Nakasimangot ko siyang pinagmamasdan, kanina pa siya nakadekwatro at tulalang nakatanaw sa kawalan. Parang ang lalim - lalim ng iniisip niya, sa lalim hindi ko na masisid.
Kanina ko pa siya sinusubukang tawagin pero nakatanga lang siya at para bang hindi ako naririnig. Nagbuntong hininga ako at tumayo na. Nilapitan ko siya at bahagyang tinapik.
Wala sa sarili siyang lumingon sa akin. Ang ulo lang nito ang ginalaw at pinanatili ang posisyon nito.
"Senyorito!, kanina ka pa tinatawag eh. Ano ba kasing pag-uusapan natin ngayon?"
"Ewan," hindi sigurado nitong sagot. Agad akong napalingon sa kanya, hindi makapaniwala sa sinabi.
"Hindi mo alam? eh bakit ka pa nagpunta dito kung hindi ka rin naman pala sigurado sa sasabihin mo." napairap ako. "May pa 'we'll discuss something' ka pang nalalaman." tumikhim ako at pinalalim ang boses para gayahin ang sinabi niya kanina. Sinamaan niya ako ng tingin kaya napaayos ako ng tayo.
"May klase pa ako bukas." pahayag ko para umalis na siya. Hindi pa rin siya umimik.
Napatigil ako sa pagsimangot at napanganga nang may mapagtanto. Kaya ba panay ang punta niya dito sa bahay, kaya ba binigyan niya ako ng phone at higit sa lahat, kaya ba niligtas niya ako sa gabing 'yon dahil... dahil..
"May gusto ka sa akin?!" hindi makapaniwala kong saad. Tinuro ko siya at pabalik sa sarili ko "Sa akin?!" I repeated, para marinig niya ng maayos.
Mas lalo namang lumalim ang kunot sa noo niya at parang sinasabi na nahihibang na ako. Nagbuntong hininga ako at ngumuso.
"Joke lang, 'to naman. Ano ba kasi 'yang gusto mong sabihin? 'yang kanina pa bumabagabag sa utak mo?." pagbawi ko sa sinabi ko, baka ako pa mapahiya.
"May bago ka bang something na na-discovered?" tinaas baba ko ang kilay ko at ngumisi. Tinignan niya lang ako na para bang sinasabi na walang sense mga pinagsasabi ko.
He heaved a deep sigh before talking, "Nung... nung ininom mo ang ..." hindi matapos tapos niyang saad. Napakunot ang noo ko at pilit iniintindi ang gusto niyang sabihin.
"Dugo?' pagtatapos ko sa gusto niyang sabihin. Nagdalawang isip muna siya bago tumango.
"What did you feel when you drunk the uh, blood?" alangan niyang tanong. Tinatantya ang magiging reaksyon ko.
Napairap muna ako bago sumagot. "Edi sumuka."
"The taste? is it sweet? or uhm what?"
"Wala, walang lasa." totoo naman. Kaya nga akala ko tubig lang eh kasi wala namang lasa. Wala ring amoy. "Wala ring amoy. Anong nilagay mo 'don?"
"Wala, Its fresh blood." mas naguluhan ang mukha nito. Napapikit ako at napalunok nang maalala ang mga kaganapan sa araw na iyon, huminga ako ng malalim para pakalmahim ang sarili.
"Ng tao?!' kinakabahan kong tanong. nandidiri.
"Silly. It's chickens blood." napatango naman ako. Buti naman, as much as possible ayaw kong kumain o uminom man lang ng kahit anong unhealthy. Sa pagkain na mga masusustansya na nga lang ako bumabawi dahil alam kong sira na ang pagpapahinga ko at siyempre dahil iyon sa Senyorito na walang ibang ginawa kundi bulabugin ang gabi ko.
"How do you feel now? wala ka bang kakaibang nararamdaman? wala ka bang gustong kainin?" napaisip ako, hmm kainin. Gutom ako, oo, pero wala akong maisip na gustong kainin.
Napaatras ako nang bigla siyang tumayo. Ngayon ko lang napagtanto na kanina pa pala ako nakatayo at namanhid na ang paa ko sa kakatayo.
"Anong ginagawa mo? lumayo ka nga." napapaatras ako sa tuwing humahakbang siya papalapit sa akin. Nang makalapit na nga siya ay bahagya ko siyang tinulak. Bigla niyang hinapit ang bewang ko upang pigilan ako sa pag-atras. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at hindi ko mapigilang maconcious. Ang... ang lapit ng mukha niya.
Nagpalit na ako ng anyo bilang witch kaya alam kong hindi kaaya-aya ang pagmumukha ko ngayon. Hindi nakakawiling tignan kaya mas lalo akong nahiya.
Napalunok ako, nakakunot ang mukha akong pumikit. Naghahanda sa maari niyang gawin. Hahalikan niya ba ako? O di kaya kakagatin nanaman?.
Ilang segundo pa akong naghintay sa susunod na gagawin pero walang nangyari. Maya maya pa ay narinig ko ang mahina niyang tawa. Nahihiya akong nagmulat ng mata habang siya ay natatawa sa itsura ko. Ang lapit parin ng mukha namin dahil hindi niya parin binibitawan ang bewang ko.
"Stay still, Tasya. I won't kiss you." he scoffed. "Asa,"
Napairap ako sa sinabi niya. Edi huwag! sinabi ko bang halikan mo ako?
Bumaba ang tingin niya sa bandang tiyan ko, nakabistida lang ako pangtulog. Napaigking ako nang bigla niyang hawakan ang tiyan ko. Lalayo na sana ako pero mas hinigpitan niya ang kapit sa bewang ko. He moved his hands around my tummy, para bang dinadama niya ang laman nito. Hindi pa siya nakontento, yumuko siya at nilagay ang kaliwang pisnge niya sa tiyan ko, tenga rather dahil parang may pinakikinggan siya sa tiyan ko.
Napakunot ang noo ko, naka awang ang bibig ko habang pinagmamasdan siya. Hindi makapaniwala sa ginagawa ng Senyorito. Anong tingin niya sa akin buntis?!
Nagmukha tuloy kaming mag-asawa na excited sa magiging anak namin kaya wala pa namang baby bump eh panay ang pakinig niya sa bata sa loob ng tiyan ko. Eh ang kaso, wala namang bata 'yan eh! tae lang laman niyan!.
Umatras na ako dahil ang awkward ng posisyon namin. Umayos narin siya ng tayo at nakangusong nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko. "Bakit?" I raised my brows, nanghahamon na ako ng away. Violation of personal space ang ginawa niya no! and I won't tolerate such act. choz lang.
"Are you sure you're not craving for something?" paniniguro niya. "Like blood?"
Peke akong tumawa sa tanong niya. Like blood?! ha! talaga bang iniisip niyang nagiging bampira na ako? no way! imposible yun.
"You know what I'm craving for, Senyorito?" I crossed my arms over my chest and plastered a playful smile.
"What? tell me." hindi makahintay niyang tanong.
"I'm craving for you..." I raised my brows up and down to tease him. He just scoffed and rolled his eyes before sitting.
"Asa. Hindi ako pumapatol sa mga witch." napasimangot ako sa sinabi nito at umupo nalang 'din ulit sa gilid ng kama ko. Hindi din ako pumapatol sa mga blood sucker!.
"My phone?" saad niya at nilahad ang palad sa akin, hinihingi ang phone niya. Kakaupo ko lang eh!. Padabog akong tumayo at naglakad palapit sa bag ko.
"Hindi daw pumapatol pero nakiinom ng dugo ko." mahina kong himutok habang hinahalungkat ang bag ko para kunin ang phone niya.
"Oh. Kukunin mo na?" binigay ko sa kanya ito. Kinuha niya naman at agad na kiinalikot ang phone niya. Hindi man lang sinagot ang tanong ko.
"Nagpahiram nga, hindi naman umabot ng isang araw." mahina kong bulong habang inaayos ang maliit kong kama. Napalingon naman siya sa akin at tinaasan ako ng kilay, tinatanong kung may sinasabi ba ako. Umiling lang ako at pumwesto na sa kama. Naghahanda na sa pagtulog.
Nakaupo ako at nakahilig sa headrest ng kama, natatabunan ng kumot ang kalahati ng katawan ko.
Wala sa sarili akong napatitig sa Senyorito. Napapangisi ito habang ini-iswipe ang phone. I tilted my head for a clearer view, nakayuko kasi ito habang kinakalikot ang phone.
At first glance, parang nakakatakot lapitan ang Senyorito. Para bang handa itong mangagat sa isang maling galaw mo lang pero as days passed by, iba't ibang ekspresyon ang nakikita ko hindi lang ang seryosong ekspresyon nito sa tuwing haharap sa maraming tao.
He has a rough features pero nawawala ito at umaamo ang mukha niya lalo na kapag ganito, yung nakangiti lang siya at parang walang gustong patunayan. He has thick eyebrows at lagi pa itong nakakunot along with his forehead, yun ang pinakauna mong mapapansin sa mukha niya kaya masasabi mong ang sungit ng mukha niya. Taliwas ito sa maamo niyang mga mata. He has this perfectly carved set of almond eyes, hindi man mataas ang mga pilikmata nito pero sakto lang para mas magmukhang maganda ang mukha niya. Matangos 'din ang ilong niya pero hindi 'sing tangos ng sa akin. And his lips, ang kinaiingitan kong mapupulang labi niya.
Overall, if I rate him siguro mga nasa eight out ten. Pasado naman siya sa mga type ko pero ang hindi ko lang gusto ay ang balat niya, sobrang puti. Ayaw ko sa mga mapuputi, mas gusto ko yung mga moreno.
Agad akong napaiwas ng tingin nang umangat ang mukha ng Senyorito. Nagkunwari akong abala sa kakatingin sa kabinet ko, ngayon ko lang napansin, medyo luma na pala ang kabinet ko. Papapalitan ko na 'to kay Impo.
Mula sa peripheral vision ko ay tumayo si Senyorito at papalapit ito sa akin. Nahugot ko ang hininga ko nang huminto si Senyorito sa gilid ng kama ko.
"Here," napalingon ako sa kanya nang magsalita siya. Tinignan ko ang phone na binibigay nanaman niya sa akin.
"B-bakit?" napakurap ako, nakatingin lang ako sa phone na nasa harap ko. Hindi ko pa 'rin tinatanggap. Baka bawiin na naman niya, mapahiya pa ako.
"You can have it now, I'm just checking it if you're texting someone." nang hindi ko parin ito tinatanggap ay mahina niya itong binato papunta sa mga hita ko.
"I'm going now, bye." naglakad na siya papunta sa bintana, nilingon niya muna ako bago lumabas. Naiwan nanamang nakabukas ang bintana. Tinatamad na akong tumayo kaya gumamit nalang ako ng spell to closed the window.
Ah, life is so much better with my spells. Bakit ba ang tamad kong mag-aral ng spells noon. Wala siguro ako sa sitwasyong ito ngayon kung mas naging masigasig lang akong pag-aralan ang mga spells. Nalabanan ko siguro ang mga tikbalang at kapre na 'yon at baka magantimpalaan pa sana ako ng Senyor.
Pasara na sana ang mga mata ko nang tumunog ang phone.
From: Vin
Just text or call me if your craving for something. Kapag may naramdaman kang kakaiba, sabihan mo kaagad ako.
Tinatamad man ay nagawa ko parin itong replyan.
To: Vin
Bakit? cravings eh para sa mga taong buntis lang naman 'yan eh. Hindi ako tao at mas lalo namang hindi ako buntis tsaka maka-asta ka hindi naman kita asawa.
I clicked the sent button. Naghintay pa ako ng ilang minuto sa irereply niya pero walang dumating. Inayos ko na ang pagkakahiga ko at ready ng matulog nang tumunog ang phone ko.
Ang bagal naman magreply nito. Kahit nakahiga ay binasa ko ito.
Wala sa sarili akong napaupo at paulit-ulit binasa ang reply niya. Iniintindi ang ibig niyang sabihin.
From: Vin
Yeah, maybe. I don't know. We'll see. Matulog kana.
Nagreply ako kung anong ibig niyang sabihin pero hindi na niya ako pinapansin. Hindi na ako makatulog!.
Saan sa mga tanong ko ang pwedeng sagutin ng 'Yeah, maybe at I don't know?!'
___________
💛👀🍭
Hi guys! I hope you have fun while reading "The Witch has Fallen"! Can you guys please leave a comment? haha let me hear your thoughts about this, pretty please? :>
"Hoy, ikaw magbayad ah." saad ko bago kumagat sa fresh lumpia, syempre libre ni Caloy. "Salamat!" malapad akong ngumiti sa kanya, hindi pinapakita ang ipin dahil ngumunguya pa ako. Nakasimangot naman siyang tumango sa akin. "Napipilitan ka? bakit? ako ba nagsabing ilibre mo ako?" pang-aasar ko pa sa kanya. Nasa canteen kami ngayon, kumakain siya ng nilagang baka. Gutom na daw siya pero hindi siya makapunta ng canteen dahil may bumubuntot sa kanya na mortal. Sinabi ko ngang pabayaan niya na lang pero ang asong gala hinila na lang ako basta at ginawang panangga. Natatakot daw siya, baka sa pagkainis niya eh makain niya ng wala sa oras. Ngumiti ako ng pagkatamis tamis nang mamataan ko ang mortal na buntot ng buntot kay Caloy, kakapasok lang sa canteen. Palinga-linga ito at parang may hinahanap. pagkadako sa direksyon namin ng paningin niya ay otomatiko kong inabot ang braso ni Caloy at hinaplos ito. Sinikap kong magmukhang nilalandi ko
Hindi ako buntis, malabo. Sa halos dalawang dekada kong pananatili sa mundong 'to. Alam kong pareho lang ang proseso ng mga mortal sa proseso para sa amin para magdalang tao ang mga tulad namin. Birhen pa ako sa pagkaka-alala ko. Nakakatawa mang gamitin ang salitang iyan para iugnay sa akin na halos dalawang daan ng namamalagi sa mundo ng mga mortal, pero totoo. Sa sobrang higpit ni Impo, Bakuran at bahay lang ang napuntahan ko sa loob ng isa't kalahating dekada, maliban sa buwanang pagtitipon ay wala na akong ibang napuntahan pa. Hindi 'din naman nila ako sinasama sa gubat para mangalap ng sangkap. Kaya imposible... pwera na lang kung... napatingin ako kay Senyorito na seryoso lang nagmamaneho, nakatuon ang buang atensyon sa daan. Hindi kaya... napahawak ako sa katawan
Hindi siya nagsalita pagkatapos kong sabihin iyon. Para isalba ang sarili ko ay dali-dali akong bumaba sa kotse niya ng walang pasabi. He tried to call my name pero hindi na ako lumingon. Bahala na! Ano ba naman 'yun Tasya?! Tama bang magrequest pa ng isa pang kiss? gusto ko lang namang kumpirmahin ang tumatakbo sa isip ko. Makalipas ang ilang araw, kabilugan nanaman ng buwan, gabi nanaman ng pagtitipon. Isang buwan na 'rin pala ang nakakalipas simula ng gabing iyon. Sana naman walang mangyaring hindi kanais nais na ngayon. Nasa gitna na kami ng gubat, nakalipad na sila Inay at Tiya Lucia, kami nalang ni Impo ang nasa lupa. Hinihintay ni impo na paliparin ko ang walis tingting. Napanguso ako, napakamot sa ulo. Masama niya akong tinignan. "Huwag mong sabihing hanggang ngayon hindi mo pa 'rin alam kung pa'no paliparin ang la escoba?!" tumaas ang boses nito sa inis. Ngumisi ako ng nakakaloko. Nang hahampaasin na niya ako ng wali
"Saan tayo pupunta?" naheherstirya kong tanong. Pumasok kami panandalian sa likod ng malaking kurtina. Pinasuot niya sa akin ang balabal niya. "Anong ginagawa mo? hindi 'to gumagana sa akin!" pabulong kong sigaw."Its actually working on you now." he said, a bit amused as he looked at me from the inside of his cloak. Pumasok din siya sa balabal at siya na ang humawak nito para magkasya kami. "Tumahimik ka na lang para walang makapansin.""Lets go," humakbang na siya pero nanatili parin akong nakatayo kaya naman hinawakan niya ang bewang ko at pwersahan akong pinalakad.Nakakatakot, baka makita kami. Nang tuluyan na kaming nakalabas ay hapit-hapit ko ang hininga ko, takot na baka may makarinig.Hinapit niya ako at mas lalong pinalapit sa kanya. Para na kaming magkadikit maglakad, pati paghakbang namin ay magkasabay. Nakakailang tuloy. "Huwag kang lumayo, hindi tayo magkakasya." he softly w
"Try this one," binigay niya sa akin ang baso. Sumimangot ako. Kapag naman nakakainom ako ng dugo, wala akong kaalam-alam na dugo ang iniinom ko. Pero iba ngayon, alam na alam ko ang iniinom ko, dugo ng inahing manok. Bumuntong hininga ako ng malalim bago tinanggap ang baso. Tinitigan ko muna ang laman nito, hindi ko naman nakikita ang kulay nito dahil itim na baso ang pinaglagyan ni Vin. Nasa apartment niya kami. Yes, yung pinagdalhan niya sa akin nung akala niya isa akong duwende at ginawa niya pa akong detective niya. Ipahanap ba naman sa akin ang sarili ko? soul searching lang? wala naman akong soul. Pero hanggang ngayon hindi ko pa 'rin alam kung pa'no niya nalaman na ako at ang hinahanap niya ay iisa.
Sabado at magkikita kami ni Vin, may pupuntahan daw kami. Madami pa akong paperworks na naiwan sa bahay pero bahala na. Mamayang gabi ko na lang gagawin yun. Nang makita ko ang kotse niya ay lumapit agad ako. Luminga linga pa ako para siguraduhin na walang makakita sa akin. Mahirap na no. Secret task ang ginagawa namin. Baka may makaalam na iba. "Saan tayo? iinom nanaman ba ako ng dugo?" pambungad ko sa kanya pagkapasok ko sa sasakyan niya. "No, we're actually going to the city." pinaandar na niya ang kotse, ako naman ay humanap ako ng komportableng pwesto, hindi naman masyadong malayo ang syudad. Sakto lang. Ano kayang gagawin namin do'n? Nakatulog a
"Charlotta, salamat talaga ha. Lilipat 'din kami agad kapag naipatayo na ang bagong bahay namin." rinig kong saad ni Nanay kay Aling Charlotta. Nakatulala lang ako, mugto pa ang mata ko mula sa pag-iyak. May mga luha pa ngang kumakawala sa mata ko hanggang ngayon.Nakita ko. Nakita ko kung paano sinunug ni Impo ang mga gamit ko. Wala siyang tinira kahit isa. Wala akong magawa kun'di ang umiyak at magmakaawa na itira nila sa akin kahit man lang ang rhodondendron ko. Yun na lang ang natititira kong alaala sa kanya pero hindi ako pinakinggan ni Impo.Kahit ang phone na bigay ni Vin, kinuha niya at tinapon."Tasya, inom ka muna oh." umangat ang tingin ko kay Caloy. Nakatayo siya habang inaanot sa akin ang tubig. Kinuha ko ito at nagpasalamat.Tumabi siya sa akin, "Ayos na ang kwarto mo. Baka gusto mo ng magpahinga.""Natutulog na 'din ba sila Impo?" tumango siya. "Oo, pipapasok ka na nga daw eh.""Dito m
"Hi Ate Tasya," lumingon ako sa tumawag sa akin. Ngumiti ako ng makilala ko ang tumawag sa akin. "Hi Mira, magandang umago sa'yo!. Mag-aral ng mabuti." pagbati ko pabalik sa kanya. Isa siya sa mga naging kaibigan ko. Magdadalawang linggo na kaming nakatira dito sa kanila Caloy. Pinapayagan na 'din akong lumabas labas ni Impo pero mainit pa 'rin ang mata niya sa akin. "Pasok na po ako ate. Kita na lang tayo mamaya.!" paalam niya. I waved my hands as I said my good byes at her. Nasa highschool pa lang kasi siya at ang sa pagkakaalam niya eh magpinsan kami ni Caloy at magkasing-edad lang. Binuhat ko na ang balde ng tubig papasok sa kusina. Nag-igib lang kasi ako ng tubig sa may imbakan ng tubig nila Caloy sa labas nang makita ako ni Mira kaya medyo natagalan. "Sino 'yung kausap mo kanina?" tanong ni Impo, nasa labas ang tingin pagkapasok ko sa kusina. "Ah, kapitbahay lang po." "Mag-ayos ka ng sarili mo. May p
"Pinapabigay po kay Madame Annastasya." otomatikong umangt ang tingin ko nang marinig ko ang pangalan ko. Pagtingin ko sa bukana ng silid ay may babaeng nakauniporme na may dalang tray na naglalaman ng pagkain. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa katulong sa mansyon na ito. "WoOw, kanino galing?" may bahid ng panunuksong saad ni Trice. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "Bawal pong sabihin." tanging saad lang ng babae. Tumayo na ako at kinuha ang tray. Nagpasalamat ako kay ate na nagdala ng pagkain pero ang sinagot niya sa akin ay, "Makakarating po." "Bigatin! Pinapadalhan!." patudsada ni Trice. May dala pang papilantik sa daliri habang sinasabi niya 'yan. "Gusto mo? Sabay na tayong maglunch." alok ko kay Trice pero umasim lang ang mukha niya nang makita ang mga pagkain sa tray. Puro gulay at masusustansyang pagkain lang kasi ang laman nito. "NO. Hindi ako kumakain
"Ha? Ah oo! gabi na! uuwi na po ako Senyorito. Sige po, mauna na ako." natataranta kong saad. Ang kaninang masakit na balakang at namamaga kong pwet ay parang nawala na lang bigla. Medyo masakit pa, pero dahil madali lang namang maghilom ang mga sakit namin sa katawan, nagagawa ko na itong itayo pero hindi. Kailangan kong tumakbo!. Paika-ika akong naglakad papalabas ng opisina niya. "Tasya... Ayaw mo ba talaga sa akin?. I really want to pursue you but I can't do it without your permission." hindi ako nagpatinag sa mga sinasabi niya at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. "I love you Tasya. I don't know how this happened. But, I really do. I-I know this is forbidden. Two different clans can't be together. But I also don't want to let this feeling passed by without you knowing, without me doing anything." natigil ako sa paglalakad at hindi makapaniwalang napalingon sa kanya. "Mahal? Seryoso ka ba? Naririnig mo ba sarili mo? Alam
"So, is he the reason?" natigil ako sa paglalakad nang may magsalita sa likod ko. I choose not to look back. Boses pa lang alam ko na kung sino. Pinagpatuloy ko ang paglalakad as if I heard nothing. Saktong pagkaliko ko ay may kamay na pumigil sa akin at naramdaman kong may kung anong tinakip sa bandang ulo ko. At tama nga ako, ang senyorito ito at ang balabal niya. "Annastasya, we need to talk." sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay ramdam ko ang hininga niya sa bawat pagbigkas niya sa mga salita. Kinikilabotan ako. "Senyorito, nasa gitna tayo ng selebrasyon. Baka may makakita sa atin." walang emosyon kong saad at pilit akong lumalayo sa kanya ng hindi lumalabas sa balabal. "I don't care. We need to clear things out, Tasya. Please." hindi ko mapigilang mapairap sa mga narinig ko sa kanya. "Well, I care.!" mahina ngunit puno ng emosyon kong saad. " Kung ikaw wala kang pake sa kung sino ang pwede
"Trice, uuwi ka na?" sumandal ako sa pader, tinignan ko si Beatrice na busy kakascan ng papers. Napanguso ako. "Hindi pa. Mauna ka na. Medyo matatagalan pa ako. Kailangan to bukas eh." halata sa boses at mukha niya ang pagka taranta. Umupo ako sa harap niya at kumuha ng paper. Tutulungan ko na lang siya. "Hoy! ano ba!. Ako na to okay? umuwi ka na." kinuha niya ang papers na hawak ko at binalik sa dating kalagyan. Isa ito sa mga ayaw ko kay Trice. Hindi siya tumatanggap ng tulong. "Tulungan na kita. Ayaw ko pang umuwi eh." I insisted. Kinuha ko ulit ang papel pero pinigilan niya ako. "Annastasya..." mas lalong sumimangot ang mukha ko sa tono niya. Umismid ako at tumayo na lang. "Kung ayaw mong magpatulong edi sige, hihintayin na lang kita. Sa table ko lang ako." aalis na sana ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Nagpa-awa pa ako ng mukha nang humarap ako sa kanya. Akala ko papatulungin
"What are you doing? Bakit ka nandito? Don't you have class?" sunod-sunod na tanong ni Vin. Pabalik na kami sa mansyon nila, pinapauna akong bumalik para ma-train na daw ni Beatrice. Kulang daw kasi ako sa training sabi ni Senyorito Vincent, paano namang hindi eh first day na first day ko ngayon. "Annastasya.." natigil ako sa paglalakad at nagbuntong hininga. "Nalaman ni Impo na nag-aaral ako kaya pinatigil na ako at eto, ginawa akong sekretarya ng papa mo." "What?" hindi makapaniwala niyang tanong. Peke lang akong ngumiti sa kanya. "Is that the reason why you suddenly disappeared? ni hindi man lang kita macontact." "Sorry, kasi kinuha ni Impo ang phone. Hindi ko alam kung anong ginawa niya, siguro sinama niya sa mga sinunug niyang gamit ko. Pwede po bang huhulug-hulugan ko na lang po?" nagpatuloy na ako sa paglalakad papalabas ng office nila. Punirarya pala nila iyong napasukan ko at nagkataong opisina ni Vin. Isa sa neg
Bakit pakiramdam ko pinaparusahan ako ni Impo? Sa dinami rami ng pwede bakit ako pa?Talaga bang ayaw niya akong pagbigyan sa gusto ko? Bakit niya ako ikukulong sa responsibilidad na hindi ko naman gusto?"Impo, paki-usap ayaw ko po. Natatakot po ako sa Senyor." gusto niya akong maging sekretarya ng Senyor. Iyon pala ang tinutukoy ng Senyor na hindi ko alam at ang dahilan kung bakit sinama niya ako sa tahanan ng Senyor na hindi naman niya talaga ginagawa."Tumigil ka. Sa Senyor natatakot ka pero sa mga tao hindi? anong klaseng pag-iisip mayroon ka ha?!""Iba po ang Senyor at iba po ang mga tao, Impo." sinubukan kong depensahan ang sarili ko pero mas lalo lang siyang nagalit."Mas pinipili mo ang mga tao kesa sa mga kalahi mo? Mas gusto mo pa silang makasalamuha at pagsilbihan? Paano kapag nalaman nila ang totoong ikaw? Ha? Sa tingin mo ganyan ka pa 'rin nila ta-tratuhin?! Halimaw ka sa paningin nila.!""Bakit? Hindi p
"Hi Ate Tasya," lumingon ako sa tumawag sa akin. Ngumiti ako ng makilala ko ang tumawag sa akin. "Hi Mira, magandang umago sa'yo!. Mag-aral ng mabuti." pagbati ko pabalik sa kanya. Isa siya sa mga naging kaibigan ko. Magdadalawang linggo na kaming nakatira dito sa kanila Caloy. Pinapayagan na 'din akong lumabas labas ni Impo pero mainit pa 'rin ang mata niya sa akin. "Pasok na po ako ate. Kita na lang tayo mamaya.!" paalam niya. I waved my hands as I said my good byes at her. Nasa highschool pa lang kasi siya at ang sa pagkakaalam niya eh magpinsan kami ni Caloy at magkasing-edad lang. Binuhat ko na ang balde ng tubig papasok sa kusina. Nag-igib lang kasi ako ng tubig sa may imbakan ng tubig nila Caloy sa labas nang makita ako ni Mira kaya medyo natagalan. "Sino 'yung kausap mo kanina?" tanong ni Impo, nasa labas ang tingin pagkapasok ko sa kusina. "Ah, kapitbahay lang po." "Mag-ayos ka ng sarili mo. May p
"Charlotta, salamat talaga ha. Lilipat 'din kami agad kapag naipatayo na ang bagong bahay namin." rinig kong saad ni Nanay kay Aling Charlotta. Nakatulala lang ako, mugto pa ang mata ko mula sa pag-iyak. May mga luha pa ngang kumakawala sa mata ko hanggang ngayon.Nakita ko. Nakita ko kung paano sinunug ni Impo ang mga gamit ko. Wala siyang tinira kahit isa. Wala akong magawa kun'di ang umiyak at magmakaawa na itira nila sa akin kahit man lang ang rhodondendron ko. Yun na lang ang natititira kong alaala sa kanya pero hindi ako pinakinggan ni Impo.Kahit ang phone na bigay ni Vin, kinuha niya at tinapon."Tasya, inom ka muna oh." umangat ang tingin ko kay Caloy. Nakatayo siya habang inaanot sa akin ang tubig. Kinuha ko ito at nagpasalamat.Tumabi siya sa akin, "Ayos na ang kwarto mo. Baka gusto mo ng magpahinga.""Natutulog na 'din ba sila Impo?" tumango siya. "Oo, pipapasok ka na nga daw eh.""Dito m
Sabado at magkikita kami ni Vin, may pupuntahan daw kami. Madami pa akong paperworks na naiwan sa bahay pero bahala na. Mamayang gabi ko na lang gagawin yun. Nang makita ko ang kotse niya ay lumapit agad ako. Luminga linga pa ako para siguraduhin na walang makakita sa akin. Mahirap na no. Secret task ang ginagawa namin. Baka may makaalam na iba. "Saan tayo? iinom nanaman ba ako ng dugo?" pambungad ko sa kanya pagkapasok ko sa sasakyan niya. "No, we're actually going to the city." pinaandar na niya ang kotse, ako naman ay humanap ako ng komportableng pwesto, hindi naman masyadong malayo ang syudad. Sakto lang. Ano kayang gagawin namin do'n? Nakatulog a