Home / All / The Witch has Fallen / The Witch has Fallen - 9

Share

The Witch has Fallen - 9

Author: We RISKIES
last update Last Updated: 2021-08-09 23:46:51

"Ano 'to?" tinignan ko ang paper bag na bigay ni Vin. Yes, I know his name now and he said its much better if we call each other by our name. Pero medyo ilang parin akong tawagin siya sa mismong pangalan niya.

And he said that we're friends now. Feeling ko nga na guilty lang siya sa ginawa niya sa akin kaya siya biglaang nagbait-baitan sa akin pero okay lang. Ako naman ang nagbebenefit. 

"Just,.. just open it." naiinip niyang saad at umiwas ng tingin. Napakunot ang noo ko. Anong meron sa lalaking to? 

Nang hindi ako kumilos, kinuha niya ang paper bag at siya na mismo ang nagbukas nito. 

"Ako na nga!, ang bagal-bagal eh." inis niyang saad. Kinuha niya ang box mula sa paper bag at binuksan ito. 

Nasa may garden area kami ng school. Parang illegal tuloy ang ginagawa namin kasi nasa tagong lugar kami na hindi masyadong kita ng ibang estudyante kami nakapwesto. Nakaupo kami sa paikot na bleacher na gawa sa semento. Natatakpan kami ng puno kaya hindi talaga kami masyadong kita ng ibang estudyante.

Late na nga ako eh pero alam ko namang late din dumating yung prof namin sa subject na 'yon kaya kampante ako. 

"Oh? bumili ka pala ng bagong phone?." tanong ko sa kanya. Wala sa sarili itong tumango habang seryoso paring kinakalikot ang isang andriod touch screen phone. Sana all madaming pera. 

"Anong oras na pala?." tanong ko ulit. Wala na kasi masyadong estudyante ang dumadaan, baka masobrahan ako sa late. 

Napatigil siya sa pagkalikot ng phone at saglit na tumingin sa phone "10:50" tugon nito na nagpalaki ng mata ko. 50?! akala ko 10:30 pa!

Dali-dali akong tumayo "Senyorito, una na ako. Late na ako." paalam ko sa kanya. Napatigil siya sa ginagawa at tumingin sa akin. 

"Ha?, ah, oh" tumayo na rin ito at binigay sa akin ang phone. Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa phone na bigay niya. 

"Luh? anong gagawin ko dito?" naguguluhan kong tanong sa kanya. 

"Gamitin mo. Wala kang phone diba?" napaismid ako sa sagot nito. 

"Ayoko nga! Wala akong pera pambayad. Hinuhulug-hulugan ko pa nga tuition ko eh."  sinubukan kong ibalik sa kanya ang phone pero hindi niya tinatanggap. 

"Kailangan mo ng phone dahil diyan kita tatawagan para mapadali ang komunikasyon natin at hindi 'yan sa'yo kaya huwag mong ipapamigay ang number niyan at dapat ako lang ang laman ng contacts niyan." napataas ang kilay ko at tinignan ang phone. Oww ganun? edi okay. 

"Pwedeng gamitin ko pangpicture?" tanong ko sa kanya. Kumunot ang noo nito, babawiin ko na sana ang sinabi ko nang magsalita siya. 

"Pwede pero dapat isesend mo sa akin ang mga picture na kinuha mo." nagliwanag ang mukha ko sa sinabi nito. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kondisyong binigay niya. 

Kahit alam kong late na ako ay patalon-talon ko pang tinungo ang room namin. Excited gamitin ang phone ko-ah este phone ni Vinedict na pinahiram sa akin hehe. 

Papunta na ako sa pelengke para puntahan si Dindi nang mapatingin ako sa langit. Ang ganda, pinaghalong kulay kahel at dilaw ang kalangitan at papalubog na ang araw. Naglakad lang ako dahil maaga naman akong natapos sa klase at para na rin makatipid sa pamasahe. 

Napangiti ako at kunwareng hinaharangan ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko nang may maisip ako. 

Agad kong kinuha ang phone ni Senyorito at inopen ang camera. Nakailang click ako at inaayos ayos pa ang angle ng camera para mas maganda ang kuha. Nagselfie rin ako at isa lang ang masasabi ko - ang ganda ko. 

Ngingisi-ngisi kong tinitignan ang mga kinuha kong picture nang biglang tumunog ito ng pagkalakas-lakas at nag-iba ang larawan sa screen. Muntik ko na itong mahulog buti nalang ay nasalo ko.

Incoming call

Vin

Reject       Accept

 Oh? bakit tumatawag 'to? ano nanaman kaya kailangan ne'to? I swipe the reject button. Pinasok ko na ulit ito sa bag at naglakad na ulit.  Nagring ulit ito kaya kinuha ko. Pagkakuha ko sa phone ay saktong namatay ang tawag at may message na pumasok. 

Frrom: Vin

Answer my call.

Napasimangot ako at hindi pinansin ang text niya.  Ipapasok ko na sana ulit sa bag nang tumunog nanaman ito. Napairap ako at chineck ang text ni Vin. 

From: Vin

Answer my call. Useless ang pagpapahiram ko kung hindi mo sasagutin ang tawag ko. 

Mas lalong sumimangot ang mukha ko. Nagsisisi tuloy akong tinanggap ang phone na'to. Ngayon may way na siya para istorbohin ang tahimik kong buhay. 

Tumigil ako sa paglalakad at hinintay ang tawag niya. Hindi nagtagal ay tumawag nga ito at sinagot ko agad nang wala ng masabi. 

"Hello po!" sinadya kong pasiglahin ang boses ko. 

"Why are you not answering my call?!" inis niyang bungad sa akin. Nailayo ko ang phone dahil ang sakit sa tenga ng sigaw niya. 

"N-naglalakad po kasi ako. Baka mabunggo ako 'pag sinagot ko." pagdadahilan ko pa. Well totoo naman na naglalakad ako.

Narinig kong nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. "Text me if you're free tonight."

"Po? bakit?"

"Pupuntahan kita. We'll discuss something."

"Wala po akong load." pagdadahilan ko. Ayaw ko 'ring magpaload no. Wala akong pera.

"May load na 'yan. Just text me, 'kay? got to go. Bye." pagmamadali niyang saad at binaba na ang tawag. Mukhang busy ata siya. Buti naman kung ganun.

Tinago ko na ang phone ko. Pagkarating ko sa pwesto ko sa palengke ay naabutan ko si Dindi at Bongie. Mukhang nagkakainitan nanaman ang dalawa. 

"Hoy, hoy, hoy. Ibaba mo ang mga isda ko. Huwag niyong idamay sa away niyo. Ayaw kong malugi." awat ko sa kanila. Hawak-hawak ni Dindi ang paninda kong bangus  at mukhang may balak pa siyang ipokpok ito sa ulo ni Bongie. Si Bongie naman na hindi maawat-awat ang bunganga sa pagsasalita at iwinawasiwas pa ang stick ko na pantaboy ng langaw sa mukha ni Dindi na para bang isang langaw si Dindi na tinataboy niya. 

Nagtitinginan ang mga tao sa paligid at may iba pang kumukuha ng video. Napakamot nalang ako sa noo ko dahil sa inis. 

Sinubukan ko silang awatin pero ako lang ang nakakatangap ng palo nila. Buti nalang at binaba na ni Dindi ang bangus ko. 

Asan na ba kasi si Marinda?! Hindi ko maaawat ang dalawang 'to!

"Tumigil ka! hindi ko kailangan ng opinyon mo duwendeng bansot.!" nanlaki ang mata ko sa lumabas sa bibig ni Bongie. Natigil din si Dindi sa pag-abot kay Bongie at maging si Bongie ay natigilan din sa lumabas sa bibig niya. 

Nagsimulang magbulungan ang mga tao sa paligid. Pinanlakihan ko ng mata si Bongie, napalunok siyang napatingin sa paligid. 

"Ang liit-liit mo! Mukha kang duwende! tignan mo nga yang mga kamay mo! ang liit-liit oh! hindi mo nga ako abot oh!" tinaas ni Bongie ang kamay niya at parang inungusan si Dindi. Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ang mahinang tawanan ng mga tao sa paligid na nakikichismis. Mas mataas si Bongie kumpara kay Dindi kaya katanggap - tanggap naman ang naging palusot nito.

Tahimik lang kaming naglalakad pauwi sa kanya - kanya naming bahay. Walang nagsasalita ni isa sa amin. Sinubukan kong tanungin kung ano bang pinag-aawayan nila pero walang nagsasalita sa kanila. Hindi ko nalang pinilit at baka mas lumala pa. 

Bago pa kami naghiwa-hiwalay ay nagsalita si Dindi, "Tasya, magpapahinga muna ako bukas." pagpapaalam niya. Wala itong ganang nagsalita. Tumango na lang ako at nagpasalamat bago siya umalis.

Nauna ng naglakad paalis si Dindi papauwi sa kanila. Naiwan kami ni Bongie. Bumuntong hininga si Bongie bago magsalita. "Pasensya kana Tasya. Nadala lang ako sa emosyon ko kanina. A-ano, papahinga na lang 'din siguro ako bukas. Okay lang ba? pasensya na talaga." tumango ako at ngumiti kay Bongie para iparating sa kanya na ayos lang at naiintindihan ko. 

"Ayos lang! ano ka ba. Salamat sa inyo Bongie ha at sana maayos na 'yang hindi niyo pagkakaunawaan. Pahupain mo lang, nabigla lang din 'yong si Dindi. Pag-usapan niyo lang ng masinsinan." I tapped her shoulder and give her a warm smile. Malungkot itong ngumite pabalik at umalis na 'rin. 

Pagdating ko sa bahay ay wala akong naabutan ni isa sa kanila. May iniwan lang na note si Inay. Ibinalik ko sa kinalalagyan ang dahon ng saging na siyang ginawang papel nila Inay para iwan sa akin ang mensahe na mangangalap muna sila ng mga halaman ngayong gabi. 

Kinuha ko ang phone ko - este ni Vin nang tumunog ito. 

From: Vin

Free tonight? 

Agad akong nagtipa ng ma-erereply. Talaga bang may load ito?.

To: Vin

Hindi. Busy.

Pagkaclick ko ng sent button ay nasent nga ito!. Hanep, may load nga. Binuksan ko na ang kwarto ko. Magbibihis na sana ako nang biglang bumukas ang bintana. Gulat akong napatingin sa kung sino ito, 

"S-Senyorito!' gulat kong bulalas. 

Kakareply ko lang sa kanya na hindi ako free tonight ah?

______________

Stay safe and healthy! 😊

💛👀🍭

Related chapters

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 10

    Nakasimangot ko siyang pinagmamasdan, kanina pa siya nakadekwatro at tulalang nakatanaw sa kawalan. Parang ang lalim - lalim ng iniisip niya, sa lalim hindi ko na masisid. Kanina ko pa siya sinusubukang tawagin pero nakatanga lang siya at para bang hindi ako naririnig. Nagbuntong hininga ako at tumayo na. Nilapitan ko siya at bahagyang tinapik. Wala sa sarili siyang lumingon sa akin. Ang ulo lang nito ang ginalaw at pinanatili ang posisyon nito. "Senyorito!, kanina ka pa tinatawag eh. Ano ba kasing pag-uusapan natin ngayon?" "Ewan," hindi sigurado nitong sagot. Agad akong napalingon sa kanya, hindi makapaniwala sa sinabi. "Hindi mo alam? eh bakit ka pa nagpunta dito kung hindi ka rin naman pala sigurado sa sasabihin mo." napairap ako. "May pa 'we'll discuss something' ka pang nalalaman." tumikhim ako at pinalalim ang boses para gayahin ang sinabi niya kanina. Sinamaan niya ako ng tingin kaya napaayos ako ng tayo.

    Last Updated : 2021-08-18
  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 11

    "Hoy, ikaw magbayad ah." saad ko bago kumagat sa fresh lumpia, syempre libre ni Caloy. "Salamat!" malapad akong ngumiti sa kanya, hindi pinapakita ang ipin dahil ngumunguya pa ako. Nakasimangot naman siyang tumango sa akin. "Napipilitan ka? bakit? ako ba nagsabing ilibre mo ako?" pang-aasar ko pa sa kanya. Nasa canteen kami ngayon, kumakain siya ng nilagang baka. Gutom na daw siya pero hindi siya makapunta ng canteen dahil may bumubuntot sa kanya na mortal. Sinabi ko ngang pabayaan niya na lang pero ang asong gala hinila na lang ako basta at ginawang panangga. Natatakot daw siya, baka sa pagkainis niya eh makain niya ng wala sa oras. Ngumiti ako ng pagkatamis tamis nang mamataan ko ang mortal na buntot ng buntot kay Caloy, kakapasok lang sa canteen. Palinga-linga ito at parang may hinahanap. pagkadako sa direksyon namin ng paningin niya ay otomatiko kong inabot ang braso ni Caloy at hinaplos ito. Sinikap kong magmukhang nilalandi ko

    Last Updated : 2021-08-19
  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 12

    Hindi ako buntis, malabo. Sa halos dalawang dekada kong pananatili sa mundong 'to. Alam kong pareho lang ang proseso ng mga mortal sa proseso para sa amin para magdalang tao ang mga tulad namin. Birhen pa ako sa pagkaka-alala ko. Nakakatawa mang gamitin ang salitang iyan para iugnay sa akin na halos dalawang daan ng namamalagi sa mundo ng mga mortal, pero totoo. Sa sobrang higpit ni Impo, Bakuran at bahay lang ang napuntahan ko sa loob ng isa't kalahating dekada, maliban sa buwanang pagtitipon ay wala na akong ibang napuntahan pa. Hindi 'din naman nila ako sinasama sa gubat para mangalap ng sangkap. Kaya imposible... pwera na lang kung... napatingin ako kay Senyorito na seryoso lang nagmamaneho, nakatuon ang buang atensyon sa daan. Hindi kaya... napahawak ako sa katawan

    Last Updated : 2021-08-19
  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 13

    Hindi siya nagsalita pagkatapos kong sabihin iyon. Para isalba ang sarili ko ay dali-dali akong bumaba sa kotse niya ng walang pasabi. He tried to call my name pero hindi na ako lumingon. Bahala na! Ano ba naman 'yun Tasya?! Tama bang magrequest pa ng isa pang kiss? gusto ko lang namang kumpirmahin ang tumatakbo sa isip ko. Makalipas ang ilang araw, kabilugan nanaman ng buwan, gabi nanaman ng pagtitipon. Isang buwan na 'rin pala ang nakakalipas simula ng gabing iyon. Sana naman walang mangyaring hindi kanais nais na ngayon. Nasa gitna na kami ng gubat, nakalipad na sila Inay at Tiya Lucia, kami nalang ni Impo ang nasa lupa. Hinihintay ni impo na paliparin ko ang walis tingting. Napanguso ako, napakamot sa ulo. Masama niya akong tinignan. "Huwag mong sabihing hanggang ngayon hindi mo pa 'rin alam kung pa'no paliparin ang la escoba?!" tumaas ang boses nito sa inis. Ngumisi ako ng nakakaloko. Nang hahampaasin na niya ako ng wali

    Last Updated : 2021-08-22
  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 14

    "Saan tayo pupunta?" naheherstirya kong tanong. Pumasok kami panandalian sa likod ng malaking kurtina. Pinasuot niya sa akin ang balabal niya. "Anong ginagawa mo? hindi 'to gumagana sa akin!" pabulong kong sigaw."Its actually working on you now." he said, a bit amused as he looked at me from the inside of his cloak. Pumasok din siya sa balabal at siya na ang humawak nito para magkasya kami. "Tumahimik ka na lang para walang makapansin.""Lets go," humakbang na siya pero nanatili parin akong nakatayo kaya naman hinawakan niya ang bewang ko at pwersahan akong pinalakad.Nakakatakot, baka makita kami. Nang tuluyan na kaming nakalabas ay hapit-hapit ko ang hininga ko, takot na baka may makarinig.Hinapit niya ako at mas lalong pinalapit sa kanya. Para na kaming magkadikit maglakad, pati paghakbang namin ay magkasabay. Nakakailang tuloy. "Huwag kang lumayo, hindi tayo magkakasya." he softly w

    Last Updated : 2021-08-26
  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 15

    "Try this one," binigay niya sa akin ang baso. Sumimangot ako. Kapag naman nakakainom ako ng dugo, wala akong kaalam-alam na dugo ang iniinom ko. Pero iba ngayon, alam na alam ko ang iniinom ko, dugo ng inahing manok. Bumuntong hininga ako ng malalim bago tinanggap ang baso. Tinitigan ko muna ang laman nito, hindi ko naman nakikita ang kulay nito dahil itim na baso ang pinaglagyan ni Vin. Nasa apartment niya kami. Yes, yung pinagdalhan niya sa akin nung akala niya isa akong duwende at ginawa niya pa akong detective niya. Ipahanap ba naman sa akin ang sarili ko? soul searching lang? wala naman akong soul. Pero hanggang ngayon hindi ko pa 'rin alam kung pa'no niya nalaman na ako at ang hinahanap niya ay iisa.

    Last Updated : 2021-09-12
  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 16

    Sabado at magkikita kami ni Vin, may pupuntahan daw kami. Madami pa akong paperworks na naiwan sa bahay pero bahala na. Mamayang gabi ko na lang gagawin yun. Nang makita ko ang kotse niya ay lumapit agad ako. Luminga linga pa ako para siguraduhin na walang makakita sa akin. Mahirap na no. Secret task ang ginagawa namin. Baka may makaalam na iba. "Saan tayo? iinom nanaman ba ako ng dugo?" pambungad ko sa kanya pagkapasok ko sa sasakyan niya. "No, we're actually going to the city." pinaandar na niya ang kotse, ako naman ay humanap ako ng komportableng pwesto, hindi naman masyadong malayo ang syudad. Sakto lang. Ano kayang gagawin namin do'n? Nakatulog a

    Last Updated : 2021-09-26
  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 17

    "Charlotta, salamat talaga ha. Lilipat 'din kami agad kapag naipatayo na ang bagong bahay namin." rinig kong saad ni Nanay kay Aling Charlotta. Nakatulala lang ako, mugto pa ang mata ko mula sa pag-iyak. May mga luha pa ngang kumakawala sa mata ko hanggang ngayon.Nakita ko. Nakita ko kung paano sinunug ni Impo ang mga gamit ko. Wala siyang tinira kahit isa. Wala akong magawa kun'di ang umiyak at magmakaawa na itira nila sa akin kahit man lang ang rhodondendron ko. Yun na lang ang natititira kong alaala sa kanya pero hindi ako pinakinggan ni Impo.Kahit ang phone na bigay ni Vin, kinuha niya at tinapon."Tasya, inom ka muna oh." umangat ang tingin ko kay Caloy. Nakatayo siya habang inaanot sa akin ang tubig. Kinuha ko ito at nagpasalamat.Tumabi siya sa akin, "Ayos na ang kwarto mo. Baka gusto mo ng magpahinga.""Natutulog na 'din ba sila Impo?" tumango siya. "Oo, pipapasok ka na nga daw eh.""Dito m

    Last Updated : 2021-10-01

Latest chapter

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 24

    "Pinapabigay po kay Madame Annastasya." otomatikong umangt ang tingin ko nang marinig ko ang pangalan ko. Pagtingin ko sa bukana ng silid ay may babaeng nakauniporme na may dalang tray na naglalaman ng pagkain. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa katulong sa mansyon na ito. "WoOw, kanino galing?" may bahid ng panunuksong saad ni Trice. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "Bawal pong sabihin." tanging saad lang ng babae. Tumayo na ako at kinuha ang tray. Nagpasalamat ako kay ate na nagdala ng pagkain pero ang sinagot niya sa akin ay, "Makakarating po." "Bigatin! Pinapadalhan!." patudsada ni Trice. May dala pang papilantik sa daliri habang sinasabi niya 'yan. "Gusto mo? Sabay na tayong maglunch." alok ko kay Trice pero umasim lang ang mukha niya nang makita ang mga pagkain sa tray. Puro gulay at masusustansyang pagkain lang kasi ang laman nito. "NO. Hindi ako kumakain

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 23

    "Ha? Ah oo! gabi na! uuwi na po ako Senyorito. Sige po, mauna na ako." natataranta kong saad. Ang kaninang masakit na balakang at namamaga kong pwet ay parang nawala na lang bigla. Medyo masakit pa, pero dahil madali lang namang maghilom ang mga sakit namin sa katawan, nagagawa ko na itong itayo pero hindi. Kailangan kong tumakbo!. Paika-ika akong naglakad papalabas ng opisina niya. "Tasya... Ayaw mo ba talaga sa akin?. I really want to pursue you but I can't do it without your permission." hindi ako nagpatinag sa mga sinasabi niya at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. "I love you Tasya. I don't know how this happened. But, I really do. I-I know this is forbidden. Two different clans can't be together. But I also don't want to let this feeling passed by without you knowing, without me doing anything." natigil ako sa paglalakad at hindi makapaniwalang napalingon sa kanya. "Mahal? Seryoso ka ba? Naririnig mo ba sarili mo? Alam

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 22

    "So, is he the reason?" natigil ako sa paglalakad nang may magsalita sa likod ko. I choose not to look back. Boses pa lang alam ko na kung sino. Pinagpatuloy ko ang paglalakad as if I heard nothing. Saktong pagkaliko ko ay may kamay na pumigil sa akin at naramdaman kong may kung anong tinakip sa bandang ulo ko. At tama nga ako, ang senyorito ito at ang balabal niya. "Annastasya, we need to talk." sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay ramdam ko ang hininga niya sa bawat pagbigkas niya sa mga salita. Kinikilabotan ako. "Senyorito, nasa gitna tayo ng selebrasyon. Baka may makakita sa atin." walang emosyon kong saad at pilit akong lumalayo sa kanya ng hindi lumalabas sa balabal. "I don't care. We need to clear things out, Tasya. Please." hindi ko mapigilang mapairap sa mga narinig ko sa kanya. "Well, I care.!" mahina ngunit puno ng emosyon kong saad. " Kung ikaw wala kang pake sa kung sino ang pwede

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 21

    "Trice, uuwi ka na?" sumandal ako sa pader, tinignan ko si Beatrice na busy kakascan ng papers. Napanguso ako. "Hindi pa. Mauna ka na. Medyo matatagalan pa ako. Kailangan to bukas eh." halata sa boses at mukha niya ang pagka taranta. Umupo ako sa harap niya at kumuha ng paper. Tutulungan ko na lang siya. "Hoy! ano ba!. Ako na to okay? umuwi ka na." kinuha niya ang papers na hawak ko at binalik sa dating kalagyan. Isa ito sa mga ayaw ko kay Trice. Hindi siya tumatanggap ng tulong. "Tulungan na kita. Ayaw ko pang umuwi eh." I insisted. Kinuha ko ulit ang papel pero pinigilan niya ako. "Annastasya..." mas lalong sumimangot ang mukha ko sa tono niya. Umismid ako at tumayo na lang. "Kung ayaw mong magpatulong edi sige, hihintayin na lang kita. Sa table ko lang ako." aalis na sana ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Nagpa-awa pa ako ng mukha nang humarap ako sa kanya. Akala ko papatulungin

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 20

    "What are you doing? Bakit ka nandito? Don't you have class?" sunod-sunod na tanong ni Vin. Pabalik na kami sa mansyon nila, pinapauna akong bumalik para ma-train na daw ni Beatrice. Kulang daw kasi ako sa training sabi ni Senyorito Vincent, paano namang hindi eh first day na first day ko ngayon. "Annastasya.." natigil ako sa paglalakad at nagbuntong hininga. "Nalaman ni Impo na nag-aaral ako kaya pinatigil na ako at eto, ginawa akong sekretarya ng papa mo." "What?" hindi makapaniwala niyang tanong. Peke lang akong ngumiti sa kanya. "Is that the reason why you suddenly disappeared? ni hindi man lang kita macontact." "Sorry, kasi kinuha ni Impo ang phone. Hindi ko alam kung anong ginawa niya, siguro sinama niya sa mga sinunug niyang gamit ko. Pwede po bang huhulug-hulugan ko na lang po?" nagpatuloy na ako sa paglalakad papalabas ng office nila. Punirarya pala nila iyong napasukan ko at nagkataong opisina ni Vin. Isa sa neg

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 19

    Bakit pakiramdam ko pinaparusahan ako ni Impo? Sa dinami rami ng pwede bakit ako pa?Talaga bang ayaw niya akong pagbigyan sa gusto ko? Bakit niya ako ikukulong sa responsibilidad na hindi ko naman gusto?"Impo, paki-usap ayaw ko po. Natatakot po ako sa Senyor." gusto niya akong maging sekretarya ng Senyor. Iyon pala ang tinutukoy ng Senyor na hindi ko alam at ang dahilan kung bakit sinama niya ako sa tahanan ng Senyor na hindi naman niya talaga ginagawa."Tumigil ka. Sa Senyor natatakot ka pero sa mga tao hindi? anong klaseng pag-iisip mayroon ka ha?!""Iba po ang Senyor at iba po ang mga tao, Impo." sinubukan kong depensahan ang sarili ko pero mas lalo lang siyang nagalit."Mas pinipili mo ang mga tao kesa sa mga kalahi mo? Mas gusto mo pa silang makasalamuha at pagsilbihan? Paano kapag nalaman nila ang totoong ikaw? Ha? Sa tingin mo ganyan ka pa 'rin nila ta-tratuhin?! Halimaw ka sa paningin nila.!""Bakit? Hindi p

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 18

    "Hi Ate Tasya," lumingon ako sa tumawag sa akin. Ngumiti ako ng makilala ko ang tumawag sa akin. "Hi Mira, magandang umago sa'yo!. Mag-aral ng mabuti." pagbati ko pabalik sa kanya. Isa siya sa mga naging kaibigan ko. Magdadalawang linggo na kaming nakatira dito sa kanila Caloy. Pinapayagan na 'din akong lumabas labas ni Impo pero mainit pa 'rin ang mata niya sa akin. "Pasok na po ako ate. Kita na lang tayo mamaya.!" paalam niya. I waved my hands as I said my good byes at her. Nasa highschool pa lang kasi siya at ang sa pagkakaalam niya eh magpinsan kami ni Caloy at magkasing-edad lang. Binuhat ko na ang balde ng tubig papasok sa kusina. Nag-igib lang kasi ako ng tubig sa may imbakan ng tubig nila Caloy sa labas nang makita ako ni Mira kaya medyo natagalan. "Sino 'yung kausap mo kanina?" tanong ni Impo, nasa labas ang tingin pagkapasok ko sa kusina. "Ah, kapitbahay lang po." "Mag-ayos ka ng sarili mo. May p

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 17

    "Charlotta, salamat talaga ha. Lilipat 'din kami agad kapag naipatayo na ang bagong bahay namin." rinig kong saad ni Nanay kay Aling Charlotta. Nakatulala lang ako, mugto pa ang mata ko mula sa pag-iyak. May mga luha pa ngang kumakawala sa mata ko hanggang ngayon.Nakita ko. Nakita ko kung paano sinunug ni Impo ang mga gamit ko. Wala siyang tinira kahit isa. Wala akong magawa kun'di ang umiyak at magmakaawa na itira nila sa akin kahit man lang ang rhodondendron ko. Yun na lang ang natititira kong alaala sa kanya pero hindi ako pinakinggan ni Impo.Kahit ang phone na bigay ni Vin, kinuha niya at tinapon."Tasya, inom ka muna oh." umangat ang tingin ko kay Caloy. Nakatayo siya habang inaanot sa akin ang tubig. Kinuha ko ito at nagpasalamat.Tumabi siya sa akin, "Ayos na ang kwarto mo. Baka gusto mo ng magpahinga.""Natutulog na 'din ba sila Impo?" tumango siya. "Oo, pipapasok ka na nga daw eh.""Dito m

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 16

    Sabado at magkikita kami ni Vin, may pupuntahan daw kami. Madami pa akong paperworks na naiwan sa bahay pero bahala na. Mamayang gabi ko na lang gagawin yun. Nang makita ko ang kotse niya ay lumapit agad ako. Luminga linga pa ako para siguraduhin na walang makakita sa akin. Mahirap na no. Secret task ang ginagawa namin. Baka may makaalam na iba. "Saan tayo? iinom nanaman ba ako ng dugo?" pambungad ko sa kanya pagkapasok ko sa sasakyan niya. "No, we're actually going to the city." pinaandar na niya ang kotse, ako naman ay humanap ako ng komportableng pwesto, hindi naman masyadong malayo ang syudad. Sakto lang. Ano kayang gagawin namin do'n? Nakatulog a

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status