DALAWANG araw ng sunod na hindi maikilos ni First Lieutenant Tahira ang kanyang kanang braso ng maayos. Kapag nagpatuloy pa 'yon ay mapipilitan tuloy siyang hindi muna sumali sa mga susunod na operasyon ng kanilang platoon.
Malalim na bumuntong-hininga siya.
"Still in pain?" Second Lieutenant Keith immediately asked her, nang marahil mapansing makailang beses na siyang na marahas na bumuga ng hangin.
Lumapit ito upang tingnan ang lagay ng kanyang braso na noo'y kitang-kita na ang pamamaga.
"We have to go back before your injury gets more worse Irah. Otherwise, you might really need to have your arm amputated," nag-aalalang sabi na sa kanya ng una.
The pain is still bearable for her. Hindi naman 'yon masakit para sa kanya na sanay na sa mabibigat na training at mga dating mas malalang injury na natamo na isang araw lamang ay magaling na, subalit sa pagkakataong 'yon, hindi na umaayon sa gusto niya ang kinahinatnan ng huling injury na nakuha mula sa katatapos lamang na misyon ng kanilang grupo two days ago.
Pero ang matapos muna ang mission nila na ang mahalaga para sa kanya ngayon. Bukod sa pwedeng iyon na rin ang huli bago siya tuluyang magretiro, ataw niya ring pakawalan ang pagkakataon na 'yon.
Nahalata ng kasamahan na wala sa mga sinabi nito ang nagpa-realize sa kanya ng kasalukuyan niyang sitwasyon hanggang sa pareho na lamang silang nagulat na bumukas ang silid kung nasaan sila. Tuloy-tuloy na pumasok sa loob niyon ang kanilang Marine Captain na si O'Brien, bakas sa mukha nito na hindi maganda ang timpla ng mood nito ng mga oras na 'yon. Nasa site sila ngayon sa kanlurang Africa. Ilang oras lamang mula roon ay matatagpuan ang Sierra Leone, ang akala niya ay nagpunta nang umagang 'yon si O'Brien para kumuha ng supply ng buo nilang team, subalit ang makita ito roon na nakabalik agad ay hindi niya inaasahan.
Mabilis naman niyang itinago ang namamaga at nangingitim niyang braso sa harap
"First Lieutenant Tahira," mariing tawag nito sa pangalan niya.
"Yes, Captain O'Brien," aniya na hindi magawang maiangat man lamang ang tingin niya sa kanilang kapitan. Bukod sa may ideya na siya sa dahilan kaya ito mabilis na nagbalik sa site ay nakita na lamang niya ang anino nitong palapit na niyon sa kanya.
"Are you making fun of the whole platoon? Is this some kind of a joke for you? You're badly injured and yet you didn't even ask for any help from our medical team. Are you a princess or something that everyone might found this out on their own?!"
Hindi sana siya maapektuhan sa galit sa tono ng boses ni O'Brien ngunit tama rin ang sinabi nitong itinago niya ang bagay na 'yon.
"I didn't mean to, Captain O'Brien. I promise this wouldn't happen again..." Sandaling natigilan siya nang makagat niya ang ibabang labi, subalit hindi siya susukong ialis nito sa tungkulin dahil sa kanyang injury. Sigurado kasi siyang gagaling 'din 'yon agad bago pa ang susunod nilang operasyon. "But let me be in the team until we accomplished this mission."
Simple lang naman ang naka-assign sa kanilang misyon at 'yon ay hulihin ang mga nagbaba at nagsusupply ng kontrabando sa Turtle Island sa Kanluran ng Africa. Ngunit ilang beses na naudlot 'yon matapos na ilan sa mga tao nila ang nauna ng madakip, habang nakikipagnegosasyon pa sila para sumuko na lamang ang mga illegal smugglers na walang dumadanak na dugo.
Malutong noon na nagmura si O'Brien. Marahas na tinanggal nito ang itinabing niya sa braso. Agad na tumambad dito ang kanang braso niya na tuluyan ng nawala ang natural na kulay niyon.
Nagmura muli ito saka galit na galit na binalingan siya. Kung gayon ay buo na ang pasya nito.
"I don't give a fuck on your ego First Lieutenant Tahira, but this is far more worst for me to set aside and still let you in my team. Thats why leave this place as soon the medical team give you clearance to do so," pinal na sabi na nito saka naglakad patungo sa nakabukas pa ring pinto noon. Bago tuluyang makalabas ay binalingan pa nito ang direksyon kung saan noon nakatayo si Keith. "Keith, do you think hiding this matter to me wouldn't put you in any position to get punished?"
Keith was startled. Her friend knew all along that anyone who tried to hide something as big issue like that would get punished. Ngunit nagawa naman siya ng kaibigang payuhan at tulungan kaya lamang ay nagmatigas siya. Sa huli ay nadamay pa tuloy ito.
Ilang beses siyang nakiusap na hindi na kailangan pang parusahan ang kasamahan para sa pagkakamali niya, subalit huli na nang bigyan siya ng head ng medical team ng clearance.
Nang gabing 'ding 'yon ay susunduin siya ng chopper para ihatid sa airport. Ibig sabihin din niyon ay tapos na ang misyon niya sa lugar. May inis man sa kanyang dibdib na pagkatapos ng pagsasakripisyo at hirap niya para matukoy ang ilang mga malalaking tao na nasa likod ng illegal smuggling ng mga matataas na kalibre ng baril, sa huli ay wala rin siya para tapusin 'yon. Heto at kailangan na niyang maunang bumalik sa mga kasamahan na 'di pa man niya tiyak kung nasa mabuting mga kamay.
Kahit papaano ay nagbabalik na ang dating natural na kulay ng kanyang braso, pero sinabihan pa rin siya ng doktor na ipahinga 'yon. Kapag nagmatigas pa rin siyang hindi sundin ang utos ng mga ito, may mas mataas pang kakausap sa kanya at mauuwi pa 'yon sa probation dahil sa paglabag niya sa kautusan ng kapitan ng kanilang platoon.
Malalim na bumuntong-hininga siya at sinipat ang suot na relong pambisig.
Masama ang loob na dinampot niya ang bag at isinukbit 'yon sa kanyang kabilang balikat.
Sa tagal-tagal niya sa training ngayon na lamang yata siya nakaramdam ng ganitong pagsisisi. If only she had been careful at that very moment, hindi sana siya nahulog sa isang bangin at naunang tumama ang kanang balikat niya sa isang matigas na bato.
Marahas na lamang na bumuga siya nang hangin. Madilim na niyon nang tawagin ang flight number niya. Pumupungay-pungay pa ang kanyang mata at makailang beses na rin siyang uminom ng painkillers para sa nananakit pa ring braso.
Nang mahanap niya ang seat number ay naupo agad siya roon. Walang masyadong sakay ang eroplano ng mga oras na 'yon kahit nasa first class seat siya nakaupo.
Naramdaman niya ang pagsisimulang pagbibigat ng mga talukap ng mata niya. She's fucking tired as hell. Iyon ang pinakaayaw niya sa lahat matapos na ilang araw matagtag ang katawan ng sobra, magpahinga lamang siya sandali agad na nararamdaman ng katawan ang pagod.
Paglipad ng eroplano ay agad siyang nakatulog.
***
"WELCOME to Ninoy's Aquino International Airport, welcome to the Philippines. Mabuhay. Inaanyayahan ang lahat na oras na lumapag ang eroplano, ay isuot po natin ang ating seatbelt at manatili po muna tayong lahat sa upuan..."
Nagising si Tahira sa boses ng babaeng nag-a-announce sa loob ng eroplano. Tila naalipungatan pa siya ng may mali yata sa narinig niyang lugar kung saan dapat lumapag ang eroplano. Agad niyang sinipat ang relong pambisig nang makitang ilang oras na pala siyang nakatulog. Hindi lamang 'yon, mali rin ang lugar kung saan dapat siya papunta ngayon.
Dapat ay nasa headquarters na siya ngayon subalit ano'ng ginagawa niya sa Pilipinas? May mali ba sa ticket na ibinigay sa kanya ng medical team?
Nagmamadaling hinanap niya sa loob ng bulsa ang ticket ng naturang flight na nasakyan niya. Pigil ang tibok ng puso niyang baka nagkamali lamang talaga ang naibigay sa kanya, baka may kaunting pagkakamali lamang. May pagkakataon pa siyang bumalik kapag sa California niya ang nakalagay dapat na bansa roon nang bagsak pareho ang balikat niyang Pilipinas nga talaga ang nakalagay.
How? What just happened? Hindi niya napansin 'yon dahil sa antok maging magkahalong inis niya dahil sa sapilitang pagpapaalis sa kanya sa misyon.
Hindi agad siya nagpanic. Bagkus ay kinuha niya sa loob ng bag ang cellphone makaraang lumapag ang eroplano at makababa siya.
Hanggang ngayon 'di pa rin siya mapakali dahil walang sumasagot sa kabilang linya. Nang makatanggap siya ng automated message na walang makasasagot sa kanya ng mga oras na 'yon kaya wala siyang choice kung 'di tawagan na ang headquarters.
Mabilis naman na may sumagot sa kanya roon.
"Hi, this is First Lieutenant Tahira Sandoval. I think there is a mistake in my plane ticket's destination," aniya sa sumagot ng tawag.
"We're sorry to hear that but we're not the ones who bought the ticket. You can confirm this to your platoon captain, I will inform him that you called to further discuss this matter with him."
Iyon lamang at 'di na siya in-entertain pa ng kausap. Mukhang pati 'yon ay busy na rin sa mga nangyayari at sunod-sunod na misyon na ibinibigay sa unit nila.
Sa huli ay pakiramdam niya ay nagsayang lamang siya ng oras na tumawag.
Inilibot niya ang paningin kung nasaan siya ngayon. Ano naman ang gagawin niya sa lugar roon? Ni wala nga sa hinuha niyang mapupunta sa lugar na halos wala siyang kaide-ideya nang pasikot-sikot maging pupuntahan doon.
Ilang sandali lamang ay nakatanggap siya ng tawag. Iyon ay mula naman sa kanyang kapitan na si O'Brien.
"There's no mistake in your plane ticket, Sandoval. Enjoy your stay in your home country, I know at some point you missed that place. Don't worry, you won't get any reports and calls from us while you're there. Just have fun and rest. This will also serve as your early vacation."
Ibang-iba ang boses na 'yon ng taong ilang beses siyang minura dahil sa kamalian niya at nagmatigas na maalis siya sa misyon. Wala naman siyang sama ng loob kay O'Brien. Tama naman ang lahat ng sinabi niyon na kung ipipilit niya ang gusto ay magiging malaking pabigat lamang siya sa grupo.
Nang subukan niyang tawagan ang numero ay wala ng sumasagot sa kabilang linya. Sigurado siyang busy na muli ang mga 'yon at ayaw na niyang abalahin pa.
Damn it!
Sa ngayon ang maganda na muna niyang gawin ay maghanap ng matutuluyang hotel saka naman may tila nahulog sa loob ng sobre na inabot din sa kanya kagabi. Dinampot niya ang isang key card na laman din ng inabot sa kanya.
Naguguluhang tila pinlano ang lahat ng 'yon ng maigi ni O'Brien. Kaya kahit papaano ay gumaan ang loob niya. Agad na naghanap siya ng taxi. Mabuti na lamang at malapit lamang ang hotel na tutuluyan niya nang ilang minuto lamang ay makarating siya roon at agad na dumeretso sa kanyang tinutuluyang hotel suite.
Nagkakamali ang una na magbabakasyon siya sa lugar na 'yon. Babalik din siya sa headquarters pagkatapos na magpahinga at matulog.
Hindi na niyang namalayan ang oras nang magising nang hapon na 'yon dahil sa kumakalam na sikmura. Balak sana niyang tumawag ng hotel service nang magbago ang isip niyang sandaling lumabas muna para makapaglakad-lakad. Kapag nanatili lamang siya sa malambot niyang kama lalo lamang siyang mararamdaman ang mabagal na oras na dumaan.
Nagsuot siya ng simpleng hoodie at sweatpants pang-ibaba. Nagsuot na rin siya ng rubber shoes para komportable siya.
'Di naman siya magtatagal dahil hindi pamilyar sa kanya ang lugar. Tama ang sinabi ni O'Brien na doon siya isinalang sa bansang 'yon kung saan siya nito ipinadala. Subalit walang magandang ala-ala ang katulad niya sa bansang 'yon. Pait lamang ang ipinapaalala niyon sa kanya kaya alam na niyang wala siyang aasahan sa pananatili roon, saka wala rin naman siyang kamag-anak at kakilalang maaari niyang makita roon.
Nang mayamaya'y matigilan siya sa kanyang pagkain ng tanghalian.
"Ira!" pumailanlang sa loob ng restaurant na 'yon ang boses ng isang lalaking halos tinakbo na ang distansya nito makalapit lamang sa kanya.
"Jeremy?"
Bumakas sa mukha ng taong 'yon ang tila galak na hindi ito nagkamali na makilala siya.
"What are you doing to this place?" bungad na tanong nito sa kanya. Bumaba ang tingin nito sa pagkaing nasa mesa niya. "Bakasyon?" usisa na nitong makita siyang kumakain sa lugar na 'yon.
"Yeah," tipid na sagot niya na totoo naman ngunit ni saang banda ay 'di niya maramdamang nasa bakasyon siya.
"You looked disappointed."
Who wouldn't? Pero 'di niya na lamang pinansin 'yon nang makitang maupo na ito sa harap ng kanyang upuan.
"I thought we will not see each other again."
Hinayaan niya ang sariling pakinggan na lamang ang dating miyembro ng corps na maagang nagretiro dahil sa natamo nitong injury, at walang dudang kahit lumipas na ang mahabang panahon makikita pa rin sa mukha nito ang sugat na nakuha sa huling misyon na na-assign dito. Sa laki ng peklat na 'yon sa kanang bahagi nito ng mukha maging ang kanang mata ay tuluyan na ring nawalan ng kakayahang makakita.
"Sa tingin ko 'di ka nag-e-enjoy sa bakasyon mo." Wala na siyang narinig na balita tungkol sa dating kasamahan, ngunit ang marinig na magsalita ito ng fluent na tagalog, tiyak niyang matagal-tagal na itong nananatili sa bansang 'yon.
"I'll be going back tomorrow after I took some rest tonight," aniya. Kaya wala na rin siyang rason para magliwaliw pa sa lugar na 'yon.
"Babalik ka na agad sa trabaho?"
Kung alam din siguro nitong kararating lang niya ng bansa kaninang umaga hindi lamang 'yon ang magiging reaksyon nito.
"I don't have anything else to do in this place."
"Did O'Brien only sent you here without your consent? How come you don't have anything else to do here? There's a lot things that you can start doing, like playing around with men and... you know having wet sex."
She's not interested in those that kind of things. Kaya habang maaga pa ay nagpakita na agad siya ng disgusto sa bagay na 'yon.
Humaba tuloy ang nguso ni Jeremy sa naging reaksyon niya. Hindi siya nagpunta roon para maglaro, wala siyang oras para sa ganoong bagay. Saka kailangan na niyang bumalik bukas sa headquarters. Tiyak na nais na rin siyang makausap ng isang tao ngayon sa opisina niyon sa lalong madaling panahon.
Maisip pa lamang niya ang bagay na 'yon tila nawalan na siya ng ganang kumain pa ng tanghalian niya.
"‘Di ka pa rin talaga nagbabago Irah. You would still put your job as your number one priority. ‘Di na rin dapat siguro akong magulat na tumanda kang dalaga sa linya ng trabahong mayro'n tayo. I hope you won't regret any of this in the future."
She will not. Batid niyang nababagot na rin noon ang kaharap na kausapin siya, dahil palaging tipid at katahimikan ang mga tugon niya. Simula siguro nang maging marine officer siya, nawalan na siya ng ganang makipag-usap ng matagal lalo na kung alam niyang wala rin siyang sasabihin na maganda.
Ngunit nang buong akala niya ay sumuko na ito ay saka namang may inabot ito sa kanyang tila maliit na card.
Salubong ang kilay niyang nag-angat ng tingin. Hindi man niya ibuka ang bibig alam na ng kaharap ang katanungan tumatakbo sa isipan niya.
Iginaya muna nito ang paningin sa buong lugar bago nagsalita.
"That's an event pass," wika nito na tinitiyak na sapat pa rin ang lakas ng boses upang marinig niya. "Alam mo ba ano'ng trabaho ang mayro'n ako ngayon?"
How would she know something as trivial as that? Manghuhula na ba siya ngayon?
Saka wala rin siyang interes na malaman 'yon kaya inusod niya pabalik ang tinutukoy nitong pass.
Halatang nagulat noon si Jeremy sa ginawa niya base pa lamang sa reaksyong bumakas sa mukha nito. Ngunit 'di na 'yon mahalaga pa sa kanya. Gusto na lamang niyang ubusin ang pagkaing nasa mesa at muling bumalik sa kanyang hotel suite. Kung 'di rin kasi siya nagkakamali, kaya ito nasangkot sa isang insidente sa isa nitong misyon ay may gusto ito sa isang kasamahan subalit nang maabot 'yon ng pagsabog. Sinubukan ng unang iligtas ang iniirog kaya naman nadamay ito sa pagsabog dahilan kaya rin nagkaroon ng malaking pinsala sa mukha nito.
Nothing good will come if she let herself get involved to him.
"May party na magaganap sa event place ng hotel na 'to. Alam kong dito ka nag-i-stay ngayon, kaya imbes na magkulong ka sa suite mo buong stay mo. Bakit hindi ka na lang um-attend ng party para magpakasaya," mungkahi nito na hindi pa rin bumenta sa kanya.
Wasting her time when she's listening to him is already enough for her.
"‘Di mo man lang ba itatanong kung para kanino ang party na 'yon?"
She's starting to hate Jeremy for making her curious of what the hell is he trying to say.
"Its Heisen Lindbergh's birthday party."
Nang matigilan siya sa pangalang binanggit na 'yon nito.
Napatitig siya sa mukha ng kaharap na noo'y nagtaas-baba na ang kilay at may nakapaskil na ring mapaglarong ngiti sa mga labi.
"Are you still not interested?"
Maging siya ay 'di na rin mapigilang mapangiti ng mga oras na 'yon nang mabasa niya ang nasa isipan nito.
"I'll take this offer," aniya nang bawiin ang card na kaninang ibinigay nito.
"Great!" Tumayo na ito at sandaling pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. "Hindi ka naman siguro pupunta ng party na kung 'di ka nakauniporme sa marine ay naka-comfortable attire ka?"
Bakit? Iyon din kasi ang nasa isip niyang suotin, tutal wala rin namang nakahanda sa kanyang damit sa mga ganoong okasyon kaya kung ano na lamang ang suotin niya ay ayos lang. Ang mahalaga hindi siya magmukhang kahina-hinala. Saka kahit ano naman ang suotin niya ay bumabagay naman sa blonde pixie cut na buhok niya.
"You know what, I can already imagine what's in your mind right now. You can't, baka 'di ka pa papasukin ng security kahit na may pass ka. Don't worry, just give me your room number and I'll call someone to deliver a dress for you."
Tatanggi na sana siya kaya lamang ay may nauna nang tumawag dito kaya't nagmamadali na tuloy itong umalis. Hindi rin naman niya nasabi ang hotel suite number niya kaya ayos lang din.
Mabilis na inubos niya ang pagkain na nasa mesa bago nagmamadaling bumalik sa kanyang suite. Hinagilap niya ang mga gamit sa loob ng dalang malaking military bag.
Mayamaya'y agad siyang nangalap ng impormasyon tungkol sa binanggit na tao ni Jeremy sa kanya kanina.
'Di niya alam kung sinuswerte siya ng araw na 'yon na maaari niyang makatagpo ang lider ng may pinakamalaking organization na nagbebenta ng mga illegal na baril at mga war machinery sa mga sindikato ng gitnang Europa at sa kanluran.
Handa na siya nang gabing 'yon. Nagsuot siya ng pinakamaayos na damit na mayroon siya sa mga dalang gamit. Sandaling bumalik siya sa harap ng salamin upang i-check muli ang sarili.
She never thought that would also be the last time she would see herself like the woman she used to be.
Sobrang sakit ng ulo niya, pakiramdam niya ay tila binibiyak 'yon nang unti-unti siyang magdilat ng mga mata. Animo'y umiikot ang buong kapaligiran niya nang pilit siyang bumangon mula sa kamang hinigaan.
Napangiwi siya nang may kakaibang pananakit na naramdaman sa pagitan ng kanyang mga hita nang tuluyang makatayo siya.
Hanggang sa nanlalaki pareho ang mga matang nagtaka siyang magising sa 'di pamilyar na kwarto.
Maging nang pilitin niyang alalahanin ang nangyari kagabi nang magtungo siya sa birthday party ng pakay na tao na si Heisen Lindbergh.
But what the heck is she doing to this room... nang dahan-dahan na nilingon niya ang napansing presensya ng taong kasama rin niya sa loob ng kwartong 'yon.
Malalim na napasinghap siya nang makitang nakahiga roon si Heisen sa kama kung saan siya nakatulog marahil nang nagdaang gabi, nang bumaba ang paningin niya sa hubo't h***d na niyang katawan ng mga oras na 'yon.
Iiling-iling na siya at 'di maiwasang matawa sa unang ideya na pumasok sa isip niya.
‘Am I crazy enough to have a sex with this guy? The most wanted illegal firearms dealer and the grandson of the leader of the biggest Russian mafia group?’
However, the pain she felt between her thighs can already answer those questions.
Fuck.
***
"I ALREADY knew that this would happen! Look at you! You looked like a disaster Irah!" malakas na sigaw ni Jeremy nang makita si Tahira na ang suot lamang ay black slacks at white blouse.Kung tutuusi'y naka-corporate attire siya ng gabing 'yon at hindi naman siya mukhang saling ketket sa suot niya kaya naman 'di niya maintindihan ang disgusto sa mukha ng kakilala nang iginaya siya nito papasok sa isang silid na marahil inuukopa nitong private room."I don't think there is something wrong about my attire. I looked way formal for them not to allow me to enter the venue," wika niya kay Jeremy na noo'y naghahagilap ng damit mula sa nakahanger na mga dresses.Hindi naman niya kailangang magmukhang importanteng tao. Ayaw niyang masyadong kumuha ng atensyon sa ibang naroon at mabulilyaso pa ang plano niyang mangalap ng impormasyon. Subalit wala yatang pumasok sa tainga ng lalaking ngayon ay lumapit sa kanya at tila tinansya pa sa harap niya ang isang black
ILANG sandali muna ang nagdaan bago napagtanto ni Tahira ang malaking kamaliang nagawa nang nagdaang gabi. Hindi pa rin makapaniwala ay naitakip na lamang niya ang dalawang kamay sa bibig nang malalim na napasinghap siya. Iniiwasang gumawa ng ingay habang ‘di pa rin niya maialis ang paningin sa kasalukuyang natutulog noon na si Heisen.Tila may nag-uudyok sa kanyang isipan na sunggaban ang lalaki sa leeg hanggang sa ito ay mamatay. Pero ang matagal niyang pagtitig sa mukha nito, nanariwa bigla sa kanyang memorya ang bawat maingat na paghaplos ng mga kamay at pagdampi ng labi nito sa kanyang katawan sa nagdaang gabi. Sa isang iglap, nabago niyon ang tangka sana niyang gawin.Napamura na lamang siya nang hagilipan ang suot kagabi na damit maging ang mga nagkalat na panloob sa sahig. Hindi na niya namalayan kung gaano niya kabilis na nagawa ‘yon nang maingat niyang buksan ang pinto ng kwarto. Muntik pa siyang mapatili nang may makitang nakatayo sa labas
MARAHAS na bumuga ng hangin si Tahira nang pinanindigan niyang hindi isulat ang pangalan ng ama ng batang nasa kanyang sinapupunan. 'Di lingid sa kaalaman niya ang kakaibang tingin na ipinukol sa kanya ng isang opisyal na naroon na katatapos lamang siyang i-interbyu."Are you sure with your decision to leave the army?" tanong muli niyon ng makita ang pag-aalinlangan sa mukha niyang lumabas mula sa opisina nito.She sacrificed more than enough already to get there. God knows that. Pero ang pananatili pa niya roon ay maglalagay lamang sa alanganin sa buhay niya. Kaya pinili niyang maagang magretiro, ang katwiran niya ay nais niyang pagtuunan ng atensyon ang kanyang maselan na pagbubuntis. Hindi naman talaga niya iyon kailangang gawin na umalis siya. May ilan pa ngang magandang ipinayo sa kanyang gawin, subalit pagkatapos niyon ay kailangan niya rin mamili kung ilalagay muna niya ang anak sa pasilidad na lugar dahil na rin sa panganib ng kanyang trabah
"SHE WAS all right. But I couldn't stay there anymore. After I checked that everything is okay and she was in a safe place. I left the place. I don't want to involve your grandmother to my own problem. I'm very sorry, and thank you for everything, Keith."Iyon lamang ang huling mensahe niya matapos na ipadala iyon sa kanyang kaibigan. Masyado ng mapanganib para sa kanyang manatili roon, at halatang napansin din iyon ng ginang kaya ito na rin mismo ang naghanda ng masasakyan niya paalis sa lugar. Pero imbes na dumeretso sa airport katulad ng bilin niyon, nakiusap siya sa driver na ibaba na lamang siya sa isang bus stop.Nag-abot din siya ng ilang papel na pera roon upang makumbinsi na hayaan na siya.Makaraang maibaba siya. Tuloy-tuloy na naglakad siya papasok sa isang gun shop para bumili naman ng bala ng kanyang dalang baril. Hindi kasi siya sigurado kung sasapat ang laman niyon para sa paggagamitan niya. Mabuti ng sobra kaysa kulangin siya.
TIRIK NA TIRIK ang araw noon sa isang probinsya sa Pilipinas kung saan ang destinasyon na tinungo ni Tahira. Pinunasan niya ang namuong pawis sa kanyang noo nang matagal na tumayo siya sa harap ng isang talyer.Pinasadahan niya ng tingin ang hawak na kapirasong papel. Tiniyak ang address na nakasulat doon nang mahagip ng mga mata niya ang isang lalaking nagmamartilyo sa bahaging gilid."Magandang hapon po," magalang na bati niya sa taong nakita roon. "May hinahanap ho ako. Kilala n'yo ho ba si Ipe Lopez?" tanong niya.Ilang sandali ang dumaan nang harapin na siya niyon.Tila siniyasat pa siya ulo hanggang paa nito. Ganoon din naman ang ginawa niya. Kung 'di siya nagkakamali ay marahil nasa higit apatnapu na ang edad nito. Balot ng grasa ang suot nitong puting sando na hapit na hapit sa buong katawan nito. Halatang tagtag ito masyado sa trabaho kaya fit ang physique. Sanay na siyang makakita ng ganoon lalo na sa mga sundalo sa i
TATLONG TAON na ang nakararaan nang bumalik ng Pilipinas si Tahira. Nagtungo siya sa San Agustin, kung saan ang sinabi sa kanya ng ginang na magiging ligtas siya. Doon na rin siya nakapanganak ng isang sanggol na babae. Payak lamang ang pamumuhay, malayo rin naman ang tahanan na kanyang tinutuluyan kasama ang anak sa kabihasnan habang nagtatrabaho naman siya sa isang talyer na pagmamay-ari ni Ipe. Taas ang dalawang kamay. Hindi siya nagpatinag ng tingin sa mga kahina-hinalang mga lalaki na nakatutok noon ang mga hawak na baril sa kanila ng kasamang si Ipe. Batid kasi niyang oras na magpanic ay lalo lamang palalalain niyon ang sitwasyon. Pero 'di niya inaasahan na ganoon ang tatambad sa kanila pagpunta nila sa lugar na sinabi sa tawag ng isang customer. Dapat mas naging maingat siya dahil sa kahit saang lugar ay maaaring may panganib. "Kalmado ka lang..." mahinang wika ni Ipe sa kanya. She's calm. Hindi agad siya nagpaapekto sa higit limang baril na na
“IS THERE something wrong?” Doon lamang nabawi ni Tahira ang nawalang composure dahil sa lalaki na wala sa hinuhang niyang makikitang muli.Mahigpit na hinawakan ni Ipe ang kanyang braso upang hilahin siya katabi nito.“Pasensya na ho, bago lang kasi ang kapatid ko sa ganitong trabaho kaya minsan ay nagkakamali siya,” paliwanag niyon saka inabot sa kanya ang nabitawang birador.“Is that so, don’t worry, it’s okay,” ani Pavlov. Binalingan niyon si Heisen na batid niyang nakatuon ang atensyon ngayon sa kanya. “This way sir.”Nakababa na niyon ang paningin niya sa kanyang nanlalamig na mga paa na kahit alam niyang malayo na ang lalaking dahilan niyon, damang-dama pa rin niya ang pagririgodon ng puso. Pakiramdam niya ay unti-unti siyang nilalamon ng takot.Yes, she suddenly felt being scared all of a sudden.“Ayos ka lang ba? Namumutla ka ata?” puna na niyon
"MAMA!" malakas na sigaw ng batang babae nang makitang kapapasok pa lamang ng kahoy na bahay si Tahira. Tumigil sa Tahira sa kalagitnaan upang punasan ang pawis na namuo niyon sa kanyang noo mula sa ilang kilometro niyang pagtakbo makapunta lamang sa sinabi sa kanyang bahay ni Ipe kanina kung saan dinala ang anak.Nag-alangan ding yumakap ang anak sa ginawa niyang pagpunas noon sa kanyang pawisan na mukha. "Abby, my baby girl!" nakangiting tawag niya sa kanyang anak. Siya na sa pagkakataong iyon ang lumapit at buhatin ang bata nang bigla na lamang iyon na umiyak. "Hush, bakit ka umiiyak? Nandito na si mama 'di ba?""S—Si Tito Ipe po, madami siya dugo kanina," wika niyon na patuloy pa rin sa pag-iyak.Niyakap niya ang bata at tinapik-tapik ang likod niyon upang patahanin. Sakto namang kasama ng kanyang anak ang panganay ni Ipe na si Tonton. Katulad ng kanyang anak ay bumuhos na rin ang luha sa mga mata niyon."Si Kuya Ipe?" agad niyang tanong sa batang lalaki.Ibinaba niya ang anak n
“YOU ANSWERED my call. I even told you that the place where we were hiding is far already from the people who are chasing after us,” Isaiah can’t help but saying. Tinutukoy niya ang eksaktong lokasyon na ibinigay niya noong tinawagan niya si Gregor upang humingi ng tulong.Narinig niyang tumikhim ito at napansing hindi agad nakapagsalita. Hindi niya kasi maiwasang itanong. Mali ata ang numero na ibinigay nito sa kanya na maaari niyang tawagan gayong wala rin siyang narinig sa kabilang linya noong mga oras na ‘yon.She was walking right beside Gregor. They are headed to Heisen’s private room in the hospital where she was also admitted one week ago.“It was not me who answered your call that time. I’m sorry,” Gregor said.So, who?Dalawang hakbang ang layo mula sa kanya ng sinusundan nang huminto iyon sa tapat ng isang kwarto. May mga tao nakatayo sa labas niyon na batid niyang nagbabantay sa amo na nasa loob.“Stay here,” utos sa kanya. Agad naman siyang tumalima.Naiwan siya sa labas
HINDI NGA malayo ang lugar na pinuntahan nina Isaiah. Ilang kanto lang iyon at ‘di rin tumagal ang kanilang biyahe na inabot lamang ng halos sampung minuto ngunit kapansin-pansin na malapit ang lugar na iyon sa isang pier at halos wala ring katao-tao bukod sa kanilang tatlo.Doon na siya nakakutob ng panganib. Kahit saan tingnan na banda ay ‘di maikakailang kakaiba ang transaction na iyon kumpara sa dating ginagawa nila.Mabilis na inilibot niya ang paningin. Agad na nahagip ng mata niya ang nakasisilaw na maliit na ilaw sa kalayuan. Isang sniper.Humigpit ang hawak niya sa briefcase.Sa bandang likod naman kahit ang napakaliit at mahinang ingay na iyon ay alam na niyang napapalibutan na sila. This stupid Klev, what kind of transaction are they about to do? She did not ask not because she’s not interested. Ngunit alam niyang wala ring balak na sabihin iyon sa kanya ni Klev.Sa ganoong klaseng lugar… they are surrounded. Pero nakatawa lamang ang hinayupak sa tabi niya. Maliit lamang si
BATID ni Tahira ang kaguluhang nangyayari matapos na matumba si Heisen sa kanyang harapan. She didn't mean that to happen. Pero kailangan niyang protektahan ang sarili. Mahigpit ang kapit ng kanyang anak sa suot niyang damit. Habang pinapanood naman niyang pagtulungang na buhatin si Heisen ng mga tauhan nito."I didn't mean to do that," paliwanag niya kay Pavlov.Ngunit nahuli niyang nakatingin iyon sa kanyang anak na itinago niya sa kanyang bisig."You stay here. 'Wag kang mag-alala, hindi namin kayo sasaktan. May kailangan pa akong malaman mula sa 'yo," wika ni Pavlov sa kanya bago ito umalis.Wala siyang nagawa kung hindi panoorin ang papalayong pigura nito.Kagat-kagat niya ang ibabang labi nang maiwan siyang kasama ang anak. Patuloy pa ring nagririgodon ang puso niya habang naghihintay na bumalik si Pavlov.Nang mayamaya lang ay bumukas ang pinto. Niluwa niyon ang isang babae na may hawak na tray. Naguguluhan pa siya nang tumayo."Inutusan po ako ni Mr. Gregor para dalhan kayo n
HINDI nga nagkamali si Tahira sa kanyang pasya na balikan ang lugar kung nasaan sina Ipe. Nasaksihan niya kung paanong kaladkarin palabas ng bahay si Ipe kahit nagdurugo pa ng mga oras na 'yon ang nasaktang braso kanina. "Saan n'yo dadalhin ang asawa ko?!" bulalas ni Marie nang makipag-agawan na mabawi ang asawa na lalo lamang ininda ang braso na patuloy ang pag-agos ng dugo mula sa tama ng bala.Muling tinakpan niya ang mga mata ng anak nang lumapit siya."I—Isah?" 'di makapaniwalang naiusal ni Marie nang makita siyang naroon. Ngunit agad ding ibinaling nito ang atensyon sa asawang naisakay na noon sa sasakyan.Doon naman dumako ang mga mata niya nang agad na makilala ang lalaking lider ng mga iyon. She only thought that this would happen. Kaya bumalik siya. Batid niyang natuon na ng mga oras na 'yon ang atensyon ni Pavlov sa kanya. It's already 4 AM. Lahat ng tao ay mahimbing na ang tulog ng mga oras na 'yon."Isah... pakiusap. Tulungan mo si Ipe. Sabi nila ay kukunin nila ang as
"MAMA!" malakas na sigaw ng batang babae nang makitang kapapasok pa lamang ng kahoy na bahay si Tahira. Tumigil sa Tahira sa kalagitnaan upang punasan ang pawis na namuo niyon sa kanyang noo mula sa ilang kilometro niyang pagtakbo makapunta lamang sa sinabi sa kanyang bahay ni Ipe kanina kung saan dinala ang anak.Nag-alangan ding yumakap ang anak sa ginawa niyang pagpunas noon sa kanyang pawisan na mukha. "Abby, my baby girl!" nakangiting tawag niya sa kanyang anak. Siya na sa pagkakataong iyon ang lumapit at buhatin ang bata nang bigla na lamang iyon na umiyak. "Hush, bakit ka umiiyak? Nandito na si mama 'di ba?""S—Si Tito Ipe po, madami siya dugo kanina," wika niyon na patuloy pa rin sa pag-iyak.Niyakap niya ang bata at tinapik-tapik ang likod niyon upang patahanin. Sakto namang kasama ng kanyang anak ang panganay ni Ipe na si Tonton. Katulad ng kanyang anak ay bumuhos na rin ang luha sa mga mata niyon."Si Kuya Ipe?" agad niyang tanong sa batang lalaki.Ibinaba niya ang anak n
“IS THERE something wrong?” Doon lamang nabawi ni Tahira ang nawalang composure dahil sa lalaki na wala sa hinuhang niyang makikitang muli.Mahigpit na hinawakan ni Ipe ang kanyang braso upang hilahin siya katabi nito.“Pasensya na ho, bago lang kasi ang kapatid ko sa ganitong trabaho kaya minsan ay nagkakamali siya,” paliwanag niyon saka inabot sa kanya ang nabitawang birador.“Is that so, don’t worry, it’s okay,” ani Pavlov. Binalingan niyon si Heisen na batid niyang nakatuon ang atensyon ngayon sa kanya. “This way sir.”Nakababa na niyon ang paningin niya sa kanyang nanlalamig na mga paa na kahit alam niyang malayo na ang lalaking dahilan niyon, damang-dama pa rin niya ang pagririgodon ng puso. Pakiramdam niya ay unti-unti siyang nilalamon ng takot.Yes, she suddenly felt being scared all of a sudden.“Ayos ka lang ba? Namumutla ka ata?” puna na niyon
TATLONG TAON na ang nakararaan nang bumalik ng Pilipinas si Tahira. Nagtungo siya sa San Agustin, kung saan ang sinabi sa kanya ng ginang na magiging ligtas siya. Doon na rin siya nakapanganak ng isang sanggol na babae. Payak lamang ang pamumuhay, malayo rin naman ang tahanan na kanyang tinutuluyan kasama ang anak sa kabihasnan habang nagtatrabaho naman siya sa isang talyer na pagmamay-ari ni Ipe. Taas ang dalawang kamay. Hindi siya nagpatinag ng tingin sa mga kahina-hinalang mga lalaki na nakatutok noon ang mga hawak na baril sa kanila ng kasamang si Ipe. Batid kasi niyang oras na magpanic ay lalo lamang palalalain niyon ang sitwasyon. Pero 'di niya inaasahan na ganoon ang tatambad sa kanila pagpunta nila sa lugar na sinabi sa tawag ng isang customer. Dapat mas naging maingat siya dahil sa kahit saang lugar ay maaaring may panganib. "Kalmado ka lang..." mahinang wika ni Ipe sa kanya. She's calm. Hindi agad siya nagpaapekto sa higit limang baril na na
TIRIK NA TIRIK ang araw noon sa isang probinsya sa Pilipinas kung saan ang destinasyon na tinungo ni Tahira. Pinunasan niya ang namuong pawis sa kanyang noo nang matagal na tumayo siya sa harap ng isang talyer.Pinasadahan niya ng tingin ang hawak na kapirasong papel. Tiniyak ang address na nakasulat doon nang mahagip ng mga mata niya ang isang lalaking nagmamartilyo sa bahaging gilid."Magandang hapon po," magalang na bati niya sa taong nakita roon. "May hinahanap ho ako. Kilala n'yo ho ba si Ipe Lopez?" tanong niya.Ilang sandali ang dumaan nang harapin na siya niyon.Tila siniyasat pa siya ulo hanggang paa nito. Ganoon din naman ang ginawa niya. Kung 'di siya nagkakamali ay marahil nasa higit apatnapu na ang edad nito. Balot ng grasa ang suot nitong puting sando na hapit na hapit sa buong katawan nito. Halatang tagtag ito masyado sa trabaho kaya fit ang physique. Sanay na siyang makakita ng ganoon lalo na sa mga sundalo sa i
"SHE WAS all right. But I couldn't stay there anymore. After I checked that everything is okay and she was in a safe place. I left the place. I don't want to involve your grandmother to my own problem. I'm very sorry, and thank you for everything, Keith."Iyon lamang ang huling mensahe niya matapos na ipadala iyon sa kanyang kaibigan. Masyado ng mapanganib para sa kanyang manatili roon, at halatang napansin din iyon ng ginang kaya ito na rin mismo ang naghanda ng masasakyan niya paalis sa lugar. Pero imbes na dumeretso sa airport katulad ng bilin niyon, nakiusap siya sa driver na ibaba na lamang siya sa isang bus stop.Nag-abot din siya ng ilang papel na pera roon upang makumbinsi na hayaan na siya.Makaraang maibaba siya. Tuloy-tuloy na naglakad siya papasok sa isang gun shop para bumili naman ng bala ng kanyang dalang baril. Hindi kasi siya sigurado kung sasapat ang laman niyon para sa paggagamitan niya. Mabuti ng sobra kaysa kulangin siya.