Na-update : 2022-08-16
By:  Carmela Beaufort  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
13Mga Kabanata
2.9Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Tatlong taon na ang nakararaan, may nangyari sa pagitan nina Tahira at ang kilalang most wanted na illegal firearm dealer na si Heisen Lindbergh. That night was obviously a mistake on her part, ang planong sanang pagkalap niya ng impormasyon tungkol sa lalaki ay nauwi sa isang one night stand. Ang masaklap, hindi niya alam na nagbunga ang gabing 'yon, saka na lamang niyang nalaman na buntis siya nang lumabas 'yon sa monthly check-up niya sa army. Bukod pa roon, mukhang nasa panganib din ang buhay niya dahil umabot sa kanya ang balitang pinaghahanap siya ng mga 'di kilalang tao. Sa huli ay nagpasya siyang magtago-tago sa takot din na madamay ang kanyang anak. Subalit hindi 'yon naging sapat nang malaman ng mga ito ang lokasyon niya. Sa pangamba na mawala sa kanya ang nag-iisa na lamang na pamilyang mayroon siya, ang kanyang anak na si Abegail. At sa hindi sinasadyang pagtatagpo muli ng landas nila ng ama ng anak na si Heisen, kinailangan niya tuloy ang tulong nito. Nagpanggap siyang lalaki at nag-apply na bodyguard nito. Isa sa benipisyo kapag nagtrabaho sa pamilya Lindbergh ay ang pangako ng mga itong proteksyon sa pamilya ng mga tauhan. Ngunit sa pananatili niya sa tabi ni Heisen may kakaiba siyang natuklasan sa ama ng kanyang anak...

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Kabanata 1: Tahira

DALAWANG araw ng sunod na hindi maikilos ni First Lieutenant Tahira ang kanyang kanang braso ng maayos. Kapag nagpatuloy pa 'yon ay mapipilitan tuloy siyang hindi muna sumali sa mga susunod na operasyon ng kanilang platoon. Malalim na bumuntong-hininga siya. "Still in pain?" Second Lieutenant Keith immediately asked her, nang marahil mapansing makailang beses na siyang na marahas na bumuga ng hangin. Lumapit ito upang tingnan ang lagay ng kanyang braso na noo'y kitang-kita na ang pamamaga. "We have to go back before your injury gets more worse Irah. Otherwise, you might really need to have your arm amputated," nag-aalalang sabi na sa kanya ng una. The pain is still bearable for her. Hindi naman 'yon masakit para sa kanya na sanay na sa mabibigat na training at mga dating mas malalang injury na natamo na isang araw lamang ay magaling na, subalit sa pagkakataong 'yon, hindi na umaayon sa gusto niya ang kinahinatnan ng huling in

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
13 Kabanata

Kabanata 1: Tahira

DALAWANG araw ng sunod na hindi maikilos ni First Lieutenant Tahira ang kanyang kanang braso ng maayos. Kapag nagpatuloy pa 'yon ay mapipilitan tuloy siyang hindi muna sumali sa mga susunod na operasyon ng kanilang platoon.  Malalim na bumuntong-hininga siya.  "Still in pain?" Second Lieutenant Keith immediately asked her, nang marahil mapansing makailang beses na siyang na marahas na bumuga ng hangin. Lumapit ito upang tingnan ang lagay ng kanyang braso na noo'y kitang-kita na ang pamamaga.  "We have to go back before your injury gets more worse Irah. Otherwise, you might really need to have your arm amputated," nag-aalalang sabi na sa kanya ng una. The pain is still bearable for her. Hindi naman 'yon masakit para sa kanya na sanay na sa mabibigat na training at mga dating mas malalang injury na natamo na isang araw lamang ay magaling na, subalit sa pagkakataong 'yon, hindi na umaayon sa gusto niya ang kinahinatnan ng huling in
Magbasa pa

Kabanata 2: Their Meeting

"I ALREADY knew that this would happen! Look at you! You looked like a disaster Irah!" malakas na sigaw ni Jeremy nang makita si Tahira na ang suot lamang ay black slacks at white blouse. Kung tutuusi'y naka-corporate attire siya ng gabing 'yon at hindi naman siya mukhang saling ketket sa suot niya kaya naman 'di niya maintindihan ang disgusto sa mukha ng kakilala nang iginaya siya nito papasok sa isang silid na marahil inuukopa nitong private room."I don't think there is something wrong about my attire. I looked way formal for them not to allow me to enter the venue," wika niya kay Jeremy na noo'y naghahagilap ng damit mula sa nakahanger na mga dresses. Hindi naman niya kailangang magmukhang importanteng tao. Ayaw niyang masyadong kumuha ng atensyon sa ibang naroon at mabulilyaso pa ang plano niyang mangalap ng impormasyon. Subalit wala yatang pumasok sa tainga ng lalaking ngayon ay lumapit sa kanya at tila tinansya pa sa harap niya ang isang black
Magbasa pa

Kabanata 3: The Fear

ILANG sandali muna ang nagdaan bago napagtanto ni Tahira ang malaking kamaliang nagawa nang nagdaang gabi. Hindi pa rin makapaniwala ay naitakip na lamang niya ang dalawang kamay sa bibig nang malalim na napasinghap siya. Iniiwasang gumawa ng ingay habang ‘di pa rin niya maialis ang paningin sa kasalukuyang natutulog noon na si Heisen. Tila may nag-uudyok sa kanyang isipan na sunggaban ang lalaki sa leeg hanggang sa ito ay mamatay. Pero ang matagal niyang pagtitig sa mukha nito, nanariwa bigla sa kanyang memorya ang bawat maingat na paghaplos ng mga kamay at pagdampi ng labi nito sa kanyang katawan sa nagdaang gabi. Sa isang iglap, nabago niyon ang tangka sana niyang gawin.Napamura na lamang siya nang hagilipan ang suot kagabi na damit maging ang mga nagkalat na panloob sa sahig. Hindi na niya namalayan kung gaano niya kabilis na nagawa ‘yon nang maingat niyang buksan ang pinto ng kwarto. Muntik pa siyang mapatili nang may makitang nakatayo sa labas
Magbasa pa

Kabanata 4: Threat

MARAHAS na bumuga ng hangin si Tahira nang pinanindigan niyang hindi isulat ang pangalan ng ama ng batang nasa kanyang sinapupunan. 'Di lingid sa kaalaman niya ang kakaibang tingin na ipinukol sa kanya ng isang opisyal na naroon na katatapos lamang siyang i-interbyu."Are you sure with your decision to leave the army?" tanong muli niyon ng makita ang pag-aalinlangan sa mukha niyang lumabas mula sa opisina nito.She sacrificed more than enough already to get there. God knows that. Pero ang pananatili pa niya roon ay maglalagay lamang sa alanganin sa buhay niya. Kaya pinili niyang maagang magretiro, ang katwiran niya ay nais niyang pagtuunan ng atensyon ang kanyang maselan na pagbubuntis. Hindi naman talaga niya iyon kailangang gawin na umalis siya. May ilan pa ngang magandang ipinayo sa kanyang gawin, subalit pagkatapos niyon ay kailangan niya rin mamili kung ilalagay muna niya ang anak sa pasilidad na lugar dahil na rin sa panganib ng kanyang trabah
Magbasa pa

Kabanata 5: Take it or Not?

"SHE WAS all right. But I couldn't stay there anymore. After I checked that everything is okay and she was in a safe place. I left the place. I don't want to involve your grandmother to my own problem. I'm very sorry, and thank you for everything, Keith." Iyon lamang ang huling mensahe niya matapos na ipadala iyon sa kanyang kaibigan. Masyado ng mapanganib para sa kanyang manatili roon, at halatang napansin din iyon ng ginang kaya ito na rin mismo ang naghanda ng masasakyan niya paalis sa lugar. Pero imbes na dumeretso sa airport katulad ng bilin niyon, nakiusap siya sa driver na ibaba na lamang siya sa isang bus stop. Nag-abot din siya ng ilang papel na pera roon upang makumbinsi na hayaan na siya.Makaraang maibaba siya. Tuloy-tuloy na naglakad siya papasok sa isang gun shop para bumili naman ng bala ng kanyang dalang baril. Hindi kasi siya sigurado kung sasapat ang laman niyon para sa paggagamitan niya. Mabuti ng sobra kaysa kulangin siya. 
Magbasa pa

Kabanata 6: New Identity

TIRIK NA TIRIK ang araw noon sa isang probinsya sa Pilipinas kung saan ang destinasyon na tinungo ni Tahira. Pinunasan niya ang namuong pawis sa kanyang noo nang matagal na tumayo siya sa harap ng isang talyer.Pinasadahan niya ng tingin ang hawak na kapirasong papel. Tiniyak ang address na nakasulat doon nang mahagip ng mga mata niya ang isang lalaking nagmamartilyo sa bahaging gilid."Magandang hapon po," magalang na bati niya sa taong nakita roon. "May hinahanap ho ako. Kilala n'yo ho ba si Ipe Lopez?" tanong niya.Ilang sandali ang dumaan nang harapin na siya niyon.Tila siniyasat pa siya ulo hanggang paa nito. Ganoon din naman ang ginawa niya. Kung 'di siya nagkakamali ay marahil nasa higit apatnapu na ang edad nito. Balot ng grasa ang suot nitong puting sando na hapit na hapit sa buong katawan nito. Halatang tagtag ito masyado sa trabaho kaya fit ang physique. Sanay na siyang makakita ng ganoon lalo na sa mga sundalo sa i
Magbasa pa

Kabanata 7: The Man

TATLONG TAON na ang nakararaan nang bumalik ng Pilipinas si Tahira. Nagtungo siya sa San Agustin, kung saan ang sinabi sa kanya ng ginang na magiging ligtas siya. Doon na rin siya nakapanganak ng isang sanggol na babae. Payak lamang ang pamumuhay, malayo rin naman ang tahanan na kanyang tinutuluyan kasama ang anak sa kabihasnan habang nagtatrabaho naman siya sa isang talyer na pagmamay-ari ni Ipe. Taas ang dalawang kamay. Hindi siya nagpatinag ng tingin sa mga kahina-hinalang mga lalaki na nakatutok noon ang mga hawak na baril sa kanila ng kasamang si Ipe. Batid kasi niyang oras na magpanic ay lalo lamang palalalain niyon ang sitwasyon. Pero 'di niya inaasahan na ganoon ang tatambad sa kanila pagpunta nila sa lugar na sinabi sa tawag ng isang customer. Dapat mas naging maingat siya dahil sa kahit saang lugar ay maaaring may panganib. "Kalmado ka lang..." mahinang wika ni Ipe sa kanya. She's calm. Hindi agad siya nagpaapekto sa higit limang baril na na
Magbasa pa

Kabanata 8: Mistake

“IS THERE something wrong?” Doon lamang nabawi ni Tahira ang nawalang composure dahil sa lalaki na wala sa hinuhang niyang makikitang muli.Mahigpit na hinawakan ni Ipe ang kanyang braso upang hilahin siya katabi nito. “Pasensya na ho, bago lang kasi ang kapatid ko sa ganitong trabaho kaya minsan ay nagkakamali siya,” paliwanag niyon saka inabot sa kanya ang nabitawang birador.“Is that so, don’t worry, it’s okay,” ani Pavlov. Binalingan niyon si Heisen na batid niyang nakatuon ang atensyon ngayon sa kanya. “This way sir.”Nakababa na niyon ang paningin niya sa kanyang nanlalamig na mga paa na kahit alam niyang malayo na ang lalaking dahilan niyon, damang-dama pa rin niya ang pagririgodon ng puso. Pakiramdam niya ay unti-unti siyang nilalamon ng takot.Yes, she suddenly felt being scared all of a sudden. “Ayos ka lang ba? Namumutla ka ata?” puna na niyon
Magbasa pa

Kabanata 9: Sacrifice

"MAMA!" malakas na sigaw ng batang babae nang makitang kapapasok pa lamang ng kahoy na bahay si Tahira. Tumigil sa Tahira sa kalagitnaan upang punasan ang pawis na namuo niyon sa kanyang noo mula sa ilang kilometro niyang pagtakbo makapunta lamang sa sinabi sa kanyang bahay ni Ipe kanina kung saan dinala ang anak.Nag-alangan ding yumakap ang anak sa ginawa niyang pagpunas noon sa kanyang pawisan na mukha. "Abby, my baby girl!" nakangiting tawag niya sa kanyang anak. Siya na sa pagkakataong iyon ang lumapit at buhatin ang bata nang bigla na lamang iyon na umiyak. "Hush, bakit ka umiiyak? Nandito na si mama 'di ba?""S—Si Tito Ipe po, madami siya dugo kanina," wika niyon na patuloy pa rin sa pag-iyak.Niyakap niya ang bata at tinapik-tapik ang likod niyon upang patahanin. Sakto namang kasama ng kanyang anak ang panganay ni Ipe na si Tonton. Katulad ng kanyang anak ay bumuhos na rin ang luha sa mga mata niyon."Si Kuya Ipe?" agad niyang tanong sa batang lalaki.Ibinaba niya ang anak n
Magbasa pa

Kabanata 10: The Refugee

HINDI nga nagkamali si Tahira sa kanyang pasya na balikan ang lugar kung nasaan sina Ipe. Nasaksihan niya kung paanong kaladkarin palabas ng bahay si Ipe kahit nagdurugo pa ng mga oras na 'yon ang nasaktang braso kanina. "Saan n'yo dadalhin ang asawa ko?!" bulalas ni Marie nang makipag-agawan na mabawi ang asawa na lalo lamang ininda ang braso na patuloy ang pag-agos ng dugo mula sa tama ng bala.Muling tinakpan niya ang mga mata ng anak nang lumapit siya."I—Isah?" 'di makapaniwalang naiusal ni Marie nang makita siyang naroon. Ngunit agad ding ibinaling nito ang atensyon sa asawang naisakay na noon sa sasakyan.Doon naman dumako ang mga mata niya nang agad na makilala ang lalaking lider ng mga iyon. She only thought that this would happen. Kaya bumalik siya. Batid niyang natuon na ng mga oras na 'yon ang atensyon ni Pavlov sa kanya. It's already 4 AM. Lahat ng tao ay mahimbing na ang tulog ng mga oras na 'yon."Isah... pakiusap. Tulungan mo si Ipe. Sabi nila ay kukunin nila ang as
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status